11

Ping. · 2020. 8. 20. · “Ping, Ping, gising anak,” malakas na tapik ng kaniyang Nanay Cora. Nagising si Ping na pawis na pawis at animo’y pagod. “Panaginip lang pala,”

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ping. · 2020. 8. 20. · “Ping, Ping, gising anak,” malakas na tapik ng kaniyang Nanay Cora. Nagising si Ping na pawis na pawis at animo’y pagod. “Panaginip lang pala,”
Page 2: Ping. · 2020. 8. 20. · “Ping, Ping, gising anak,” malakas na tapik ng kaniyang Nanay Cora. Nagising si Ping na pawis na pawis at animo’y pagod. “Panaginip lang pala,”

Isang umaga, sa bahay ng pamilyang Santos,

maririnig ang napakalakas na sigaw ng nanay ni

Ping.

” Ping, umaga na, bumangon ka na at mahuhuli

ka sa eskwela!,” malakas na tawag na nanay ni

Ping.

Page 3: Ping. · 2020. 8. 20. · “Ping, Ping, gising anak,” malakas na tapik ng kaniyang Nanay Cora. Nagising si Ping na pawis na pawis at animo’y pagod. “Panaginip lang pala,”

Ngunit matamlay pang nakahiga si Ping sa

kaniyang higaan. Wala siyang ganang pumasok

sa paaralan dahil madalas inuubo, sinisipon at

sumasakit ang ulo niya kung kaya’t hindi rin niya

nauunawaan ang tinuturo ng kanilang guro.

“Ayaw ko pong pumasok inay,” maiking tugon ni

Ping.

Page 4: Ping. · 2020. 8. 20. · “Ping, Ping, gising anak,” malakas na tapik ng kaniyang Nanay Cora. Nagising si Ping na pawis na pawis at animo’y pagod. “Panaginip lang pala,”

Ngunit mapilit ang kaniyang ina, kung kaya’t

napilitan siyang bumangon at tumungo sa

hapag-kainan.

Pagkakita ni Ping sa pagkaing nakahain sa mesa

ay sumimangot ang mukha nito at sinabing hindi

siya nagugutom.

Page 5: Ping. · 2020. 8. 20. · “Ping, Ping, gising anak,” malakas na tapik ng kaniyang Nanay Cora. Nagising si Ping na pawis na pawis at animo’y pagod. “Panaginip lang pala,”

“Kaya hindi lumalakas ang katawan mo dahil

ayaw mong kumain ng gulay at prutas, tingnan

mo at palagi ka na lang maysakit,” mahabang

sabi ni Nanay Cora.

Ngunit malumbay na bumalik si Ping sa kaniyang

higaan at hindi niya namalayan na muli pala

siyang nakatulog.

Page 6: Ping. · 2020. 8. 20. · “Ping, Ping, gising anak,” malakas na tapik ng kaniyang Nanay Cora. Nagising si Ping na pawis na pawis at animo’y pagod. “Panaginip lang pala,”

Maya- maya pa ay biglang dumilim ang paligid.

“Takbo Ping, bilisan mo pa, Nariyan na sila!,”

sigaw ng nanay ni Ping.

“Aray ko po, inay tulungan mo po ako!,” umiiyak

na sigaw ni Ping.

Page 7: Ping. · 2020. 8. 20. · “Ping, Ping, gising anak,” malakas na tapik ng kaniyang Nanay Cora. Nagising si Ping na pawis na pawis at animo’y pagod. “Panaginip lang pala,”

Lumingon si Ping at nakita niyang nariyan na ang

mga nakakatakot na nilalang. Mukhang mga

gulay ito na nabubulok na. Akma siyang tatayo

ng muli siyang natumba.

Takot na takot na umiyak na lamang si Ping.

Page 8: Ping. · 2020. 8. 20. · “Ping, Ping, gising anak,” malakas na tapik ng kaniyang Nanay Cora. Nagising si Ping na pawis na pawis at animo’y pagod. “Panaginip lang pala,”

Tahimik na umusal ng panalangin si Ping at

nagsisi na sana ay sinubukan niyang palakasin

ang kaniyang katawan. Sana kanina pa siya

nakatakas sa mga humahabol sa kaniya.

“Ping, Ping, gising anak,” malakas na tapik ng

kaniyang Nanay Cora.

Page 9: Ping. · 2020. 8. 20. · “Ping, Ping, gising anak,” malakas na tapik ng kaniyang Nanay Cora. Nagising si Ping na pawis na pawis at animo’y pagod. “Panaginip lang pala,”

Nagising si Ping na pawis na pawis at animo’y

pagod.

“Panaginip lang pala,” bulong ni Ping sa

kaniyang sarili.

“Anong nangyari sa iyo anak, ang buong akala

ko ay maliligo ka na,” pag-aalalang tanong ni

Nanay Cora.

Page 10: Ping. · 2020. 8. 20. · “Ping, Ping, gising anak,” malakas na tapik ng kaniyang Nanay Cora. Nagising si Ping na pawis na pawis at animo’y pagod. “Panaginip lang pala,”

Mahigpit na yumakap si Ping sa kaniyang ina at

sinabing sabayan siya nito sa pagkain. Hindi na

niya binanggit pa ang masamang panaginip.

Sa mesa ay muling hinain ni Nanay Cora ang

ulam nilang gulay at mga prutas. Masaganang

kumain si Ping na siyang lihim na ikinagulat ng

kaniyang ina.

Page 11: Ping. · 2020. 8. 20. · “Ping, Ping, gising anak,” malakas na tapik ng kaniyang Nanay Cora. Nagising si Ping na pawis na pawis at animo’y pagod. “Panaginip lang pala,”

Tanong:

1. Sino ang batang sakitin na tinutukoy sa

kwento?

2. Ano ang mga ayaw kainin ni Ping?

3. Anong nangyari kay Ping sa kaniyang

panaginip?

4. Tama kaya na hindi kumain ng gulay si

Ping?

5. Kung ikaw si Ping, hindi ka rin ba kakain ng

gulay? Anong mangyayari kapag hindi ka

kumakain ng gulay?