32
w Philippine Center for Water and Sanitation - International Training Network Foundation para sa SZOPAD Social Fund

Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

w

Philippine Center for Water and Sanitation -International Training Network Foundation

para sa

SZOPAD Social Fund

Page 2: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Paunang Salita

Ang babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan.Noong 1996, nagkaroon ng kasunduang pangkapayapaan angRepublika ng Pilipinas at ang Moro National Liberation Front (MNLF).Prinoklama ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Special Zone of Peaceand Development (SZOPAD) at binuo ang Southern Philippines Councilfor Peace and Development (SPCPD) sa pamamagitan ng ExecutiveOrder No: 371, Linagdaan ni Presidente Ramos noong 1997 angExecutive Order No. 445 para ipatupad ang SZOPAD Social Fund(SSF) bilang pagkilala sa katotohanan na ang mga biktima ng labanansa Mindanao at pati na ang pinakamahihirap na komunidad doon aynangangailangan ng agaran na tulong upang sila ay mabigyan ng tubig,paaralan, daan, kabuhayan at matugunan ang iba pa nilangpangangailangan upang magkaroon sila ng pagkakataon na umunladat umangat sa buhay.

Ipinagpapatuloy ng SSF ang mga gawaing pangkapayapaan.Marami na ang mga naitayong water supply systems, daan, paaralan,bodega at iba pang mga istruktura sa pamamagitan ng pondo napinamahagi ng SSF sa mga mahihirap na komunidad na apektado ngmga kaguluhan sa Mindanao. Taong 2000 nang magsimulangmagtulungan ang SSF at Philippine Center for Water and Sanitation-ITN Foundation (PCWS-ITNF) sa proyektong naglalayong mapanatilingmaayos ang mga pangkomunidad na water supply systems. Kabilangsa proyektong ito ang pagbuo ng mga samahan para sa tubig at pagbigayng mga kaalaman at pagsasanay sa pangangasiwa, pag-aayos atpagpapanatili sa mga water supply systems.

Ang PCWS-ITNF ay isang non-government organization NGO) natumutulong sa pagpapalaganap ng impormasyon, pananaliksik atkaalaman para sa proteksyon at wastong paggamit ng ating mga tubig-yaman. Tumutulong din ito sa mga pamayanan, lokal na pamahalaanat kapwa NGO sa mga gawaing may kinalaman sa tubig inumin atsanitasyon.

Hinanda ng PCWS-ITNF ang babasahin na ito para sa mgakomunidad na tinutulungan ng SSF. Inaasahan na ang babasahin naito ay makakatulong sa pag-unawa na ang mga water supply systemsay hindi lamang mga istruktura. Ang mga ito ay kabahagi ng mgabarangayo komunidad at umaasa sa pangangalaga nila. Nasa kamayng barangay o komunidad ang ikagaganda at ikapapanatili ng watersupply system. Ang pangkomunidad na tubig at kalinisan sa kapaligiranay tumutulong sa pag-unlad at sa pagsugpo ng kahirapan.

Page 3: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Gabav Baranaav

Tubig sa Ating BuhayPangangasiwa ng Spring Water System

sinulat ng

Philippine Center for Water and Sanitation -International Training Network Foundation

para sa

SZOPAD Social Fund

LIBRARY IRCPO Box 93190, 2509 AD THE HAGUE

Tel.. +31 70 30 689 80Fax: +31 70 35 899 64

BARCODE: H C L aLO: 1 ' )

Manila2001

Page 4: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

ANG TUBIG SA ATBVG BUHAYAng inuming tubig ay nagbibigay buhay sa tao, hayop at mga halaman.

Saan nga ba nagmumula ang inuming tubig?

May landas na tinatahak ang inuming tubig - mula sa dagat pabalik sadagat. Ang singaw mula sa tubig dagat ay sinisipsip at dinadala paitaas nghangin at init ng araw. Lumalamig ito pagdating sa langit at nagiging mgaulap. Kapag bumigat ang mga ulap ay nahuhulog bilang ulan. Ang ulan aynasisipsip ng lupa at ng mga halaman. May mga patak- ulan din na umaagospapuntang mga sapa, lawa,at ilog - patungo muli sa karagatan.

