71

punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

  • Upload
    lethuy

  • View
    295

  • Download
    42

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

1punla

Page 2: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

2 punla

Page 3: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

3punla

Page 4: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

4 punla

Page 5: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

5punla

“Kung walang hukbong bayan, wala ni anumanang mamamayan.” Ginintuang habilin ang mgakatagang ito ni Kasamang Mao Tse-tung. Lagi’t lagi nangnapapatunayan ang katumpakan nito sa loob ng mahigittatlumpung taong pagsusulong ng rebolusyong Pilipinona may sosyalistang perspektiba. Taglay ang makauringpananaw at matibay na paninindigan, buong husay naginagampanan ng Bagong Hukbong Bayan ang kanyangtungkulin, bilang pangunahing instrumentong gagapi sadayuhan at lokal na kaaway ng sambayanan, atmagtatanggol sa interes ng masang anakpawis.

Nilalaman ng isyung ito ng Punla ang mga likhangsining at panitikan na nagpapakita sa Hukbo bilang“Armas ng Masa.” Sinasalamin ng mga tulang Armasng Mamamayan, Hukbo ng Masa at ng mga ginuhit nalarawan, ang mga pulang mandirigma nanagpopropaganda, tumutulong sa produksyon ng masa,nagpapalaganap ng rebolusyonaryong kultura, atnaglulunsad ng mga taktikal na opensiba. Ilinalahad nasa bawat paggampan ng mga tungkulin ay isinasabuhayng Hukbo ang panatang buong lakas at husay nitongpagsisilbihan ang mamamayan.

Paunang Salita

Page 6: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

6 punla

Pinagpupugayan naman ng rebolusyonaryongbalagtasan at ng tulang Ang Pwersa ang uring magsasakana siyang pangunahing pinagmumulan ng laksa-laksangkawal ng Bagong Hukbong Bayan.

Ang mga tulang Ang Banhi at Ang Rebolusyon ay Isaring Sining ay nagpapatanaw ng maningning na mithiingmakakamit sa pagkakaisa ng hukbo at ng masa, habangyugtu-yugtong sumusulong ang matagalang digmangbayan.

Sa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulangBungkaras! ay nagpapatunay kung gaano kabangis angmga mapagsamantala’t mapang-aping uri at angpinagsisilbihan nitong imperyalistang US, sa layuningpigilan ang daluyong ng bayang nag-aarmas, namagpapabagsak sa kanilang paghahari.

Gawing hamon, ng bawat mandirigma ng bayan, angbawat titik at guhit na nakapaloob sa libretong ito upanglalo pang magpunyagi sa pag-oorganisa, pagmomobilisaat pagpapakilos sa mamamayang inaalipin at pinagkaitanng karapatan. Sa gabay ng Partido Komunista ng Pilipinas,armasan ang masa ng kamalayang mapagpalaya at di-magagaping diwa upang maipagtagumpay angdemokratikong rebolusyong bayan, hanggang sa tanawinang lipunang umiiral ang tunay na pagkakapantay-pantay.

Page 7: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

7punla

TULA

Page 8: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

8 punla

Kami’y mga dukhang dinukha pa nang lubosLumilikha ng yaman subalit hikahos

Laman ng sikmura at maging ng isipanHindi maihapag naming pinagkaitan

Nang kami’y humingi ng dapat ay sa aminNagsermon ang hari: “Mat’yagang manalangin”

Pangaral na dili ba’t lason kung isipin“Magtiis. Maghintay. Biyaya ay darating.”

Pagka’t kami’y gutom ay hindi nakatiisSinambit ang hinaing naming anakpawisTumugon ang hari, sa amin ay naglimos

Ang regalo n’yang lupa, libingan ng kapos!

Saksi kami. Si ama’y gumapang sa putikAt si Ina’y hinubdan ng ganda at hugis

Nagtangka ring magtanggol ang aming kapatid… Punglo ang tumuldok sa kanilang hinagpis

Kaming inulila, ihinele ng dahasHindi na papayag pang manahin ng anak

Inalipi’t lahat ninuno at magulangKimkim na poot, hanap laya’t katarungan

Kaya nang sumibol ang binhi ng pag-asaHindi nag-atubiling sila’y kinalinga

Silang tulad naming sinasaid ang lakasHindi nagpagapi, sa halip ay nag-aklas

Armas ng Mamamayan

Page 9: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

9punla

Gutom naming isipan, kanilang pinunanDiwang sinupil ng karahasa’y pinukawKami palang tila walang kalaban-labanAy di maibsang bukal ng kapangyarihan

Pinagsanib ang baril, karet at asarolLumikom ng himagsik sa parang at burolNasindak ang haring sa lupa’y panginoonLaon nang iginupo ngayo’y nagsibangon!

Sila’y aming armas laban sa mangangamkamKatuwang sa bawat larangan ng paglaban

Kung sa ami’y wala ang Bagong Hukbong BayanWala ni anuman ang aping mamamayan.

Page 10: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

10 punla

Hukbo ng Masa

Kumilos! Halina! Pulang mandirigmaHawakan ang karet, sundang ay isukbitSa lupang buhaghag, itanim ang punla

Kasabay ng masa, pawis ay idiligUpang pagyabungin, binhi ng paglaya.

Tumindig! Magtanghal! Pulang mandirigmaSa himig ng digma, bayan ay pukawin

Sa titik na pula, paglaba’y italaSa hanay ng masa, likhain ang sining

Ating isabuhay, dula ng paglaya.

Magbasa! Mag-aral! Pulang mandirigmaHalawin ang leksyon, ng ating himagsikLagumin ang aral, sa bawat paggawa

Matuto sa masa, sa kanila’y ibalikTeoryang makauri, gabay sa paglaya.

Sumulong! Lumaban! Pulang mandirigmaPrinsipyo’y ibala, sa gamit na baril

Sa ganid na uri, ito ay itudlaArmasan ang masa, sila’y palahukin

Sa digma ng bayan, ng ating paglaya.

Page 11: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

11punla

Ang Pwersa

Bawat paglusong ng kamay mo sa putikang lupaBinabantayog ang luntiang dahon na iyong punlaDaluging pinayayabong ng tulad mong maralitaG-S-Eme, Ka-Ere-Bing laganap sa buong bansa

Bawat saglit na humihimlay ang katawan mong pagalLuwal ay lakas na sumuway sa kahariang pyudal

Ang prinsipyong iyong timon sa araro ng paglabanTutungkabin ang pagsasamantala at kahirapan!

Bawat padyak ng paa mo’y laksang lakdang angtumugon

Puo-puong yabag na sa ikid na daa’y sumuongSa ligalig ng dilim, maaasahan kang tutulong

Liwanag na walang lambong ang iyong dakilang layon

Bawat tikatik ng pawis at dugo mong pumapatakPulang karagatan ng ating armadong pagbungkarasRuben at Romulo Jallores, tulad mo ring nag-aklas

Upang gapos ng kalayaa’t karapata’y makalag

Bawat sunggab ng kamao mo sa karit ay pagbugsoNg maniningning na karanasang katulad ng gintoGinto na sa Matagalang Digmang Bayan ay pungloPunglo na sa kaaway ay pumapaslang at gugupo!

Page 12: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

12 punla

Ang rebolusyon ay kahalintulad ng tulaIsinusulat mula sa dugo ng mga bayani

Na ang himig ng bawat saknong naBinibigkas ng makata

Ay humahagod sa mapanlabang diwaNg bayang naghahangad ng paglaya

Kahalintulad din ito ng musikaNa inaawit sa gitna ng pagbabalikwas

Na ang bawat titik at melodiyaAy naghahatid ng pag-ibig sa nag-aalab na damdamin

Ng sambayanang nakikibaka

Ang rebolusyon ay kahalintulad ng sayawSa nag-aalimpuyong laot ng himagsikan

Na ang indayog ng mga alonAy pilantik ng mga kamay

At padyak ng mga paaSa kumpas ng nakakuyom na milyong mga kamao

Na nagpupumiglas sa gapos ng tanikalaAt daluyong ng mahahabang martsa

Sa lunsod at kanayunan

Kahalintulad din ito ng pagpipintaNg mga sigaw sa bukang liwayway ng pagbabangon

Sa malapad na kanbas ng parang at lansanganNa ang mga guhit ng bawat hugisAy pinatingkad ng pulang kolorete

Sa pagsasalarawanNg daan-taong paghihimagsikNg sambayanang anakpawis

ANG REBOLUSYON AY ISA RINGSINING

Page 13: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

13punla

Na ang mga bidang artistaAy mga manggagawa’t magsasaka

Sa makatotohanang kwentoNg makauring pag-aalsa

Kahalintulad din ito ng paglililokNg ugating mga kamay sa mga pagawaan at linang

Na ang bawat pagsalang sa nagbabagang hurnoAt paglusong sa binubungkal na putikan

