8
Profile Ng Aking Mga KAIBIGAN Ang Aking Munting Pagpapakilala: Let me introduce myself muna tutal rin naman ay ako ang may-ari ng scrapbook na ito. Ang buong pangalan ko po ay Jhoyce Lyn Alvarez Angeles. Oha Oha? Kumpleto na yan, ha? May middle name ko pa. Hahaha. Kaka-14 years old ko palang nung August 12. Kung gusto niyo naman ako makita, punta kayo sa #3E Sumulong St. Parang, Marikina City. Tapos dalhan niyo na rin po ako ng kahit kaunting palubag-loob. HAHA. Dejokelang. Nabibilang ako sa isang masayang pamilya.

Profile

Embed Size (px)

DESCRIPTION

...

Citation preview

Page 1: Profile

Profile Ng Aking

Mga KAIBIGAN

Ang Aking Munting Pagpapakilala:

Let me introduce myself muna tutal rin naman ay ako ang may-ari ng scrapbook na ito.

Ang buong pangalan ko po ay Jhoyce Lyn Alvarez Angeles. Oha Oha? Kumpleto na yan, ha? May middle name ko pa. Hahaha. Kaka-14 years old ko palang nung August 12. Kung gusto niyo naman ako makita, punta kayo sa #3E Sumulong St. Parang, Marikina City. Tapos dalhan niyo na rin po ako ng kahit kaunting palubag-loob. HAHA. Dejokelang. Nabibilang ako sa isang masayang pamilya. Syempre, may mama at papa ako. May 3 rin akong kapatid. Isang mas nakatatanda sa akin at dalawa namang mas nakababata sa akin.

Page 2: Profile

Ang sabi ng iba sa akin, masayahin daw ako, at mabait. Pero parang ako, hindi ako naniniwala doon kasi minsan nananakit rin ako. Hindi emosyonal ang pananakit ko pero sa pisikal.Opo, may pagkabrutal talaga ako minsan. Feeling close ako eh. Kaya sa iba diyan, medyo lumayo-layo sa akin at baka kayo ay saktan ko rin. Hahaha. Biro lang. Pero pinapakita ko lang naman kung ano ako at sino ako kaya siguro may mga nagiging kaibigan ako.

At ngayon, sa scrapbook na ito, masaya kong ibabahagi sa inyo ang aking mga kaibigan. Sila kasi ang pinagkukuhanan ko ng lakas ng loob dahil sila ang nagturo sa akin ng iba’t-ibang pagpapakahulugan sa salitang “PAGKAKAIBIGAN” at masasabi ko ring sila yung tumutulong sa pagbuo ko sa sarili kong pagkatao.

Sana matuwa kayong makita ang kani-kanilang mga profile.

P.S. Ako po yung nasa gilid. Walang tatawa, ha? Alam ko namang medyo panget ako. HAHAHA. JOKE!

Paw-paw~Ang buong pangalan niya ay Pauline Dela Peña.

Kapag ang pisikal o panlabas na katangian niya ang tinutukoy, masasabi kong maganda siya. Mahaba na nga ang kanyang buhok na hindi tulad ng dati. Dati kasi, maikli pa ang buhok niya. Tapos maputi rin siya simula noon pa. At kung tatanungin naman kung ano ang kanyang panloob na katangian, masasabi kong napakabuti niya. Sobrang bait niya kasi at palakaibigan. Palangiti nga siya lagi at parang walang problema. Minsan, nagmumukhang pagod ang kanyang itsura pero ngumingiti lang talaga siya palagi kaya hindi mo mahahalatang pagod pala siya. Napakarelihiyosa niyang tao at napakagalang. Kapag nahihirapan ka, hindi siya mag-aatubiling tulungan ka. Grabe! Wala na talaga akong masabi sa kanya! Siya na ang matalino, mabait at maganda. HAHA.

Nagsimula ang aming pagkakaibigan noong… Teka. Paano ko ba sasabihin nang tama? Ah basta. Ganito kasi yun, parang tahimik ako sa klase namin tapos siya rin ay tahimik. So, parehas kaming tahimik. Tapos ang kwento. HAHA. Dejokelang. Tapos yun nga. Nakikiupo kasi ako sa tabi niya tuwing science time namin. Lagi kaming nag-uusap ng tungkol dun sa mga kaklase namin at kung anu-ano pa. Kaya ayun, di nagtagal ay naging magkaibigan kami.

