27
Pagsulat ng Pinal na Sipi

Pagsulat ng Pinal na S ipi

  • Upload
    orsin

  • View
    270

  • Download
    2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pagsulat ng Pinal na S ipi. Ang kultura sa P ananaliksik. - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

Page 1: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Pagsulat ng

Pinal na Sipi

Page 2: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Ang kultura sa Pananaliksik

Sadyang napakahalaga sa bawat mananaliksik ang matuto at masanay sa wasto at mabisang presentasyon ng pamanahong pael- ang wastong pormat,margin, indensyon, at iba pa. Bahagi ito ng didsiplina ng isang mananaliksik. Sinasalamin kasi nito ang kanyang kultura sa pananaliksik at sinop sa paggawa.

Page 3: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Kung tutuusin, may iba’t ibang pormat na iminumungkahi ang iba’t ibang unibersidad at kolehiyo at walang maaaring makapagsabi na ang isa ang tama at ang iba ay mali. Mayroon silang kanya-kanyang kumbensyon sa pananaliksik. Kaya’t nagbubunga ito ng pagkakaiba-iba sa pormat ng mga awtput ng mga mag-aaral. Ito ang dahilan kung bakit ang mga progresibong unibersidad at kolehiyo (tulad ng UP,DLSU,UST at Ateneo) ay may itinatakdang isang tiyak na pormat sa pagsulat ng ano mang papel- pampananaliksik sa ano mang larangan o disiplina. Ang layunin nila ay makapag-establish ng isang kultura sa pananaliksik. Manipestasyon ito ng kanilang mataas na respeto sa larangan ng pananaliksik. Ganito ang dapat na maging kalakaran sa anumang unibersidad at kolehiyong nangangarap na umagapay sa mga progresibong pagbabago sa mga pangunahing institusyong pang- akademiko sa loob at labas ng ating bansa.

Page 4: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Kaugnay ng mga ito, itinatagubilin namin ang mga sumusunod kaugnay ng mga sumusunod na sangkap at/o pangangailangan:

Page 5: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Papel, Makinilya/kompyuter,Printer

at Correction fluid

Page 6: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Papel Ang sukat ng papel ay 8 ½ X 11 o kinasanayan

nating tawaging SHORTBOND PAPER.

Gumagamit ng may katamtamang kapal, maaaring substance 20-26. Huwag gumamit ng napakanipis na papel.

Page 7: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Makinilya/Komputer

Hangga’t maaari, gumamit na ng kompyuer sa halip na tayprayter dahil sa mga features nitong nakatutulong sa mga mananaliksik sa pagpapadali ng pagsulat sa pamanahong-papel.

Page 8: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Printer

Kung kompyuter printer naman ang gagamitin, makakabuti nanag ang gamitin ay inkjet o laser. Mas mabilis ito, mas malinaw at mas episyente. Ngunit kung dotmatix pa rin ang gagamitin, iminumungkahing nylon cloth ang gamiting ribon sa halip na carbon at cotton cloth.

Page 9: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Correction Fluid Nag correction fluid naman ay angkop na

gamitin sa makinilyadong kopya, ngunit hindi dapat abusuhin ang gamit nito. Kadalasan, mas makakabuting itayp na lamang muli ang isang buong pahina sa halip na tadtarin iyon ng correction fluid. Samantala, ang pag-eedit sa kompyuter ay dapat gawin bago i-print ang isang kopya upang maiwasan na ang paggamit ng correction fluid na kopya ng pamanahong papel.

Page 10: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

MARGIN, SPACING AT CENTERING

Page 11: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Margin

Ang tamang margin ay isa at kalahating pulgada (1 ½) sa kaliwa at isang pulgada sa kanan, sa itaas at sa ibaba. Ang dahilan nito ay para sa binding lalo na kung gagamit ng plastic slide o hardbound

Page 12: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

SPACING Doble ang espayong dapat gamitin sa pagitan ng

bawat linya sa loob ng mga talaan at maging sa pagitan ng isang heading, sub-heading at simula ng isang talataan. Ang isa pang ginagamitan ng isang espasyo ay ang listahan ng mga sanggunian. Ang mga linya sa loob ng isang entri ay kailangang tig-iisang espasyo lamang, ngunit ang espasyo sa pagitan ng bawat bibliograpiya na entri ay kailangangan dalawa.

