Upload
imanhannasg4328
View
1.214
Download
16
Tags:
Embed Size (px)
Citation preview
UNANG KABANATA
Kaligiran ng PananaliksikKaligiran ng Pananaliksik
A. Panimula
Ang buong mundo ay nakakaranas na ng krisis, kahit ang pinakamalakas na
bansa tulad ng Amerika ay tinamaan din ng sakunang ito. Isa panukala ni Colayco (2005)
para mabawasan ang bigat ng problema nito ay ang tamang paghawak ng mga tao sa
kanilang pera. Sa madaling sabi ay ang kanilang kaalaman sa pag-iimpok. Napakaraming
paraan para tayo ay makapag-ipon. Ang ating pamahalaan ay nabigyan na tayo ng mga
pormal na institusyon ng pananalapi. Ngunit ang mga institusyong yaon ay may mga
limitasyon din. Hindi lahat ng Pilipino ay maaring sumailalim sa mga pinansyal na
institusyon ng ating bansa dahil sa iba’t -ibang antas ng buhay. Ang mga may magandang
kita o ang mga may-kaya at mayayaman ang mga madalas na gumagamit ng pamamarang
pag-iimpok na tinutugunan ng mga pinansiyal na institusyon. Samantalang ang mga may
mababang kita o ang mga mahihirap ay bumuo na lang kanilang pamamaraan sa pag-
iipon. Isa na rito ang pag-sali sa isang paluwagan. Ang paluwagan ay napakalaganap sa
buong Pilipinas. Mapa-bata, dalaga, binata, matanda ay sumasali sa sistemang ito. May
ilan ding wala pang karansan sa nabanggit na sistema. Sa pag-aaral na ito, maipapakita
ang detalyadong impormasyon tungkol sa paluwagan.
1
Ano ang Paluwagan?
Ang paluwagan ay isang grupo ng mga indibidwal na nagkasunsdo na magkita sa tiyak
na panahon para makapagipon at mag-hiraman ng magkakasama. Ang paluwagan ay bangko
ng mahihirap na kung saan ang pera ay hindi nagtatagal sa pinaglalagakan at nagbibigay
kasiyahan sa parehong pagkonsumo at produksyon ng mga pangangailangan (Bouman,
1983).
Paano nagsimula ang Paluwagan?
Ayon kay Seibel (2006), nagsimula ang paluwagan sa mga alipin ng Yoruba
noong ikalabing anim ng siglo. Ipinakilala nila ang paluwagan sa Caribbean sa
katawagang esusu at hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ang sistemang ito sa Bahamas
bilang esu, susu sa Tobago o sou sa Trinidad. Sa mga Yoruba sa Nigeria ngayon ay
imposibleng walang nakasapi sa isang paluwagan roon. Ang institusyon ay laganap sa
buong West Africa pati na rin sa buong mundo na naging parte na ng kani-kanilang local
na ekonomiya. May sari-sariling katawagan ang bawat bansa para sa paluwagan, arisan
sa Indonesia, paluwagan sa ating bansa, gameya sa Egypt, ekub sa Ethiopia, cuchubal sa
Guatemala, etc.
Paano ito ipinatutupad?
Paano nakakasali sa isang paluwagan?
Ang mga miyembro sa isang paluwagan ay pinipili ng nagbuo ng paluwagan na
yaon batay sa lahi n o mga heograpikal na mga limitasyon.. Ang paluwagan ay inorganisa
para sa mga miyembro ng parehong tama background, parehong lugar ng pinagmulan,
2
parehong katutubong wika. Ito rin ay maaaring ayusin sa kasunduan ng mga
miywembro na naayon sa kanilang kagustuhan (Bouman, 1979) .
Halaga ng kontribusyon :
Ang halaga ng kontribusyon sa bawat siklo ay batay sa bilang ng mga kalahok na
miyembro, ang kabuuang halaga ng panalong na ang bawat kasapi ay maaaring
makakuha, at iba pang Socio-ekonomiyang kadahilanan. Ang kontribusyon ay maaari
ding maging sa anyo ng mga bahagi 'kaya nagbibigay-daan sa isang miyembro na
magkaroon ng higit pa sa kontribusyon sa isang partikular na siklo - ang pagtaas ng
kanyang mga pagkakataon na makuha ang kabuuan ng pondo, kasabay na rin ang pagtaas
ng kanyang kontribusyon (Bouman, 1979 : 258).
