Upload
enan-melencio
View
2.756
Download
0
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Isang pag-aaral ng proyektong Sea Cucumber Sea Ranching Project bilang isang alternatibong pangkabuhayan sa Barangay Sablig, Anda Pangasinan.Mga mananaliksik:Emma Crizelda AgbayaniIngrid Vanessa EcoAngelo Hernan MelencioField Supervisor:Ma. Linnea Tanchuling
Citation preview
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
1
SISID SiSiD
UNiBERSiDAD NG PiLiPiNAS Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan Kagawaran ng Pagpapaunlad ng Pamayanan
SiSiD Ang paglubog at pag-ahon… Isang pagaaral ng proyektong Sea Cucumber Sea Ranching Project bilang isang alternatibong pangkabuhayan sa Barangay Sablig, Anda Pangasinan EMMA CRiZELDA AGBAYANi INGRiD VANESSA ECO ANGELO HERNAN MELENCiO Team Anda MA. LiNNEA V. TANCHULiNG Field Supervisor Abril 2009
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
2
SISID SiSiD
PASASALAMAT Nais kong pasalamatan lahat ng mga tumulong, sumuporta at naging inspirasyon para sa kabuuan ng sulating papel na ito. Sa Panginoon, na hindi nagpabaya sa aming paglalakbay sa kanayunan. Sa aming mga guro, si Maam Magcuro, Maam Pagaduan para sa mga karunungan tulong sa amin. Lalong lalo na kay Maam Ging para sa lahat ng napagsaluhang kwento, tawanan, aral at pagkain . Kay Ate Tonette, Kuya Bon, Maam Anette at BMSI para sa napakamakabuluhang karanasan sa karagatan Para sa aking pangalawang pamilya sina Tatay Peter at Nanay Alma, Ate Alper at Ate Noemi. Kila Kuya Baltazar lalong lalo na kay Ate Ne, maraming salamat. Para sa lahat ng mga mamamayan ng Barangay Sablig, Anda Pangasinan Sa aking minamahal na team na hindi nangiwan, puno ng tawanan at positive thoughts, Enan at Ingrid. At aking mga magulang, mga kapatid at mga kaibigan sa kolehiyo para sa suporta. Para sa inyong lahat, mula sa akin… maraming maraming salamat. -EMMA
Maraming salamat…. Mama, Papa, Mikki at Patty para sa inyong pagmamahal at suporta sa aking pag-aaral. Kayo ang aking inspirasyon
upang pagbutihin at pagsumikapan ang aking pag-aaral. Tita Liza at Tita Nina at Tito Mike, para sainyong suporta at tulong sa aking pag-aaral.
Bebots para sa pag-intindi sa aking busy schedule at pagbibigay ng suporta at motibasyon na pagbutihin
ang aking pag-aaral. Krissal para sa iyong pagmamahal, pag-intindi, pag-
suporta, at pagtulong sa lahat ng bagay. CD Faculty (Ma’am Thelma, Ma’am Marion, Ma’am
Mo, Sir Matt, Sir Oski, Sir Mel, Sir Tex, Sir Sam) para sa pag-gabay at paghubog sa aking kaalaman sa
Community Development. Mga kaibigan sa CSWCD (Domz, Rita, Czarina, Cams,
Soy, Kuya Alster, Nicca, Poti, Glen, Angge) para sa ating mga pinagsamahan sa loob at labas ng kolehiyo. Ma’am Ging para sa lahat ng tulong ,gabay, at suporta
sa aming fieldwork. Ate Tonette at Kuya Bon para sa pag-gabay at
pagtulong sa amin sa mga gawain sa fieldwork. Kuya Bal at Ate Nene, Tatay Ex-cap Inggo at Nanay
Eliang para sa maayos na pagtanggap at pag-aalaga habang ako ay nasa Anda.
Emma at Enan para sa lahat ng ating mga pinagsamahan sa fieldwork. Sa saya, tawanan, lungkot, iyakan, awayan, sarap, at hirap ay palagi tayong magkakasama.
At sa Panginoong Maykapal. -INGRID
Nais kong magpasalamat kay Ate Nene, Kuya Bal, Jang, Jahwe, at Jer ng Caole Family sa mainit pagkupkop sa amin sa kanilang tahanan sa tabing-dagat ng Barangay Sablig.
Maraming salamat din kay Nay Josie, Tay Jim, Dagoy, Tonton, Dianne, Jim, Kim, Ate Vivian, at Angel ng Oria Family dahil sa bukas-pusong pag-ampon at pagturing sa akin na parang tunay na kapamilya.
Nagpapasalamat din ako kay Nanay Badang na nabalitaan naming tumawid na sa kabilang buhay ilang araw lamang pagkatapos naming lumuwas. Ako ay nalulungkot na hindi kami nakapagpaalam sa kanya ng maayos bago kami
umalis ng Pangasinan. Sa lahat ng taong nakasama namin sa Barangay Sablig; mula sa hilaga na kinatitirikan ng bahay ni Tatay Adiong
hanggang sa taniman ni Tatay Pacifico sa kanluran hanggang sa malayong bahay ni Kapitan Manny sa timog, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Marami po kaming natutunan sa inyo na hinding hindi po namin
makakalimutan hanggang sa kami ay pumanaw na. Nais ko rin magpaabot ng pasasalamat kay Ate Tonet, Kuya Bon, at sa iba pang mga siyentipiko at staff ng UP
Marine Science Institute. Sila ay nagbigay sa amin ng aral na hindi pa namin natutunan sa loob at labas ng apat na sulok ng silid-aralan. Salamat din po pala sa ice cream at chips, Ate Tonet.
Maraming salamat din sa mga propesor ng aming kolehiyo sa walang sawang paggabay at pagturo sa amin, lalong lalo na si Ma’am Ging.
Nagpapasalamat din ako sa aking teammates na si Ingrid at Emma sa isang semestreng pagtiis at pag-intindi sa akin. Marami rin akong natutunan sa inyong dalawa, nawa’y makatulong ito sa akin sa pakikisalamuha ko sa mga tao
sa aking huling semestre sa UP at sa mga semestreng lipunan na ang aking paaralan. -Para sa bayan, ENAN
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
3
SISID SiSiD
MGA NILALAMAN
Pasasalamat
Panimula ............................................................................................................... 1 Ang Field Instruction Program Partner Organization Mga Gawain sa Komunidad Metodolohiya Limitasyon
KABANATA I: ANG SABLIG.................................................................................. 6 Kasaysayan Geophysical Profile Demograpiya Mga Trabaho at Pinagkukuhanan ng Kita Access sa Serbisyong Panlipunan Pagdedesisyon ng Household Mga Pormal na Organisasyon
KABANATA II: ANG SABLIG AT ANG MGA REKURSO ....................................... 28 Mga Natatanging Pinagkakakitaan Ang Balat Bilang Rekurso Pagbabalat Bilang Gawaing Pangkabuhayan sa Sablig Partisipasyon ng mga Kababaihan at Kabataan sa Pagbabalat Pamumulot/ Pangunguha/ Pangongolekta ng Balat Pagpoporoseso ng Balat Daloy ng Pamimili ng Balat Market flow ng Pagbebenta ng Balat Ang Balat Noon at Ngayon
KABANATA III: ANG SABLIG AT ANG PROYEKTO ............................................. 38 Ang Sea Ranching Sea Cucumber Proyect Implementasyon ng Proyekto Partisipasyon ng mga Tao sa Proyekto Mga Kalahok sa Proyekto
KABANATA IV: ANG SABLIG AT ANG PAGLUBOG SA MGA ISYU..................... 49 Sa Rekurso Sa Organisasyon Sa Proyekto
KABANATA V: PAGSISID AT PAG-AHON............................................................ 61 Likas-kayang Kabuhayan Balat, Ang Panibagong Pagbangon SBMA, ang Makabagong Lider
KABANATA VI: REKOMENDASYON .................................................................... 70
Apendiks ............................................................................................................... 75
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
1
SISID SiSiD
PANIMULA
Field Instruction Program
Ang Field Instruction Program
(FIP) ng BS Community Development
(BS CD) ay naglalayong isabuhay ang
mga teorya at konsepto na pinag-aralan
ng tatlong taon ng mga mag-aaral ng
BS CD. Ito ay dalawang semestreng
pakikipamuhay at paglubog sa isang
komunidad upang isagawa ang mga
kasanayan na natutuhan sa loob at
labas ng apat na sulok ng silid-aralan.
Ito ang magsisilbing basehan sa
pagdedesisyon ng isang Development professional ng tatahakin landas sa pagtatapos ng apat
na taon na pag-aaral. Naiiba ito sa mga kursong may FIP dahil sa paglalaan nito ng isang taon
o dalawang semestreng pagsisid sa komunidad sa paniniwalang ang sariling karanasan at mga
tao sa komunidad ang makakapag-turo ng mga kaalaman na hindi matutuhan sa loob ng silid-
aralan.
Bilang mga estudyante ng CD 180 o unang semestre sa field, layunin ng grupo na
makipamuhay sa mga tao sa komunidad, matutong makipag-trabaho sa mga tao at mga
kasamahan sa grupo, maiugnay at mapagsama ang siyentipikong kaalaman at agham
panlipunang kaalaman. Kabilang din sa layunin ng grupo na matutuhan, maintindihan, at masuri
ang likas-kayang pangkabuhayan at tumulong sa pagtatasa, pagpapayabong at pagpapaunlad
ng samahan o organisasyon sa komunidad.
Partner Organization
Ang Community-based Resource Management ay isa sa mga bumubuo ng Community
Development kung saan pinahahalagahan ang pangangalaga at pamamahala sa mga
rekursong ginagamit ng mga komunidad sa pamamagitan ng mga programa na mga tao ang
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
2
SISID SiSiD
mamamahala. Isa ang UP Marine Science Institute (UP MSI) sa matagal nang katulong ng UP
CSWCD sa pagtatayo at pagsasagawa ng mga programa para sa pangangalaga at
pamamahala ng mga rekursong dagat sa Anda, Pangasinan. Maraming proyekto na ang
pinagdaanan ng dalawang kolehiyo tulad ng pagtatanim ng mga bakawan at pagtatayo ng mga
Marine Protected Areas sa Anda, Pangasinan.
Ang mga nakaraang pinagsamahang proyekto ng dalawang kolehiyo ang nagbunga sa
panibagong pinagsasamahang proyekto ng UP MSI katuwang ang UP CSWCD at Department
of Science and Technology – Philippine Council for Aquatic and Marine Resource Development,
Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research, at Australian Center for
International Agricultural Research na Sea Ranching ng mga sea cucumber o balat. Bilang
dalawang magkaibang disiplina, ang UP MSI ang may hawak sa teknikal at siyentipikong
aspeto ng proyekto samantala ang UP CSWCD naman may hawak sa panlipunang aspeto
kabilang ang pakikipagtalakayan sa mga tao sa komunidad.
Gawain Pangkomunidad
Ang pakikipamuhay sa mga
tao sa komunidad ang pangunahing
gawain ng grupo bilang mga
fieldwork students. Iba’t-ibang
gawain sa kominidad tulad ng mga
sayawan, kasalan, piyesta,
handaan, pulong ng barangay,
markahan ng mga baka at kalabaw,
at iba pa ang pinuntahan ng grupo
upang makilala ang mga tao. Sa
pamamagitan ng mga gawaing
nabanggit, natukoy ng grupo ang kalagayan, mga problema, at mga isyu sa komunidad at lokal
na organisasyon.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
3
SISID SiSiD
Bukod sa mga pakikipamuhay sa mga tao, bahagi rin sa gawain ng grupo ang gumawa
ng Community at Organizational Profile ng barangay at ng lokal na organisasyon dito. Upang
makuha ang mga datos na kinakailangan, nagsagawa ng socio-economic survey ang grupo at
kumuha ng kopya sa konseho ng barangay, munisipyo, at barangay health workers.
Bilang bahagi ng proyekto na Sea
Ranching ng mga Balat, ang grupo ay
naatasang tumulong sa pagsiyasat sa
posibilidad ng pagiging alternatibong
pangkabuhayan para sa mga maliliit na
mangingisda ng proyekto, tumulong sa
pagpapatibay ng pag-aaral sa
pamamahala ng rekursong dagat at
mabawasan ang problema ng
pagkaabuso ng mga ito at siguraduhin na
may mga benepisyong makukuha ang
mga maliliit na mangingisda, at tumulong sa pagsasagawa ng lokal na inisyatibo at
pakikipagtulungan sa iba’t-ibang institusyon.
Metodolohiya
Ang mga sumusunod na pamamaraan ng pagkuha at pagkalap ng datos ang ginamit ng
grupo para sa pag-aaral na ito:
1. Resource Map - Sa pagnanais na magkaroon ng isang mapang pangisdaan sa
katubigan ng Sablig, nagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng mapa sa pangisdaan ng
Sablig. Ito ay sa tulong ng ilang mga beteranong mangingisda ng komunidad. Unang inilarawan
ang mapa ng katubigan at inilista ang mga iba’t ibang rekursong matatagpuan sa bawat pook
pangisdaan. Mahalaga ito upang matukoy kung anu-anong mga rekursong dagat ang
matatagpuan sa Sablig at kung saan parte ng dagat matatagpuan ang mga ito.
2. Household Profile – Nagsagawa ang grupo ng Socio-economic Baseline Survey na may
tatlumpu’t-anim (36) na kalahok sa Barangay Sablig na ginamit sa paggawa ng community
profile ng barangay at para maging basehan ng UP MSI sa patuloy na pagpapatupad ng
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
4
SISID SiSiD
proyekto. Ito ay nahati sa dalawang grupo, ang mga taong direktang kasali sa proyekto o
intervention group na may dalawampu’t-dalawang (22) kalahok at mga piling taong hindi kasali
sa proyekto o control group na may labing-apat (14) na kalahok. (Tingnan ang Apendiks A)
3. Historical Narrative – Nagsagawa ang
grupo ng focus group discussion na may
labing walong (18) kalahok tungkol sa
kalagayan ng mga balat, uri ng mga
nakukuhang balat, paraan ng pagproproseso
at pagbebenta ng mga balat simula taong
1970 hanggang sa kasalukuyan. (Tingnan
ang Apendiks C)
4. Women Sea Cucumber Gatherers –
Nagsagawa ang grupo ng focus group
discussion na may anim (6) na kababaihang kalahok upang alamin ang partisipasyon ng mga
kabababaihan sa pangunguleta, pagproproseso, at pagbebenta ng mga balat at kung paano
nakatutulong sa kabuhayan ng pamilya ang pagbabalat ng kababaihan. (Tingnan ang Apendiks
D)
5. Perceptions on Resource Use – Nagsagawa ng interviews ang grupo na may tatlumpo’t-
anim (36) na kalahok upang alamin ang pagtingin ng mga tao na direkta at hindi direktang
gumagamit ng rekursong dagat. Mahalaga ito sa pagtukoy ng kaalaman at pagtingin sa
pangangalaga ng karagatan at lamang-dagat ng mga tao sa Barangay Sablig. (Tingnan ang
Apendik B)
6. Perceptions on Sustainability and on the Sea Ranching Project as a Sustainable
Livelihood – Ginawa ito sa
pamamagitan ng interviews sa piling
labindalawang (12) taong direktang
kasali sa proyekto ng sea ranching.
Mahalaga ito upang matukoy ang
pananaw at pagtingin ng mga tao sa
sustainability o likas-kaya.
7. Marketing flow - Sa
pamamagitan ng interviews o panayam
na may labinwalong (18) kalahok,
nakakuha ng impormasyon ang grupo
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
5
SISID SiSiD
tungkol sa daloy ng merkado, pagbebenta at pagbili ng mga balat ng mga lokal na mangingisda,
lokal na mamimili at nagbebenta ng balat at mga eksporter sa internasyunal na merkado.
8. Training Needs Analysis – Ang grupo ay nagsagawa ng focus group discussion para sa
mga taong direktang kasali sa proyekto. Ang dalawampu’t-dalawang taong direktang kasali sa
proyekto ang mga kalahok dito ngunit labinglima (15) lang ang pumunta. Dito tiningnan ng
grupo ang mga kalakasan at kahinaan ng organisasyon, mga tao, at proyekto upang
makapagpanukala ng konkreto at akmang pagsasanay.
Sakop at Limitasyon
Sa kabila ng dami ng mga
rekursong dagat sa Pilipinas, ang pag-aaral
na ito ay nakapokus sa mga balat o sea
cucumber sa barangay Sablig sa Anda,
Pangasinan na kabilang sa labinwalong
barangay sa buong munisipalidad. Ang
mga impormasyon na nakalap ay hango sa
mga karanasan ng mga mangingisdang
namumulot, nagpoproseso at nagbebenta
ng balat na residente sa barangay Sablig.
Karamihan sa mga datos ay nakalap sa iilang tao lamang ng Barangay Sablig. Ang mga
paglalagom at pagsusuma na nabanggit sa pag-aaral na ito ay maaaring maging iba kung
masmaraming tao ang magiging kalahok sa pag-aaral.
Sa pagkuha ng impormasyon ng mga mananaliksik sa market flow o daloy ng
pagbebenta at pagbili ng balat, walang nakalap na direktang konsumer o kumakain ng balat,
habang may sapat na listahan ng mga uri ng balat at mga presyo nito sa producer na siyang
nangungulekta at nagpoproseso at middle person na siyang pinagbebentahan ng mga balat.
Ang mga impormasyon na ginamit sa pag-aaral ng lokal na samahan ay nakalap lamang
sa mga miyembro ng nasabing samahan at mga miyembro ng komunidad. Maaaring maging iba
ang resulta ng pag-aaral kung may mga impormasyon din na nakuha mula sa mga
organisasyong naging partner ng lokal na samahan sa labas ng barangay.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
6
SISID SiSiD
KABANATA I ANG SABLIG
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
7
SISID SiSiD
Kasaysayan
Ang edad ng Barangay Sablig ay mahigit 150 taong gulang na. Itinatag noong Hunyo
1842, ito ay isa sa mga naunang barangay sa isla ng Anda, Pangasinan.
