Plataporma Ng Team Divina

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/27/2019 Plataporma Ng Team Divina

    1/2

    GUSTO KO MAY LIBRENG TUBIG KAPLATAPORMA NG TEAM DIVINA

    1. BARANGAY WATER SYSTEMAng pangunahing adhikain ng Team Divina ay magkaroon tayo ng Brgy Water System sa Brgy. P.

    Origuel na kung saan ang bawat bahay ay magkakaroon ng libreng tubig na manggagaling sa ating Brgy WaterSystem. Magtatayo tayo sa ating Brgy ng isang maliit nadam na kung saan ay doon ma-iimbak ang tubig kung

    gabi na manggagaling sa bukal ng tubig na ating gagamitin sa ating Brgy Water System upang sa ganoon aymadaming tubig ang magagamit sa ating Brgy pagdating ng umaga/araw. Ang ating Brgy ay mag-aapply ngWater Permit sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) sa mga bukal na gagamitin para sa ating BrgyWater System upang sa ganoon ay masisiguro natin na hindi makukuha ng ibang tao o ng dayuhan angkarapatan sa ating Brgy Water System o sa mga bukal na gagamitin sa ating Brgy. Water System. Ang BrgyWater System natin ay magbibigay ng libreng tubig at kaya ang mga tao sa ating Brgy ay wala ng dapatkatakutan na balang araw ay pagbabayarin tayo ng mahal na singil sa tubig ni IBDC o ng atingMunisipyo.

    Kaugnay ng pagtatayo natin ng sariling Brgy Water System, tayo ay maglalagay din ng kaukulang Fire

    Hydrant sa ating Brgy para ang nasabing Fire Hydrant ay siyang magagamit natin sa pag-apula o pagpatay saapoy kung sa kaling magkaroon ng sunog dito sa ating Barangay. Kaya tayo po ay bibili rin ng malalaki atmahabang fire hose na siyang ikakabit sa Fire Hydrant.

    2. PAKIKILAHOK NG MGA TAO SA BARANGAY SA PAGHAHANDA NGTAUNANG BUDGET O GASTUSIN NG ATING BARANGAY

    Pasisimulan po natin sa ating Brgy ang kinikilala ngayon sa mundo (whole world) na magandangpractice o gawain sa paghawak ng pondo ng bayan na tinatawag na participatory budgeting o pagbibigay ngkarapatan o opportunity o pagkakataon sa mga tao o mamamayan upang makilahok sa paghanda o paggawang taunang (annual) budget o gastusin para sa ating Brgy upang malinaw na maipakita natin kung saannapupunta ang pera ng ating Brgy. Susundin po ng Team Divina ang tinatawag na LINE BUDGETING at iiwasan

    ang LUMP SUM BUDGETING o Pork Barrel sa paggawa ng taunang budget ng ating Brgy. Kung palarin angTeam Divina na manalo sa darating na Barangay Election, ang unang panukala po ng Team Divina ukolsa paggastos ng pera ng Brgy ay maglagak ng malaking pera na manggagaling sa mahigit na IsangMilyong Piso na IRA ng ating Brgy upang magamit sa pagpapatayo ng ating Barangay Water System.

    Ang ating Brgy ay may natatanggap taun-taon na mahigit na ISANG MILYONG PISO (P1,000,000.00)bilang kabahagi sa Internal Revenue Allocation (IRA). Ang IRA ay ang mga buwis na nakokolekta ng BIR sabuong bansa at ang nagiging parte ng Brgy natin ay mahigit na P1,000,000.00 taun taon. Upang malinaw atmalinis na magamit ang IRA na pumapasok sa ating Brgy, ating iimbitahan sa paghahanda ng annual budgetang ilan sa mga kabarangay natin na nakakaintindi o nakapag-aral o mga nakakatanda upang gabayan angpamunuan ng ating Brgy sa tamang paggamit sa pera ng Brgy. Kaugnay pa rin nito, ang Team Divina ay

    magbibigay ng taunang ulat sa ating Brgy. kung saan napunta o ginamit ang pera ng ating Brgy. Ang TeamDivina ay gagawa din ng computer website o facebook account kung saan makikita at masusubaybayan natinang paggamit ng pondo ng ating Brgy.

    3. HANAPBUHAYUpang makatulong tayo na makapagbigay ng hanapbuhay sa ating mga kabarangay, kung papalarin sa

    darating na eleksyon, ang Team Divina ay magpapatayo ng isang talipapa dito sa Brgy. na kung saan aymaaaring magtinda ng kanilang kalakal ang ating mga kabarangay.

    Ang Team Divina ay magsusulong din ng isang panukala upang matulungan ang ating kabarangay na

    mapagbuti ang paggawa ng kilalang produkto sa ating barangay na Atsarang Ubod sa pamamagitan ngpagpapaganda sa packaging nito para maging export quality ang ating mga Atsarang Ubod. Tayo po ayhihingi ng tulong sa Department of Trade and Industry (DTI) upang mapaganda ang packaging ng ating mgaAtsarang Ubod at sa Department of Science and Technology (DOST) naman upang mapaganda ang qualityngating Atsarang Ubod. Ang ating Brgy ay kilala sa paggawa ng Atsarang Ubod at kaya ito ay ang isang produktona nakikita ng Team Divina na dapat na pagbutihin at paunlarin ng ating Barangay upang siya angmapagkukunan ng hanapbuhay ng ating mga kabarangay.

    TEAM DIVINA KA NA... SA TUBIG HAPPY KA!!!

  • 7/27/2019 Plataporma Ng Team Divina

    2/2

    GUSTO KO MAY LIBRENG TUBIG KA

    TEAM DIVINA

    KAPITAN - ANGELES Lito DIVINA

    KAGAWAD:

    Alexander Alex Arganosa

    Paulino Polly Armenta

    Fredy Codera

    Felix Apek Conese

    Romy Clarito

    Alfredo Fred Lagubana

    Roberto Obet Urcia

    TEAM DIVINA KA NA... SA TUBIG HAPPY KA!!!