Ang mga puno at iba pang halaman ay tumutulong na maayos angpagdaloy ng tubig ulan papunta sa ilalim ng lupa. Ang ulan na naiipon sailalim ng lupa ay isa sa pinakamabuting uri ng inuming tubig. Ang tubig naito ay umaagos sa mga bukal o spring.

Ang mga bukal ay mainam na pagkunan ng inuming tubig dahil ito aymalinis. Kapag mataas ang kinalalagyan ng bukal, maaaring padaluyin angtubig paibaba sa mga bahayan.

Page 5: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

MGABAHAGINGSPRING WATER SYSTEM

Watershed - mga kalupaan sa itaaso ilaya ng bukal. Ang mga ito anghumihithit at umiipon ng tubig-ulanat tubig-batis upang dahan-dahangitustos sa daloy ng bukal.

Bukal o spring - dito lumalabas angtubig na naipon ng watershed, nasiyang sinasagap ng "spring box".

Transmission pipe - mula sa springbox, dinadala nito ang tubig patungosatangke.

Tangke - iniipon nito ang tubig kapaghindi kailangan ng barangay atitinutustos kapag kailangan na.

Distribution pipe network - mula satangke o kaya ay sa transmission pipeay dinadala ng mga tubo ang tubigsa mga gripo sa iba't-ibang dako ngbarangay.

Barangay - PINAKAMAHALAGAANG PAPEL na ginagampanan ngbarangay sa ikagaganda ng watersupply system. Ang barangay angnangangalaga ng watershed upanghindi umunti o matuyo ang bukal.Ang barangay rin ang nag-aayos ngmga sira sa water system, at higit salahat ay ito ang nagpapasiya kungpapaano babahagiin at pagsasaluhanang tubig nabiyayang MAYKAPAL.

Page 6: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

PANGANGALAGA AT PAG-AYOSNG SPRING WATER SYSTEM

Mga Bahagi ng Spring-box

Spring cap - palitadang semento saHkod at itaas ng spring-box natumatakip sa bukal upang maiwasanna mapasok tto ng mamruming tubig-agos na sanhi ng pag-ulan.

Spring-box - kahong sumasagap satubig mula sa bukal. Ang tubig aypumapasok sa screen sa likod ng boxat lumalabas sa offtake na siyangkinakabitan ng transmission pipepatungo sa barangay.

Drain- binubuksanitokapaglilinisinang spring-box upang lumabas angtubig.

Overflow- labasanngsobrangtubig.

Wingwalls - mga pader samagkabilang panig ng spring-boxupang huwag gumuho ang bukal atsiguruhing deretso ang tubig sa box.

Intercept Ditch - kanal sa dakongitaas at likod ng spring cap upangiiwas ang tubig-agos o baha namapasok ang bukal.

Bakod - para hindi makapasok angmga hayop o tao ha magdudumi omakakapinsala sa bukal.

Page 7: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Sa loob ng spring box

Laging Siguraduhing:

1. Maganda ang lapat ng takip ngspring-box upang hindimakapasok ang lamok,insekto, atbp.

2. Mahihigpitatwalangtagasangmga fittings ng spring-box.

3. Buo ang mga screen sa offtakeat overflow upang hindimakapasok ang anumanghayop sa spring box at satransmission pipe.

4. Walang bitak ang spring cap,wingwalls at spring-box.

5. Hindi nauuka o gumuguho angpundasyon ng spring cap,wingwalls at spring-box.

6. Hindi nababarahan ang interceptditch at nasisira ang bakod.

Pag-ayos sa mga Bitak

1. Kung ang mga bitak ay nasailalim ng tubig, buksan munaang drain upang lumitaw ito.

2 Maghalo ng sapat na dami ngisang sukat ng semento atdalawang sukat ng binistay nabuhangin (1:2), at tubig sakatamtamang dami.

3. Isiksik at ipalitada ang halo saloob at ibabaw ng bitak. Masmainam na kung tagos sa kabilang pader, pati ang loob aymapalitadahan.

Page 8: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Pag-ayos ng Maluluwag o Tumatagas naOverflow, Offtake o Drain Fittings

Rung tagas lamang ang problemaat malakas pa naman ang kapitng fitting sa semento, maaaringpahiran na lamang ng wet-applicable roof sealant (tulad ngVulcaseal) sa hugpungan nito.

