20
Pagdalaw sa Banal na EUKARISTIYA UNANG BAHAGI 1. BAKIT AKO NARIRITO? Naririto ako, aking Panginoon at Hari, upang makapiling Mo, upang sariwain sa alaala ang dakilang misteryo ng pananampalataya: ang Iyong presensya, ang Iyong katawa’t dugo, ang Iyong kaluluwa’t pagka-Diyos na nasa banal na tinapay ng buhay. Maingat Mong ipanumbalik sa aking alaala kung paano ko maisasagawa ang aking pagdalaw bilang tugon sa Iyong paanyaya. Naririto ako upang sambahin Ka, Jesus, sa pamamagitan ng mga gawaing sumusibol sa pananampalataya, pag-asa at pag-ibig; upang ipahayag ang aking pagsisisi sa mga kasalanang nagawa; upang mabayaran ang mga kasalanan ng mundo; upang pasalamatan Ka sa Iyong mga pagpapala na madalas ay hindi ko binibigyang-pansin at nais ko ring iluhog sa Iyo ang aking mga pangangailangan, pangkaluluwa’t pangkatawan, gayundin ang mga pangangailangan ng lahat ng mahal ko sa buhay at ng mga humihiling sa aking panalangin. Lumalapit ako sa Iyo nang may buong pagtitiwala sa Iyong mga salitang: “ Humingi ka at ika’y bibigyan, humanap ka at ika’y makatatagpo, kumatok ka at ika’ bubuksan. Sapagkat ang humihingi ay tatanggap; ang humahanap ay makatatagpo; at ang kumakatok ay bubuksan”.

Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

Pagdalaw sa Banal na EUKARISTIYA

UNANG BAHAGI

1. BAKIT AKO NARIRITO?

Naririto ako, aking Panginoon at Hari, upang makapiling Mo, upang sariwain sa alaala ang dakilang misteryo ng pananampalataya: ang Iyong presensya, ang Iyong katawa’t dugo, ang Iyong kaluluwa’t pagka-Diyos na nasa banal na tinapay ng buhay. Maingat Mong ipanumbalik sa aking alaala kung paano ko maisasagawa ang aking pagdalaw bilang tugon sa Iyong paanyaya.

Naririto ako upang sambahin Ka, Jesus, sa pamamagitan ng mga gawaing sumusibol sa pananampalataya, pag-asa at pag-ibig; upang ipahayag ang aking pagsisisi sa mga kasalanang nagawa; upang mabayaran ang mga kasalanan ng mundo; upang pasalamatan Ka sa Iyong mga pagpapala na madalas ay hindi ko binibigyang-pansin at nais ko ring iluhog sa Iyo ang aking mga pangangailangan, pangkaluluwa’t pangkatawan, gayundin ang mga pangangailangan ng lahat ng mahal ko sa buhay at ng mga humihiling sa aking panalangin.

Lumalapit ako sa Iyo nang may buong pagtitiwala sa Iyong mga salitang: “ Humingi ka at ika’y bibigyan, humanap ka at ika’y makatatagpo, kumatok ka at ika’ bubuksan. Sapagkat ang humihingi ay tatanggap; ang humahanap ay makatatagpo; at ang kumakatok ay bubuksan”. Tulungan Mo ako, O masintahing Inang Maria, na gugulin ang mga sandaling ito sa isang tahimik na pananalangin sa piling ni Jesus.

12. MGA KAHILINGAN SA AKING PAGDALAW SA

KABANAL-BANALANG SAKRAMENTO

Page 2: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

Halina, Banal na Espiritu, puspusin Mo ang mga puso ng Iyong mga deboto at papagningasin Mo po sa kanila ang apoy ng Iyong walang hanggang pag-ibig. Pababain Mo , Panginoon, ang Iyong Espiritu at sila ay malilikha at papanibaguhin Mo ang daigdig.

