9
Pagsusuri sa Tulang Bicol KABANATA I Panimula Ang Rehiyon ng Bicol (Bicol Region) ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng pulo ng Luzon.Ito ay may laki na 18,114 kilometro kwadrado (18,114 km 2 )at may populasyon na higit sa 5.1 milyon.Binubuo ito ng anim na lalawigan-Albay , Camarines Norte , Camarines Sur , Catanduanes , Masbate , and Sorsogon . Kilala ang rehiyon sa mga industriya ng pagsasaka at pangingisda.Laganap ang industriya ng palay at abaca sa rehiyon,at mayaman din ang lugar sa ibat’ ibang mineral tulad ng ginto at pilak.Maraming maliit na industriya ang matatagpuan sa lugar tulad ng paghihibla ng damit at ang paggawa ng mga produkto mula sa pili. Mayaman ang Bicol sa kultura.Simula noong unang panahon,maraming mga tulang Bicolano ang nailathala na nagmula pa bago dumating si Kristo. Ang kanilang mga tula ay may personal at panglipunang tono,at madalas sumesentro sa personal na buhay ng mga tao sa lugar.Kilala ang mga Bicolano sa pagiging magagaling na makata,at ang kanilang mga tula ay may iba’t ibang paksa,mula sa mga relihiyon hanggang sa pag- ibig. KABANATA II Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik ay naglalayong masuri ang mga tulang Bicol at ang kanilang ambag sa panitikang Pilipino. 1.) Ano ang tulang Bicol? 2.) Saan ito nagmula at paano ito nagsimula? 3.) Ano ang kanilang mga paksa? 4.) Sa paanong paraan naiiba ang mga tulang Bicol sa ibang uri ng tula?

Pagsusuri sa Tulang Bicol

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagsusuri sa Tulang Bicol

Pagsusuri sa Tulang Bicol

KABANATA IPanimula

Ang Rehiyon ng Bicol (Bicol Region) ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng pulo ng Luzon.Ito ay may laki na 18,114 kilometro kwadrado (18,114 km2 )at may populasyon na higit sa 5.1 milyon.Binubuo ito ng anim na lalawigan-Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, and Sorsogon.

Kilala ang rehiyon sa mga industriya ng pagsasaka at pangingisda.Laganap ang industriya ng palay at abaca sa rehiyon,at mayaman din ang lugar sa ibat’ ibang mineral tulad ng ginto at pilak.Maraming maliit na industriya ang matatagpuan sa lugar tulad ng paghihibla ng damit at ang paggawa ng mga produkto mula sa pili.

Mayaman ang Bicol sa kultura.Simula noong unang panahon,maraming mga tulang Bicolano ang nailathala na nagmula pa bago dumating si Kristo. Ang kanilang mga tula ay may personal at panglipunang tono,at madalas sumesentro sa personal na buhay ng mga tao sa lugar.Kilala ang mga Bicolano sa pagiging magagaling na makata,at ang kanilang mga tula ay may iba’t ibang paksa,mula sa mga relihiyon hanggang sa pag-ibig.

KABANATA IIPaglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik ay naglalayong masuri ang mga tulang Bicol at ang kanilang ambag sa panitikang Pilipino.

1.)Ano ang tulang Bicol?2.)Saan ito nagmula at paano ito nagsimula?3.)Ano ang kanilang mga paksa?4.)Sa paanong paraan naiiba ang mga tulang Bicol sa ibang uri ng

tula?

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay magsusuri lamang sa mga halimbawa ng tulang Bicol at hindi sa iba pang uri ng tula o panitikang Pilipino.

Kahalagahan

*Sa Mga Mag-aaral

Page 2: Pagsusuri sa Tulang Bicol

Mapapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa mga Tulang bIcol sa pamamagitan ng pananaliksik.

*Sa Mga GuroAng pananaliksik na ito ay makakatulong sa mas madali at

malawak na pagtuturo ng panitikan,lalo na sa mga panitikan mula sa rehiyon ng Bicol.

*Sa Iba Pang MananaliksikMapapalawak ang mga kaalamang magagamit ng mga mananalikik

ukol sa panitikan at mga tulang Bicol.

