2
CALSEDECO JANUARY – MARCH 2020 KOOP-BALITA VOLUME 9 ISSUE 1 January – March 2020 Volume 9, Issue 1 Mga HAKBANG ng CALSEDECO sa panahon ng COVID-19 PANDEMIC Bago pa man naideklara ng ating Pangulo ang State of Public Health Emergency, ang CALSEDECO ay kaagad nagdaos ng isang Information Dessimination tungkol sa Covid-19 noong February 4, 2020. Bahagi nito, ipinaalam sa lahat ng mga empleyado ang mga sumusunod: 1. Kaalaman tungkol sa SARS- Covid-19 2. Mga Paraan ng Pag-iingat upang maiwasan ang makahawa at mahawaan ng iba. a. Palagiang pagsusuot ng facemasks kahit hindi pa man ito inererekomenda ng DOH b. Malimit na paghuhugas ng kamay at paggamit ng mga hand sanitizer. c. Social o Physical Distancing, sa pamamagitan ng pag- agwat sa mga tao ng hindi bababa sa isang (1) metro. 3. Pagpapatupad ng mga sumusunod na hakbang: a. Pagtingin ng mga temperature ng mga taong papasok sa alinmang establisemento ng Calsedeco b. Pagtatala ng mga Profile ng lahat mga empleyado at kleyente ng CALSEDECO para sa contact tracing c. Paglalagay ng mga washing area at mga sanitary items sa lahat ng entrance door. 4. Pagbuo ng mga polisiya at mga regulasyon tungkol sa pag-iingat at paglaban sa Covid-19. GM SON’S INSPIRING THOUGHTS TO SHARE God is saying to us during this Covid Crisis and trying times: “Rest in MeI am already at work in your life. I will turn around every bad situation in your life. I will bless you and your family and I will heal what needs to be healed.” A CONSTANT REMINDER & MEMO: SUBJECT: “If we can’t fly then run, If we can’t run then walk, If we can’t walk then crawl. But whatever we do, we have to keep moving on forward.” Ang coronavirus disease o higit na kilala na COVID-19 ay isang nakahahawang sakit mula sa isang virus dulot ng SARS-Cov-2. Ito ay unang natuklasan sa Wuhan, China noong Disyembre 2019. Samantala sa Pilipinas ay naitala ang unang kaso ng COVID-19 noong January 30, 2020 na dala ng isang 38-taong gulang na babaeng Chinese naonal. Noong March 7 ay naitala naman ang unang pagsalin nito sa ibang tao. Mula noon ito ay mabilisan ng kumalat sa buong Pilipinas. At noong March 11, 2020 ay idineklara ng World Health Organizaon (WHO) na ito ay is ng PANDEMYA. Kaya nga noon ang Pangulo ng Pilipinas, Presidente Rodrigo Roa Duterte ay nagdeklara ng STATE OF PUBLIC HEALTH EMERGENCY noong March 8, 2020 sa pamamagitan ng Presidenal Proclamaon No. 922. Sa bisa ng Proklamasyon na ito at bunga ng malawakang pagkalat sa NCR at buong Luzon nagdeklara naman Enhance Community Quaranne sa buong Luzon noong March 16, 2020. Dito nagsimula na ang kalbaryo ng lahat ng Pilipino sapagkat ipinagbawal na ang malawakang paggalaw ng lahat tulad ng mga sumusunod: 1. Ipinagbawal na rin ang paggamit ng pampublikong transportasyon; 2. Suspendido ang lahat ng klase at anumang gawaing pang-edukasyon; 3. Pagbabawal ng malawakan o maramihang pagpon; 4. Paggil ng anumang negosyo at mga trabaho maliban sa mga frontliners; 5. Limitadong paglabas ng mga tao sa kanilang mga tahanan lalo’t higit sa mga bata at senior cizens. Samantala, ang buong probinsya ng Oriental Mindoro ay naunang nagdeklara ng total 12-day lockdown sa pamamagitan ng Execuve Order No. 22 series of 2020 mula kay Gov. Humerlito “Bonz” Dolor na nagkabisa simula noong March 14, 2020 hanggang March 25, 2020. Nakatulong ng malaki ang deklarasyon na ito sapagkat naiwasan ang pagpasok Covid-19 sa lalawigan. Bunga ng mga deklarasyon ng lockdown sa buong Pilipinas, nagsimulang naranasan ng mga tao ang New Normal na Abnormal na kalagayan. Ang lahat ng karanasang ito ay nagdulot ng higit na kahirapan sa ang lahat mula sa iba’t ibang antas ng buhay subalit alam nan na malalampasan nang lahat ng ito sa tulong ng Diyos na Dakila na higit na malaki at makapangyarihan kaysa sa CORONAVIRUS. Editorial Staff Writer/Editor: Heribert B. Quialquial Advisers: Ms. Sonia G. Satur Mr. Denisardo T. Gasic Photo Editor: Ana Jane C. Rosales Kung kayo po ay may nais ilathala sa ating Koop- Balita maari po kayong makipag-ugnayan sa ating Editor. Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may da nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba. 1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig. Bakit? Lagi nang ginagamit ang ang mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi nan namamalayan na mahawakan nan ang ang mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanizer na may alkohol. 2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig Madalas nang hinahawakan ang ang kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig. Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit. 3. Takpan ang iyong pag-ubo at pagbahing Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o syu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na syu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay. Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o syu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay. 4. Iwasan ang matataong lugar at pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may da nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabes, sakit sa puso at baga o kanser. Panalihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo. Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit. 5. Manali sa bahay kung ikaw ay may sakit Manali sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang. Bakit? Sa pagpanali sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao. 6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility o barangay officials Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta. Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba. 7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakawalaang awtoridad Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakawalaang artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organizaon (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo. Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili. Source: WHO, Representave Office for the Philippines PITONG HAKBANG LABAN SA COVID-19