Isang tribong nagmula sa hilagang kanluran ng Pilipinas na pinangungunahan ni Don
Andres dela Cruz, alias Andales A. Culayo, ay napadpad sa lupain ng Sablig sa layuning
makahanap ng lugar na maraming pagkukunang yaman. Hindi nagkulang ang lupain na ito sa
kanilang inaasam kung kaya’y dito na sila nanirahan.
Ang pangalan ng barangay ay hinalaw mula sa salitang Español na “sabli” na ang ibig sabihin
ay espada (“sundan” sa wikang Bolinao). Ito ay sa kadahilanang noong panahon ng pananakop
ng mga Español, ang mga tao sa Sablig ay palaging may nakasukbit na sundan sa kanilang
mga baywang. Ginagamit nila ito sa pagsasaka, pangangahoy, at armas laban sa kanilang mga
kaaway.
Geophysical Profile
Ang Barangay Sablig ay isa sa
labingwalong barangay ng Anda,
Pangasinan. Sa lawak na 439.5 na
hektarya, ito ay nahahati sa pitong purok.
Labing-apat na kilometro ang layo ng
Barangay Sablig sa National Highway. Ito
rin ay matatagpuan anim na kilometro sa
timog kanluran ng Poblacion. Sa hilaga nito
ay matatagpuan ang Barangay
Namagbagan at Sitio Caniogan, Tondol; sa
silangan, ang makulay na coral reef ng
Lingayen Gulf; sa timog, Barangay Tori-tori
at Macandocandong; at sa kanluran naman
nito ay masisilayan ang Ilog ng Sta. Rita.
Ang lugar na ito ay maraming
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
8
SISID SiSiD
pagkukunang yaman kaya naman ang mga tao rito ay kadalasang nagsasaka, nangangahoy,
nag-uuling, gumagawa ng asin, nag-aalaga ng mga piling hayop, at nangingisda.
Demograpiya
Purok Bilang ng HH Bilang ng kalalakihan
Bilang ng kababaihan
Populasyon
Magalang 73 162 148 310
Liwa-liwa 86 183 181 364
Palaway 62 140 144 284
Maaligwas 80 179 198 377
Matinek 89 232 223 455
Mariga 95 209 238 447
Kaririktan 69 157 182 339
TOTAL 554 1,262 1,314 2,576
Ayon sa nakalap na datos mula sa mga Sablig Barangay Health Workers, mayroong
2,576 katao ang Barangay Sablig noong 2008.
Ang Team Anda ay nagsagawa ng Socio-economic Baseline Survey (SBS) sa 36 na
households sa Barangay Sablig. Ito ay nagsasaklaw ng 163 na katao – 15.8% mula sa
kabuuang populasyon ng nasabing barangay.
Laki ng Household (HH)
Isa (1) ang pinakamaliit na HH samantalang 11 naman ang pinakamalaki. Siyam (9) na
HH, ang mode o ang pinakamarami, ay may laking anim (6) na miyembro. 4.53 o lima (5) ang
average household size ng mga nakapanayam na mga household sa SBS.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
9
SISID SiSiD
Edad
68 ang kabuuang bilang ng mga
bata o nasa edad na 18 na taon pababa
ang nakasama sa SBS ng grupo. 95
naman ang kabuuang bilang ng mga
nasa hustong gulang na o nasa edad na
19 na taon pataas.
Kung pagbabasihan ang SBS,
halos walang pinagkaiba ang dami ng
mga nasa hustong gulang na at ang mga bata sa Barangay Sablig.
29%, ang pinakamataas
na porsyento ng mga kabataang
kasapi ng SBS, ay mula sa edad
na 11 – 14 na taong gulang.
Ang pinakamaliit na
porsyento naman, 9%, ay mula
sa mga sanggol hanggang
dalawang taong gulang.
Katulad ng mga edad ng mga
bata sa HH, hindi rin nagkakalayo ang
mga edad ng mga nasa hustong
gulang na. 13% ay mula sa 39 – 42 na
taong gulang at 11% ay 19 – 22.
Nagpantay naman sa 1%, ang
pinakamaliit na bahagi, ang mga
galing sa 75 – 78, 79 – 82, at mahigit
sa 82 na taong gulang.
Edad ng mga bata sa HH
9%
19%
21%29%
22%
0-2
3-6
7-10
11-14
15-18
Edad ng mga matanda sa HH
11%
5%
2%
5%
10%
13%10%7%5%
7%
7%9%
3%
2%
1%
1%
1%19-2223-2627-3031-3435-3839-4243-4647-5051-5455-5859-6263-6667-7071-7475-7879-82>82
Age Distribution ng mga Nakapanayam sa SBS
42%
58%
Less than or equal to 18
Greater than 18
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
10
SISID SiSiD
Mga trabaho at pinagkukuhanan ng kita
Dagat ang pangunahing
pinagkukunan ng kita ng 12 sa 36 o 1/3 ng
mga nakapanayam. Lima (5) naman ay sa
dagat kumukuha ng dagdag o supplementary
na kita. Sa kabuuan, 17 o 47% ng mga
nakapanayam ay direct users ng karagatan –
sila ay maaaring mga mangingisda o mga
mang-aasin (salf farmers). Isa (1) lamang sa
mga direct users na ito ang hindi naninirahan
sa tabing dagat.
Ang natirang 53% naman ay mga magsasaka, negosyante, opisyal ng barangay, at mga
nasa labor force (mga drayber ng tricycle, karpintero, katulong, nagbabanda, atbp.).
Apat (4) sa 36 o 11.11%
na nakapanayam ang kumikita
ng higit sa 75,000 piso kada
taon. Ang pinakamalaking
kinikita ay 228,000 piso kung
saan pagtuturo sa isang
pampublikong mababang paraan
ang pangunahing pinagkukunan
ng kita ng HH.
Tig-apat din ang kumikita
ng 11,000 – 15,000 at 21,000 – 25,000 piso kada taon.
Tatlo (3) o 8.33% naman ang kumikita ng wala pang 6,000 piso kada taon. Ang dalawa
(2) sa mga ito ay pagnenegosyo ng banig ang pangunahing pinagkakakitaan, samantalang ang
isa naman ay walang trabaho. Tig-tatlo (3) din ang kumikita ng 36,000 – 40,000 at 71,000 –
75,000 kada taon.
Frequency ng mga nakapanayamsa kanilang pangunahing
pinagkakakitaan8.33%
5.56%
11.11%
5.56%
11.11%
2.78%
8.33%5.56%
8.33%
5.56%
5.56%
2.78%
8.33%
11.11%
<6,0006,000 - 10,00011,000 - 15,000 16,000 - 20,00021,000 - 25,00031,000 - 35,00036,000 - 40,00041,000 - 45,00046,000 - 50,00051,000 - 55,00056,000 - 60,00061,000 - 65,00071,000 - 75,000>75,000
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
11
SISID SiSiD
Ang pinakamaliit na bilang, tig-isa o tig-2.78%, ay nasa kategorya ng 31,000 – 35,000 at
61,000 – 65,000.
Ang sekondaryang
pinagkakakitaan ng karamihan sa mga
nakapanayam ay maaaring pag-
aalaga ng mga piling hayop,
contracted laborers, o pagnenegosyo
ng rekursong dagat at lupa.
Ang karamihan, 12 o 33% ng
mga nakapanayam, ay kumikita ng
wala pang 6,000 piso kada taon.
Isang HH ang kumikita ng mahigit 75,000 piso sa kanilang pangalawang
pinagkakakitaan.
Sa kadahilanang malayo ang Barangay Sablig sa sentro ng Anda, tinala ng mga
Barangay Health Workers ng barangay ang mga sari-sari stores kung saan maaaring
panandaliang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
Purok No. of Sari-sari stores
Magalang 8
Liwa-liwa 4
Palaway 4
Maaligwas 9
Matinek 7
Mariga 7
Kaririktan 4
TOTAL 43
* Mula sa datos na nakalap ng Barangay Health Workers ng Sablig noong 2004
Frequency ng mga nakapanayamsa kanilang pangalawang
pinagkakakitaan
33%
17%8%14%
8%6%
8% 3% 3%
<6,000
6,000 - 10,000
11,000 - 15,000
16,000 - 20,000
21,000 - 25,000
36,000 - 40,000
41,000 - 45,000
46,000-50,000
>75,000
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
12
SISID SiSiD
Sa iba pang
pinagkakakitaan, malaki ang
porsyento ng mga
nakapanayam na may
kinikitang masmaliit pa sa
6,000 piso kada taon. Kabilang
sa 17 o 46% na ito ang 13 na
HH na walang ibang
pinagkakakitaan maliban sa
pangunahin at pangalawang
pinagkukuhanan ng kita.
Walang pinagkukuhanan ng kita ang isa (1) sa mga nakapanayam maliban sa padala sa
kanya ng kanyang mga kamag-anak. Tatlo (3) sa 36 ay pinapadalhan ng pera ng kanilang mga
kamag-anak.
Makikita sa pie chart na
karamihan o halos kalahati ng
mga nakapanayam sa SBS ay
may kabuuang kitang higit sa
85,000 piso kada taon. Ang
pinakamalaki ay 449,600 piso.
May isang (1)
nakapanayam na sa loob ng
isang taon, 4,900 piso lamang
ang kanyang kinikita.
Ayon sa Quickstat on Pangasinan noong Oktubre 2004 ng National Statistics Office
(NSO), ang Annual Per Capita Income (in peso) ng mga taong nakatira sa probinsyang ito ay
24,807.
Frequency ng mga nakapanayamsa iba pang pinagkakakitaan
46%
8%6%3%3%3%3%3%
3%
22%
<6,000
11,000 - 15,000
16,000 - 20,000
26,000 - 30,000
21,000 - 25,000
31,000-35,000
36,000 - 40,000
51,000-55,000
56,000 - 60,000
>75,000
Kabuuang kita ng HH sa isang taon
3% 3% 3% 3%6%
3%7%
6%
8%3%3%3%6%
43%
<6,000
11,000 - 15,000
16,000 - 20,000
21,000 - 25,000
26,000 - 30,000
31,000 - 35,000
36,000 - 40,000
41,000 - 45,000
51,000 - 55,000
56,000 - 60,000
61,000 - 65,000
71,000 - 75,000
81,000 - 85,000
>85,000
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
13
SISID SiSiD
Ang average PCI ng mga naninirahan sa Sablig ay 72.66 piso kada araw, 2,195.02 piso
kada buwan, o 26,340.24 piso kada taon.
Ikinumpara ng grupo ang annual per capita income ng 36 na nakapanayam sa annual
per capita income (PCI) na galing sa NSO upang matukoy ang nabibilang sa matatawag na
mahihirap.
Pagtukoy ng mga mahihirap at hindi mahihirap sa Barangay Sablig
64%
36%
MahirapHindi mahirap
23 o 64% sa mga nakapanayam ay masasabing mahihirap.
Kapansin-pansin na ang pagkain ang pinakalamalaking pinagkakagastusan ng isang HH
sa isang buwan. Sa average, 4,052.75 ang nagagastos para sa pagkain.
Sumunod sa pagkain ang
iba pang pinagkakagastusan
maliban sa mga nabanggit.
Karamihan sa mga
pinagkakagastusang ito ay ang
mga gastusin ng mga HH sa
kanilang mga negosyo (pagkain
ng mga piling hayop, pangrenta
ng tractor para sa pagsasaka,
pambili ng buri, atbp.) at trabaho
Average na pinagkakagastusan kada buwan
43.63%
1.22%
1.75%
4.45%
0.28%0.31%9.64%2.88%10.52%0.48%
3.01%
21.85%
Food
Clothes
Kitchen fuelsElectricity/Light
Drinking water
Furniture
Education
Health
Fiesta, etc.House repair
Cigar,liquor,etc.
Others
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
14
SISID SiSiD
(gas sa pang-ilaw, lambat na pangisda, gasolina ng tricycle, atbp.). Sa average, 2,029.96 ang
nagagastos para sa iba pang gastusin maliban sa mga nabanggit.
Ikatlong pinagkakagastusan nila ay ang mga handaan katulad ng fiesta at birthday.
Ikaapat ang edukasyon.
Ang pinakamaliit na pinagkakagastusan nila ay ang tubig. Ito ay sa kadahilanang halos
lahat ng mga tao sa Barangay ay kumukuha sa balon ng tubig na pinang-iinom nila.
Ang average total monthly expenses ng mga nakapanayam ay 9,289.63 piso. Ang
average total annual expenses naman ay 75,914.50 piso.
Kung ikukumpara natin ang average per capita income at average per capita expense
(PCE) masasabi nating kulang na kulang ang kinikita ng mga taga-Sablig para tugunan ang
kanilang mga pangangailangan. 26,340.24 piso ang average annual PCI at 29,163.36 piso
naman ang average annual PCE. Maaaring kung ma-update ng NSO ang kanilang statistics sa
rural areas sa Pangasinan, hindi lamang 64% ang masasabing mahihirap. Maaaring higit pa.
Access sa mga serbisyong panlipunan
Mga pinagkukuhanan ng tubig tabang
Pinagkukunan ng tubig tabang Purok Bilang ng Private
Dug Wells
Bilang ng Pump
Wells
Bilang ng Public
Dug Wells
Magalang 42 0 5
Liwa-liwa 19 0 9
Palaway 19 2 5
Maaligwas 38 2 9
Matinek 30 0 10
Mariga 22 0 8
Kaririktan 31 2 6
TOTAL 201 6 52
* Mula sa datos na nakalap ng Barangay Health Workers ng Sablig noong 2004
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
15
SISID SiSiD
Kadalasan sa panahon ng tag-init, natutuyo ang mga pampublikong balon sa ilang lugar
sa barangay. Mayroon ding mga balon na sadyang nagiging maalat sa buwan ng Pebrero
hanggang Abril. Kung kaya’y sa mga ganitong panahon ay nagkakaroon ng mahahabang pila
sa mga balong hindi natutuyuan at hindi umaalat.
Ang ibang mga taga-barangay ay bumibili ng mineral water para sa kanilang inumin.
Uri ng bahay
Uri ng bahay
31%
31%
38%
Concrete
Semi concrete
Light
Halos hindi nagkakalayo ang mga uri ng bahay ng aming mga nakapanayam. 38% ang
sinasabing light o gawa sa kahoy, dahon, at lupa. Parehas namang 31% ang concrete at semi-
concrete. Ang concrete ay semento, tiles, at yero, samantalang ang semi-concrete ay may mga
parteng kahoy ang dingding.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
16
SISID SiSiD
Uri ng palikuran
Ang susunod na table ay nakalap namin mula sa Sablig Barangay Health Workers. Ayon
sa kanila, ito ay nakuha sinaliksik nila noong 2004.
Klasipikasyon ng HH toilets Purok HH na may toilets
na may septic tanks HH na may pits bilang toilets
HH na walang toilets
Magalang 61 7 5
Liwa-liwa 35 0 7
Palaway 53 6 2
Maaligwas 64 1 18
Matinek 50 16 14
Mariga 68 0 19
Kaririktan 46 3 8
TOTAL 377 64 73
Sa aming nakalap na datos
(SBS), pinag-isa na namin ang HH
with pits as toilets at HH without
toilets. Ito ay sa kadahilanang
parang parehas lamang naman ito.
Halos lahat ng mga
nakapanayam ay may sariling
palikuran.
Lupa
Walo (8) sa aming mga nakapanayam ay walang sariling lupa at nangungupahan
lamang. Ang natira namang 28 ay may sariling lupa. Ang pinakamalaking lupang pagmamay-ari
ng nakapanayam ay apat (4) na hektarya. Kadalasan ang lupang ganito kalalaki ay ginagamit
bilang sakahan. Ang pinakamaliit namang lupang pagmamay-ari ay 0.0019 na hektarya o 19
square meters.
Uri ng toilet
89%
11%Toilet w/septic tank
No toilet
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
17
SISID SiSiD
Access sa utangan
Pito (7) sa 36 na nakapanayam ng grupo sa SBS ay hindi nagkaroon ng utang sa loob
ng 12 buwan. Siyam (9) naman sa 29 o 25% na nanghiram ng pera ay sa mga institusyong
pormal katulad ng bangko nangutang. Ang natirang 20 o 56% ay sa mga kamag-anak o
kaibigan nanghihiram ng pera.
May apat na kadahilanan kung bakit maspinipili ng mga taong mangutang sa kanilang
mga kamag-anak. Ang mga ito ay wala raw interest, hindi kailangan ng collateral, malayo ang
bangko, at kadalasan ay hindi sila pinipilit magbayad.
Ang pangunahing dahilan
kung bakit nangungutang ang
mga taga-Sablig ay upang
tugunan ang kanilang mga pang-
araw-araw na pangangailangan.
Sila rin ay nangungutang upang
maipagpatuloy ang kanilang mga
maliliit na negosyo. Nanghihiram
din sila ng pera sa mga panahong
may kailangang ipagamot sa
ospital.
Access sa pagamutan
Ayon sa SBS, sa albularyo unang lumalapit ang mga tao sa Barangay Sablig kapag may
nagkakasakit sa kanilang pamilya. Ito ay sa kadahilanang masmalapit sa tirahan nila, masmura,
at may tiwala sila na magagamot ang kanilang karamdaman ng albularyo.
Sa mga pagkakataong hindi raw kaya ng albularyo ang kanilang sakit, kadalasan ay sa
clinic sa sentro ng bayan nila dinadala ang may sakit. May ilang sa ospital dinadala ang
nagkasakit na kamag-anak. Ang pinakamalapit na ospital sa Anda ay nasa Alaminos at Bolinao
pa. Tinatayang isang oras at kalahati ang biyahe papunta sa mga ospital na ito.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
18
SISID SiSiD
Ayon sa mga Barangay Health Workers ng Sablig, ang top five na sakit sa kanilang
barangay noong 2008 ay ang typhoid, diarrhea, cough, fever, at high blood.
Access sa impormasyon
Napansin ng grupo na ang mga taga-Sablig ay hindi palabasa ng dyaryo, hindi palanood
ng balita sa telebisyon, o palakinig ng balita sa radyo.