Ay pumapanday sa katataganAt determinasyon ng paglaban

Na ang mga iskultorAy ang masa ng sambayanang

Naghuhulma ng pundasyonNg walang pagsasamantalang lipunan

Ang rebolusyon ay isa ring dulaSa tanghalan ng malawak na dagat ng masa

Na ang mga mang-aawit, manunulatPintor, artista, taga-ukit at direktor

Ang siya ring tagapanood, tagapakinigModelo’t tagapaglikha

Sa papaikid na kabanataNg pulang teatro ng kasaysayan

Ang rebolusyon ay kahalintulad ng pelikulaSa telon ng digmang mapagpalaya

May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpaySa pagsasabuhay ng mga karanasan

Page 14: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

14 punla

An Banhi

Petsa trese kaining bulan na SeptyembreMay maogmang pangyari sa baryo ni Pepe

Banhi kan satuyang gubyerno ihinasokGanap na Samahang Masa iyo an apod

Maski ngani mauran-uran an maghaponLabi sa sisentang tawo an nagtiripon

Tarabang sa pagbu-bo asin pagkultibarKan paglaban na pinapakusog pang marhay

Kometibang pig-iliher kan kapulunganIpapautob an napagkasararoan

Patatalubuon satong organisasyong masaKan pagdanay kan tunay na demokrasya

Ining samahan satuyang pangatamananPartido Komunista, kita gigiyahan

Katabang ta an masasarigan na HukboUgat kan mga kasakitan, mapupuho

Madya! Mga kahimanwang nagbubungkarasMagburugkos, magpahiwas pa, magpauswag

Aanihon ta, organong pampulitikaDalugi kan gubyernong bayan na mawot ta!

Page 15: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

15punla

Ang Binhi(Salin)

A-trese nito lamang buwan ng SetyembreMay masayang naganap sa baryo ni Pepe

Binhi ng ating gubyerno ay itinanimGanap na Samahang Masa ang ating turing

Kahit na nga maulan ang buong maghaponMahigit animnapung tao ang nagtipon

Nagtulungan sa pagdilig, pagpabukadkadNg paglaban na lalo pang pinalalakas

Kometibang ibinoto ng kapulunganIpapatupad, mga napagkaisahan

Pauunlarin ang organisasyong masaNg pagpairal ng tunay na demokrasya

Itong samahan ay ating pangalagaanPartido Komunista, tayo’y gagabayan

Maaasahang Hukbo ay katuwang natinUgat ng ating kahirapan, dudurugin!

Tayo na! Sambayanan na nagbabalikwasMagkaisa, magpalawak pa, magpaunlad

Organong pampulitika, ating anihinPunla ng gubyernong bayan na hangad natin!

Page 16: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

16 punla

Page 17: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

17punla

BALAGTASAN

Page 18: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

18 punla

“AY, IYO PALAN”

Tagapamagitan:

Magandang umaga sa ating lahatSa araw na ito’y may magandang magaganapPagkat ngayon pong araw ay magtatagpoAng dalawang magkaibigang, matagal nagkalayo.

Kung kayo’y magtatanong, ako’y magkukuwentoKung ano ang ano, at sino ang sino.Kayo ba’y handa na’t sadyang nagagalakMungkahi ko po lamang, limang bagsak!

Odyens:

Sino?

Tagapamagitan:

Ang aking tinutukoy ay magkababataNa kapwa isinilang sa nayon ng Pag-asaSi Lila ay pumalungsod, doon nag-aralNgayo’y isang guro sa isang pamantasan.

Ang isa ay naiwan sa abang kanayunanIsang magsasakang Sisa ang ngalan.Ngayong kilala na ang mga panauhinMangyaring makinig ang bawat isa sa atin.

Page 19: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

19punla

Ibinubukas ko na itong pagtatanghal,Isang rebolusyunaryong balagtasan!!!

Ngayon ang papaksain ng tagisan ng ating kaisipanAy pagsampa ni Sisa sa Bagong Hukbong Bayan.

Mainit, marubdob ang ating pakikingganIsang mahalagang balitaktakan!

Lila:

Sisa, Sisa, mahal kong kaibiganKung bakit paghuhukbo ay iyong naisipanDi na ba mahalaga iyong mga magulangAng mga kapatid na sayo’y nagmamahal?

Sisa:

Kaibigang Lila, mahal kong kaibiganItong aking gawain ay isang pag-aalayPagsampa sa hukbo’y isang paglilingkodSa malawak na masa ng sambayanan.Ito’y di pagtalikod sa mga magulangSa mga kapatid at mga kaibiganPagkat kung tutuusin ang ating pamilyaAy bahagi nitong inaaping masa.Lahat-lahat nitong mga pagpapagalAy alay sa bayan at pamilyang mahal.

Lila:

Ngunit kung ikaw ay mag-aaral na lamangHigit itong kapakipakinabangKapag may tinapos, may mapapasukanAt kapag nagtrabaho, may pag-unlad ang bayan.

Page 20: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

20 punla

Tulad ko na lamang, isang abang guroSa mga mag-aaral matiyagang nagtuturoUpang sa kinabukasan sila’y mapabutiAt mga natutunan sa baya’y isusukli

Sisa:

Anong tatapusin ng isang tulad koNa wala ni piso, ni singko sentimo.Wala akong pambili nikonting karununganHangad ko mang matuto,wala ring malalapitan.

Di ko naman masisisi, mahalkong mga magulangNa sila mandi’y tumanda sapagbibilad sa parang.

Lila:

Kung kaya ka ba sumali sahukboDahil masama ang loob sa hindipagkatuto?

Sisa:

Sama ng loob ay sadyang mababawProblema ng tulad ko’y hindi malabnawAng tulad nami’y nabaon sa kahirapanDahil sa paghahari ng mga diyus-diyosan!

Page 21: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

21punla

Lila:

Ba’t di ka magsikap na magpaunladMayaman ang lupa na iyong binubungkal!

Sisa:

Mayaman nga ang lupa at ako’y masipagNgunit di ito amin, kundi sa mga tamad!Anong mapapala, anong aanihin?Kanila ang lupa, kanila ang kikitain.

Saan ko pupulutin ang aming pag-asaTunay nga kayang mayroong biyaya?

Lila:

Kaibigan kita, katotong matalikTutulungan kita nang walang kapalit.

Sisa:

Di ako nag-iisa kung iyong nakikitaAko’t ang kauri kong mga magsasakaMga manggagawa’t tulad mong intelektwalAng sipag niyo ba ay nababayaran?Milyun-milyon tayong inaapi ng iilanMilyun-milyon tayong pinagsasamantalahan.

Hindi natin kailangan ng isang limosKundi pagkakapantay at paglayang lubos.

Lila:

Ikaw nama’y malaya bilang sibilyan

Page 22: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

22 punla

Sisa:

Anong kalayaan ang layang sakmal ng kahirapan!

Lila:

Malaya kang namumuhay kaibiganNakapaglalakad, nakapaglilibangAt ngayon sarili mo’y pagmasdanNang ika’y nag-armas, nagtago ka rin lamang!

Sisa:

Pagtatago ba ang pagbase sa masaPagpapalago ng sonang gerilya?Pagtatago ba ang pagtahak ng bundokUpang abutin lahat sa palibot?

Pagtatago ba ang pag-oorganisaAng pag-aaral at pagpopropaganda?Kami’y nagtatayo ng bagong gubyernoPatungo sa lungsod, mula sa liblib na baryo.

Lila:

Huwag mo akong linlangin kaibiganTuwing may sakyada, kayo ay nasaanDi ba’t lumalayo sa mga militarSumusuot sa gubat at mga kadawagan?

Sisa:

Oo’t minsan sa kaaway kami’y lumalayoUpang iligtas ang buhay ng masa at hukbo

Page 23: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

23punla

Lila:

Ba’t di n’yo harapin ang inyong kalabanMagtungo sa plasa at doon magbarilan!

Sisa:

Iya’y labag sa prinsipyo ng digmangbayan!Hambog na gawing sadyang dikailanganKung sapat ang lakas, haharapinang kaawayDudurugin, lalansagin ang kanilanghanayTayo ang magtakda ng laban, ito’yhigit na mahusaySa tamang panahon, mas tiyakang tagumpay.

Lila:

Magdiwang sa panandaliangtagumpayPagka’t di n’yo kailanman magagapiang kaawaySa tagal ng inyong pakikipaglabanNasaan ang bunga, anongkinatunguhan?

Sisa:

Dumadaluyong na paglaban ng bayan!

Page 24: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

24 punla

Lila:

At anong pamamaraan ng inyong gubyerno?Isang pamahalaang namumuno’y armadoWalang pinagkaiba sa batas militarIsang diktadura, pamumunong hangal!

