4
PAG-UNAWA SA BINASA Pangalan: _____________________________________________ Panuto: Ang bawat isa sa sumusunod na seleksyon ay sinusundan ng mga tanong batay sa nilalaman ng seleksyon. Piliin ang pinakamahusay na sagot sa bawat tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. Ang Pilipinas ay nasa yugto ng pagpapaunlad. Kaya’t kailangan nito di lamang mga propesyonal kundi Lalo na ang mga sanay na bisig na tutuklas sa likas na kayamanan ng bansa at magpasigla sa mga industriya. Dahil ditto, ang mga araling bokasyonal ay binibigyang-diin sa Binagong Palatuntunan ng Pagtuturo sa mababa at mataas na paaralan. ____ 1. Ano ang higit na kailangan ng Pilipinas? a. Propesyonal b. Likas na kayamanan c. Sanay sa bisig d. Industriya e. Araling bokasyonal ____ 2. Ano ang binibigyang-diin sa mga paaralan? a. Araling bokasyonal b. Mababang paaralan c. Mataas na paaralan d. Mga propesyon e. Araling akademiko Likas sa tao ang pagnanais na makabatid ng nagaganap sa kanyang paligid. Siya’y nakiramdam, nagmatyag, nagtatanong at nag-uusisa. Sa madaling salita, siya’y nakikibalita. Ngababasa rin siya ng pahayagan, nakikinig sa radio at nanonood ng telebisyon upang makabalita. Ang kabatiran sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran ay nagpapaunlad sa kanyang isipan at nagdaragdag sa kanyang kaalaman. ____ 3. Ano ang likas na pagnanais ng tao? a. Nakikiramdam b. Nagmamatyag c. Nag-uusisa d. Nakikibalita e. Nagtatanong ____4. Ano ang nagaganap na kabatiran ng tao sa nagaganap sa kanyang kapaligiran? a. Nakabubuti ng pakiramdam b. Nakapagpapaunlad ng isipan c. Nakadaragdag sa katarungan d. Nakapagbigay ng kasiyahan e. Nakatutulong sa Gawain Ang mga kabataan ngayon ay nahaharap sa magkasalungat na kaisipan, mithiin at saloobing likha ng matuling agos ng pagbabago. Dahil dito, kinakailangang masanay sila sa matalinong pagpapasiya sapagkat donn nakasalalay ang kanilang kinabukasan. ____ 5. Ano ang dahilan ng pagkaroon ng kasalungat na kasipan at kalooban ng mga kabataan?

Pag-unawa sa Binasa.doc

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pagsasanay sa Filipino

Citation preview

Page 1: Pag-unawa sa Binasa.doc

PAG-UNAWA SA BINASA

Pangalan: _____________________________________________

Panuto: Ang bawat isa sa sumusunod na seleksyon ay sinusundan ng mga tanong batay sa nilalaman ng seleksyon. Piliin ang pinakamahusay na sagot sa bawat tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

Ang Pilipinas ay nasa yugto ng pagpapaunlad. Kaya’t kailangan nito di lamang mga propesyonal kundi Lalo na ang mga sanay na bisig na tutuklas sa likas na kayamanan ng bansa at magpasigla sa mga industriya. Dahil ditto, ang mga araling bokasyonal ay binibigyang-diin sa Binagong Palatuntunan ng Pagtuturo sa mababa at mataas na paaralan.

____ 1. Ano ang higit na kailangan ng Pilipinas?a. Propesyonalb. Likas na kayamananc. Sanay sa bisigd. Industriyae. Araling bokasyonal

____ 2. Ano ang binibigyang-diin sa mga paaralan?a. Araling bokasyonalb. Mababang paaralanc. Mataas na paaraland. Mga propesyone. Araling akademiko

Likas sa tao ang pagnanais na makabatid ng nagaganap sa kanyang paligid. Siya’y nakiramdam, nagmatyag, nagtatanong at nag-uusisa. Sa madaling salita, siya’y nakikibalita. Ngababasa rin siya ng pahayagan, nakikinig sa radio at nanonood ng telebisyon upang makabalita.

Ang kabatiran sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran ay nagpapaunlad sa kanyang isipan at nagdaragdag sa kanyang kaalaman.

