18
RAMON MAGSAYSAY

Ramon magsaysay as Pres

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

  • 1. RAMON MAGSAYSAY
  • 2. Si Ramon Magsaysay ay ipinanganak sa Iba, Zambales sa panday na si Exequiel Magsaysay at gurong si Perfecta del Fierro. Siya ay nag-aral sa Zambales Academy sa sekundarya at Unibersidad ng Pilipinas sa kolehiyo sa kursong pre-inhenyerya. Lumipat siya sa Institute of Commerce sa Jos Rizal College (19281932) at nakapagtapos ng kursong Komersiyo. Nagtrabaho siya bilang tsuper habang nag-aaral. Siya ay nagtrabaho bilang mekaniko ng Try Tran Bus Company sa Maynila at kalaunang naging manager nito. Sa opisina ng Try Tran na nakilala niya ang kanyang asawang si Luz Banzon na kumukuha ng kabayaran para sa kompanya ng bus na ipinagbili ng ama ni Banzon sa Try Tran. Sila ay ikinasal noong Hunyo 10, 1933.
  • 3. Araw ng pagkasilang: Agosto 31, 1907 Lugar na sinilangan: Iba, Zambales Ama: Exequiel Magsaysay Ina: Perfecta del Fierro Mga Anak: Teresita, Milagros at Ramon, Jr. Araw ng kamatayan: Marso 17, 1957 Lugar kung saan namatay: Bundok Manunggal, Cebu Sanhi ng Kamatayan: Bumagsak ang eroplano niyang sinasakyan Edad nang mamatay: 50 Edukasyon Elementarya at Mataas na Paaralan Mababang Paaralan ng Castillejos Zambales Academy Kolehiyo Mechanical Engineering, Pamantasan ng Pilipinas (1927) Batsilyer ng Agham sa Komersiyo, Jose Rizal College (1932)
  • 4. Araw ng pagkasilang: Agosto 31, 1907 Lugar na sinilangan: Iba, Zambales Ama: Exequiel Magsaysay Ina: Perfecta del Fierro Mga Anak: Teresita, Milagros at Ramon, Jr. Araw ng kamatayan: Marso 17, 1957 Lugar kung saan namatay: Bundok Manunggal, Cebu Sanhi ng Kamatayan: Bumagsak ang eroplano niyang sinasakyan Edad nang mamatay: 50 Edukasyon Elementarya at Mataas na Paaralan Mababang Paaralan ng Castillejos Zambales Academy Kolehiyo Mechanical Engineering, Pamantasan ng Pilipinas (1927) Batsilyer ng Agham sa Komersiyo, Jose Rizal College (1932)
  • 5. Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumali si Magsaysay sa motor pool ng ika-31 Dibisyong impanterya ng Hukbo ng Pilipinas bilang kapitan. Pagkatapos ngpagbagsak ng Bataan noong 1942, inorganisa niya ang Puwersang Gerilya ng kanluraning Luzon na lumaban sa mga Hapones. Nanatili siya sa ranggong kapitan nang mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas noong 1945 bagaman pinangasiwaan niya ang mga 12,000 katao. Tumanggi siyang itaas ang kanyang ranggo ngunit ginawa siyang isang major ng mga Amerikano. Sa wakas ng digmaan, hinirang siyang Militaryong Gobernador ng Zambales noong Pebrero 4, 1945. Pagkatapos ng dalawang buwan, ang administrasyong panglalawigan ay inilipat sa sibilyang Gobernador.
  • 6. Noong Abril 23, 1946, si Magsaysay ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas bilang Independiyente. Noong 1948, pinili siya ni Pangulong Manuel Roxas upang pumunta sa Washington, Estados Unidos bilang Chairman Chairman of the Committee on Guerilla Affairs upang makatulong sa pagpasa ng Rogers Bill na nagbibigay ng mga benepisyon sa mga beteranong Pilipino sa digmaan. Muli siyang nahalal na kinatawan noong 1948 at naging Chairman ng House National Defense Committee.
  • 7. Noong Agosto 31, 1950, si Magsaysay ay hinirang ni Pangulong Elpidio Quirino na maging Kalihim ng Pambansang pagtatanggol matapos alukin ni Magsaysay si Quirino na labanan ang mga gerilyang komunista gamit ang kanyang mga karanasan sa labanang gerilya noong Digmaan. Pinaigting ni Magsaysay ang kanyang pakikidigma laban sa mga Hukbalahap na naging isa sa pinakamatagumpay na kampanyang anti-gerilya sa modernong kasaysayan. Ang tagumpay nito ay sinasabing sanhi sa isang bahagi ng mga hindi kombensiyonal na pamamaraang ginamit ni Magsaysay. Ginamit niya ang mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas upang mamahagi ng mga relief good at iba pang mga tulong sa mga malalayong pook sa probinsiya. Nagtayo ang hukbo ng mga paaralan, mga ospital, mga bahay pansakahan para sa mga mahihirap na mamamayan. Nag-alok si Magsaysay ng kapatawaran, paggamot medikal at libreng lupain sa kagubatan ng Mindanao sa sinumang rebelde na susuko. Habang ang opinyong maganda ng publiko sa hukbo ng Pilipinas ay tumataas, ang bilang ng Hukbalahap ay bumabagsak. Bago ni Magsaysay, ang mga mamamayan sa mga mga malalayong pook na rural ay walang tiwala sa mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas, ngunit sa ilalim ni Magsaysay ay nagsimulang igalang at hangaan ng mga mamamayan ang mga sundalo. Noong mga 1952, ang karamihan ng mga pinunong rebelde ay nabihag o napatay na.
