12
Taon XXIX Blg. 2 REGULAR NA ISYU Marso-Abril 2003 Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Habang nagaganap ang gerang agresyon ng US sa Iraq, lalong tumitindi ang panghihimasok ng imperyalismong US sa bansa, kabilang na ang sa larangang militar. Tuluy-tuloy ang mga maniobra at pakana ng sabwatang US at papet na rehimeng Macapagal-Arroyo para palabasing lehitimo ang pagbabalik at panghihimasok ng mga tropang US sa Pilipinas. Tuluy-tuloy ang paglulunsad ng mga “magkasanib na pagsasanay” ng mga tropang Amerikano at AFP sa Mindanao at Luzon matapos maaprubahan ng Senado ang Visiting Forces Agreement (VFA). Dumalas at tumatagal pa ang mga “pagsasanay” na ito nang pinagtibay ng rehimeng Magapagal-Arroyo ang Mutual Defense Board (MDB) at Mutual Logistics Support Agreement (MLSA). Ang mga kasunduang ito ay tuwirang pagbasura sa probisyon ng konstitusyon ng Pilipinas kaugnay ng patrimonya at soberanya ng bansa. Kaakibat nito, tuluy-tuloy na nayuyurakan ang karapatang-tao ng mga naninirahan sa mga lugar na pinagdarausan ng “magkasanib na pagsasanay”. Titiyakin ng MDB ang permanenteng presensya ng mga tropang Amerikano sa bansa sa anyo ng mahahaba at magkakasunod na “Balikatan” na sasaklaw sa buong bansa. Sa pamamagitan naman ng MLSA, makakapagtayo muli ng base sa Pilipinas ang mga tropang Amerikano bilang lunsaran ng agresyon at mas matinding panghihimasok sa bansa; makakapagtayo rin ng mga pasilidad para imbakan ng kanilang suplay, gamit at armas, kabilang na ang sandatang nukleyar. Ang natatanggap na ayudang militar ng rehimeng Arroyo at ng AFP sa US ay bilang pagkilala sa lubusang pagpapakatuta ni GMA sa kanyang teroristang among si Bush. Idinidikta ng rehimeng Bush kay Arroyo na gamitin ang ayudang militar laban sa CPP-NPA at MILF na binansagan nilang mga “terorista”. Sagad-sa-buto ang pagiging sunud-sunuran ng mersenaryong AFP sa diktang militar ng US. Magsisilbing tagapayo ng AFP at Kalihim sa Depensa na si Angelo Reyes si US Defense Secretary Donald Rumsfeld sa mga usapin ng digma. Nilaman ito sa pinagkasunduang Depense Policy Board ng dalawang gubyerno. Sa simula ng “Balikatan” nang nagdaang taon, ang mga upisyal-militar ng US ang nagsilbing “tagapayo” at “tagapagsanay” sa mga yunit ng AFP na tumutugis umano sa bandidong Abu Sayyaf. Ginamit na sangkalan ang Abu Sayyaf para sa madulas na pagpasok ng mga tropang Amerikano. Sa katunayan, binuo mismo ng imperyalismong US sa pamamagitan ng Central Intelli- gence Agency ng US at AFP ang Abu Sayyaf upang manggulo at manlito sa mamamayang Moro sa kanilang makatarungang pakikibaka para sa pagpapasya-sa- sarili. Nitong Pebrero, isang linggong nasa Bicol si US Army Maj. Jeffrey D. Antonio. Ininspeksyon niya ang mga headquarters ng 203 rd , 901 st at 902 nd AFP Bri- gade at sumama pa sa pag-ikot sa ilang eryang saklaw ng mga larangang gerilya ng BHB. Gagawing pilot erya ang Bicol sa pagsusubukan ng mga konsepto at taktikang kontra-gerilya na gustong ipatupad ng US sa Pilipinas. Si Antonio ang aaktong tagapayo sa pagtugis DIGMANG BAYAN, sagot sa panghihimasok ng imperyalismong US sa bansa! Editoryal

Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon … Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK >>> ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro

  • Upload
    lyque

  • View
    260

  • Download
    9

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon … Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK >>> ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro

Taon XXIX Blg. 2 REGULAR NA ISYU Marso-Abril 2003

Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon

Habang nagaganap ang gerang agresyon ng US sa Iraq, lalong tumitindi ang panghihimasokng imperyalismong US sa bansa, kabilang na ang sa larangang militar. Tuluy-tuloy ang mgamaniobra at pakana ng sabwatang US at papet na rehimeng Macapagal-Arroyo para palabasinglehitimo ang pagbabalik at panghihimasok ng mga tropang US sa Pilipinas. Tuluy-tuloy ang paglulunsad ng mga “magkasanibna pagsasanay” ng mga tropang Amerikano at AFP saMindanao at Luzon matapos maaprubahan ng Senadoang Visiting Forces Agreement (VFA). Dumalas attumatagal pa ang mga “pagsasanay” na ito nangpinagtibay ng rehimeng Magapagal-Arroyo ang MutualDefense Board (MDB) at Mutual Logistics SupportAgreement (MLSA). Ang mga kasunduang ito aytuwirang pagbasura sa probisyon ng konstitusyon ngPilipinas kaugnay ng patrimonya at soberanya ng bansa.Kaakibat nito, tuluy-tuloy na nayuyurakan angkarapatang-tao ng mga naninirahan sa mga lugar napinagdarausan ng “magkasanib na pagsasanay”. Titiyakin ng MDB ang permanenteng presensya ngmga tropang Amerikano sa bansa sa anyo ng mahahabaat magkakasunod na “Balikatan” na sasaklaw sa buongbansa. Sa pamamagitan naman ng MLSA,makakapagtayo muli ng base sa Pilipinas ang mgatropang Amerikano bilang lunsaran ng agresyon at masmatinding panghihimasok sa bansa; makakapagtayo rinng mga pasilidad para imbakan ng kanilang suplay,gamit at armas, kabilang na ang sandatang nukleyar. Ang natatanggap na ayudang militar ng rehimengArroyo at ng AFP sa US ay bilang pagkilala sa lubusangpagpapakatuta ni GMA sa kanyang teroristang amongsi Bush. Idinidikta ng rehimeng Bush kay Arroyo nagamitin ang ayudang militar laban sa CPP-NPA at MILF

na binansagan nilang mga “terorista”.Sagad-sa-buto ang pagiging sunud-sunuran ngmersenaryong AFP sa diktang militar ng US.Magsisilbing tagapayo ng AFP at Kalihim sa Depensana si Angelo Reyes si US Defense Secretary DonaldRumsfeld sa mga usapin ng digma. Nilaman ito sapinagkasunduang Depense Policy Board ng dalawanggubyerno. Sa simula ng “Balikatan” nang nagdaang taon, angmga upisyal-militar ng US ang nagsilbing “tagapayo”at “tagapagsanay” sa mga yunit ng AFP na tumutugisumano sa bandidong Abu Sayyaf. Ginamit na sangkalanang Abu Sayyaf para sa madulas na pagpasok ng mgatropang Amerikano. Sa katunayan, binuo mismo ngimperyalismong US sa pamamagitan ng Central Intelli-gence Agency ng US at AFP ang Abu Sayyaf upangmanggulo at manlito sa mamamayang Moro sa kanilangmakatarungang pakikibaka para sa pagpapasya-sa-sarili. Nitong Pebrero, isang linggong nasa Bicol si USArmy Maj. Jeffrey D. Antonio. Ininspeksyon niya angmga headquarters ng 203rd, 901st at 902nd AFP Bri-gade at sumama pa sa pag-ikot sa ilang eryang saklawng mga larangang gerilya ng BHB. Gagawing pilot eryaang Bicol sa pagsusubukan ng mga konsepto attaktikang kontra-gerilya na gustong ipatupad ng US saPilipinas. Si Antonio ang aaktong tagapayo sa pagtugis

DIGMANG BAYAN,sagot sa panghihimasok

ng imperyalismong US sa bansa!