Sisa:

Ang Bagong Hukbong Bayan ay di lantay-militarIsang hukbong mulat at may disiplinang bakalIto’y pinamumunuan ng Partido KomunistaPartidong pulitikal na may rebolusyonaryong linya

Kaugnay sa diktadura ay sadyang tunayPaghahari ito ng sambayananUpang di makabalik pang-aapi ng iilanTitiyakin din nito sosyalismong daan

Lila:

Di ba’t tulad rin ng pwersa armada?

Sisa:

Ang maigi pa’y tanungin ang masaKung sino nga ba ang tunay na hukbo nila

Odyens:

Walang iba kundi ang BaHuBa!

Sisa:

Hukbo ng bayan laban sa naghaharing estadoArmado ng baril at saka prinsipyoPara sa anakpawis, sa pamumuno ng proletaryado

Page 25: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

25punla

Mahalagang sandata sa tunay na gubyerno

Lila:

Wala akong magagawa sa iyong naging pasyaItuloy mo’t isulong, buhay mo’y ikaw ang bahala.Kung mismong pamilya mo, di mo pinakingganAko pa kayang sa dugo’y walang kaugnayan?

Sisa:

Pagtatampo mo’y nauunawaan koNgunit ito’y sinagot ng aming prinsipyoDi ako magsasawang sa iyo ay makinigAt magpaliwanag din ng layon at panig

Bawat pagkilos ay laging pag-aralanKung sino nga ba ang pinagsisilbihan“Para kanino?” ito ang katanunganAng matuwid na isagot “Para sa sambayanan”

Page 26: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

26 punla

Lila:

Madaling sagutin, mahirap panindigan

Sisa:

Ngunit tungkulin itong dapat gampanan

Lila:

Ikaw nga’y matatag, at ako’y humahangaNgayo’y tanggapin mo aking pag-unawaKung mamarapatin ay nais kong makilalaSilang kung tawagin, ay mga Kasama!

Tagapamagitan:

Mainit marubdob ang ating napakingganSingsalimuot din ng ating digmang bayanNgunit ang halaga nitong ating balagtasanAng kaibigang Lila ay naliwanagan.

At sa ating lahat ay nais kong ipaalamAng hukbo at ang masa, laging magtulungan.Higit sa pag-unawa at pagsuportaTungkulin sa bayan ay isipin sa tuwinaPagkat lahat tayo, kailangan mag-ambagSa pagtatayo ng lipunang malaya, mapayapa’tmaunlad.

Page 27: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

27punla

PINSEL

Page 28: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

28 punla

Bas

e

Page 29: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

29punla

LABANANAgresyong US!

Page 30: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

30 punla

Klinikang Masa

Page 31: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

31punla

DULA

Page 32: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

32 punla

BUNGKARAS!

EKSENA 1. Protesta laban sa armadongpanghihimasok ng US sa kasalukuyan.

Nasa isang kilos-protesta ang mga tao laban sapanghihimasok ng US. May isang maslider sa harapan ngmga tao na siyang nang-aahita sa mga kalahok samobilisasyon. Magkakaroon ng pandarahas sa mgaraliyista.

Mga Tauhanisang maslidermga nagra-raliinang bayantagapagsalaysay

Propsmga plakard:

TROPANG KANO LAYAS!GLORIA TUTA NG KANO!US NO. 1 TERRORIST!

Kostyum/KasuotanAng mga artista ay naka-T-shirt at iba pang

karaniwang kasuotan ng mga dumadalo sa rali.

Page 33: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

33punla

MASLIDER: US IMPERIALIST!

LAHAT: NO. 1 TERRORIST!

MASLIDER: GLORIA, TUTA

LAHAT: DIKTADOR, PASISTA!

MASLIDER: IMPERYALISMO

LAHAT: IBAGSAK!

MASLIDER: PYUDALISMO

LAHAT: IBAGSAK!

MASLIDER: BURUKRATA-KAPITALISMO

LAHAT: IBAGSAK!

MASLIDER: GLORIA MISMO

LAHAT: BABAGSAK!

MASLIDER: GLORIA MISMO

LAHAT: BABAGSAK!

MASLIDER: GLORIA MISMO

LAHAT: BABAGSAK!

(Magkakaroon ng patlang ng tatlong segundo kungsaan magkakapit-bisig ang mga raliyista.)

Page 34: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

34 punla

Raliyista 1: Patatagin ang hanay! Walang hihiwalay!

Raliyista 2: Mga kasama, may bumbero!

(Aarteng binobomba ng tubig. Babagsak ang lahat.Magkakaroon ng limang segundong nananatili sa kani-kanilang pwesto ang mga bumagsak. Iba’t ibang pormaat iba’t ibang lebel ng pagbagsak. Sabay-sabay na titindigang lahat. Maaaring magkaroon ng hudyat sa pagtindig.Maaaring gumamit ng tunog mula sa odyens o kaya aymula mismo sa mga kalahok.

Sa pagtindig muling ibabalik ang sarili sa tagpo/lunan ng raling dinadahas.)

Raliyista 3: Nandyan na ang mga pulis!

(Aarteng dinadahas ng mga pulis ang mga nagra-rali. May ilang babagsak, may ilang akmang lalaban gamitang mga dala-dalang plakard. Titigil ang lahat habangmantinido ang kanilang pusisyon at porma. Papasok siInang Bayan at sasayaw.)

MUSIKA Unang istansa ng “Huwad na Kalayaan”.

(Exit sa entablado ang mga gumaganap.)

TAGAPAGSALAYSAY: Inaalingawngaw ng mga sigaw ngprotesta ang hibik ng bayang Pilipinas nang lupigin ito ngmananakop na Amerikano. Agosto 1898, hinablot ngagilang mandaragit ang kalayaang pinagbuwisan ng libu-libong buhay ng mga magigiting na anak ng bayan.Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero4, 1899 nang pataksil na salakayin ng mga tropangAmerikano ang mga Pilipino sa paligid ng Maynila.

Page 35: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

35punla

EKSENA 2. Balik-tanaw sa Digmaang Pilipino-Amerikano at sa Pakikidigmang gerilya ng mgaBikolano

Magsasagawa ng reyd ang mga gerilya sa isang garisonng mga sundalong Amerikano. Gagamit sila ng lalangupang makadikit sa garison. Magiging matagumpay angreyd na ito.

Mga Tauhanapat na sundalong Amerikanoisang sundalong Pilipino na nasa panig ng mga

Amerikanotatlong lalaking gerilyaisang babaeng gerilyatagapagsalaysay

Propsmga riple para sa mga sundalong Amerikanoisang rebolbergulok/sundangbilaobasketbarahabarya

Kostyum/Kasuotanplain na kamisa de chino para sa mga lalaking gerilya

at parkang pantalonsalakot/sombrerong burinaka-itim na pantalon at long sleeves ang mga

sundalong Amerikanomahabang palda para sa babaeng gerilya at blusa

Page 36: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

36 punla

TAGAPAGSALAYSAY: Sa harap ng panlilinlang atmarahas na pananalakay ng imperyalismong US, sumukoang pamahalaang Aguinaldo. Ngunit ang alab ngrebolusyon ay nanatiling buhay at pumipintig sa dibdibng sambayanang Pilipino. Ipinagpatuloy nila ang armadongpaglaban sa bagong mananakop na dayuhan.

Sa Kabikolan, ang mga Bikolano ay nag-armas atnaglunsad ng pakikidigmang gerilya. Mahigit 1,500 kataona nasasandatahan ng di-hihigit sa 150 baril at mgasundang ang magiting na nakipaglaban sa mga tropangAmerikano na higit na mas malakas, at nasasandatahanng mahuhusay na riple at masinggan.

Isang malaking tagumpay ng mga gerilyang Bikolanoang reyd sa garison ng mga tropang Amerikano sa Oas,Albay.

(Nakaposte sa labas ng garison ang dalawangsundalong Amerikano. Sa loob ng garison ay nagbabarahaang CO at isa pang sundalong Kano habang naka-upo saisang tabi ang isang sundalong Pilipino.)

CO: (sa sundalong Pilipino) Hey you! Make some coffee!

(Lalabas ang sundalong Pilipino upang magtimplang kape. Sa labas ng garison, maglalakad-lakad ang isanggerilyang babae na nagpapanggap na namamasyal.Sasalubungin siya ng kumander ng mga gerilyangnagpapanggap na tindero ng daing. Aalukin ng paninda.Iisnabin. Ngingitian at kakawayan ng gerilyang babae angdalawang talibang sundalong Kano. Layunin nitong maakitang atensyon ng mga nakaposteng sundalong Amerikanoupang huwag mahalata ang papalapit na nagtitinda ngdaing na gerilya. Sisipulan siya ng isa sa mga sundalo.Ang dalawa pang gerilya ay nagkakara y krus sa may gilidng kalsada. Ang mga baril at sundang ng mga gerilya aynakatago sa loob ng basket at bilao.

