Upload
others
View
9
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Political Science Program
Department of Social Sciences
University of the Philippines Manila
Ermita Manila
Ang Epekto ng Institusyunal na Kultura ng Pribadong Sectarian na Unibersidad sa
Pampulitikal na Mobilisasyon ng mga Estudyante: Isang Case Study sa Kolehiyo ng Liberal
Arts ng De La Salle University
Ipinasa ni:
Rio Jean A. Quindara
2008-53381
BA Poltical Science
Ipinasa kay:
Professor Fatima Castillo
April 2, 2012
PASASALAMAT
Sa Diyos.
Sa aking pamilya saan mang parte ng mundo.
Sa aking ina, na siyang inaalayan ko ng thesis na ito.
Sa aking mga kaibigan at kaklase nakasama ko sa tawanan, iyakan, okrayan, tumbling-an at suportahan.
Sa lahat ng nakapanayaam at tumulong sa pagkolekta ng datos na myembro ng DLSU community.
Sa nagiisang “dabest” na Thesis Adviser, Ma’am Fatima Castillo na patuloy na pinagtatiyagaan basahin at gabayan ang thesis na ito.
Sa samahang “Dorm Ko” at Maroons.
Sa hindi nangiiwan na 711 convenience store sa may Escoda.
Sa supply ng Cobra at kape.
Sa pagdamay ni Erika Tugano sa oras ng lamayan at sunog kilay.
Sa suporta ng bawat kaibagang nagsabing, “kaya mo yan!” – nakaya ko nga! J
At sa lahat lahat ng tao, bagay, pwersa, at elementong tumulong bumuo ng thesis na ito. Kudos sa apat na taon! J
TALAAN NG NILALAMAN
Pasasalamat ------------------------------------------------------------------------ 2
Panimula ----------------------------------------------------------------------------- 3
Katanungan ng Pagsasaliksik ------------------------------------------------- 4
Review of Related Literature ---------------------------------------------------- 6
Analytic Framework----------- --------------------------------------------------- 12
Pagkakalap ng Datos ------------------------------------------------------------- 15
Resulta -------------------------------------------------------------------------------- 21
Diskusyon ---------------------------------------------------------------------------- 26
Konlusyon ---------------------------------------------------------------------------- 30
Talasanggunian -------------------------------------------------------------------- 31
Appendix A (Informed Consent) ----------------------------------------------- 33
Appendix B (Survey Questionnaire) ------------------------------------------ 35
PANIMULA
Ayon kay Karen Wells (2009) na sumulat ng librong Childhood in a global perspective, ang
mga unibersidad ay nagiging mga importanteng lugar para sa pampulitikal na organisasyon.
Ipinaliwanag niya na sa pagpasok sa isang pamantasan, ang mga kabataan ay hindi lamang
kabataan ngunit sila ay nagiging isang komunidad ng mga estudyanteng may pare-parehong
karanasan. Ang mga kabataang ito ay tinatawag na “humanist youth”, o mga kabataang
sensitibo sa mga isyu tulad ng kawalan ng hustisya sa lipunan at may pagkamakabayan
(Flacks, 1970, p.121).
At dahil sa pagdami ng eskwelahan, ang mga unibersidad ay nagiging importanteng
instrumento upang umusbong ang politikal na mobilisasyon. Ayon kay Trent (2003), may
tatlong tungkulin ang mga unibersidad sa ganitong konteksto: activating, facilitating, at
mediating. Sa unang tungkulin, ang mga unibersidad ay nagsisilbing instrumento upang
imulat ang politikal na kamalayan ng mga estudyante at pagunawa sa mga isyu ng lipunan sa
pamamagitan ng edukasyon ukol sa mga isyu ng lipunan. Bilang facilitator, ito ang
nagsisilbing lugar upang mas mapagtibay ng mga estudyante ang kakayanan upang
magmobilisa.
Ang layunin ng pagaaral na ito ay suriin ang institusyunal na kultura ng pribadong
sectarian na pamantasan at kung paano ito nakakaapekto sa pagusbong at pagpapanatili ng
pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante doon. Mula sa perspektibo ng mga
estudyante, ano ang kanilang pagtingin sa pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante?
At mula naman sa perspektibo ng administrasyon ng pamantasan, ano ang nagiging sagot ng
administrasyon ukol sa ganitong porma ng pagtutol?
Pangkalahatang tanong:
Ano ang epekto ng institusyonal na kultura ng mga pribadong sectarian na pamantasan sa
pagsulong ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante?
Partikular na mga katanungan:
1. Ano ang institusyonal na kultura sa mga pribadong sectarian na pamantasan, na iba sa
mga pribadong pamantasan na hindi sectarian?
2. Ano ang antas ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante sa mga pribadong
sectarian na pamantasan?
3. Ano ang mga positibo at negatibong epekto ng institusyonal na kultura ng mga
pribadong sectarian na pamantasan sa pagsulong o paghadlang sa mga pampulitikal
na mobilisasyon ng mga estudyante?
4. Ano ang pagtingin ng mga estudyante sa gawaing pampulitikal na mobilisasyon batay
sa institusyonal na kulturang kanilang ginagalawan?
KULTURANG INSTITUSYONAL
Batay sa pagaaral na isinagawa ni Joel H. Scott, Exploring institutional culture and civic
engagement: A constructivist theory (2008) ang kulturang institusyonal ay uri ng "persistent
patterns of norms" kabilang ang mga paniniwala, tradisyon, at kaugalian na humuhubog sa
pagkatao ng isang indibidwal sa pamantasan at uniberisdad. Bukod dito, ito rin ay nagbibigay
ng basehan kung paano binibigyang kahulugan ang mga pangyayari sa loob at labas ng
pamantasan. Ang depinisyon na ito ay sinasaklaw ang pangkalahatan at pabago-bagong
katangian ng isang kultura. Ayon naman kay, Gary Kramer (2008) sa kanyang librong
Fostering student success in campus community, ito ay isang 'mutifaceted construct' na
kumakatawan sa mga paniniwala at tradisyon na nakapaloob sa isang komunidad.
Inihahalintunad din ito sa isang "invisible tapestry" na nagbibigay kahulugan sa mga gawain
ng pamantasan at nagbibigay ng isang lengguwahe, layunin, at direksyon na bumubuo sa
ideya ng pagkakaisa sa loob ng institusyon.
Ang sari-sariling kultura ng mga unibersidad ang nagbibigay ng sariling lengguwahe sa buong
pamantasan, na nagbibigay ng kaibahaan sa iba pang unibersidad.
Hinati ang kulturang institusyonal na ito sa pitong kaurian: (1) Ang kasaysayan o pinagmulan
ng isang pamantasan, partikular ang mga 'religious convictions' at external na impluwensya
ng unibersidad, (2) ang lipunang ginagalawan ng mga estudyante, partikular and
dominanteng 'subculture' nito, (3) ang kaguruan at administrasyon (institutional agents), (4)
ang 'curricular emphases' ng unibersidad, (5) ang manipestasyon ng kultura base sa
arkitektura ng pamantasan at mga seremonyang isinasagawa ng unibersidad, (6) ang 'core
values' ng institusyon at (7) ang mga nagtatag ng pamantasan. Ang pisikal na katangian ng
pamantasan ay importanteng salik sa pagaaral ng kulturang institusyonal dahil ito ay
nagbibigay kahulugan sa mga prinsipyo ng pamantasan na nagugat pa mula sa mga unang
nagtatag ng unibersidad. Bukod sa pisikal na uri nito, ito rin ay maaaring sa porma ng
pananalita o kaugalian. Kabilang sa pormang pananalita ang mga lengguwahe, mito, at term
of endearment na ginagamit sa loob ng unibersdidad. Saklaw naman ng pormang kaugalian
ang mga pagdiriwang at kaganapan sa loob ng eskwelahan na naguugnay sa mga miyembro
ng pamantasan. Ito rin ang nagsasalamin sa mga prinsipyo ng mga miyembro ng
pamantasan na sumasalamin naman sa kanialng paraan ng pagunawa sa mga situasyon sa
loob at labas ng unibersidad (Kramer, 2008, p. 74).
Ayon kay Komives at Woodard (2003), may-akda ng librong Student services: A handbook on
profession, ang pagaaral sa institusyonal na kultura ng mga unibersidad ay umusbong noong
1970s at 1980s at simula noon ay naging pangunahing basehan na sa pagkakaiba-iba ng
karakter ng mga pamantasan. Ayon sa kanila, ito ang nagiging salik sa kabuuang
kinabukasan ng isang organisasyon dahil ito ang nagsisilbing salamin ng ideolohiya ng mga
miyembro ng pamantasan. Ito ay nagtatakda sa kung anong posible o maaaring gawin ng
isang organisasyon sa hinaharap o ng bawat indibidwal na kasapi sa pamantasan.