Editoryal

Page 2: Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon … Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK >>> ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro

2 Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK

>>>

ng militar sa BHB sa Bicol.Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon,

nasa Mindoro ang mga upisyal-militar ng US bilang“tagapayo” sa operasyon ng AFP sa Mindoro. Kayanaman naranasan sa Mindoro ang pinakamatindi atpinakamalawak na brutal na operasyon ng AFP at PNPlaban sa rebolusyonaryong kilusan. Angpinakamabangis na operasyong militar dito aypinamunuan ni Col. Palparan ng 204th Brigade.

Nitong Marso, dumating sa Camp MacarioPeralta ng Cental Panay ang isang contingent ng mgasundalong Amerikano mula sa Sulu upang diumano’ymagbigay ng pagsasanay medikal sa mga sundalongPilipino. Kapuna-puna na wala ni isang duktor sanaturang contingent.

Sa pamamagitan ng mga “magkasanib napagsasanay-militar” ng tropang Amerikano at AFP, tuluy-tuloy na nagkakaroon ng pamilyaridad ang mga tropangKano sa tereyn ng bansa bilang paghahanda sakanilang tuwirang panghihimasok. May padron na kapagmay mga “tagapayong” tropang Amerikano, higit nanagiging mabangis at walang-puknat ang mgaoperasyong militar ng AFP laban sa rebolusyonaryongkilusan, at lalong humahaba ang listahan ng mgapaglabag sa karapatang-tao at makataong batas ngdigma. Naghahasik ng matinding takot sa hanay ng

mamamayan ang rehimeng US-Macapagal-Arroyo parap a l a b a s i n gkailangan angpanghihimasok ngtropang US sapagsugpo sa mga“terorista”. Angpagpapasabog saDavao Interna-tional Airport nitongMarso atpagbomba saDavao City nitongAbril kung saannamatay atnasugatan angm a r a m i n ginosenteng sibilyanang pinakahulingpangyayari sapakana ngsabwatang Bush-Arroyo. Kagyat nainakusahan ngAFP at PNP ang

MILF at BHB na may kagagawan sa mga pambobomba.Mabilis namang “nag-alok ng tulong” ang US na tugisinnila ang mga “terorista”. Nagkukumahog namangnagdeklara ng “state of emergency against lawless el-ements” o limitadong batas militar sa Davao City angmilitarista at tutang si Macapagal-Arroyo.

Matapos ang magkakasunod na karumal-dumalna pambobomba ng rehimen, lanlaran nang idineklarang Pentagon at rehimeng Arroyo na ang MILF at BHBang tunay na target ng mga “magkasanib napagsasanay” at hindi ang Abu Sayyaf. Ipinagyabangpa nila na sa Balikatan 03-1, tuwirang nang lalahoksa kombat ang mga tropang Amerikano laban sa BHBat MILF na pareho nilang binansagang “terorista”.

Samantala, nabunyag nitong Pebrero angpagmamantine ng US ng mga tauhan at upisina samahahalagang kagawaran at ahensyang pang-ekonomya ng gubyerno sa pamamagitan ng Agile (ac-celerating growth, investment and liberalization withequity). Ang Agile ay isang programang pormal nabinuo noong 1998 na may layuning ipatupad ang mgabatas at patakarang iginigiit ng US para sa todo-todongliberalisasyon ng ekonomya ng Pilipinas. Titiyakin ngAgile na mapagpagtitibay hanggang sa pinakapinongdetalye ang mga kinakailangang batas at programangpang-ekonomya ng Pilipinas alinsunod sa patakaran ngimperyalismong “globalisasyon”. Hindi na maitago ngrehimen ang mga kongretong ebidensya ng malalim atmalaganap na panghihimasok ng gubyenong US samga panloob na usaping pangkabuhayan ng Pilipinas!

Sa harap ng tumitinding panghihimasok ngimperyalismong US sa bansa, mabilis na lumalawakang pagtutol at paglaban ng mamamayan at ngrebolusyonaryong kilusan para palayasin ang mgatauhan at tropang Amerikano sa bansa. Kasabay itong pagpoprotesta ng milyun-milyong mamamayan sabuong daigdig laban sa paglusob ng US sa Iraq.

Bibiguin ng rebolusyonaryong kilusan ang imbingpakana ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo satuwirang panghihimasok ng US sa bansa. Tuluy-tuloyna pamumunuan ng Partido ang pagpupukaw,pagpapakilos at pag-oorganisa sa malawak namamamayan para wakasan ang paghahari atpagsasamantala ng imperyalismong US at lokal na mganaghaharing uri sa mamamayang Pilipino. Gagamitinng rebolusyonaryong kilusan ang lahat ng larangan ngpakikibaka: armado at di armado, ligal at iligal, hayagat lihim, sa kanayunan at kalunsuran, sa loob at labasng bansa.

Paiigtingin ng BHB ang mga ilulunsad na taktikalna opensiba laban sa AFP, PNP, CAFGU, iba pang

NILALAMAN NG ISYU

Editoryal 1Balikatan Exercises 3San Roque Dam 4Laban sa Lake Shore 6Kongreso ng AMC 7Pampanga at Tarlac, Paralisado ng welga 8Tagumpay sa Kilusang Paggawa 9Ilegal Shutdown sa Oxford; Bolantes; Libad 10Mga Pagkilos Laban sa Agresyong US 11Pahayag ng FOC-NPA, Eastern Bulacan; Ulat Koresponsal 12

Page 3: Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon … Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK >>> ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro

3Regular na Isyu / Marso-Abril 2003HIMAGSIK

at mga kaugnay na paglabag sa karapatang-tao sa GL

<<<

* Disyembre 1999. Bilang paghahanda sa Balikatan2000, sinunog ng mga tropa ng SAF, 24th IB, 68th IB,703rd Bde Training Unit at ISAFP ang daan-daang bahaysa mga bundok ng San Marcelino at San Felipe saZambales, Dinalupihan sa Bataan, at Floridablanca,Lubao at Porac sa Pampanga noong Disyembre 1999.Paglilinis umano ito sa erya na pagdadausan ng“pagsasanay-militar”. Maraming inaresto at binugbogna mga residenteng Aeta. * Balikatan 2000. Apat na pagsasanay ang nailunsadsa ilalim ng Balikatan 2000. Pebrero 2000, nagpatawng blokeyo sa pagkain ang AFP sa mga Aeta sa SityoPalis, Baytan at Maquisquis sa loob ng Bungaresetelment sa Botolan, Zambales. May insidente nasumala sa target ang pambobomba ng mga tropangkalahok sa pagsasanay kung kayat tinamaan ng mgabomba ang Talisayan, isang baryo ng mga mangingisdasa Zambales. Dahil dito, 10-15 pamilya roon ang natakotat walang kalaban-labang lumikas.* Balikatan 02-1. Inilunsad sa Mindanao mula Pebrerohanggang Oktubre 2002. Lumahok ang 355 US NavySeabees at 60 Marines sa mga operasyong antas-kumpanya ng AFP. Pumakat din ito sa labas ng Basilan;sinaklaw ang Zamboanga Peninsula at iba pang lugarkung saan nagaganap ang sagupaan sa pagitan ng AFPat bandidong Abu Sayyaf. Tumulong naman ang mgatropang Amerikano sa pagtatayo ng mga imprastrukurabilang paghahanda sa matagalan nilang pagbabase sabansa.* Balikatan 02-2. “Magkasanib na pagsasanay-militar”sa katihan, sa dagat at himpapawid ng Gitnang Luzon(GL) at Cavite mula Abril 22 hanggang Mayo 6, 2002.Nilahukan ito ng 2,665 tropang Amerikano at 2,900 tropang AFP na inilunsad sa Clark Air Base sa Pampanga,Crow Valley sa Tarlac, Fort Magsaysay sa Nueva Ecijaat sa Marine Jungle sa Ternate, Cavite. Bilang paghahanda sa naturang pagsasanay,nagtayo ang AFP ng detatsment sa lugar ng mgakatutubong Aeta sa Pampanga. Nagpatupad din ng