Tinanong din ng Team Anda ang mga nakapanayam sa SBS kung paano nila nalalaman
ang mga impormasyon patungkol sa mga proyekto at programa ng gobyerno. Ang sagot ng
karamihan sa kanila, sa mga kapitbahay nilang Barangay Officials nalalaman ang mga ito.
Edukasyon
Ang Barangay Sablig ang may pinakamalaking populasyon ng mag-aaral sa mataas na
paaralan sa buong Anda sapagkat dito matatagpuan ang Anda National High School. Sa tabi rin
ng nasabing eskwelahan ay may mababang paaralan. Walang matatagpuang paaralang
pangkolehiyo sa barangay.
Malalayo ang mga
kabahayan ng mga taga-Sablig sa
paaralan. Karamihan sa kanila ay
naglalakad ng 30 minuto para
pumasok. Higit na mahirap sa
panahon ng tag-ulan sapagkat
ang mga kalsada ay nagiging
putik na kinakailangan ng mga
taong tanggalin ang kanilang mga
tsinelas para makalakalad.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
19
SISID SiSiD
Pagdedesisyon sa bahay
Kasama sa isinagawa naming SBS, tinanong din namin ang mga napanayam tungkol sa
decision-making patterns sa kanilang mga HH.
Pagdedesisyon sa mga gawaing
may kaugnayan sa pagkita ng pera
Lalaking
nakata-
tanda
Babaeng
nakata-
tanda
Parehas
Mga
kamag-
anak
NA
Pagdadagdag ng kapital sa
kasalukuyang kabuhayan
8 7 20 - 1
Pagpasok sa bagong pagkakakitaan 16 6 13 - 1
Pagbebenta ng mga produkto 10 7 15 3 1
Pagpapalawak/pagpapalaki ng
kasalukuyang kabuhayan
6 7 23 - -
Pagbili ng mga kagamitan para sa
kabuhayan
7 8 19 - 2
Sa limang (5) tanong na may kaugnayan sa pagkita ng pera ng isang HH, apat (4) ang
nagkaroon ng resulta na nagsasabing masnakararaming HH na parehas na lalaki at babaeng
nakatatanda ang nagdedesisyon. Isang
(1) tanong naman ang napili ng
nakararaming HH na pumapabor sa
kalalakihan bilang mga nagdedesisyon
patungkol sa pagpasok ng bagong
pagkakakitaan o negosyo.
Masasabing pagdating sa mga
gawaing pangkabuhayan ng isang HH,
malaki ang nagiging role ng mga
kababaihan hindi lang sa pamamalakad
kundi pati na rin sa paggawa ng desisyon.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
20
SISID SiSiD
Pagdedesisyon sa mga gawaing
may kaugnayan sa pamamalakad
ng bahay
Lalaking
nakata-
tanda
Babaeng
nakata-
tanda
Parehas
Mga
kamag-
anak
NA
Pagpapagawa o pagpapaayos ng
bahay
17 4 14 1 -
Pagbili ng mga bagong kagamitan
sa bahay
7 8 19 2 -
Pagtratrabaho sa ibang lugar 8 4 13 2 9
Pag-alis ng barangay 10 4 22 - -
Edukasyon ng mga anak 3 6 14 - 13
Pagsali sa mga samahan o pulitika
ng barangay
14 6 12 - 4
Pagplaplano ng pamilya 6 2 26 - 2
Sa kategoryang pagdedesisyon sa mga
gawaing may kaugnayan sa pamamalakad ng bahay,
lima (5) sa pitong (7) tanong ang sinasabi ng
nakakararami na pinagdedesisyon ng parehas na
lalaki at babaeng nakatatanda.
Kapansinpansin ang dalawang (2) katanungan
kung saan sinasabi ng mga masnakararaming
nakapanayam na pinagdedesisyunan ng mga
nakatatandang kalalakihan. Ang mga ito ay ang
pagpapagawa o pagpapaayos ng bahay at pagsali sa
mga samahan o pulitika ng barangay. Ang parehas na
ito ay ang sinasabing mga gawaing panlalaki ng
lipunang patriyarkal.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
21
SISID SiSiD
Mga pormal na organisasyon sa Barangay Sablig
May dalawang matingkad na samahan sa barangay, ang Barangay Council at ang
Sablig Barangay Multi-sectoral Association, Inc.
Ang Barangay Council
Ang Barangay Council ng Barangay Sablig ay binubuo ng isang Barangay Captain,
Barangay Secretary, Barangay Treasurer, Barangay Record Keeper, Sangguniang Kabataan
Chairperson, at pitong Barangay Councilors.
Barangay Captain Manny Carace
Barangay Secretary Baltazar Caole
Barangay Treasurer Celso De Guzman
Barangay Record Keeper Bartolome Cacho
Barangay Councilor Domingo Cahigas
Barangay Councilor Evangeline Casaña
Barangay Councilor Gaspar Caole
Barangay Councilor Efren Casulla
Barangay Councilor Felipe Casulla
Barangay Councilor Joseph Cerdan
Barangay Councilor Danny Dancel
SK Chairperson Rowell Celeste
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
22
SISID SiSiD
Bawat isa sa pitong Barangay Councilors ay naninirahan sa pitong purok ng barangay.
Ang bawat isa rin, kasama ng SK Chairperson, ay may pinamumunuan na komite.
Committee on Rules and Regulations
Head: Barangay Councilor Domingo Cahigas
Members: Barangay Councilors Joseph Cerdan and Danny Dancel
Committee on Education, Social Welfare, and Public Affairs
Head: Barangay Councilor Evangeline Casaña
Members: Barangay Councilors Efren Casulla and Gaspar Caole
Committee on Public Works and Highways (Committee on Infrastructures)
Head: Barangay Councilor Gaspar Caole
Members: Barangay Councilors Efren Casulla and Felipe Casulla
Committee on Environment, Health, and Sanitation
Head: Barangay Councilor Efren Casulla
Members: Barangay Councilors Evangeline Casaña and Felipe Casulla
Committee on Appropriations (Committee on Finance)
Head: Barangay Councilor Felipe Casulla
Members: Barangay Councilors Evangeline Casaña and Gaspar Caole
Committee on Peace and Order and Public Safety
Head: Barangay Councilor Joseph Cerdan
Members: Barangay Councilors Domingo Cahigas and Danny Dancel
Committee on Agriculture
Head: Barangay Councilor Danny Dancel
Members: Barangay Councilor Domingo Cahigas and Joseph Cerdan
Committee on Sports
Head: SK Chairperson Rowell Celeste
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
23
SISID SiSiD
Ang barangay ay nahahati sa pitong purok. Ang bawat purok ay may sariling
istrukturang pampulitika na pinamumunuan ng Purok Chairperson.
Sa kasalukuyang pamunuan ng Barangay Council, lahat ay kalalakihan maliban sa isang
Barangay Councilor. Nag-iisa rin ang babae sa pitong Purok Chairpersons ng Sablig.
Ang sumusunod ay ang 2008 Barangay Development Plan ng Barangay Sablig.
Project Title Period of
Implementation
Estimated
Cost
Total
Maintenance of public building and plaza January –
December 2008
P 40,000.00 P 40,000.00
Maintenance of water resources (dug
wells)
January –
December 2008
17,500.00 17,500.00
Regravelling of barangay roads and
making of drainage
January –
December 2008
53,418.01 53,418.01
Clean and Green Program January –
December 2008
20,000.00 20,000.00
Electrification: near churches and multi-
purpose pavement
January –
December 2008
20,000.00 20,000.00
5% for anti-drug campaign January –
December 2008
9,683.23 9,683.23
Maintenance of waiting shed January –
December 2008
25,563.36 25,563.36
Coastal Development January –
December 2008
7,500.00 7,500.00
TOTAL P 193,664.60 P 193,664.60
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
24
SISID SiSiD
Ang Sablig Barangay Multi-sectoral Association, Inc.
Mula sa populasyong 2,576 ng Barangay Sablig, ang samahan ay multi-sectoral na
binubuo ng humigit-kumulang 40 na kasapi mula sa mga sektor ng mangingisda, magsasaka,
maggagawa, at kababaihan.
Ang Sablig Barangay Multi-sectoral Association (SBMA, Inc.) ay isang people’s
organization sa Barangay Sablig na naglalayong:
a. palakasin at patibayin ang pagkakaisa sa mga kasapi ng samahan at
mamamayan para sa pagpapaunlad ng samahan at barangay,
b. pangalagaan at protektahan ang likas yaman ng Sablig, particular ang yamang
dagat nito laban sa lahat ng illegal at mapanirang pamamaraan ng pangingisda,
c. makipag-ugnayan sa pamahalaang barangay upang magkaroon ng maayos na
regulasyon sa paraan ng pangingisda,
d. makipag-ugnayan sa iba’t ibang grupo, ahensya, institusyon, maging ito ay
pribado o publiko, para makakuha ng suporta na makakatulong sa pagpapaunlad ng
samahan at barangay,
e. maglunsad ng mga alternatibo/proyektong pagkakakitaan upang umangat at
umunlad ang kabuhayan ng mga kasapi sa samahan,
f. magkaroon ng pag-aaral, pagsasanay, at mga exposure trips sa iba’t ibang lugar
para madagdagan ang kaalaman at kasanayan, at
g. maglunsad ng mga proyekto at programa ng pagkilos para sa ikauunlad ng
yamang dagat ng Sablig.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
25
SISID SiSiD
Noong mga nakaraang termino,
may limang komite ang samahan. Ang
mga ito ay ang Mangrove Committee,
Seagrass Committee, Coral Reef
Committee, Upland Committee, at
Livelihood Committee. Subalit ang mga
miyembro ay nagkasundo na gawing
tatlong komite na lamang. Ang naunang
tatlong komiteng nabanggit ay ginawa na
lang nilang Resource Management
Committee.
Ang SBMA ay binubuo ng mga
opisyales at mga karaniwang myembro.
Ang Lupong Tagapagpaganap ay
binubuo ng nahalal na Chairperson, tatlong Vice Chairpersons, Treasurer, Secretary, dalawang
Auditors, at apat na Press Relations Officers.
Ang pagtatalaga ng mga opisyal ng organisasyon ay isinasagawa sa pamamagitan ng
eleksyon na nagaganap isang beses sa dalawang taon. Kahit sinong myembro ay maaaring
tumakbo para sa kahit anong posisyon. Ngunit ang maaari lamang maging chairperson ay ang
walang ibang pinamumunuan sa labas ng organisasyon. Ang mga naihahalal ay dumadaan sa
tatlong buwang pagsasanay bago manungkulan.
Chairperson: Baltazar Caole
Overall Vice Chairperson: Eddie Cardaño (Resource Management Committee Head)
Vice Chairpersons: Manny Carace (Livelihood Committee Head) at
Felipe Casulla (Upland Committee Head)
Treasurer: Bartolome Cacho
Secretary: Gaspar Caole
Auditors: Geraline Cabalquinto at Virginia Casaña
Press Relations Officers: Efren Casulla, Ronnie Casaña, Robert Carolino, at Roland Carace
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
26
SISID SiSiD
Kung inyong mapapansin, ang bawat isa sa tatlong Vice Chairpersons ay Chairpersons
ng tatlong komite ng samahan.
Ang samahan ay itinatag nang may maigting
na pagtingin sa paglulunsad ng mga pagkakakitaang
programa o mga proyektong pangkabuhayan, bukod
pa sa pokus nito sa pangangalaga sa kalikasan.
Dahil dito, naging gawi na ng samahan ang
paglulunsad ng mga proyektong hindi lang
pagkakakitaan, kundi ay makakatulong pa sa
pangangalaga ng mga likas na yaman.
Ang pagkakabuo ng pormal na samahan ay nag-umpisa sa pagpasok ng mga kinatawan
ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Bolinao, Pangasinan noong taong 2000, sa layuning
maglunsad ng proyektong Community-based Coastal Resource Management (CBCRM). Sa
pamamagitan nila, nailunsad ang programang mangrove reforestation sa lugar na pinondohan
ng Royal Government of Netherlands. At mula sa Bolinao ay sinubukang ilapat ang programa
sa Anda, Pangasinan.
Sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay, ipinaliwanag at ipinakilala ng mga organisador
sa bawat pamilya sa komunidad ang kahalagahan ng organisasyon at ang mga benepisyong
maibibigay nito sa komunidad. Sa mga unang bahagi ng pag-oorganisa, nahirapan ang mga
organisador sa pagpapaliwanag at panghihikayat sa mga mamamayan ng komunidad dahil sa
pagkakaroon ng mga ito ng kanya-kanyang paniniwalang kumukwestyon sa kahalagahan ng
pag-oorganisa at dahil sa mas mabigat na pagpapahalaga ng mga ito sa kani-kanilang gawaing
pangkabuhayan. Upang matugunan ang hamong ito, inangkop sa gawain ng mga taga-
komunidad ang pag-oorganisa sa pamamagitan ng pagtuon sa mga proyektong
pangkabuhayan.
Bilang bahagi ng pag-oorganisa, ang samahan ay nagkaroon ng mga seminar ukol sa
basic ecology. Nagkaroon din ng mga resource at risk assessment at pagpupulong at diskusyon
ukol sa kalagayan ng kanilang komunidad at likas na yaman. Ang mga naging pokus ng mga
resource assessment na ito ay ang mangrove, sea grass at coral reef.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
27
SISID SiSiD
Noong Hulyo 2001, sa isang pagpupulong na ginanap sa simbahan, pormal na
naorganisa ang samahan bilang Sablig Barangay Multi-sectoral Organization o SBMA. Sa
umpisa ay nahirapang magtalaga ng mga tatayong pinuno sa organisasyon dahil sa mga
personal na dahilan ng mga kasapi at dahil sa kabigatan ng nakaatang na responsibilidad sa
mga posisyong kailangang pagtauhan.
Mga gawaing matingkad at mga libangan sa Barangay Sablig
Hindi mawawala ang inuman sa lahat
ng pagkakataong magkasama-sama ang
mga kalalakihan ng Barangay Sablig – mga
kaarawan, mga fiesta, mga kapitbahay na
umuwi galing sa ibang lugar, habang
nagpupulong ang SBMA o Barangay Council,
pagkatapos ng pagpupulong ng SBMA o
Barangay Council, at marami pang iba.
Kadalasa’y ang tawag nila sa inuman ay
“jamming” o “merienda”. Walang pinipiling
oras ang mga taga-Barangay Ginebra.
Tuwing hapon naman, mapapansin na biglang nawawala ang mga tao sa kanilang mga
kabahayan. Ito ay dahil sa oras na ng kanilang “opisina” – ito ang tawag nila sa paglalaro ng
tongits. Sa pag-oopisina, sila ay dumadayo sa isang nakasanayang bahay at ang paglalaro nila
ay maaaring tumagal mula hapon hanggang sa madaling-araw.
Isa sa mga pinakamatingkad na kultura
ng mga taga-Sablig at mga kalapit barangay
nito ay ang pagkakaroon ng “sayawan.” Ito ay
kadalasang ginaganap tuwing fiesta, kasalan,
at anibersaryo ng paaralan. Ang sayawan ay
isang pagkakataon para sa mga binata at
dalaga mula sa iba’t ibang lugar ng Anda na
makapagkilala at magligawan.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
28
SISID SiSiD
KABANATA II ANG SABLIG AT ANG MGA
REKURSO
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
29
SISID SiSiD
Ang Barangay Sablig ay mayaman sa iba’t-ibang uri ng rekurso. Karamihan sa mga tao
rito ay nagsasaka, nagtatanim ng mga prutas at gulay. Samantala, ang mga malalapit naman sa
dagat ay kadalasang nangingisda, nag-iilaw, namumulot ng mga lamang-dagat, at nag-aasin.
Ang iba ay may-ari ng mga fish cage. Mayroon din mga nag-uuling at nagbebenta ng
panggatong sa barangay at nagkakawayan at gumagawa ng mga kasangkapang yari sa
kawayan. Ang iba ay nag-aalaga ng mga piling hayop para ibenta o kainin sa mga espesyal na
okasyon. Ang ilan ay naghahabi ng banig at buri para ibenta. Samantala, mayroon din mga
may-ari ng tindahan at tricycle. Ang iba ay kumukuha ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng
pagkakarpintero, drayber, pagiging opisyal ng barangay, at pagiging propesyonal tulad ng guro.
Mga Natatanging Pinagkakakitaan
1. Pangingisda- Maliban sa alam nating uri ng pangingisda kung saan ay pumapalaot,
kadalasan ay nagiilaw ang mga tao sa Sablig. Pagsapit ng gabi ay makikita na ang mga ilaw na
tila nagsasayaw sa karagatan. Madalas ay hipon, alimango, maliliit na isda at iba’t ibang shells
sa dagat ang kanilang nahuhuli. Isa ding uri ng pangingisda ang pamumulot. Dahil sa umaga
ang low tide at hanggang sakong ang tubig sa dagat ay madalas manghuli ng mga shells, balat
ay mga sea weeds ang mga kababaihan at mga kabataan.
2. Asinan- Ang pagaasin, ay malimit
na trabaho ng mga miyembro sa
komunidad na malapit sa dagat.
Kinakailangan kasi ng tubig alat na
siyang papakuluan sa malalaking mga
panggatong galing sa kagubatan para
makapaggawa ng asin. Madalas ay
ibinebenta ito ng 140 ang isang sako.
Magandang uri ng pagkakakitaan ang
pagaasin, dahil sa panggatong lamang
ang puhunan at yero na lutuan ay malaki
ang kita dito.