PITONG HAKBANG LABAN SA COVID-19

  • Upload
    others

  • View
    5

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PITONG HAKBANG LABAN SA COVID-19

CALSEDECO

JANUARY – MARCH 2020 KOOP-BALITA VOLUME 9 ISSUE 1

January – March 2020 Volume 9, Issue 1

Mga HAKBANG ng

CALSEDECO sa panahon

ng COVID-19 PANDEMIC

Bago pa man naideklara ng ating

Pangulo ang State of Public Health

Emergency, ang CALSEDECO ay

kaagad nagdaos ng isang

Information Dessimination tungkol

sa Covid-19 noong February 4,

2020.

Bahagi nito, ipinaalam sa lahat ng

mga empleyado ang mga

sumusunod:

1. Kaalaman tungkol sa SARS-

Covid-19

2. Mga Paraan ng Pag-iingat

upang maiwasan ang

makahawa at mahawaan ng

iba.

a. Palagiang pagsusuot ng

facemasks kahit hindi pa

man ito inererekomenda

ng DOH

b. Malimit na paghuhugas

ng kamay at paggamit

ng mga hand sanitizer.

c. Social o Physical

Distancing, sa

pamamagitan ng pag-

agwat sa mga tao ng

hindi bababa sa isang (1)

metro.

3. Pagpapatupad ng mga

sumusunod na hakbang:

a. Pagtingin ng mga

temperature ng mga

taong papasok sa

alinmang establisemento

ng Calsedeco

b. Pagtatala ng mga Profile

ng lahat mga empleyado

at kleyente ng

CALSEDECO para sa

contact tracing

c. Paglalagay ng mga

washing area at mga

sanitary items sa lahat ng

entrance door.

4. Pagbuo ng mga polisiya at

mga regulasyon tungkol sa

pag-iingat at paglaban sa

Covid-19.

GM SON’S INSPIRING

THOUGHTS TO SHARE

God is saying to us during

this Covid Crisis and trying

times:

“Rest in Me…

I am already at work in

your life.