Balikatan Exercises

paramilitar at sa mga tropang Amerikano na tuwiranglalahok sa opensib laban sa mga rebolusyonaryongpwersa. Tiyak na masusundan pa ang matagumpay nakumpiskasyon ng 98 armas sa armori ng Picop Re-sources Inc sa Brgy Tabon, Bislig, Surigao del Nortenitong Marso para humina ang kaaway at dagdaganang armas ng mga yunit ng BHB.

curfew sa mga komunidad na inaakusahan ng AFP nakumakanlong sa BHB. Samantala, pinalayas ang 40pamilyang Aeta sa kanilang tahanan sa Sitio Tarukan,Brgy Sta Juliana, Capas, Tarlac malapit sa Crow ValleyGunnery Range. Pilit silang pinatitira sa mgaeskwelahan dahil magpapaputok daw ng mga tunay nabala ang mga kalahok sa Balikatan 02-2.* Carat 2002 (Cooperation Afloat Readiness andTraining 2002). Isang nabal na pagsasanay naisinagawa sa Subic at Cavite noong Hulyo 17-28, 2002.Nilahukan ito ng 1,400 sundalong Amerikano.

Noong Agosto 2, dalawang ektarya ng palayanang napinsala sa Brgy Lucapon South, Sta Cruz,Zambales nang lumapag dito ang apat na helikopterng US Marines na kalahok sa CARAT 2002.* Talon Vision-02. “Magkasanib na pagsasanay-militar” ng 700 US Marines at 400 sundalo ng AFP saCavite, Rizal at GL noong Oktubre 14-27. Inokupahanng mga nagsanay na tropa ang Clark Air Base, FortMagsaysay at Crow Valley; gayundin ang ilang bahaging Tanay, Rizal at Marine Air Base sa Ternate, Cavite.Komplimentaryo ito sa pagpapaigting ng kontra-rebolusyonaryong digma ng rehimen laban sarebolusyonaryong kilusan na tinataguriang “OplanGordian Knot”.* Balance Piston 03-05. Dumating sa Clark nitongPebrero 1 ang may 6,000 tropang militar ng US nakalahok sa Balance Piston 03-05 at Live Fire BulletWar Exercises.* Balikatan 03-1. Lalahukan ito ng 2,000 tropangAmerikano. Balak itong ilunsad sa Mindoro Occiden-tal, Quezon, Gitnang Luzon, Sulu, Compostela Valley oNorth Cotabato, mga lugar na malakas ang mga NPAat MILF. Nabinbin ang paglulunsad nito sa Sulu dahilmariin itong tinutulan ng mga tagaroon. Inamin mismong mataas na upisyal ng Pentagon at ng SOCOM chiefna si Maj. Gen Narsico Abaya na hindi naman talagapagsasanay ang Balikatan 03-1 kundi gagamitin labansa mga NPA at MILF. HHHHH

Patuloy na makikibaka ng MILF laban sarehimeng Arroyo at sa tuwirang agresyon ng mgatropang Amerikano. Higit pang palalakasin ang taktikalna alyansa ng CPP-NPA at MILF laban sa rehimengUS-Arroyo.

Digmang bayan, sagot ng mamamayan atrebolusyonaryong kilusan sa panghihimasok ngimperyalismong US sa bansa! H

Page 4: Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon … Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK >>> ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro

4 Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK

Ang dambuhalang dam

Ang San Roque Multi-Purpose Dam Project namatatagpuan sa Brgy. San Roque, San Manuel,Pangasinan ay pangalawa sa pinakamalaking dam saAsya. Nakatakda nitong okupahin ang 480 ektaryanglupain sa mga bayan ng San Manuel, San Felipe, SanNicolas sa Pangasinan at Itogon, Benguet. May habaitong 1.13 kilometro at may taas na 200 metro. Angreservoir o imbakan ng tubig ay may habang 12.8kilometro at kayang mag-ipon ng 800 milyong metrokubiko ng tubig. Sinasakop ng reser-voir ng SRD ang mga barangay saSan Felipe East, San NicolasPangasinan at brgy. Dalupirip, Itogon,Benguet sa Norte. Ang SRD ay nasa ilalim ngiskemang Build Operate and Transfer(BOT) na pinapangasiwaan ng SanRoque Power Corporation, isangmultinasyunal na korporasyon. Angproyekto ay pinopondohan ng JapanBank for International Cooperation(JBIC), kaalinsabay ng iba pangproyekto tulad ng Casecnan Dam,Pampanga Delta Development Project,Tarlac Groundwater Irrigation SystemReactivation Project, MalitubogMaridagao Irrigation Project, LowerAgusan Development Project at BoholIrrigation Project. Ang Dam ay may tinutukoy na apatna layunin: magsuplay ng kuryente,irigasyon, pangkontrol ng baha atpagkukunan ng suplay ng tubig ngkomunidad. Nagsimulang mag-ipon ng tubigangdam noong Agosto 8, 2002 at unang nag-test op-eration sa pagsusuplay ng kuryente sa sakop lang ngdam noong Enero 5, 2003. Tinatayang mag-oopereytito ng unang linggo ng Marso sa taong kasalukuyan.

Mga peligro at mga kaakibat na pinsalang dam sa mamamayan

Ang dam ay nakahimlay sa tatlong malalakingfault line, ang San Manuel fault line na 8km sa

silangan, ang San Jose fault line na 8km sa kanlurannito at ang Digdig fault line na 26km sa kanluran. Angmahinang pagyanig sa lugar bunga ng lindol o pagguhong mga lupa sa ilalim dulot ng mga aktibidad sapagmimina ay maaaring magdulot ng pagtapon ngnapakalaking bolyum ng tubig galing sa dam. Kayanitong ilubog kung sakali ang buong probinsya ngPangasinan at mga kanugnog na probinsya ng Tarlacat Nueva Ecija. Tiyak ding ilulubog ng pagbaha angmga komunidad sa norte na nakabaybay sa Ilog Agnobunga ng masyadong pagbabaw nito dahil sa siltasyon