MANALANGIN TAYO: O Diyos, na sa pamamagitan ng liwanag ng Banal na Espiritu ay naturuan Mo ang mga kaluluwa ng Iyong mga binyagan, ipagkaloob mo na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ring iyon, kami’y maging tunay na matalino at laging magalak sa Kanyang pag-aliw. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Hinihiling ko rin sa ating pinagpalang Ina, ang Birhen ng Banal na Sakramento, ang Templo ng Banal na Espiritu, na samahan ako sa aking pagdalaw sa Kanyang Banal na Anak. Hihilingin ko rin sa Kanya na siya’y makasama ko at tulungang mapunan ang aking mga pagkukulang. O Mahal kong Ina, masdan mo akong iyong anak na pinagkalooban ng biyayang gugulin ang oras na ito sa pananalangin sa harapan ng iyong pinakamamahal at banal na Anak. Humaharap ako sa iyo sa isang taimtim na panalangin upang ako’y tulungan at kalingain. Nang ika’y nabubuhay pa sa lupa at maging sa ngayong ika’y nasa langit na, ang kaligayahan mo’y ang laging pakikiisa sa Kanya. Tulungan mo ako upang lubos kong maiukol ang mga sandaling ito sa masintahin at mataimtim na panalangin, upang maiwaksi ang mga alalahaning

2gumagambala sa akin at upang humayong nag-aalab ang puso sa pag-ibig ni Hesus. Tanggapin mo ang mahina kong pag-iisip at pananalita ng pagsamba, ng pag-ibig at pagtitika. Gawin mong ang aking damdamin ay matulad sa iyo upang maging karapat-dapat sa paningin ng iyong banal na Anak. O Maria, aking Ina, aking Reyna ng Kabanal-banalang Sakramento, tulungan mo ako.

Page 3: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

Ako’y Iyong-iyo, O pinakamasintahing Jesus. Iniaalay ko sa Iyo ang lahat ng aking pag-aari sa pamamagitan ni Maria, ang banal Mong Ina. Ipakita mo sa akin ang iyong banal na Anak, O Maria. Nawa’y mahalin ko Siya tulad ng pagmamahal mo at pasiglahin mo ako upang mabuhay para sa Kanya lamang.

MANAHIMIK SUMANDALI – MAGNILAY – MANALANGIN

3. PANALANGIN NG PAGSAMBA

Jesus, aking Diyos, sinasamba Kita, naririyan Ka sa Kabanal-banalang Sakramento. Naghihintay Ka araw at gabi upang aming maging aliw habang hinihintay naming Makita Ka ng harap-harapan sa langit. Jesus, aking Diyos, sinasamba Kita sa lahat ng pook na nakalagak ang Banal na Sakramento at sa lahat ng dakong nilalapastangan ang Sakramento ng Pag-ibig na ito. Jesus, aking Diyos, sinasamba Kita sa lahat ng panahon, maging noong nakaraan, sa kasalukuyan o sa hinaharap. Sinasamba Kita sa bawat taong nilalang at lalalangin. Jesus, aking Diyos, na nagtiis ng gutom at ginaw, paggawa at pagod para sa amin, sinasamba Kita. Jesus, aking Diyos na alang-alang sa aking kapakanan ay nagtiis ng kahihiyan, ng tukso, ng kataksilan at pagtalikod ng mga kaibigan, ng paglait ng Iyong mga kaaway, sinasamba Kita. Jesus, aking Diyos na para sa aking kaligtasan at ng sangkatauhan ay walang awang ipinako sa krus at

3nabayubay ng tatlong oras sa mapait na paghihingalo, sinasamba Kita. Jesus, aking Diyos na dahil sa pag-ibig sa amin ay Iyong itinatag ang Kabanal-banalang Sakramentong ito, at iniaalay ang sarili araw-araw para sa mga kasalanan ng sangkatauhan, sinasamba Kita. Jesus, aking Diyos na sa Banal na pakikinabang ay nagging pagkain ng aking kaluluwa, sinasamba Kita. Jesus, ako’y nabubuhay nang dahil sa Iyo, ako’y mamamatay nang dahil sa Iyo. Jesus, ako’y Iyong-iyo sa buhay at kamatayan.