3. Paguuling- Mayaman ang Sablig sa mga punong kahoy, kaya naman ay madalas, ang
kahoy ang puhunan ng mga tao para sa kanilang negosyo. Isa na dito ang paguuling. Gawa ito
sa pinagpatong patong na mga kahoy, lupa at goma na siyang aapuyan sa panahon ng tag-init.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
30
SISID SiSiD
Uri ng rekurso
Gawaing Pangkabuhayan
Tipo ng Pamamahala
Tipo ng nakukuhang rekurso Seasonal
(Y/N)
Tipo ng manggagawa
Pangigngisda w/o fish cage
SM Y Lalake at babae
Pangingisda w/ fish cage
CM N Lalake at babae
Pagiilaw SM Y Lalake at babae
Pamumulot SM N Lalake at babae
Yamang Dagat
Pagaasin SM/CM
Iba’t ibang isda, sea weeds, balat, alimasag, biat-biat, dila-
dila, kalibuyo, hipon
Y Lalake at babae
Pagsasaka SM/ CM Y Lalake, babae, at bata
Pagtatanim ng Gulay at Prutas
SM Y Lalake, babae, at bata
Paguuling SM Y Lalake, babae, at bata
Pagkakawayan SM N Lalake
Pagbebenta ng Panggatong
SM N Lalake
Pagaalaga ng piling hayop
SM N Lalake at babae
Paggawa ng kasangkapan
SM N Lalake at babae
Yamang Lupa
Paghahabi ng banig
SM
Bigas, kamote, mais, gulay, prutas, uling, kawayan, kahoy, silag(banig), baboy, kambing, manok, baka, pato, kalabaw,
kasangkapan, banig
Y Babae
Pagtatricycle SM N Lalake
Sari-sari store SM N Lalake, babae, at bata
Pagbebenta ng meryenda
SM N Lalake, babae, at bata
Teacher GM N Lalake at babae
Brgy. Official GM N Lalake at babae
Pagspray ng Prutas at gulay
SM Y Lalake at babae
Yamang Tao
Pagkakarpintero SM
Groceries, carioca, bitso-bitso, kakanin, lakas paggawa
N Lalake
* SM – Self-managed; CM – Co-managed; GM – Government-managed
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
31
SISID SiSiD
Ang Balat o Sea Cucumber bilang Rekurso
Ang sea cucumber o balat ay lamang-dagat na kabilang sa grupo na tinatawag na
echinoderms. Tumitira at makikita ang iba’t-ibang uri ng mga balat sa parteng buhanginan,
putikan, batuhan, damuhan, at maging sa malalalim na bahagi ng dagat. Tinatalang may
isandaang uri ng balat ang matatagpuan sa Pilipinas. Mahigit tatlumpong uri ang nakakain at
napagkakakitaan.
Mahalaga ang mga
balat sa kalikasan dahil ang
itlog at dumi nito ay
nagsisilbing pagkain at
nagbibigay ng nutrisyon sa
iba’t- ibang lamang-dagat at
nagsisilbing “bulate ng dagat”
na tumutulong sa paglinis at
pagdagdag ng oxygen sa
buhangin.
Mahalaga rin para sa ekonomiya ang mga balat. Ang balat ay lamang-dagat na kinakain
sa Pilipinas at sa ibang bansa. Isa rin itong uri ng gamot na mabisa sa arthritis, sugat, high
blood, at isa din ito sa tinuturing na mabisang aphrodisiac.
Malaki ang demand o pangangailangan sa mga produkto o tapang balat sa bansang
Tsina dahil sa mga benepisyong nakukuha rito. Ang Pilipinas ang pangalawa sa
pinakamalaking eksporter ng balat sa buong mundo. Patuloy na tumataas ang presyo ng balat
sa world market na nangangahulugang marami ang nangangailangan. Ang halaga ng balat
depende sa klase, laki, at kalidad ng produkto. Sa Pilipinas, binibili ito ng direktang buyer sa
halagang USD 4 kada kilo o kulang-kulang na Php 200 kada kilo at ini-eksport sa halagang
USD 19-33 kada kilo o Php 900-1500 kada kilo.
Sa pagdaan ng panahon ay nauubos na ang mga balat sa Pilipinas. Kakaunti na at
maliliit na ang nahuhuling balat ng mga mangingisda sa kasalukuyan. Ang mga maling
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
32
SISID SiSiD
pamamaraan ng pangingisda at pangangalap ng balat at maling pamamaraan ng pagbebenta
ang dahilan ng pagkaubos ng mga ito sa karagatan.
Ang Pagbabalat bilang gawaing pangkabuhayan sa Barangay Sablig
Isa ang pagbabalat o pangangalap/pangunguha/panghuhuli ng balat sa dagat sa
pinagkakakitaan ng mga tao sa Barangay Sablig. Mga mangingisda, kababaihan, at kabataan
ang mga kadalasang nangangalap ng balat sa Sablig. Dekada ‘70 ng magsimula ang mga tao
sa Sablig na magbenta ng balat. Iba’t-ibang uri ng mga balat ang nakukuha nila noon. Sa
paglipas ng mga taon, unti-unti ng lumaki ang populasyon sa Sablig kung kaya’t dumami na rin
ang mga nangunguha ng balat kasabay ng lumalaking demand at tumataas na presyo ng mga
balat sa merkado. Dahilan ito para kumonti at unti-unting maubos ang suplay ng mga balat.
Partisipasyon ng mga Kababaihan at Kabataan sa Pagbabalat
Ang pagbabalat ay ginagawa ng sinuman na may access sa karagatan. Bukod sa mga
mangingisda, maraming kababaihan at kabataan ang nagbabalat sa barangay. Kadalasan, sa
mga mababaw na parte ng dagat namumulot ng mga balat ang mga kababaihan at kabataan.
Ang mga namulot ang kadalasang nagpoproseso na rin ng kanilang mga nakuha. Ang mga
kababaihang nakapanayam ng grupo ay kadalasang kumikita ng 300 php hanggang 1,200 php
kada buwan. Ang kinita sa pagbabalat ay ginagamit sa mga gastusin sa bahay tulad ng pambili
ng pagkain, baon, damit, at gamit ng mga bata sa paaralan, pambayad ng kuryente, at pambili
ng gamit sa pangingisda. Nakakabili rin ng mga gamit pansarili tulad ng pampaganada at
pampagupit ng buhok ang kababaihan o mga kananayan galing sa kita sa pagbabalat.
Natutustusan din nila ang mga gawaing pampersonal tulad ng pantaya sa tong-its at
pamamasyal sa bayan.
Pamumulot/Pangunguha/Pangungulekta ng Balat
Ang pamumulot/pangunguha/pangungulekta
ng balat ay maaaring gawin ng sinuman na may
access sa karagatan. Karaniwan na nagsasagawa
nito ang mga mangingisda, nag-iilaw, mga
kababaihan at kabataan. Ang mga balat na nakuha
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
33
SISID SiSiD
ay nilalagay lang sa timbang may tubig para hindi ito matunaw. Madali lamang para sa mga tao
na mamulot ng balat dahil makikita na ang mga ito sa mababaw at malalim na mga lugar sa
dagat depende sa uri nito. Kapag sa mababaw na bahagi ng dagat ay makikita na ang mga
balat sa pamamagitan lamang ng paglalakad-lakad at pamumulot samantalang sa malalim na
bahagi naman ay sinisisid na ang mga ito. May mga ibang mangingisda rin na gumagamit ng
compressor at rake na maaaring makasama at makasira sa karagatan at ibang lamang-dagat.
Samantala, ang iba naman ay binabaliktad ang mga coral na ikinasisira ng mga ito para kunin
ang mga balat na nakatira doon.
Pagpoproseso ng balat
Ang pagpoproseso ng balat ay kadalasang
ginagawa ng mga namulot at nangulekta nito.
Nakapaloob dito ang paglilinis o pagtatanggal ng dumi
ng mga balat sa loob at labas nito, pagluluto, at
pagpapatuyo. Ang mga tuyong balat ang binibili ng
maliliit na mangangalakal ng balat at inieksport ng mga
malalaking negosyante. Bukod sa laki ar bigat ng balat,
ang presyo ng tuyong balat ay nakasalalay sa kalidad
ng pagkakaproseso nito. Kadalasan ay nahahati ang
mga tuyong balat sa klase ng pagkakaproseso nito.
Pinakamahal na binibili ang mga nasa class A-big o
large kung saan bukod sa malalaki ang mga balat ay malinis at maganda rin ang
pagkakaproseso.
May iba’t-ibang paraan ang mga tao sa iba’t-ibang lugar sa pagpoproseso ng balat.
Mayroon din nakadepende sa uri ng balat ang pagpoproseso nito. Kadalasan ay ginagawa ito
sa bahay ng mga namulot ng balat dahil mga simpleng gamit sa pagluluto at bahay ang
ginagamit dito. Kapag naproseso na ito ay maaari na itong itago sa lalagyan na napapasukan
ng hangin ng mga ilang lingo g hindi nasisira. Kung kaya kadalasan na iniipon muna ng mga
nangngulekta ang mga balat hanggang dumami ang mga ito bago ibenta.
Ito ang mga hakbang sa pagpoproseso ng balat:
Alisin ang lamang-loob: pag malaki – sa likod; pag maliit – sa bibig
Ilaga ng tatlupong minuto
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
34
SISID SiSiD
Maghalo ng durog na dahon ng papaya sa lutong balat hanggang luminis
Iahon ang balat at hugasan ng malamig na tubig
Iluto ulit ng 15-20 minuto
Pausukan ng tuyong tae ng kalabaw
Ibilad hanggang tumigas
Daloy ng Pamimili ng Balat
1. Nangungulekta at nagpoproseso ng balat sa Barangay Sablig, Barangay Macaleeng, at
Barangay Tondol
Anu-anong uri ng balat ang nakukuha at gaano
karami ang nakukuha tuwing lumalabas para manguha
ng balat?
Puti – 5-10 piraso
Gadol/Dudlo/Hanginan/Darimusak – 10 piraso
pataas
Khakki – 10-30 piraso
Balat ng aso – 5-40 piraso
Baker/Lawayan – 5-30 piraso
Buli-buli – 2- piraso
Tuwing kelan nagbebenta ng balat?
Lingguhan
Ilang kilo ng balat ang binebenta?
.25-3.5 kilo kada linggo
Magkano ang buwanang kita sa pagbebenta ng mga balat?
700 – 4,000 Php
Magkano ang taunang kita sa pagbebenta ng balat?
8,400- 48,000 Php
2. Bumibili ng Balat sa Bayan ng Anda/Poblacion (Ruben Celeste)
Kanino at saan binibili?
Mga nagbabalat sa Alaminos at mga barangay sa Anda (Carot, Cabunggan, Sablig,
Macaleeng, Tori-Tori, Tondol, Batiarao, Imbo, Namagbagan)
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
35
SISID SiSiD
Magkano binibili?
Putian – (XXS) 400 Php; (XS) 800 Php; (S) 1,200 Php; (M) 2,000 Php; (Big) 3,000
Php; (Halo-halo/Assorted) 1,500 Php
Kanino at saan binebenta?
Exporter sa Malabon, Metro Manila at San Juan, Metro Manila
Magkano ang benta sa exporter?
Putian - (XXS) 420 Php; (XS) 1,000 Php; (S) 1,450 Php; (M) 2,500 Php; (Big) 3,300
Php; (Halo-halo/Assorted) 1,700 Php
Ilang beses magbenta sa isang buwan?
Dalawa hanggang tatlong beses
Magkano ang buwanang kita sa pagbebenta ng balat?
10,000-15,000 Php
Magkano ang taunang kita sa pagbebenta ng balat?
120,000- 180,000 Php
Market flow ng pagbebenta ng balat
Bumibili ng balat galing sa Barangay
Middleperson 1
Exporter ng Balat patungong Taiwan
Middleperson 2
Nagbabalat sa Barangay (Namumulot/Nangungulekta ng Balat)
Prodyuser
Ang Taiwan bilang exporter ng balat patungong Tsina
Middleperson 3
Consumer sa Tsina
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
36
SISID SiSiD
Ang pagbabalat ay isang gawaing pangkabuhayan ng mga taong malapit sa dagat.
Sinuman na may kaalaman sa pagkuha at pagpoproseso ng balat ay maaaring pagkakitaan ang
pagbabalat. Kadalasan ay iniipon muna ito ng mga namumulot o nangungulekta ng balat bago
ibenta. Ang pagbebenta ng balat ay kadalasang ginagawa ng lingguhan. Sa kasalukuyan,
makukuha ang iba’t-ibang uri ng balat ng papira-piraso at halu-halong laki at timbang na
umaabot ng ¼ hanggang 3 ½ kilo. Kumikita ng 700 hanggang 4,000 Php kada buwan ang mga
nagbabalat.
Kadalasan na ibinebenta ng mga nagbabalat ang kanilang produkto sa bumibili na
malapit sa kanilang barangay o bayan. Ang bumibili ng mga tuyong balat sa kalapit na
barangay, ang kadalasang nagdadala ng balat sa Maynila kung saan diretso na itong ini-eksport
sa mga bansang nag-eeksport sa Tsina. Pinapatungan ng bumibili sa mga nagbabalat ng 20
hanggang 500 Php ang putian na nakadepende sa pinagbebentahan nitong korporasyon na
nag-eeksport. Sa dalawa hanggang tatlong beses na pagluwas ng Maynila ng bumubili ng balat
ay kumikita ito ng 5,000 hanggang 15,000 Php kada buwan.
Ang korporasyon sa
Maynila na nag-eeksport ng
mga balat ay hindi pa rin
diretso sa mga consumer ng
balat sa Tsina. Ini-eksport
muna ito sa Taiwan bago i-
eksport sa Tsina.
Makikita na walang
direktang koneksyon ang
mga nagbabalat o prodyuser
sa consumer ng mga balat
sa Tsina kung kaya ang
maliliit na nagbabalat sa baryo ang nalulugi sa bentahan ng balat. Maaari pa sanang lumaki ang
kanilang kita kung magkakaroon sila ng direktang koneksyon kahit man lang sa eksporter ng
balat patungo sa mga bansang nag-eeksport sa Tsina.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
37
SISID SiSiD
Ang Balat Noon at Ngayon (Historical Trend)
Ayon sa mga tao sa barangay Sablig, malaki na ang pinagbago sa dami at laki ng mga
balat noon at ngayon. Nagsimula ang pangunguha, pagpoproseso, at pagbebenta ng balat
mahigit tatlumpung taon na ang nakakaraan. Noong dekada ‘70, halos lahat ng uri ng balat ay
makikita sa karagatan ngunit hindi lahat ng uri ay naibebenta. Ang dalawang tao ay
makakakuha ng 16 sako o humigit kumulang 100 kilo ng balat sa loob ng tatlong oras. Noong
dekada ‘80, ganoon pa rin ang dami ng makukuha at mahuhuling balat ngunit nadagdagan na
ang mga binibili. Noong dekada ‘90, halos lahat ng uri ng balat ay makikita pa rin sa dagat at
halos lahat ay binibili na rin. Ngunit ang dating 16 sako o 100 kilong balat na nakukuha ay
naging limang sako o 35 na kilo na lamang. Sa dekada 2000 ay lalong kumonti ang nakukuhang
balat sa dagat. Ang isang tao ay makakakuha na lamang ng isang timba o katumbas ng
dalawang kilong balat.
Sa pagdaan ng panahon ay unti-unti rin tumataas ang presyo ng balat sa pamilihan.
Halimbawa ang presyo ng putian (isang klase ng balat), Nagsimula itong bilhin noong dekada
’70 ng 8 Php kada kilo. Noong dekada ’80 at ‘90 ay binibili na ito ng 8-90 Php kada kilo. Ngayon
ay binibili na ito ng 2,500 Php kada kilo.
Sa paglipas ng panahon, dumami ng dumami ang nangangailangan at kumukuha ng
mga balat kaya kapansin-pansin ang unti-unting pagkawala ng iba’t-ibang uri ng balat sa
karagatan. Ang mataas na presyo at demand ng balat sa pamilihan ay isang salik din sa
pagkaubos ng mga balat. Hindi nagkakaroon ng pagkakataong manganak ant magparami ang
mga balat dahil kahit maliliit ay kinukuha na.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
38
SISID SiSiD
KABANATA III ANG SABLIG AT ANG
PROYEKTO
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
39
SISID SiSiD
Ang Sea Ranching ng Sea Cucumbers (Balat) Project
Ang proyekto ng Sea Ranching ay isang eksperimento na may pangmatagalan na
layuning magkaroon ng sistema ng pamamahala ng mga balat para masurpotahan ang likas-
kaya at makakalikasang pagpapadami at pagpapanumbalik ng mga lamang-dagat at rekursong
dagat partikular ng mga balat at magbigay o maglaan ng produktong maaaring makadagdag sa
kita ng mga maliliit na mangingisda.
Layunin din nitong tingnan ang kalagayan ng pagbabalat sa mga piling lugar sa
Hilagang-Kanlurang Luzon upang makapaghanda ng sistemang pamamahala sa pangisdaan.
Nais din ng proyekto na gumawa ng mga pag-aaral para magkaroon ng kaalaman sa lokal na
balat at magpaunlad ng teknolohiya para sa pagpapadami ng mga balat. Nilalayon din ng
proyekto na tingnan ang posibilidad na maging karagdagang o alternatibong pangkabuhayan
ang pagbabalat.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
40
SISID SiSiD
Ang proyektong ito ay pinopondahan ng Department of Science and Technology -
Philippine Council for Aquatic and Marine Resource Development, Department of Agriculture –
Bureau of Agricultural Research, at Australian Center for International Agricultural Research.
Samantala, ang UP MSI naman ang may hawak ng proyekto at nagsasagawa ng
implementasyon ng proyekto.
Ito ay tatlong (3) taong proyekto
kung saan nag-aalaga at nagpaparami
(culture) ng mga juvenile o maliliit na
balat partikular ang putian na isang uri ng
balat sa isang hatchery at kapag nasa
wastong laki na ang mga ito ay ilalagay
na sila sa karagatan upang natural na
lumaki at mabuhay. Ang proyektong ito
ay site-specific o namimili lamang ng
lugar na maaaring tirahan ng mga balat.
Ang napiling lugar ay tatayuan ng limang ektaryang buffer area na minarkahan ng mga tulos
kung saan bawal kumuha ng kahit anong balat pero maaaring mangisda. Sa loob ng limang
ektarya ay may isang ektaryang nursery area kung saan babantayan ang paglaki ng nga balat
at sa loob nito ay ang core release area na may laking 2,500 metro kwadrado at may tatlong
100 metro kwadradong pen kung saan ilalagay ang mga juvenile.
Ang mga balat na pinalaki at inalagaan ay aanihin ng mga taong nagbantay at sumali sa
proyekto. Kailangang umabot muna sa
kalahating kilo o 500 grams ang isang
balat bago ito kunin dahil ibig sabihin nito
ay nakapanganak na ng ilang beses ang
balat.
