29

Pagsulat Ng Lathalain PPT

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Lektura na makatutulong sa kung paano isusulat ang isang Lathalain :)

Citation preview

  • Balitang may puso ito ang

    lathalain. Taliwas sa tuwirang balita

    na nabubuo lamang ng kalansay ng

    pangyayari, ang lathalain ay may

    laman at dugo ganap na katauhan-

    lumuluha, tumatawa, sumasayaw at

    nagdaramdam.

  • Malaya at maluwag ang paraan ng

    pagsulat, ang lathalain ay hindi natatakdaan ng anumang istilo. Hindi

    nakabilanggo ang manunulat sa uri ng

    sulating ito. Hindi nakakahon.

    Ang alinmang simula o wakas ng

    lathalain ay maaaring tanggapin bastat itoy makaaantig ng damdamin ng

    mambabasa. Ang tanging itinakda sa

    ganitong sulatin ay ang pagpapatingkad

    ng emosyon.

  • 1.Nakaaaliw o nakasisiya. Dito ang personalidad ng manunulat ay

    nabibigyan ng buong kalayaan. Maaari

    siyang lumikha tulad ng isang alagad ng

    sining. Maari niyang masdan at sundan ang

    isang ideya na magka-anyo, magkahugis at

    lumaki sa isang kabaguhang sadyang

    kanya matalino ang feature

    kung matalino ang manunulat.

  • 2. Ito ay Kawili-wili

    Sabihin ang ibig sabihin sa isang

    kapansin-pansing paraan. Sa ganito

    magagawang matalos ng mambabasa

    hindi lamang kung ano ang nangyari

    kundi makikita, maririnig, madarama

    at malalasa niya ang pangyayari.

  • Kung ang isusulat ay ukol sa sirkus,

    kinakailangang maipakita, maiparinig,

    maipaamoy at maipalasa ang ukol sa sirkus-

    ang ukol sa nagsasayaw na elepante, ang

    paghahabulan at pagtutuksuhan ng mga

    tsonggo at iba pa.

    Nangangahulugan na buong-buong

    naihahatid sa mambabasa ang lahat ng

    karanasan ng manunulat sa loob ng

    sirkus, at ito ay kailangang maisulat

    agad sa unang pangungusap o

    linya ng lathalain.

  • 3. Ang pagsulat ng Lathalain ay tulad sa paglalaro ng magic.

    Sa pamamagitan ng malikot at mayamang guni-guni ng manunulat ay naaaninag ang

    paksa mula sa pinakapayak mang pangyayari.

    Pagkatapos makapili ng paksang may

    ipinangangako, siya ay magsisimula na.

    Sisiyasatin niya ang lahat ng pangyayari o facts

    na may kinalaman sa paksa.

    Hanggat hindi niya nabibigyan ng kasiyahan

    ang sarili ay hindi siya titigil sa pagkalap ng mga

    detalyeng mapapakinabangan sa pagsulat.

  • 4. Ang lathalain ay hindi basta na lamang buong kahiwagaang nabubuo sa isipan

    ng manunulat.

    Hindi ito tulad sa mga sulating pampanitikan na pagkaraang makaisip ng

    paksa ay susulat na lamang at magsisimulang

    mangarap. Manapay ang feature ay bunga ng

    masikhay na pagmamasid at pagsisiyasat.

    Karaniwan na ang isang manunulat

    ng feature ay nakaharap sa

    isang mabigat na suliranin.

  • Ang pagsulat nito ay batay sa isang

    karaniwang pangyayari.

    Ito ay maisusulat sa isang bagong paraan,

    kahit pa ang paksa ay palasak na.

    Ang isang lumang paksa o ideya ay

    magiging maganda sa paningin kung ito ay

    magmumukhang bago.Ito ang pananagutan

    ng manunulat, ang humanap ng paraan

    upang ang isang lumang paksa ay

    maging bago sa paningin ng iba.

  • 1.Ang paksa ay batid ng halos lahat ng

    mambabasa.

    Ang mga karaniwang pook, pangyayari,

    bagay ay lalaging malapit sa damdamin ng

    mambabasa.

    2. Ang paksa ay kailangang masiyasat

    nang buong husay.

    Lahat ng detalye na maaaring

    makapagpatingkad ng paksa ay

    kinakailangang mapasama sa

    pagsulat.

  • 3. Ang kuwento o salaysay ay kailangang

    nauukol sa mga ideya, pangyayari.

    hayop, tao at mga bagay na buhay.

    4. Ang mga tauhan ay kinakailangang

    bigyan ng layang makapag-isip at

    makapagsalita. Ditoy mahalagang gumamit

    ng mga salitaan (conversation) maging ito

    ay tuwiran o di tuwiran; hayaang

    ang tauhan ay magsalita ng

    karanasan sa kaniyang

    sariling pangungusap.

  • 5. Ang panimulang talata ay kailangang

    makakaantig kaagad ng damdamin ng

    mambabasa.

    6. Ang pangalawang talata o parapo ay

    hindi maiiwan hinggil sa kawilihang

    naipasok na sa unang talata.

    7. Kailangang magkaroon ng

    pataas nang pataas na

    pagbuo ng interes.

  • 8. Ang wakas ay makapagpapakunot ng noo

    ng mambabasa sapagkat siyay mahihikayat

    na mag-isip, mag-usisa, o sumalungat sa

    wakas ng manunulat.

    9. Bagamat ang lathalain ay sinusulat

    upang kawilihan, ang iba ay

    itinatalagang maglahad

    ng mahahalagang balita

    sa isang nakasisiyang

    paraan.

  • 10. Bagamat ang nilalaman ng lathalain ay

    mahalaga, karaniwang ang istilo o paraan

    ng pagsulat ang higit na binibigyang

    halaga.

