22
PAGSULAT NG BALITA NEWSWRITING MARY JANE MENDOZA – MEJORADA, MA

Pagsulat Ng Balita Power Point

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagsulat Ng Balita Power Point

PAGSULAT NG BALITA

NEWSWRITING

MARY JANE MENDOZA – MEJORADA, MA

Page 2: Pagsulat Ng Balita Power Point

ANG PAGSUSULAT NG BALITA Isang pansariling tuklas Isang proseso ng pag-usisa Isang paglalabas ng damdaming bumubukal

at nagpapahinog sa diwa’t isipan Isang malikhaing gawaing inilapat sa papel/

kompyuter Pagbibigay sustansya sa mga bagay na

maaring sa iba’y walang kahulugan Isang pagbibigay impormasyon sa kapwa Isang malayang proseso ng pagsusulat Isang uri ng pakikipag-usap sa tao.

Page 3: Pagsulat Ng Balita Power Point

MGA SALIK NA MAHALAGA/ FACTORS ESSENTIAL TO NEWS Mga pangyayari

o detalye nito Kawilihan Mambabasa

Page 4: Pagsulat Ng Balita Power Point

KAHALAGAHAN NG BALITA

Nagbibigay Impormasyon

Nagtuturo Lumilibang Nakapagpapabago

Page 5: Pagsulat Ng Balita Power Point

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BALITA A. Ganap na kawastuhan –

kawastuhang paktuwal, tunay na pangyayari,katumpukan ng pangkalahatang impresyon, kaayusan ng mga detalye, tamang pagbibigay diin, hindi magulo at masalimuot ang diwa.Dead on arrival sa Ospital ng Tagum ang 54

anyos na si Tekla Di Maswerte sanhi ng pagkabasag ng bungo at pinsala sa katawan matapos na salpukin ng dump truck ang kanilang Trisibot kahapon ng madaling araw sa Talaingod.

Page 6: Pagsulat Ng Balita Power Point

B. Timbang-kaukulang diin sa bawat katotohanan, kaugnay ng iba pang tunay na pangyayari; kawastuhan (paglalakip ng tunay at napapanahong pangyayari lamang. Ayon sa ulat dakong alas – 12:30 ng madaling

araw kahapon nang maganap ang insidente sa gate ng bahay ng biktima ng naturang lugar. Nabatid na naglalakad pauwi ang biktima matapos na makipag-inuman sa ilang kapitbahay at nang papasok sa kanilang gate ng bahay ay biglang sumulpot ang suspek mula sa isang madilim na bahagi hawak ang di-mabatid na kalibre ng baril.

Page 7: Pagsulat Ng Balita Power Point

C. Walang kinikilingan Inamin ni Pinduko na siya mismo ang may

kasalanan dahil nagulat siya nang biglang sumulpot ang van. Iginiit din niyang naka-green light kaya tuloy-tuloy siya.

Sinalungat naman ng isang trisibot driver na si Marcelito Inalisngaw, 29, ng Holy Spirit, Laak City, ang pahayag ng driver ng dump truck. Sinabi niya na kasunod siya ng sasakyan ni Pinduko at naka-green light sila.

Page 8: Pagsulat Ng Balita Power Point

HAKBANG SA PAGSULAT NG BALITA Isulat ang buod Itala ang mga pangyayari ayon sa

pababa o paliit na kahalagahan Hanapin ang impormasyong itatampok

sa pamatnubay. Unahin ang pinakatampok.

Isulat ang balita ayon sa pagkasunod-sunod na pangyayari batay sa pababang kahalagahan

Page 9: Pagsulat Ng Balita Power Point

MGA MUNGKAHI SA MAHUSAY NA PAGSULAT NG BALITA Isang ideya lamang sa bawat pangungusap Limitahan ang bilang ng mga salita sa pangungusap.

Hangga’t maari ay 23-25 lamang ang gamitin. Huwag gumamit ng maraming kuwit sa paglalahad Gumamit ng mga matitindi at maaalab na pandiwa na nasa

aktibong tinig (active voice). Piliin ang mg angkop na salita para sa mga tiyak na gamit sa

balita Huwag gumamit ng parehong salita sa isang pangungusap Ibigay ang buong pangalan ng tao sa unang pagbanggit.

Pagkatapos ay gamitin na lamang ang G., Bb. O Gng. Sa anumang titulong nabanggit

Sumulat ng mabisang pamatnubay.Iwasan ang pagsisimula ng pamatnubay na numero,pantukoy na ang, ang mga at sa mga panlinaw na sa, ito, may, mayroon at doon.