Implementasyon ng Proyekto
Ang Sea Ranching Project (SRP)
ay partnership sa pagitan ng UP MSI,
Konseho ng Barangay sa Sablig, at
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
41
SISID SiSiD
SBMA. Ang bawat isa ay may gawain at
responsibilidad sa pagpapatupad ng
proyekto. Ang UP MSI ang nanguna sa
paghahanap at pagtatalaga ng lugar para
sa proyekto. Katulong ng UP MSI ang
mga mangingisda at miyembro ng SBMA.
Ang UP MSI ay nagbibigay din ng
pinansyal na tulong sa pagbili ng mga
kagamitan at iba pang kakailanganin sa
proyekto. Ang UP MSI rin ang
nangunguna sa buwan-buwang
monitoring ng mga balat at nakatalagang magsabi sa konseho ng Barangay at SBMA sa
progreso ng paglaki ng mga balat.
Ang Konseho ng Barangay ng Sablig at SBMA ang nakatalagang mamahala sa
proyekto. Nakapaloob sa sistema ng pamamahala ng proyekto ang pagbabantay, pagpapanatili,
at monitoring ng sea ranching site. Sila rin ang nakatalaga sa pagbibigay ng lakas-paggawa.
Ang Konseho ng Barangay ng Sablig at SBMA ay nakatalaga rin sa araw-araw na pagbabantay
at monitoring sa sea ranching site. Sila rin ang magbibigay sa UP MSI ng mga bagong ulat sa
mga nangyayari sa sea ranching site.
Nagsimula ang pagpaplano ng
UP MSI kasama ang Konseho ng
Barangay ng Sablig at SBMA tungkol sa
Sea Ranching Project noong Oktubre
2008. Dito pinag-usapan ang mga
nabanggit na gawain at resposibilidad ng
bawat isa sa pagpapatupad ng proyekto.
Nailagay sa sea ranching site ang mga
juvenile noong Disyembre 2008 at Enero
2009 at naisagawa na ang unang
monitoring noong Marso 2009. (Tingnan
ang Apendiks F )
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
42
SISID SiSiD
Partisipasyon ng mga tao sa proyekto
Isa sa mga prinsipyong nakasaad
sa pinirmahang kasunduan o partnership
agreement ng UP MSI, Konseho ng
Barangay ng Sablig, at SBMA ang aktibo
at boluntaryong partisipasyon na may
disiplina sa sarili ng kababaihan,
kalalakihan, at iba pang kabilang sa
proyekto upang maabot ang mga layunin
nito. (Tingnan ang Apendiks F)
Kailangan ng partisipasyon ng mga tao sa Barangay Sablig upang mapatupad at
mapamahalaanan ng maayos ang proyekto. Nangangailangan lamang ng labingdalawa (12)
hanggang labinlimang (15) direktang sasali sa proyekto. Sila ang nakatalagang magbantay sa
sea ranching site araw-araw upang hindi makuha o manakaw ang mga balat. Ang gawaing ito
ay walang kapalit na pinansyal na insentibo at boluntaryo lamang. Pagdating ng panahon ng
pag-ani o pagkuha ng mga balat, maghahatian sa kikitain sa pagbebenta ng balat ang mga
nagbantay at tumulong sa pagpapatupad ng proyekto.
Sa kasalukuyan, nakapagtalaga na ang SBMA ng mga tao na magbabantay at sasali sa
proyekto. Mayroong dalawampu’t-dalawang (22) boluntaryong sumali sa proyekto at pumirma
sa kasunduan sa pagitan ng UP MSI at Konseho ng Barangay ng Sablig at SBMA. Ang mga
sumali ay magkahalong miyembro at hindi
miyembro ng SBMA. Ang mga taong ito ang
araw-araw na magbabantay sa sea ranching
site at sisiguraduhin na walang makapapasok
na ibang tao.
Bukod sa mga gawain at
responsibilidad na mayroon ang mga taong
sumalisa proyekto, nais din ng UP MSI na
matuto ang mga tao sa pamamahala sa sea
ranching site upang maipagpatuloy ito kahit matapos na ang tatlong taong proyekto.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
43
SISID SiSiD
Ang Sea Ranching Project Participants (SRPP’s)
21 na mga taga-Barangay Sablig ang pumirma sa Memorandum of Agreement noong
Pebrero 5, 2009 ngunit 22 ang kinikilala ng Team Anda sa kadahilanang si Kagawad Bartolome
Cacho ay sasama raw sa grupo tuwing monitoring.
Noong Pebrero 27, 2009, nagkaroon ng pagpupulong ang SRPP’s at kanilang pinag-
usapan ang hatian sa pagbabantay sa sea ranch. Hinati nila ang kanilang kasapian sa pitong
(7) grupo, isang (1) grupo sa bawat araw ng linggo.
LUNES MARTES
Heradio Cacho Joseph Cerdan
Gaspar Caole Nena Cerdan
Orlando Cabalquinto Luis Casero
MIYERKULES HUWEBES
Simeon Celeste German Catalma Jr.
Rosadelia Celeste Mark Dave Oria
Danny Dancel Reuben Caoile
BIYERNES SABADO
Baltazar Caole Editha Carace
Jimmy Oria Geronima Cacho
Efren Casulla Rebecca Amoro
LINGGO
Felipe Casulla
Charles Cahigas
Mercedia Cahigas
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
44
SISID SiSiD
Ang Monday Group
Maskilala si Heradio Cacho (kaliwa)
bilang si Uncle Adiong. Sa edad na 69 na taong
gulang, siya ang pinakamatandang kasapi ng
Sea Ranching Project. Ang edad ng dating
Barangay Kagawad ay hindi nagiging hadlang sa
kanyang pagtulong sa mga kasama.
Ang matandang musikero ay
matatagpuang laging nagsasalita at nagtatanong
sa mga pagpupulong ng organisasyon.
Si Kagawad Gaspar Caole ay isa sa
“tatlong hari ng Barangay Sablig.” Siya ang
Secretary ng SBMA at head ng Committee on
Public Works and Highways ng Barangay
Council.
Si Orlando Cabalquinto (kanan) ay isa
sa mga batikang mangingisda ng barangay. Isa
siya sa mga tumulong gumuhit ng “Mapa ng
Rekursong Dagat ng Barangay Sablig.”
Ang Tuesday Group
Ang mag-asawang Nena at Joseph Cerdan ay may
kalayuan ang tirahan sa karagatan. Si Kuya Joe ay isang
Barangay Kagawad at siya rin ang head ng Committee on
Peace and Order and Public Safety.
Si Luis Casero (kaliwa) ay naninirahan sa tabing-dagat,
katapat mismo ng sea ranch. Isa syang magaling na
mangingisda at tumulong gumuhit ng “Mapa ng Rekursong
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
45
SISID SiSiD
Dagat ng Barangay Sablig.”
Tuwing umaga, masisilayan ang palangiting si Kuya Luis sa kabukiran habang
pinapakain nya ang kanyang baka.
Ang Wednesday Group
Ang mag-asawang Rosadelia at Simeon Celeste (kanan) ay mga mang-aasin
(salt farmers). Sila ay matagal nang miyembro
ng Sablig Barangay Multi-sectoral Association.
Si Tatay Ame ay ang tinawag nilang
“chief architect” ng kanilang kubo sa sea ranch.
Si Kagawad Danny Dancel (kaliwa)
ay ang head ng Committee on Agriculture ng
Barangay Council.
Maaaring sabihing business-minded
si Kuya Danny. Siya ay nagtra-tricycle,
nagsasari-sari store, nagba-buy-and-sell ng
bigas, nag-babaklad, at marami pang iba.
Ang Thursday Group
Sinasabing mabibilang lang sa kamay ang mga mangingisda sa Sablig na hindi nakatira
sa tabing-dagat. Isa na rito si German “Jun” Catalma Jr. Personal na niyaya siya ni Kuya Bal
na sumali sa proyekto sapagkat parati siyang nasa karagatan at malaki ang maitutulong niya sa
pagbabantay ng sea ranch.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
46
SISID SiSiD
Si Mark Dave Oria (kanan, kasama ni
Emma at Enan), sa edad na 21 na taon, ang
pinakabatang SRPP. Sa batang edad, marami
nang napasukang trabaho si Dagoy. Siya ay
naging hardinero, karpintero, at trabahador sa
isang pabrika. Ngayon, siya ay tumutulong sa
kanyang malaking pamilya sa pamamagitan ng
pangingisda.
Si Dagoy ang naging “bestfriend” ni Enan sa Barangay Sablig.
Malaki ang naging bahagi ni Pastor
Reuben Caoile (kaliwa) sa buhay ng Team Anda
sa kanilang pamamalagi sa Barangay Sablig. Sa
mga unang araw pa lamang ng grupo, pinakilala
sila ni Pastor habang nagmimisa.
Isang masipag at marangal na tao si
Pastor. Siya rin ang Chairperson ng TODA
Federation ng Anda.
Ang Friday Group
Si Baltazar Caole (kanan) ay ang masipag na pinuno ng
Sablig Barangay Multi-sectoral Association. Kahit na ang daming
suliraning kinakaharap ng samahan, si Kuya Bal ay nananatiling
matatag at may tiwala sa samahan.
Siya ay ang Chairperson ng SBMA ng dalawang (2)
termino na at siya rin ay ang Barangay Secretary ng Barangay
Council mahigit sampung (10) taon na.
Siya ang unang ama-amahan ng Team Anda sa
Barangay Sablig.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
47
SISID SiSiD
Si Jimmy Oria (kaliwa) ay ang mabait at
maaalalahaning tatay-tatayan ni Enan. Isang
butihing ama ng lima (5), kayod kabayo siyang
nagtratrabaho bilang karpintero at mangingisda
upang may mapakain at maipabaon sa kanyang
pamilya.
Ang “bestfriend” ni Kuya Bal ay tumulong
din sa paggawa ng “Mapa ng Rekursong Dagat ng Barangay Sablig.”
Si Kagawad Efren Casulla (kaliwa,
kasama ni Kuya Pulo) ay isa sa pinakamasipag
na mga miyembro ng Sea Ranching Project. Ala-
sais pa lamang ng umaga ng Biyernes,
matatagpuan na si Kagawad sa kubo.
Siya ay isa sa apat na Press Relations
Officer ng SBMA at head ng Committee on
Environment, Health, and Sanitation ng
Barangay Council.
Ang Saturday Group
Tatlong babae ang nagbabantay tuwing araw ng Sabado – sila Editha Carace,
Geronima Cacho, at Rebecca Amoro. Ang nauna ay ang ina ni Manny Carace, ang Barangay
Captain ng Sablig at Vice Chairperson ng SBMA. Siya ang tumatao sa sari-sari store ng isang
anak nya.
Ang huli ay anak nila Simeon at Rosadelia Celeste. Si Ate Bekang ay gumagawa at
nagbebenta ng banig.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
48
SISID SiSiD
Ang Sunday Group
Ang mag-asawang Mercedia at Charles (kaliwa)
Cahigas ay mga mang-aasin (salt farmers). Sila rin ay
nag-aalaga ng mga lapu-lapu.
Sila Tatay Charles ay dati nang nagkupkop ng
mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas.
Si Kagawad Felipe Casulla ay dati na ring
nagpatira ng mag-aaral ng UP. Siya ngayon ay isang
meter reader ng isang electric company at head ng
Committee on Appropriations ng Barangay Council.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
49
SISID SiSiD
KABANATA IV ANG SABLIG AT ANG
PAGLUBOG SA MGA ISYU
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
50
SISID SiSiD
“The destiny of all beings within creation is intricately joined. Human beings should understand the consequences of their actions against the planet
Because one thing is for sure! Mother Earth is a living being.
She will no longer tolerate her desecration. Beware you humans,
Beware the wrath of nature!” -Clyde Marklew
Sa rekursong dagat
Iba-iba ang mga dahilan ng pagkaubos ng likas-yaman, ang mga ito ay nagsasanhi ng
maliit hanggang sa malakihang epekto sa mga rekurso na siyang nakakaapekto sa mga
miyembro ng komunidad sa barangay Sablig.
Ang pagkakaroon ng mga imprastrakturang pandagat ay nakakatulong sa karagdagang
pinagkakakitaan ng mga tao sa Barangay Sablig. Ito ay ang pangangalaga ng mga lamang
dagat, karaniwan ay mga lokal na isda (Lapu-lapu, Tilapia, Bangus) sa loob ng mga fish pens o
fish cages at pag-ani nito sa tamang nitong laki at sukat. Ang nagiging masamang epekto nito
sa mga kapwa mangingisda ay sa dami ng nagpapatayo ng mga fish pens ay nababawasan
ang lugar pangisdaan kaya’t kakaunti din ang kanilang nahuhuli na nagreresulta ng ibang
alternatibong uri ng pangingisda tulad ng panggamit ng mga pinagbabawal na triple net,
pagdidinamita, at cyanide.
Kadalasan ay ipinagwawalang bahala ng mga ibang mga miyembro ng komunidad ang
pagprotekta ng kanilang karagatan. Hindi lamang ang mga direktang gumagamit ng karagatan
ang may malaking papel sa pangangalaga ng mga ito. Ang bawat tao ay may pantay na
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
51
SISID SiSiD
pangangalaga sa karagatan tulad ng pangangalaga ng mga mangingisda kaya’t ang suporta ng
lahat ay mahalaga sa pangangalaga upang mapanumbalik ang mga rekursong ito.
Nakakaapekto din sa panghuhuli ng mga mambabalat ang pagbili ng mga negosyante
sa kanilang produkto. Dahil sa laki ng
pangangailangan ng balat sa merkado upang
mai-export sa ibang bansa, hindi binibigyang
pansin ang laki at sukat ng mga balat na
kanilang binibili. Nararapat lamang na may laking
500 grams o higit pa ang kanilang bilhin upang
makasigurado na ang mga ito ay nakapagkalat
na ng kanilang similya sa karagatan. Sa
kasalukuyan ay tinatanggap na ng bawat
negosyante ang lahat ng sukat ng balat kasama ang mga maliliit na hindi pa nakapaglabas ng
kanilang itlog sa karagatan na nagdudulot ito ng pagkaunti ng balat.
Tulad ng mga ibang miyembro sa komunidad, ang gobyerno ay may malaking papel sa
pangangalaga at pagprotekta sa karagatan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas sa
lugar pangisdaan. Bagamat may mga marine protected areas, mahalagang maging mahigpit
ang bawat kawani ng gobyerno at mga lokal na mambabatas sa pagpapatupad ng mga
ipinagbabawal sa lugar pangisdaan. Mahalagang magkaroon ng kaalaman ang mga lokal na
gobyerno at mga komunidad sa pangangalaga, pagprotekta at pananatili ng kaayusan ng
karagatan.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
52
SISID SiSiD
Sa organisasyon
Ang napiling OD Intervention
Ang napili ng grupo ay ang Organization Assessment. Ito ay upang:
masmaintindihan at masmakilala namin at ng organisasyon ang kanilang
samahan;
makita ang mga suliranin at hadlang sa pagpapayabong ng samahan;
matukoy at pagyamanin ang sistema ng pamamahala na gumagabay sa
organisasyon; at
matulungan ang organisasyon na mapaunlad ito.
Mga prosesong ginamit
Community integration – Sa pamamagitan ng community integration masnapalalim ang social
investigation at situational analysis ng grupo.
Secondary Data Review – Pinag-aralan ng grupo ang mga nakaraang dokumento ng
organisasyon upang masmapagtibay ang mga datos na nakalap sa mga prosesong ginamit.
Self-evaluation and Needs Analysis – Ang Team Anda ay nag-organisa ng isang Focus Group
Discussion upang mapag-aralan kasama ng mga miyembro ng samahan ang mga proyektong
naisagawa na nila. Pinagusapan din dito ang mga kalakasan at kahinaan ng bawat isa at
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
53
SISID SiSiD
kalakasan at kahinaan nila bilang isang organisasyon. Sa pamamagitan nito ay natukoy ng
grupo ang mga kailangan ng organisasyon upang maging mas likas-kaya ito.
Problem Tree Analysis – Sa pamamagitan nito, mas napalalim ang pagkakaintindi ng grupo sa
mga sanhi at ugat ng mga problema ng organisasyon.
Mga nakalap na datos
Sa demograpiya – Halos kalahati
lamang ng bilang ng mga miyembro ang
aktibo sa mga programa at gawain ng
organisasyon. Ang kanilang mga
nabanggit na mga dahilan kung bakit
hindi aktibo ang ibang miyembro ay
kakulangan sa inspirasyon, nawawalan
ng gana kapag kaunti lang ang
nagpapakita, at maraming ibang
gawaing personal ang mga miyembro.
Sa mga layunin – Aminadong hindi nila natutupad ang kanilang layuning palakasin at patibayin
ang pagkakaisa ng mga miyembro. At wala rin silang ibang ginagawa upang tugunan ang
layuning ito maliban sa mga inumang mga miyembrong kalalakihan lamang ang lumalahok.
Ang pangangalaga at pagproprotekta sa yamang-dagat ng Sablig ay patuloy na
ginagawa ng mga mangingisdang miyembro ng samahan. Ito ay kasama na sa pang-araw-araw
na buhay nila bilang mangingisda tuwing lumalabas sila sa karagatan.
Maganda ang ugnayan ng samahan sa pamahalaang barangay sapagkat karamihan ng
miyembro ng pamahalaang barangay ay miyembro ng samahan.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng organisasyon sa iba’t ibang grupo sa labas ng
Sablig. Marahil ito na nga ang dahilan kung kaya’t taon taon silang may proyekto.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
54
SISID SiSiD
May mga nailunsad ng alternatibong/proyektong pagkakakitaan sa Barangay ngunit
hindi ito nanggaling sa samahan. Sa katunayan, walang proyektong ipinatupad ang samahan
na sila ang may pasimuno.
Ang pagkakaroon ng samahan ng pag-aaral, pagsasanay, at mga exposure trips sa iba’t
ibang lugar ay nagagawa nila ngunit ito ay dahil parte talaga ito ng mga proyektong inihahain sa
kanila ng mga grupo sa labas ng barangay.