Page 37: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

37punla

Kunwa’y matitisod ang may tindang daing. Hudyatna iyon. Sabay-sabay na bubunot ng baril at sundang angmga gerilya. Magka-badi ang isang may gulok at isangmay baril na gerilya. Simula na ng barilan.

Mga tatlong minutong palitan ng putok. Unangmamamatay ang isang naka-poste na masisignal payr ngmay tindang daing na gerilya. Sumunod ang sumipol, nababarilin ng babaeng gerilya gamit ang rebolber. Angkalaro sa baraha ng CO ang matagal na makikipagbarilanngunit mapapatay rin ng dalawang gerilyang nagkakara ykrus. Ang CO ay akmang tatakbo sa likod nang makitangpatay na ang mga kasamahan niya. Aabangan siya ngsundalong Pilipino na inutusang magtimpla ng kape.Tutukan ng baril at papasukuin ang CO. Lalabas nakapanalig pala ng mga gerilya ang alalay ng mga Kano nasundalong Pilipino.)

KUMANDER: Abante! Kuanon an gabos na riple asin mgabala. Mag-likay, tibaad may buhay pa sa kaiwal.

(Aabante ang mga gerilya at sasamsamin ang mgaarmas.)

KUMANDER: Atras na. Alerto man giraray.

(Dahan-dahang aatras ang mga gerilya ngunit alertoat nakatutok ang mga baril sa garison at sa paligid.Kasabay na nila ang nakatulong nilang sundalong Pilipino.

Lalabas na rin sa entablado ang mga sundalongAmerikano matapos lumabas ang mga gerilya.)

Page 38: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

38 punla

EKSENA 3. Pulong ng mga gerilya

Pakurba ang magiging plastada ng mga gerilya. Sa harapannila ay ang tumatayong kumander. Magkakaroon sila ngpulong tungkol sa inilunsad na reyd at kung paano pamapapahusay at maisusulong ang pakikipaglaban samananakop na Amerikano.

Mga Tauhanang mga gerilyang naglunsad ng reyd kasabay ang

sundalong Pilipino na nakatulong nilaProps

mga ripleKasuotan

Kamisa de chino at parkang pantalon

KUMANDER: Mahusay an satuyang taktika, mga kasama.Nakakumpiska kita nin kwarenta y otso na riple asin milkinyentos na mga bala.

GERILYANG BABAE: Kun siring, kaipuhang sunudan tulosan opensiba laban sa mga lintik na imperyalistang Kano!

KUMANDER: Luway-luway sana mga kasama. Kunghihilingon ta, kulang pang marhay an satuyang mga riplekumpara sa mga kaiwal. Masakit an daguso sana nindaguso lalo pa ta makusog na marhay an pwersa kankaiwal. Kaipuhan an mahusay na paghahanda.

Page 39: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

39punla

GERILYA 1: Ano daw an marhay tang gibuhon?

KUMANDER: May naisip akong taktika. Nin huli ta kulangkita nin mga armas, pwedeng gamiton ta an mga sundang,pana, garod, asin manlaen-laen na mga patibong arogkan sugyang, li-tag asin iba pa. Sa paagi nin lalang,makakaagaw kita nin armas sa mga nagsosolo-solongKano o kaya sa laog kan saendang harong. Pero kaipuhankaini mga kasama an dakulang sakripisyo asin tabang kannamamanwaan.

GERILYANG BABAE: Aw, tano ta yaon pa kita digdi kundai kita handa sa sakripisyo asin kagadanan?

KUMANDER: Sa mga masunod tang atake, an mganakasundang papalibutan an mga naka-riple habangnamumutok. Obheto kaining proteheran an mga may badilpara dae maagaw kan mga kaiwal an satuyang mga riple.

GERILYA 3: Kung iyo an kinakaipuhan, handa akongmagsakripisyo asin hampangon ang kagadanan para sakalayaan! Maski ano gigibohon para madaog an mgamananakop na Amerikano.

GERILYA 2: (tatayo) Maski ako man!

KUMANDER: Dae ta paglingawan na kapag pinagmamaw-ot kan mga tawo an kalayaan, sinda malaya na!

GERILYA 4: Mabuhay ang kalayaan! Mabuhay ang InangBayan!

LAHAT: Mabuhay!

Page 40: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

40 punla

EKSENA 4. Sa isang baryong sinona ng mgasundalong Amerikano sa panahon ng DigmaangPilipino-Amerikano

Ang tatlong sibilyang babae ay babalik sa kanilang datingtinitirhang kubo. Haharangin sila ng mga sundalongAmerikanong nagso-sona sa baryo.

Mga Tauhantatlong kababaihan, ang dalawa ay mag-inatatlong sundalong Amerikanoinang bayanmagtutulamaggi-gitaratagapagsalaysay

Propsistruktura ng isang kubosulo na may gaslighter (mainam kung zippo, kung wala, posporo)mga riple para sa mga sundalong amerikanobayonetarebolbersundang

Kasuotan/Kostyumnakapaldang mahaba at naka-blusa ang mga

kababaihannaka-itim na kostyum pa rin ang mga sundalong

Amerikano

Page 41: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

41punla

TAGAPAGSALAYSAY: Sinimulan ng imperyalistangAmerikano ang “kampanyang rekonsentrasyon” opagsosona ng populasyon noong 1901. Tinipon ang mgasibilyan sa mga pueblo at baryo upang pagkaitan ngsuportang pagkain at iba pang pangangailangan ang mgarebolusyonaryong gerilya.

Pinagbawalan ang mga kalalakihan, kababaihan atmga bata na lumabas sa minarkahang “deadline” ohangganan ng sona. Ang sinumang sumuway ay itinuringna kaaway at pinagbabaril. Ang naiwang mga bahay,pananim, alagang hayop at iba pang ari-arian aysistematikong sinunog, sinira o kaya ay pinatay.

Mula 1899 hanggang 1919, ipinatupad ngimperyalistang US ang malahalimaw na henosidyo opaglipol sa mga Pilipino. Umabot sa mahigit 1.4 milyongPilipino ang pinatay sa buong kapuluan.

Sa lalawigan ng Samar, iniutos ng isang heneral naAmerikano na patayin ang lahat ng may edad sampungtaon pataas sapagkat may kakayahan nang humawak ngarmas.

(Papasok ang mga kababaihan. Sa bandang harap nila aymakikita ang kubong babalikan nila. Sasalubungin sila ngisang sundalong Amerikano na naka-bayoneta. Titinginsa kanila ng matalim. Hinto ng tatlong segundo. Itutulakng nasabing sundalo ang ina. Bahagyang mapapa-atrashabang ang anak ay nakakapit sa nanay.

Ang pangatlong babae naman ay akmanghahakbang at lalaban. Itutulak ng pangalawang sundalo.

Ngingisi-ngisi at nakatingin lang ang pangatlongsundalo sa tabi ng kubo.

Itutulak ulit ng sundalong nakabayoneta ang mag-ina. Aatras ang dalawa.

Tututukan ng pangalawang sundalo ang pangatlongbabae.

Page 42: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

42 punla

Tututukan din ng sundalong nakabayoneta ang mag-ina.

Hahawakan ng pangatlong sundalo ang sulo.Sisindihan at akmang susunugin ang kubo. Biglang tatakbopapuntang kubo ang anak.)

ANAK: Huwag!

(Sasapakin ng pangatlong sundalo ang anak.Babagsak. Sumisigaw na susugod din ang ina upangsaklolohan ang anak.)

NANAY: Aki ko!

(Magagalit ang pangatlong babae. Sisigaw ng malakas atbubunot ng sundang. Babarilin ng pangalawang sundalo.Dahan-dahang babagsak ang babae na nakahawak sadibdib. Makikita ng Nanay at tatakbo rin, habanghumihibik, upang saklolohan ang kasamahan niyangbabae. Pagdating niya sa tapat ng kasamahan niya,babarilin siya ng rebolber sa ulo ng pangalawang sundalo.

Humahagulhol na gagapang palapit sa kanya anganak.)

ANAK: Nanay! Nanay!...

(Lalapit ang sundalong nakabayoneta sa anak nagumagapang. Pagtapat, buong-diin na sasaksakin ngbayoneta ang likod ng bata. Dahan-dahang papaikutinhabang ibinabaon ang bayoneta. Makikitang unti-unti ringnalulugmok padapa ang bata. Didiinan ng kombat nasapatos ang likod ng bata upang hugutin ang bayoneta.Pupunasan ng panyong nasa balikat ng bata ang duguangdulo nito.

Ipagpapatuloy ng pangatlong sundalo ang pagsunogsa kubo habang ipapakitang may sinisira at sinisipa ang

Page 43: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

43punla

pangalawang sundalo. Nakangisi lamang ang sundalongmay bayoneta. Titigil ang lahat sa kani-kanilang pusisyon.