Kung talagang maluwag na angfitting, hugutin muna ito.Palakihin ang butas na naiwan.

3. Bahagya ring pitpitin ang bahaging fitting na ibabaon sa sementoupang kumagat ito ng matibay.

4. Ibalik ang fitting at siksikan ngminasang semento (1:3)hanggang mapuno ang butas.Palitadahan din ang labas.

Pag-ayos ng mga Tagas sa Ilalim ng Wingwalls at Spring Box

1. Hukayin ng maingat ang likod upang matunton ang dinadaluyan ng tagas.

Siksikan ng minasang putik ang tagas at ang daanan nito hanggangpinagmumulan nito sa bukal. Tabunang mabuti ang hukay.

sa

Page 9: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

2 Kung hindi kaya sa ganitong paraan, o kung nasa ilalim ng box mismo angtagas, gumawa na lang ng bagong "box" na sasagap sa tagas.

Pangangalaga at Pag-ayos ng Tangke na KongkretoPalitan ang mga sirang semen Siguraduhingmaayos at hindiupang hindi makapasokang mga kulisap at hayop.

nabubuksan ng mga bata ang takip.

Para sa mgabahagyang tagas sadingdingatsahig,palitadahanng1:3sementoangloob.

Agapan ang mga nauukang pundasyonupang hindi maging sanhi ng mas Ayusinangmgamaluluwag ^malaklngsira. at may tagas na Mings.

Page 10: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Pag-ayos ng mga Bitak sa Dingding ng Tangke

1. Linisinmunangmabutingsteel bnishangdingding.

Z Balutingmasmnng#18GIwire angdingding.

3. Palitadahan ng 1:3 semento upang matabunan ang wire.

Pag-ayos ng mgaTinatagasang Balbula

1. Distrungkahin ang balbula.

^ Tto

Kung hindi ganap namasarahan ang gate

1. Habas ang gate. Linisin ang loobng kaha. Kapain kung maymagaspang at subukang lihain anggate at ang upuan nito.

2. Pahiran ng manipis ng gasketmaker(soft type) ang gilid ng gate.Patuyuin bago ibalik sa loob.

2. Palitan ang sapatilyang gastado.3. Buuhin muli ang balbula. UHA

10

Page 11: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Pangangalaga sa Paligid ng Tangke

Kapag matarik ang kinalalagyan ng tangke, taniman ang paligid at ibaba nitong mga punong mabilis lumago upang huwag gumuho. Makakatulong rinang mga ito na kanlungan ang tangke sa init ng araw.

Pangangalaga at Pag-ayos ng mga l\ibo o Pipelines

1. Suportahang mabuti ang G.I. pipelines kapag ang mga ito ay tumatawid sabaku-bakong lugar.

Piraso ng Gl pipe na nakatuntong sa sementadong pundasyon bilang poste

Slnalansang na mga batoparapantukodsaGI pipeline

11

Page 12: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

2 Siguraduhing tama sa lalim ang baon ng plastic na pipelimes upanghuwag mapinsala ng nagdaraang tao, sasakyan o araro, at para rinhindi lumutong ang ganitong klaseng mga tubo sa pagkakabilad sa

araw.

Ibabawnglupa

DasukinangbawatlOsentimetruna tabon.

Tamang lalim

15 s&rtimetrong distansya ohigitpasa pagltan ng gilid ng tubo at hukay

Kapag ...

hindi nadadaanan ng sasakyan:ibaon ang tubo ng 60 sentimetro

nadadaanan ng sasakyan:ibaon ang tubo ng 120 sentimetro

sa ilalim ng sementadongkalye:ibaon ang tubo ng 80 sentimetro

12

Page 13: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Paghanap ng mga Tagas ng Tubig sa Pipelines

Saibabawng tagas aymayberdeatmalagongdamo kahit na tagJuyot.

Basa-basang lupakahit hindi umuulan.

Hukayin ang lugarna hinihinalang may tagas. Daitan ng dulo ng isangpirasong kabilya ang tubo atpaklnggan sa kabilang dulo ang lagaslas na likhang tagas. Ulitinitosaibanglugar Angpaglakasngnaririnigna lagaslas sapangalawang hukay ay tanda na mas malapit na ito sa tagas kaysa saunang hukay. Ulitin hanggang makita ang mlsmong tagas.