KABANATA IIIKaugnayan na Pag-aaral at Literatura

Noong unang panahon, ang mga katutubo sa Bicol ay sumulat ng

mga tula na may kaakit-akit na ritmo. Madalas ang mga paksa ng mga ito ay sumesentro sa mga digmaan,mga bayani,at mga kalamidad.

Maaring hatiin ang mga tulang Bicol sa dalawang uri:ang awit at rawitdawit o susuman.Kung susuriin,ang awit ay mas mahirap isulat dahil sa pagiging sentimental nito.

Halimabawa ng rawitdawit ang mga sumusunod.

BALIKTAD

Nata kun nuarin ika guminurangSaka kaakian an kapalibutan?Sain man kumiling, gari mga DyosaAn nakapalibot na mga daraga.Dangan an makulog sa puso, sa payoPagka naduotan o nasa’gidan moDai man malikay, dai man maribokGari nanunuksong sagin man mali’od.Namamati daw o naaagimadmadKun talagang ika dai nang kamandag?

Nata kun nuarin nagkakwartang biglaRibong kamidbid an biglang minabutwa?Dakul na paryentes an naghihirilang Buda kataraning na may kaipuhan.Dawa katabang na boot nang mag-agomIka an puntiryang gibuhon na ninong.Pati su dati nang nagtutuyá-tuyáMay katikapuhan, biglang minalumyá.Napaparong kaya, nasasaridsid dawKun igwang biyayang kwartang

nasasaray?

An kayamanan daw madaling mapugrotKatikapuhan an pirming minasampotSu tago-tago mo iyong nalalantadDaing nagmamangno sa gustong ilaladlad.Su dating namu’tan habo nang maglayasSu gustong bukudon iyo man an layas.Kun nangangaipo ki kusug kan lawasdangan malayumay, habong magbungkaras.Su pinagpadaba iyong nabalisngag.Ano daw an buhay ta pirming baliktad?

Kabalintunaan(Salin sa Filipino)

Bakit kung kailan ika’y tumatandasaka ang paligid lalong bumabata?Saan man bumaling, mukhang bathalumanang nakapaligid na kababaihan.

Page 3: Pagsusuri sa Tulang Bicol

At ang masakit pa sa ulo’t sa pusokapag nasagi mo o kaya’y nahipoay hindi iiwas, hindi man kikibo;iirap pang tila nanunuksong lalo.Nakikilatis ba o naaaninagna ikaw ay sadyang wala nang kamandag?

Bakit kung kailan may tago kang yamansaka nilalamgam ng mga ka-angkan?Laksang kamag-anak ang nagkakasakitat kapitbahay na biglang nagigipit;Kahit ang dating sa iyo’y nangungutyamaamong aamot ng konting pabuya.Maski katulong na ibig mag-asawa

ay ikaw ang ninong na pinupuntirya.Nasasalat kaya o naaamoy baang pinaghirapan mo’t inipong pera?

Kay daling masaid ng kasaganaan;kay tagal sumiping ng karalitaan.Ang inililihim ay s’yang nalalantadWalang pumapansin sa inilaladlad.Ang dating minahal ay ayaw lumisanang gustong mahalin ay kay ilap naman.Ang ugat ng lakas kapag kailangan, Saka naluluoy nang walang dahilan.Ang pinagyayama’y laging nawawala.Bakit ba ang buhay laging balintuna?

Ang akda ay maaring suriin sa teoryang Imahismo.Sa teorynag ito, gumamit ang may-akda ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.

Sa Pamapang Salog

Ang bulos kaining Salog-KabiloganNamamati ko sa sakong rapandapan;Bulos nin biyaya, bulos kamundu’an; Buhay, kagadanan kan samong kina’ban.

Maghaling Talongog salog na hararomMabulos sa Büsak pasiring Alomon;Mababang Kinale, dagos sa Karisak,Maiba sa Agus, sa Bato an bagsak.

Minaikül-ikül sa mga kadlagan,Sa mga patubig kan mga kaba’sanSa Gumabaw, Sabang, Tüpas abot Mangga,Pagtaas kan tubig sagkod Marayag pa.Igwang nagbubulos pababa sa Pantaw,Igwang pasiring sa dagat kan Basikaw.

Nadadangog ko sa Salog-KabiloganIstorya kan mga dagang binulusan.Sa binurakbusak igwang mga tigsik,Igwang rawitdawit sa bulos kan tubig.Nadadangog ko su mga inagrangayKan daing palad na tikapo sa buhay;Su kaugmahan man kan biniyayaan,

Pati paglaum kan mga natugaan.

