Upload
network-nexus
View
234
Download
8
Embed Size (px)
DESCRIPTION
This book is about the life of Mr. Ricky Vergara, an LGBT who had been successful in his field despite of the critics in his society, a short conversation between the author and his subject
Citation preview
“RED
LIPSTICK”
By:
Mary Josephine M. Manguera
Gusto ko sana sumulat ng isang pormal na libro. Kaya
lang na isip ko, ganun na ba ako kagaling para lumikha
at maging akda ng isang libro? Pero, hindi naman talaga
kailangan ng pormal o makatang pananalita para lang maka
likha ng isang libro. Minsan, yung kuwentong balbal yun
pa nga yung mas may kapupulutan ng aral at mas madaling
intindihin. Kaya sa tulad ko na ngayon pa lang lilikha
ng libro, mas gusto na may kapupulutan na aral ang
makakabasa nito kesa mga mabulaklak na pananalita lamang
ang kanilang makita.
Ang librong ito ay para sa lahat ng gustong bumasa.
Hindi namimilit, hindi ng oobliga Pero may halaga.
-May Akda-
Ako: Sir, para sa inyo ano po ba
ang sinisimbolo ng isang red
lipstick?
Sir Ricky: Red Lipstick? Para kasi
sa akin it’s a sign of love.
Pagmamahal, sa mga intsik naman
ito ay lucky daw.
Ako: Pagmamahal? Sir nagmahal na
po ba kayo?
“Awkward moment” Bakit ba ito naitanong ko sa subject ko? Pakiramdam
ko maiinis siya at hindi na niya ako sasagutin pa. Pero malayo sa
inaasahan ko, sinagot niya ang naging tanong ko. At oo! Nagmahal na siya,
nagmahal na siya ng kapwa niya lalake. Siguro naman hindi ko na kailangan
pang itanong sa kanya kung straight ba siya o hindi diba? Pero sino nga ba
si Enrique R. Vergara? Sa halos lahat ng aking napag tanungan iisa lang
ang naging sagot nila, “Siya yung gumagawa at nagpaparent ng gown dito sa
bayan ng Boac”. Ewan ko, pero sa tuwing dumadaan ako sa kanyang shop,
napapatingin ako sa kanyang mga likhang disenyo. Napapahangga ako!
Madaming nagiging kritiko ang mga third sex, pero sa panahon ngayon
mas masasabi ko na mas may kabuluhan pa sila. May nakita na ba kayong
tambay na tulad nila? Siguro meron, pero iilan lang. Kasi ang totoo, mas
nagsisikap sa buhay ang mga tulad nila. Minsan nga mas mga tunay na lalaki
pa sila pag dating sa mga obligasyon at responsibilidad.
Panganay sa limang magkakapatid si “Ricky”, anak siya nina Juanito
Vergara at Lita Vergara. Bata pa lang siya, alam na niya sa sarili niya na
pink ang favourite color niya. Family business nila ang pagtatahi, hindi
na nakakapagtaka kung kanino niya namana ang passion sa pagtatahi ng mga
damit. Pinilit niyang makapag tapos ng pag-aaral sa kabila ng kakulangang
pinansyal ng kanilang pamilya. Nagtapos si Ricky ng BS Architecture Sa
Mapua Institute Technology. Architecture? Diba parang malayo sa trabaho
niya ngayon? Hindi ko akalain na Architect pala si Sir Ricky. Akala ko
fashion designing ang course nya.
Ako: Sir Ricky, ehh, bakit hindi niyo tinuloy ang pagiging architect nyo?
Diba mas mayaman yung ganong trabaho?
Sir Ricky: Simple lang, Masaya ako sa ginagawa ko ngayon.
Dahil sa kakulangang pinansyal ng kanilang pamilya ng mga panahong
iyon, kinalimutan muna niya ang kanyang sariling ambisyon sa buhay.
