Pang Demo Tayutay

Embed Size (px)

DESCRIPTION

sample power point for demo teaching

Citation preview

  • Noon hanggang ngayon, kilalang mangingibig ang mga Pilipino at kadalasang umuusbong ang pagliligawan sa edad ninyo ngayon. Napapansin nyo na ang kagandahan at kagwapuhan ng kapwa binatat dalaga. Saksi sa inyong mga ligaw-tingin at pagsusuyuan ang lugar ng inyong tagpuan.

    FILIPINO-RETORIKA

  • FILIPINO-RETORIKA* Saan ba kadalasang nagliligawan ang mga binatat dalaga?

    SA TABI NG DAGATIsa sa mga maiuturing na pinakamagandang tula ng pag-ibig sa panulaang Filipino ni Ildenfonso Santos

  • FILIPINO-RETORIKAMga gabay na tanong:Sino ang nagsasalita sa tula? Sino ang kanyang kinakausap?Ano ang nangingibabaw na damdamin sa tula?Sa palagay mo bay tapat ang lalaki sa kanyang pag-ibig?Paano inilalarawan ng may akda ang pagsusuyuan ng dalawa?Bakit mahalagang mangibabaw sa mundo ang tapat at wagas na pag-ibig?Sa makabagong panahon, ano ba ang uri ng ligawan ngayon ng mga kabataan?

  • FILIPINO-RETORIKAat sakong na wariy kinuyom na rosasdi na kailangangsapnan pa ang paang binalat-sibuyassa isang pilapil na nalalataganng damong may luha ng mga bituinpatiyad na tayoyMaghahabulang simbilis ng hangin

  • FILIPINO-RETORIKASuriin natin ang unang pahayag na sinipi mula sa tula. at sakong na wariy kinuyom na rosas

    Mga Gabay na Tanong:Ano-anong mga bagay ang pinaghahambing?Anong salita ang ginamit sa paghahambing?Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag?Ano ang tawag sa paglalarawan na kung saan itoy paghahambing na ginagamitan ng mga salitang wari, gaya, parang?

  • FILIPINO-RETORIKAPagtutulad (Simile) nagpapakita ng isang tahasang paghahambing o pgtutulad ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari , kaisipan atb. Ginagamitan ito ng mga salitang gaya ng, para (kapara), wangis, wari, anino, tila at mistula at tulad (katulad).Halimbawa:Pisnging tila makopa sa kapulahan.Bilis-bilisan, para kang pagong kung kumilos.

  • FILIPINO-RETORIKAdi na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas

    Mga Tanong:Anong mga bagay ang inihahambing sa pahayag na ito?Ano ba ang ibig sabihin ng salitang binalat-sibuyas??May ginamit bang salita o parirala upang paghambingin ang paa at binalat-sibuyas?Ano ang ibig sabihin ng pahayag?Kung gayon, ano ang tawag sa paglalarawan na kung saan tuwirang inihahambing ang dalawang magkaibang bagay na walang ginagamit na salita o parirala upang panghambingin ang mga ito?

  • FILIPINO-RETORIKA

    Pagwawangis (Metaphor) ito ay tuwiran o tahasang pagkukumpara o pagtutulad. Hindi gumagamit ng mga salita o pariralang tulad ng nasa pagtutulad

    HalimbawaBuwaya ang mga sakim sa kapangyarihan.Isa siyang maamong tupa

  • FILIPINO-RETORIKASa isang pilapil na nalalataganng damong may luha ng mga bituin

    Mga Tanong:Anong katangian ng isang tao ang matatagpuan sa linyang ito ng tula?Anong bagay ang binibigyang buhay sa linyang ito?Lumuluha ba ang mga bituin? Bakit?Ano ang ibig na ipahiwaig ng pahayag?Anong uri ng paglalarawan kapag nagbibigay buhay sa mga bagay gamit ang kilos o galaw ng tao?

  • FILIPINO-RETORIKA PAGSASATAO (PERSONIFICATION) ito ay pagbibigay katauhan sa mga bagay na walang buhay o sa mga abstraktong kaisipan.

    Halimbawa: Lumuha ang langit at ang mundo ay nanliit. Kumakaway ang mga dahon sa paghihip ng hangin.

  • FILIPINO-RETORIKA Patiyad na tayoyMaghahabulang simbilis ng hangin

    Mga Tanong:

    Anong bahagi ng pananalita ang maghahabulan?Nasa anong aspekto?Anong parirala ang naglalarawan sa pandiwa?Anong bahagi ng pananalita ito?Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito mula sa tula?Anong uri ng paglalarawan na kung saan lumalagpas sa katotohanan ang ipinahihiwatig?

  • FILIPINO-RETORIKAPAGMAMALABIS (HYPERBOLE) ito ay ginagamit kapag pinasisidhi ang paglalarawan sa isang bagay, pangyayari, kaisipan o damdamin.