Page 13: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Centering

• Lahat ng mga kabanata bilang, pamagat ng kabanata at mga kasang-paksa o subtitles ay kailangang nakasentro sa pahina ng papel. Gayundin ang lahat ng datos na nakapaloob sa pamagiting pahina.

Page 14: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

FONT

Page 15: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Font Ang isang iinalalamang na feature ng

kompyuter sa makinilya ay ang bersatiliti ng font nito. Ngunit sa pagsulat ng pamanahong papel gamiy ang kompyuter, kailangang pumili ng simpleng tipo ng font tulad ng Times new Roman o Arial.

Page 16: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Huwag ng gumamit ng maarteng tipo, Dahil ang pamanahong papel ay isang pormal na sulatin.

Huwag ding gagamit ng labis na maliit o malaking tipo.

Pinakaideyal ang font na may laking labindalawa (12)

Page 17: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Ang paghahaylayt o bold facing naman ng font ay kailangang gamitin lamang kung kailan kailangan.

Ang bilang ng kabanata, titles at subtitles ay kailangang ibold. Gayundin sa pamagat ng iba pang bahagi o pahina .

Ang italic font naman ay kailangang gamitin

sa mga dayuhang salitang binabaybay sa orihinal na ispeling at ginamit sabstityut sa panipi (“ “).

Page 18: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Kapitaliseysyon, Abrebiyeysyon,

Pagsulat ng Bilang

Page 19: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Ang tuntunin ng gramatika sa paggamit ng malaking titik ay kailangang istriktong masunod sa pagsulat ng pamanahong- papel tulad ng sa simula ng mga pangungusap,- pangalang pantangi, mga dinaglat na titulo, mga titulong pantawag tulad ng Mang, Aling, Padre at iba pa.

Page 20: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Huwag na huwag gagamit ng mga pinaikling salita na nakagawian na sa paggamit ng e-mail at cellphone.

Ang mga buong bilang naman ay kailangang baybayin, sinusundan lamang ito ng simbulong numerikal sa loob ng parentesis, halimbawa:

- Labinlima (15), anim na raan at dalawampu’t isa (621), siyamnapung porsyento (90%).

Page 21: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Ang mga salita ay kailangang isulat nang buo hangga’t maaari.

Ang maaari lamang daglatin ay mga titulo tulad ng G., Gng., Bb., Dr., Prof., Rev., Kgg., PhD., Jr., ;

mga karaniwan nang akronim tulad ng USA, UNESCO, YMCA; at mga salitang panukat tulad ng cm., mm., ft., lbs.; mga pormyula tulad ng h2O, Fe.

Page 22: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Ngunit ang petsa, taon bilang ng kalye, serial at mga bilang na may praksyon o puntos- desimal ay maaarin nang isulat sa simbulo, halimbawa:

- Pebrero 16, 1969, 216 Daang Malvar, Bolyum 2, 1 ¼ , 89.23.

Page 23: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Bilang ng Pahina

Ang bilang ng pahina ay kailangan ilagay sa itaas, gawing kanan o upper right hand corner ng papel. Ang pahina ay nagsisimula sa katawan ng pamanahong-papel o sa

kabanata I hanggang sa mga huling pahina nito. Hindi na nilalagayan ng bilang ng pahina ang fly leaf,

Pamagiting Pahina, Dahon ng Pagpaptibay, Pasasalamat Listahan ng mga Talahanayan at Grap at Listahan ng mga Nilalaman.

Page 24: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Pagbabantas

Kailangang sundin ang mga alituntuning pang gramatika sa pagbabantas. Makatutulong kung muling sasangguni sa mga aklat na tumatalakay sa gamit ng mga bantas.

Sa Komunikasyon sa Makabagong Panahon, tinalakay nina Bernales, et al. (2002) ang paksang ito.

Page 25: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

Proofreading at Editing Karaniwang hindi maiiwasan ang mga pagkakamali

sa pagsusulat. Maaring ito ay pagkakamali sa gramatika, ispeling,

pagbabantas o sa pagsipi ng mga datos.

Maaari ring ang pagkakamali at tipograpikal o pagkakamali sa pag-eenkowd sa kompyuter lalo na kung ibang tao ang nag-enkowd o nagtayp ng teksto.

Page 26: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

May mga pagkakataong ang mga mananaliksik na hindi gaanong maalam sa gramatika o hindi nakatitiyak sa kawastuhan ng kanyang presentasyon ay kumukuha at nagbabayad pa ng editor.

Page 27: Pagsulat ng Pinal  na S ipi

S A L A M A T !