Nagfocus siya na maitaguyod ang kanyang mga kapatid. Pinilit niyang pag-
aralin ang apat nyang mga kapatid. Nagtinda siya ng mga damit sa Manila,
sa crossing tiangge.
Halos lahat ng kapatid niya ay nakapagtapos sa Centro Escolar
University. Naigapang niya ang mga kapatid niya at nakapag-aral pa sa
magandang unibersidad. Kasabay ng pagtratrabaho ay pinilit niyang makapag-
aral ulet ang mag-aral ng fashion designing, upang madagdagan ang kanyang
ka alaman pag dating sa mga damit. Dahil sa kanyang mahusay na kamay,
hindi nagtagal ay siya na mismo ang lumikha ng kanyang mga obra.
“Proud Kuya ako! Dahil sa trabaho ko napag tapos ko ng pag-aaral ang mga
kapatid ko at natulungan ko ang pamilya ko!”
-Ricky
Ako: Sir Ricky, Aside po sa
paggawa ng gowns, ano pa po ang
hilig nyo?
Sir Ricky: Ako? Mangolekta ng
boys!HAHAHAHAHA…
Ako: Po?
Sir Ricky: Hilig ko
mangolekta ng boys, mga
laruang lalake!Action
Figures!
Akala ko boys talaga ang
collection nya, HEHEHEHE…
pero aside pala sa gowns hilig niya din ang mag collect ng mga action
figures. Mahilig din daw siya sa sombrero at mga Air Jordan na sapatos.
Kung iisipin mo yung mga collection niya eh diba parang mga hilig din na
collection ng isang straight?
Ako: Sir Ricky, gusto mo po ba
magkapamilya?
Sir Ricky: Gusto ko, pero hindi siguro
yung pakakasalan ko yung babae. Kasi
alam ko naman talaga kung ano ako at
kung ano ang gusto ko. Masasaktan ko
lang siya at dadayain ko lang ang
sarili ko.Hindi lang yon, kung mag
karoon kami ng anak ayaw ko na may
masasabi sa kanila ang ibang tao.
Marami sa mga third sex ngayon ang
tinatawag nilang “paminta” uso ata ito
eh. Kasi kahit ako na nalilito na din kung sino ang beki at sino ang
straight. Macho image pero deep inside pusong babae. Kung sino pa ngang
beki sila pa yung mas may face! Hot! Tapos kung sino pang straight na
hindi naman ka gwapuhan, sila pa yung mahilig mag playtime.
“Natatakot akong magmahal”, si Ricky Vergara natatakot magmahal? Paano?
Bakit? Nang sinabi niya sa akin na natatakot siyang magmahal, nagtaka at
napaisip ako. Pero naintindihan ko rin ang lahat ng sinabi niya sa akin
ang dahilan. Tama siya, sa tulad nilang beki mahirap na mahanap ang true
love. Madalas perahan daw ang nangyayari. Masakit daw pero yun ang
reality.
Sir Ricky: “Ayaw kong magmahal ng kababayan natin,” Mas gusto kong ma
involve sa isang dayuhan! Ayaw ko ng kababayan natin, kasi pakiramdam ko
isa lang ang habol nila sa akin.
Medyo nalungkot ako sa sagot niya, pero totoo. Maraming tao ang
mapagsamantala at yun ang mas nakakalungkot. Ang mga beking tulad nila ay
naghahanap din ng pag-ibig na maipagmamalaki nila at masasabing sa
kanila.Kilala si Ricky, nakakatakot na malamang pagsamantalahan lang din
ang kanyang kahinaan. Kung dayo nga naman ang iibigin niya, wala itong
ideya sa kanyang pagkatao at yaman na
mayroon siya.
Marami siyang naging kaibigang
foreigner. Madalas umuuwi sila ng
Pilipinas.Eto na yung pagkakataong
umaasa siya na isa sa kanila ay
magiging true love na niya. Ngunit gaya
ng ibang kuwento, lahat panandalian lang.