4. PANANAMPALATAYA

Page 4: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

O Kristo Jesus, Diyos at taong totoo, kaisa ng Ama sa kadakilaan at kapangyarihan, sumasampalataya ako nang buong pananalig at tinatanggap ko na Ika’y tunay na naririyan at nakatalaga sa Banal na Sakramento. Sapagkat Ikaw na Siyang katotohanan ay nagsabing: “ Ito ang aking katawan.”

5. PAG-ASA

O Diyos na aking pag-asa! Nagagalak ang aking puso sa pagtanggap sa Iyo sa Banal na Sakramento, sapagkat ako’y nagtitiwala na Ikaw na nagbigay sa amin ng Iyong sarili, ay walang anumang bagay na ipagkakait sa amin. Nananalig ako sa Iyo, O Panginoon, huwag nawa akong mabigo sa aking pag-asa.

6. PAG-IBIG

Iniibig Kita, O Kristo Jesus, dahil sa Iyong labis-labis na pag-ibig sa akin, Ika’y nagkatawang-tao, at inibig Mo ako hanggang sa kamatayan. Ibinigay Mo ang Iyong sarili sa Banal na Sakramento bilang tanda ng Iyong pag-ibig. Minamahal Kita nang higit sa aking sarili at higit sa anumang bagay. Maalab ang hangarin kong mahalin Ka, maging Iyong-iyo lamang. Nawa’y sa bisa ng

4Sakramentong ito, ay magkaisa tayo sa isang dakilang pag-ibig, na walang makapaghihiwalay sa akin sa pag-ibig ni Kristong aking Tagapagligtas.

7. PAKIKINABANG NA ESPIRITUWAL

Jesus ko, ako’y sumasampalataya na naririyan Ka sa Kabanal-banalang Sakramento. Iniibig Kita nang higit sa lahat ng bagay, at nais kong tanggapin Ka sa aking kaluluwa. Yayamang di kita matanggap ngayon sa Banal na Sakramento ng Pakikinabang, tanggapin ko nawa ang Iyong Espiritu sa aking puso. Niyayakap kita na wari ba’y nasasa-akin Ka na, at ako’y buong pusong nakikiisa sa Iyo. Huwag Mong pahintulutang mawalay ako sa Iyo.

Page 5: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

8. PAGSISISI SA AKING MGA KASALANAN

O Jesus, na nasa Kabanal-banalang Sakramento, sa pamamagitan ng pagsisisi na ipinahayag ko sa sakramento ng pagbabalik-loob, pinatawad Mo ang aking mga kasalanan. Manatili nawa sa aking kaisipan ang pagtitika at alalahanin ito tuwi-tuwina, nang hindi naman ipaghihirap ng aking kaluluwa. Marahil madalas ding alalahanin nina San Pedro at Santa Magdalena ang kasalanang nagawa nila, at ipinahayag sa Iyo ang kanilang pighati. Kung titingnan ko ang aking buhay mula noong huli akong mangumpisal at susuriin ko ang aking konsensiya, napakarami ang aking mga pagkukulang na waring nalimutan o nakaligtaan ko na. Makailang ulit akong nahuhulog sa dating kasalanan! Subalit walang katapusan ang Iyong mahabaging kapatawaran. Buong puso at kaluluwa kong ipinahahayag sa Iyo, O pinakamamahal kong Tagapagligtas, ang aking pagsisisi sa aking mga kasalanan at ang aking pagnanais na manatiling malinis ang puso.

5 Panginoong Jesukristo, Ikaw ang Kordero ng Diyos; inaalis Mo ang mga kasalanan ng sanlibutan. Sa pamamagitan ng biyaya ng Banal na Espiritu, panumbalikin Mo ang pagkakaibigan ko sa Iyong Ama, linisin Mo ako sa lahat ng bahid ng kasalanan sa pamamagitan ng dugong Iyong ibinuhos para sa akin, at bigyan Mo ako ng bagong buhay alang-alang sa kaluwalhatian ng Iyong pangalan.