Panahon ng pagbigay ng kontribusyon:
Ito ay maaari pang araw-araw, lingguhan, minsan sa dalawang linggo, buwan-
buwan, at kalahating tao, depende sa halaga ng kontribusyon. Karaniwan, ang mga mas
maliit na halaga, mas maikli ang ang panahon ng paluwagan.
Paraan ng pagpili ng makakakuha ng kabuuan ng salapi:
Ang batayan ng pagpapasya sa nagwagi ng kabuuan ng pondo ay sa
pamamagitan ng alinman sa tatlong paraan: Sa pamamagitan ng kasunduan, kung saan
ito ay nagaganap sa pagitan ng mga miyembro, ang halaga ay kadalasang ibinibigay sa
isang miyembro na nasa pinaka-kailangan para sa pananalapi. Sa pamamagitan ng
3
bunutan, kung saan magkakaroon ng bunutan sa pagitan ng mga miyembro at kung sino
man ang nakabunot ng pondo, siya ang mauuna at pagkatapos noon ay hindi na siya
sasali sa susunosd na bunutan , ngunit patuloy siyang magbibigay ng kontribusyon. At
ang ikatlong paraan ay ang pagsusubasta, sa paraang ito ay kung sino ang manalo sa
subasta ay siayng makatatanggap ng ponsdo ng paluwagan, naibawas naroon ang
isinubastang halaga ng salapi. Sa mga ibang miyembro, patuloy silang magbibigay ng
kontribusyon bawas ang kanilang isinubasta din (Bouman, 1979 : 258).
B. Paglalahad ng Suliranin
Ang suliranin ng pag-aaral na pagtutunan ng mag-aaral ay ang katotohanan kung
ang paluwagan ay ganap na maituturing na paraan ng pag-iipon. Ang mga sumusunod na
katanungan ay ang mga espisipikong suliranin ng pag-aaral na ito:
1. Ano ang Paluwagan?
2. Paano nagsimula ang Paluwagan?
3. Sino-Sino ang gumagamit ng sistemang ito?
4. Maituturing ba itong paraan ng pag-iimpok?
5. Sa mga nakaranas na ng sistemang ito, masasabi ba nilang nakatulong ang
paluwagan sa kanilang pag-iimpok o hindi?
6. Anu-ano ang limitasyon ng sistema ng Paluwagan?
7. Anu-ano ang positibo at negatibong naidudulot ng Paluwagan?
C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay una, mapatunayan ng mag-aaral ang isyu
tungkol sa sa pagiging epektibo ng paluwagan bilang paraan ng pag-iimpok, ikalawa,
4
mabigyan ng tama at sapat na impormasyon tungkol sa sistema ng paluwagan ang lahat ng
taong wala pang kaalaman tungkol dito pati na rin ang mga taong hindi pa ganoon kalawak
ang kaalaman. Ang ikatlong layunin ng papel na ito ay matigil na ang anumang maling
konsepto ukol sa pagkakaroon ng isang paluwagan
D. Batayang Konspetwal / Teoretikal
Ang batayang konseptwal/teoretikal na pagbabatayan ng aking pag-aaral ay ang
sinulat ni Franciso J. Colayco sa kanyang aklat na may pamagat na “Make Your Money
Work, Pera Mo Palaguin Mo 2”. Ayon kay Ginoong Colayco, ang pag-iimpok ang
pangunahing problema ng ating bansa. Dahil ito ang isa sa mga pangunahing problema
ng ating bansa, ipinaliwanag ni Ginoong Colayco sa kanyang aklat ang iba’t ibang
modernong paraan ng paglalagak ng pera tungo sa kalayaang kakapusan. Ang mga
modernong pamamaaraang kanyang inilahad ay madalas na ginagamit ng mga taong may
sapat nang pera na maari niyang ilagak sa isang pinansyal na institusyon. Napagtanto
nang mag-aaral na hindi lahat ng Pilipino ay maaring sumailalim sa mga paraang
kanyang inilahad. Sa kadahilanang yan, nabuo ng mag-aaral ang ideya na pag-aralan ang
isang tradisyunal na paraan ng mga Pilipino na kung saan lahat ng klase ng pamumuhay
ay maaring sumailalim dito at ito nga ang sistema ng Paluwagan.