I will turn around every

bad situation in your life.

I will bless you and your

family and

I will heal what needs to

be healed.”

A CONSTANT REMINDER

& MEMO:

SUBJECT:

“If we can’t fly then run,

If we can’t run then walk,

If we can’t walk then

crawl.

But whatever we do, we

have to keep moving on

forward.”

Ang coronavirus disease o higit na kilala na COVID-19 ay isang nakahahawang sakit mula sa isang virus dulot ng SARS-Cov-2. Ito ay unang natuklasan sa Wuhan, China noong Disyembre 2019. Samantala sa Pilipinas ay naitala ang unang kaso ng COVID-19 noong January 30, 2020 na dala ng isang 38-taong gulang na babaeng Chinese national. Noong March 7 ay naitala naman ang unang pagsalin nito sa ibang tao. Mula noon ito ay mabilisan ng kumalat sa buong Pilipinas. At noong March 11, 2020 ay idineklara ng World Health Organization (WHO) na ito ay is ng PANDEMYA. Kaya nga noon ang Pangulo ng Pilipinas, Presidente Rodrigo Roa Duterte ay nagdeklara ng STATE OF PUBLIC HEALTH EMERGENCY noong March 8, 2020 sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 922. Sa bisa ng Proklamasyon na ito at bunga ng malawakang pagkalat sa NCR at buong Luzon nagdeklara naman Enhance Community Quarantine sa buong Luzon noong March 16, 2020. Dito nagsimula na ang kalbaryo ng lahat ng Pilipino sapagkat ipinagbawal na ang malawakang paggalaw ng lahat tulad ng mga sumusunod: 1. Ipinagbawal na rin ang paggamit ng

pampublikong transportasyon;

2. Suspendido ang lahat ng klase at anumang gawaing pang-edukasyon;

3. Pagbabawal ng malawakan o maramihang pagtitipon;

4. Pagtigil ng anumang negosyo at mga trabaho maliban sa mga frontliners;

5. Limitadong paglabas ng mga tao sa kanilang mga tahanan lalo’t higit sa mga bata at senior citizens.

Samantala, ang buong probinsya ng Oriental Mindoro ay naunang nagdeklara ng total 12-day lockdown sa pamamagitan ng Executive Order No. 22 series of 2020 mula kay Gov. Humerlito “Bonz” Dolor na nagkabisa simula noong March 14, 2020 hanggang March 25, 2020. Nakatulong ng malaki ang deklarasyon na ito sapagkat naiwasan ang pagpasok Covid-19 sa lalawigan. Bunga ng mga deklarasyon ng lockdown sa buong Pilipinas, nagsimulang naranasan ng mga tao ang New Normal na Abnormal na kalagayan. Ang lahat ng karanasang ito ay nagdulot ng higit na kahirapan sa ating lahat mula sa iba’t ibang antas ng buhay subalit alam natin na malalampasan nating lahat ng ito sa tulong ng Diyos na Dakila na higit na malaki at makapangyarihan kaysa sa CORONAVIRUS. .

Editorial Staff

Writer/Editor: Heribert B. Quialquial

Advisers: Ms. Sonia G. Satur Mr. Denisardo T. Gasic

Photo Editor: Ana Jane C. Rosales Kung kayo po ay may nais ilathala sa ating Koop-

Balita maari po kayong makipag-ugnayan sa ating Editor.

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba. 1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig. Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na mahawakan natin ang ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol. 2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig. Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit. 3. Takpan ang iyong pag-ubo at pagbahing Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay. Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay. 4. Iwasan ang matataong lugar at pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo. Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit. 5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang. Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao. 6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility o barangay officials Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta. Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba. 7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo. Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili. Source: WHO, Representative Office for the Philippines

PITONG HAKBANG LABAN SA COVID-19

Page 2: PITONG HAKBANG LABAN SA COVID-19

Bunga ng di inaasahang pandemya na kasalukyang lumalaganap sa buong mundo ay kaagad nagdaos ng Emergency Meeting ang Board Of Directors ng CALSEDECO upang talakayin ang pagpapaliban ng inaasahang 45th General Assembly Meeting na karaniwang ginaganap tuwing ika-apat na Linggo ng Marso. Isinagawa kaagad ang BOD Emergency meeting noong Marso 12, 2020 makalipas ang deklarasyon ng Presidente ng Pilipinas, H.E. President Rodrigo Roa Duterte, ang Proclamation No. 922 na nagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa buog Pilipinas bunsod ng paglaganap ng Covid-19.