Sa Pampang ng Ilog (Salin sa Filipino)

Tuloy ang agos ng Ilog-Kabilogan;Ramdam ang lamig sa aking talampakan.Agos ng biyaya, agos ng pighati Kamataya’t buhay nitong aming lahi.

Magmulang Talongog aagos ang ilogPatungo sa Büsak hanggang sa Alomon;Bababang Kinale, tuloy sa Karisak,Sasanib sa Agus, sa Bato ang bagsak.

Umiikot-ikot sa mga palayan,Gubat at gulayan at mga tubiganSa Gumabaw, Sabang, sa Mangga at Tüpas.At pagka-umapaw ay hanggang Marayag.Nagsasangang-landas patungo sa Pantaw,At minsa’y pababa sa dagat-Basikaw.

Page 4: Pagsusuri sa Tulang Bicol

Dinig sa agos ng Ilog-KabiloganAng k’wento ng mga dinaanang bayanMay awit at tula na mauulinig Sa mga tabsik at lagaslas ng tubig.

Naririnig ko ang daing at hinakdalNg mahihirap at mga kapos palad; Dinig ang dalagin ng nananambitanAt ang halakhak ng nabibiyayaan

Maaring suriin ang akda sa teoryang Romantisismo.Sa akda maaring masuri na sa paglalarawan ng may-akda sa ilog at tanda ng kanyang pagmamahal sa kalikasan at ang kanyang nais na maipaaalam ang kanyang paghanga dito.

Isang parte ng mga pagdiriwang at okasyon ang mga tula sa Bicol.Ang mga tula tulad ng tigsik, kangsin, at abatayo,mga tulang may apat na linya,ay madalas maririnig sa mga fiesta o maliit na salu-salo. Maaring mga paksa ng mga tula na ito ang pag-ibig,relihiyon,pagsasaka o kahit romansa,at matitigil lamang ang panunula(“tigsikan”)kapag nawalan ng maisip na tula ang mga kasali.

Isang halimbawa ng Tigsik ang mga sumusunod:

Tigsik ko itong langawMatayog ang tanawKaya pala matayogNakapatong sa kalabaw

Tigsik ko itong bulaklakKay tamis, kay sariwaKaya pala sariwaPlastic

Ang modernong tulang Bicol ay maaring may personal o panglipunang tono.Madalas ang mga ito ay may simple ngunit di-pangkaraniwang paningin sa mga pangyayari sa daigidig.Madalas sumusunod ang mga tulang Bicol sa teorya ng Imahismo-simple ngunit malinaw ang kahulugan.

Isang halimbawa ang sumusunod:

PanambitanMyrna Prado

Bakit kaya dito sa mundong ibabawMarami sa tao’y sa salapi silaw?

Kaya kung isa kang kapus-kapalaranWala kang pag-asang makyat sa lipunan.

 Mga mahihirap lalong nasasadlak,Mga mayayaman lalong umuunlad,

May kapangyarihan, hindi sumusulyapMga utang-na-loob mula sa mahirap.

Kung may mga taong sadyang nadarapa

Sa halip tulungan, tinutulak pa nga,Buong lakas silang dinudusta-dusta

Upang itong hapdi’y lalong managana.

Nasaan Diyos ko, ang sinasabi moTao’y pantay-pantay sa bala ng

mundo?Kaming mga api ngayo’y naririto

Dinggin mo, Poon ko, panambitang ito.

Page 5: Pagsusuri sa Tulang Bicol

Ang tulang ito ay masasabing halimbawa ng tulang “imahismo” dahil sa pagiging simple ngunit makahulugan.Isinumlat ang tula upang iparating ang pang-aaping naranasan ng may-akda.

KABANATA IIIParaan ng Pananaliksik na Ginamit

Ang kabanatang ito ay naglalahad kung paano nakalap ang mga impormasyon tungkol sa pag-aaral.

Paraang GinamitAng mananaliksik ay gumamit ng mga aklat at website sa internet

upang makakalap ng mga impormasyon sa pananaliksik.

Instrumento na Ginamit Ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang

instrumento sa pangangalap ng mga impormasyon.