May mag-gigitara ng malungkot na himig ng “AngBayan Ko” at may magtutula ng “Kung Tuyo Na AngLuha Mo Aking Bayan” habang isinasagalaw ito ni InangBayan.

KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluhaang kawawaang kapalaran ng lupain mong kawawa:ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika;ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya,labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila.

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan;katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,katulad mo ay si Sisang, binaliw ng kahirapan;walang lakas na magtanggol, walang tapang nalumaban,tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kungnakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakopna sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampabusog:ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang agdaluyong,kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungolkung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,lumuha ka nang lumuha’t laya mo’y nakaburol.

Page 44: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

44 punla

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,may araw ding di na luha sa mata mong namumugtoang dadaloy, kundi apo’y, at apoy na kulay dugo,samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong suloat ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punlo!

Pagkatapos ng tula, lalabas na sa entablado angmga artista.)

Page 45: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

45punla

EKSENA 5. Tula-galaw tungkol sa pananakop ngUS at paglaban ng masang anak-pawis

Poporma ng hugis tatsulok ang mga tauhan. Nasa unahanang hukbo. Sa huling bahagi, baliktad na tatsulok anggagawin.

Mga Tauhanisang magsasakaisang manggagawaisang hukbo

Propsisang karetisang masoM16 na armalayt

(Unang papasok ang Hukbo. Magpi-fix bayonet. Ang hulingtatlong kilos ng fix bayonet lamang ang kanyang gagawinat hinintong naka-half squat na nakatudla.)

HUKBO: Punglo na magmumula sa baril ng himagsik. Himagsik nitong bayang patraydor na nilusob. Dugo ay pinatigis, laman ay sinibasib, ng dayong mandaragit na sa ati’y lumukob.

(Papasok ang manggagawang may hawak na maso. Mulasa likurang kaliwang bahagi ng entablado, pahilis na kikilospapunta sa kanang likurang bahagi ng hukbo. Ibinabayoang masong hawak na animo’y may tinitibag na paderhabang umaabante. Hininto kapag halos isang talampakanna lamang ang layo sa nakatudlang hukbo. Itataas ngkaliwang kamay ang maso.)

Page 46: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

46 punla

MANGGAGAWA:Nilinang na linikha nitong isip at bisig,Nais mang matamasa, datapuwa’t hinablot,Ng kuko ng gahamang imperyalistang US.Kamao nati’y saklot, hindi makahulagpos.

(Papasok ang magsasakang may hawak na karet. Mulasa kanang likurang bahagi ng entablado, pahilis na pupuntasa kaliwang likurang bahagi ng hukbo. Habang umaabante,umaarteng may ginagapas na palay. Hininto kapag halosisang talampakan na lamang ang layo sa hukbo. Itataasng kanang kamay ang karet.)

MAGSASAKA:Bunga’t butil ng parang na ating binubungkal,Sa tiyang kumakalam, ‘di man lang maisapin.Ni mumo’y ‘di natirhan, buu-buong tinangay,Habang sakop ang bansa, nitong agilang sakim.

LAHAT: Ngayon na ang panahon upang tayo’y lumaban!

HUKBO: Sa sanlaksang pinaslang, mananakop, singilin!

(Aabante ng dalawang hakbang ang manggagawa.)

MANGGAGAWA: Kamay na lumilikha, umigkas sagahaman!

(Aabante ang magsasaka ng dalawang hakbang.Ipagsasalikop ang karet at maso.)

MAGSASAKA: Luwal ng ating parang, sa agila’y bawiin!

(Papasok ang lahat na artista bilang sambayanangnagmamartsa, lumalaban. Magsisimula sa kaunti,hanggang sa paparami nang paparami, habang kinakantaang “Martsa kan Bikolandia.”

Page 47: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

47punla

MARTSA KAN BIKOLANDIAIntro:C - G - D

I. G D G - G7Oya na ining martsa C GNamamanwaan kan Bikolandia Am D G EmMay dara-darang protesta E E7 D - D7Laban sa mga kaiwal ta

II. G D G - G7 C G-G7An enot imperyalismo, nagsusupsop kan ekonomiya ta C Cm G-E Am E D-D7Ikadua an pyudalismo, nagkakamkam kan mga daga ta G D G -G7 C Cm GBurukrata kapitalismo (ikatulo!), simbolo kan lapangestado C Cm G-E C D G -D7Pasismo an pipahiro ta nganing kita magruro

III. G G7Madya na kabanwaan C G-G7Magkasararo kita makilaban C Cm G - EProblema tauhan tang solusyon C D GIuswag ta ining rebolusyon

(Ulitin III) ... REBOLUSYON! REBOLUSYON!

Page 48: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

48 punla

Ang manggagawa, magsasaka at hukbo aymananatili sa kanilang pusisyong baliktad na tatsulok.Mananatili ring nakatudla ang Hukbo, at nakasalikop angkaret at maso.)

Page 49: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

49punla

KWENTO

Page 50: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

50 punla

Ka Jason

“Patayin na natin ang mga ‘yan, ser!”

Sumambulat sa tenga ni Toto ang sinabi ng sundalo.Umaalingawngaw pa sa kanyang pandinig ang mgapagsabog at putukan ngunit heto’t patuloy pa ringtumatarak ang mga salitang ibinubuga ng bibig ng mgamilitar.

“Sige, tuluyan ‘nyo na! Pag binuhay pa natin ang mgatarantadong ‘yan, tiyak babalik din naman ang mga ‘yansa pag-NPA.”

Bihasang mamamatay-tao ang panggagalingan ng gayongmga salita, sa wari ni Toto. Mula sa pagkakadapa sa maykanal malapit sa bahay, bahagya niyang iniangat ang uloat itinapon ang tingin sa pinagmulan ng tinig. Pinadilimng mga nagkalat na militar ang paligid ng kabahayan.Mayroong mangilan-ngilan pang sumusulpot mula sa mgakadawagan. Iisa ang hugis ng mga militar. Pawang mgaanino sila sa paningin ni Toto.

Hinagilap ng mga mata ni Toto ang mga kasama. Salikod ng humahambalang mga anino, nakilala niya angtatlong kasama sa gitna ng oma. Tatlo sa kanila ang ligtas

Page 51: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

51punla

na nakalusot sa mga kaaway. Maaga namang nalugmoksi Ka Sonny sa signal payr ng mga berdugo. Sina KaRyan, Ka Joy, at Ka Dani na lamang ang nakukubkob ngmga militar.

Kagabi lamang ay maaliwalas ang mukha ng mga kasamanang dinatnan siya sa payag. Nauna nang umuwi angkanyang tatay sa sentro ng baryo habang siya aynagpaiwan dahil ngayon sana ay bibisitahin niya ang mgabubo na itinaan sa ilog. At kanina nga, habangpinagsasaluhan ang almusal na kanin at magi, masiglangpinagplanuhan ng mga kasama na makikihuli na rin silang kasili at nang may maiulam sana ngayongpananghalian. Sa gitna ng kanilang pag-uumpukan aykinukulit niya ang yunit nina Ka Ryan na siya’y isabay na.Kinukumbinsi niya ang mga kasama na kaya na niyangmagdala ng baril, at inihanda niya na rin ang kanyangmagiging pangalan sa pakikibaka. At katulad ng mganakaraang pagbase ng mga kasama, isinusukat niya angamopawts at iminumwestra ang pagkakabisa niya saarmalayt. Sa tindig at pangangatawan ni Toto, maramingnaipagkakamali ang kanyang edad na katorse. At sambitniya nga sa mga kasama, kakayanin niya kahit M-14. Perohindi, mahinahon na palaging tinuturan ng mga kasamana kailangan niyang maghintay hanggang umabot siyang disiotso. Mahigpit ang mga patakaran ng hukbo.

Ilang panahon na rin lang naman, baka pupwede na. Lagi’tlagi niya ring i-aapila. Ngunit katulad din sa nakaraan,kapag napansin na ng mga kasamang nagtatampo na siToto, mauuwi ang kanilang kumbinsihan at paliwanagansa pagpapangako na sa mismong ika-disiotsong kaarawanniya, sila mismo ang susundo sa kanya. At sapinakahihintay niyang araw na iyon, sa araw na siya aymagiging Ka Jason, tinitiyak sa kanya ni Ka Ryan, ito mismo

Page 52: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

52 punla

ang maghahatid ng kaniyang magiging isyung armas.

Subalit ngayon, nilalambungan ng mga hugis ng militarang pangakong liwanag na ihahatid ng mga kasama. Walani anumang pahiwatig na ang umagang ito’y may balabalng bangis. Wala namang paabot na may militar sa baryo.At tiyak naman ng mga kasama na walang nakakita nangdumating sila sa liblib na payag na ito.