    11. Walang istilo o paraan ng pagkakasulat

    na magiging makatwiran kung ang

    larawang naipinta o naipakita

    sa mambabasa ay hubad

    sa katotohanan.

  • 1. Paggamit ng maanghang na salita at biro

    na makasusugat sa damdamin ng

    mambabasa o kayay maglalagay sa tauhan

    sa kakatwang katayuan.

    2. Pag-iwas sa mga paksang

    walang kabatiran ang mambabasa.

    3. Pagsusulat nang hindi ganap

    na nasisiyasat ang lahat ng

    detalyeng nauukol sa paksa.

  • Ayon kay P.B. Pineda ng Surian ng Wikang

    Pambansa, ang uring ito ng sulatin ay buong

    kasiyahang maisasagawa ng mga may

    pagsasanay na sa pagsulat ng tuwirang balita.

    Ang lathalain ay gumagamit ng mga

    pangyayari bilang buod na paksa, na dapat ay

    pambihira at umaantig sa kawilihan, bukod sa

    kasiyahan ng mambabasa.

  • Ang lathalain ay nakatutok sa

    kawilihang bisa ng emosyon. Sa ibang

    salita, itoy kailangang nag-aangkin ng

    salik ng kawilihang-tao.

    Ang lathalain ay walang iniwan sa

    karaniwang katha na ang susing layunin

    ay umantig ng damdamin, at inaantala

    ang tugatog ng kawilihan.

    .

  • Pagkatapos ng makatawag pansing

    simula,isinusunod ang iba pang

    pangyayari sa pataas nang pataas na

    paraan at pagdating sa karurukan ay

    biglang sasambulat ang inantalang

    sarap ng sampilas na karanasan.

  • Mahalagang tandaan na ang

    lenggwahe ng lathalain ay katulad din ng

    sa balita:

    payak

    tuwiran

    mabisa

    Hindi mabulaklak, hindi sentimental, hindi maligoy.

  • Kailangang ang katawan ay may

    kaisahan, kaugnayan at empasis. Ito ay

    naisasagawa sa pamamagitan ng

    pagkakaroon ng punong ideya, at sa

    pamamagitan ng transisyon sa buong

    kahabaan ng pagsasalaysay, sa

    pagwawaksi sa mga bagay na di-

    kailangan at pag-uugnay ng itinabing

    bagay sa punong ideya. Ang transisyon

    ng mga talata ay kailangang madulas,

    makinis at hindi paudlot-udlot.

  • Alituntuning tagubilin: 1.Tiyakin kung ano ang pangunahing

    ideya o impresyon na ibig ipahayag

    tungkol sa paksa.

    -Ang unang pangungusap ay dapat

    magpakilala sa ideya o impresyon,

    samantalang ang huling pangungusap

    ay dapat mag-iwan nang

    makahulugang impresyon tungkol sa

    paksa.

  • 2. Sikaping ilarawan ang katauhan o

    personalidad ng taong kausap, kung

    interbiyu ang sinusulat; ang anyo ng

    lugar; kung paano ang pakiramdam ng

    nakasaksi sa pangyayari.

    - Piliin ang detalyeng makahulugan.

    Tandaan ang mga paraan ng pagsasalita,

    ibat- ibang mga ingay, amoy at tanawin.

    3. Ipakita kung ano ang kahalagahan ng

    paksa sa buhay ng babasa ng artikulo.

  • 1. Lathalaing Pabalita - batay sa

    napapanahong pangyayari o balita.

    2. Lathalaing nagpapabatid

    binibigyang diin nito ang impormasyo at

    ang sangkap ng pangkatauhang

    kawilihan ay pangalawa na lamang.

  • 3. Lathalaing paano - layunin nito ay

    ilahad ang proseso o kung paano

    ginagawa ang isang produkto o

    serbisyo.

    4. Lathalaing pangkatauhang dagli

    ito ay paglalarawan ng mga kilalang

    tao,ang kanilang naging karanasan

    sa buhay, pag-uugali at paniniwala

    na siyang dahilan ng kanilang

    tagumpay o kabiguan.

  • 5. Lathalaing may makataong

    kawilihan Bagamat walang

    nilalaman o kung meron man ay

    kakaunting halagang balita lamang, ito

    ay kinagigiliwang basahin dahil sa

    taglay nitong kawili-wiling istilo na

    pumupukaw sa emosyon ng

    mambabasa.

    6. Lathalaing pansariling karanasan -

    tumatalakay sa mga di

    pangkaraniwang

    Karanasan ng tao.

  • 7. Lathalaing pang-aliw layunin nito na

    libangin ang mambabasa sa kakaiba,

    hindi lamang sa paksa, kundi sa istilo ng

    pagkasulat at sa uri ng mga

    pananalitang ginamit.

    8. Lathalaing pangkasaysayan -

    tinatalakay nito ang kasaysayan ng

    tao, bagay o lugar.

  • 9. Lathalaing pakikipanayam

    tinatalakay nito ang opinion, damdamin

    o kaisipan ng mga taong awtoridad sa

    paksang inilalahad sa pamamagitan

    ng pakikipanayam.

    10. Lathalain sa Paglalakbay -

    Naglalahad ng mga katangi-tanging

    lugar o tao na narating at nakilala

    sa pamamagitan ng paglalakbay.

  • 11. Lathalaing di-Pangkaraniwan

    - tumatalakay sa mga bagay na

    paranormal at di kapani-paniwala tulad

    ng mga tungkol sa duwende, kapre at

    iba pang kauri nito.

    12. Lathalaing pang-agham

    - tumatalakay sa mga

    paksang pang-agham.

    13. Lathalain pang-isports

    tumatalakay sa pampalakasan.