Bahagi ng pinag-usapan ay ang pagpapahatid-liham sa Cooperative Development Authority (CDA) upang ipabatid ang intensyon nito na ipagpapaliban ang General Assembly Meeting at ang kaalinsabay na Election ng mga Officers ng kooperatiba. Ganunpaman, nagpalabas naman ang CDA ng isang Memorandum Circular noong March 11, 2020 na may bilang na 03- series of 2020 na may pamagat na REGULATORY RELIEF FOR COOPERATIVES IN VIEW OF PROCLAMATION NO. 922. Ayon sa nasabing Memorandum, pinapahintulutan ang mga kooperatiba na ipagpaliban ang General Assembly Meeting at halalan ng mga opisyales ng kooperatiba, ganundin ang mga pagtitipon o programa na

kinapapalooban ng malakihang pagtitipon ng mga tao. Kaya ang Memorandum na nabanggit ay siyang naging sagot ng CDA sa nauna ng liham ng kooperatiba sa nasabing Otoridad. Matapos na ma-aprubahan ng CDA ang Postponement ng General Assembly Meeting at Election of Officers ay kaagad na ipinarating sa lahat ng mga kasapi ang panukalang ito. Kung kailan magaganap ang 45th General Assembly Meeting ay muling ipaaalam sa mga kasapi kung malampasan na natin ang nakagigimbal na Pandemyang ito. Ganunpaman, wala pang nakaalam kung kailan ito magtatapos. Pero sa biyaya ng Diyos at pakikiisa at disipina ng bawat mamamayan, mapagwawagian nating lahat ito

Trainings & Events

Naririto ang ilang mga

Activities at mga Trainings na

dinaluhan at pinangunahan

ng CALSEDECO

Month of January:

1. Wellness Program for

Employees & Portworkers

2. 9th Day of Novena to Sto.

Niño.

3. Generosity Day (G-Day)

4. Outreach Program for

Typhoon Ursula’s Victims

Month of February:

1. Information Dessimination

on Corona Virus

2. Discussions on the

implementation of

PPAAO-#05-2019

3. Advocacy and

Awareness Seminar and

lecture on Breastfeeding

4. Compliance Review

Seminar

Month of March:

1. Fire Prevention Month

Kick-Off

2. City Cooperative Day

3. DOLE Labor Education

Seminar

Bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kooperatiba ng Calapan City ay ang pagkilala sa labinglima (15) kababaihang lider ng mga kooperatiba ng Calapan mula sa inisyatibo ng Calapan City Cooperative Development Office (CCCDO). At isa sa mga ito ay ang General Manager ng CALSEDECO, si Madam Sonia G. Saturn, na naglingkod na sa kooperatiba simula pa ng ito ay itatag at naging General Manager simula pa noong 1990. Sila ay pinagkalooban ng Certificate of Appreciation bilang pagkilala sa kanilang mahabang panahon ng serbisyo sa kooperatiba na magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring naglilingkod sa kani-kanilang mga kooperatiba. Maliban sa Sertipiko ng Pagkilala, pinagkalooban din sila ng mga Gift Certificates.

JANUARY – MARCH 2020 DECEASED MEMBERS: Calapan: 1. Gamier, Sofronio A.

Date of Death: 12/16/2019 Benefits: P 45,000.00

2. Casareno, John Pierre F. Date of Death: 03/05/2020 Benefits: P 33,700.00

Pinamalayan: 3. Monsanto, Danilo C.

