2
John Anthony B. Teodosio 1.) Lalabindalawahin, balangkas na patalastas, romantikong pag-ibig sa tao. Isasagad Ko Na Dahil Sawa Na Ako Sa Pag Ibig!!! Sawang-sawa na 'ko sa mga bulaklak, Idaan na natin sa paspasang laklak. At sa gabing ito, huwag kang masindak. Paiinitin ka, kahit ika'y pandak. Nadamang kuryente't kakaibang hagod. Kumikislot-kislot na para bang uod. Ano naman ngayon kung tayo'y mapagod? Basta't ang dangal mo'y aking sinusugod. Ang kanyang halinghing na aking narinig, Malamang ay galing sa aking kaniig. Eternal na punlay, sa kanya dinilig. At sabay nahimlay, napawi ang lamig. 2.) Balangkas na pasuysoy, malakas na katinig, dalit Paano Siya Nabuo? Ula't habagat, nagkalap. Namuo pati ang kulap. Pinagsamang hangi't ulap, Umikot sa alapaap. 3.) Balangkas na pasuhay, walang impit, dalit Ayon sa PAG-ASA….. Pagpasok ay kinansela. Tuwang-tuwa naman sila. Malakas na sigwa pala, Na mayroong ulang dala. 4.) Balangkas na patimbang, may impit, dalit. Kasama(an) Pag-ihip na kanyang gawi, Kay lamig na bawing-bawi. Ngunit sa delubyo ang uwi, Sangkatauha'y nasawi. 5.) Lalabindalawahin, 4/4/4 ang sesura, balangkas na patanghal, pagpapatawa ang himig, tungkol sa bagyo. Bilang Payaso at Hindi Tagapuksa

Palihan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Palihan

John Anthony B. Teodosio

1.) Lalabindalawahin, balangkas na patalastas, romantikong pag-ibig sa tao.

Isasagad Ko Na Dahil Sawa Na Ako Sa Pag Ibig!!!

Sawang-sawa na 'ko sa mga bulaklak,Idaan na natin sa paspasang laklak.At sa gabing ito, huwag kang masindak.Paiinitin ka, kahit ika'y pandak.

Nadamang kuryente't kakaibang hagod.Kumikislot-kislot na para bang uod.Ano naman ngayon kung tayo'y mapagod?Basta't ang dangal mo'y aking sinusugod.

Ang kanyang halinghing na aking narinig,Malamang ay galing sa aking kaniig.Eternal na punlay, sa kanya dinilig.At sabay nahimlay, napawi ang lamig.

2.) Balangkas na pasuysoy, malakas na katinig, dalit

Paano Siya Nabuo?

Ula't habagat, nagkalap.Namuo pati ang kulap.Pinagsamang hangi't ulap,Umikot sa alapaap.

3.) Balangkas na pasuhay, walang impit, dalit

Ayon sa PAG-ASA…..

Pagpasok ay kinansela.Tuwang-tuwa naman sila.Malakas na sigwa pala,Na mayroong ulang dala.

4.) Balangkas na patimbang, may impit, dalit.

Kasama(an)

Pag-ihip na kanyang gawi,Kay lamig na bawing-bawi.Ngunit sa delubyo ang uwi,Sangkatauha'y nasawi.

5.) Lalabindalawahin, 4/4/4 ang sesura, balangkas na patanghal, pagpapatawa ang himig, tungkol sa bagyo.

Bilang Payaso at Hindi Tagapuksa

Itong hangin, ibinuhos niyang lahat.Binaliktad, ang payong n’yang buto't balat.Pati palda ng babae ay inangat.Ibaba mo't h'wag makita, ang ‘yong burat.

Nagtampisaw sa malaking anyong tubig.Do’n narinig, maligaya nilang tinig.Ang mga bata'y tuwang-tuwa't iniibig.Ihing daga’y nakahalo -- bawat panig.

Bihis ka na, iyon nga lang, walang pasok.Kaya tuloy, basang sisiw at natapok.Nang mauhaw, natagpuan, isang sulok.Do’n ininom ang alulod at sinalok.

Alam mo nang hindi lamang mananakot,Nitong unos na pagwasak ang s'yang dulot.Kaya ka n'yang pahiyain nitong salot,Mga bloopers at epic fail ang bangungot.