Pag-ayos ng mga Butas sa Tubo

Puede na ang taling goma kapagpanandalian lang at hindi nakailangang patayin ang daloy ngtubig.

Puede ring gumamit ng repairsleeve subalit ito ay mahal atmahirap matagpuan sa karaniwanghardware.

13

Page 14: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Pag-ayos ng G.I. Pipes

Epoxy. Gumamit ng epoxy kapag maliit lamang ang butas. Linisin angbutas at paligid nito. Siksikan ng tinimplang epoxy at hayaang tumigasbago padaluyin ang tubig.

Niple, 'coupling' at union patente.1. Senyalan ng eskwalado ang bahaging papalitan. Lagariin.

2 Lagyan ng taraha ang mga naiwang dulo ng pipeline sa pamamagitan ngtarahador. Maghanda ng angkop sa habang nipleng pamalit, G.I. couplingat union patente na kasukat ng pipe.

3. Balutan ng "teflon tape" ang lahat ng taraha, maging ang taraha ngunion patente. Kung walang "teflon", maaaring gumamit din ng pirasongplastic bag. 4. Buuhinayonsanakalarawan.

K (t~ 1 PJPCItril. rlrls

14

Page 15: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Pag-ayos ng mga Butas sa PVC (isang uri ng tubo na plastikat kulay asul) Pipelines

1. Hukayin ang napinsalang bahagi ng pipeline. Kailangang sapat anghaba ng hinukay upang puwedeng mabaliko ito kapag pinutol tuladngnakalarawan.

2. Tumabas ng angkop na haba ng PVC na niple at maghanda ngdalawang PVC coupling.

3. Pagaspangin ng talim ng lagare, kutsilyo, o kikil ang labas ng mgadulo ng tubo, niple, at ang loob ng mga couplings na pagsusuklutanngmgaito. Linisin ngtuyoatmalinisnabasahangmayalkohol.

15

Page 16: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

4. Pahiran ng PVC solvent ang mga pinagaspang na bahagi atpagsuklutin ayon sa nakaJarawan.

Pag-ayos ng mga Butas sa PE Pipelines (isang uri ng plastikna tubo na raalambot at kulay Him)

1. Tulad ng sa PVC, hukayin din ang pipeline at lagariin angmaypinsalang bahagi.

2 Maghanda ng angkop na haba at sukat ng pamalit na nipleng PE.Lagyan ng talim ang mga dulo nito at ang mga putol na dulo ng pipe.Linisin din ang mga dulong ito.

3. Magpainit sa appy ng isangbarang bakal na mas malapadkaysa sa laki ng tubong PE.

Page 17: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

4. Idait ang isang dulo ng tuboat ang isang dulo ng niplesa magkabilang mukha ngbara upang matunaw-tunawang mga ito nguni't huwagidiin nang hindi mawala angtalim ng mga ito.

5. Alisin ang bara at pagdikitin ang mga matunaw-tunaw na dulo.Hayaang lumamig bago subukan ang tibay sa pamamagitan ngpagpilipit at pagmartilyo dito.

6. Ganoon din ang gawin sa pangalawang dulo.

Iba't-ibang Uri ng FittingsPara sa GI pipe

bell reducer bushing reducer elbow

cap

17

Page 18: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Para saPVC Pipe

reducer elbow female adaptor male adaptor

end cap tee rubber ring coupling(para sa malalaking tubo)

Para sa PE Pipe (mahal at mahirap mahanap)

male adaptor (compression-type) female adaptor (compression type)

coupling (compression type) tee (compression type) reducer

Mga Cast-iron Fittings ( para sa GI, PVC at PE pipes)

Saddle clamp (para ikabitang maliit na tubo sa malaki)

compression type coupling(para sa malalaking tubo)

18

Page 19: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Pag-gawa ng PVC Socket o PE Reducer1. Initin sa apoy ang tubo na gagawing socket. Ihanda ang isang piraso ng

tubo na gagawing expander.