Kapansin-pansing bagama’t itinuturing nang multi-sektoral ang samahan ay mas
sinasaklaw parin nitong tugunan ang mga pangangailangan ng mga mamayang malapit sa
gulpo. Ang gawing ito ng samahan ang dinadaing ng mga myembrong nakatira sa kapatagan, o
sa kalupaan. Bibihira umano ang mga proyektong inilulunsad para sa kanila at kadalasa’y
palpak pa. Marahil ito ay dahil sa kadahilanang ang mismong mga layunin ng organisasyon na
nakasaad sa kanilang saligang batas ay may pagtatangi sa mga yamang dagat ng Sablig.
Sa balangkas ng samahan – Ang tatlong komite ng samahan ay nananatiling sa papel lamang
masisilayan. Ito ay hindi kumikilos at
isinasagawa ang kanya-kanyang mga
trabaho nila.
Ang Pangkalahatang Assembliya
o General Assembly (GA) ay ang lugar
kung saan nagaganap ang
pagdedesisyon ng mga myembro ukol
sa mga gawain ng organisasyon. Ito ay
dapat na ginaganap isang beses sa
dalawang buwan. Ngunit dahil sa mga
personal na gawain at responsibilidad ng mga myembro, hindi na ito natutupad sa kasalukuyan.
Upang makarating sa iisang desisyon, kinakailangang may quorum o pagkakasundo ng
nakararaming myembro para sa desisyong isinusulong. Ngunit karaniwang hindi umaabot sa
quorum ang bilang ng mga dumadalo sa mga GA. Dahil dito, madalas ay hindi nakabubuo ng
mga desisyon ang organisasyon o kaya’y nagdedesisyon na lamang ang mga miyembro kahit
na hindi na umabot sa quorum.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
55
SISID SiSiD
Ang malawakang asembliya naman ng organisasyon ay ginaganap dalawang beses sa
isang taon. Ngunit dahil hindi lubos na maayos ang ugnayan ng mga myembro at hindi sapat
ang mekanismo sa paghahatid ng mga impormasyon at balita, hindi ito karaniwang nagagawa.
Ang paghahatid ng impormasyon ay sa pamamagitan lamang ng pagbabahay-bahay at
paghahatid ng mensahe gamit ang cellphone.
Ang Lupong Tagapagpaganap – Ang
pagtingin ng mga myembro ng
organisasyon, nararapat na ang mga
opisyal ng kanilang pamunuan ay
edukado, may kaya (partikular na
binabanggit ang pagkakaroon ng
sasakyan), may karanasan sa
pamumuno, magaling magsalita, mabuti
ang pag-uugali at mula sa kinikilalang
mabuting pamilya.
Programa at Proyekto – Ito ang mga proyekto ng samahan:
PROJECT YEAR MGA KASAMA
MAIKLING IMPORMASYON
RESULTA
Mangrove
Reforestation
2002 Philippine
Independent
Church, DENR,
at LGU
Binigyan sila ng pondo
para sa mga nets at
labor incentives.
Nanalong Regional
Best Environmental
Project
Mangrove
Reforestation
2003 UPSARDF Binigyan sila ng
bangka. Mayroon din
silang sweldo. Sa
dalawang araw na
pagtratrabaho, may
bayad ang isang araw.
Ninakaw ang mga
nets. Namatay ang
mga bakawan dahil sa
hindi maganda ang
pinagtaniman.
Seaweeds
Culture
2004 FRMP, BFAR,
at LGU
475 kg ng seaweeds
ang kanilang itinanim
ngunit 400 kg lamang
Kumita sila ng Php
750.00 pesos. Hindi
yumabong ang
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
56
SISID SiSiD
ang kanilang inani.
Isang beses lamang
nila ito naani at
ibenenta sa Dasul,
Pangasinan.
proyekto.
Lapu-lapu
Culture
2005 BFAR at LGU Binigyan ng mga
materyales, trainings,
seminars, 2,000
fingerlings, 10x10
meter floating marine
cage, kubo, na
nagkakahalaga ng Php
450,000.00. May
natirang Php
110,000.00.
Maraming fingerlings
ang namatay at ang
mga nabuhay naman
ay mapapayat. May
mga issue rin ng
pagnanakaw ng mga
lapu-lapu ng mismong
nagbabantay. May
mga tsismis sa
Barangay na ang
nakurakot ang natirang
pera sa pondo ngunit
ayon sa mga opisyal,
ang humigit-kumulang
Php 40,000.00 nito ay
nasa bangko.
Seaweeds
Culture
2006 Office of the
Provincial
Agriculture
500 kg ng seaweeds
ang dapat ay kanilang
itatanim ngunit hindi
nila ito nagawa.
Hindi nila alam kung
saan napunta ang mga
seaweeds.
Mangrove
Reforestation
2007 SAGIP, Anda
National HS
Ang mga mangroves
ay nanggaling sa UP
MSI.
Namatay ang
karamihan sa mga
bakawan ngunit ito ay
sinusubukang alagaan
ulit ng ANHS.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
57
SISID SiSiD
Problem Tree Analysis
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
58
SISID SiSiD
Marami sa mga miyembro ay hindi nagbibigay
ng suporta sa organisasyon kung kaya’t nahihirapan
itong makamit ang kanilang mga layunin. Kami ay
nagtukoy ng apat (4) na dahilan kung bakit lumitaw ang
problemang iyon. Isa na rito ang pagkawalang tiwala ng
mga kasama sa isa’t isa. Ang sabi nila ay ang ibang
mga miyembro ay nagnanakaw sa SBMA o kaya naman
ay inaabuso ang kapangyarihan ng mga nasa pwesto.
Ang isa pang dahilan ay hindi epektibo ang
kanilang sistema ng pagpapakalat ng impormasyon o
information dissemination system. Kakaunti lamang ang
dumadalo ng mga pagpupulong at sinasabing hindi raw
kasi nasabihan ang ibang mga miyembro na mayroong pagpupulong na magaganap.
Isa pang dahilan ang pagiging busy ng mga miyembro sa kanilang mga personal na
buhay. Sabi nila, mahirap daw isingit sa kanilang mga personal na gawain ang gawain ng
organisasyon.
Aminado sila na ang iba sa kanila ay kumikilos lamang kapag may kaagarang
benepisyong matatanggap. May kakulangan sila sa
pagkilala ng mga gawaing may benepisyong
pangmatagalan.
Ang mga ugat na dahilan na konektado sa apat
na dahilan na nabanggit na ay ang sumusunod:
o ang ibang mga naunang proyekto ng
SBMA ay nagkaroon ng hindi malinaw at
kaduda-dudang mga pangyayari na
nagdulot ng hindi magandang mga
usapan sa komunidad;
o ang mga Press Relations Officers ay may
pagkukulang sa pagpapakalat ng
impormasyon patungkol sa mga
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
59
SISID SiSiD
pagpupulong, pangyayari, at aktibidades ng organisasyon;
o hindi pa lubos na nauunawaan ng mga miyembro ang mga benepisyong
makukuha nila sa pagsuporta at pagsali sa mga gawain ng organisasyon;
o ang ibang mga kasapi ay may mababang pagtingin sa sarili at sa ibang mga
kasama sa pamamalakad ng mga gawain ng samahan;
o hindi naipapahayag ng mga miyembro sa mga pagpupulong ang kanilang mga
problema at suhestiyon;
o malalayo ang tirahan ng mga kasapi;
o ang ibang mga miyembro ay may kakulangan sa pag-unawa at pag-intindi sa
sitwasyon ng komunidad at ang pangangailangan na tugunan ito.
Ang core problem ay maraming epekto sa organisasyon. Ito ay:
o walang proyekto ang organisasyon na sila mismo ang nag-isip at nagplano;
o hindi nagagamit ng husto ang mga rekurso para matugunan ang
pangangailangan ng organisasyon at komunidad;
o may mga miyembrong umaalis sa samahan;
o walang konkretong paraan ng pagpaparami ang organisasyon;
o may kakulangan sa yamang-tao ang organisasyon sa mga pagpupulong at
aktibidades nito;
o nananatiling umaasa o dependent ang samahan sa mga tulong na galing sa
labas.
Dahil sa mga epektong ito, ang organisasyon ay makikitang may pagkukulang sa ability
to do, ability to be, at ability to relate.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
60
SISID SiSiD
Sa Proyekto
Ang proyektong Sea Ranching ng mga Balat ay isang uri ng Community-based
Resource Management bilang tugon sa lumalalang problema ng pagkaubos ng rekursong
pandagat partikular ng mga balat. Layunin din nitong maging alternatibong pangkabuhayan ng
mga tao sa komunidad.
Mahalaga ang usapin ng pagiging likas-kaya ng proyekto sapagkat isa ito sa mga
indikasyon kung magiging matagumpay ang proyekto o hindi. Isa sa mga isyu na kinakaharap
ng proyekto sa usaping pagiging likas-kaya ang kakulangan sa partisipasyon at dedikasyon ng
mga taong direktang kasali sa proyekto sa Barangay Sablig. Iilan lamang ang masigasig
magtrabaho at magbantay at may dedikasyon sa proyekto. Pangalawa, ang isyu ng pagtitiwala
sa mga kapwa kasama sa proyekto. Marami pa rin mga kasali sa proyekto ang duda kanilang
kapwa kasamahan dahil sa mga pagkakamaling nagawa sa mga nakaraang proyekto. Ang mga
isyung ito ay maaaring makaapekto sa sistemang pamamahala ng kasalukuyang proyekto.
Pangatlo, ang kakulangan sa impormasyon at kaalaman ng ibang mga grupo at tao sa
komunidad ukol sa proyekto. Marami ang walang sapat na kaalaman at hindi lubusang nakaka-
intindi sa proyekto kung kaya hindi maiiwasan ang mga taong tumututol dito.
Ang mga nabanggit na isyu ay hindi nangangahulugang hindi magiging matagumpay o
likas-kaya ang proyekto. Masyado pang maaga para sabihin kung magiging likas-kaya ang
proyekto o hindi. Ang mga isyung ito ay maaari lamang maging banta sa pagiging likas-kaya ng
proyekto ngunit maaari rin maiwasan at masolusyunan ng mga nagpapatupad ng proyekto.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
61
SISID SiSiD
KABANATA V PAGSISID AT PAG-AHON
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
62
SISID SiSiD
H S N P F
Larawan: Sustainable Livelihood Framework
Vunerability Context -Shocks -Trends -Seasonality
LIVELIHOOD OUTCOMES -More income -Increased well-being -Reduces Vulnerability -Improved food security -More sustainable use of NR base
Transforming Structures & Processes STRUCTURES -Levels of gov -Laws -Private -Policies Sector -Culture -Institurions PROCESSES
LIVELIHOOD STRATEGI
Influence A
nd access
Likas-Kayang Kabuhayan
Mahalaga ang pagkakaroon ng kapital sa isang pinagkakakitaang trabaho sa pagiging matagumpay nito. Isa sa pinakamahalagang kapital sa kanayunan ay ang natural na kapital kung saan ginagamit ng mga mamamayan ng Sablig ang mga yamang-dagat tulad ng mga balat para sa kanilang pagkukuhanang pangtustos sa araw-araw. Ngunit dahil sa mga impluwensyang panlabas, tulad ng iba ding ng mga physical, financial, human at social capital ay nagiiba ang kinalabasan ng dapat ay matagumpay na pagkakakitaan. Ayon sa Sustainable livelihoods framework, upang maabot ang pagiging sustinable ng isang kabuhayan ay maayos ang daloy ng mga proseso at may pantay na lebel ng mga kapital sa kabila ng mga problema (shocks, trends, seasonality).
H - human capital
S - social capital N - natural capital
P - physical capital F - financial capital Sa pagpasok ng proyektong Sea Cucumber Sea Ranching, nilayon nitong maging
sustinable, di lamang ang kabuhayan ng mga nambabalat kundi mapanumbalik ang dami ng
mga balat sa buong barangay. Ang mga kapital na kabilang sa proyekto ay ang pagkakaroon ng
tulong pinansyal, gamit at kaalaman galing sa Bolinao Marine Science Institute. Mga lakas-tao
galing sa mga miyembro at sa mga tagapamahala ng proyekto, nakapagbigay din ng suporta
ang ibang mga miyembro ng komunidad tungkol sa maaaring maging epekto nito sa pagiging
matagumpay ng proyekto. Dahil sa mga kapital na ito napapagtibay ang buong proyekto upang
magkaroon ng mga struktura at proseso na syang susuporta sa proyekto. Nabigyan ng permit
galing sa municipal at pagsang-ayon ng mayor dahil sa magandang epekto ng proyekto.Dahil
sa mga stratehiyang natutunan ng mga miyembro sa mga trainings, focus group discussion,
Livelihood
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
63
SISID SiSiD
seminar sa pagpoproseso ng balat at pagpupulong pulong, sa tinatayang tatlong taon ng
pagiimplementa ng proyekto ay magiging matagumpay ito. Magkakaroon ng dagdag kita ang
mga miyembro ng proyekto kaya’t may karagdagang panggastos para sa kanilang
pangangailangan at dadami ang huli ng mga ibang miyembro ng komunidad at kalapit barangay
dahil sa sustinableng pamamaraan ng
panghuhuli ng mga balat ayon sa
kanyang sukat at bigat.
Isa ang pagiging likas-kaya ng
kahit anong proyekto o programa
maging pangkabuhayan man o
pamamahala ng rekurso sa mga
prinsipyong gumagabay sa mga
Community Development practitioner.
Ang pagiging likas-kaya ay tinitingnan
bilang tuloy-tuloy na pag-unlad ng mga tao sa komunidad sa kabila ng problema at isyung
kinakaharap nito at nagbibigay ng pangmatagalan benepisyo sa mga tao. Ang likas-kayang
pangkabuhayan ay isang mahalagang usapin sa pag-unlad ng komunidad dahil isang paraan ito
ng pamamahala ng mga rekursong ginagamit sa isang komunidad.
Ayon sa DFID Sustainable Livelihoods Guidance Sheets, ang likas-kayang
pangkabuhayan ay kayang lagpasan ang mga problemang kinakaharap nito; hindi
nakadepende sa panlabas na suporta; nagpapanatili ng pangmatagalang produksyon ng mga
likas-yaman; at hindi namiminsala o hinaharangan ang pangkabuhayan ng ibang miyembro ng
komunidad. Sa kaso ng proyekto ng Sea Ranching ng mga balat mahirap pa sabihin sa ngayon
kung magiging likas-kayang pangkabuhayan ito dahil kauumpisa pa lamang ng proyekto. Ang
mga salik na ito ay nakikita ng grupo na mahalaga sa pagkamit ng likas-kayang kabuhayan
ngunit hindi rin ito basta-basta maisasagawa kung hindi ito nauunawaan ng mga tao sa
komunidad. Kinikilala pa rin ng grupo ang kahalagahan ng pagiging organisado ng pamayanan
bago magpasok ng kahit anong proyekto upang mapamahalaanan nila ito ng ayon sa kanilang
kolektibong pagkaka-intindi sa proyekto at hindi para sa mga sariling interes lamang.
Sa tatlong taong pag-aaral ng Community Development, ang pag-oorganisa ng
pamayanan ang isa sa mga prosesong dapat pagdaanan ng mga tao upang makamit ang pag-
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
64
SISID SiSiD
unlad. Kailangan ito para palakasin ang kapasidad ng mga tao sa pamayanan upang sila ang
maging prinsipal na aktor sa kanilang pag-unlad at magpasya sa tatahakin nilang proseso ng
pag-unlad. Sinasabi rin na ang mga Development professional ay katulong lamang ng mga tao
sa pag-oorganisa.
Madaling sabihin at pag-aralan ang mga konseptong ito ngunit mahirap gawin sa aktwal
na pakikipamuhay sa komunidad. Sa pakikipamuhay ng grupo sa komunidad, maraming
katanungan ang naglabasan kung paano i-oorganisa ang mga taong may magkakaibang
paniniwala at isipan at hanggang kailan tatagal ang isang organisasyong na-oorganisa lamang
tuwing may mga proyekto.
Mahirap sagutin ang mga
katanungang ito sa tatlong buwang
pananatili sa isang komunidad. Sa
sandaling panahon ng pakikipamuhay
ng grupo sa mga tao sa komunidad,
nakita ng grupo ang pangangailangan
sa isang tunay na organisadong
pamayanan upang magampanan at
mapamahalaanan nito ng maayos ang
mga proyekto at proseso ng pagpapa-
unlad sa komunidad. Naniniwala ang grupo na hindi ideyal ang pagkakaroon ng matatag at
matibay na organisasyon sa isang komunidad. May mga organisasyon at lider na ang umabot
sa ganitong antas at naging saksi ang grupo rito. Kung kaya naman isang hamon ito para sa
mga Development professional na patunayang kaya nitong tumulong sa pag-oorganisa ng
pamayanan upang makapagsarili lalo na sa isang pamayanan na ilang taong inorganisa at
sinubaybayan ng mga proyekto ng kolehiyo tulad ng Barangay Sablig. Magandang tingnan ito
bilang isang yugto sa buhay Development professional upang lalo pang pagtibayin ang mga
prisipyong gumagabay dito.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
65
SISID SiSiD
Balat, panibagong pagbangon
Ang tao ba ay mabubuhay kung
wala ang mga likas yaman tulad ng
araw, tubig, mga puno at mga hayop?
Hindi. Mabuti na makita natin bilang
isang mahalagang sangkap ng
komunidad ang mga yaman na ito.
Tulad ng mga karaniwang
yamang-dagat, ang mga balat ay
mahalaga bilang kasapi ng food web, kung saan lahat ay may ginagampanang malaking
tungkulin para sa kalikasan. Ang mga balat ay nagsisilbing taga sala ng mga buhangin sa
karagatan kung kaya’t nagiging mataba ang mga damong pandagat na siyang pagkain at
tirahan ng mga iba’t ibang isda sa katubigan. Ito rin ay isa sa pinagkakakitaan ng mga
mangingisda na nagiilaw at namumulot sa tabing dagat. Ang pamumulot ay kasama na sa
kultura ng komunidad ng Sablig pati na din ng mga karatig na barangay sa Anda Pangasinan.
