11
MRS. ALICE A. BERNARDO Ang Pakikibaka ng mga Pilipino Para sa Kasarinlan

Pakikipaglaban para sa kalayaan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

kailangang pahalagahan ang pakikipaglaban ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan. Hindi biro ang makipaglaban sa minimithing kalayaan nararapat lamang sila ay ating papurihan at pasalamatan.

Citation preview

Page 1: Pakikipaglaban para sa kalayaan

MRS. ALICE A. BERNARDO

Ang Pakikibaka ng mga Pilipino

Para sa Kasarinlan

Page 2: Pakikipaglaban para sa kalayaan

Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pag-aalsa ng ating mga ninuno laban sa mga Espanyol ay ang pagtutol ng mga katutubo sa

bagong relihiyon;hindi paggalang ng mga pinunong Espanyol sa diwa ng pakikipagsanduguan sa mga katutubong pinuno, pangangamkan

ng lupa ng mga katutubo at di-makatarungang pagbubuwis at pagtatrabaho. Ilan sa mga kilalang lider ay sina Lakan Dula at Raha

Sulayman noong 1574. Si Magalat na namuno sa pag-aalsa sa Cagayan noong 1596. Si Francisco Maniago ay namuno naman sa

isang rebelyon sa Pampanga noong taong 1660-1661. At noon namang 1762-1763 ang mag-asawang Diego at Gabriela Silang ang

namahala sa pag-aalsa sa hilagang Luzon. Kabilang din sina Hermano Pule ng Tayabas, Dagohoy ng mga Boholano, Sumuroy ng Samar at marami pang iba. Mahigit na isangdaang pag-aalsa ang naganap sa

iba’t ibang panig ng bansa.

Mga Unang Pakikipaglaban ng mga Pilipino

Page 3: Pakikipaglaban para sa kalayaan

Ang Kamatayan ng Tatlong Paring Martir

Ang Kamatayan ng 3 Paring Martir

Ang paggorete sa Tatlong Pilipinong pari na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose

Burgos at Padre Jacinto Zamora ay isang pangyayari na

nagpatindi at nagpaalab sa pagkamakabayan ng mga

sumaksi ng kanilang kamatayan. Ang di-

makatarungang paglilitis at pagbitay sa 3 pari ang naging

dahilan ng patuloy na pakikipaglaban ng mga Pilipino

sa iba’t ibang kaparaanan.

Page 4: Pakikipaglaban para sa kalayaan

Ang Kilusang Propaganda

Ang Kilusang Propaganda

Ang pakikipaglabang pandaigdig ng Pilipinas ang nagpasigla sa mga komersyante at sa mga magsasaka.

Nakatulong ang mga makabagong teknolohiya at paglaki ng produksyon sa pagkakabuo mga panggitnang uri sa

lipunan na tinatawag na ILLUSTRADO. Ang mga mag-aaralna ito ay naimpluwensyahan ng mga

kaisipang liberal sa kanilang pakikihalubilo sa mga Europeo at Amerikano.

Sa mga dahilang ito lalong lumawak ang kamalayang pampulitika at panlipunan ng mga

Pilipino, na humantong sa pagkatatag ng Kilusang Propaganda.

Page 5: Pakikipaglaban para sa kalayaan

.

Mga Hakbang na isinagawa ng mga Propaganda

*ang La Solidaridad. Nakatulong ang pahayagan sa paglalarawan ng di-magandang kundisyon ng mga Pilipino.*Naitatag din ang Association Hispano- Filipino sa Madrid.Ito ay samahang itinatag ng mga Espanyol at mga propagandistang Pilipino na may hanga-ring makipaglaban para sa pagbabago sa pamamahala sa Pilipinas.*Ang pagkakatatag ng La Liga Filipina sa Tondo sa pamumuno ni Jose Rizal na may layuning magsagawa ng mga reporma, magpairal ng katarungan at proteksyon, para sa lahat at magpaunlad ng edukasyon, agrikultura at pangangalakal.

