16
“Para sa mga bulaklak ng Heidelberg” Dr. Jose Rizal

Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

“Para sa mga bulaklak ng Heidelberg”

Dr. Jose Rizal

Page 2: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Heidelburg – nagtrabaho siya sa ilalim ni Dr. Otto Becker

Berlin - Dr. Carl Schweigger; nagaral siya roon sa Unibersidad ng Leipzig.

*Namangha siya sa kagandahan ng tagsibol sa germany at nakaramdam ng pangungulila

Page 3: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Naging inspirasyon niya ang kagandahan ng bulalak at halimuyak ng kagubatan

Naisulat ang “Para sa mga bulaklak ng Heidelburg” noong April 24, 1886

Page 4: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Pumaroon kayo sa mutya kong bayang pinakamamahal,O mga bulaklak na hasik sa landas niyong

manlalakbay,At doon, sa silong ng maaliwalas na langit na bughaw,

Sa mga mahal ko'y di nagpapabaya't laging nagbabantay,

Inyong ibalita itong pananalig na sa puso'y taglayNg abang lagalag na di lumilimot sa nilisang bayan.

Page 5: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Pumaroon kayo, inyong ibalitang madilim-dilim pa,Kung kayo, sa bati ng bukang-liwayway, ay

bumubukad na,Sa pampang ng Neckar na lubhang malamig ay

naroon siya,At sa inyong tabi'y inyong namamasid na parang

estatuwa,Ang Tagsibol doong hindi nagbabago'y binubulay

niya.

Page 6: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Inyong ibalitang kung sinisingil na ng bukang-liwaywayAng buwis na bango ng inyong talulot pag ngiti ng

araw,Habang bumubulong ang bagong umagang halik ang

kasabayNg "Kung inyo lamang nababatid sana yaring

pagmamahal!"Siya'y may bulong ding inaawit-awit sa katahimikan,

Kundiman ng puso na sa kanyang wika'y inyong napakinggan.

Page 7: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

At kung sa taluktok niyong Koenigsthul ay humahalik naAng mapulang labi ng anak ng araw sa pag-uumaga,

At ang mga lambak, gubat at kahuya'y binubusog niyaSa daloy ng buhay na dulot ng sinag na malahininga,

Yaong manlalakbay ay bumabati ring puspos ng ligayaSa araw, na doon sa sariling baya'y laging nagbabaga.

Page 8: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

At ibalita rin na nang minsang siya'y naglalakad-lakad

Sa pampang ng Neckar ay pinupol kayo sa gilid ng landas,

Doon sa ang tanod ay ang mga guhong bakas ng lumipas,

Na nalililiman ng maraming punong doo'y naggugubat.

Page 9: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Ibalita ninyo kung paanong kayo'y marahang pinupol,

Pinakaingatang huwag masisira ang sariwang dahon,

At sa kanyang aklat ay ipinaloob at doon kinuyom,

Aklat ay luma na, datapuwa't kayo'y naroon pa ngayon.

Page 10: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Hatdan, hatdan ninyo, O pinakatanging bulaklak ng Rin,Hatdan ng pag-ibig ang lahat ng aking nga ginigiliw,

Sa bayan kong sinta ay kapayapaan ang tapat kong hiling,Sa kababaihan ay binhi ng tapang ang inyong itanim;Pagsadyain ninyo, O mga bulaklak, at inyong batiin

Ang mga mahal kong sa tahanang banal ay kasama namin.

Page 11: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

At pagsapit ninyo sa dalampasigan ng bayan kong irog,

Bawa't halik sanang idinarampi ko sa inyong talulotAy inyong isakay sa pakpak ng hanging doo'y

lumilibot,Upang sa lahat nang iginagalang ko't sinisitang

lubosNawa'y makasapit ang halik ng aking pag-ibig na

taos.

Page 12: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Maaaring doo'y makarating kayong taglay pa ang kulay,Subali't ang bango'y wala na marahil at kusang

pumanaw,Wala na ang samyong sa talulot ninyo'y iningatang

yaman,Pagka't malayo na sa lupang sa inyo'y nagbigay ng

buhay;Iwing halimuyak ang inyong kaluluwa, at di malilisan

Ni malilimot pa ang langit na saksi nang kayo'y isilang.

Page 13: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Opinyon ng mga dalubhasa

Page 14: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Ginamit ni Rizal ang mga bulaklak sa Heidelberg bilang simbolo ng kanyang pagmamahal sa lupang sinilangan. Ang kagandahan ng mga bulaklak ay naikukumpara sa kung paano niya tingnan ang ating bansa na kung sino mang makakita rin nito ay mararamdaman ang pagaaalala at pagmamahal ni Rizal sa Pilipinas. Ang halimuyak naman ng mga ito ang sumisimbilo sa mga adhikain niya para sa bansa.

Page 15: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Pinapakita ang kanyang katayuan bilang dayuhan sa ibang bansa, na kahit ang kanyang anyo o katawan ay nabubuhay dito, ang kanyang kaluluwa o pagkatao ay nakatanim sa kanyang Inang Bayan, ang Pilipinas. Gaya ng mga bulaklak na maiiwan ang bango at halimuyak nito sa lupang kanyang tinubuan.

Page 16: Para Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Reference

• http://laonlaan.blogspot.com/2010/02/to-flowers-of-heidelberg.html

• http://miultimoadiostula.blogspot.com/2005/05/to-flowers-of-heidelberg.html

• http://my.opera.com/bertrain/blog/2008/05/10/a-las-flores-de-heidelberg-to-the-flowers-of-heidelberg