(pagbabaw ng ilog dulot ngpagkakatambak ng mga kemikal atmateryal galing sa mga minahan). Umaabot na sa 775 pamilya angnapalayas para bigyang daan angkonstrukyon ng dam. Malawakangsinira ang mga sakahan at pananimng mga magsasaka, ang mgabahayan at iba pang ari-arian ng mgananinirahan. Mahigit 80 pamilyanaman ng sityo Bulangit (malapit nasa Itogon, Benguet) ang pwersahangpinaalis at pinagsusunog ang mgabahayan. Walang kahihiyangdineklara ng DENR (Department ofEnvironment and Natural Resources)ang lugar bilang pampublikong lupaino timberland na kailangan paragawing reserbasyon ng dam. Sakasalukuyan, mayroon pang 11pamilyang natira sa sityo nananinirahan na lang sa kabundukan.Samantala,may dalawa pang baryong Eastern Pangasinan ang sadyangpalulubugin para gawing reservoir.Ang mga baryong ito ay mas mataas

kumpara sa ibang baryo kaya kailangang palubugin. Nangangamba ang mamamayan dito namadadagdagan pa sa hinaharap ang mga mapapalayasat mawawalan ng kabuhayan. Samantalang mabilis nanauubos ang paunang bayad sa ilang pamilyangnabayaran ng San Roque Power Corporation ay di parin nito naibibigay ang kapunuan. Ang mga datingmagsasayo (gold panners) na bumaling sa pag-uulingat pangingisda bilang alternatibong hanapbuhay aypinagbabawalan ng mga tauhan ng DENR. Batid ng

Dam, Dam, Dam… Ang Mapaminsalang Dam!Macliing Dulag, Iyong mga yabagAming susundan, Ipagyayaman!”

Ang mahinangpagyanig sa lugarbunga ng lindol o

pagguho ng mga lupasa ilalim dulot ng mga

aktibidad sa pagmiminaay maaaring magdulot

ng pagtapon ngnapakalaking bolyum

ng tubig galing sa dam.Kaya nitong ilubog

kung sakali angbuongprobinsya ngPangasinan at mga

kanugnog na probinsyang Tarlac at Nueva

Ecija.Tiyak dingilulubog ng pagbaha

ang mga komunidad sanorte na nakabaybay

sa Ilog Agno.

Page 5: Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon … Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK >>> ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro

5Regular na Isyu / Marso-Abril 2003HIMAGSIK

mga naninirahan sa lugar na ibayong gutom at kahirapanpa kanilang daranasin sa mga susunod na panahon. Resulta ng patuloy na konstruksyon, libu-libong mgamagsasaka at magsasayo ang nawalan ng hanapuhaysa mga bayan ng San Manuel, San Felipe at SanNicolas. Malawakang itinaboy ang mga lehitimongnaninirahan at nalagay sa peligro ang buhay ng marami. Taliwas sa pangakong kabutihan at kabuhayangibibigay ng dam ay ang kabi-kabilang usapin, pinsalasa buhay at kabuhayan at nagbabadyang panganib parasa mamamayan. Tiyak na papasanin din ng mganaghihikahos na mamamayan ang kaakibat na bigat ngpagbabayad sa napakalaking pagkakautang na ito saJBIC at ang mataas na Purchased Power Adjustment(PPA) kapag nag-umpisa nang magsuplay ng kuryenteang dam.

Ang pakikibaka at tumitinding pandarahas

Sa maagang bahagi pa lang ng konstruksyon ngSan Roque Dam, nagrehistro na ng mariing pagtutolang mamamayan sa mga barangay ng San Manuel atSan Felipe. Naging epektibong daluyan ng pagtutol ngmga naninirahan at pagtatawid ng mahahalagangimpormasyon ang militanteng samahang Tignay DagitiMannalon Mangwayawaya iti Agno (TIMMAWA). Ang TIMMAWA kasama ng iba pang organisasyonng Bayan, League of Filipino Students (LFS), CordilleraPeople’s Alliace (CPA) at Alyansa ng Magbubukid saGitnang Luzon (AMGL), ang nagsisilbing tagapagtambolng mga peligro at kapinsalaang dala ng dam. Inorganisanila ang iba’t ibang talakayan, forum, dayalogo atmartsa-rali upang tuluy-tuloy na magpabatid ng mgakalagayan ng mga aktwal na naapektuhan at sanagpapatuloy na laban. Habang tumitindi ang paglaban ng mga taga SanManuel at San Felipe sa pamiminsala ng dam sakanilang kabuhayan at buhay, matibay pa ringnaninindigan ang mga lider kaisa ang mga mamamayan.Sa di na mabilang na pagkakataon ay nakatanggap angmga lider ng TIMMAWA ng mga berbal na pananakot atharasment mula sa mga militar at iba pang armadonggrupo. Ang pinakahuli ay ang malisyoso at walangbatayang paratang ni ex-mayor Conrado Rodrigo naang mga myembro ng samahang TIMMAWA ay mga“komunista”, “maka-kaliwa” at mga kasapi ng NPA. Mgabintang na naglagay sa panganib sa buhay ng mgakasapi ng organisasyon at naghasik ng pangamba saiba pang tumututol sa SRD. Kahit ang mga estudyanteng mula sa University ofPhilippines-Diliman na nagsagawa ng kanilangpracticum sa komunidad ng dam ay binansagan ring

mga rekruter ng NPA ng dating mayor. Sa gayo’ynapilitang iatras ng unibersidad ang mga estudyanteupang iwasang malagay sa panganib ang kanilangbuhay. Kasabay ng pandarahas sa organisasyon sa lugar,may ilang harasment na naitala ang mga naninirahandoon na kinasasangkutan ng Philippine Army at iba’tibang armadong grupong nakabantay sa SRD. Ilangbeses ng walang patumanggang pinaputukan ng mgasecurity guards ang mga residente ng San Manuel. Angunang insidente ng pagpapaputok ay kumitil sa buhayni Marvin Alberto, 20 taong gulang at residente ng Brgy.San Roque. Dalawa pang biktima ang binaril bunga ngpangunguha nila ng iskrap o mga inaakalang basurana ng dam. Sa San Vicente at San Manuel, inilunsad ng mgamilitar ang isang pulong noong Oktubre 2002 athayagang tinakot ang mga naninirahan roon na huwagmagpapatuloy ng mga organisador.at simpatisador sakanilang pakikipaglaban sa SRD. Gayundin, sapilitangpinasok ng mga militar ang mga bahayan sa naturanglugar matapos ang isang engkwentro sa pagitan ng mgaNPA at Philippine Army. Wala ring tigil sa panghaharas ang mga umaaligidna militar, pulis at mga intelligence sa tuwingmagkakaroon ng mga piket at protesta ang mgananinirahan. Madalas na namamataan na kinukunanng litrato ng mga di naka-unipormeng mga militar angmga organisador at mga lider ng TIMMAWA sa tuwingnagsasalita ang mga ito sa mga rali.

Ang mga Aral mula sa pakikibakang Mamamayang Kordilyera at ni Macliing Dulag

Magiting na lumaban ang mamamayangKordilyera sa tangkang pagtatayo ng Chico Dam noongdekada 1980. Buong tapang silang nagtanggol atnakibaka para pigilan ang mapaminsalang proyektongiyon ng dayuhan at gubyerno. Mahalagang naiwan saalaala ng mamamayan ang kabayanihang ipinamalasng dakilang katutubong lider na si Macliing Dulag napinaslang ng pasistang militar habang nakikipaglaban. Itinuturo ng kasaysayan na ang buhay atkamatayang pakikibaka para sa lupang ninuno aykaakibat ng pakikibaka para sa pambansangpagpapasya sa sarili ng lahat ng mga katutubo sabansa, kaakibat ng pakikibaka laban sa imperyalismo,pyudalismo at burukrata-kapitalismo. Ang tangingsolusyon sa pambansang pang-aapi sa mga Igorot atiba pang pambansang minorya ay ang demokratikongrebolusyong bayan at kasunod nitong sosyalistangrebolusyon. H

Page 6: Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon … Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK >>> ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro

6 Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK

Naipagtagumpay ng mga magsasaka ng Divisoria,Mexico, Pampanga ang pagpapatuloy ng kanilang

pagsasaka sa 35 ektarya na saklaw ng proyektongThe Lake Shore (LS). Naigiit nila ang kanilangkarapatang magbungkal ng lupaingagrikultural at produktibo. Pinirmahan ngmga kinatawan ng mga magsasaka, ngdebeloper ng LS at ng Sangguniang Bayan(SB) ng Mexico nitong Disyembre 2002 angmemorandum ng kasunduan (memoran-dum of agreement o MOA) sa pananatilingsakahin ang nabanggit na lupain.