KATANGIAN NG PRIBADONG PAMANTASAN
Dahil sa pagkakaiba-iba ng kulturang pumapaloob sa mga unibersidad, mahalagang
bigyang pansin kung ano ang mga katangian ng isang pribadong pamantasan na nagbibigay
kaibahan sa mga pampublikong unibersidad. Isa sa mga katangian ng mga pribadong
pamantasan, ayon sa artikulo ni Philip Atbach (2005) na The Anatomy of private higher
education mula sa librong Private Higher Education: A Global Revolution, ay hindi ito
lubusang pribado. Ang ilang pribadong pamantasan ay nangagailangan pa din ng gabay ng
estado, tulad na lamang sa accreditation at evaluation ng pamantasan. Sa ating bansa,
mayroong programa ang gobyerno na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga
estudyanteng nais magaral sa mga pribadong unibersidad. Tumatanggap din ang ibang
pribadong pamantasan ng pondo para sa pananaliksik. Sa kabila nito, marami pa ring
pribadong pamantasan ang dumedepende sa matrikula ng mga estudyante para sa malaking
sukat ng kanilang pondo at sweldo. Ang katangiang ito ng mga pribadong pamantasan ang
nagsisilbing kaibahan nito sa mga pampublikong unibersidad.
Sa kasalukuyan, patuloy pa din ang pagdami ng mga pribadong pamantasan sa buong
mundo. Ngunit, mayroon pa ring mga hamon sa patuloy na pagusbong nito. Una, ang kalidad
ng edukasyon sa mga pribadong pamantasan ay nagiging commercialized – inuuna ang
interes ng pamantasan at hindi ang tungkulin nito na magserbisyo sa karamihan. Nagiging
market-oriented ang sistema ng edukasyon at nakakaligtaan ang mas malaki pa nitong papel
sa buong lipunan. Ang hamon na ito ay nakadikit din sa katangiang autonomous ng mga
pribadong pamantasan mula sa gobyerno. Pangalawa, maraming pribadong pamantasan ang
umaasa sa mga part-time na propesor na walang sapat na commitment sa estudyante man o
sa buong pamantasan. Dahil dito, bumababa ang kalidad ng pagtuturo at nawawala ang mga
prinsipyo na maaaring ibahagi sa mga estudyante. At panghuli, ang mga pribadong
pamantasan ay binibigyan ng kahalagaan ang kaugnayan nito sa mga internasyonal na
unibersidad. Makikita ito sa mga programang franchising at branch campuses ng
eskwelahan. Ang hamong makikita dito ay kung angkop nga ba ang akademikong curriculum
ng ibang bansa sa iabng pamantasan? At mayroon bang sapat na kakayahan at
mapagkukunan ang mga pribadong pamantasan upang epektibong maisagawa ang mga
programa nito? (Altbach, 2008, p.9)
POLITIKAL NA AKTIBISMO SA MGA KABATAANG ESTUDYANTE
Ayon kay Karen Wells (2009) na sumulat ng librong Childhood in a global perspective,
ang mga unibersidad ay nagiging mga importanteng lugar para sa pampulitikal na
organisasyon. Ipinaliwanag niya na sa pagpasok sa isang pamantasan, ang mga kabataan ay
hindi lamang kabataan ngunit sila ay nagiging isang komunidad ng mga estudyanteng may
pare-parehong karanasan. Tinatawag niya itong ‘generational unit’(p.121) na may
pangkalahatang kamalayan. Hindi man ito sapat na basehan upang maging politikal na
aktibista ang mga kabataan, ito ay nagsisilbing lugar upang magsimula nag pampulitikang
kamalayan ng mga estudyante. Sa kanyang pagaaral, nalaman din niyang karamihan sa mga
politikal na aktibista ay mga kabataan sa kolehiyo at malaking salik dito ang kanilang
edukasyon. Ayon kay Turner at Littlefield (2003), ang mga indibidwal na may kakayahan na
makapagaral ay mas nagkakaroon ng interes sa politika, kung ikukumpara sa mga kabataang
hindi nakapagaral. Ito ay dahil sa sila ay may kakayahan na makabatid ng impormasyong
politikal at may pagkakataon na maipahayag ang kanilang opinyon.
Ayon sa artikulo ni James Trent (2003), ang politikal na aktibismo ay “dissent from the
status quo” (p.25), na naglalayon na baguhin ang sistema ng lipunan o ng pamantasan. At
ang isang porma ng aktibismo ay ang mobilisasyon o ang kolektibong pagsulong ng
pagbabago sa isang sistema. Sa artikulo naman ni Richard Flacks (1970), ipinaliwanag niya
ang mga advantage ng mga estudyante sa pagsulong ng isang mobilisasyon. Isa na dito ang
degree ng kalayaan na magsagawa ng isang politikal na action. Ito ay dahil ang mga
estudyanteng aktibista ay naggaling sa mga edukadong pamilya o sa mga middle class;
maaari ding dahil ang mga estudyante ay binibigyang halaga bilang importanteng sektor sa
lipunan o dahil sa tradisyon ng mga unibersidad bilang autonomous at illegal para sa mga
kapulisan ang pasukin ang loob ng pamantasan. Dahil sa mga oportuninad na ito na mayroon
ang mga estudyante, mas nagkakaroon sila ng kakayahan na magsagawa ng aksyon ng hindi
narerepress ng gobyerno.
Isang dahilan din sa pagusbong ng politikal na aktibismo ng mga esetudyante ay dahil
sa tinatawag na “affluence”, kung saan ang alalahanin ng mga kabataan ay lumilipat mula sa
usapin ng seguridad patungo sa usapin ng mga ibang isyu tulad na lamang ng pampulitikal
na isyu ng lipunan. Sila ay kinokonsidera bilang may kasaganaan sa buhay. Dahil dito, ang
mga kabataan ay nagiging experimental, risk-taking, malaya sa pagsupil ng estado. Ang
dating pagkakabahala ng mga kabataan ay lumilipat mula sa problema sa seguridad patungo
sa iba pang mga isyu na noon ay hindi nabibigyang halaga. Ang mga kabataang ito ay
tinatawag niyang “humanist youth”. Ito ang uri ng mga kabataang sensitibo sa mga isyu tulad
ng kawalan ng hustisya sa lipunan at may pagkamakabayan.
Ayon kay Trent (2003), dahil din sa pagdami ng higher education, ang mga unibersidad
ay nagiging importanteng instrumento upang umusbong ang politikal na mobilisasyon. Ayon
sa kanya, may tatlong tungkulin ang mga unibersidad sa ganitong konteksto: activating,
facilitating, at mediating. Sa unang tungkulin, ang mga unibersidad ay nagsisilbing
instrumento upang imulat ang politikal na kamalayan ng mga estudyante at pagunawa sa
mga isyu ng lipunan sa pamamagitan ng edukasyon ukol sa mga isyu ng lipunan. Bilang
facilitator, ito ang nagsisilbing lugar upang mas mapagtibay ng mga estudyante ang
kakayanan upang magmobilisa. Ito ang nagbibigay ng mga sapat na kondisyon na
nakakatulong sa payabungin ang kamalayan ng mga estudyante. At panghuli, ang mga
unibiersidad ang nagsisilbing mediator sa mga estudyante at lipunan para mas maging
malaya ang pagsagawa ng mga politikal na aktibismo ng mga estudyante ng walang takot sa
awtoridad. Dahil sa mga tungkulin na ito, isinasahalintunad ang mga pamnatasan bilang
“catalyst for social change”. Sinangayunan din ito ni Jonathan Turner (2003), na itinuturing na
tagapaglikha ng pagbabago sa lipunan, na hindi nasusupil ng estado.
Ayon naman kay Christian Bay (2003), ang isang dahilan kung bakit umuusbong ang
pampulitikal na mobilisasyon sa mga kabataan ay dahil sa ang mga kabataan ay mas may
kalayaan na magsagawa ng aksyon laban sa isang sistema. Hindi katulad ng mga indibidwal
na nagtatrabaho na o kaya ay kailangan ng kumita, mas nabibigyang halaga ng mga
estudyante ang mga isyung pampulitikal. Binibigyang-diin din ni Bay na mas may katangian
ng seguridad ang mga estudyante sa pribadong pamantasan, mas nabibiyang pansin nila ang
iba pang isyung kanilang nakakaharap. Ito rin daw ay dahil “idealistic” na maituturing ang mga
kabatan kung ikukumpara sa mga mas nakatatanda.
POLITIKAL NA MOBILISASYON NG MGA ESTUDYANTE AT ANG PAGTUGON NG ADMINISTRASYON
Kahit na mayroong kritikal na pagtaas sa bilang ng mga politikal na mobilisasyon ng mga
estudyante, base sa literatura, karamihan ng nalalathala ay ang mga politikal na mobilisasyon
na naggagaling sa mga pampublikong pamantasan. Kung kaya`t may kakulangan sa
literatura na tumatalakay sa mga politikal na mobilisasyon ng mga estudyante na nagmumula
sa mga pribadong sectarian na pamantasan, kung hindi man ay labis na kulang ang
partisipasyon ng mga ito sa politikal na aktibismo ng mga kabataang estudyante na kung
minsan ay nababansagan na lamang na apathetic.