Di lamang balat kundi mga hipon, mga alimango, shells at maliliit na isda ang kanilang mga
nahuhuli sa bawat apat na oras na pamumulot. Sa pagdaan ng mga panahon, dahil sa mga isyu
at problema sa mga rekursong ito ay nagkaroon ng malawakang pagkaubos ng mga balat sa
buong Anda Pangasinan.
Ang Community based project ng Sea ranching ay nagtuturo ng respeto at pagkakaroon
ng integridad sa mga yaman na ito bilang isang relasyon sa kalikasan at tao. Naniniwala, na ng
kalikasan tulad ng mga balat ay nagbibigay ng oportunidad upang maabot ang ating minimithing
likas-kayang kabuhayan. Kung kaya’t nararapat lang nakilalanin ng bawat isang miyembro ng
komunidad ang kanilang papel sa pangangalaga ng mga rekursong ito.
SBMA, ang makabagong lider
Sa kabila ng paglubog ng mga nakaraang proyekto ng organisasyon, nananatili parin
ang katatagan ng bawat indibidwal sa isa’t isa. Ayon sa nakalap na self evaluation, ang mga
kalakasan ng mga miyembro ng SBMA ay pagkakaroon ng tiwala ng mga partner na
organisasyon sa samahan, marami ang kanilang biyaya dahil sa panalangin, may tiwala ang
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
66
SISID SiSiD
mga miyembro sa kanilang pinuno, may maganda itong relasyon sa lokal na pamahalaan, may
sakripisyo at kooperasyon.
“Sa paglubog ng araw e may pag-asa” ayon
kay Tatay Jimmy, buhay pa rin ang pagiging positibo
ng mga miyembro kahit na madaming paglubog na
ang kanilang naranasan. Tulad ng mga balat, may
kakayahang itong bumangon at umahon sa mga
problema kung may tama at sapat itong
pangangalaga.
Sinabi nga natin na ang bawat isa ay may
kakayahang maging leader. Unang-una
kinakailangang maging ENABLER ang isang lider,
kung saan may kapasidad siyang pataasin ang
lakas ng loob ng kanyang mga kasamahan, may
tiwala sa kanyang sarili at sa kanyang nasasakupan,
pangalawa ang pagiging FACILITATOR na siyang
nangunguna sa lahat ng gawaing pangkomunidad.
Ito ay nagbibigay ng oportunidad sa kanyang mga
kasama upang makilahok sa pagsagot sa mga problema sa loob at labas ng organisasyon.
Sinisigurado din niya na may malinaw na komunikasyon sa sirkulo ng kanilang samahan at
panghuli, COORDINATOR kung saan sinisigurado niya ang commitment ng bawat miyembro at
nagoorganisa ng mga pulong sa maayos na paraan.
Sinasabing walang likas na pagtutulong-tulong ang mga kasapi ng samahan. Madalas
iasa sa desisyon ng pinuno ang bawat pagkilos. Hindi umano umaaksyon ang mga komite. Ang
pagtingin ng mga myembro ay ang lider dapat ang gumagawa ng lahat ng tungkulin. Hindi
naisasaayos ang paghahati-hati ng trabaho.
Pagdating sa pakikilahok ng mga myembro sa mga gawain ng samahan, masasabing
hindi gano’n kasigasig ang kanilang partisipasyon. Bagama’t may mga patakaran ang samahan
ukol dito, tulad ng mga patakaran sa pagliban sa mga meeting, madalas paring hindi nasusunod
ito ng mga myembro. Ito ay dahil sa kani-kanilang personal na responsibilidad.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
67
SISID SiSiD
Kakaunti lang ang miyembro ng
samahan at ito’y nababawasan pa. Dahilan
raw nito ay ang pagkakaroon ng maraming
hindi nagtagumpay na mga proyekto.
Maraming tumitiwalag na myembro dahil may
pagkamakasarili umano ang pag-iisip ng mga
ito. Nakikilahok umano ang mga ito sa mga
proyekto sa kadahilanang bibigyan sila ng
mga ito ng dagdag na kita. Kaya’t sa
pagbagsak ng mga proyekto, bagsak na rin
ang kawilihan nilang makilahok pa sa mga susunod na gawain.
Madaling matukoy na hindi pa self-reliant, o hindi pa lubos na nakakatayo sa sarili nitong
mga paa, ang samahan. Ito ay mapapatunayan ng ilang mga kapansin-pansing katangian nito.
Una, magpahanggang sa ngayon, mayroon paring mga mamamayan ng barangay na
hindi alam ang pagkakaroon ng samahan at kung ano ito. Ang mga proyekto at ilan pang
inisyatiba ng samahan ay madalas na inaakalang proyekto ng gobyerno.
Para naman sa mga taong nalalaman ang pagkakaroon ng organisasyon, madalas
naman ay wala silang tiwala sa mga proyekto nito. Kasabay ng hindi pagtatagumpay ng mga
nailulunsad na proyekto ay ang panghihina na rin sa pakikilahok ng mga myembro sa mga
gawain ng samahan. Hindi maunawaan ng ilan ang kahalagahan ng mga gawain at madalas ay
hinahanap umano ang agarang
benepisyong makakamtan dito. Hindi
naililinaw sa mga tao ang mga proyekto lalo
na sa usaping pinansyal o pondo.
Karamihan naman sa mga
magsasakang myembro at hindi myembro
ng samahan, hindi nakikita ang benepisyo
sa kanila ng pakikilahok sa organisasyon at
mga proyekto nito. Hinaing ng ilan ay
nakasentro parin umano sa gulpo ang mga
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
68
SISID SiSiD
aksyon ng organisasyon at hindi lubusang
napapanindigan ang pagiging multi-sektoral.
Ipinapahiwatig lamang nitong walang holistic
na analisis at prioritization ukol sa mga
desisyon at aksyon ng samahan.
Ang mga opisyal ng samahan ay may
pagtinging ang dahilan ng kawalan ng
pagkakaintindi sa mga proyekto ay dahil sa
“mahina ang pag-unawa ng mga tao” o dahil
ang mga ito ay “makitid ang utak.” Maaaring dulot ito ng hindi pantay na pagkamulat ng mga
opisyales, myembro, at ‘di myembro ng samahan tungkol sa pag-oorganisa. Ngunit sa ganitong
sitwasyon, walang nabanggit ang organisasyong ginagawa nila upang mas mailapit ang mga
proyekto at mga layunin nito sa mga tao upang sama-sama itong maintindihan.
Hindi tinitignan ng karmaihan ang kapalpakan ng mga proyekto bilang mayayamang
learning experience. Kulang o walang assessment at evaluation ang mga pumalpak na proyekto
pati na ng ibang mga gawain ng samahan. Mayroong assessment, ngunit hindi ito laging
nagagamit o nailalapat sa ibang proyekto. Maaaring maulit-ulit ang mga pagkakamali, kaya
hindi nagtatagumpay ang proyekto. Maiiwasan sana ang mga ito kung may assessment at
evaluation ang mga proyekto hindi lamang sa pagtatapos nito kundi habang isinasagawa pa
lamang ito.
Potensyal na suliranin rin sa pagsasarili ng samahan ang pagiging top-down ng
pagpaplano at pagpapakilos nito. Hindi
maikakaila ang ganitong gawi ng samahan
dahil kung ano nga naman ang mga
proyektong tutugunan ng mga makakatulong
nilang funding agencies ay s’ya lamang
mailulunsad nila. Tila kulang pa ang
organisasyon sa mga makinarya at iba pang
resources na tutulong makapagpatupad o
makapaglunsad ng kaniang mga programa't
proyekto.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
69
SISID SiSiD
Mula sa pag-aanalisa, nalamang ang organisasyon ay hindi nasa pinakamaganda nitong
kalagayan. Dito napagtanto na sa pagpasok sa komunidad hindi CO ang parating
kinakailangan. Maaaring pagpapalakas ng organisasyon at pagbabago ang pinakakailangan
nito. Napakahalaga ng pagsusuri bago gumawa ng hakbang sa komunidad upang malaman
kung ano talaga ang kalagayan nito at ang nararapat na gawin. Hindi lamang nagtatapos sa
pag-oorganisa ang gawain ng mga organisador at mamamayan kundi pati na sa pagpapanatili
ng buhay nito.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
70
SISID SiSiD
KABANATA VI MGA REKOMENDASYON
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
71
SISID SiSiD
Para sa samahan
Marami pang hakbang na maaaring gawin ang organisasyon upang ito ay lumaki,
lumakas, tumibay, at maging mas kapaki-pakinabang. Ilan lang sa mga ito ang mga
sumusunod:
Kailangang palakasin ng samahan
ang sarili nito. Una sa lahat, kailangang
magkaroon ng komprehensibong
evaluation ng organisasyon mismo.
Kailangang matukoy ang kasalukyan
nitong kinalalagyan – ang mga suliranin,
tagumpay, kahinaan at kalakasan nito.
Kailangang muling linawin ang mission at
vision ng samahan.
Kailangang maging mas mahusay na tagapaglingkod ang mga opisyal ng samahan, at
kailangang may matibay na commitment ang mga myembro nito sa mga gawain. Para tugunan
ito, nararapat magkaroon ng regular na leadership training at team building ang samahan.
Makatutulong rin ang pagkakaroon ng regular na GA.
Kailangan ding paigtingin pa ang pagpapalaki ng samahan. Kailangang maglunsad ng
mga gawaing mas malalim na makapagpapakilala ng organisasyon, mga layunin at gawain nito,
sa mga karaniwang mamayan ng lugar. Kailangang ipagpatuloy ang panghihikayat,
pagpapasapi, ng mga bagong myembro. Upang mas mapangatawanan ang pagiging multi-
sektoral nito, kailangang simulang organisahin din ng samahan ang sektor ng kababaihan at
sektor ng kabataan sa kanilang komunidad. Ang parehong sektor ay maraming maitutulong sa
mga gawain ng organisasyon. Mas palalawakin pa ng mga sektor na ito ang empowerment sa
buong komunidad.
Kailangan simulan ng samahang hasain ang kanilang kakayahang kumilos bilang isang
organisasyon sa pamamagitan ng pagsangguni sa mismong batayang masa, o ang mga
karaniwang mamamayan ng komunidad nila. Kailangang inilalapit ang pagpaplano, ang
mismong pag-lulunsad, at ang evaluation ng mga proyekto sa mga myembro at sa mga tao ng
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
72
SISID SiSiD
komunidad mismo upang matulungan ang mga itong pahalagahan ang proseso ng pag-
oorganisa.
At sa mismong pagsasagawa at paglulunsad naman ng mga programa't proyekto,
kailangang sanayin ng samahan ang mga opisyal at myembro nitong magsagawa ng
assessment at eveluation bago, habang, at pagkatapos isagawa ang mga ito. Sa tulong ng mga
ganitong pagsusuri sa mga gawain ng samahan bago pa man magwakas ang mga ito,
maaasahan at mapipigilan na ang mga darating na kapalpakan ng mga ito.
Bagamat maraming pagkukulang at hamong nabanggit, mayroon pa ding mga aktibong
miyembro ng organisasyon. Patuloy pa rin silang nagtatrabaho para rito. Hindi sila nawawalan
ng pag-asa at linalaanan pa rin nila ng oras ang samahan. Sila ay maaaring mga mag-umpisa
ng pagbabagong nais maganap sa organisasyon. Ang ilang mga miyembro ay nakikilahok sa
ibang community activities tulad ng pagbabantay sa dagat. Mayroon pa ring boluntarismo na
maaring maikultiba sa samahan. Sila rin ay miyembro ng barangay council. Sila ay may
representasyon sa barangay at nalalaanan ng mga pondo para sa kanilang mga proyekto. Dahil
sa maganda ang pakikitungo sa barangay, maaari itong gamiting tulong sa pagpapatibay at
pagsustena sa organisasyon. Nararapat lamang isipin na ito ay isang kalakasan na dapat
gamitin.
Ang grupo ay nagsagawa ng isang
training design upang lalong mapalalim ang
mga core values at leadership roles ng bawat
miyempro ng Sablig Barangay multisectoral
Association. Ang disenyo na ito ay naglalayon
na: 1)makakapagbigay ng limang natatanging
katangian ng isang miyembro ng organisasyon;
2)mapahalagahan a ng magandang katangian
ng bawat miyembro; 3)Magkaroon ng matibay
na relasyon ng pagtitiwala sa bawat miiyembro at 4)Magkaroon ng pagkakaisa at pagsasama-
sama sa bawat proyektong pangkomunidad at pangkalikasan. (Tignan Appendiks )
Ang grupo ay gumawa rin ng Objective Tree upang matugunan ang unang nabanggit na
Problem Tree.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
73
SISID SiSiD
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
74
SISID SiSiD
Para sa Partner Organization
Kinikilala ng grupo ang kagalingan at
kaalaman ng UP MSI sa siyentipikong pag-aaral
ng karagatan at mga lamang-dagat. Bagama’t
nagkaka-iba man ang mga pinanghahawakang
prinsipyo ng agham panlipunan at natural
science, magkapareho naman ang layunin ng
dalawang disiplina: ang mapangalagaan ang
kalikasan at likas na yaman at mapamahalaanan ng mga tao ng maayos ang mga ito.
Bilang mga mag-aaral ng pagpapaunlad ng pamayanan, mabisang paraan pa rin ang
paglubog sa isang komunidad upang malaman ang tunay na kalagayan at pangangailangan ng
mga tao. Makatutulong din ito upang makilalang mabuti ang kultura ng isang komunidad. Sa
pamamagitan nito, mabibigyan ng konsiderasyon at karampatang pansin ang mga natatanging
katangian ng bawat komunidad sa mga proyektong ipatutupad ng ahensya.
Mahalaga rin na maintindihan mabuti ng mga tao sa komunidad ang konsepto ng bawat
proyekto at angkinin nila ito bilang kanila at hindi bilang bigay na tulong ng isang ahensya.
Mahalaga na naiinitindihan ng mga tao sakomunidad at angkop ang mga salita at konsepto na
gagamitin ng mga tao na magpapaliwanag ng proyekto.
Nais din bigyang pansin ng grupo ang pagkilala nito sa paggamit ng lokal na kaalaman
ng mga tao sa komunidad at pag-iwas hangga’t maaari sa pagbibigay o pagpapakilala ng mga
kagamitang hindi kayang pagkagastusan ng mga tao sa komunidad. Kapag dumating ang
panahon na aalis na anvg ahensyang katulong ng komunidad ay maipagpapatuloy,
mapapatupad at mapapamahalaanan ng mga tao ang proyekto ng naaayon sa kanilang sariling
kakayahan at sa mga bagay na mayroon ang kanilang lugar.
Bilang panghuli, ang partisipasyon ng mga tao sa proyekto ay mahirap makuha kung
hindi sila organisado. Kinikilala ng grupo ang pagkakaroon ng iba’t-ibang katangian at lebel ng
partisipasyon ng bawat samahan o organisasyon kung kaya’t nararapat na siyasatin at alamin
muna ang tunay na estado ng isang samahan at kahandaan nito bago magpatupad ng
anumang proyekto.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
75
SISID SiSiD
APENDIKS
Appendix A
Activity Design
Activity Title: Focus Group Discussion on Women Sea Cucumber Gatherers
Respondents: Women sea cucumber gatherers residing in Barangay Sablig
Objectives:
1. To identify women in the Barangay that have been involved in sea cucumber gathering
before.
1.1 Women that gather/collect, process and sell (trade) sea cucumber.
1.2 Women that contribute to the daily financial expenses of the family.
2. To gather baseline information on the activities related to sea cucumber.
2.1 Profiling of activities – identify responsible person to gather/collect, process and market sea
cucumber.
2.2 The season as to when these resources are mostly abundant and not.
2.3 The generated income and to where the income was utilized.
2.4 The generated information as to the effect of the loss of sea cucumber in the household
income.
3. To gather information on the socio-economic impact on the decline of sea cucumber
fishery.
4. To introduce the sea ranching of sea cucumber project and get the participants’
perspectives on the following concerns:
4.1 Implications of designating a “no-take” zone to their fishing activities; and
4.2 Implications of designating a reserve” area to their fishing activities.
Duration: 2.5 hours
Number of participants: 5 – 8 Participants
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
76
SISID SiSiD
Materials needed: Manila paper, marking pens, flip chart of sea ranching sea cucumbers
orientation slides (selected)
Activity Flow:
Activity Time
Introduction 1. Participants and facilitators introduce themselves. 2. Facilitators present the objectives of the FGD and clarifies expectations of the participants
10 mins.
Question 1: Activity Profiling A. Participant Scooping 1.1 How long have you been gathering sea cucumbers? 1.2 What species of sea cucumber are you collecting before and at present? 1.3 What are the activities detailing sea cucumber gathering, processing, and marketing? 1.4 Who are the people in the household responsible to conduct the activity? 1.5 How long will the activities be accomplished? 1.6 Where are the activities located? B. Women’s economic contribution to household expense 1.1 How much do they earn weekly or monthly? 1.2 What are the household/domestic expenses paid for by their earning from sea cucumbers? 1.3 What are the personal things you bought from the gathering/collecting and selling sea cucumber? 1.4 Are they able to do extra-curricular activities (i.e. watch movie, manicure, pedicure, etc.) because of their extra income?
30 mins.
Question 2: Effects of the loss of sea cucumber fishery and Implications of Sea Ranching Project 2.1 Trend: perception on sea cucumber – Is there an increase or a decrease in quantity and size? If no, why? 2.2 What did they think were the reasons for the collapse of the fishery? 2.3 What was their opinion regarding the possibilities of bringing back natural stocks of sea cucumbers? Is it possible to bring the natural stocks of sea cucumbers? How?
20 mins.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
77
SISID SiSiD
Appendix B
Activity Design
Activity Title: Historical Narrative for sea cucumber gathering, processing, and marketing
Respondents: People residing in Barangay Sablig for more than 30 years.
Objectives:
1. To identify fisherfolks residing in Barangay Sablig for more then 30 yearsv and that are
involved in sea cucumber gathering, processing, and marketing.