9. PANALANGIN NG PASASALAMAT

Pinasasalamatan Kita, O Diyos ko: Sa handog na buhay at sa lahat ng sandali ng aking buhay. Sa aking kalusugan, kahit na paminsan-minsan ako’y nagkakasakit o nagtitiis ng mga pasakit, at iba pang tiisin. Kalimitan sa kabila ng mga ito at ng iba pang pasanin sa buhay ay may mga biyayang nakukubli. Sa mundong nilikha Mo, sa kagandahan ng kalikasan, sa buwan at mga bituin, sa mga bulaklak sa parang, sa mga

Page 6: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

bunga ng kalupaan, sa simoy ng hanging aking hinihinga, sa nagpapasariwang patak ng ulan, sa marilag na sinag ng araw, sa panahon ng tag-init at tag-ulan. Sa aking mga magulang, kamag-anak, at mga tangi at tapat na kaibigan.

O Diyos ko, pinasasalamatan Kita sa lahat ng biyayang ipinagkaloob Mo sa akin. Nagpapasalamat ako sa Iyo buhat sa kaibuturan ng aking puso sa paglikha Mo sa akin at sa lahat ng kaligayahan o kalungkutan man sa buhay. Nagpapasalamat ako sa pagbibigay Mo sa akin ng tahanan, sa mga nakapaligid na mahal ko sa buhay, gayundin sa mga nakilala kong kaibigan.

Panginoon ko, pinasasalamatan Kita sa lagi Mong pagkandili sa akin; sa malimit na pagpapatawad Mo sa aking mga kasalanan sa sakramento ng

6pagbabalik-loob; sa pag-aalay Mo ng sarili sa Banal na Misa kalakip ang walang hanggang kabutihan buhat sa Ama; sa pagbibigay Mo ng Iyong sarili sa Banal na Pakikinabang, sa kabila ng lamig ng aking pagtanggap; sa matiyaga Mong paghihintay sa akin sa Banal na Sakramento.

O Jesus ko, pinasasalamatan Kita sa Iyong pagiging tao na naghirap at namatay alang-alang sa akin. Salamat sa Iyong pagmamahal. Salamat, Panginoon ko, sa paghahanda sa akin ng lugar sa langit na doo’y inaasahan kong liligaya ako sa piling Mo at mapapasalamatan Ka nang walang katapusan. Amen.

MANAHIMIK SUMANDALI – MAGNILAY – MANALANGIN

10. PANALANGIN NG KAHILINGAN

Para sa kapayapaan: Sa aking puso, sa aking tahanan, sa Simbahan at sa buong mundo.

Sa paghahari ni Kristo sa puso ng tao:

Page 7: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

Upang ang lahat ng tao sa lahat ng dako ay makilala Ka, ibigin at paglingkuran, O mahal kong Jesus, at makilala nawa nila na Ikaw ang aming Panginoon at Diyos.

Para sa pagbabalik-loob ng makasalanan: Upang tumimo sa puso ng lahat ng tao ang pagpapala ng Diyos nang sila ay tumugon at magsisi at sa gayo’y matagpuan ang kaligayahang nasasa- puso ng taong mapayapang nakikiisa sa Diyos.

Para sa pagbubuklod-buklod ng mga Kristiyano:7

“Upang sila’y maging isa,” magkaroon ng katuparan ang Iyong panalangin sa Huling Hapunan, O mahal kong Jesus.

Para sa katarungang panlipunan: Upang sa Iyong Banal na Espiritu, kaming lahat ay maging magkakapatid sa ngalan Mo upang mawala ang pagtatangi-tangi ng lahi . Upang makatulong kaming lahat sa mga dukha, sa mga nagdurusa, sa mga inaapi. Upang sundin naming lahat ang bawat batas at kautusan. Upang ang mga krimen at kahalayan ay mabawasan at tuluyang mawala sa balat ng lupa.

Para sa Simbahang pandaigdig: Upang pagpalain, patnubayan at palakasin ng Diyos ang Santo Papa sa kanyang mga gawain. Upang ang mga obispo, pari at relihiyoso pati na ang mga laiko sa lahat ng dako, ay kusang- loob na gugulin ang kanilang buong buhay sa

Page 8: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

paglilingkod sa Iyo, O mahal kong Jesus, nang lubos-lubusan, buong katapatan, kalakip ang diwa ng pagpapakasakit.