Ilan sa mga nalathalang politikal na mobilisasyon ng mga estudyante ay ang malawakang
mobilisasyon ng mga kabataan upang patalsikin ang noong nakaupong presidente ng Egypt
na si Hosni Mubarak. Dahil sa malawakang politisasyon sa rebolusyon noong Enero lamang,
mas namulat ang mga kamalayan ng mga estudyante laban sa mga naghahari-hariang sektor
ng komunidad. Bukod dito, mas napaigting nito ang politikal na kamalayan ng mga
estudyante sa loob ng pamantasan. Mula sa kanilang natutunang mga taktika sa
mobilisasyon, nagkaroon ng mga protesta sa iba`t ibang pamantasan katulad ng Modern
Sciences and Arts University (MSA), Misr International University (MIU), at German University
in Cairo (GUC), gamit ang mga slogan at pagsakop ng pamantasan, upang mapatalsik sa
puwesto ang mga corrupt na opisyal ng administrasyon at upang tanggalin ang mga
pagbabawal sa politikal na aktibismo sa loob ng kampus. Dahil dito, 26 na estudyante mula
sa GUC ay sinuspinde ay pinilit paprimahin sa isang kasunduan na sila ay di na muling sasali
pa sa mga politikal na mobilisasyon laban sa pamantasan. Bukod sa pagsususpinde sa mga
nakilahok sa mobilasasyon ng mula isa hanggang dalawang linggo, ipinatawag din ng
eskwelahan ang mga magulang nito. Habang ang ilan naman ay nagmistualng ginaya ang
mga madahas na pamamaraan ng napatalsik na presidente, sa pamamagitan ng pagsara ng
unibersidad sa mga estudyanteng nagbabalak na manatili sa loob ng kampus at napilitang
manatili na lamang sa labas ng pamantasan, o kaya naman ay pagbawal na makapasok ng
pagkain o kumot para sa mga mananatiling estudyante (Affify, 2011).
Bukod sa Egypt, noong 1968, sa pagusbong ng radikal na aktibismo ng mga kabataan sa
Japan, iilang protesta din ang naganap sa Nihon University, isang pribadong pamantasan na
may 90,000 bilang ng mga estudyante. Nagsimula ang sunod sunod na protesta sa
pamantasan ng magsimulang magkaroon ng isyu sa nawawalang dalawang milyong yen na
pondo ng unibersidad. Dahil dito, noong May 23, nagkaroon ng isang tahimik na 200 metre
demonstration ang mga estudyante mula sa departamento ng Economics na sinundan naman
makalipas ang ilang araw ng isang mobilisasyon ng Nihon University All-Campus Joint
Struggle Council na nagpahiwatig ng di pagsangayon at pagpapaalis ng noong university
trustees, at nagpatawag para sa kalayaang magorganisa sa loob ng unibersidad, pagtanggal
sa censorship sa mga pahayagan ng unibersidad, at reporma sa mga aksyon laban sa mga
estudyanteng aktibista. Ngunit ang mga protesta ay kinaharap ng iba’t-ibang pagsupil mula sa
pamantasan katulad na lamang ng marahas na pagpapaalis sa sa mga estudyante, ang
pagsuspinde sa mga estudyante, ang pagpapakalat ng black propaganda sa mga
organisasyon, at pagpapalabas ng mga memo mula sa mga kaguruan laban sa mga
nangyayaring protesta (Kelman, 2001).
ANALYTIC FRAMEWORK
KRITIKAL NA PAGTINGIN SA KULTURANG INSTITUSYONAL
Ayon sa depinisyon ng kulturang institusyonal, ito ay nahahati sa pitong uri: (1) Ang
kasaysayan o pinagmulan ng isang pamantasan, partikular ang mga 'religious convictions' at
external na impluwensya ng unibersidad, (2) ang lipunang ginagalawan ng mga estudyante,
partikular and dominanteng 'subculture' nito, (3) ang kaguruan at administrasyon (institutional
agents), (4) ang 'curricular emphases' ng unibersidad, (5) ang manipestasyon ng kultura base
sa arkitektura ng pamantasan at mga seremonyang isinasagawa ng unibersidad, (6) ang
'core values' ng institusyon at (7) ang mga nagtatag ng pamantasan. Ang pisikal na katangian
ng pamantasan ay importanteng salik sa pagaaral ng kulturang institusyonal dahil ito ay
nagbibigay kahulugan sa mga prinsipyo ng pamantasan na nagugat pa mula sa mga unang
nagtatag ng unibersidad (Kramer, 2008). Ito ang nagbibigay ng kaibahan sa mga pribadong
sectarian na unibersidad at sa mga pampublikong pamantasan.
Sa kontekstong ito, maraming pagtingin ang pagaaral ng istitusyonal na kultura ng
mga unibersidad. Ayon kay Tierney (1989), may akda ng librong Curricular landscapes,
democratic vistas: Transformative leadership in higher education, binibigyang halaga nito ang
kritikal na pagtingin sa institusyonal na kultura ng mga unibersidad. Ito ay salungat sa neutral
na pagtingin ng functional approach sa kulturang institusyonal. Ayon sa pagtingin na ito, ang
institusyonal na kultura ay transformative ang katangian. Ang layuning ng edukasyon ay hindi
ang ikulong ang mga estudyante sa isang pagtingin sa lipunan kung hindi bigyan ng mga
iba’t-ibang pagtingin at pagunawa sa lipunan. Binibigyan ang mga estudyante ng kalayaan
pumili ng pansariling pagunawa sa lipunan. Kumpara sa functional approach na itinuturing na
salamin ng lipunan ang institusyonal na kultura ng pamantasan, sa kritikal na pagtingin,
itinuturing itong “democratic change agent” na may kakayanan na baguhin ang lipunan.
Ang kultura ay nakikita niya bilang pinagsama-samang tradisyon at kaugalian na
bumubuo sa mga nagtutunggaling kapangyarihan sa lipunan. Ang mga myembro ng
pamantasan, ang bawat indibidwal na pumapaloob sa pamantasan ay nagsisilbing creator at
creature, maari nilang baguhin ang sistema ngunit sila rin at nacoconstrain ng sistemang
kanilang ginagalawan at mga pangunahing ideolohiya ng lipunan.
Ang layunin ng pagaaral na ito ay tingnan ang institusyonal na kultura ng mga
pribadong pamantasan at kung paano nito naaapektuhan ang pagtingin ng estudyante sa
politikal na mobilisasyon at sa pagsulong ng kolektibong aksyon ng mga estudyante. Ito ay
naglalayong aralin kung paano ang iba’t-bang salik ng kulturang institusyonal ay
nakakatulong upang bumuo ng pangunahing ideolohiya sa loob ng pamantasan, na
humuhubog sa kamalayan ng mga estudyante (Tierney, 1989).
Dahil sa mga katangiang ito, nagkakaroon ng depolitization sa mga estudyante at
kaguruan na pumapalit sa dapat ay progresibong participatory politics. Ang konseptong ito ay
pinangunahan ni Jean Jacques Rousseau. Ang participatory politics ay may holistic na
karakter na tumitingin sa isang komunidad bilang isang buong sistema na mayroong iba’t-
ibang parte na bumubuo rito. Ayon sa teoryang ito, ang mga institusyon na nagrerepresenta
sa buong sistema ay hindi nakikitang iba sa mga indibidwal (Karatzoginni, 2006).
Kalapit sa pagtingin na ang institusyon at ang mga indibidwal ay di magkalayo,
mayroon ding pagtingin na mayroong institutional restraints na nakakaapekto sa pampulitikal
na partisipasyon ng mga indibidwal at pumipigil sa pampulitikal na pagoorganisa nito. Dahil
sa direktang paglimita sa pag-unlad ng pampulitikal na kamalayan ng mga indibidwal, ito ay
maaaring magdulot at humantong sa political apathy. Kung kaya’t ang ideyal na sistemang
minumungkahi ngparticipatory theory ay isang sistema kung saan ang mamamayan ay
mayroong direktang na partisipasyon sa pampulitikal na decision-making process ng estado
at mayroong sense of collective responsibility. Para ganap itong makamit, kinakailangan na
mayroong sapat na political opportunities para sa lahat ng mamamayan sa pamamagitan ng
repormang institusyonal (Zittel et.al., 2007).