Ako: Sir, ano po bang pangarap nyo sa
buhay? Mayroon pa po ba kayong
gustong gawin?
Sir Ricky: Gusto kong pumunta sa
Amerika! Bata pa lang ako yan na ang
pangarap ko!
Amerika? Sa dami ng bansang
napuntahan daw niya hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napupuntahan ang
Amerika. Nanggaling na siyang Malaysia, Thailand, Hongkong at European
countries. Pero yung ultimate dream niya na Amerika hindi pa niya
napupuntahan Kaya hanggang ngayon, pangarap pa rin niya ang Amerika.
Yung pangarap niya kakaiba, kasi madalas pag tinatanong ko ang ibang
tao sa kung anong pangarap nila ang sagot nila ay, “magkaroon ng masayang
pamilya, bahay, trabaho, makapag tapos ng pag-aaral”.
Sir Ricky: Wala na kasi akong mahiling pa. Kontento na ako sa pamilya ko,
sa trabaho ko at sa buhay ko!
Ako: Kung bibigyan po ba kayo ng pagkakataon, pipiliin niyo rin po ba ang
buhay niyo ngayon? At bakit po?
Sir Ricky: Abah, OO! Siyempre! Masaya ako at kontento ako sa buhay ko
ngayon. Kaya kahit ilang chance pa ang ibigay sa akin, pipiliin at
pipiliin ko pa din ang Ricky na kaharap mo ngayon!
Ohhh… diba? Pang Ms. Earth ang question ko!At wapak din ang sagot ni
Sir Ricky! Malamang yung ibang beki ang sagot diyan eh pipiliin kong
maging babae. Pero si Ricky? Tanggap niya kung ano siya, tanggap niya yung
mga bagay na alam niyang hindi puwede. Hindi niya pinipilit mag cross
dress, maglagay ng make-up at rumampa sa kalsada bilang babae. “Gusto ko
ng respeto sa sarili” eto ang sabi niya sa akin. “Hindi kailangan magbihis
babae para lang sabihin na beki ako. Hindi kailangan ng makapal na
lipstick para sabihin na beki ako. Hindi ko kailangan kumendeng sa kalsada
para sabihin na beki ako”. Nakita ko yung matapang na side ni Sir Ricky!
Ayaw niya ng may taong babastos sa kanya dahil lang sa beki siya. Well
kahit ako na straight, ayaw ko rin naman na mababastos ako. Kaya tama lang
din na respetuhin muna natin ang sarili natin bago tayo respetuhin ng iba.
Sa tingin ko naman tanggap na ng ating society ang mga third sex. Yun
nga lang andon pa din yung takot na may mga taong titingnan ka mula ulo
hanggang paa or should I say paa hanggang ulo? Dalawang beses ka kasi nila
titingnan at bubulong sa kanilang mga katabi.Sadyang maraming kritiko sa
ating lipunan. Kritiko na hindi magawang tingnan ang sarili bago punahin
ang ibang tao. Kung puwede lang magsuot ng salamin habang naglalakad
siguro bago magsalita ang ibang tao sa kapwa nila atleast makikita muna
nila ang sarili nila bago sila magbitiw ng mga masasakit at mapanghusgang
mga pananalita. Sadyang kulang lang sa pananalamin yung iba. Ooppsss,
huwag mo ng itry, later na lang. Tapusin mo na muna ang binabasa mo.
Hindi naman sakit o kondisyon ang pagiging beki. Pinipili lang ng iba
na maging masaya at totoo sa kung ano at sino talaga sila ng walang halong
pagpapanggap.
Hindi naman masama kung LGBT ka. Basta wala kang tinatapakan na ibang
tao.Maraming nagsasabing salot sila sa lipunan. Pero kung titingnan mo
naman karamihan sa kanila ay may trabaho at may nasasabi sa ating
lipunan.Minsan mas nakakahigit pa nga sila sa mga tunay na babae at
lalake.