Itinuturing ng mga kasama na mag-ina ang payag sa omaat ang gulod na nakapalibot dito. Ang dampa ay muntingbata na kinukupkop ng mga bisig ng inang gulod. Sabahaging Kanluran ay umuunat ang ilog na tumatawid saomahang nasa sinapupunan ng mag-ina. Ngayon, angkanilang kanlungan ay nilalapastangan na ng mga militar.Nagsimula ang bangungot ni Toto nang mabungaran niyaang mga militar sa gulod. Pinakiusapan siya ng mgakasama na bumili ng pang-rekado, at naisip niyangdumaan sa likod, paakyat sa gulod. Ang maliit na daansa likod ng payag, bagamat matarik, ay dumudugtong sakalsada papunta sa sentro ng baryo.

“Psst.” Taglay ang bangis ng mahinang boses na narinigni Toto. “Huwag kang tatakbo. May mga NPA diyan sababa, ano?” Nagitla si Toto sa bumulaga sa kanya.Nakatutok sa kanya ang baril ng militar na ilang dipalamang ang layo. Animo asong ulol ito na nakatago sapuno ng mangga. Nanlilisik ang mga mata at anumangoras ay handang dambahan ang sinumang mabibiktima.

Sa isang iglap, naramdaman ni Toto ang pag-akyat ngkanyang dugo. Kasabay ng pagguhit ng init sa likod ngkanyang tenga. Nangilabot siya. Ang mga kasama! Walasilang alam sa nakaambang panganib! Umigkas ang mgapaa ni Toto pababa ng gulod. Napatid siya sa makipot namga baytang at dumausdos siya, gumulong, ngunit

Page 53: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

53punla

nagpatuloy sa pagtakbo. Ang mahalaga’y makabalik siyasa bahay at mapaghanda ang mga kasama. Angmahalaga’y kahit sa gipit na panahon, kahit nasa bingitna ng tiyak na kapahamakan, ay mapaabutan niya…

Pang!

Sumambulat na ang signal payr. Dito na sa kanal sa maygilid ng bahay niya ihinagis ang sarili nang bumugso angputukan at pagsabog. Tumitilamsik ang lupa sa paananniya. Humahaginit ang mga punglo sa kanyang uluhan.Sibilyan siya, alam iyon ng mga militar. Ngunit walanghabas ang pagpuntirya rin sa kanya, liban pa sa pagsumpitng bala sa payag. Kung hindi siya nagpatihulog sa kanal,tiyak niyang nasapol siya ng lanser. Yakap niya ang lusaknang humupa ang putukan.

“Tapusin na ang mga ‘yan!” Muling suminghal ang upisyal.Ipinilig ni Toto ang kanyang ulo upang itaboy angbangungot na ito. Ngunit bawat pagdumilat niya aypagmulagat din ng panibagong masamang pangitain.Inapuhap muli ni Toto ang mga kasama. Nakabaon angkanilang mga binti sa putik ng oma. Naubusan na sila ngbala. Inaalalayan ni Ka Ryan ang sugatang si Ka Joy.

Page 54: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

54 punla

Nasa harapan nila si Ka Dani. Ibinaba na ng mga kasamaang kanilang mga baril at pak. Kanina ay kinokoberannina Ka Ryan at Ka Dani ng putok ang sugatang kasama.Ngunit sa mga sandaling ito, walang ibang pananggol angtatlong kasama kundi ang nakatungong magyakapanhabang dinuduro sila ng pagmumura at hiyawan ng mgamilitar.

“Kakainin namin ang mga bayag ninyong mga tarantadokayo!” “Babalatan namin kayo ng buhay!” Naninibasibang kabangisan ng dila ng mga militar. Bawat isa’y walangpuknat sa pagbibitaw ng mala-halimaw at nag-uulol namga salita. Walang humpay ang palitan ng wala sakatinuang mga tinig at ingay. Paparami, papalakas anghiyawan at bulyawan. Binibingi si Toto.

Page 55: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

55punla

Pang!

Naulinigan ni Toto ang pagsingit ng isang putok sa gitnang kahibangan ng mga militar. Sinundan iyon ng isa pa.At ang isa pa ay sinundan na ng nag-uunahang putok ngmga armalayt at M-14. Nagsasalimbayan na ang putukanat hiyawan ng mga militar.

Unang bumulagta si Ka Dani. Halos magkasabay namanghumandusay ang mga katawan nina Ka Ryan at Ka Joy.Manaka-naka pa ring pinapuputukan ng mga militar angmga bangkay ng kasama. Humudyat ang upisyal na itigilang pamumutok, ngunit nagpatuloy ang hiyawan. Isangsundalong may suklob na bonnet ang mukha ang lumusongsa putik ng oma. Nilapitan nito ang nakalugmok na mgakasama, iniumang ang armalayt, at nang hindi nakuntentosa kanyang puwesto ay lumipat sa panibagong anggulo.Nang sa palagay niya’y wala nang makakaligtas sakanyang sipat, tatlong putok ang ibinuga ng kanyang baril.Isa sa bawat ulo ng mga kasama.

Tatlong pagtungkab sa kalooban ni Toto ang tatlong putokna iyon. Bawat pag-igkas ng ulo ng pinaslang ay pagsabogng kanyang dibdib. Bawat pagpulandit ng dugo ay pagsaidsa kanyang mga pintig. Bawat pagkalagas ng kasama aymalalim na kahungkagan sa kanyang buhay. Lalo pangnangulimlim ang paningin ni Toto. Umalagwa na ang pag-agos ng luha niyang pinapait ng galit.

Ang mga kasama. Nag-unahan sa pagsulyap sa gunita niToto ang mga pagkakataong kapiling niya ang mgakasama. Kina Ka Ryan siya natutong magbasa atmagsulat. Naalala niya ang mga tawanan at ang mgaseryosong talakayan. Naalala niya ang pagpapaturo niyasa mga kasama ng pagsirko, ng pag-dayb na sinusundanng paggulong sa kinalapagan. Ang aming mga kasama.

Page 56: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

56 punla

Ang mga katu-katulong namin sa oma. Ang nagmulat saamin. Ang nagpasigla sa mga rebolusyonaryong awit atnagbigay-buhay sa mga kwento at tula. Ang nagpalakasng aming loob. Nagturo sa aming lumaban. Ang mgakasama ang tanging nagbigay sa amin ng pag-asa.

Tinanggal ng berdugong sundalo ang bonnet nito.Sumilakbo ang dugo ni Toto nang malantad ang mukhang lalaking makailang-beses na ring nakapunta sa payag.Ang baguhang-mukha sa baryo na nakilala nilang Russelat malayong kamag-anak ng isa sa mga kasapi ngorganisasyon. Ilang beses na nitong inabutan ang mgakasama at ang sabi’y naghahanap umano siya ng mgamailap na hayop na maaaring ibenta sa bayan. Kaya palamakailang-pagkakataon na ring muntik mapalaban angmga kasama. Kaya pala unti-unting nasususog ng mgamilitar ang mga pinagbabasehan ng mga kasama. Maydemonyong nakapasok sa pusod ng baryo!

Tiim-bagang sa pagluha ngunit walang patumangga angpagsambulat ng poot sa loob ni Toto. Mula sapinagkukublihan ay tahimik ngunit buong tindi niyangipinupukol pabalik sa mga militar ang kanilang mga“Tarantado kayo” at mga “Hayop kayo, kahit para sakanya’y hindi sapat na murahin lamang ang mga ito. Gustoniyang gumanti. Gusto niyang iparanas sa mgawalanghiyang militar, sa traydor na giya, ang higit pa saginawa nila sa mga kasama. Kulang pa ang balatan silang buhay. Kulang pa ang pulbusin sila ng bala.

Pero hindi. Kung buhay ngayon si Ka Ryan ay muli nitongsasabihin na kailangan niyang huminahon. Mas asintadoang ating armas kung kapanatagan ng prinsipyo angsumisipat at hindi kapusukan. Minsa’y inudyukan niyaang mga kasama na sagupain ang mga militar nang mag-

Page 57: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

57punla

operasyon ang mga ito sa katabing baryo, ngunit hindinauubusan ng paliwanag ang mga kasama. Hangga’tmaaari ay umiiwas tayo sa di-kinakailangang mgasakripisyo. Hayaan silang tumugis at suntukin ang hangin.Tayo ang magtatakda ng tipo at panahon ng laban.

Kailangang humulagpos ni Toto sa bangungot na ito. Hindiniya hahayaang lubusang makapanaig sa umagang ito angmga militar. Napatay nila sina Ka Ryan, pero hindi siyapapayag na tuluyang kitlin ang naiwang diwa ng mgakasama.

Marahang umusad si Toto. Pigil ang hiningang iniangatniya ng unti-unti mula sa pagkakalapat ang kanyangkatawan at nagsimulang gumapang papalayo. Walangkaluskos na dapat malikha. Walang galaw na dapatgumambala sa manipis na damuhang nagbabalatkayo sakanal at sa kanya.