Malaki ang naging impluwensiya niya sa akin. Nahilig ako sa mga anime dahil sa kanya. Tapos ang lagi naming topic ay yung Slam Dunk. Ang gwapo daw ni Sakuragi dun. Eh ako nga, natatawa ako lagi sa mukha nun. Sasabihin niya kasing ang gwapo nung character dun sa palabas kahit na hindi naman.

Page 3: Profile

Natutuhan ko naman mula sa kanya na tungkol sa pagkakaibigan ay yung enjoy lang kayo dapat lagi sa company ng isa’t-isa. Parang sa kanya mo dapat sabihin ang mga problema mo. Dahil kahit na wala siyang advice sa’yo, napapagaan niya yung loob mo kahit na sa maliliit na bagay lang. Hindi siya aalis sa tabi mo kung alam niyang namomroblema ka.

Kung tatanungin ang kabutihang naidulot niya sa akin, marami siguro pero hindi ko na yun kayang isa-isahin pa. Isa lang ang babanggitin ko. Lagi niya akong sinasamahan sa mga wala akong makausap. Parang kapag andyan yung presensya niya,ramdam kong di ako nag-iisa lagi.

Kaye~

Ang buong pangalan niya ay Kaynalyn Lindain.

Sa lahat ng naging kaibigan ko, siya yung pinakachildish na may pagkasweet. Paano ko nasabi? Wala eh. Talagang isip-bata siya pero may pagkamalambing naman. Kaya nga minsan, kapag naiinis ako sa kanya, nawawala bigla inis ko dahil sincere siya na lumalapit sa akin at nang-aamo. Parang defense mechanism ba? Tapos may times na super mapaproud ka na lang sa kanya bigla kasi napakabait niya. As in. Hindi nga niya iniisip kung wala siya basta makatulong lang siya sa iba. Bait niya ano? Tapos medyo kalog din siya, madaldal, super positive-thinker at napakarelihiyosa. Grabe! Sa kanya ko ata natutunan yung iba’t-ibang verse sa bible at mga kanta sa simbahan eh. Kung itatanong naman yung mga physical features niya, hindi siya ganun na kagandahan. Mabibilang ata siya doon sa sinasabing ‘cute’. Tapos maliit lang siya at hilig niya ang magbangs. Yung parang kay mikay ba? HAHA.

Nagsimula ang kwento ng aming pagkakaibigan noong naging katabi ko siya sa klase. Eh sa talagang likas na madaldal ata siya, nahawa ako. Hanggang sa nagsama kami sa paggawa ng kung anu-anong kalokohan. Ang lagi nga naming napagtitripan ay yung dalawa pa naming katabi na sina Aldrin at Ryle. Tapos sabay din kami lagi sa paggawa ng assignments sa school at pagkain sa recess.

Siya yung nakaimpluwensiya sa akin ng pagiging palakanta. Dati nga, hindi ko hilig yung making na kung anu-anong kanta pero nung naging kaibigan ko siya, lagi kaming kumakanta. Kahit mukha na kaming baliw kakakanta, ayos lang. Tuloy pa rin ang pagbirit namin. Natuto rin ako sa kanya kung paano ang mag-‘fangirling’. Tanda ko pa nun, grade 5 pa lang kami. Naging favorite namin ang mga kanta ni Jose Mari Chan kasi halos lahat ay pang-christmas song. Eh sa lagi naming iniisip na laging pasko. Ang saya lang.

Sa kanya ako natuto kung paano maging laging masaya lang sa buhay. Sa pagkakaibigan namin, nalaman kong hindi naman pala kailangang kung ano ang binibigay sa’yo, yun rin ang ibabalik mo. Sa totoo lang, kung gaano kayo nagkakasundo sa mga bagay-bagay sa paligid niyo, magiging matatag ang pagkakaibigan niya. Masaya lang kayo dapat sa mga ginagawa niyo. Wala kayong sinasaktan na tao at nagkakaintindihan kaming dalawa lagi.

Ang kabutihang naidulot niya sa akin ay yung laging magparaya sa kapwa. Alam kong ang babaw pero yun yun eh. Wala nang magbabago dun.

Matthew~

Page 4: Profile

Ang buong pangalan niya ay Matthew Tangpus. Inaasar namin siya na TangPusher. Nyahaha.