Ilagay ang tuwiran at di-tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata.

Page 10: Pagsulat Ng Balita Power Point

SANGKAP NG BALITA 1.AKSYON O PAKIKIHAMOK

Hindi sa dating labanang super feather weight division maaring magkitang muli sina Filipino boxing hero Manny Pacquiao at Mexican World champion Juan Manuel Marquez.

2. NAKAGAGANYAK SA MGA TAOAyon kay Duque, kailangang pag-aralan kung ano ang nagtulak sa 12 anyos na bata na kitlin ang kanyang buhay. Si Maria Ambrosia ay nagbigti nang di maibigay ng ama na si Isabelo ang Php 100 na gagamitin sa school project.

Page 11: Pagsulat Ng Balita Power Point

3. KAKAIBA Inilabas na kahapon sa ICU ng Davao

Regional Hospital ang isang buwang sanggol na pinapak ng mga naglalakihang daga, kamakailan sa nabanggit na lungsod upang isalang naman sa surgical operation.

4. NAGAGANAP SA KASALUKUYANNanindigan kahapon si Sen. Bong Revilla Jr. na ipapasa na sa 2011 ang kaukulang budget para sa dagdag-sahod sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Page 12: Pagsulat Ng Balita Power Point

5. NAGANAP SA MALAPIT NA POOKPatay ang apat katao, marami pa ang

nasugatan, habang anim namang kabahayan ang nawasak matapos ang isang malakas na pagsabog sa isang umano’y pagawaan ng bomba sa isang subdivison sa Panabo, Davao del Norte kahapon ng hapon

6. PAGSULONGIsinusulong ng Dangerous Drugs Board sa Kongreso ang pagpapasa ng batas upang payagan ang mga law enforcement agencies na magsagawa ng wiretapping sa paglaban sa ilegal na droga sa Pilipinas.

Page 13: Pagsulat Ng Balita Power Point

7. ROMANSA O PAKIKIPAGSAPALARAN Isang 18-1nyos na dalaga na nagpatiwakal

sa pamamagitan ng pag-inom ng lason matapos nitong malaman na nakabuntis ng ibang babae ang kanyang nobyo kahapon ng umaga sa Panabo City.

8. BILANG O ESTADISTIKA -Natuklasan ng isang grupo sa University

of Mindanao na ang mga taong may normal blood zinc ay halos 50% malayong magkaroon ng pneumonia.

Page 14: Pagsulat Ng Balita Power Point

DALAWANG URI NG PAMATNUBAY 1. KOMBENSYONAL – nilalaman nito ang

kasagutan sa mga tanong na ano, sino, bakit, kailan at paano.

A. Binibigyang diin ang tao ( sino) Bumuo kahapon si Pangulong Gloria Macapagal

Arroyo ng Anti Kotong at Anti Colorum task force bilang tugon sa panawagan ng transport section na magtaas ng pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

B. Binibigyang- diin ang pamamaraan (paano)Malaking tulong ang computer sa ating mga anak

sa pagri-research. Pero minsan, naabuso rin ito kapag masyado na silang nalilibang lalo na sa paggamit ng Internet.

Page 15: Pagsulat Ng Balita Power Point

C. BINIBIGYANG- DIIN ANG SANHI O DAHILAN (bakit) Binabantayan umanong mabuti ng Philippine

National Police ang ilang lugar sa Mindanao na posibleng gamitin ng kontrobersyal na dating Election Supervisor na si Lintang Bedol na labasan patungo sa ibang bansa.

D. BINIBIGYANG-DIIN ANG PANGYAYARI – (ANO)Isang nakagigimbal na na opresa ang ibinigay kagabi ng papasikat na cue artist na si Joven Bustamante ng Pilipinas kay dating World Pool Champion Wu Chia Ching ng Taipie matapos itakas ang 10-8 tagumpay at isulong sa round of 16 ang laban sa prestihiyosong 2007 World Pool Championship sa Big Dome.

Page 16: Pagsulat Ng Balita Power Point

E. Binibigyang – diin ang lugar o pook na pinagganapan (Saan)Bacoor, Cavite – Tatlo katao ang namatay,

12 sugatan at 14 na bahay ang nasira nang sumabog ang mga dinamitang ina-assemble sa isang bahay.