2 Ipasok ang expander pag malambot na ang socket. Pukpukin ng martilyokung kinakajlangan.

3. Palamigin.

Pag-gaWa ng PE Tee

1. Tabasin ang tatlongpiraso ng PE pipe ayonsanakalarawan.

2 Pagdikitin ang dalawa.

3. Lagariinangkantongpinagdikit na mga tubotuladnito.

4. Idikit ang ikatlong tubosapinaglagarian.

19

Page 20: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Tandaan:

Maglagay ng clean-outs sa mabababang lugar ng pipelinesupang puwedeng palabasin ang mga dumi at bara. Gayundin,maglagay ng air-release valves sa matataas na lugar ngpipelines upang mapalabas ang bumabarang hangin. Angmga valves na ito ay puwedeng saddle clamp lamang na mayplug o cap.

VALVE

CLEAN OUT

Maglagay ng thrust blocks (saping yari sa buhos nakongkreto sa gilid ng kanto ng pipelines) lalo na kapagmataas ang pressure dito.

20

Page 21: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Pangangalaga at Pag-ayos ng mga Gripo

Ayusin ang mga tumutulonggripo at control valve.

gripo

controlvalve

gutter

Ayusin ang mga,. nauukang gilid

ng slab upangbindi bumitak.

slab

Siguraduhing tuloy-tuloy ang daloy ng natatapong tubig sasoakpit o kanal upang hindi magputik o pamahayan ng lamok.

Papaano Pinapalitan ang Sapatilya ng Gripo?

21

Page 22: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Pagsiguro na Malinis ang T\ibig

• Magpakulongtubig. Patayangmga mikrobyo sa initPakuluan ang inumin ng mga sanggolat may-edad. Hanguin ang tubigpagkakulo at ilagay sa malinis nalalagyan.

• Bilarin ang tubig saaraw.Ilagay ang tubig sa malinaw at malinisna boteng babasagin o plastik.Huwag punuin ang bote dapathanggang balikat lamang ang tubig.Ibilad sa araw ng hindi bababa salimang oras. Alugin ang bote sakalagitnaan ng pagbibilad nanghumalo ang hangin para mas lalongmamatay ang mga mikrobyo.

Maglagayng chlorine.1. Gumawa ng dis-infecting solution: isang kutsaritang pantay ng laundry

bleach granules sa isang litro (isang puno na femily size na bote ngsofidrink) ng malinaw na tubig.

2 Kumuha ng dalawang kutsarita sa solution at inalo sa 20 litro (isang'container') ng malinaw na tubig-inumin. Palipasin ang 30 minutos bagoinumin ang tubig na ito. Sa panahong laganap ang sakit na dala ngmaruming tubig, dagdagan ang solusyong ilalagay sa tubig-inuminhanggang sa bahagyang mag-amoy chlorine ito.

22

Page 23: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Pangangalaga sa Watershed

W A T E R S H E P• Magtanim ng mga punong-kahoy. Sa mga lugar na kakaunti long ang

ulan, iwasang magtanim ng mga halamang malakas vminom ng tubigtulad ng Gmelina. Higpitan angpamumutol ng mga puno.

• Magtakda ng mga patakaran para huwag masalaula ng matingpagsasaka (na sanhi ngpagguho ng lupa opagkalason nito sa labis nakemikal-pang-saka) ang 'watershed'.

• Ang lahat ng nakatira sa 'watershed' area ay kailangang may angkopna sanitasyon Ctoilet'). Kailangang maingat din sila sa pagtatapon ngbasura at gamit na tubig. Iwasang dumami pa ang mga tumitira sawatershed area

Bakit kulang sa Tubig ang Isang WaterSystem? Papaano ito Malulutas?

• Maaaring kulang talaga ang tubig gating sa bukal. Maghanap ng mgakaragdagang mapagkukunan o magtipid sa tubig.

• Maaaring kahi't marami ang tubig sa bukal ay masyadong maliliit ang mgapipelines. Ang isang indikasyon nito ay ang pag-overflow ng spring-box.Palitan ang mga tubo ng tamang laki o magtipid sa tubig.

• Mga tagas sa iba't-ibang bahagi ng water system. Ayusin ang mga ito.• Kulang ang laki ng tangke. Ang isang indikasyon nito ay ang pag-apaw

ng tangke sa gabi. Dagdagan ang tangke upang maipon ang natatapongtubig o magtipid sa tubig.