2. To gather baseline information on the activities related to sea cucumber.
3. To identify and gather information as to how the local resident got the idea that this
resource was valuable?
4. To introduce the sea ranching of sea cucumber project and get the participants’
perspectives on the following concerns:
4.1 Implications of designating a “no-take” zone to their fishing activities; and
4.2 Implications of designating a reserve” area to their fishing activities.
Duration: 2.5 hours
Number of participants: 5 – 8 Participants
Materials needed: Barangay Map, manila paper, marking pens, flip chart of sea ranching
sea cucumbers orientation slides (selected)
Activity Flow:
Activity Time
Introduction 1. Participants and facilitators introduce themselves. 2. Facilitators present the objectives of the FGD and clarifies expectations of the participants
10 mins.
I. Historical Backtracking A. Participant Scooping 1. Are all the participants gatherers/collectors of sea cucumbers before and at present? 2. Since when are you collecting, processing, and selling sea cucumbers? 3. How did you find out that sandfish is commercially important? B. Mapping 1. Mayroon po bang pagkakaiba sa huli ninyo noon (10years ago) at ngayon? 2. Gaano karami ang nahuhuli sa mga nagdaang taon? 3. Sa mga nagdaang taon, saan po kayo kadalasang nanghuhuli ng balat? 4. Saan at kanino ibinebenta? Magkano? 5. Sa kasalukuyan, saan po kayo kadalasang nanghuhuli ng mga balat? Ano po ang kadalasang sukat ng mga nahuhuli balat?
30 mins.
II. Sea cucumber Activity Profile 1. How were the sea cucumbers collected? 2. What are the preparatory activities being done before gathering? 3. What are the activities involved in the processing? 4. What size is usually collected? 1975-1985-1995-2005 5. How much was it sold before? 1975-1985-1995-2005 6. Where was it sold? 7. Based on the activities discussed (gathering, processing, and marketing) can you recall on what month are you conducting the activity? 1975-1985-1995-2005
20 mins.
III. Awareness and Knowledge on project and activities concerning fishery resource management and degree of participants’ involvement and level of participation 1. Sa tingin ninyo, anu-ano ang mga dahilan kung bakit may mga pagbabagong nangyari? 2. Are there projects and activities of LGU, academic institution, NGOs, and other groups to protect and rehabilitate the fishery resource in your barangay? Indicate the location of these projects in your map 3. If yes, in which activities or projects did you participate? Why in these activities and not the others? 4. What are the positive effects or benefits that you derived in participating in these projects? 5. Have the activities/projects achieved their objectives/goals? Why do you say so?
20 mins.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
79
SiSiD SiSiD
IV. Awareness and Knowledge on the SRP 1. Are you aware of the sea ranching project being implemented by SBMA? 2. How would you be affected by the designation of a managed area for the sea ranching of sea cucumbers? 3. How will this affect you positively? In what ways? 4. Will you be negatively affected? Who are the other groups that will be negatively affected? In what ways? 5. What are your suggestions to lessen or mitigate the possible negative impacts of sea ranching activities?
30 mins.
V. Synthesis 10 mins.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
80
SiSiD SiSiD
Appendix C
Activity Design
Activity Title: Self-Evaluation (Training Needs Analysis)
Respondents: SBMA members and non-members participating in SRP
Objectives:
1. To identify the experiences on previous projects.
2. To identify weaknesses and strengths of the: organization, individual, and past projects.
3. To identify insights and lessons learned from the previous projects that can be applied in
the SRP.
Duration: 2.5 hours
Number of participants: 22 Participants
Materials needed: Manila paper, meta cards, marking pens
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
81
SiSiD SiSiD
Activity Flow:
Activity Time
Introduction 1. Participants and facilitators introduce themselves. 2. Facilitators present the objectives of the FGD and clarifies expectations of the participants.
10 mins.
I. Identification and Enumeration of past projects 1. Kailan nagsimula/naitatag ang SBMA? taon? ilang miyembro? 2. Anu-ano ang mga nakaraang proyekto na isinagawa ng samahan? Taon Ahensyang nagpondo Miyembrong mga kasali 3. Ang mga proyekto bang ito ay kasalukuyanpa rin ipinapatupad? 4. Anu-ano ang mga dahilan ng pagiging matagumpay o hindi pagtatagumpay ng mga proyekto?
45 mins
II. Identification of strengths and weaknesses 1. Anu-ano ang mga kalakasan at kahinaan ng sarili bilang miyembro ng samahan? 2. Anu-ano ang mga kalakasan at kahinaan ng organisasyon? 3. Anu-ano ans mga nakitang kalakasan at kahinaan sa pagpapatupad ng mga nakaraanhg proyekto?
20 mins.
III. Insights and Lessons learned 1. Anu-ano ang inyong mga matutuhan sa mga nakaraang proyekto? 2. Ano ang inyong naramdaman sa mga proyektong naging matagumpay at hindi? 3. Anu-ano sa tingin ninyo ang mga kailangang tulong, values, kaalaman ng organisasyon para pahusayin pa ang organisasyon sa pagpapatupad ng SRP?
30 mins.
IV. Synthesis 10mins.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
82
SiSiD SiSiD
Appendix D
Survey Questionnaire for Sea Cucumber Gatherers
Pangalan: ______________________________ Lalake: ______ Babae: _______ Edad:_______ May-asawa:______ Walang asawa:______ Address:______________________________ Sampling Area:_________________________ Tagakuha ng datos:_____________________ Petsa:________________________________ I. Sea Cucumber Gathering/Collection 1. a. Nangungulekta po ba kayo ng balat? Simula kelan? ___ Oo _________ b. Ang pangungulekta po ba ng balat ang inyong pangunahing hanapbuhay? ___Oo ___Hindi Kung oo, meron po ba kayong iba pang pinagkakakitaan maliban sa pangungulekta ng balat? Ano po ito? __________________________________________________________________ Kung hindi, ano po ang inyong pangunahing hanapbuhay? __________________________________________________________________
2. a. Anong klase po ng balat ang inyong kinukolekta? Ano po ang kadalasang nakukulekta? b. Gaano karami ang kadalasang nahuhuli sa isang araw? c. Ilang oras ang nauubos sa panghuhuli o pangungulekta? Ilang tao ang kasama sa pangungulekta ng balat? d. Ano ang kadalalasang haba at lapad ng mga nahuhuli o nakukulektang balat? Uri ng Balat
Total catch per trip (kg)
No. of pieces per catch
No. of hours per trip
Bilang ng tao na nangungulekta
Haba (cm)
Lapad (cm)
Remarks
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
83
SiSiD SiSiD
3. a. Ano ang inyong paraan sa pangungulekta ng balat? Meron po ba kayong espesyal na paraan sa paghuhuli nito? b. Kadalasan po, saang lugar po kayo nanghuhuli ng balat?
Uri ng Balat na kinokolekta Lugar kung saan nakukulekta (seagrass,
corals, sand, etc.)
Paraan ng pagkolekta
4. Paano po ninyo binebenta ang nahuling balat? Magkano at saan niyo po binebenta?
Paraan ng pagbebenta
Presyo kada kilo Uri ng Balat
Fresh Tuyo Extra Small
Small Medium Large Extra Large
Assorted
II. Processing of Sea Cucumbers 1. a. Ilang taon na po kayong nagtutuyo o nagpoproseso ng balat? ___________ b. Paano po ninyo pinapatuyo o pinoproseso ang iba’t-ibang klase ng balat? Paano niyo ito iniipon o iniimbak?
Uri ng Balat “Processing” “Pag-iimbak o Storage” 2. Ilang kilo po ng balat ang tinutuyo o pinoproseso ninyo sa isang linggo? 3. Ilang kilo po ng tuyong balat ang nabebenta ninyo sa isang linggo?
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
84
SiSiD SiSiD
III. Biology of Sea Cucumbers 1. Anong oras po kayo kadalasang nanghuhuli ng balat? Nanghuhuli po ba kayo ng balat base sa posisyon ng buwan?
Lunar Cycle Uri ng Balat Oras ng Panghuhuli 1st quarter Last quarter New moon Full moon
2. a. Ano po ang kadalasan niyong napapansin tuwing nangungulekta kayo ng balat?
“Behavior” o Distribusyon Uri ng Balat Nakabaon Nakalabas o
Madaling makita
Nagukumpol-kumpol
Paisa-isa Iba pa
3. May ideya po ba kayo kung paano nanganganak ang balat? Paano? Tuwing kelan? ______ Hindi _______Oo IV. Resource Management May mga suhestyon po ba kayo kung paano natin mapapangalagaan at mapapalago ang pangisdaan lalong lalo nap o ang pangisdaan ng balat?
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
85
SiSiD SiSiD
V. Historical Trends 1. Meron po bang pagkakaiba sa huli ninyo noon at ngayon? Kung meron, ano po ito? Maari niyo po bang tantyahin kung gaano karami ang nahuhuli niyo sa mga nakaraang taon kung ikukumpara ngayon?
0102030405060708090
100
1950 1960 1970 1980 1990 2000 2005 2007
Taon
Ave.
Cat
ch (k
g)
2. Sa mga nagdaang taon, saan po kayo kadalasang nanghuhuli ng mga balat? Ano po ng kadalasang sukat ng nahuhuling balat? Sa paglipas ng taon, may pagbabago ba sa uri ng mga balat na nahuhuli? Anong uri ng balat ang kadalasang nahuhuli? 3. Sa tingin niyo po, ano ang mga dahilan kung bakit may mga pagbabago sa nangyayari?
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
86
SiSiD SiSiD
Appendix E
SOCIO-ECONOMIC BASELINE SURVEY Sea Ranching of Sea Cucumbers Project
Questionnaire Number
Name of Respondent: _____________________________________________ Name of Interviewer: _____________________________________________ Date of Interview: _____________________________________________
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
87
SiSiD SiSiD
Appendix F
PERCEPTION SURVEY
KAALAMAN AT PAGTINGIN SAPANGANGALAGA NG KARAGATAN AT LAMANG-DAGAT 1. Kung ikumpara po ang kalagayan ng inyong karagatan at lamang-dagat sampung taon ang nakalipas at ang kasalukuyan, ano po ang inyong masasabi? ____ Dumadami ang lamang-dagat ____ Kumukunti ang lamang-dagat ____ Naging malinis ang tubig ____ Naging marumi ang tubig ____ Dumami ang imprastraktura sa dagat (i.e. fish pens, fish cages) ____ Kumunti ang imprastraktura sa dagat (i.e. fish pens, fish cages) ____ Iba pa (Pakibanggit) _______________________________________________________________________
2. Bakit po ninyo nasabi? _________________________________________________________________
3. Paano po nakaapekto ang kasalukuyang kalagayan ng inyong karagatan at lamang-dagat nito? _________________________________________________________________
4. Sa tingin ninyo, ano po ang naging sanhi sa kasalukuyang kalagayan ng inyong karagatan at ng lamang-dagat nito? ________________________________________________________________
5. Mayroon pa po kayang pag-asa na mapanumbalik ang kalagayan ng karagatan at maparami ang lamang-dagat? _____ Oo ______ Hindi ______ Hindi Sigurado 6. Sa inyong pananaw, sino ang may pangunahngv papel para mapangalagaan at mapanumbalik ang mahusay na kalagayan ng karagatan at ng lamang-dagat nito? ________________________________________________________________
Bakit po ninyo nasabi? _____________________________________________
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
88
SiSiD SiSiD
7. Para mapanumbalik ito, ano po ang maaaring gawin ng mga sumusunod:
Tipo ng Grupo Ano ang maaaring gawin sa pangangalaga at pagpapanumbalik ng karagatan at lamang-dagat?
Mangingisda Organisasyon ng Mangingisda Iba pang grupo sa barangay Iba pang miyembro ng komunidad Opisyal ng barangay Opisyal ng munisipyo Mga opisina ng lokal na pamahalaan Akademikong institusyon NGO Negosyante Iba pang grupo (pakibanggit)
8. Sasama po ba kayo sa kanila kung meron silang programa para mapanumbalik ang kalagayan ng inyong karagatan at lamang-dagat? ______ Oo ______Hindi _______ Hindi Sigurado Bakit po? __________________________________________________________________
9. Kung may mga ordinansa o polisiya tungkol sa sumusunod na ipinasa ng lokal na pamahalaan, sa tingin ninyo, susundin ba ito ng mga tao sa inyong komunidad? Oo Hindi Hindi Alam/Sigurado Bakit po? Pagbawal na mangisda sa isang particular na bahagi ng lugar pangisdaan
Pagbawal sa paggamit ng isang pamamaraan ng pangingisda o isang tipo ng fishing gear
Pagbawal na mamulot o manghuli ng partikular na lamang-dagat (i.e. balat, susu)
10. Sa inyong personal na kakayahan, paano po kayo makatutulong sa pagpapanumbalik ng mahusay na kalagayan ng karagatan at lamang-dagat? _____________________________________________________________________ 11. Ano po ang tulong ng inyong kailangan para matulungan kayo at ng iba pa ninyong mga kasama sa komunidad para mapangalagaan at mapanumbalik ang maayos na kalagayan ng karagatan at lamang-dagat? _____________________________________________________________________
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
89
SiSiD SiSiD
Appendix G
Partnership agreement This partnership agreement made and effective this______________ by and between the Universtiy of the Philippines – Marine Science Institute (UP-MSI) Sea Cucumber sandfish (holothuria scabra) sea ranching in Asia –pacific project leader and staff and barangay council of sablig Multi-sectorial Association Inc. (SBMB),referred in this Agreement as PARTNERS
As partners, we have agreed to jointly implement and co-manage the sea ranching of sea cucumber project for the duration of 3 years with the following goals and objectives ;
To test whether the livelihoods of the organization members of the barangays council of Sablig sea cucumber gatherers of neighboring barangays can be diversified through sea ranching of sandfish
To use sea ranching to improve fisheries management an value adding of aquatic resourcs ;
To build the capacitiy of the members of the barangay Council & SBMB and other community members in a the stocking , monitoring , processing and marketing of the sandfish,
We agreed that the principles governing this partnership are follows:
1. Active and voluntary participantion with self discipline of women , men & open and strong coordination of barangay Council & SBMB and project staff to adhere to the goals an objective of the project
2. Inputs of both partners will be duly recognized , accountant and values such as financial contributions . while the coast for the production of sand fish juveniles and initial coast for site development will be shouldered from the funds provided by UP-MSI, bgry. Council & SBMB will provide counterpart in terms of labor.
3. Open and direct lines of communication between the UP-MSI project staff and brgy. Council & SBMB to provided venue for mitigating possible issues & concerns regarding the implementation of the project.
4. The project will be implemented within the framework of promoting sustainable livelihood alternatives to enhance fisheries resources management
5. Active women’s participation in all aspects of project implementation is strongly encouraged. Women’s existing knowledge, skills and interest in sea cucumber will be consequently considered in the development of capacity building activities
We have discussed the protocols by which we will work together, develop and in that the same spirit of partnership, collaborate the development, periodic review and assessment in the site. In order to ensure that our relationship is mutually rewarding and satisfying experience for both partners, we agree to;
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
90
SiSiD SiSiD
1. Implement the sea ranching activities in the coastal waters of barangay sablig composed of 5 hectares for which a joint gratuitous permit for experimental sea ranching of sea cucumber was granted by the municipal government Anda (Attachment 1) to to the partners. Within the 5 hectares is a 1- hectares area that is designated as a no-take zone and within it a core release area (50x50m2) where 3 circular shaped (with 35 meter-circumference ) 100 m2 pens and perimeter buoys shall be installed for monitoring purpose . the remaining 4 hectares will be management as a sea cucumber will be reserve where stocking and harvest of all sea cucumbers regulate following guidelines that will be agreed upon by the parties. Use of the sea cucumber sea ranching activitiesmaybe allowed by the partners. Attacthed is the delineated location map (Attachment 2).
2. Work together in site preparation and maintenance, monitoring harvesting processing and marketing activities which involve the following tasks and responsibilities;
Identification of best suitable sites for sandfish sea ranching activities through bio-physical assessment and establishment of monitoring activities which will include the quarterly monitoring of growth and weight rate, estimation of the site (e.g buoys,pens)
Monitoring documentation , processing, harvesting and drying of sea cucumbers; Conduct of training activities for sea cucumbers; processing linkage with potential partners to develop the processing strategy and with the possible direct buyers of the dried sea cucumbers.
3. Harvest only sand fish (holothurbia scabra) weighing not less than 500 grams each and ensure that the available stocks to be harvested at any time should not be less than 100 kilos wet weight. Regulate the harvesting and stocking of other sea cucumber resources within the management area.
4. Specifically , the UP-MSI project staff will be responsible for the sandfish juveniles and its subsequent release in the project site also lead the conduct of biophysical and socio-economic assessments determine the ecological and socio-economic/cultural impacts on the livelihoods of the brgy. Council & SBMB members and other members of community of the sea ranching activities . together with brgy. Council & shall conduct information, education and communication activities (IEC) regarding the economic and ecological importance of the sea ranching and management of invertebrate fishery resources general.
5. Brgy. Council of sablig and SBMB members on their part will ensure that constant and regular monitoring and guardian the sea ranching site identity from among the members of the PO and the barangay Council who will be willing and ready to guard the sea ranching site
6. The sharing system will be follows : 80%- person who participated in the guarding , maintenance and hours spent in doing these activities 10%-goes to the common funds of the PO. We agree to evaluate our progree and review this agreement bi-annually. In the event to one of the partner believe it is no longer productive to continue this partnership as the interest of any of the partners or both partners are compromise, we may decide to conclude this partnership.
SISID: Ang paglubog at pag-ahon… Team Anda 22: Emma, Ingrid, at Enan http://teamanda.multiply.com/
91
SiSiD SiSiD
Marie Antonette-Menez, Ph. D Baltazar Caole Project Leader- Sea cucumber Chairmain Research Project SBMA Incorporated CTC no. CTC no. Place issued: Place Issued: Date issued: Date Issued: Witness: UPMSI- Project Satff SBMA Members Ma. Linnea Tanchuling
Marie Antonette Pana Bryan Dave Rodriguez Christine Mae Edullantes Ronald Olavides Tirso Catbagan Christopher Ragos