KABANATA IVPresentasyon at Interpretasyon

1.)Ano ang tulang Bicol?Ang mga tulang Bicol ay uri ng tula na nagmula sa rehiyon ng

Bicol.Ito ay nauuri sa dalawa-ang awit at rawitdawit.

2.)Saan ito nagmula at paano ito nagsimula?Nagmula ito sa rehiyon ng Bicol at nagsimula sa pagsisimula ng

sibilasyon.

3.)Ano ang kanilang mga paksa?Madalas ang kanilang mga paksa ay may personal at panglipunang

tono.Maaringtalakayin ang kahit anong paksa mula sa pamilya hanggang sa romansa.

4.)Sa paanong paraan naiiba ang mga tulang Bicol sa ibang uri ng tula?Naaiba ang mga tulang Bicol sa sumusunod na paraan:

a) May personal itong tonob) Walang hadlang sa kahit anong paksac) Madalas maririnig sa mga pagtitipond) Halimabawa ng teoryang Imahismo at Romantisismo

KABANATA V

Lagom

Page 6: Pagsusuri sa Tulang Bicol

Ang tulang Bicol ay isang mayamang parte ng panitikang Pilipino.Nagsimula na ito bago pa ang sinaunang sibilisasyon at nalinang sa pagdating ng modernong panahon.

Ito ay may dalawang uri-ang awit at rawitdawit.Madalas itong pumapaksa sa personal na buhay ng may akda at maaring gamitin ang kahit anong paksa sa paggawa ng tula.Madalas itong pumapaksa sa kapaligiran,paghihirap,pag-ibig at romansa.

Isang parte ng buhay sa Bicolandia ang paggawa ng mga tula.Sa mga okasyon at pagtitipon hindi mawawala ang palitan ng mga tula na tinatawag na “tigsikan”.Maituturing din na halimbawa ng teoryang Imahismo at Romantisismo ang mga tulang Bicol dahil sa pagiging simple,makahulugan at pagkakaroon ng pag-ibig sa mga bagay-bagay.

KongklusyonAng pananaliksik na ito ay nagbibigay ng mga sumusunod na

kongklusyon:

a) Ang tulang Bicol ay nagsiumla noong sinaunang panahon nat laganap sa rehiyon ng Bicolandia.

b) Ang mga tulang Bicol ay may personal na tono at madalas pumapaksa sa personal nakaranasan ng may-akda.

c) Ang mga tulang Bicol ay maituturing na mga halimbawa ng teorynag Imahismo at Romantisismo dahil sa pagiging makahulugan at romantiko.

RekomedasyonAng pananaliksik na ito ay nagrerekomenda ng mga sumusunod:

a) Magkaroon ng mas malalim na pananaliksik sa mga Tulang Bicol at ang impluensya nila sa paglinang ng Panitikan

b) Magkaroon ng mas masusuing pag-aaral sa mga tulang Bicol at gawin itong parte ng pag-aaral ng asignaturang Filipino.

Talasalitaan

o Tigsik-“tagay” sa Filipino.Isang tulang Bicol na may apat na linya.Madalas itong marinig sa mga okasyon o salu-salo.

o Tigsikan-palitan ng mga tula sa mga okasyon.o Rawit-dawit-uri ng tulang Bicol na personal ang tono at maaring

kahi ano ang paksao Teoryang Imahismo-teoryang gumamit ng mga imahen na higit na

maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.

Page 7: Pagsusuri sa Tulang Bicol

o Teoryang Romantisismo-teoryang naglalayon na ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan

Bibliograpi

Imahismo sa tulang “Panambitan”<http://plumatek.multiply.com/journal/item/30/Imahismo_sa_tulang_Panambitan>

RawitDawit<http://panitikan.com.ph/regional.htm>

Frederick Maurice Lim-Blogspot<ttp://rawitdawit-bicol.blogspot.com/>

Diana Lyn Lopez<http://litera1no4.tripod.com/bicolano_frame.html>

Historical Background of Philippine Literature<http://www.scribd.com/doc/27042372/ETHNIC-TRADITION-AND-SPANISH- COLONIAL-TRADITION>

Philippine Ethics and Poetry<http://www.scribd.com/doc/21640904/Centuries-Prior-to-the-Occupation-by-Spain-Filipinos-Already-Had

Teoryang Pampanitikan< http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/24>