• Maaksayang pag-gamit. Paalalahanan ang lahat na magtipid sa tubig.

23

Page 24: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Magtipid sa Tubig at Iwasan na Maaksaya Ito• Saraduhan ang tangke kung gabi nang makapag-ipon ito ng tubig.

• Irasyon ang tubig. Maaaring sa isang bahagi muna ng barangaypatakbuhin ang tubig sa umaga, at sa iba naman sa hapon.

• Lagyan ng metro o water meter ang bawa't gripo, lalo na iyong mga nasaloob ng tahanan, at pagbayarin ang mga gumagamit nito ayon sa daming tubig na nakokonsumo. May kamahalan lamang ang water meter.

• Tasahan ng daloy ang bawa't gripo ayon sa dami ng gumagamit nito, sapamamagitan ng pag-adjust ng control valves.

Bakit Kailangang Sumingil ng Taripa sa Tubig?• Upang matustusan ang mga gastos sa pagpapalakad at pagsasaayos ng

water system, mahalaga na pagtulungan ito ng mga pamilya nanakikinabang sa tubig at siya ring magdurusa kung may sira ito at hindimaayos agad. Halimbawa, dapat may laang pondo para sa mga gastossa spare parts at pamasahe sapagbili ng mga ito kung may nasisira.

• Kailangang makaipon din ng pera para ipagpatayo ng bagong water systemkapag luma at sira na ito.

• Maging ang pangangalaga ng watershed ay maaaring mangailangan ngsalapi na posibleng mang-galing sa koleksyon.

• Kapag malaki na ang water system, malaki na rin itong asikasuhin kayamainam na bigyan din ng bayad ang mga nangangasiwa nito, tulad ngkolektor sa taripa at tubero.

• Ang isa pang pakinabang ng pagsingil ng taripa sa mga gumagamit ngtubig, lalo na kung may water meter, ay nababawasan ang pangdaraya.

• Karaniwan, dapat makalikom taon-taon ng 10% ng halaga ng ipinagpatayosa water system upang matugunan ang mga nasabing gastusin at makapag-ipon ng pamalit dito pagdating ng panahon.

• Ipatuos sa isang accountant o nakakaalam na inhinyero ang eksaktonghalaga na dapat ibayad ng bawat pamilyang gumagamit ng tubig ayon sadami ng tubig nakanilang nakokonsumo. Kapag natuos na ang angkop na

24

Page 25: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

taripa, nararapat na ipaalam, ipaliwanag at talakayin ito ng buongpamayanan. Kailangan angkanilang pagsang-ayon bago ipatupad ito.

• Malaki ang papel ng mga nangangasiwa sa magaang pagtanggap ngpamayanan sa isang mungkahing taripa. Unang-una, kailangang sila aypinagkakatiwalaan. Mainam din kung sila ay halal ng pamayanan.Kailangang malinaw ang mga tungkulin at pananagutan ng mganangangasiwa (tagapangulo, lupon, ingat yaman, kalihim, kolektor, auditorat mga tubero). Mahalaga rin ang mga patakarang gagabay sa masinop napangangasiwa at pag-gastos.

• Kailangang may resibo ang lahat ng koleksyon at kagastusan. Mahalagangnakatala ang mga ito. Bukod pa rito, ang nalilikom ay kailangang idepositosa bangko; magtira lamang ng sapat para sa mga inaasahang gastusin.

Kapakanan ng mga Bata at Kababaihan

Ayon sa mga pag-uulat, ang mga bansa na nagtataguyod ng mga karapatanng mga kababaihan at hinahayaan silang makapag-aral at mamahala sa mgalikas na kayamanan gaya ng tubig ay mas makakaahon sa kahirapan.

Sa mga bansa na may pagkakapantay-pantay ang mga lalaki at babae namagkaroon ng pagkakataon na mag-aral, maghanap-buhay, at magkaroon ngari-arian ay naiiwasan ang malnutrisyon sa mga bata, nagiging malinis angpatakbo ng negosyo at ng gobyerno, naiiwasan ang corruption, bumibilisang pag-unlad ng ekonomiya at mababawasan ang kahirapan.