Bukod sa kawalan ng kalayaan sa pamamahala sa pamantasan, isang katangian din
ng mga pribadong sectarian na pamantasan at kawalan ng kalayaan na magorganisa at
pampublikong pagtutol sa mga isyu na kinahakarap ng institusyon. Ayon sa obserbasyon ni
Levy (1986) sa kaniyang pagaaral sa mga pribadong unibersidad sa Latin America, ang
porma ng dissidence ay mas kaunti at hindi popular kung ikukupara sa mga pampublikong
pamatasan. Ang dissidence na ito ay kinakategorya bilang isang porma ng anarchy sa
pamantasan at dahilan ng pagiging inkompetente ng unibersidad. Ang kawalan ng ganitong
porma ng pagtutol ay nauugnay din sa pagkakaroon ng degree of homogeneity and selection
sa mga pribadong sectarian na unibersidad. Mula sa limitadong estudyante na nakakapasok
sa mga pribadong sectarian na unbersidad, makikita ang degree of homogeneity and
selection sa klase ng dominanteng edeolohiya sa pamantasan at sa social class na
kinabibilangan ng mga estudyante at kaguruan. Kung kaya’t ang mga estudyante at ang mga
kaguruan ay mas malimit na mapilit sumama sa mga ganitong porma ng pagtutol lalo na at
kung ang ideolohiya sa loob ng pamantasan ay salungat sa ideolohiya ng pampublikong
pagtutol (Levy, 1986, p.10)
Mula sa mga nabanggit, makikita na ang institusyunal na karakter o kultura ng mga
pribadong sectarian na unibersidad ay mayroong epekto sa kamalayan nga mga estudyante
at kaguruan, pampulitikal man o hindi. Ito ay sinusuportahan ng Structural-Functionalism
theory ni Herbert Spencer, Emile Durkheim at Talcott Parsons. Para sa structural
functionalism, “society is a system of interconnected parts that work together in harmony to
maintain a state of balance and social equilibrium for the whole” (Mooney et.al., 2010).
Binibigyan diin nito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga iba’t-ibang parte ng sistema at kung
paano ito naaapektuhan at nakakaapekto ng ibang parte. Ang mga impluwensyang ito ay
maaaring sa porma ng norms o tradisyon na nabubuo sa sistema, mga cognitive schemas, o
sa pamamagitan ng social actors na nakikisalamuha sa loob at labas ng sistema (Smart,
2006).
Sa konteksto ng isang unibersidad, ang pamantasan ay nakikita bilang isang “active
environment that stresses independent thought and anaylsis along with the intellectual
values, theories, and ideals that may call into question established social and political norms”.
Bukod sa mga pumapaloob na tradisyon at kultura ng unibersidad, ang mga social actors
tulad ng kaguruan at administrasyon ay maaari ring maglehitimo ng hindi pag-sangayon kung
hindi man ay pasiglahin ang sosyal at pampulitikal na diskusyon sa loob ng pamantasan
gamit ang kanilang pagtuturo at pananaliksik (Forest, 2002). Mula sa nabanggit, ang mga
salik na ito ay makikitang magkakaugnay-ugnay at hindi hiwalay sa impluwensya na
maaaring malapat sa isa’t-isa tulad ng isang lipunan ayon sa structural functionalism. Mula sa
perspektibong ito, pinaniniwalaan na ang social change ay produkto, hindi ng panlabas na
pwersa, kung hindi ng ugnayan ng estruktural na salik at kultura na kinokoksidera bilang
isang patuloy na proseso (Rosenberg, 1983).
PAGKALAP NG DATOS
Kategorya ng Data Sets
Ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay mahahati sa apat na kategorya: Una,
ang katangian ng kultura sa mga pribadong sectarian na unibersidad, particular ang De La
Salle University, base sa pitong salik ng institusyunal na kultura katulad ng religious
convictions o external na impluwensya ng unibersidad; ang lipunang ginagalawan ng mga
estudyante, partikular and dominanteng 'subculture' nito; ang kaguruan at administrasyon
(institutional agents); ang 'curricular emphases' ng unibersidad; ang manipestasyon ng
kultura base sa arkitektura ng pamantasan at mga seremonyang isinasagawa ng unibersidad;
ang 'core values' ng institusyon; at ang mga nagtatag ng pamantasan. Pangalawa, ang antas
ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante partikular ang porma ng pagkilos na
malaya nilang naisasagawa at mga isyung bitbit ng mga ganitong pagkilos. Pangatlo, ang
positibo at negatbong epekto ng institusyunal na kultura ng pamantasan sa pagsulong ng
pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante. At ikahuli, ang pagtingin ng mga estudyante
sa gawaing pampulitikal na mobilisasyon base sa kulturang kanilang ginagalawan.
Mga Teknik sa Pagkalap ng Datos
Upang makakalap ng primaryang datos, ang mananaliksik ay nagsagawa ng case
study sa De La Salle University. Ito ay napili bilang pangunahing pagmumulan ng datos
upang magkaroon ng empirical na basehan ang mga konsepto at teoryang napapaloob sa
pagaaral. Dahil na rin sa kakulangan ng oras at resources, ang pagkalap ng mga datos ay
mas mapapabilis kung ikukumpara sa population study. Napili ang De La Salle University
bilang case study base sa mga katangiang sumusunod: (1) ang pagiging pribadong sectarian
na unibersidad, (2) ang pagkakaroon ng kasaysayan ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga
estudyante o may presensya ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante sa
kasalukuyan, at (3) sa kadahilanan ng accessibility sa mananaliksik.
Isa sa mga teknik na ginamit ng mananaliksik upang makakalap ng pangunahing datos
ay ang Key Informant Interview o KII. Ito ay higit na makakatulong upang magkaroon ng
malalim na kaalaman ukol sa isyu ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante at ang
perspektibo ng administrasyon ukol sa paglakas ng ganitong porma ng pagtutol sa mga
kabataang estudyante. Ang mga interbyu na ito ay nagmula sa mga opisyal ng
administrasyon ng pamantasan kabilang na ang ilang opisina sa unibersidad, kaguruan, at
miyembro ng student council ng unibersidad. Mula sa mga taong kakapanayamin, sila ay
kinakailangan ng mga katangiang sumusunod: (1) sapat na kaalaman sa isyung nakapaloob
sa proyekto at (2) pagkakaroon ng kaugnayan sa kasanayan o institusyon na kinakailangan
para sa pagaaral na ito. Tatlong KII ang naisagawa sa pagaaral na ito at ang mga opisyal at
kaguruan na nainterbyu ay limitado lamang sa Kolehiyo ng Liberal Arts ng De La Salle
University dahil na rin sa criteria na kailangan punan ng mga kakapanayamin.
Bukod sa KII, gumamit din ng sarbey ang mananaliksik upang makalap ang
perspektiba ng mga estudyante sa epekto ng institusyunal na kultura sa mga pampulitikal na
mobilisasyong naisagawa sa loob ng pamantasan. Sa pagpili ng mga lalahok sa sarbey, ang
mananaliksik ay gumamit ng simple random sampling mula sa populasyon ng mga
estudyanteng nasa ikahuling taon ng kanilang pagaaral at may kursong Political Science at
Development studies. Ito ang napiling population para sa sarbey dahil sa katangiang: (1)
pagkakaroon ng kaalaman sa isyu at mga konseptong nakapaloob sa pagaaral kung
ikukumpara sa mga estudyante sa ibang departamento, at (2) sapat na kasanayan at
kaalaman sa kultura, tradisyon, at polisiya ng administrasyon sa loob ng pamantasan. Mula
sa populasyong ito, 42 ang bilang ng mga estudyante sa kursong Political Science at 26 na
estudyante naman mula sa kursong Development Studies. Mula sa 42 na estudyante ng
kursong Political Science, 28 dito ay kababaihan at 14 ay kalalakihan; at sa kursong
Development Studies naman, mula sa 26 na estudyante, 20 dito ay kababaihan at 6 naman
ang kalalakihan. Mula sa pangkalahatang 68 na estudyante, gamit ang formula para sa
pagkuha ng sample population:
Kung saan ang: x=sample population; N=population; Ne= antas ng pagkakamali (.10)
Samantala, ang mga sekondaryang datos na naipresenta sa pagaaral na ito ay nakuha mula
sa mga literatura mula sa iba’t-ibang manunulat at eksperto, mga scholarly journals,
published studies, piling artikulo sa mga pahayagan, at statistics mula sa iba’t-ibang ahensya
ng gobyerno tulad ng Commssion on Higher Education (CHED) at National Statistics Office
(NSO). Mula sa mga ito ay makakalap ang mga sekondaryang datos tulad na lamang ng
institusyunal na kultura ng mga pribadong sectarian na pamantasan, antas ng pampulitikal na
mobilisasyon ng mga estudyante sa nasabing uri ng pamantasan, at bilang ng mga pribadong
sectarian na pamantasan sa bansa.
Sa ibaba ang buod ng plano ng pamamaraan sa pagkalap ng mga datos na kakailanganin sa
pagaaral.