Siya ay Gay! Hindi bading ah? Meaning nun ay MA-SI-YA-HIN. Oo, masiyahin siya. Sa sobrang pagkamasiyahin niya, mapapatanong ka na lang bigla, “Sabog ba’to? O sadyang baliw lang?”. Nanunulak siya lagi at tawa ng tawa. Kumbaga, total package siya ng sinasabi nilang KALOG! Masasabi mong mabait siya ‘pag hindi pa kayong masyadong close . Pero kapag close friend na talaga kayo, makapanlait yan wagas. Hindi sa sinisiraan ko siya, pero yun ang totoo. Walang bahid ng anumang malisya. Lampa-lampa din siya. Pero sumeseryoso yan nung sinabi ko sa kanya problema ko. Yun pala, nag-iisip na agad siya ng solusyon para sa problema mo. Odiba? May good side din siya. Kapag titignan mo siya, masasabi mo na lang sa sarili mo, “Wow! May itsura ang isang ‘to.” Pero wag papaloko. Dahil kapag ngumiti siya, malalaman mo kung ano siya. HAHAHA. If you know what I meant. Hahaha. =D Maputi kasi siya, matangkad at cute. Kaso nga lang, hindi ata masculine.

Nagkakilala kami sa classroom. (Malamang?) Kaklase ko siya at naging magkatabi rin kami. Nung mga unang week, hindi ko siya pinapansin. Tahimik lang kasi ako. Tapos nung mga sumunod na araw, nagsimula na siyang daldalin ako. Edi nahawa rin ako. Pero di naman ako katulad nung pagkamadaldal niya. Kasi yung kanya, inborn na atang machine gun ang bibig. Ratatatata. Ang tabil talaga ng dila niya. Ayan, naging friends kami dahil lagi niya akong hinahampas. Dejokelang. Lagi kaming nag-oopen up sa isa’t-isa.

Natutuhan ko mula sa kanya ay yung pagpout lagi. Nagpapout ako pero hindi naman kasing dalas katulad nung

kanya.Tapos natuto rin ako mula sa kanya ang magdrama. Basta ganun. Hahaha.

Tungkol sa konseptong pagkakaibigan naman, sa kanya ko natutuhan kung paano ka dapat maging komportable sa tuwing kasama mo ang kaibigan mo. Hindi dapat mahiya na magbahagi ng kung anong problema mo dahil sila mismo ang gagawa ng paraan kung paano ka matutulungan para gumaan ang problema mo.

Ang kabutihang naidulot niya sa akin ay yung tinulungan niya ako sa isa kong problema. Grabe! Naappreciate ko talaga siya nun dahil gumawa pa talaga siya ng effort.

Raphael~

Ang buong pangalan niya ay Raphael Guisama.

Unang tingin sa kanya, “Ang gwapo ah?” HAHAHA. Pero hindi. Isa pa ‘to eh. Ang gwapo gwapo niya dahil sa features niya na namana niya sa papa niya. Matangkad, Moreno at malaki ang katawan. Odiba? Full package. Dejokelang.HAHA. Palatawa siya pero kabaligtaran siya ni Kaye dahil kung anong ikina-positive thinker ni Kaye, yun ang ikina-nega niya. Mapang-asar din siya. Pero madaldal yan. Ang hirap niyang pagtaguan ng sikreto kasi ang ingay niya. Pinagkakalat niya kasi lagi. (--,) Pero mabait yan. Wala nang kokontra. Lola’s boy din siya at relihiyoso. Hindi nga ako makarelate sa kanya eh.

Magkaklase na kami simula pa lang nung grade 2 kami. Pero hindi naman kami ganung nagpapansinan. Nung grade 4 lang siguro kami nagpansinan. Ayan, kwentuhan doon,

Page 5: Profile

kwentuhan dito. Ang dami niyang kwento sa buhay hanggang sa naging magkaibigan na kami.

Siya ang nakaimpluwensiya sa akin ng pagtingin daw sa lalaki. Kung ano ang ganyan-ganyan. Wag kayo maano sa akin. Siya talaga nagturo sa akin nun. Pagbigyan. HAHAHA. Siya rin nagturo sa akin kung paano daw kiligin. Baliw lang eh.

Natutuhan ko mula sa kanya? Uhmm. Sa pagkakaibigan daw, may mga tumatagal at may naghihiwalay naman agad. Pero sa kabila daw nun, hindi mo pa rin maaalis na naging kaibigan mo ang isang tao na yun at malaki ang naitulong niya sayo kung ano ka ngayon. Well, tama nga naman siya. :’>

Ang kabutihan na naidulot niya sa akin ay yung lagi niya akong sinasabihan na wag maggala. Mabait na bata eh. HAHA.

Ryle~

Ang buong pangalan niya ay Ryle Justin Dahilig.