____ 3. Ano ang likas na pagnanais ng tao?a. Nakikiramdamb. Nagmamatyagc. Nag-uusisad. Nakikibalitae. Nagtatanong

____4. Ano ang nagaganap na kabatiran ng tao sa nagaganap sa kanyang kapaligiran?a. Nakabubuti ng pakiramdamb. Nakapagpapaunlad ng isipanc. Nakadaragdag sa katarungand. Nakapagbigay ng kasiyahane. Nakatutulong sa Gawain

Ang mga kabataan ngayon ay nahaharap sa magkasalungat na kaisipan, mithiin at saloobing likha ng matuling agos ng pagbabago. Dahil dito, kinakailangang masanay sila sa matalinong pagpapasiya sapagkat donn nakasalalay ang kanilang kinabukasan.

____ 5. Ano ang dahilan ng pagkaroon ng kasalungat na kasipan at kalooban ng mga kabataan?a. Pagtutulunganb. Pagkakaisac. Pagbabagod. Pagbabagaye. Pagpapatotoo

____ 6. Saan dapat masanay ang mga kabataan?a. Mabuting pakikiswamab. Makabagong teknolohiyac. Pagpapaunlad ng sarilid. Pag-asa sa kinabukasane. Matalinong pagpapasiya

Page 2: Pag-unawa sa Binasa.doc

Talagang nais ni Jose na makapagpatuloy ng pag-aaral. Ngunit tuwing maririnig niya ang kanyang ina at ang ibang mga inang kasama niya na dumaraing dadil sa mabilis na pagtaas ng halaga ng mga bilihin, nakadarama siyang ng pangamba. Baka nga naman sa simula lamang siya maipagmatrikula at pagkatapos siya ay patigilin din.

____ 7. Ano ang mithiin ni Jose?a. Makarating sa ibang bansab. Yumamanc. Makapag-arald. Makapagnegosyoe. Manirahan sa palasyo

____ 8. Ano ang kanyang pangamba?a. Baka mawala ang kanyang inab. Baka tumaas ang matrikulac. Baka siya magkasakitd. Baka siya mapatigil sa pag-aarale. Baka siya bumagsak

May isang bagay na kaibig-ibig sa munti’t pangit na batang ito. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hinilingan ng gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umalis. Naglilibot muna siya sa buong silid upang pulutin ang mga naiwang panlinis. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon at nagsasabi ng “Goodbye, Teacher!”

____ 9. Paano mo mailalarawan ang hitsura ng bata?a. Munti at magandab. Pandak at pangitc. Maganda at matangkadd. Matangkad at pangite. Wala rito

____ 10. Paano mo mailalarawan ang pag-ugali ng bata?a. Malinis at matapangb. Masipag at magalangc. Masipag at mapagbigayd. Magalang at mapagpaumanhine. Masunurin at matapang

Ang paglagay sa tahimik ay pinaghahandaan. Ang mga may nais mag-asawa ay kinakailangang may kakayahang tumayo sa sarilijng mga paa. Sila’y handa nang magsarili at di na aasa pa sa iba. May kakayahan din silang maghandog ng magandang kinabukasan sa kanilang magiging anak. Nakasalalay ang tagumpay nila sa pagtanggap ng mga pananagutan at pagsasagawa ng mga tungkuling kasama nito.

____ 11. Ano ang higit na kinakailangan sa pag-aasawa?a. Pag-iisip sa magandang idudulot nitob. Paghahanda sa sarilic. Pagsuong dito kung kalian maisipand. Paglalaan ng salapie. Pagtatapat sa magulang

____ 12. Saan nakasalalay ang tagumpay ng pag-aasawa?a. Pagtanggap sa hinaharap na pamumuhayb. Pagiging relihiyosoc. Pagsunod sa prinsipyo ng “Family Planning”d. Pagsasagawa ng mga tungkulin sa pag-aasawae. Pagkakaroon ng maraming anak

Bawat tao’y nabibilang sa kanyang pamilyang naninirahan sa ilalim ng isang bubong. Siya’y may tungkulin at pananagutan bilang kasambuhay. Ang isang ulirang kasambuhay ay marunong makisama, makiisa at makilahok sa lahat ng mga Gawain o suliranin ng pamilya.