25

Page 26: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Tiibig para sa Komunidad

Ang tubig ay biyaya ng Maykapal. Karapatan ng bawat tao na magkaroonng tubig para sa kaniyang pang-araw-araw na pangangailangan para mabuhayat maging malusog.

Isang magandang pagkakataon para sa komunidad ang magkaroon ngwater supply system na sila mismo ang nagpapalakad sa pamamagitan ngisang samahan. Makakatulong ito sa pag-unlad ng komunidad lalo na kungang bawat kasapi ay lalahok sa pag-gawa ng mga desisyon.

Maraming praktikal na ideya na hindi nangangailangan ng gastos aynanggagaling sa mga tao sa komunidad. Maging ang pagpapanatili sa watersystem at sa watershed ay nakasalalay sa mga tao. Ang pagpapabuti sa mgawater systems, ang sanitasyon at ang kalinisan sa pangangatawan at sakapaligiran ay magdudulot ng kalusugan na makakatulong sa pag-ahon sakahirapan.

26

Page 27: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Samahan para saTubig

T\ingkulin ng mga Kasapi

Magbuo ng samahan para sa tubig at patatagin ito.

Tungkulin ng bawat kasapi na maipatupad ang mga kasunduan lalo na sapangangalaga ng water system at ng watershed. Tungkulin din ng lahat namagbayad ng napagkasunduang halaga buwan-buwan upang magkaroonng laang- pondo ang samahan para sa pagpapanatili ng water system.

Kailangan din na dumalo ang bawat kasapi sa mga pagpupulong ngsamahan. Aktibong makilahok sa mga pagpupulong, pag-boto, pagpaplano,pag-buo ng mga desisyon at patakaran, pag-alam sa mga nangyayari ukol sainyong water supply system, at pakiki-isa sa mga gawain para dito.

27

Page 28: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

TungkuliD ng mga Pinuno

Nararapat lang na ang mga hinahalal na mga opisyal ay mga uliran nakasapi ngsamahan. Tungkulinngmga pinuno namagbuongmgapatakaranat ipatupad ang raga ito, subalit dapat may pagkonsulta sa mga kasapi at pag-apraba nila.

Dapat nagbibigay ng regular na pag-uulat ang mga pinuno sa mga kasapi.Kailangan na ang mga pinuno ng samahan ay mga tao na ginagalang atmapagkakatiwalaan.

Kabilang sa mga pinuno ng samahan ang pangulo o manager, pangalawang-pangulo, kalihim, ingat-yaman at auditor. Karaniwan na mayroon dingcaretaker o tagapangalaga ng water supply system. Ang pangulo angnamumuno sa samahan, at kung siya ay wala o may-sakit, ang pangalawang-pangulo naman. Ang kalihim ang nagtatala ng mga tinalakay sa pagpupulongat naghahawak ng mga rekord o dokumento ng samahan. Iniingatan namanng ingat-yaman ang pondo o pera ng samahan, Ang auditor ang tumitinginkung nasa ayos ang mga transaksiyon at ang pinansiyal na kalakaran ngsamahan.

Inaasahan na ang mga namumuno ay kayang hikayatin ang mga kasapi namaki-isa sa mga gawain para sa ikapapanatili ng tubig para sa komunidad.

28

Page 29: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Pagkaka-isa

Ang pagkaka-isa at pagpapanatili ng kapayapaan ay malaki angnagagawa sa ikatatagal ng water supply ng isang komunidad. Magtulong-tulong upang mapangalagaan ang tubig-yaman.

Nangyayari ang di-pagkakaunawaan. Ito ay normal at natural nanangyayari sa isang samahan. Subalit ito naman ay naaayos. Sakatunayan, ang mga di-pagkakaunawaan ay nakakatulong din sa pag-unladng isang samahan at sa pagkakaroon ng mga bagong ideya para saikabubuti ng marami. Ang paglutas sa mga di-pagkakaunawaan ay isangproseso na dapat pagdaanan at gawen ng kalutasan ng lahat ng kasapi ngsamahan, hindi lamang ng mga pinuno.