Ang mga sumusunod ang espisipikong konspeto ni Colayco na pinagbatayan ng pag-
aaral na ito:
1. Mas siguradong magkakapera ka sa pag-iimpok kaysa sa pag-susugal. May
ispekulasyon na ang paluwagan ay maihahantulad sa pagsusugal dahil ito raw ay
5
may panganib na maidudulot sapagkat tiwala ang pundasyon sa pag-sali sa isang
asosasyon ng paluwagan. May posibilidad na hindi sumunod ang isang miyembro sa
mga alintuntunin ng paluwagan. lalo na’t isa lamang itong impormal na institusyon
ng pananalapi.
2. Ang paglalagakan ng iyong salapi ay dapat lehitimo. Kaya ang ating
gobyerno ay pinagbubuti ang proteksyon ng mamamayang Pilipino laban sa
mga ilegal na pamumuhunan. Sa impormasyong ito ni Colayco ay nakalimita
lamang sa mga pormal na institusyon na pinaglalagakan ng pera. Hindi kasali ang
mga impormal na asosasyon ng iba’t ibang paluwagan sa Pilipinas. Kung ganoon,
ito ba ay nagpapahiwatig sa kawalan ng seguridad sa paluwagan? Iyan ang isa sa
mga katanungang nilalayon masagot ng pag-aaral na ito.
3. Mas madaling mag-impok para sa iyong retirement kung sisimulan mo ito
habang bata ka pa. Pati mga kabataan ay sumasali na rin sa mga paluwagan o di
kaya naman ay bumubuo ng kanilang sariling paluwagan. Kaya sa pag-aaral na
ito, nais matuklasan ng mag-aaral kung ito ba ay nakabubuti sa kanilang pag-
iipon at kung ito ba ay paraan nila sa paghahanda ng ‘kanilang hinaharap o sa
madaling salita, itinuturing ba nilang impormal na “investment” ang sistema ng
paluwagan.
E. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay ukol sa sistema ng paluwagan bilang paraan ng pag-iipon.
Anumang isyu tungkol sa sistemang ito bukod sa nabanggit ay hindi saklaw ng
6
pananaliksik na ito. Ang buong pag-aaral ay gagawin lamang sa loob ng Maynila at ang
panahon na ilalaan ay hindi lalagpas sa petsang ito: Marso 6, 2010.
Ang mga tagatuon ng pagaaral na ito ay ang mga sumusunod lamang:
Sampung estudyante ng Philippine School of Business Administration. Ang
kasarian ay hindi na nabigyan ng konsiderasyon dahil sa ito ay magbabatay kung
ang tagatuon ay may karanasan sa paluwagn.
Labing-limang online respondents. Ang malawakang online forum ay naganap sa
www.sulit.com.ph. Ito ay sa pamumuno ng mag-aaral.
Tindera at tindero sa kalye ng R.Papa st., Sampaloc Manila
F. Kahulugan ng Katawagan
Ang Internet forum, o mensahe board, ay isang online site na discussion. Ito ang
modernong katumbas ng isang tradisyonal na bulletin board, at teknolohikal na
ebolusyon ng dialup sistema ng bulletin board. (www.wikipwesdia.org)
IKALAWANG KABANATA
PamamaraanPamamaraan
Ang disenyong pinagbatayan ng pag-aaral na ito ay ang paraang historikal. Ang mag-
aaral ay nagsaliksik ng iba’t ibang dokumentong tumatalakay sa paksang paluwagan gayundin
ang mga paksang may kaugnayan sa pangunahing paksa. Nagkaroon ng masusing pag-aaral sa
mga sangguniang ginamit. Ang mga sangguniang nagamit ay mga libro ng Finance at
Ekonomiko, mga dyornal , mga artikulo sa internet at ilang online forum websites.
7
Bukod sa mga nabanggit nagpatupad rin ang mananaliksik ng mga interbyu sa mga
estudyante ng Philippine School of Business Administration. Ang bilang ng estudayante ay
umabot sa dalawampu. Sa pagpili ng mga tagatuon ay walang batayan. Ang importante ay ang
kanilang mga karanasan sa paluwagan. Sa paraan ng pagpili kung sino ang kakapanayamin ay
ginamit ang pamamaraang randomization, ibigsabihin walang katiyakan sa kung sino ang
iintwerbyuhin; kung siya ba ay babae o lalaki o kaya naman ay may karanasan ba siya o wala.