F. Binibigyang-diin ang araw o petsa – ( kailan)Lilipad ngayong linggo patungong Beijing, China nag National Wushu Squad upang lumahok sa prestihiyosong 9th World Wushu Championship mula Nobyembre 11-15.

Page 17: Pagsulat Ng Balita Power Point

2. DI-KOMBENSYONAL NA PAMATNUBAY

- nagsisimula ito sa payak na pahayag o sanligan nang nangyari nang balita na may karugtong sa kasalukuyang balita.

A. Payak na Pahayag Hiniling ng Catholic Bishops Conference of the

Philippines sa Business Leaders na tumulong para maibsan ang kahirapan at dami ng mga nagugutom.

B. Nakaraang Balita na karugtong ng bagong balitaAgad na nakiramay si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa sinapit na trahedya ni dating Sen. Rene saguisag at may bahay nitong si Dulce na naaksidente sa makati City kahapon ng madaling araw.

Page 18: Pagsulat Ng Balita Power Point

C. SINIPING SABI (siniping pahayag) “Gov’t wag sisihin sa suicide”

Ayon kay Pangulong Arroyo, di dapat sisihin ang gobyerno sa pagpapakamatay ni Marianet Amper dahil ang Davao City ay highly urbanized at di kabilang sa priority area. Ang lalawigan ay di rin kabilang sa 10 pinakamahirap na bansa.

D. PAGTATANONG NA SINASAGOT KAAGAD NG SUMULAT UPANG LINAWIN SA MAMBABASA ANG TINATALAKAY

Kung mataas ang LPG dama mo ba ang malakas na piso?Umabot na sa S 100 kada bariles ang presyo ng

petrolyo sa world market! Nangangahulugan na lolobo sa Php3 hanggang Php5 ang presyo ng kada litro ng petrolyo. Kaya kahit bumaba ang dolyar kontra piso ay patuloy pa ring magiging kawawa ang mga obrerong apektado ng pagtaas ng langis.

Page 19: Pagsulat Ng Balita Power Point

E. PAGLALAHAD NG KAIBAHAN Higit na mataas ang populasyon ng mga mag-

aaral sa Pilipinas na umabot sa 18 Milyon lamang kumpara nang nagdaang tatlong taon na may 15 milyon lamang na nagpatalang mag-aaral.

F. HINDI HAYAGANG SINABI NG NAGSASALITAMalaki ang paniniwala ng Philippine National Police (PNP) na posibleng nakatakas na palabas ng bansa ang wanted na Election Supervisor na si Lintang Bedol sa pamamagitan ng pagdaan nito sa “ southern backdoor” bago pa man magpalabas ng kautusan ang Comelec na hulihin siya.

Page 20: Pagsulat Ng Balita Power Point

MGA HALIMBAWANG PANIMULA SA PAGSULAT NG BALITA (PRESSCON) 1.“Quoted statement” 2.Ito ang binitiwang pahayag ….. 3.INDIRECT STATEMENT ( Dagdag pa ni ____na… 4.HANGO SA TEMANG, “……. tampok na gawain sa dalawang araw na pagtitipon

( events)5. Pipili ng limang mananalo sa bawat paligsahan sa

kategoryang English at Filipino samantalang lima sa pagkuha ng Larawan at Kartuning na kakatawan sa Sangay ng Tagum City sa darating na RSSPC sa (petsa) at (lugar)

6.Mula sa mapipiling mananalo kukunin ang kakatawan sa bawat paaralan sa paligsahan sa talento…

7. Inaasahang makukuha muli ng Panabo City ang kampeonato sa Elementarya at Sekondarya.

Page 21: Pagsulat Ng Balita Power Point

HALIMBAWANG PAGSULAT NG BALITANG PINAGHALO (TRAHEDYA/ PRESSCON 1.Isa ang namatay at sampu ang nasugatan nang biglang

sumabog ang isang bomba na naging sanhi ng pagkawatak-watak ng mga delegadong kalahok sa ginanap na DSPC 2010.

2.Nangyari ang pagsabog habang ginaganap ang Pambungad na Palatuntunan na hudyat ng pagsisimula ng taunang Presscon……

3.Datapwa’t nangyari ang insidente, idineklara pa ring tuloy ang nasabing paligsahan……..

4. Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng mga rumesponding pulis sa pangunguna ng Station Commander Pytagonras Cervantes ay hindi pa matukoy kung sini at ano ang dahilan ng pambobomba.

Hango sa temang…… Dagdag….. Dagdag……

Page 22: Pagsulat Ng Balita Power Point

END……..