29

Page 30: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Tubig at Kalinisan

Saklaw ng tubig ang bawat aspeto ng ating buhay, lalo na ang atingkalusugan at psg-uiilad. Ang pang-komunidad na tubig at kalinisan aymagdudulot ng kalusugan na ating puhunan sa pag-unlad at pagsugpo ngkahirapan.

Panatilihing malinis ang tubig, ang pamamahay at ang kapaligiran upangmaiwasan ang pagkakasakit. Maghugas ng kamay tuwing maghahanda ngpagkain at bago kumain. Magkaroon ng angkop na palikuran. Huwagmagtapon ng basura kung saan-saan. Iwasan na maging sanhi ngpolyusyon. Pangalagaan ang mga kagubatan, lupa, ilog, dagat at iba pangmga likas-yaman dahil maaapektuhan din ang ating inuming tubig kapagnasira ang mga ito. Ang lahat ay magkakaugnay-ugnay.

Karapatang pangtao ang inuming tubig at malinis na kapaligiran naligtas sa anumang uri ng polyusyon. Itaguyod natin ang ating karapatangmabuhay na mapayapa, malinis at malusog.

30

Page 31: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

Sa patuloy na pag-uugnayan ngpamunuan atkasapian, sapagtutulungan ngbawat isa, sa pag-uunawaan, mabutingpagsasamahan,magalang napagpapalitan ng mgakatuwiran at matibayna paniniwala saDakilang Lumikha...Ang mga daratingpang pagsubok aytiyak namalalampasan.

— payo ng Darangan WaterService DevelopmentCooperative, angkauna-unahang kooperatiba sapatubig sa buong Pilipinas

Page 32: Philippine Center for Water and Sanitation - International ... · PDF fileAng babasahin na ito ay bahagi ng gawain para sa kapayapaan. ... patungo muli sa karagatan. Ang mga puno at

|ii:;sa Ating Buhay^#gi ng Spring Water System

Sag-ayos nR ^ n g g g gyv vMg&Sahagi ng Spring-box • mtiWt^

Rag-ayos sa mga Bitak : 'W^B'M^:Ragsayos ng Overflow, Offtake o Drain FitiingJt§P:;;;;.;:|S

: : .iPag^ayos ng mga Tag as sa Wingwalls at Sprii^|fi|p;iyf8 :;/.•: Pangangalaga at Pag-ayos ng Tangke na Ko|ig;||||i|:0f:,.•' ;Ra§-:ayo$ ng mga Bitak sa Dingding ng Tang||iU;:5/:;^:||:•;..• •:•• .;Pagjayos ng mga Tinatagasang Balbula Wi^U^^•'. fen;giMindi Ganap na Masarahan ang Gate WlMMMM:;; Pangangalaga sa Paligid ng Tangke UM0^M^

; Rangangalaga at Pag-ayos ng mga Pipelineii f^^rr^i i^Raghanap ng mga Tagas sa Pipelines l ^ ^ w i ; ^ ; ^Rag^ayos ng mga Butas sa Tubo §:ip^:.^$3Pag-ayos ng G i Pipes ' Wy¥^::"$&Rag-ayos ng mga Butas sa PVC fB^.^'j-:^Pag-ayos ng mga Butas sa PE Pipelines ^;::̂ ;< '̂::̂ ::1:L

'.' Iba't-ibang Un ng Fittings ';0'BB::-(-$Pag-gawa ng PVC Socket o PE Reducer •/•:^:::;;.;:^t

•';....;.Rag-gawa ng PE Tee ' ^ • • ^ • • • . • • : : 1

Rangangalaga at Pag-ayos ng mqa ('.npo •- :::: : 21Ragsiguro na Malinis ang Tubig ' ' 2Pangangalaga sa Watershed :: 2Bakitkulang sa Tubig ang Isang Water S/siem'?:^ ^ ; :2Magtipid sa Tubig at Iwasan na Maaks^-/1 He; •': :2Bakit Kaiiangan na may Pondo Pat a sa ' uhiq'"' ;̂ 2Kapakanan ng mga Bata at Kabaha'h.rii :• 2Tubig para sa Komunidad : •. 2Samaban para sa Tubig ::> • 2"Pagkaka-isa ;;;yi,V.:. ..•••2Tubig at Kahpisa'- ; : : :3