  • 8. Noong mga 1953, naniwala si Quirino na ang banta ng Hukbalahap ay nakontrol na at si Magsaysay ay nagiging labis na makapangyarihan sa politika. Nakatagpo si Magsaysay ng panghihimasok at panghaharang ng Pangulong Quirino at mga tagapayo nito sa takot na baka matalo sila sa susunod na halalan ng pagkapangulo. Sa panahong ito ay wala pang intensiyon si Magsaysay na tumakbo bilang pangulo ngunit hinikayat mula sa ibat ibang panig ng lipunan. Kalaunan siyang nahikayat na ang pagtakbo sa pagkapangulo ang paraan upang maipagpatuloy ang kanyang pakikipaglaban sa komunismo. Naniwala si Magsaysay na angtiwaling administrasyon ni Quirino ang nagsasanhi ng pagsiklab ng mga gerilyang komunista. Nagbitiw si Magsaysay bilang kalihim ng pagtatanggol ni Quirino noong Pebrero 28, 1953 at naging kandidato para sa pagkapangulo ng Partido Nacionalista.
  • 9. Nanalo si Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo laban sa nakaupong pangulong si Elpidio Quirino. Siya ay nanumpa na suot ang Barong Tagalogna kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na gumawa nito. Binuksan niya ang mga bakod ng Malacang sa mga ordinaryong mamamayan. Buong nilinis ni Magsaysay ang hukbo ng Pilipinas, winakasan ang korupsiyon at pinatalsik ang mga walang kakayahang heneral. Ang mga espesyal na unit na anti-gerilya ay nilikha laban sa mga naghihimagsik. Ang susi sa tagumpay ni Magsaysay ang kanyang pakikitungo sa mga ordinaryong mamamayan. Mahigpit niyang ipinatupad ang disiplina ng mga hukbo sa kanilang pakikitungo sa mga magsasaka.
  • 10. Bilang Pangulo, nilinang niya ang malapit na pakikipagugnayang ekonomiko at panseguridad ng Pilipinas sa Estados Unidos. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay 7.13 %. Dahil sa malubhang pagiging hindi pantay ng pamamahagi ng mga lupain at kayamanan sa mga mahihirap na mamamayan, nagpakilala siya ng mga reporma sa lupain ngunit ang mga ito ay patuloy na hinaharang mga konserbatibong kasapi ng Kongreso ng Pilipinas na may-ari ng mga lupain na kumakatawan sa kanilang pansariling interes. Gayunpaman, nagawang makakuha ni Magsaysay ng mga tirahang lupain para sa mga walang tahanang magsasaka, nagawang pabagsakin ang presyo ng mga bilihin at nagawang hatiin ang mga malalaking estadong lupain.
  • 11. 1.) Pagtatag ng hkuman ng relasyong Agraryo 2.) Pamamahagi ng mga patente ng lupa para sa mga walang masaka. 3.) Paglilipat ng tirahan para sa walang matirhan. 4.) Pagtatayo ng mga karagdagang daan at tulay. 5.) Pagkakaloob ng mga pautang sa mga magsasaka. 6.) Pagkakaloob ng mga pasilidad na mapag-iimbakan ng mga aning produkto at mga pamilihang mapagbebentahan ng mga ito. 7.) PAgbubukas ng malacanang sa pampubliko.
  • 12. Sa pamamahala ni pangulong Magsaysay napagtibay ang mga batas na naglalayong mabawasan ang kontrol ng mga dayuhan sa panloob sa ilalim ng kanyang administrasyon. Retail Trade Nationalization Law (1954).Nilalaman dito ang pagbibigay ng unang pagkakataon sa mga Pilipino sa pagupa sa mga pwesto at tindahan sa mga pampublikong pamilihan ng bansa. Filipino Retailers Fund Act (1955).Ipinagbawal ng batas ang pagpasok sa mga pagbenta ng mga produkto ng mga bahay -kalakal na hindi pagaaring lubos ng mga mamamayang Pilipino. National Marketing Corporation Act (1955).Tumutukoy ito sa pagtatag sa National Marketing Corporation bilang isang pampublikong korporasyon na tulong sa pagsusuplay ng mga produkto sa presyong makapagbibgay-kakayahan sa mga retailer na pilipino na makipagkumpetensya sa bentahan ng mga produkto sa mga pamilihan.
  • 13. Ang pagpapatuloy ng magagandang naipakita ni Panglong Magsaysay sa panahon ng kanyang panunungkulan ay binigo ng mga aksidenteng kumitil sa buhay ng pangulo. Noong Marso 17, 1957, bumagsak ang eroplanong kanyang sinakyan sa bundok ng Manunggal ,Cebu. Ang pangalan ng sinakyang eroplano ay PINATUBO. Ang maikling talambuhay ni ramon magsaysay ay sinilang siya noong august 31 1907 at namatay noong march 17 1957..
  • 14. Noong Marso 16, 1957, nilisan ni Magsaysay ang Cebu kung saan siya nagsalita sa tatlong mga institusyon ng edukasyon. Nang kinagabihan ng mga ala una ng madaling araw, sumakay siya sa eroplano ng pangulo na "Mt. Pinatubo" na isang C-47 pabalik sa Maynila. Nang kinaumagahan nang Marso 17, ang kanyang eroplano ay iniulat na nawawala. Nang katanghalian, iniulat na ang kanyang eroplano ay bumagsak sa Bundok Manunggal sa Cebu at ang 26 sa 27 pasahero at crew ay namatay. Ang tanging nakaligtas ang mamamahayag na si Nstor Mata. Ang tinatayang 2 milyong katao ay dumalo sa paglilibing kay Magsaysay noong Marso 22, 1957. Hinalinhan siya ni Pangalawang Pangulo si Carlos Garcia bilang Pangulo.