Table 1. Buod ng Plano para sa Pangangalap ng Datos
Mga Datos Pinagmulan ng Datos Pagkalap ng Datos
Pagtingin sa pampulitikal na
mga mobilisasyon ng mga
estudyante
Opisyal mula sa
administrasyon; mga
estudyante
KII at sarbey
Pagtingin sa kung ano ang
institusyunal na kultura ng
mga pribadong sectarian
napamatasan
opisyal mula sa
administrasyon ng
pamantasan
KII
Pinagmulan ng porma ng
pampulitikal na mobilisasyon
ng mga estudyante
estudyante sarbey
Epekto ng institusyunal na
kultura ng mga pribadong
sectarian na pamantasan sa
pagusbong ng pampulitikal
na mobilisasyon ng
estudyante
estudyante mula sa Student
Council; kaguruan; mga
estudyante
KII at sarbey
Mga polisiya ay
pamamaraan ng
Opisyal mula sa
administrasyon ng
KII
administrasyon ukol sa
pampulitikal na mobilisasyon
ng mga estudyante sa
pamantasan
pamantasan
PAGSUSUSURI NG DATOS
Para sa pagsusuri ng datos, ang lahat ng impormasyon sa mga naisagawang interbyu
ay isinalin muna sa salita ng mananaliksik. Pagkatapos nito, ang mananaliksik ay gumamit ng
open coding kung saan ang mga nasalin na datos ay sinasala sa iba’t ibang categorya at
inoorganisa sa isang talaan para sa mas madali at mabisang pagsuri ng datos. Ang mga
naorganisang datos ay ginamitan ng content analysis at cross-case analysis, kung saan ang
mga datos na nagmula sa magkaibang respondante ngunit sa parehong grupo ay inoorganisa
at sinusuri. Sa ganitong paraan, nakikita ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga datos sa
parehong kategorya. Naipapakita rin dito ang mga posibleng kakulangan sa mga
iimpormasyong nakalap.
Triangulation
Upang mapagtibay ang katotohanan ng mga naipresentang datos, ang mananaliksik
ay gumamit ng triangulation by method at by data source. Para sa triangulation by method,
ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang paraan tulad KII,
literature, at sarbey. Ang triangulation by data source naman ay ang pagkalap ng parehong
datos mula sa iba’t-ibang batis tulad ng mga opisyal sa administrasyon ng mga pamantasan,
Halimbawa, ang mga data sets na naipresenta sa pagaaral, tulad ng epekto ng
istitusyunal na kultura ng pribadong sectarian na pamantasan sa pampulitikal na
mobilisasyon ng mga estudyante, ay maaaring magkakapareho ayon sa mga lider mula sa
Student Council at opisyal ng administrasyon. Dahil sa pagkapare-parehong interpretasyon
na ito ay mapapagtibay ang validity ang mga datos ng pagaaral.
Sakop at Limitasyon ng Pagsasaliksik
Ang sakop ng pagaaral ay nagpokus lamang sa institusyunal na kultura ng pribadong
sectarian na unibersidad at ang epekto nito sa pampulitikal na mobilisasyon ng mga
estudyante, malaya man nila itong naisasagawa o hindi. Dahil na rin ang mga interbyu at
sarbey ay isinasagawa ng kinakailangan ng boluntaryong pahintulot ng respondante, ang
mga datos na nakalap ay limitado lamang, particular sa Kolehiyo ng Liberal Arts ng De La
Salle University. Bukod dito, ang mga literatura at mga pag-aaral na nakalap ay may
kakulangan kung ikukumpara sa mga naisagawang pag-aaral tungkol mga pampublikong
pamantasan. Sa kadahilanang ito, nalimita rin ang mga sekondaryang datos na naipresenta
sa pagaaral.
PANG-ETIKANG KONSIDERASYON
Ang pagaaral na ito ay isinasaalang-alang ang kapakanan at seguridad ng mga tutugon sa
panayam, ito man ay mapa-estudyante o opisyal ng administrasyon ng pamantasan. Ang
mga sensitibong datos na makakalap ay sisiguraduhing kompidensyal at ang mga tutugon sa
mga panayam ay sisiguraduhing umaayon sa Free, Prior, and Informed Consent na ibinagay
sa mga ito bago pa man ang aktwal na interbyu.
Isinasaalang-alang din ng pagaaral nito ang anonymity ng mga tutugon sa panayam at
kalayaan ng mga tutugon sa kanilang mga kasagutan sa mga panayam na maaaring
maipresenta sa kabuuan ng pagaaral. Tungkulin ng mananaliksik sa panatilihing lihim ang
personal na impormasyon ng mga kakapanayamin at gayundin ang paglimita sa mga ilalahad
na maselang impormasyon patungkol sa usapin.
Free Prior and Informed Consent
Binigyan ang lahat ng makakapanayam ng liham patungkol sa isasagawang interbyu
bago pa man maganap ang interbyu sa mga opisyal ng administrasyon, eksperto, at mga
estudyante. Nasa liham na ito ang impormasyon sa pagaaral at iba pang mga importanteng
bagay na mahalagang malaman ng mga kakapanayamin gaya ng kalayaan ng
kakapanayamin sa interbyu. Para naman sa KII interview sa mga eksperto, tungkulin ng
mananaliksik na magbigay ng KII guide o listahan ng mga katangunan para sa aktwal na
interbyu bago pa man ito maisagawa.
RESULTA
Institusyunal na kultura ng De La Salle University
Ayon kay Kramer (2008), hati ang kulturang institusyonal sa pitong kaurian: (1) Ang
kasaysayan o pinagmulan ng isang pamantasan, partikular ang mga 'religious convictions' at
external na impluwensya ng unibersidad, (2) ang lipunang ginagalawan ng mga estudyante,
partikular and dominanteng 'subculture' nito, (3) ang kaguruan at administrasyon (institutional
agents), (4) ang 'curricular emphases' ng unibersidad, (5) ang manipestasyon ng kultura base
sa arkitektura ng pamantasan at mga seremonyang isinasagawa ng unibersidad, (6) ang
'core values' ng institusyon at (7) ang mga nagtatag ng pamantasan. At mula sa pitong salik
na ito nabubuo ang pagkakaiba iba ng mga pamantasan.
Kung iisa-isahin natin ang pitong salik na ito mula sa religious convictions ng
pamantasan, ayon sa isang opisyal ng administrasyon sa Kolehiyo ng Liberal Arts (2012),
sumusunod sa pamatayan ng Christian-Catholic doctrines ang De La Salle University. Ang
pamumuno ng La Salle brothers auy nakikitang malaking salik sa pamamahala ng buong
institusyon dahil sa tinatawag na “vow of obedience” na sinusunod mula sa pinakamataas na
opisyal ng administrasyon hanggang sa iba’t-ibang opisinang pumapaloob sa pamantasan.
Dahil dito, ayon sa isang guro (2012), ang La Salle sa pangkalahatan ay nagiging isang
komunidad kung saan ang mga desisyon ng La Salle brothers ay nakikitang napakahalaga,
kung hindi pinakamahalagang, salik sa proseso ng pagdesisyon sa unibersidad. Subalit,
bukod sa religious convictions ng La Salle, isa rin sa mga external na impluwensya sa
pamantasan ay ang mga ‘lay partners’ ng institusyon na tumutulong sa pinansyal na aspeto
ng mga proyekto ng unibersidad.
Kung aaralin ang pinagmulan ng pagkakatatag ng De La Salle University, mula sa mga
turo ni St. La Salle, makikita ang prioridad ng edukasyon sa mga mahihirap. Salungat itong
maituturing ng karamihan kung isasalarawan ang kultura ng mga estudyante sa loob ng
unibersidad. Ayon sa isang opisyal ng administrasyon (2012), maituturing na bourgeious ang
kultura ng mga kabataang estudyante. Dahil na rin sa kamahalan ng matrikula sa
unibersidad, karamihan sa mga estudyanteng pumapasok dito ay nagmumula sa ‘upper
middle class’, kung hindi naman ay anak ng mga Overseas Filipino Workers o OFW na may
kakayanang magbayad ng mataas na matrikula, kung ikukumpara sa ibang pribadong
unibersidad. Ngunit, ayon sa isang guro (2012), marami rin ang masasabing hindi
nakakaangat sa lipunan. Marami rin ang nakakapasok sa La Salle dahil sa scholarships na
naipapamahagi nito sa mga estudyanteng kapos sa pangmatrikula. Ayon sa isang opisyal
(2012), isang target ng administrasyon ng La Salle ay ang pagpapalaki ng bilang ng mga
estudyanteng nakakatanggap ng scholarships hanggang 20 percent sa mga susunod na
taon.
Binubuo ng () kolehiyo, ang De La Salle University ay nakapokus sa research at
‘transformative learning’. Ayon sa isang opisyal ng administrasyon (2012), sa proseso ng
transformative learning, layunin ng unibersidad na hubugin hindi lamang ang kamalayan ng
mga estudyante kung hindi pati rin ang partisipasyon ng mga estudyante sa pampulitikal at
social na isyu sa lipunan. Bukod dito, ayon sa isang opisyal (2012), isang distinction sa
curriculum ng La Salle sa mga ibang unibersidad ay ang pagkakaroon nito ng ‘ formation
courses’ na pinagdadaanan ng mga estudyante mula sa unang taon hanngang makatapos
ito. Sa mga specialized programmes na ito, mas nahuhubog ang kamalayan ng mga
estudyante sa pampulitikal na isyu at social na mga isyu sa lipunan.