Ito ay ginawa upang maiwasan ang bayas. Mayroon ding online na sarbey na ginawa ang mag-
aaral upang makahanap siya ng iba’t ibang karanasan mula sa iba’t ibang antas ng buhay. Ang
paraang ito ay moderno na kung saan ay ginamitan ng koneksyon sa internet. Ginamit ito ng
mag-aaral dahil batid niyang may ilang tao ay hindi mahilig sa personal na interbyu at naiilang
ang ilan na ihayag ang kanilang nararamsdaman. Ang isang pang grupo ng mga tagatuon na
kinapanayam ng mag-aaral ay ang grupo ng mga tindera at tindero sa R.Papa, st. Sampaloc,
Manila.
IKATLONG KABANATA
Pasusuri, Paglalahad at Interpretasyon ng mga DatosPasusuri, Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos
Maituturing bang pag-iimpok ang Paluwagan?
PSBA Online Respondents Tinder o/Tindera
Oo 10 7 2
Hindi 0 6 3
Total 10 15 5
8
Ang pangunahing problema ng pag-aaral na ito ay kung itinuturing ng mga
sumasali sa paluwagan ang sistema nito bilang paraan ng pag-iipon. Batay sa resulta,
lumalabas na mas maraming sumasang-ayon na ang paluwagan ay paraan ng pag-iimpok.
Ngunit ito ay taliwas sa isang online forum sa internet na matatagpuan sa
www.pinoyexchange/forums.com. Nagkaroon ng malawakang usapan sa website na iyan
na kung saan maraming nagsabi na hinsdi pagiimpok ang paluwagan, sa bilang ma 37,
labing lima ang hindi sumasangayon , labing dalawa ang sangayon at sampu ang walang
alam sa sistema ng paluwagan. Kung ikukumpara ang dalawa, magkakaroon ng
magkaibang konklusyon.
Mga tagatuon
Oo 12
Hindi 15
Neutral 5
Walang Karanasan 5
Total 37
Mula sa www.pinoyexchange.com
Ang bar
graph nasa itaas ay
9
nagpapakita ng porsyento ng mga lalaki at babaeng sumasali sa paluwagan. Batay sa resulta ng
interbyu at online sarbey, mas maraming babae ang sumasali sa paluwagan, 68% at 32% naman
ang mga lalakwe. Pinagsama na ng mag-aaral ang populasyon ng mga tagatuong mula sa PSBA
at sa intenet. Sampu mula sa PSBA at labing lima sa online forum. Ito ay isang patunay na mas
mahilig magipon ang mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan. Ang teoryang ito ay
napatunayan na sa pag-aaral ni Mary Gugerty sa Kenya. Lahat ng kanyang tagatuon sa
pananaliksik niya ay pawing babae ( You can’t save alone, 2007).
Ang table na nasa itaas ay ang mga katawagang nabanggit ng mga online respondents sa
www.sulit.com.ph. Napagalaman ng manunulat na hindi lamang paluwagan ang tawag sa
Pilipinas kundi may kanya-kanya pang bersyon ang bawat lugar sa pag-tawag rito. Kung inyong
mapapansin, may isang katawagang sumasalungat sa orihinal na tawag, ito ang pasikipan.
Tinawag itong pasikipan dahil nagiging obligado ang mga miyembro na magbayad sa pondong
iniipon. Kaya may puntong nasisikipan na ang mga miyembro.
Mula sa mga interbyu ng mananaliksik, umaayon ang mga tagatuon sa mga bentahe at
disbentahe sa pagsali sa isang paluwagan. Nasa ibaba ang buod.
IBANG TAWAG SA PALUWAGAN
Forced SavingsImpukanPondo/ FundTornohanPasikipan
10
IKAAPAT NA KABANTA
Paglalagom, Kongklusyon, at Rekomendasyom
A. Paglalagom
Ang ating bansa ay nakararanas ngayon ng krisis. Isa sa mga solusyon upang
makatagal sa suliraning ito ay ang mag-impok ng pera. Napakaraming pamamaraan para
sa pag-iimpok. Ito man ay pormal at di-pormal. Nariyan ang mga bangko at iba pang
investment instruments. Ang mga ito ay halimbawa ng pormal na pananalaping
BENTAHE DISBENTAHE
Nagbibigay ng oportunidad na makapagipon ang lahat ng miyembro.