“Nandiyan lang ‘yon! Hanapin sa paligid!” Tiyak ni Totona siya ang hinahanap ng mga demonyo. Ngunit hindi nasiya pinanindigan ng balahibo tulad kanina. Kasing tatagng mga kasama sa gitna ng kubkob, nagpatuloy siya sapagsuong sa madawag at maputik na kanal. Nagsimulana naman ang paghiyaw ng mga militar ng kanilang mgakahibangan. Ngunit kaululan na lamang ito para kay Totoat hindi niya itutulot na gumimbal pa sa kanya. Nagpatuloysiya sa paggapang, panaka-nakang lumilingon sakinaroroonan ng mga militar na unti-unti na ringnakakalapit sa panghahalughog sa mga inaakalangpinagsiksikan niya. Kailangan niyang makadikit samadawag na bahagi patungo sa ilog at maglaho dito.Sinamantala niya ang saglit na pagkalingat ng militar,inigkas ang katawan at tinakbo ang patungong ilog.

“Hayun ang tarantado!”

Page 58: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

58 punla

Pang! Pang!

Muling nagsalimbayan ang putukan at pagmumura ng mgamilitar.

Pang!

“Wala kang matatakbuhan, hayop ka!”

Ngunit hindi na natinag ng pag-ulan ng punglo atmasasahol na salita ang kabuuang-loob ni Toto. Tatawirinniya ang lantad na damuhan na humahati sa kadawaganat sa kinaroroonan niya.

Pang! Pang! Pang!

Itinilapon ni Toto ang sarili at dinayb ang damuhan.Nagpakahusay siya sa mga itinuro ng mga kasama. Hindisila mabibigo sa kanya.

Pang! Pang!

Unang lumapat sa damuhan ang palad ni Toto, hanggangsumunod na gumulong ang ikinurbang katawan. Alamniya kung saan umatras ang mga nakaligtas na kasama.Iuulat niya ang paggiya ng traydor. Kung hindi pa itotatalilis at magpapakalayu-layo sa baryo, mapapaaga angkaparusahan niya.

Pang!

Sinundan pa ni Toto ng ilang paggulong ang kanyangpaglapag, at muling tinakbo ang kadawagan. Hindi niyainiinda ang mga sanga at batong muling kumakahig sakanyang mga braso’t binti. Hindi pansin ng kanyangtalampakan ang dulas ng mga bato at tinik sa mga

Page 59: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

59punla

kasukalan. Tuluyan siyang naglaho patungo sa ilog. Ligtasna siya mula sa mga demonyo.

Patuloy pa rin sa pagpapaputok ang mga militar ngunitnakalayo na si Toto. Kahit maghabol pa sila’y kaya niyasilang iligaw sa mga bulubundukin ng baryo.

Tiyak ang mga hakbang at alerto ang mga mata ni Toto.Matalas ang kanyang pakiramdam sa maaaring magingblaking ng mga militar. Natatanaw na niya ang dulo ngkasukalang iyon. Naaaninag na niya ang kanyangpatutunguhan.

May puwang siya sa rebolusyon. Hindi lamangpakikipagbarilan ang gawain sa rebolusyon, sinabi sa kanyang mga kasama. Malaki ang maitutulong niya upangmakaiwas sa kapahamakan ang mga kasama at mulingpasuntukin sa hangin ang mga militar. Marami pa siyangmai-aambag na panahon at kakayahan sakinapapaloobang grupohan.

Tiyak niya, simbilis ng kanyang mga paa ang paglipad ngpanahon. Pakiramdam niya’y hindi na nga magtatagal atsiya’y magiging si Ka Jason na. Ngayon pa lang,pakiramdam niya’y isa na siyang pultaym.

Page 60: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

60 punla

Lambong Sa Gunita

“Hay salamat at makakapagpahinga na rin ang mga paako,” sambit ko sa aking sarili ng maka-regrup sa mgakasama sa isang probinsya sa Bikol. Kahit pagod ako samaghapong lakaran ay hindi maalis sa aking mukha angkatuwaan sa muli kong pagkadestino dito sa rehiyongaking kinalakhan. Halos dalawampu’t walong taon na rinang lumipas nang huli akong kumilos dito.

“Magkape ka muna, kasama.” Si Ka Arman, mahigitapatnapung taong gulang na sa aking tantya, tahimik peropalangiti.

“Kumusta dito sa erya?” Sinimulan ko ang amingtalakayan. Humigop muna ito ng kape bago nagsalita.

Habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha nito atmatamang nakikinig sa kanyang mga kwento ay unti-unting nabubuo ang isang kwentong kanina pa naglalarosa aking isipan. Oo. Ang kwento ni Dan.Ang kwento ng tatlong kalalakihan sa aming baryo noong1975. Aktibista pa lamang akong kumikilos sa isangorganisasyon para sa karapatang pantao. Panahon ngbatas militar ng diktadurang US-Marcos.

***

Page 61: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

61punla

Araw ng Sabado noon nang magkayayaang mangharanasina Dan at ang dalawa nitong kaibigan sa mgakadalagahan sa kanugnog na baryo. Isinama rin nila angpinsan ni Dan na si Obet at ang kaibigan nitong si Tito.

“Hindi na dapat sumasama sa mga lakad ng binata angmga tulad n’yong may asawa na,” biro ng magkakaibigankina Obet at Tito.

“Aba’y di hamak na mas may boses naman yata kami sainyo.” Nagpatuloy ang biruan ng mga magkakaibiganhabang binabagtas ang daan patungo sa kabilang baryo.

Mahusay ang naging pagtanggap sa magkakaibigan ngpamilya ng kanilang mga hinarana. Nalibang sila ng hustosa kwentuhan at kantahan kaya’t madaling araw na nangmagpaalam ang lima.

“Ingat kayo sa daan,” paalala ng mga hinarana. Ihinatidpa sila ng mga ito sa tarangkahan ng bakuran.

***

“Mukha yatang aabutan tayo ng ulan ah,” banggit ni Dansa mga kaibigan na sinagot naman ng katahimikan.

Maya-maya’y nagsalita ang isa. “Nabalitaan n’yo ba angnangyari kahapon ng umaga sa Rangas?”

Walang kumibo sa apat. Alam nilang lahat ang nagyaringambus ng mga NPA sa militar. Napatay ang kumander ngmga militar na kagagradweyt pa lamang sa PMA.

“Kinakabahan ako. Baka makasalubong natin ang mgamilitar.” Ibinoses ni Tito ang agam-agam ng lahat.

Page 62: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

62 punla

“Naku, malayo ‘yun dito. Apat na baryo pa ang pagitannatin,” pagbawi ni Dan. “Ano ka ba Tito, dapat nga ikawang nagpapalakas ng loob namin. Ikaw ang nakatatandasa atin, tsaka may pamilya ka na.”

“Iyon na nga e, may pamilya na kaya nag-aalala ako.”

Wala nang dumugtong pa sa pagtatalo ng dalawa. Tahimikna nagpatuloy ang magkakaibigan sa paglalakad.

“Ano kaya kung dun tayo magpaumaga sa abandonadongbahay sa gilid ng daan,” bigkas ni Obet. “Magpapalipaslang tayo ng oras hanggang sa magliwanag. Mahirap na,baka masalubong natin ang mga militar.” Kaagad nasumang-ayon sina Dan at Tito. Samantalang ang dalawanilang kaibigan ay nagpasyang umuwi dahil may trabahopa sila sa bukid sa umagang iyon..

***Nagkalat ang mga lumang damit sa sahig ngabandonadong bahay. Maliban sa maalikabok na papagat mahabang upuan ay wala nang iba pang gamit sa loob.Pumwesto ng higa sina Obet at Tito sa papag samantalangsi Dan naman ay sa mahabang upuan.

Binasag ng malakas na buhos ng ulan ang nakabibingingkatahimikan ng gabi. Hindi dalawin ng antok si Dan. Kaninapa siya kinakabahan. Paminsan-minsa’y sinusulyapan nitoang dalawa sa papag sa pagbabakasakaling gising din angmga ito. Pero mukhang mahimbing na ang tulog nina Obetat Tito.

Maya-maya pa’y may naulinigan si Dan na mahihinangboses at mga yabag. Papalapit at paparami ang mga ito.Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi na rin nitonamalayan na kanina pa niya pinipigil ang paghinga. Kilala

Page 63: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

63punla

niya ang tunog ng mga hakbang na iyon. Yabag ng mgakombat buts!

Napaigtad ang tatlo sa lakas ng pagkakasalya ng pintuan.“Walang kikilos!” Sunud-sunod na pumasok ang mgaunipormadong kalalakihan na nakatutok ang mga baril satatlo. Sampal, suntok, tadyak at kulata ng baril angpinadapo sa kanila.