Para sa bokasyon sa pagpapari at buhay-relihiyoso: Na magkaroon ng maraming kabataan na tutugon sa Iyong paanyaya: “Halika, sumunod ka sa akin.” Na ang mga kasalukuyang pari at relihiyoso ay manatiling matatag sa kanilang bokasyon at magpatuloy ang pagyabong ng kanilang pagpapakabanal.

MANAHIMIK SUMANDALI – MAGNILAY – MANALANGIN

8

11. PANGWAKAS NA PANALANGIN

Aking Jesus, lilisanin na Kita, subalit muli akong babalik. Nawa’y patuloy akong umibig sa Iyo na laging nasa Eukaristiya – laging itangi ang Banal na Sakripisyo ng Misa, tanggapin Ka nang taos-puso sa Banal na Pakikinabang at sambahin Ka sa Kabanal-banalang Sakramento. Ang mga huli kong salita ay para sa Iyong Eukaristikong Puso. O Dakilang Jesus, sa gabi ay nag-iisa Ka sa maraming Tabernakulo na walang dalaw o sumasamba. Inihahandog ko ang aking pusong nagmamahal at nawa ang bawat tibok nito ay maging dalangin ng pag-ibig para sa Iyo. Lagi Mo kaming pinagmamasdan mula sa tabing ng tabernakulo; dahil sa Iyong pag-ibig, hindi Ka natutulog, ni napapagod sa Iyong pagsubaybay sa aming mga makasalanan. O Kaibig-ibig na Jesus! O Jesus na nangungulila! Maging ilaw sana ang aking puso na laging nagliliwanag at tatanglaw sa Iyo. Amen. Eukaristikong Puso ni Jesus, pugon ng dakilang pagpapala, pagkalooban Mo ng kapayapaan ang sanlibutan.

Page 9: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

9

IKALAWANG BAHAGIMga Pagdalaw Kasama ng Mahal na Birhen

1. SA IYO, JESUS SA PAMAMAGITAN NI MARIA

Matapos kong dalawin ang iyong dakilang Anak, O Maria, aking Ina, bumabaling naman ako sa iyo na lakip ang pusong nag-uumapaw sa pasasalamat, marubdob na pagmamahal at mataimtim na pamimintuho. Sa iyo na Ina ng aking Diyos, tanggapin mo nawa ang aking abang dalangin ng pagsuyo, pagtitika at pagdulog na iniuukol ko sa iyong Kalinis-linisang Puso, na laging kaisa ng Mahal na Puso ni Jesukristo, na aking Panginoon at Tagapagligtas. O pinakamagandang Ina, Bungang Pinagpala, tala ng Kalangitan, nag-iisang Sisidlan ng Banal na Espiritu, dinggin mo ang aking panalangin habang naninikluhod ako sa iyo. O Maria, Reyna ng Langit, mula sa kaibuturan ng aking puso, isinasamo kong dinggin mo ang aking mga panalangin at ipagkaloob mo ang mga biyaya at pagpapalang hinihiling ko sa pagdalaw na ito.

Page 10: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

Kung ang mga ito’y hindi naaayon sa kaluwalhatian ng Diyos ni sa kaligtasan ng aking kaluluwa, bigyan mo ng kapayapaan ang aking isip at kung ano man ang nararapat.

2. SA ATING BIRHEN NG KABANAL-BANALANG SAKRAMENTO

Sa aking pagkakaluhod sa harapan ng iyong Anak na si Jesus, ibinabaling ko sa iyo, na Kanyang Ina, sa ilalim ng taguring “Birhen ng Kabanal-banalang Sakramento” ang aking mga iniisip at iniuukol ko sa iyo ang aking panalangin na lakip ang matibay na paniniwala at marubdob na paghiling:

10 Kalinis-linisang Birhen, Ina ni Jesus at aking Ina, sumasamo ako sa iyo sa ilalim ng taguring Birhen ng Kabanal-banalang Sakramento, sapagkat ikaw ang Ina ng Tagapagligtas na nananahan sa Eukaristiya. Buhat sa iyo ang laman at dugo na ipinakakain Niya sa amin bilang banal na tinapay. Sumasamo rin ako sa iyo sa iyo sa ilalim ng taguring ito sapagkat tinatanggap ko ang biyaya ng Eukaristiya sa pamamagitan mo, yayamang ikaw ang tagapamagitan, ang daluyan ng biyaya ng Diyos para sa akin. At sa pangwakas, tinatawag kitang Birhen ng Kabanal-banalang Sakramento, sapagkat ikaw ang kauna-unahang namuhay ayon sa Banal na Eukaristiya. Turuan mo akong manalangin sa Banal na Misa kagaya ng ginawa mo, maging karapat-dapat sa madalas na pagtanggap ng Banal na Pakikinabang at mataimtim na dumalaw sa iyong Anak na si Jesus sa Banal na Sakramento.

MANAHIMIK SUMANDALI – MAGNILAY – MANALANGIN

3. PAGHINGI NG KAPATAWARAN SA KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA

O kabanal-banalang Birhen at pinakamamahal naming Ina, namimighati ako sa mga sugat ng iyong Kalinis-linisang Puso na napapalibutan ng mga tinik na inilalagay ng mga walang utang na loob na tao sa bawat sandali, bunga ng kanilang paglapastangan at kawalan ng utang na loob. Atas ng maalab na pagnanasang mahalin ka, aming Ina, at magpalaganap ng isang

Page 11: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

tunay na pamimintuho sa iyong paanan upang patunayan ang aking nararamdamang kalungkutan sa dalamhating idinudulot sa iyo ng bawat tao at upang magbayad-puri sa pamamagitan ng panalangin at pagpapakasakit sa mga pagkakasalang isinusukli ng mga tao sa iyong mapagkalingang pag-ibig. Ipagkaloob mo sa akin at sa bawat makasalanan ang kapatawaran sa marami naming pagkakasala. Isang salita mo lamang ay sapat na upang

11mapagkalooban kaming lahat ng pagpapala at kapatawaran. Madaliin mo, O Birhen, ang pagbabagong-loob ng mga makasalanan upang ibigin nila si Jesus at hindi na muli pang magkasala sa Diyos habang sila’y nabubuhay rito sa lupa at sa gayo’y makamtan nila si Jesus magpakailanman sa langit. Amen.

4. PANGWAKAS NA PANALANGIN

O Maria, aking Ina, lilisan na ako, subalit isinasamo kong manatili ka sa aking piling katulad ng pananatili mo sa piling ng iyong dakilang Anak na si Jesus. Binigyan ka Niya ng buong kapangyarihan sa Kanyang puso. Kunin mo ako na iyong anak, at ilagay mo sa dakilang pusong iyon, nang malinis ang aking kaluluwa sa lahat ng makakasakit sa Kanya, upang mula ngayon, matulad ang aking puso sa iyo sa pag-ibig sa Diyos at sa aking kapwa.

O Maria, Ina ng aking Tagapagligtas, minamahal kita! O Maria, galak ng Banal na Espiritu, umaasa ako sa iyo! O Maria, walang hanggang hirang ng Diyos Ama, maging reyna ka ng aking Puso!

O Birheng Reyna ng Langit, aking Inang Maria, sa pamamagitan ng pag-ibig mo kay Jesus at sa akin, isinasamo kong pagkalooban ako ng isa pang biyaya: na huwag ko kailanman palampasin ang bawat pagkakataong mapaglingkuran ka at manatiling nag-aalab ang pag-ibig sa iyo hanggang kamatayan. Amen.

Page 12: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

12

IKATLONG BAHAGIMGA PANALANGIN NG PAMIMINTUHO

PARA SA AMING BIRHEN NG KABANAL-BANALANG SAKRAMENTO

Birheng Maria, aming Birhen ng Kabanal-banalang SakramentoLuwalhati ng mga Kristiyano, galak ng Simbahan sa sanlibutanKaligtasan ng mundo – Ipanalangin mo kami.