Ang lahat ng miyembro ay pare-parehong makakakuha ng salapi mula sa pondo.
Simple ang mga panuntunan at proseso
Hindi nangangailangan ng kaalaman sa pag-rerekord ng pera.
Hindi kailangan ng magpapautang.
Hindi nangangailangan ng pasilidad para sa paglalagakan ng pera.
Hindi lahat ng miyembro ay matutugunan agad ang pangangailangan nito sa pera. Depende pa rin kung sino ang nakatakdang kumuha ng pondo.
May malaking risko nakakaharap ang unang magsusuweldo dahil sa natitirang panahon ng paluwagan ay hulog lang siya ng hulog.
Ang mga miyembrong nakakuha sa huling siklo ng paluwagan ay may maliit na benepisyo dahil maaring nagdaan na ang oras ng kanyang pangangailangan.
11
institusyon. Tanging mga may kaya at mayayaman lamang ang maaring sumailalim sa
mga paarang iyion. Ngunit ang mga may konting kinikita at mahihirap ay may sariling
paraan din para makapag-ipon ng salapi bukod sa pag-iipon sa sarili. Isa sa kilalang kilala
sa ating bansa ay ang tinatawag na Paluwagan.
Ang paluwagan ay hindi lamang kilala sa ating bansa kundi sa iba’t ibang panig
ng mundo. Ang bawat bansa ay may sariling katawagan din dito. Dahil sa pagiging
impormal nito, dumedepende ang uri ng pagpapatakbo sa paluwagan sa mga taong
bumubuo nito. Dahil diyan, inulan ng batikos ang sistemang ito tulad ng pagkakaroon
nito ng walang kasiguraduhan, walang tubong nakukuha, at hindi ganap na maaasahan sa
lahat ng oras. Ang mga isyung nabanggit ang naging sanhi nang hindi pag-sangayon ng
ilan na ito ay maituturing bilang pag-iimpok. Gayunpaman, marami din naming
nagsasabi na epektibong paraan ang pagsali sa paluwagan.
Ang paluwagan ay parehong may bentahe at disbentae depende na sa sasali kung
nais niyang harapin ang anumang riskong makukuha mula sa paluwagan. Iba’t iba ang
dahilan ng bawat isa sa pagsali sa isang paluwagan. Iba – iba din ang pananaw ng bawat
isa tungkol sa sistema nito. Isang kasigurauhan lang ang maibibigay ng paluwagan,
matutulungan ka nitong mag-ipon ngunit hindi ito nagagarantiya ng isang daang
porsiyento na magdudulot ito ng kasiyahan sa iyo.
B. Kongklusyon
Ang paluwagan ay isang paraan ng pag-iimpok sa mga taong kontentong makuha ng
pareho ang halaga ng kanilang inipon. Sa mga taong, naghahangad ng malakihang ipon,
12
hindi naayon ang paluwagan sa kanilang layunin kaya may mga nagsasabing hindi pag-
iipon ang paluwagan. Ang ibigsabihin nito ay ang katanungang “Maituturing bang pag-
iimpok ang Paluwagan?” ay masasagot batay sa layunin ng tao sa paglagak ng kanyang
pera.
Sa mga may karanasan na sa paluwagan na nagtamo ng magandang karanasan ay
nirerekomenda ang sistema. Sa kabilang banda, ang mga may mapait na karansan, hindi
ito nirerekomenda. Ang pinakapunto nito ay ang pag-sali sa paluwagan ay walang tiyak
na prediksyon kung ano ang kahihinatnan nito. Ito ay dumedepende sa sitwasyon ng
paluwagan. Kaya nasa tao na kung siya ay handang makipagsapalaran sa uri ng
paluwagang kanyang mapapasok. Kung kayo ay nagnanais na sumali sa paluwagan,
alamin mo muna ang iyong layunin sa pag-Sali. Pagkatapos, kilatisin mo ang sistema ng
paluwagang ninanais mong salihan. Magtanong-tanong ka muna sa mga miyembro nito.