Date of Death: 11/23/2019 Benefits: P 3,000.00

DECEASED RELATIVES OF MEMBERS:

Calapan: 1. Calixto C. De Castro (Father)

Members: Gonzales, Maximo D.

Untalan, Angelina G. Date of Death: 01/17/2020 Benefits: P 5,500.00

2. Gregorio C. Cuya (Mother) Member: Cuya, Reynaldo C. Date of Death: 01/17/2020 Benefits: P 5,000.00

3. Tiburcio C. Belen (Father) Member: Canuto, Belen B. Date of Death: 02/03/2020 Benefits: P 10,000.00

4. Noel L. Magtibay (Son) Member: Magtibay, Josefina L. Date of Death: 03/03/2020 Benefits: P 5,000.00

5. John Pierre F. Casareno (Son) Members:

Casareno, Felicidad F. Casareno, Artemio D. Date of Death: 03/15/2020 Benefits: P 22,000.00

Victoria: 6. Mally Lutgarda G. Olan (Mother)

Member: Olan, Christine Lutgarda Date of Death: 01/22/2020 Benefits: P 17,200.00

7. Luis R. Bautista (Brother) Members:

Bautista, Alberto R. Labiaga, Lourdes B. Date of Death: 03/02/2020 Benefits: P 26,000.00

Pinamalayan: 8. Bernadette M. Soria (Daughter)

Member: Soria Sr., Nicanor D. Date of Death: 11/29/2019 Benefits: P 15,700.00

CALSEDECO

MEMBERSHIP

As of March 31, 2020

Total Membership: 11,211

Regular Members: 2,769

Associate Members: 6,312

CALABCO Members: 1,993

SMILE Members: 137

CALSEDECO SAMAHAN NG MGA

MAGSASAKA PARA SA KAUNLARAN (CASAMAKA)

Bilang ng kasaping magsasaka: 1,504

Bilang ng Clusters: 395 Bilang ng sakop na lupa: 4,627 has.

Simula noong January 1, 2020 ay ganap nang ipinatupad ang PPA AO No. 05-2019 kung saan ang lahat ng Ro-Ro Cargoes ay hindi na magbabayad ng Weighing Fee subalit patuloy na titimbangin ang mga ito sa pagdaan sa lahat ng pantalan. Ang CALSEDECO ay patuloy pa rin ang panawagan sa mga kinauukulan lalo’t higit sa Philippine Ports Authority na bigyan ng konsiderasyon ang serbisyo na ipinagkakaloob ng mga Cargo Handlers, lalo’t higit tulad ng CALSEDECO na isang kooperatiba. Ang panawagang ito ay nakabatay sa mga sumusunod na dahilan:

PPA IPINATUPAD NA ANG NON-IMPOSITION OF WEIGHING FEE

CALSEDECO

JANUARY – MARCH 2020 KOOP-BALITA VOLUME 9 ISSUE 1

CALSEDECO

JANUARY – MARCH 2020 KOOP-BALITA VOLUME 9 ISSUE 1

1. Sapagkat patuloy na ipinagkakaloob ang mga serbisyo, ibig sabihin ay patuloy din ang mga gastusin para sa operasyon nito.

2. Sapagkat hindi tinututulan ng mga Cargo Shippers ang Weighing Fee bilang bayad sa serbisyo ng pagtitimbang sapagkat maliit na porsyento lamang ito ng mas malaking gastos sa paglilimita ng kanilang mga cargoes.

3. Sapagkat ang ibang pantalan tulad ng Batangas Port ay hindi huminto sa kanilang paniningil ng Weighbridge Fee. Samantalang ang CALSEDECO ay agad tumalima sa kautusang ito.

4. Sapagkat ang Weighbridge Operation ay hiwalay na

serbisyo mula sa Cargo Handling Operation.

Kaya nga ang panalangin ng CALSEDECO ay ang mga sumusunod: 1. Mapawalang bisa ang

House Resolution 2532 at ang PPA Administrative Order No. 05-2019.

