Pag Sasa Lita

Embed Size (px)

DESCRIPTION

pagsasalita

Citation preview

Makrong Kasanayan: Pagsasalita

Makrong Kasanayan: PagsasalitaAng pagsasalitapagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan o mensahe sa pamamagitan ng berbal na paraan na ginagamit ang wika na may wastong tunog, tamang gramatika, malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.

Mga Pangangailangan sa Mabisang PagsasalitaKaalamanKasanayanTiwala sa sariliKaalamanUpang maging isang epektib natagapagsalita, kailangang may sapat kangkaalaman hinggil sa ibat ibang bagay.

Una, kailangang alam mo ang paksa ng isang usapan.Ikalawa, kailangang may sapat na kaalaman sa gramatika.Ikatlo, kailangang may sapat na kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sariling kultura at kultura ng iyong kausap.KasanayanAng pagsasalita ay isa sa apat namakrong kasanayan kung kayat ito ayisang kasanayang maaaring linangin.

Una, kailangang may sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon. (May mga sitwasyon kasing nangangailangan ng presence of mind.)Ikalawa, kailangang may sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, kumpas at iba pang anyong di-berbal.Ikatlo, kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa ibat ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.Tiwala sa SariliAng isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo.Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng tagapakinig o sa harap ng publiko.Mahihirapan silang papaniwalain ang ibang tao sa kanilang mensahe.Ang mga ganitong tao ay mahirap makaakit, makakumbinsi o makahikayat ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig.Kasangkapan sa PagsasalitaTinigBigkasTindigKumpasKilosTinigPinaka mahalagang puhunan sa isang nagsasalita.Kinakailangang ito ay mapanghikayat at nakakaakit talagang pakinggan.May mga sitwasyon na hindi nangangailangan ng malakas na tinig.Ano mang lakas o hina ng tinig, dapat ito ay angkop sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang nagsasalita.

BigkasKailangan malinaw ang pagbigkas ng mga salitaAng maling pagbigkas ay maaaring magdulot ng maling interpretastyon para sa mga tagapakinig.Maaari din maging katawa tawa ang salita kung mali ang pagbibigkas dito.

TindigDapat tumindig nang maginhawa at maluwag ang nagsasalita. Maging anyong kagalang-galang at maginoo. Tuwid ang katawan at ulo sa pag lakadHindi magiging kapani paniwala ang isang mambibigkas kung siyay parang nanghihina o kung siyay mukhang sakitin.Kailangan din niyang maging kalugud-lugod sa kanilang paningin upang siyay maging higit na mapanghikayat.

KumpasKung walang kumpas ang nagsasalita ay magmumukhang tood o robot.Ngunit ang pagkumpas ay kinakailangan maging angkop sa diwa o salitang binabanggit.Tandaan na ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan. Kung gayon ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng nagsasalitang binibigkas kasabay ng kumpas.Tandaan na kailangang maging natural ang kumpas.Kailangan iwasan ang pagiging mekanikal ng mga ito.Hindi rin maganda tignan ang labis nito.

KilosSa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaaring gumalaw.Mga mata, balikat, paa, at ulo. Ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita.Ang labis na paggalaw ay maaring makahilo o makagulo sa kausapSamantala, ang mabisang pagpapanatili ng pakikipagugnayan sa tagapakinig sa pamamagitan ng panuunan ng paningin ay maaaring makatulong sa kanya.

Katangian ng Mahusay na TagapagsalitaAt Takot sa Pagsasalita sa Harap ng MadlaKatangianMay maayos na personalidad, wastong pananamit at kagalang-galang na tindig.May layunin at lubos na kaalaman sa paksa na ibinabagay sa pinag-uukulan at sa okasyon.May matatag na damdamin at malawak na kaisipan.May kasanayan sa wika, retorika at balirala.

Takot sa Pagsasalita sa Harap ng MadlaMinsang sinabi ng dating Pangulo ng Amerika na si Franklin D. Roosevelt na walang dapat katakutan kundi ang takot mismo.Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa takot , kung gayon, ay ang pagharap, hindi ang pagtalikod dito.Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na XENOPHOBIA o STAGE FRIGHT . Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling gramar, maling bigkas, o masagwang tindig o postyur.

Ibat Ibang Dahilan ng Stage FrightTakot sa malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig.Di kaaya ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla.Damdaming kakulangan o isekyuriti bunga ng anyong pisikal tulad ng kabataan, kapayatan, di kaaya ayang mukha o kulay o di magandang postyur.Kakulangan o kawalan ng kahandaanKakulangan o kawalang ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

Paano maaayos ang Stage FrightMagkaroon ng positibong atityud. Isiping kayang mong magsalita sa harap ng madla.Magtiwala sa iyong sarili. Isiping mayroon kang mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa pagharap sa malalaking madla.Dumating nang maaga upang maging pamilyar sa lugar at mga taga pakinigMagdasal. Humingi ka ng lakas ng loob at dunong sa Poong Maykapal.

Kasanayan sa PagsasalitaMga Kasanayang Di- PormalMga Pormal na KasanayanKasanayang Di- PormalPakikipag-usapPagpapakilala sa sarili sa ibang taoPakikipag-usap sa teleponoPagbibigay ng reaksyon at panutoPagbibigay KomentoPakikipag-usapNagkakaroon ng palitan ng kaisipan, damdamin at pagpapalagayan ng loob ang mga taong sangkot sa usapan.Makatutulong upang magkaroon ng kakayahang umunuwa, bumuo ng mga palagay o hinuha sa kahulugan ng kilos ng kausap

Pagpapakilala sa sarili sa ibang taoPagpapakilala sa isang taong upang makapagpalagayang loobPakikipag-usap sa teleponoNagkakaroon ng palitan ng impormasyon at karanasan gamit ang teleponoPagbibigay ng reaksyon at panutoIsang paraang malinaw, simple, tiyak at madaling maunawaanNakatutulong ang mga senyas, oras, mapa, pananda at larawan upang maisagawa nang wasto at tama ang isang bagayNapadadali at napagagaan ang isang gawain kapag marunong tayong sumunod sa panuto at direksyonPagbibigay KomentoImpormal na kasanayan sa pagsasalitaKadalasang nangyayari ito pagkatapos manuod ng pelikula o di kaya ay pagkatapos makinig ng isang talakayan, seminar, lecture, forum at iba pa.Pormal na KasanayanMasining na pagkukuwentoPakikipagpanayamPangkatang TalakayanBalagtasanPagtatalumpatiMasining na PagkukuwentoPagkukuwento sa malikhaing paraanPakikipagpanayamo pangagalugad ng isang impormasyon ay isang paraaan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap-harapanUriIsahan o Indibidwal na pakikipanayamPangkatang PakikipanayamTiyakan at Di- Tiyakang PakikipanayamMasaklaw na pakikipanayamPangkatang TalakayanKinabibilangan ng maliit na pangkat ng tao upang sama-samang lutasin ang napapanahong suliranin o usapinNagpapalitan ng mga opinyon o kuro-kuro tungkol sa paksang pinaguusapanBalagtasan o Batituanuri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.PagtatalumpatiMaituturing na isang uri ng siningDito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay.

Dapat tandaan habang NagtatalumpatiTindig o PosturaGalaw o KilosTinigKasuotanBigkasMukhaKumpasUri ng TalumpatiImpromptu- Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita.Extempore- limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan.Isinaulong Talumpati- may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.Pagbasa sa sinulat na talumpati- may kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya.Bahagi ng TalumpatiPambungad o Panimula- inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensiyon ng madla.Katawan- nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.Pamimitawan o Wakas- ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.