Ang layuning ito ay hindi lamang nakaangkla sa curriculum ng unibersidad kung hindi
pati na rin sa core values ng institusyon. Mula sa logo nito kung saan nakasaad ang core
values ng La Salle – religio, mores, kultura – hinuhubog ang mga estudyante ng La Salle sa
doctrines ng Catholic Church at pagiging sensitibo sa kultura ng bansa.
At pinakahuli, ang mga nagtatag ng pamantasan, ang La Salle brothers na
ipinapagpatuloy ang mga nasimulan ni St. Baptiste de La Salle.
PAMPULITIKAL NA MOBILISASYON NG MGA ESTUDYANTE
Kung titingnan ang mga pag-aaral at literature ukol sa pmapulitikal na mobilisasyon ng
mga estudyante sa pribadong sectarian na unibersidad, makikita ang malaking kakulangan sa
bilang nito. Kadalasan, ito lamang ay ukol sa mga pampublikong unibersidad na mas nakikita
sa mga ganitong uri ng pagkilos. Ngunit, ayon sa isang guro, hindi mo masasabing walang
ginagawa ang mga pribadong unibersidad sa mga ganitong usapin. Kung titingnan ito sa
ibang perspektiba, at hindi lamang susukatin sa karaniwang konsepto ng kung ano ang
mobilisasyon, makikita na may presensya ng pampulitikal na mobilisasyon sa mga pribadong
unibersidad. Isang example na nito ay ang sektor ng ‘green politics’, kung saan nakikita ang
nangungunang partisipasyon ng mga pribadong unibersidad.
Ayon sa isang guro, ang isang pampulitkal na mobilisasyon, sa konteksto ng
unibersidad, ay ang pagtitipon ng maraming bilang ng mga estudyante para humiling ng isang
bagay sa administrasyon o magpahayag ng naisin sa lipunan, sa pangkalahatan. Ito ay isang
pampulitikal na pagkilos, na sa isang banda ay nagpapahayag ng naisin at usapin at sa
pinakamatinding paraan naman ay may direktang pagkilos upang mismong lumikha ng naisin.
Ang esensya lamang nito ay ang pagpapakilos ng maraming bilang ng tao para sa isang
pampulitikal na adhikain. Idinagdadag din niya na isang malaking misconception ang ituring
ang isang pampultikal na mobilisasyon bilang rally o protesta lamang dahil ito ay isang porma
lamang ng mobilisasyon.
Katangian ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante
Sa konteksto ng isang pribadong unibersidad, makikita ang pagkakaiba ng depinisyon
ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyant base sa: (1) porma ng pagkilos, (2) isyung
bitbit ng mga pagkilos, at (3) kalayaan upang magsagawa ng mga pagkilos.
Sa unang katangian, base sa tatlong interbyu mula sa opisyal ng administrasyon at
kaguruan, lahat ay nagsabi na ang pinakamadalas na porma ng mobilisasyon na malayang
naisasagawa ng mga estudyante ay sa porma ng ‘political discussions’. Sa pormang ito,
nagkakaroonng mga pampublikong diskusyon kung saan nagiimbita ng mga tagapagsalita at
eksperto ang unibersidad para mapagusapan ang isang isyu. Isang halimabawa nito ay ang
mga political discussions na ginaganap sa unibersidad tuwing election, o mga diskusyon na
may kaugnayan sa green politics. Bukod dito, nagkakaroon ng ng ibang porma ng pagkilos
katulad ng noise barrage. Ngunit ang mga ganitong porma ay kadalasang kakaunti ang
bilang. Ayon kay sa isang guro (2012), isang tagumpay na kung makaakpagtipon ng ng
estudyanteng aabot sa bilang na 30-50.
Pangalawa, sa usaping bitbit ng mga mobilisasyon ng mga estudyante, ito ay
kadalasang mga isyung maituturing na “mabango sa middle class” katulad ng eleksyon,
pagkamatay ni Cory Aquino, impeachment kay Gloria Arroyo, o RH Bill. Ayon kay opisyal ng
administrasyon (2012), kung ang isang usapin sa lipunan ay maituturing ng napakalaking isyu
ay doon lamang nagmomobilisa ang mga estudyante. Idinagdag pa niya na ito ay sa
kadahilanang ang tipikal na Pilipino ay hindi nahubog na tumugon sa mga ‘sublte evil’ sa
lipunan. “So it’s only when political, economic, and social evil is so intense, is so glaring, that
we react. That was normal”.
At panghuli, sa kalayaan na magsagawa ng mga ganitong uri ng pagkilos, makikita na
malaya ang mga estudyante magsagawa ng ibang porma ng pagkilos ngunit may mga porma
rin tulad ng protesta, kung saan direktang nagsasagawa ng aksyon, na hindi malayang
naisasagawa ng mga estudyante. Isang halimbawa nito ay sa usapin ng “PALEA workers”. Ng
ito ay subukang bitbitin ng isang opisina sa loob ng pamantasan, hindi pinayagan ng
administrasyon na direktang lumahok ang estudyante at ang unibersidad, sa pangkalahatan.
Ngunit pinayagang pumasok ang ang manggagawa sa loob ng unibersidad at magsagawa ng
Room-to-room na diskusyon ukol sa usapin, upang mamulat ang mga estudyante.
Bukod dito, isa pang obserbasyon ng isang guro sa kalagayan ng pampulitikal na
mobilisasyon sa unibersidad ay ang pagiging “programmatic” nito. Programmatic itong
maituturing dahil paisa-isa at hiwa-hiwalay ang mga mobilisasyon naisasagawa, depende sa
kolehiyo at minsan, depende sa departamento. Malimit makasagawa ng mga pagkilos kung
saan marami, kung hindi lahat, ng kolehiyo ay sumasali sa mobilisasyon. Kung hindi naman,
iilang departamento lamang ang nagsasagawa ng mga mobilisasyon at isa na dito ang
departamento ng Political Science.
PAPEL NA GINAGAMPANAN NG MGA AKTOR: ANG KAGURUAN, ANG ADMINISTRASYON, AT ANG RELIHIYON
I. Kaguruan
Ang kaguruan ay isa sa mga importanteng salik ng institusyunal na kultura ng unibersidad
dahil sila ang direktang humuhubog ng kamalayan ng mga estudyante sa loob ng
pamantasan. Sa loob ng unibersidad, mayroong namumuong hati sa maituturing nating
progresibo at hindi. Iilan lamang ang mga kolehiyo at departamento na tumutulong upang
pausbungin pa ang kamalayan ng mga estudyante. Ito ay dahil (1) likas na hindi nahubog ang
mga kaguruan na makilahok sa isyu ng lipunan at tumugon sa porma ng mobilisasyon. Base
sa obserbasyon ng isang guro, baluktot ang pagkakaturo ng pulitika. Ito ay itinuturing na
madumi o bulok kung kaya’t ang partisipasyon sa politika ay hindi hinihikayat. (2) karamihan
sa mga kaguruan sa unibersidad ay ‘part-time’ lamang at dahil dito, hindi sumasapat ang
karanasan at kasanayan ng mga part-time na guro upang makabuo ng pagbabago sa
tradisyunal na pagtuturo sa unibersidad, at (3) nalilimita ang mga kaguruan dahil sa posibleng
‘sanctions’ na maipapataw sa kanila. Ayon sa isang opisyal ng administrasyon (2012), may
mga pagkakataong napapatawag sa opisina ang mga ilang guro dahil may mga
nagrereklamong magulang (na may posisyon sa gobyerno) na nababastos sila sa klase.
II. Opisyal sa administrasyon
Bukod sa kaguruan, may malaking papel ding ginagampanan ang mga opisyal ng
administrasyon sa pagsulong o paghadlang ng mga pampulitikal na mobilisasyon ng mga
estudyante. Ito ay sa porma ng mga polisiya at desisyon ng administrasyon ukol sa ganitong
porma ng pagkilos. Isang halimbawa nito ay ang polisiya ng administrasyon na ang lahat ng
isyu na bibitbitin ng unibersidad ay dapat nakaangkala sa limang tema: Poverty reduction,
good governance, environment, peace and development, children and youth. Kapag ang
isang isyung kailangang bitbitin ng isang pagkilos ay hindi akma sa limang temang nabanggit,
hindi pinapayagan ng administrasyon na lumahok ang unibersidad sa pagkilos. Dahil dito,
nahahadlangan nito ang pagusbong ng mobilisasyon sa loob ng unibersidad at nalilimita ang
mga isyu ayon sa kagustuhan ng administrasyon. Isang uri ng isyu na hindi nakaangkla sa
limang tema na ito ay ang isyu ng “labor” katulad ng protestang isinagawa ng “PALEA
workers”.