Ang proyektong LS na tinatayuan ngeksklusibong subdibisyong may artipisyalna lawa ay pag-aari ng Nobleman Property Inc. at Cen-tral Country Estate, Inc (CCEI). Matatagpuan ito sa gitnang mga produktibong sakahan sa mga Brgy ngSebitanan, Divisoria, Bulaon, Panipuan at San Rafaelng Mexico. Nabili ng CCEI ang lupang nabanggit samga magsasaka ng limang baryo sa panahon ngkanilang kagipitan noong 1994. Nahahati sa dalawangbahagi ang LS: ang Phase I na may sukat na 150.913ektarya at ang Phase II na may sukat na 127 ektarya.Ang Phase I at Phase II ay tuluy-tuloy nang dinidebeloppara sa LS. Nasa Phase II ang 35 ektarya na sinang-ayunan ng CCEI na patuloy na sakahin ng mgamagsasaka sa loob ng limang taon.

Noong 1995, sinikap gawin muling produktibo ngmga 200 magsasaka ang nabanggit na lupain.Organisado nilang pinusisyunan ang lupa dahiltiwangwang naman ito.

Mula noon, patuloy na sinaka’t pinakinabangan ngmga magsasaka ang lupaing nabanggit. Tinamnan nilaito ng palay, mais at iba pang pananim nang dalawahanggang tatlong beses sa loob ng isang taon. Sa bawattaniman ay umaani nang humigit kumulang 50 kabangpalay sa bawat kalahating ektarya. Ang pagsasaka salupang nabanggit ang pangunahing ikinabubuhay ngmga maralitang magsasaka. Dito galing ang panggastosnila sa araw-araw at ang ipinantutustos sa pag-aaralng kanilang mga anak.

Taong 2000, binalak bawiin ng CCEI ang lupain samga magbubukid. Dahil sa manipulasyon atimpluwensya ng CCEI sa SB-Mexico at mga ahensyang gubyerno, nagawang palabasin na hindi umano

produktibo ang lupain at kung gayon ay maaringidebelop at gawing subdibisyon. Mula noon, binalakna suhulan ang mga magsasaka at iba pangtaumbaryo gayundin ang mga konseho ng barangay.

Dahil sa presyur at panunuhol,nagawa ng CCEI na papirmahanang ilang taumbaryo na ibabalik na

nila ang kanilang saka kapalit nangP3,000 hanggang P10,000 bayad.Lumitaw din na ang ibang napapirma ay

hindi naman nagbubungkal sabinabanggit na sakahan.

Naging tuluy-tuloy at pwersahan angginawang pagpapalayas ng CCEI sa mga

magsasaka sa kanilang mga saka. Winasak ang mgapananim at pinagkaitan ang mga magsasaka na anihinman lang ang bunga ng kanilang mga itinanim.Nagbayad din ang CCEI ng mga elemento ng PNP atmilitar na nagpanggap na mga security guards paratakutin ang mga magsasaka at pagbawalan silanganihin ang kanilang mga palay. Lansakan ang paglabagng CCEI sa karapatan ng mga magsasaka kung kaya’tmaging ang inilabas ng Department of Agrarian Re-form (DAR) na pabalatbungang cease-and-desist or-der o CDO ay nilabag.

Samantala, naging tuluy-tuloy ang pagkilos atpaglaban ng mga apektadong magbubukid sapamumuno ng Aguman da reng MaglalautangCapampangan(AMC) at Soli-darity of Peas-ants AgainstLand Use Con-v e r s i o n -P a m p a n g a( S T O P - L U CPampanga), atpagsuporta ngSentro para saTunay naR e p o r m a n gA g r a r y o( S E N T R A ) ,Founda t ion ,I n c .N a g p a l a k a ssila ng kanilang

Tagumpay, Laban ng mga Magsasaka sa The Lake Shore

Naging tuluy-tuloyang pagkilos at

paglaban ng mgaapektadong

magbubukid ...Nagpalakas sila ng

kanilang hanay,nakuha ang suporta

ng mga kababaryo atKonseho ng Barangay.

Naglunsad sila ngserye ng mga piket-

dayalogo at nagsumiteng mga petisyon...

Page 7: Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon … Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK >>> ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro

7Regular na Isyu / Marso-Abril 2003HIMAGSIK

Kongreso ng AMC, Idinaos

MATAGUMPAY na idinaos nitong Abril 12-13 ang ikatlong Kongreso ng Aguman da rengMaglalautang Capampangan (AMC) sa For-est Park, Angeles City, Pampanga. Dumalosa kongreso ang may 200 magsasaka mulasa iba’t ibang bayan ng Pampanga. “Higit pang pahigpitin angpagkakaisa!Palakasin ang kapasyahan atkakayahang makibaka para isulong ang tunayna reporma sa lupa at para wakasan angrehimeng US Macapagal Arryo!”, ang temangmahigpit na nagbigkis sa mga dumalongmagsasaka. Nagpahayag ng pakikipagkaisa ang ibatibang militanteng organisasyon tulad ngKilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP),Alyansa ng Magbubukid sa GitnangLuzon(AMGL), Bayan,WAR 111, Amihan,Alpas at mga grupong pangkultural. H

hanay, nakuhaang suporta ngmga kababaryo atKonseho ngB a r a n g a y .Naglunsad sila ngserye ng mgapiket-dayalogo atnagsumite ng mgapetisyon sa SB-Mexico, ProvincialAgrarian ReformOffice (PARO),Municipal AgrarianReform Office(MARO), DAR 3,DAR National,M a l a c a n a n g ,gayundin sa CCEI;dumalo sa mga

public hearing at naglunsad ng mga piket-rali.

Naging determinado at matatag ang mgamagsasaka ng Divisoria na manatili sa lupangkanilang sinasaka at hindi magpasindak saharasment ng CCEI. Matapos ang mahigit nadalawang taong paglaban para sa lupang kanilangbinubungkal, napilitang makipagkasundo ang CCEIsa mga magsasaka na ipagpatuloy nilang sakahinang 35 ektarya sa loob ng limang taon. Nilamandin ng kasunduan na maglalaan ang CCEI ng walongiskolarship batay sa rekomendasyon ng lokal nasamahang magsasaka, magsasagawa ng mgaproyektong pangkabuhayan sa naturang barangayat maglulunsad ng medikal at dental misyon salugar.