Galante siya. HAHAHA. Dejokelang. Kung ang babae ay mahinhin, siya rin ganun. Ewan ko lang kung bakit. Lagi iyang nang-aasar. Ganyan ganito. Pero siya rin naman ang pikon. Childish din siya. Basta ang hilig magtampo. Loko-loko rin minsan. Pero ang masasabi ko, mabait siya. Siya yung laging nag-aapproach sa’yo kapag may kailangan ka. Sa itsura niya, uhmm. Wala akong masabi. HAHAHA. Ang cute niya kasi. Ta sang liit niya pa. Tapos ang puti. Ah basta! Ang kyut niya!

Sa klase namin, karow ko siya. Siya yung lagi naming inaasar ni Kaye. Kasama niya lagi si Aldrin kasi magkaibigan

siya. Wala. Parang kami atang apat yung nagkakasundo lagi kaya naging magkakaibigan kami. Lagi kaming nagkwekwentuhan sa isa’t-isa at nagtutulungan.

Siya ang nakaimpluwensiya sa akin na maging matipid. Ang tipid niya pero nanlilibre lagi. HAHA.

Ang natutuhan ko mula sa kanya tungkol sa pagkakaibigan ay yung pagiging cool lang sa lahat. Dapat laging pag-usapan ang problema kung meron man. Para hindi na lumala pa ang iritan sa pagitan niyong magkakaibigan.

Ang nadulot niyang kabutihan sa akin ay yung walang-wala na ako pero andyan siya at nagbigay dun sa kailangan ko.

ShieLALA~

Ang buong pangalan niya ay Shiela Marie Paragas.

Mabait, CHECK. Pet-lover, CHECK. Masungit, CHECK. Mataray, MALAKING CHECK. Cute, CHECK. Mahaba buhok, CHECK. Matangkad, CHECK. Mahinhin, EEEEKKK! Hahaha. Hindi siya mahinhin. Yun lang ang medyo ano sa kanya. Basta. Medyo masiga siya eh.

Nagkilala kami sa classroom. Nag-iikot ako nun para lumipat ng upuan. Di ko kasi marinig yung napakahinang boses ng teacher namin. Tapos naupo ako sa unahan dahil wala namang nakaupo sa isa sa mga upuan dun. Siya pala katabi ko nun. Tapos nagpakamadaldal ako at kinausap ko siya. Nakipag-usap rin naman siya sa akin tapos hanggang sa kung ano na ang mga pinag-usapan namin. Hindi namin namalayan, tapos na

Page 6: Profile

pala magturo teacher namin. Ganun lang araw-araw hanggang sa naging close na kami.

Ang naging impluensiya niya sa akin ay yung pagtataray ko minsan. Ewan ko. Pero nagaya ako sa kanya. HAHA.

Sa konsepto ng pagkakaibigan, ang natutunan ko sa kanya ay yung kailangan andyan ka lagi para sa kanibigan mo at kailangan niyo bigyan ng pasensiya ang bawat isa para magkaunawaan.

Ang kabutihan na naidulot niya sa akin ay yung naging mapagparaya siya.

Jeryleen~

Ang buong pangalan niya ay Jeryleen Villas.

Hindi siya mabait. Dejoke. HAHAHA. Siya yung go lang ng go. Basta makapaglakad, sasama siya. Medyo magaslaw din siya. Kala nga nung iba sa kanya, gangster daw siya dahil ang sigang babae. Pero hindi naman eh, sadyang ganun lang siya. Natural niya na yun. HAHA. Minsan, ang hilig niya mang-inis. Ewan ko sa kanya. Natripan niya. Pero sa kabila ng ugali nun, masasabi kong maganda siya. Hindi sa nambobola ako pero totoo naman talaga yun.

Naging magkaibigan kami nung grade 7. Magkaklase kami at natapos na ang first grading. Nung sinabi lang ang rankings, dun lang kami nagkakilala. Sabi namin, kailangang ma-maintain namin ang grades namin pero epic fail lang nung

nag-3rd grading na. Pareho kaming bumaba grade. Hinayaan na lang namin. Dahil dun, naging close na kami.

Ang naging impluwensiya niya sa akin ay yung paggala? Ewan. Basta. Para kasi siyang Dora, the explorer. Baliw lang. Ang hilig-hilig maglakad.

Ang konsepto ng pagkakaibigan na natutuhan ko mula sa kanya ay sa pagkakaibigan, importante yung presensya ng isa-isa para makilala lalo ng bawat isa ang kung ano ang totoong ugali ng taong iyon.

Ang kabutihan na naidulot niya sa akin ay yung lagi siyang andyan para samahan ako lagi.