    HalimbawaKumukulo ang dugo ng dalagang inagawan ng cellphoneNagdurugo ang puso ko sa pagsisinungaling mo.

  • FILIPINO-RETORIKA oh, Tukso! Layuan mo ako

    Tanong:

    Anong bahagi ng pananalita ang salitang tukso? Anong uri ng pangngalan?Paano kinakausap ang tukso sa pangungusap?Anong gawi ang namamayani sa pangungusap?Nasa anong uri ng paglalarawan ang pahayag na ito?

  • FILIPINO-RETORIKA PAGTAWAG (APOSTROPHE) ito ay pagpapahayag ng isang karaniwang bagay o isang di nadaramang kaisipan na para ng isang buhay na taong kaharap na kinakausap gayong wala naman.

    HalimbawaPag-asa! Pag-asa! Ako ay lapitan nang maging mabulaklak ang aking landas.Kamatayay nahan ang dating bangis mo nang di damdamin ang hirap na ito!

  • FILIPINO-RETORIKAPagsasanay:Makakamtan ang nais na kaalaman kung pag-iinsayuhang gamitin. Kaya magkakaroon tayo ng isang Quizz Bowl na lalahukan ng mga pangkat at magtulungan ang ang bawat miyembro sa pagtukoy ng tamang sagot.

    Siyay uminom ng isang balding gatas.Animoy isang paruparo kung lumigaw si Basti sa dalaga.Sumasayaw ang mga alon sa dalampasigan ng Bataan.Ang kanyang balat ay parang kaliskis ng isda kung hihipuin.Mga basang sisiw ang mga batang sa kalye naninirahan.O, pgtulog! Dalawin mo ako nang akoy mahimbing na.Gabundok ang labahin niya kaya siya nakasimangot.O, dagat! Iduyan mo ako sa iyong mga alon.Ang puso moy bato dahil hindi marunong magmahal.Ibinulong ng hangin sa akin ang walang maliw niyang pagsinta.

  • FILIPINO-RETORIKA PagpapalawakGamitin natin ang ating bagong kaalaman tungkol sa ibat ibang uri ng palalarawan. Manatili kayo sa inyong pangkat dahil bibigyan kayo ng mga gawaing lilinang sa inyong imahinasyon.Unang Pangkat sumulat ng isang saknong na may apat na taludtod gamit ang mga uri ng paglalarawan. Bigkasin ito sa klase.Ikalawang Pangkat gumawa o pumili ng isang kantang may mga paglalarawan sa liriko at awitin sa klase.Pangatlong Pangkat sumulat ng isang diyalogo gamit ang mga paglalarawang tinalakay at isadula sa klase.

  • FILIPINO-RETORIKA Bawat pangkat ay bibigyan ng ilang minuto upang gawin ang kanilang Gawain. At sa bawat presentasyon ay tutukuyin ng bawat pangkat ang mga paglalarawang ginamit sa kanilang awit, tula at diyalogo.PaglalahatAng isang anyo ng paglalarawang-diwa na kaiba at malayo sa karaniwang paraan ng pananalita o pagsulat ay tinatawag na TAYUTAY. Naglalayon itong gawing marikit at masining ang pagpapahayag upang maging mabisa at kawili-wili ang pag-unawa sa damdaming ipinahihiwatig. Mga URI ng TAYUTAYPAGTUTULAD/SIMILEPAGWAWANGIS/METAPHOR PASASATAO/PERSONIFICATIONPAGMAMALABIS/HYPERBOLEPAGTAWAG/APOSTROPE

  • FILIPINO-RETORIKAEbalwasyon:Panuto:Tukuyin ang tayutay na makikita sa bawat pahayag. Pagkatapos, kilalanin ang uring tayutay at ibigay ang kahulugan nito.1.Para ng halamang lumaki sa tubig, Dahoy nalanta munting di madilig, Ikinalulunoy ang sandaling init, Gayon din ang pusong sa tuway manaig. (Florante at Laura)a.Tayutay __________________________________________________ b.Uri ng Tayutay__________________________________________________C.Kahulugan________________________________________________

  • FILIPINO-RETORIKA2.Lumuha ang langit at ang mundo ay nanliit kumakaway sa bakod ang anghel na nakatanod.(Saranggola ni Pepe)a.Tayutay_____________________________________________ b.Uri ng Tayutay` _____________________________________________

    C.Kahulugan_____________________________________________

  • FILIPINO-RETORIKA3.Nang isilang ka sa mundong ito, Laking tuwa ng magulang mo At ang kamay nila ang iyong ilaw.(Anak ni Freddie Aguilar)a.Tayutay______________________________________________

    b.Uri ng Tayutay ______________________________________________ C. Kahulugan ______________________________________________

  • Salamat PoMARION C. LAGUERTA