Sa isang banda, may mga komite ang administrasyon na tumutulong pausbingin ang
kamalayan ng mga estudyante. Isa na dito ang CONIC, isang komite na tumatalakay ng
isyung panlipunan at binubuo ng iba’t-ibang opisyal mula administrasyon at estudyante; at
ang Social Engagement Committee na binubuo ng mga staff ng iba’t-ibang opisina sa
administrasyon at nagkakaroon ng talakayan isang beses sa isang buwan.
III. RELIHIYON
Kung ibabase sa mga interbyu na naisagawa, ang religious convictions, kasama na ang La
Salle brothers, ang maituturing na isa sa may pinakamalaking impluwensya sa kamalayan ng
institusyon, sa pangkalahatan. Dahil binibigyang halaga ang relihiyon sa pamantasan, ganon
din ang halagang ibinibigay sa mga desisyon ng La Salle brothers. Ayon sa isang guro,
mayroong conserving role ang relihiyon sa La Salle dahil nahahadlangan nito ang pagyabong
ng partisipasyon ng mga estudyante sa mga pampulitikal na issue. “Kasi pag ikaw ay
religious, medyo nawawala yung political fangs mo eh, medyo lumalamya ka, sabihin na
nating yung mga attention mo kasi ay mababaling sa spiritual matter or religious issues, o
mas iniignore more yung mas material issues”. Halimbawa na lamang, sa usapin ng RH Bill,
mahirap makabuo ng isang political stand dahil mayroong tensyon sa pagitan ng Catholic
Church at mga opisyal sa administrasyon. Ngunit, sa isang banda, kung pagaaralan ang
religious philosophy kung saan naitatag ang La Salle, makikita na mayroong progressive
nature ang doctrines na binibitbit nito. Ayon sa isang opisyal ng administrasyon, ang Catholic
Church ay sumusuporta sa social justice.
DISKUSYON
Porma ng pampulitikal na mobilisasyon
Sa pag-aaral ng kalagayan ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante sa La
Salle, kapuna-puna ang pagkakaiba ng kanilang naisasagawang porma ng pagkilos kung
ikukumpara sa porma ng pagkilos na naisasagawa sa pampunblikong pamantasan. Kung ito
ay isasalarawan, ito ay may mga katangiang: (1) kaunti ang bilang ng mga myembrong
nakikisama sa pagkilos, (2) limitado ang maaring bitbitin na isyu, (3) walang direktang aksyon
upang lumikha ng naisin, (4) sporadic at programmatic, at (5) hindi nasusustena ang
naisasagawang mobilisasyon ng matagal na panahon.
Base sa mga interbyu, ang kadalasang porma na naisasagawa ng mga estudyante ay
political discussions kung saan nailalatag ang mga impormasyon at isyu, ngunit, ayon sa
isang opisyal ng administrasyon, ang administrasyon ay binibigyan ng kalayaan ang mga
estudyante na pumili ng kanilang sariling opinyon sa isang isyu. Subalit, ito ay salungat sa
polisiya ng administrasyon ukol sa limang tema kung saan dapat nakaangkla ang mga isyung
bibitbitin. Dahil dito, makikita na mayroong pulitika sa kung anong isyu ang dapat bitbitin ng
unibersidad at ano ang hindi. Bukod sa halimbawang polisiya, ang mga isyung binibitbit ng
mga mobilisasyon ay batay din sa kung ang nakaupong president ay progresibo o hindi.
Epekto ng institusyunal na kultura sa pagsulong ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante
Ang institusyunal na kultura ay may direktang epekto sa kung papaano nakikita ang
pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante. Ang mga epektong ito ay maaring positibo o
negatibo. Ngunit, kung titimbangin natin ang mga epektong ito, malinaw na ang institusyunal
na kultura ng pribadong sectarian na pamantasan ay may epekto sa kung paano nahuhubog
ang pagtingin ng mga estudyante sa uri ng pagkilos na naisasagawa sa unibersidad.
Ang pinakamaigting na positibong epekto nito ay ang religious convictions ng
pamantasan ay hinihikayat ang partisipasyon ng mga estudyante sa pampulitikal na isyu ng
lipunan. Ito ay kung titingnan ang “nature” ng pilosopiyang binbibitbit ng religious doctrines
nito. Ayon sa isang guro, ang institusyunal na kultura ay progresibo dahil ang mismong
dahilan ng pagkakatatag ay progresibo din. Makikita ito sa mga religious philosophy na bitbit
ng La Salle brothers at pinagpapatuloy ng pamantasan.
Ngunit sa praktika, ang kulturang institusyunal ng pamantasan ang humahadlang sa
pagsulong ng pampulitikal na mobilisasyon. Mula sa ‘subculture’ ng mga estudyante na
bourgeois ang orientasyon, ang mga estudyante ay hindi nahubog sa ganitong uri ng
pagkilos. Ayon sa isang opisyal ng administrasyon, ang administrasyon ay maluwag, kung
tutuusin, ngunit ang mga estudyante mismo ay walang oras upang sumali sa mga pagkilos.
Isang dahilan rin ay ang socioeconomic status ng mga estudyante na ‘upper middle class’.
Para sa mga kabataang nagmula sa ganitong antas ng pamumuhay, hindi malayo na ang
magulang, o kamaganak, ay may mataas na posisyon sa lipunan o sa gobyerno, sa
partikular. Mula sa nabanggit, masasabi na ang kanilang social background ay konserbatibo
at nadadala nila iyon sa loob ng pamatasan.
Bukod dito, ang kultura ng La Salle, base sa curriculum nito, ay maituturing na “fast-
paced”. Ang kadalasang apat na taong kurso sa ibang unibersidad ay tatlong taon lamang sa
La Salle. Dahil mabilis at maiksi lamang ang itinatagal ng mga estudyante sa pamantasan,
hindi napapailalim ang partisipasyon ng mga estudyante lalo na sa mga organisasyon sa loob
ng unibersidad. Kung kaya’t ang iilang estudyante ay nagakakaroon ng kultura na walang
pakialam dahil hindi napapailalim ang student involvement samga proyekto ng pamantasan.
Ang kulturang “fast-paced” ay ganap din sa mga kaguruan kung saan karamihan ay
part-time teachers. Dahil dito, hindi rin napapailalim ang partisipasyon ng mga kaguruan at
kasanayan upang mahubog ang mga kamalayan ng estudyante. At dahil hindi rin lubog ang
mga kaguruan sa progresibong orientasyon, ito rin ang naipapasa sa mga estudyante. Dahil
dito, nagkakaroon ng cycle ng apathy, kung saan ang tipikal na estudyante ay hindi nahubog
na tumugon sa mga isyu sa lipunan.
Bukod sa kultura ng mga estudyante at kaguruan, ang administrasyon ay
humahadlang din sa pagsulong ng pampulitikal na mobilisasyon. Isang halimbawa nito ay ang
politika sa pagpili ng mga isyung bibitbitin ng unibersidad. Base sa isang obserbasyon ng
isang guro, napaka-constraining din ng student organizing sa La salle kung saan ang
opisinang nangangasiwa dito ay maituturing na bureaucratic, na humahadlang sa madaliang
pagbuo ng organisasyon. Ito ay direktang salungat sa pampublikong pamantasan kung saan
napakadali ang pagbuo ng isang organisasyon, pampulitikal man o hindi.
Kasaliwaan sa progresibong relihiyon at konserbatibong korporasyon
Bilang isang pribadong sectarian na unibersidad, ang mga namamahala sa
pamantasan ay ang La salle brothers at ang mga lay partners nito. Kung pagaaralan ang
pinagmulan ng unibersidad, mula sa yapak ni St. John Baptiste de La Salle, makikita na ito ay
progresibo. Ang buhay ng La Salle brothers ay may progresibong potensyal kung ikukumpara
sa ibang relihiyon, dahil sa paniniwala nila sa konsepto ng communalism at pagbibigay
halaga sa edukasyon, partikular sa mga mahihirap na kabataan. Ngunit, sa kasalukuyan, iilan
na lamang ang la salle brothers at ang karaniwang nangangasiwa sa pamamahala ng
institusyon ay ang mga lay partners nito. Sa ganitong paraan mas nagiging konserbatibo ang
unibersidad.
Dahil ang lay partners ng unibersidad ang namamahala sa institusyon sa day-to-day
basis, mas nagiging konserbatibo ang mga polisiya sa loob ng unibersidad lalo na at
orientasyon ng korporasyon ay profit o kita. Kaugnay na rin nito ang pagkakaroon ng alumni
at “supporters” na nakakaangat sa lipunan o mga politiko ay mas naglilimita sa kalayaan ng
mga estudyante na magmobilisa. Dahil dito, mas nawawalan ng kalayaan ang mga
estudyante na magsagawa ng mga pagkilos lalo na kung ito ay salungat sa interes ng
korporasyon. Ayon nga sa obserbasyon ng isang opisyal ng administrasyon, dahil
tumatanggap ng pinansyal na suporta ng unibersidad, “maybe you cannot afford to be very
vocal in criticizing the conditions”.