Ang tagumpay ng mga magsasaka sa Divisoriaay mapaghahanguan ng aral kaugnay ng laban saland use conversion (LUC) o palit-gamit ng lupa laluna’tlaganap ang LUC sa rehiyon. Walang patumanggangipinagpapalit-gamit ang mga agrikultural atproduktibong lupain para tayuan ng mga subdibisyon,malls, pabrika at iba pang establisyamento. Ayon saAMC, ”Ang LUC ay mapaminsalang paraan ngpaggamit ng lupa sa dating tinataniman ng palay, maisat prutas. Mali itong konsepto ng aplikasyon ngkaunlaran dahil ang tanging nakikinabang lamang ditoay ang iilan. Ang tuluy-tuloy na pagpapalit-gamit salupa ay magreresulta ng higit na kawalan ng pagkainat tuluy-tuloy na hanapbuhay sa isang komunidad atbuong lipunan.” H

Bilang pagsuporta salaban na mgamagsasaka, nireyd ngPalermo OrtanezCommand (POC), BHB-Pampanga, ang upisinang LS sa Brgy Sebitanannooong Disyembre 14,2001. Ayon sa pahayagng POC, ang ginawangreyd ay kaparusahan samga panggigipit ng CCEIsa mga magsasakangnakaposisyon atnagbubungkal sa mgalupain.

Page 8: Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon … Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK >>> ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro

8 Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK

Transportasyon sa Pampanga at Tarlac, naparalisa

Naparalisa ang transportasyonsa Pampanga at Tarlac bilang

protesta ng mga drayber atopereytor sa Clean Air Act (CAA oRA 8749), pagtataas ng presyo ngpetrolyo (oil price hike o OPH), atkahilingan sa dagdag na P1.00 sapamasahe. Nilahukan ito ng libu-libong mga drayber at opereytor ngdyip, traysikel at minibus; ng mgamanggagawa, kabataan at iba pangmamamayan sa maralitangkomunidad sa dalawang lalawigan.

Sa Tarlac, paralisado angbyahe ng naturang mga sasakyansa Tarlac City at mga bayan ngMoncada, Sta. Ignacia, Mayantoc,Concepcion at La Paz nitong Abril7 bilang protesta sa mga anti-mamamayang probisyon ng CAA.Naglunsad ng dalawang-oras naprograma ang mga drayber at ibamilitanteng mamamayan sa harappampublikong palengke ng syudadng Tarlac matapos nagmotorcademula sa Brgy Estrada ng Capas.Nagtayo rin ng anim na “chokepoints” sa lalawigan. Sa pahayag ngNagkakaisang Manggagawa ngTarlac, mariing kinundena ang CAAat ang koleksyon ng P300 para saemission testing bilang rekisito sapagrehistro ng sasakyan.

Sa Pampanga naman, tatlongbeses na naparalisa angtransportasyon sa lalawigan mulaOktubre 2002 hanggang nitongMarso. Nitong Marso 4, tinatayang90% paralisado ang byahe ng mgatransportasyon sa buong Pampangamula alas-sais ngumaga hanggangalas-sais ng gabibilang protesta saCAA at OPH.Noong Oktubre 26,2002 mula alas saisng umagahanggang alas saisng gabi, paralisado

ang byahe ng mga pampublikongtransportasyon sa mga bayan ngMabalacat, San Fernando,Magalang, Porac, Guagua, Arayat,Mexico at Angeles City ngPampanga at Bamban, Tarlac. Angpangunahing isyu ay ang paglabansa OPH at ang kahilingan sa dagdagna taas na pisong pamasahe.

Isandaang porsyentongparalisado ang byahe ng mgapampasaherong sasakyan sa An-geles City nitong Enero 29 kaugnayng isyu ng CAA at OPH.Binarikadan ng mga traysikel atdyip ang harap ng Land Transpor-tation Office, naisara ang porsyonng Mac Arthur haywey at ditoisinagawa ang programa ng mgaraliyista. Nilahukan ang tigil pasadang lahat ng mga asosasyon ng dyipat traysikel sa buong Angeles atorganisasyon ng mgamanggagawa, kabataan atmaralitang lunsod.

Ang CAA ay batas na naipasanoon pang 1999 para tiyakinumanong maging malinis anghangin. Para makabyahe ang mgasasakyan, kailangang makapasa itosa smoke emmision test nababayaran ng may-ari nang P300para sa bawat sasakyan. Kalakhanng mga sasakyang luma na at mgapampubliko ay hindi papasa saunang emission testing, kaya’tkailangang ibayong gastusan angpag-aayos at paglilinis ng makina.Muling magbabayad sa emissiontesting at kung makapasa sa

i t i n a k d a n gstandard aysaka palamang ibibigayang stiker napermiso paramakabyahe.Batay samagkasanib napahayag ng

Kilusang Kontra Kartel-CentralLuzon (KKK-CL) at Workers’ Alli-ance in Region III (WAR III), hindipinananagot ng gubyerno ang mgadayuhan at malalaking burgeskumprador na may-ari ng malalakingindustriyang nagdudulot matindingpolusyon. Tahimik din ang rehimensa napakaraming toxic waste nainiwan ng base-militar ng US saClark at Subic na hanggang ngayonay pumipinsala sa mamamayan.Nakatuon ang CAA sa phase out ngmga dyipni, traysikel at mga lumangsasakyan.

Ang CAA na dikta ng IMF-World Bank ay may layuningkopohin ng malalaking kumpanya ngbus at light rail transport angindustriya ng transportasyon sabansa. Hangad din ng mgaimperyalista na mawala ang mgalumang sasakyan upang maipwersaang muling pagtatambak dito ng mgabagong sasakyang sobra-sobra nasa pamilihan.

Samantala, maraming besesnang tumaas ang presyo ng langisdahil sa patakarang deregulasyonna dikta ng mga imperyalista sakasalukuyan at mga nagdaangrehimen. Napakaliit na ng kinikita ngmga drayber at maliliit na opereytordahil sa napakataas na presyo nglangis at pyesa ng sasakyan. “Walani anumang konsiderasyon angsabwatang kartel ng langis atrehimeng GMA. Di nila alintana nakandakuba na sa paghihirap angmamamayan. Ang pagsirit ng presyong bilihin ay malayo na at di nakayang abutin ng kakatiting na kitang mga naghahanap-buhay.Sadyang wala tayong maasahan sakasalukuyang rehimen at umiiral nasistemang pang-ekonomiya atpanlipunan din. Nasa atingpagsasama-sama at pagkilos angpag-asa,” dagdag pa ng pahayag ngKKK-CL at WAR III. H

Page 9: Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon … Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK >>> ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro

9Regular na Isyu / Marso-Abril 2003HIMAGSIK

Welga sa NeoArts, tagumpay

MATAGUMPAY na natapos ang dalawang buwangwelga ng manggagawa sa NeoArts. Bumigay rinang kapitalista at pumayag sa lahat ng kahilinganng mga mangagawa. Kabilang dito ang: (1)pagbabalik sa trabaho ng 87 manggagawangtinanggal, pagbabalik sa lahat ng mga sumama sawelga ng walang diskriminasyon, at gagawin silangregular, (2) pagbibigay ng 13th month pay, SSS,sick leave at iba pang benepisyo, (3) ibibigay ngkapitalista ang P300,000 bilang financial assistancena paghahatian ng mga nagwelgang manggagawaat iaatras ang lahat ng kasong isinampa sa kanilasa panahon ng welga.

Ang NeoArts na pagawaan ng pang-eksport napandispley ay pag-aari ng isang Dutch National. Isanglibo ang kabuuang bilang ng mga manggagawa rito.Dahil sa di makataong kalagayan sa paggawa dulotng relasyong kabo at bayarang por piraso, kawalanng mga karampatang mga benipisyo, naglunsad angmga manggagawa ng sama-samang pagkilos. Nakuhanila ang suporta ng mga pulitiko sa lunsod ng Angelesat halos lahat ng konsehal ay pumusisyon pabor salaban ng mga manggagawa. Lalo nilang pinag-ibayoang kanilang propaganda upang humamig ng masmalawak na suporta mula sa iba pang sektor atmamamayan habang patuloy na nagkokonsolida parasa pagtatayo ng unyon.