Mapayapa ngunit buong giting na lumaban ang mga Propagandista sa paghingi ng mga pagbabago o reporma sa sistema ng pamamahala ng mga Espanyol sa ating bansa. Ang paglaban ay sa pamamagitan ng panunulat. Ang mga propagandista ay mga kabataang Pilipino na kabilang sa mga matatalino at matatapang na pamilyang Pilipino.

Page 6: Pakikipaglaban para sa kalayaan

☻Ang Payo ni Rizal sa Katipunan• Hiniling ni Andres Bonifacio sa pamamagitan ni Dr. Pio Valenzuela, ang naaatasang

sugo ng mga Katipunero, upang kausapin si Rizal na noon ay ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga na makipagtulungan sa balak na himagsikan. Hindi tumutol si Rizal sa paghihimagsik subalit ang kanyang itinutol ay ang kakulangan ng armas at paghahanda sa kasanayan ng mga Katipunero

☻Sigaw sa pugadlawin *Dahil sa Pagkatuklas ng Katipunan noong Agosto 19, 1896, inaresto ng mga Espanyol ang lahat ng mga pinanghihinalaang kasapi. Ang iba naman ay nakatakas, Pinulong ni Andres Bonifacio ang lahat ng mga pinuno ng samahan sa Pugadlawin. Dito naspagkaisahan na ituloy ang kanilang planong paghihimagsik. Ang pagpunit ng kanilang mga sedula kasabay ng sigaw na “Mabuhay ang Pilipinas” ang siyang naging hudyat sa pagsisimula ng himagsikan. Opisyal na nagsimula ito noong Agosto 23, 1896 sa pangunguna ni Andres Bonifacio.

Page 7: Pakikipaglaban para sa kalayaan

Ang Pagsilang ng Katipunan

♥KKK-Kataas-taasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan ay isang lihim na samahan na itinatag sa Kalye Azcarraga, Tondo, Maynila.Ang mga nanguna sa pagtatatag ng Katipunan ay sina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Deodato Arellano at iba pang mga makabayan. Napagtanto nila na ang pag-aresto at pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan ay isang pahiwatig na ang mapayapang paraan para matamo ang reporma ay hindi epektibo.♥Naging mabilis ang pagdami ng mga kasapi sa Katipunan. Hindi lamang mga taga-maynila ang sumapi rito kundi mga taga-Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan at Nueva Ecija. Ang paglilimbag ng Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan ay nakatulong nang malaki sa paggising ng damdaming makabansa ng marami at pagkaakit nila na sumama sa kapisanan. Bagamat iisang isyu lang ang nailathala ng Kalayaan, dumami hanggang 30,000 kasapi mula sa 300 ang mga Katipunero. Ang pagkakatuklas ng mga Espanyol sa kanilang palimbagan ang naging dahilan upang matigil ito.

Page 8: Pakikipaglaban para sa kalayaan

☻Ang Paglaganap ng Himagsikan• Walong lalawigan ang unang nag-aalsa. Daan-daang mamamayan ang

inaresto at ipinakulong. Pinamunuan nina Heneral Emilio Aguinaldo at Heneral Artemio Ricarte ang himagsikan sa Cavite. Si Mariano Llanera sa Nueva Ecija at si Heneral Miguel Malvar sa Batangas. Ginawa nila ang lahat upang maibagsak ang pamahalaang Espanyol at naging matagumpay naman sila. Lalong tumindi ang kalupitan ng mga Espanyol nang palitan ni Gobernador Heneral Blanco noong Disyembre 3, 1896.

☻Kasunduan ng Biak –na-bato -ang patuloy na labanan ng dalawang magkabilang panig ang nagtulak kina Pedro Paterno, isang mayamang abugadong Pilipino at Gobernador Primo de Rivera ang lider ng mga Espanyol na magkaroon ng kasunduan pangkapayapaan. ANG Kasunduan ng Biak-na-Bato ay hindi nagdulot ng kapayapaan