Pag-alabin mo sa puso ng lahat ng nananaligAng debosyon sa Kabanal-banalang Eukaristiya,Nang sila’y maging karapat-dapat, na tanggapin si Jesus sa araw-araw.O Birhen ng Banal na Sakramento, Ipanalangin mo kami.

MGA DASAL PARA SA MGA NATATANGING KAHILINGAN

1. PARA SA MGA NAMAYAPA NA

Alalahanin Mo, O Panginoon, ang lahat ng mga nananampalataya na lumisan na sa buhay na ito. Pagkalooban Mo sila ng kapahingahan sa piling ng aming mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob; pakainin Mo sila sa luntiang pastulan, painumin sa tubig ng katiwasayan at aliwin sa paraiso ng kasiyahan. Hilumin Mo ang kanilang pusong sawi, pawiin ang lungkot at hinagpis. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristong aming Panginoon. Amen.

Page 13: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

132. PARA SA MGA BIYAYA NG BANAL

NA ESPIRITU

O mayamang bukal ng lahat ng kabutihan at walang kapantay na mga biyaya, pagyamanin Mo ang aming mga puso ng Iyong mapang-aliw na liwanag buhat sa Iyong makapitong pagpapala. Oo, Espiritu ng pag-ibig at kahinahunan, mapakumbaba kaming dumudulog sa Iyong tulong! Nababatid Mo ang aming mga pagkakamali, mga pagkukulang, mga pangangailangan, ang aming mga kahinaan sa pag-unawa, ang nalilihis naming pagmamahal at kaligtasan ng loob. Kung kaya, kapag nakalilimot kaming gawin ang nararapat, dalawin Mo kami, sumasamo kami sa Iyo, ng Iyong biyaya. Liwanagan Mo ang aming isipan, O Diyos; padalisayin Mo ang aming mga mithiin, ituwid ang aming pagkaligaw at patawarin ang aming mga pagkukulang, upang sa pamamagitan ng Iyong patnubay ay mamuhay kaming may malinis na budhi at nang sa gayo’y marating namin ang langit ng walang hanggang kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristong aming Panginoon. Amen.

3. PARA SA ATING SANTO PAPA

O Diyos, Hari at Pastol ng lahat ng sumasampalataya, lingapin Mo ang Iyong lingkod na si Papa Benedicto XVI, na Iyong itinalagang tagapangalaga ng Iyong Simbahan. Ipagkaloob Mo na sa pamamagitan ng kanyang salita at halimbawa ay makatulong siya sa kanyang nasasakupan, nang sa gayo’y ang pastol at ang kawang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga ay kapwa magkamit ng buhay na walang hanggan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristong Panginoon namin. Amen.

144. PARA SA KAPAYAPAAN

Page 14: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

O Diyos na Maylikha ng lahat ng banal na hangarin, tamang pagpapayo at makatuwirang gawain, ipagkaloob Mo sa Iyong mga lingkod ang kapayapaang hindi kayang ibigay ng mundo; ihanda Mo ang aming mga puso na sumunod sa Iyong mga utos, at kami’y Iyong kalingain upang pagkatapos na mawala ang aming takot sa kaaway ay magkaroon naman ng kapayapaan ang aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng aming Panginoon, si Jesukristong Anak Mo na nabubuhay at naghaharing kasama ng Diyos Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