KONKLUSYON
Ang isang unibersidad ay parang isang komunidad na may iba’t-ibang parte na
naiimpluwensyahan at nakakaimpluwensya ng ibang sektor. Ang kultura nito ay isang
mahalagang salik upang maintindahan kung papaano at bakit ang isang indibidwal sa loob ng
komunidad ay umaakto sa natatanging paraan.
Sa pagaaral sa institusyunal na kultura ng pribadong sectarian na unibersidad, makikita na
may direktang epekto nito sa paghibog ng pagtingin sa mga pampulitikal na mobilisasyon ng
mga estudyante. At kahit na mayroong positibong epekto ito sa pagsulong ng mobilisasyon,
ito ay maituturing lamang sa teorya at hindi sa praktika. Kung susumahin ang mga epekto
nito, malinaw na ito ay humahadlang sa pagsulong ng mobilisasyon ng estudyante sa paraan
ng paglilimita sa oportunitad na maaring magorganisa ang isang organisasyon at paglimita sa
opurtinidad na magsagawa ng pampulitkal na pagkilos.
Ang institusyunal na kultura ay nagiging importanteng salik na humuhubog sa kamalayan ng
mga estudyante, na pinapaigting pa ng indibidwal na kulturang ginagawalan ng mga
estudyante. Sa mga salik na ito, nagiiba-iba ang pagtingin ng mga estudyante sa porma ng
pagkilos ng mga estudyante ukol sa isyu sa lipunan.
Bibliography:
Afify, H. (April 3, 2010). Students Revolt in Private Universities. Retrieved from
http://www.almasyryalyoum.com/en/node/384997
Altbach, P. (2008). The Anatomy of Private Higher Education. Private Higher Education: A
Global Revolution. Sense Publishers. Rotterdam, The Netherlands.
Bay, C. (1970). Student Protest and Activism. Jossey-Bass, Inc. San fransisco, CA.
Flacks, R. (1970). Student Protest and Activism. Jossey-Bass, Inc. San fransisco, CA.
Forest, J. (2002) Higher education in the United States: An encyclopedia. Volume I. ABC-
CLIO, Inc. Santa Barbara, CA.
Karatzogianni, A. (2006). The politics of cyberconflict. Taylor and Francis.
Kelman, P. (2001). Protesting the National Identity: The Cultures of Protes in 1960s Japan.
PhD dissertation, University of Sydney.
Komives, S. and Woodard, D. (2003). Student Services: A Handbook for the Profession.
Fourth Edition. Jassey-Bass. San Francisco, CA.
Kramer, G. (2007). Fostering Student Success in the Campus Community. John Wiley &
Sons, Inc.
Levy, D. (1986). Higher Education and the State in Latin America: Private Challenges to
Public Dominance. University of Chicago Press. London.
Mooney, L, Knox, D., and Schacht, C. (2010). Understanding Social Problems. Cengage
Mooney, L. A., Knox, D., & Schacht, C. (2000). Understanding social problems (2nd ed.).
Cincinnati, OH: Wadsworth. Learning.
Rosenberg, M. (1983). Introduction to Sociology. Methun Publications. Ontario, Canada.
Scott, J. (2008). Exploring Institutional Culture and Civic Engagement: A constructivist theory.
University of Georgia. ProQuest.
Smart, J. (2006). Higher Education: A handbook on Theory and Research. Springer.
Trent, J. (2003). Revolution, Reformation, and Reevaluation. Jossey-Bass, Inc. San
Fransisco, CA.
Wells, K. (2009). Childhood in a Global Perspective. Polity Press. Cambridge, UK.
Zittel, T. and Fuchs, D. (2007). Participatory Democracy and Political Participation: Can
participatory engineering bring the citizens back in?. Routledge. New York, NY.
Appendix A
Informed Consent
Department of Social SciencesCollege of Arts and Sciences
University of the Philippines Manila
Magandang Araw! Ako po si Rio Jean A. Quindara, nasa ikaapat na antas sa kolehiyo sa kursong BA Political
Science. Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ako ng pananaliksik na may layuning malaman
ang epekto ng institusyunal na kultura ng mga pribadong sectarian na unibersidad sa antas at
pagsulong ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante.
Kung kayo po ay pumayag na lumahok sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod ay
mangyayari:
1. Kayo po ay tatanungin na lumahok sa isang interbyu na hindi hihigit sa 60 minuto.
2. Kayo po ay tatanungin hinggil sa mga sumusunod:
A. Institusyunal na kultura sa mga pribadong sectarian na unibersidad
B. Antas ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante sa unibersidad
C. Pagtingin sa pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante
D. Pagtugon ng administrasyon ukol sa pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante
3. Kayo po ay tatanungin ng edad, socioeconomic status, at educational background.
Maari po kayong tumanggi na sumagot o tumaggi na sa paglahok sa pag-aaral anumang oras
na inyong gustuhin.
Ang mga record sa pag-aaral na ito ay kumpidensyal. Walang indibidwal ang papangalanan
sa buong pag-aaral at sa halip ay bibigyan ng alias. Lahat ng tape at transcript ay lalagyan ng
koda at itatago at sa pagtatapos ng pag-aaral ay sisirain at itatapon. Ang mananaliksik
lamang ang tanging magkakaroon ng access sa mga dokumentong ito.
Nais ko pong ipaalam na wala kayong makukuhang anumang uri ng benepisyo sa paglahok
sa pag-aaral na ito. Ngunit ang inyong ibabahagi ay mahalaga at kayo po ay magkakaroon ng
access sa pag-aaral na ito.
Pinagbibigay-alam rin po ng mananaliksik na anumang oras ay maari kayong tumanggi sa
panayam kahit kayo po ay pumayag na sa una. Ito po ay hindi makakaapekto sa inyong
pagkatao at kabuhayan o sa anumang paraan.
Malaya po kayong tumangging lumahok sa pag-aaral na ito.
Kung mayroon po kayong mga katanungan ay huwag po kayong mag-atubili na ipagbigay-
alam sa akin sa mga numerong ito: 0917-908-4809 o sa address na ito: 570-C Ladies
Dormitory, Padre Faura Street, Ermita, Manila.
Maraming Salamat!
Kayo po ay binibigyan ng kopya ng consent form na ito
Ang partisipasyon sa pag-aaral na ito ay boluntaryo. Maaari kayong tumangging lumahok sa
pag-aaral, o itigil ang partisipasyon anumang oras. Anuman ang inyong desisyon ay hindi
makakaapekto sa inyong pagkatao o kabuhayan.
Ang inyong LAGDA ay nangangahulugan ng inyong paglahok sa pag-aaral, pagkatapos
basahin ang mga nasasaad sa itaas.
_______________________________ __________________________Lagda ng Respondent Petsa _______________________________ __________________________Lagda ng Mananaliksik Petsa
Appendix B
SAMPLE SURVEY QUESTIONNAIRE Good day! I, Rio Jean A. Quindara, fourth year BA Political Science Student from the University of the Philippines Manila, am conducting a study entitled “Effects of the Institutional Culture of Private Sectarian Universities on Student Political Mobilizations”. In connection with this, I would like to ask for your cooperation in answering this survey. The information to be gathered is necessary for the completion of the study and cooperation is highly appreciated. Be assured that your identity collected will remain anonymous. Thank you! Kindly put a check (√) mark on the space provided for your answer. Course: _____________________________ Sex: ______________________ Age: _________________________
1. In your opinion, what is a student political mobilzation?________________________________________________________________________ 2. Is there any student political mobilization in your school? (If your answer is none, please proceed to #6)Yes _________ None _________
3. If yes, what student political mobilizations have been done in your school?Protest actions ___________Rally ___________Noise barrage ___________Political Discussions __________Others (Please specify): __________________________________ 4. What is the most common form of student political mobilization present in your school?_________________________
5. What are the issues taken by these student political mobilizations?__________________________________________________________________________
6. Have you participated in ANY student political mobilization in your school? (If your answer is no, please proceed to #9)Yes __________ No _________ 7. If yes, what form/s of student political mobilization have you joined?_________________________
8. If yes, why do you participate in student political mobilizations?__________________________________________________________________________
9. If no, why?__________________________________________________________________________
10. In your own understanding, what is institutional culture?_____________________________________________________________________
11. What are the aspects of institutional culture?_____________________________________________________________________
12. How do you perceive “student political mobilizations”? (1 being negatively and 5 being positively)
1 2 3 4 5
13. How do the factors of institutional culture affect student political mobilizations in your school?
Factors Positively Negatively No effect
History of the university (History of the university particularly through the manifest religious conviction of the institution as a whole)
Dominant subculture in the university (i.e. the bourgeois culture among the students)
Professors and officials in the administration (as institutional agents that have the capability to mould the political awareness of the students)
Curricular emphases of the university (which generally focuses on research courses)
Manifestation of culture based on its architecture and ceremonies held as tradition in the university
Core Values of the Institution
Founders of the university (The decisions of the La Salle brothers, as part of the administration, that affect the whole
institution through its vow of obedience)