Nasa proseso pa lang ng pagtatayo ng unyonnang kaagad na tanggalin ng kapitalista ang mgaopisyales at aktibong myembro ng unyon. Dahildito, nagkaisa ang mga manggagawa na iputokang welga noong Nobyembre 2002. Marahas nabinuwag ng mga bayarang pulis at mga iskerol angpiketleyn subalit magiting na nagtanggol ang mgawelgista.

Sa harap ng pananakot at pandarahas ngkapitalista’t mga bayarang pulis ay patuloy nanagkonsolida at nagpatatag ang mga manggagawa.Inilunsad sa piketleyn ang iba’t ibang aktibidad tuladng simposyum, serbisyong medikal, roving picketat mga pag-aaral. Walang patid ang pagtulong ngiba pang unyon sa Pampanga sa iba’t ibang antas nglaban hanggang sa mapilitang makipag-usap angkapitalista sa pamamagitan ng kanyang mga kabo. H

Kauna-unahang militanteng unyonsa SBMA, naitayo

DISYEMBRE 2002 nang ilunsad ng mga mgamanggagawa sa Legenda ang certificate of election(CE). Lumahok rito ang malaking bilang ng mgamanggagawa at dito rin ay matagumpay na nakuha ang95% ng boto ng manggagawa para sa unyon. Ito angkauna-unahang militanteng unyong naitayo sa loob ngSBMA na nagsilbing mitsa para sa tuluy-tuloy na pag-oorganisa ng mga kanugnog na pabrika, pagawaan atmga establisyamento.

Tumagal nang dalawang taon ang pagkakatayounyon sa Legenda bago ito napagtagumpayang kilalaninng manedsment. Sa proseso ng pakikipaglaban para sapagkilala sa unyon ay naipagwagi ng mga manggagawaangpakikibaka kontra sa malawakang tanggalan,pagbabalik sa dalawang manggagawang tinanggal,paglaban sa harasment sa mga opisyales at aktibongmyembro ng unyon. Mariin ding kinundena ng mgamanggagawa ang pagpapakain sa kanila ng panis at iginiitang pagpapalaki ng bahagi nila sa tip na ibinibigay ngkostumer.Sa kasalukuyan, isinusulong ng unyon angpakikibaka para sa mas maayos na kalagayan ngmanggagawa sa ilalim ng Collective Bargainign Agreement.

Ang Legenda ay kinabibilangan ng Legend Interna-tional Hotels, Resort at Casino. Mayroon itong tatlonghotel, 1 casino, restawrant at club. Ang mgamanggagawa rito ay mahigit kumulang sa isang libo’t,isang daan (1,100) na kalakha’y naninirahan sa malapitat kanugnog na bayan. H

Ilang Tampok na Tagumpaysa Kilusang Paggawa sa Gitnang Luzon

Page 10: Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon … Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK >>> ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro

10 Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK

.

Mahigit 70 kataong lulan ng 35 bangka angsumama sa inilunsad na Libad laban saPolusyon sa Hagonoy, Bulacan nitong Marso24. Pinangunahan ang pagkilos ngPamalakaya-Bulacan. Ito ang ikatlo sa mgaserye ng protesta sa tubig na kumukundenasa lumalalang polusyon sa Ilog. H

Libad laban sa polusyon,muling inilunsad

kinundena ng mga manggagawa

Pagpapalayas sa bolantes ng Tarlac, napigilan

Mahigpit na tinututulan ng mga bolantes (ambu-lant vendors) sa palengke ng Syudad ng Tarlacang tuluy-tuloy na pagpapalayas at panggigipit sakanila ng lokal na pamahalaan ng Tarlac sapamamagitaan ng Task Force Kalinisan (TFK).

Sa pamumuno ni Col. Pedroche,isinasagawa ng TFK ang iba’t ibang anyo ngpanggigipit sa mga bolantes alinsunod sa umano’y“kampanyang pangkalinisan” at pagpapaluwag satrapiko ng syudad upang makaakit ng maramingmamumuhunang negosyante.

Ilan sa mga ito ay ang pangungumpiska’tpagnanakaw sa pera ’t mga paninda,pangongotong, at pagpapalayas sa mga bolantesmatapos silang matiketan. Mula Oktubre 2002,umabot na sa 20 ang naitalang kumpiskasyon atpagnanakaw sa paninda ng mga bolantes.

Sinimulan ng TFK ang “paglilinis” noonpang Oktubre 2001 kung saan maramihangpinalayas ang mga bolantes at iba pangmanininda. Pansamantala itong natigil mataposmagprotesta ang may isanlibong bolantes. NoongOktubre 2002, itinuloy ang pagpapalayas subalitito’y maliitan, selektibo at hiwa-hiwalayatpangunahing nakatuon sa mga bolantes. Muli aypansamantala itong inihinto matapos ang seryeng mga piket at dayalogo

Itinuturing na pinakamahirap sa hanay ngmga manininda sa palengke ang mga bolantes.Sila yaong mga magkakandila, magsasago,magpuprutas, maggugulay o nagtitinda ng sari-sarina pawang maliliit ang puhunan na kadalasa’yutang pa. Wala silang kakayanang umupa ngpwesto kaya’t nagtitiyaga sa pag-ikot sa palengkedala ang panindang nakabilao, nakakariton o bitbitlamang ng kamay. Gayunman, tinitiketan pa rinsila ng halagang limang piso kada araw ng lokalna pamahalaan. Ang iba sa kanila ay napipilitangmagbayad ng panibagog limang piso sa mga may-ari ng baque (pribadong establisimyento) para sasandaling pakikipwesto sa harapan nito. H

Illegal Shutdown sa Oxford,

Mahigit 250 manggagawa ng Oxford Phil-ippines Incorporated sa Marilao angnagpiket nitong nakaraang Pebrero.Mariing tinutulan at kinundena ng mgamanggagawa ang ginawang iligal napagsasara ng kapitalista sa pagawaan. Nauna rito, naipanalo ng militantengunyong Katipunan ng mga Manggagawasa Oxford Philippines Inc o KAMAOPI,ang certificate of election noong Hulyo2002. Sa pangalawang eleksyong ito,karamihan sa mga manggagawa ng Ox-ford ay nagpakita ng pag-igpaw sasamu’t saring pananakot, black propa-ganda at saywar ng manedsment labansa pagtatayo ng unyon. Sa kasalukuyan, matibay pa ringnaninindigan ang mga manggagawa saiba’t ibang maniobra ng manedsment parabuwagin ang lehitimong unyon naKAMAOPI at ipatupad ang malawakangkontraktwalisasyon sa pagawaan. H

Page 11: Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon … Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK >>> ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro

11Regular na Isyu / Marso-Abril 2003HIMAGSIK

Kababaihan, tutol sa Digmaan

Pagkain, Kabuhayan, hindi Bala!Kapayapaan, hindi Giyera!