5. PARA SA MGA PARI

Makapangyarihang Diyos, tunghayan mo ang mukha ng Iyong dakila at walang hanggang Pari at kahabagan Mo ang Iyong mga pari sa kasalukuyang panahon. Alalahanin Mong sila’y mahihina at marurupok. Pasiglahin Mo sila sa kanilang bokasyon. Panatilihin Mo sila sa Iyong piling upang huwag silang madaig ng kaaway at nang sa gayon ay hindi sila kailanman makakagawa ng anumang bagay, gaano man kaliit, na hindi nararapat sa kanilang dakilang bokasyon. O Jesus, ipinapanalangin ko ang Iyong mga tapat at maalab na pari; ganoon din ang mga hindi tapat at nanlalamig sa kanilang paglilingkod; ang mga naglilingkod sa ating bayan at sa ibang bansa, sa malalayong pinagmimisyunang dako; ang mga tinutukso, ang mga nalulungkot at nangungulila; ang mga baguhan at bata, ang mga naghihingalo; at ang mga nasa purgatoryo. Higit sa lahat, itinatagubilin ko sa Iyo ang mga pinakamamahal kong mga pari; ang nagbinyag sa akin; ang nagpatawad sa aking mga kasalanan, ang mga nag-alay ng Misang kasama ako at nagbigay sa akin ng Iyong Katawan at Dugo sa Banal na Pakikinabang, mga paring nagturo at tumulong sa akin sa pamamagitan ng kanilang pagbibigay pag-asa. Mataimtim kong ipinagdarasal

15ang mga paring aking pinagkakautangan sa iba’t-ibang paraan, higit sa lahat si P. _______________. O Jesus, panatilihin Mo silang malapit sa Iyong puso at biyayaan sila ng masagana ngayon at kailanman. Amen.

Page 15: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

O Maria, Reyna ng mga Pari, ipanalangin Mo kami,; pagkalooban mo kami ng marami at mga banal na pari.

6. PARA SA MGA TANGING BIYAYA

Pagpalain Mo ang aking alaala nang lagi Kitang magunita. Pagpalain Mo ang aking pang-unawa upang lagi Kang maging laman ng isipan. Pagpalain Mo ang aking kalooban upang huwag akong maghanap o magnasa ng mga bagay na ipagdaramdam Mo. Pagpalain Mo ang aking katawan at lahat ng mga gawain nito. Pagpalain Mo ako ngayon at sa oras ng aking kamatayan. Minamahal kong Tagapagligtas, noong Ikaw ay naririto pa sa lupa, ipinakita Mo ang Iyong pag-ibig at pagtatangi sa mga mahihirap at mababang-loob, sa mga nagdurusa at maysakit. Paginhawahin Mo ang mga mahihirap at nangangailangan; aliwin at palakasin ang mga maysakit, at aliwin ang mga nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay. Pagpalain Mo, mahal na Jesus, lalo na yaong mga nahiwalay sa tunay na kawan, at ibalik Mo sila sa kanlungan ng kapayapaan. Pagpalain Mo’t aliwin ang mga misyonero na malayo sa kanilang tahanan at mga mahal sa buhay. Pagpalain Mo ang mga paring naglilingkod sa Iyo sa dakong ito ng ubasan. Pagpalain Mo kaming lahat ngayon, na habang natitipon kami sa Iyong altar, kami ay matipon din balang araw sa Iyong luklukan sa langit.

167. PANALANGIN NG MGA MITHIIN

Nawa’y ang Mahal na Puso ni Jesus ay ibigin sa lahat ng dako. Katamis-tamisang Puso ni Jesus, itulot mong lagi Kitang iibigin. Puso ni Jesus, nagtitiwala ako sa Iyo. Jesus na may maamo ata mapagkumbabang puso, gawin mong matulad ang puso ko sa puso Mo.

Page 16: Pagdalaw Sa Banal Na Eukaristiya (Short)

Ang lahat ay para sa Iyo, katamis-tamisang Puso ni Jesus. Mahal na Puso ni Jesus, nananalig ako sa pag-ibig Mo sa akin. Mahal na Puso ni Jesus, pangalagaan Mo ang aming pamilya. O Maria na ipinaglihi nang walang bahid ng kasalanan, ipanalangin mo kaming dumudulog sa iyo. Kalinis-linisang puso ni Maria, ipanalangin mo kami. Mahal na Birhen ng Fatima, ipanalangin mo kami. Mahal na Birhen ng kabanal-banalang Sakramento, ipanalangin mo kami. O Sakramentong mahal na buhat sa langit, ang puri at pasasalamat ay sumainyo nawa sa tuwina. Mahal na Puso ni Jesus, Ikaw ang aking kaligtasan; katamis-tamisang Puso ni Maria nawa’y ibigin kita. …Amen.

17