Kung ang ama ay siyang naghahanap-buhay at ina’y siyang nag-aaruga sa mga anak, ang mga anak naman ay inaasahang tumulong sa kanilang mga magulang.

____ 13. Ano ang tinatawag na pamilya?a. Pangkat ng mga taong naninirahan sa ilalim ng siang bubongb. Mga taong sama-samang nagsisimbac. Pangkat ng mga taong sabay-sabay sa pagkaind. Pangkat ng mga taong sumusunod sa tuntunine. Mga taong sabay-sabay sa pagpasok

Page 3: Pag-unawa sa Binasa.doc

____ 14. Ano ang tungkulin ng mabuting kasambahay?a. Nakikiayon sa sinabi ng nakatatandab. Nakikitungo sa mga kapatidc. Nakikilahik sa mga gawaind. Inaalagaan ang sarilie. Nag-aalaga ng may sakit na kasambahay

Buhay pa ang kanyang ama nang matapos niya ang unang taon ng pag-aaral sa pagkamanggagamot. Ang pagyao ng kanyang ama ay lumikha ng malaking dalamhati sa puso at isip ng kanyang ina, na naging masakitin. Mahina ang puso at walang lakas ang pag-iisip upang makipaglaban sa matitinding kalupitan ng tadhana. Ang ina ni Fidel ay walang kaya kundi lumuha at manalangin sa Diyos.

____ 15. Anong damdamin ang isinasaad sa talata?a. Katapangan at pananalig sa Diyosb. Dalamhati at kalungkutanc. Pagluha at pagtitiisd. Kahinaan ng loob at pag-iisipe. Lakas ng loob at pagtitiis

____ 16. Ano ang ipinahihiwatig ng huling pangungusap?a. Daanin sa pagluhab. Mahinang pag-iisipc. Pakikipaglaband. Kahinaan ng loobe. Pananalig sa Diyos

Ang alikabok na pumupuwing sa atin at nakap[agdudulot ng pagkainis at pagkapoot ay maitutulad sa mga taong hindi na nakatutulong sa mga mamayan ay nakukuha pang magsamantala sa mga ito. Ang mga halimbawa nila’y pinunongbayang nagsasamantala sa kanilang katungkulan; mga Pilipinong nakikisabwatan sa mga dayuhan sa ikasasama ng sambayanan; mga Pilipinong may isipang alipin tungkol sa sariling kalinangan, wika at sa pagka-Pilipino. Sila’y matatawag na “alikabok na nakakapuwing”ng sambayanan.

____17. Ano ang pinagtutulad ng talata?a. puwing at masamang taob. alikabok at taong mapagsamantalac. puwing at Pilipinod. alokabok at taoe. alikabok at punong-bayan

____18. Sino ang tinatawag na “alikabok na nakakapuwing” ng sambayanan?a. Pilipinong walang sariling kayamananb. Pinunong-bayang mapagsamantalac. Taong makadayuhand. Taong walang kalinangane. Pilipinong walang trabaho

Isang mag-anak na dati kong kapalagayang loo bang naisipan kong dalawin kahapon. Ang mag-anak na ito’y nakilala kong mariwasa at sadyang mayaman bago sumiklab ang himagsikan. Ngunit nang ako’y umakyat ngayon sa kanilang tahanan, nasaksihan ko ang paghihirap at paghihikahos na idinulot sa kanila ng malupit na digmaan. Subalit sa gitna ng kanilang pagtitiis, nakita ko sa kanilang mukha ang lubos na kasiyahan ng mga pusong marurunong sumunod sa atas ng tadhana; ng mga kaluluwang laang magpasan ng mabigat na krus at pagsubok ng Maykapal.

____ 19. Ano ang ipinahihiwatig ng talata?a. Ang buhay ay tulad ng isang gulongb. Ang kapalaran ay hawak ng taoc. Mahirap ang buhayd. Ang buhay ay isang pagtitiise. Ang Diyos ay nagbibigay ng pagsubok

____ 20. Ano ang iyong masasabi sa mag-anak na ito?a. Pinarusahan ng Diyosb. May mabigat na suliraninc. Marunong tumanggap ng kapalarand. Mabuting mag-anake. Mapagtiis sa hirap

Page 4: Pag-unawa sa Binasa.doc