2. Maipagpaliban muna implementasyon ng batas na ito habang pinag-aaralan pa ang epekto nito.

3. Mapagkalooban ang CALSEDECO ng mekanismo na makabawi sa mga gastusin nito kaugnay sa Weighbridge Operation na patuloy na ipinatutupad.

Ang CALSEDECO po ay patuloy na nananawagan sa mga kinauukulan tulad ng PPA at Kongreso na maipagkaloob sa maliit na kooperatibang ito ang munti nitong kahilingan.

GM SON, KINILALA BILANG LIDER

ARAW NG KOOPERATIBA NG CALAPAN

CITY

Ang lahat ng mga kooperatiba sa Lungsod ng Calapan ay nagkatipon-tipon noong Marso 10, 2020 upang ipagdiwang ang Araw ng Kooperatiba bilang paggunita sa ika-30 taon mula ng pinagtibay at isinabatas ang REPUBLIC ACT 6938 o ang Cooperative Code of the Philippines sa panahon ni President Corazon C. Aquino noong 1990. Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa sa Sto. Niño Cathedral na pinangunahan ni Rev. Fr. Arnold Magboo. Pagkatapos ng Banal na Misa ay ipinagpatuloy ang pagdiriwang sa City Plaza Pavillon kung saan nagbahagi ng mga mensahe sina CCCDC Chairperson G. Antonio Arellano, CDA Cooperative Development Specialist II G. Jefhtee Panganiban, SP Committee

Chairperson Kgg. Farrah Fay Ilano at City Cooperative Development Officer Dr. Ronald Cantos. Isa sa pinakatampok ng pagdiriwang ay ang pagkilala sa kadakilaan at papel ng mga kababaihan sa lipunan. Kaya kaugnay nito ay naanyayahan ng magbahagi si Gng. Juvy Bahia ng City Social Welfare and Development Department ng tungkol sa kababaihan, kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan na may tema: “We Make Change Work for Women” Naghanda rin ang CCCDO ng isang Video presentation kung saan itinatanghal ang

isang Kooperatiba sa Lalawigan ng Batangas na matagumpay na pinamumunuan ng isang babae. Sa huling bahagi ng programa ay pinarangalan naman ang mga kababihang lider ng mga kooperatiba sa Lungsod ng Calapan. Halos lahat ng mga kooperatiba sa lungsod ay nakadalo tulad ng CALSEDECO, CGCEMCO, CVMPC, DÉCOR, Gabay sa Kaunlaran, GARCCO, MCCCECC, MIFEDCO, MMGHMPCOM, OREMPCO, REMICCO, SALUMAFCO, SAMPACA, S-LSCC AT SRDCC.

Women Leaders Cooperative Token

1. Sonia G. Satur CALSEDECO Gift Certificate

2. Rosalina A. Maminta CGCEMCO Gift Certificate

3. Ma. Lissa C. Abas CVMPC Gift Certificate

4. Lima Turao DÉCOR

5. Teresita S. Ulip Gabay sa

Kaunlaran

6. Ma.Cristina Balancio HIAECC

7. Lilian B. Vallada MCCCECC Gift Certificate

8. Dr. Gwendulyn L.

Mejico

MMGHMP-

COM

9. Liannie G. Peraja OREMPCO

10. Godafreda De

Torres

OMPC

11. Loida O. Bautista SALUMAFCO Gift Certificate

12. Elsie M. Barcelona SAMPACA

13. Aurora M. Romano SMPCFCOM

14. Perlita Almoneda S-LSCC

15. Eugenia D. Bautista SRDCC Gift Certificate

Source: SAKNONG Issue 8, Oct. 2019-March 2020

Ang buong kooperatiba ng CALSEDECO ay taus-pusong bumabati at sumasaludo sa lahat ng mga kababihang lider ng mga kooperatiba.

MABUHAY PO KAYO! MABUHAY ANG MGA KABABAIHAN!