Page 9: Pakikipaglaban para sa kalayaan

☻Republika ng Biak-na-Bato

-Noong Nobyembre 1, 1897, ay napagkasunduan ng mga pinuno ng rebolusyon sa pamumuno ni Aguinaldo na bumuo ng Konstitusyon ng Biak-na-bato. Nakasaad sa konstitusyon ang layunin nitong magsarili bilang isang malayang bansa at tinawag na Republika ng pilipinas.☻Ang pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ni Aguinaldo-Mula sa pagpapahayag pamahalaang diktaturyal noong mayo 24, 1898 nakapaghanda ang mga lider Pilipino sa pagpapahayg ng kalayaan. Ang seremonya ay naganap noong Hunyo 12, 1898 sa tahanan ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Sa kauna-kaunang pagkakataon ay itinaas ang bandilang Pilipino at tinugtog ang Marcha Nacional.☻Ang Pamahalaang Rebolusyunaryo-Ang pamahalaang diktaturyal ay pinalitan ng pamahalaang rebolusyunaryo. Ito ang naging payo ni Apolinario Mabini. Mayroon itong kongresong itinatag upang maging tagagawa ng batas. Ang mga kasapi nito ay inilahal ng mamamayan at ang iba ay pinili ni Aguinaldo.

Page 10: Pakikipaglaban para sa kalayaan

◘Ang Unang Republika ng Pilipinas+Ang Unang Republika ng Pilipinas ay pinasinayaan noong Enero 23, 1899. Si Emilio Aguinaldo ang inilahal na pangulo at si Pedro Paterno naman ang pangulo ng kongreso. Ipinahayag noong Enero 21, 1899 ang Saligang Batas na nilikha ni Fellipe Calderon.♣Himagsikang Pilipino at Amerikano+Nagsimula ang hidwaan ng pilipino at amerikano nang hindi kinilala ng Estados Unidos ang Republika ng Pilipinas na ipinahayg ni Emilio Aguinaldo. Ang tunay na hangarin ng mga Amerikano na halinhan ang mga Espanyol bilang mananakop ay napatunayan ng mga pilipino sa Pamamagitan ng Kasunduan sa paris noong Disyembre 10, 1898. Ang pananakop ay humantong sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Sumiklab ang unang labanan nang barilin ng isang sundalong Amerikano na si Private William W. Grayson ang isang sundalong Pilipino sa pagitan ng BlockHouse 7 at Barrio Santol ngayon ay Calle sociego,.Nakipaglaban muli ang mga Pilipino para sa kalayaan. Noong Marso 23, 1901 nadakip si Aguinaldo ng mga Amerikano, ito na ang naging wakas ng Unang Republika Ng Pilipinas.♥Ang Pagtutol ni Macario Sakay+Isa si Macario Sakay sa mga nagtatag ng sariling pamahalaan sa Katagalugan. Si Macario Sakay ay naging mahigpit sa pamamahal;a sa kanilang kilusan upang maging maayos at ligtas ang lahat.

Page 11: Pakikipaglaban para sa kalayaan

•Ang Mga Pilipinong Muslim Laban sa mga Amerikano=Batid ng mga amerikano ang pagkakaisa tatyag ng loob ng mga Pilipinong Muslim kaya nais nilang makontrol ang mga ito sa pamamagitan ng kasunduan ng pakikipagkaibigan. Si John Bates, isang amerikanong Heneral ang nagkaroon ng pagkakataon na makipagkasundo sa mga sultan. Ang ilang mga kasaamahan ng sultan ay tinutulan ang pagpapanatili ng mga Amerikano sa alinmang lugar ng Sulu. Sa bayan lamang ng Jolo pimayagan na manatili ang mga amerikano. Noong 1906 at 1913 ay nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga Amerikano at muslim. Natapos ang digmaang ito noong 1917.•Ang Pagtutol ng mga Makabayang Pilipino sa Pamamagitan ng Panulat=Patuloy na ipinaglaban ng mga Pilipino ang minimithing kalayaan kaya bukod sa mga pag-aalsa sa armas ay ipinakita rin nila ang pagtutol sa pamamagitan ng panulat bagamat mahigpit ang mga Amerikano sa pamamahayg, ang panunuligsa ng mga Pilpinong manunulat ay di-tuwiran dahil gumagamit sila ng talinhaga.