“Mga NPA kayo ano? Ilabas n’yo ang mga baril!” Walangpuknat ang pambubugbog ng mga militar. Ungol at daingna lamang ang naisasagot ng magkakaibigan.

Nang mapagod ang mga buhong ay itinigil pansamantalaang pantotortyur sa kanila. Habang nagpapahinga angmga nakaunipormeng halimaw ay nagsindi ang mga itong sigarilyo at ginawang astrey ang kamay ngmagkakaibigan. Napapasigaw ang tatlo tuwing pinapatayang upos sa kanilang mga palad. Pumailanlang din angmasangsang na amoy ng animo’y nasusunog na hipon.Nang mga sandaling iyon ay hindi na lamang humihiyaw

Page 64: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

64 punla

si Dan dahil sa sakit kundi dahil sa poot at pagkamuhi samga pasistang militar.

“Nasaan ang mga kasamahan n’yo?” Pasabunot naitiningala ang ulo ni Dan.

“Wala ho kaming alam sa…!” Pak!

“Sibilyan ho kami ser.” Namimilipit sa sakit si Dan.

“Sibilyan pala ha!” Hinampas ng armalayt ang kanangpisngi ni Dan. Magkahalong luha at dugo ang dumaloy sakanyang mata. “Hala, ihilera ang mga ‘yan!” utos ng upisyalng mga sundalo. Ihiniga ang tatlo sa sahig at isa-isangtumalon at bumagsak sa kanila ang mga militar mula sapapag.

Magliliwanag na nang igapos at isakay sina Dan sa isangtrak palabas ng baryo. Bakas sa mukha ng mangilan-ngilang taong baryong dinaanan ng trak ang takot atpagkaawa sa tatlo.

Sa loob ng trak ay halos hindi na maaninag ni Dan angmga mukha ng mga unipormadong halimaw. “May arawna magbabayad din kayo!” bulong nito.

***Sa Sorsogon Provincial Command ng PhilippineConstabulary o PC dinala sina Dan. “Mga NPA ito! Nahulinamin. Nakatakas ang ibang kasamahan nito,”pagmamayabang ng CO. “Kasama ito sa mga nang-ambuskahapon sa Rangas!”

Ipinasok ang tatlo sa isang marumi at mabahong selda.Pasalampak na napaupo na lamang sina Dan, Obet at Titosa isang sulok.

Page 65: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

65punla

Maya-maya pa’y dumating ang isang militar at kinalampagang mga rehas ng selda. “Hoy tarantado! Ikaw ang una.”Si Tito ang tinutukoy. Kinaladkad ito palabas. Tinangkangpigilan ni Obet ang militar pero kasimbilis ng kanyangpagtayo ang pagbagsak niya sa sahig.

Makalipas ang halos isang oras ay bumalik ang militar nanagdala kay Tito. “O, umamin na ang kasama n’yo. ‘Kalan’yo matigas kayo ha. Tingnan lang natin.” Nakangisingtumalikod na ito.

“Paanong aamin ‘yun, e wala namang katotohanan angibinibintang n’yo sa amin!” sigaw ng ‘di nakatiis na si Obet.

Tanghali na ng ibalik si Tito. Sumambulat ang poot saloob nina Dan at Obet ng makitang hinihila ng dalawangmilitar ang lupaypay nang si Tito. Ang poot na iyon angnagbigay lakas sa magpinsan na saluhin si Tito nang isalyaito ng mga demonyo. Napahagulhol si Obet habang kalongang halos walang malay nitong kaibigan. “Mga hayopkayo!” usal nito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay si Obet naman angisinunod ng mga halimaw. Nilapitan ni Dan si Tito.“Kumusta na ang pakiramdam mo?” Hinagod niya anglikod nito.

“Oo ako nga! Ako ang pumatay! NPA nga ako! NPA ako!”paghuhumiyaw ni Tito.

“Tito, ako ito, si Dan.” Niyugyog nito ang balikat ngkaibigan.

“Ang pamilya ko! Ang mga anak ko! Wag n’yo po silangilalayo sa akin! Maawa na po kayo!” pagpapatuloy ng walana sa katinuang si Tito.

Page 66: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

66 punla

Niyakap na lamang ni Dan ang kanyang kaibigan. Nangmakalma si Tito ay bumalik na si Dan sa sulok ng selda.Nanlalambot na ihiniga ni Dan ang katawan sa malamigna sahig. Nagkarera sa kanyang gunita ang mga alalahaninhanggang sa siya’y makatulog.

“NPA nga ako! Isa ako sa mga pumatay! Oo, NPA ako!”Kinaladkad na naman si Tito. Napabalikwas si Dan attinanaw na lamang ang papalayong mga anino ng mgaberdugong militar at ng kanyang kaibigan.

***Magdamag na hindi nakatulog si Dan. Parang batangnagsusumiksik ito sa isang sulok ng selda. Kinapa niyaang kumikirot na kanang mata. Nakakabaliw angkatahimikan laluna’t nag-iisa na lamang siya. “Nasaan nakaya sila? Ano kaya ang mangyayari sa amin? Kumustana kaya ang mga magulang ko? Ang mga kapatid ko?Magpapaturo pa naman sa akin si Isay ng asaynment niyasa Math.” Paulit-ulit niyang nakikita ang mga larawan ng

Page 67: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

67punla

kanyang mga magulang at mga kapatid. Umaasa…Naghihintay…

“Ibalik n’yo ang mga kaibigan ko! Wala kaming kasalanan.Palabasin n’yo na kami!” Kinalampag ni Dan ang mgarehas.

“Hoy tarantado! Tumahimik ka’t ‘pag di ako nakapagpigilpatatahimikin na kita nang tuluyan!” singhal ngnaalimpungatang militar.

“Palabasin n’yo na kami ser, wala kaming kasalanan…”tuluyan nang humagulhol si Dan.

Ilang sandali pa ay kinuha na rin ng mga berdugo si Dan.“Magpakabait ka bata, sayang ka.”

Ipinasok si Dan sa isang maliit at madilim na silid. Pinauposiya sa isang silya sa harap ng mesa. Binuksan ngunipormadong halimaw ang ilaw sa tapat ng mesa. “Gustonaming magkoopereyt ka,” simula nito. “Nasaan ang mgakasamahan n’yo?”

“Wala ho akong alam sa sinasabi n’yo.” Umagos ang dugosa mukha ni Dan nang hampasin siya ng malapad na tabla.Tuluyan nang nabulag ang kanyang kanang mata.

“Sabi nang magkoopereyt ka! Sino ang pinuno n’yo?”

“Hindi ho ako NPA. Sibilyan ho ako ser!”

Tadyak sa dibdib ang sinapo ni Dan sa hindi nagustuhangsagot niya. Gumulong siya sa naghalong dumi at ihi sasahig. Hindi siya tinigilan ng sipa, tadyak at suntok ngmga alalay ng nag-iinteroga.

Page 68: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

68 punla

“Hawakan n’yo ang kamay sa mesa!” utos ng buhong.

Sunud-sunod ang mga tanong. Isang kuko, sa bawat sagotni Dan, ang binubunot. Naihi si Dan sa sakit.

Nang maubos na ang kanyang mga kuko ay ihiniga namansiya sa mesa. Hinubaran at binuhusan ng malamig natubig. Pinaso ng sigarilyo ang kanyang ari at kinuryentesiya hanggang sa mawalan ng malay.

***

Hindi itinuloy ng mga berdugong militar ang pagsalbeydskay Dan. Sunud-sunod na mga kilos-protesta ang aminginilunsad upang mapilitan ang lokal na gubyerno at militarna ilabas ang tatlong magkakaibigan. Maugong sa mgaradyo ang panawagang ilabas ng mga militar sina Dan.Nataranta ang mga militar sa mga pagkilos na ito. Petsatrese ng Agosto nang salubungin namin si Dan sa labasng Provincial Command. Kahit halos hindi namakahakbang, hindi siya nagpa-alalay sa paglakad. Tiim-bagang na nilingon niya ang kampo. Isang buwan dinnamin siyang kinanlong habang nagpapagaling.

Sina Obet at Tito ay nauna nang pinaslang. Dinala angmga ito sa Rangas at doon pinagbabaril.

***

Muli kong pinagmasdan ang mukha ni Ka Arman. Maylambong ang kanyang kanang mata.

“Buo na ang kwento ni Dan,” sabi ko.

Page 69: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

69punla

Napangiti si Ka Arman. “Unti-unti ko nang napapatay angmga halimaw sa aking bangungot, kasama. Unti-unti nanating dinudurog ang mga demonyo at ang sistemangpinaghaharian ng mga ito.”

Page 70: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

70 punla

Page 71: punla - Philippine Revolution Web Central - PRWC · PDF fileSa kabilang banda, ang mga kwento at ang dulang Bungkaras! ... May aksyon, komedya, kabiguan at tagumpay Sa pagsasabuhay

71punla