At higit sa lahat, alam mo kung paano ipinapatupad ang paluwagan. Tandaan, impormal
ang paluwagan kaya ito ay nangangailangan ng pag-susuri bago ka sumali.
C. Rekomendasyon
Sa panahon ng pagsasaliksik ng mag-aaral, nabatid niyang iba-iba ang depinisyon
ng bawat isa sa pag-iimpok. Ang ilan ay ang karaniwang depinisyon nila sa pag-iimpok
ay ang paraan ng pagtabi ng pera mula sa iyong kita o allowance matapos maibawas ang
gastusin ngunit ang ilan naman ay naniniwalang ang pag-iipon ay ang pag-lalagak ng
salapi na tumutubo ng kita. Ang mga depinisyong ito ay nagmula sa mga estudayante at
propesyonal. Makikita rito ang layo ng kanilang layunin sa pag-iipon. Ang mga kabataan
ay kontento nang mag-ipon mula sa kanilang allowance. Samantalang ang mga may
trabaho na ay naghahangad ng malaking ipon para sa kanilang hinaharap. Kaya nagnanais
13
sila ng kita mula sa iiponin nilang salapi. Ang ibisabihin nito ay gusto nilang ang perang
inilagak nila ay nagtatrabaho para sa kanila.
Sa mga susunod na mag-aaral tungkol sa paksa ng pag-aaral na ito, ang mananaliksik
ay nirerekomenda na pag-aralan ang papel ng paluwagan sa Negosyo, Opisina, at ng mga
Kabataan.
Isang bagay din ang napansin ng mag-aaral, ito ay ang kakulangan ng impomarsyon
tungkol sa paluwagan. Lahat ng naging sanggunian ng mag-aaral ay mula sa mga dayuhang
awtor. Ito ay nakapagtataka dahil ang paluwagan ay may malaking ginagampanan sa buhay
ng bawat Pilipino. Dahil diyan, nirerekomenda ng mag-aaral na lawakan pa ang pag-aaral
tungkol dito at kung maari, magkaroon din ng talakayan sa mga pormal at impomal na
pamamaraan ng pag-lalagak ng salapi sa mga eskwelahan nang sa ganoon ay mahikayat ang
mga kabataang mag-iipon.
14
MGA SANGGUNIAN
Bouman, F.J. (1977). “Indigenous savings and credit societies in the third world: a message”
Savings and Development, I, 181-218.
Bouman, F. J. ( 1979). “The rosca: financial technology of an informal savings and credit
institution in developing economies” . Savings and Development 4 (3), 253-276.
Bouman, F.J. (1983). Indigenous savings and credit association in the developing world.
Washington: Von Pischke, Adams, and Donald, 379-384.
Bouman, F.J. (1995). “Rotating savings and credit Organizations: a development perspective.”
World Development. 23(3): 37-384.
Bujia, G. (2008). “ Is investing in paluwagan safe?” Mula sa www.inquirer.net
Colayco, F.J. (2005). Pera palaguin mo 2: making your money work for you. Pasig City:
Colayco Foundation for Education Inc.
Dizon, N. (2002). “Lina bares nationwide paluwagan program”. Mula sa
www.newsflash.org /2002/11/hi/hi017014.htm
Dzingirai, V. (2000). “Saving to death: a study of group based and other saving arrangements
rural Chivi District, Zimbabwe.” FAO, Social Development Dimensions Report.
www.fao.org /sd/Ppdirect/Ppre0071.htm.
Gugerty, M. K. (2007) "You can't save alone: commitment in rotating savings and credit
associations in Kenya," Economic Development and Cultural Change, 55 251-
282.
Klonner, S. (2003) “Rotating savings and credit organizations as insurance”, International
Economic Review, 44(3), 979-1005.
15
Pascua, H. (2009). “Pinoys join ‘paluwagan’ to ease financial crisis”. Mula sa
http://www.abs-cbnnews.com/pinoy-migration.
Rotating savings and credit association. Mula sa http://en.wikipedia.org/
Siebel, H.D. (2006). “From informal microfinance to linkage banking: putting theory into
practice,
and practice into theory” ADA Luxembourg & European Microfinance
Platform (ISSN 1990-935), European Dialogue no 36, 49-60.
16