ITO ang mariing ipinanawagan at isinisigaw ngmahigit 300 nagmartsang kababaihan sa kahabaanng Astro Park, Clark sa Angeles City ng Pampanga.Sa taunang paggunita na ito ng Marso 8, ang Araw ngKababaihan, militante silang nananawagan parakundenahin at tutulan ang digmang agresyon ngImperyalistang US sa Iraq. Ayon sa isang babaeng manggagawa, “Angmatinding paghihikahos dulot ng lalong lumalalang krisispang-ekonomya sa bansa ay lalong papaigtingin ngdigmang ilulunsad ng US sa Iraq. Tiyak na sisirit pataasang presyo ng produktong langis at mga pangunahingbilihin na lalong magpapahirap sa mamamayangPilipino.” Sa kasalukuyan ay malawakan angtanggagalan sa mga pagawaan sa Gitnang Luzon atmaging ng buong bansa. Mas lalong sumasahol angkalagayan ng mga kababaihang manggagawa dahil samahihigpit na patakaran sa mga pagawaan, di pantayna trato at mas maliit na pasahod, dagdag pa niya. Pagkatapos magpahayag ng mensahe ngpakikipagkaisa sa paggunita ng araw ng kababaihan,muling nanawagan si Ka Roman Polintan, tagapangulong Bayan-GL, ng pagtutol at sama-samang pagkundenang mamamayan sa nakaambang digmang agresyon ngUS sa Iraq. Matapos nito ay nag-torch parade angdelegasyon patungong Plaza Miranda. Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe ngpakikiisa sa programa sa Plaza Miranda ay angAlyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL),Alliance of Concern Teachers (ACT), Anakbayanat WAR 111. Matapos ang programa ay nagkaroonng mini-concert para sa Kapayapaan sa harap ngSto. Rosario Catholic Church. HHHHH

Prayer rali laban sa agresyon ng US sa Iraq, inilunsad sa Bulacan

NAGLUNSAD ng prayer-rally laban sa panggegera ngUS sa Iraq ang may 700 mamamayan sa Bulacan nitongMarso 21. Pinangunahan ito ng Justice and Peace Deskng Diocese of Malolos at ng Bayan-Bulacan.

Bandang 4:00 ng hapon, nagtipon sa FreedomPark Malolos ang may 500 relihiyoso. Mula doon aynagprusisyon sila na may dalang kandila tungong Ba-silica ng Malolos. Sa kahabaan ng Paseo del Congresoay tatlong istasyon ang kanilang tinigilan at nagsindi ngkandila para sa kapayapaan.

Samantala, nang bandang 5:00 ng hapon aynagrali sa Crossing Malolos ang may 200 militantengmamamayan. Mariing kinundena ng mga tagapagsalitang Alyansa ng mga Magbubukid sa Bulacan, Dyipni-Tricyle Bulacan Transport Organization at Bayan-Bulacan ang pangegera ng US sa Iraq. “Ang US angnumero unong pandaigdigang terorista na na mayweapons of mass destructions at hindi ang Iraq. Layuninng US na kopohin nito ang industriya ng langis saIraq.” Matapos ang maikling programa ay nagmartsaang mga raliyista tungong Basilica; sumanib sila sa mganakatipon doon.

Isinagawa sa Patio ng Basilica ang ecumenicalmass na pinamunuan ng pareng Katoliko, PIC, pastorng UCCP at Muslim. Natapos ang misa bandang 6:30ng gabi.

Matapos ang misa ay nagkaroon ng kulturangpagtatanghal hanggang 10:00 ng gabi ang mga grupomula sa iba’t ibang parokya at mga progresibongorganisasyon. Dito rin binasa ng anak ni CongressmanVillarama ang mensahe ng kongerista sa pagsuportasa pagtitipon. H

Page 12: Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon … Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK >>> ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro

12 Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu HIMAGSIK

3 sundalo, patay sagranada ng BHB

TATLONG armykabilang ang isangupisyal ang iniulat nanamatay mataposhagisan ng granada ngisang tim ng mga Pulang Mandirigma ng BHB nitongMarso 30, alas kwatro ng hapon.

Lulan ng isang traysikel, mapangahas na dinikitanng mga operatiba ng BHB ang bakuran ng NationalPower Corporation (Napocor) sa Brgy. San Jose-Matulidsa Mexico, Pampanga kung saan nakahimpil ang mgamilitar.

Ang mga nasawing sundalo ay kabilang sa mgaelemento ng 69th IB na itinalaga para bantayan angnaturang bakuran ng Napocor laban sa pag-atake ngBHB bilang bahagi sa pagdiriwang ng ika-34 taonganibersaryo ng huli.

Detatsment ng 69th IB, sinunog ng BHB

SINUNOG ng isang iskwad ng BHB ang itinatayongdetatsment ng 69th IB at Cafgu sa Sitio Inararo, Brgy.Villa Maria, Porac, Pampanga nitong Marso 28, alas-singko ng hapon.

Aabot sa 24 Cafgu na pawang taga-Sitio Inararoang nakatakda sanang magmintina sa detatsment,bukod pa sa mga regular na sundalo ng 69th IB.

Ikinatuwa naman ng mamamayan ng Villa Mariaang pagkasunog sa detatsment. Anila, kung natuloyang pagtatayo niyon, lalo silang maliligalig sa paghahari-harian ng mga kababaryo nilang Cafgu.

Pusakal na impormer, pinarusahan ng BHB

GINAWARAN ng rebolusyonaryong kaparusahan ngmga Pulang Mandirigma si Florentino Castro, isangpusakal na impormer at pangunahing rekruter ng 69th

IB at Basa Air Base ng Barrio Intelligence Network (BIN)sa Porac at Floridablanca sa Pampanga.

Si Castro, 48 taong gulang ng Brgy. Pio sa Poracay binaril ng isang tim ng BHB sa mismong bahay niyanitong Pebrero.

Bukod sa pagiging impormer, si Castro aykumpirmado ring nanggahasa sa dalawa niyang anakna babae, pusher ng shabu at kilalang maton sa buongbaryo. H

Ulat Koresponsal

Braganza at Serapio, mga sinungaling

Tinawag na sinungaling at tanga ng FrontOperational Command ng NPA-EasternBulacan sina Maj. Gen. Alberto Braganza,kumander ng 7th Infantry Division-PA ngGitnang Luzon, at Supt. Felizardo Serapio,Provincial Director ng PNP-Bulacan. Ayonsa FOC, dalawang pulang mandirignalamang at hindi 18 ang nasawi sa labanansa Angat at Pandi, Bulacan nitong Marso29.

Unang namataan ng nakahimpil na platunng NPA ang paparating na pinagsanib napangkat ng PNP at 56th IB sa PulongYantok, Angat, Bulacan. Nasa bentahengpusisyon ang mga pulang mandirigma kayauna silang nakapagputok at nakuha anginisyatiba ng laban. Maraming tinamaangkaaway samantalang nasawi rito si KaCarmi o Norbel Ortega at nasugatan angisa pa.

Humantong sa baryo ng Siling Matanda,Pandi ang pangalawang labanan.Tinambangan ng magigiting na mandirigmaang humahabol na kaaway. Kaagad nanalipol ang isa pang pangkat ng lumusobna kaaway habang ang iba’y hilong nanakbopabalik. Dito nasawi si Ka Gerald o ArnelSan Juan, ang isa sa mga tumayongisnayper ng platun.

Namatay ang limang PNP at dalawangAFP at marami pa ang sugatan sa kaaway.Isa sa napatay si Chief Inspector EsperidoDelgado, deputy group director ng 305th

Provincial Mobile Group, samantalangsugatan si Supt. Fernando Villanueva,direktor ng 306th PMG. Na-klining namanng mga pulang mandirigma ang anim na M-16, isang kalibre 45 pistola at tinamaan anggulong ng isang Armored Personnel Car-rier (APC) dahilan upang ito’y mabalaho. H