“Mahilig akong lumabas kasama ang mga kaibigan ko, nag uunwine”
-Ricky
“Pag gusto ko mapag-isa nagkukulong lang ako sa kuwarto, you may see
me always smiling, pero tao pa din ako! Umiyak na kaya ako dahil sa boys.”
-Ricky
“ Kontento na ako sa buhay ko!”
-Ricky
“Pagdating sa pamilya ko at mga kaibigan ko, hindi ako madamot, I always share what I have”. Masyado na akong blessed para ipagdamot pa ang lahat ng ito sa kanila.
-Ricky-
Isa lang si Ricky sa mga LGBT na naging matagumpay sa kanilang
larangan ng buhay. Nakakahangga, madalas kasi ang tingin sa mga beki na
tulad nila ay pang parlor lang at pag papaganda ang alam. Puro lipstick
lang ang hawak. Pero pinatunayan niya na may patutunguhan ang buhay niya.
Higit pa sa tunay na lalaki ang naging sakripisyo at obligasyon niya sa
kanyang pamilya. Walang pinipiling kasarian pag dating sa responsibilidad
at ambisyon sa buhay.
Kahit sino puwedeng mangarap at lahat nagsisimula sa mga maliliit na
bagay. Hindi dahil kritiko ang ating lipunan ay hahayaan na lang nating
manatiling ganon ang kanilang pananaw at tingin sa atin. Mapa straight man
o hindi, may sarili tayong choice at pagpapasya sa ating buhay. Saludo ako
sa lahat ng beki na naging model at ispirasyon sa nakakarami. Bagay na
hindi naman talaga nagagawa ng lahat.
May mga bagay din talaga na sadyang dapat tinatanggap na lang natin
at hindi pinipilit.
Ako: Sir Ricky, ano po ba yung bagay na hindi niyo ginagamet na ginagamet
ng ibang beki?
Sir Ricky: Lipstick! Red Lipstick, hindi ko naman kasi kailangan maglagay
noon para lang masabi na beki ako!
Yung Red Lipstick? Yan yung naging title ko para isulat ang naging
conversation namin. Sa totoo lang marami pa siyang na ibahagi sa akin pero
pinili na lang naming gawing private ang lahat. Lalo na about sa lovelife
niya. Na intriga kayo ano?
Akala ko noong una very
formal si Sir Ricky kaya hirap na
hirap akong iapproach siya.
Natatakot akong magtanong, kaya ang
mga tanong ko noong una, anong
pangalan niya, saan kayo
nakatira, ilan kayong
magkakapatid? HAHAHAHA… very
formal diba? Pero hindi, Masaya
siyang kausap, very straight
forward. What you see is what you
get.
Meron din siyang other
shop, sa Sta. Cruz, don kasi
talaga sila nakatira. Nagkataon lang na mas sumikat siya sa bayan ng Boac.
“Ilan sa kanyang mga disenyo ng gowns”
“Nasa mga gowns na ito ang buhay ko, kaya hindi ako magsasawang gumawa ng gumawa ng
disenyo, Makita ko lang na Masaya ang mga cliente ko, Masaya na rin ako”-Ricky
Acknowledgement
Maraming salamat sa aking subject na si Mr. Enrique “Ricky”
Vergara. Salamat sa paglalaan ng oras, sa mahigit isang buwan
kong pangungulet. Maraming salamat sa mga kuwentong kinapulutan
ko ng aral, bagay na naging ispirasyon ko para isulat ang ilang
kabanata ng inyong buhay.
Salamat sa kaklase ko na sina Jerome Lingon at Jane Caitlin
Basilia. Mahirap ang laging nanghihiram ng camera kahit alam ko
na lagi nyo rin itong ginagamet.HEHEHEHE. Kay Karol Manguera na
nag naging kasama ko sa pangungulet kay Mr. Ricky.
Maraming salamat din sa aking subject professor na si Mr. Randy
Nobleza. Minsan naiinip ako sa pag iintay sa kung kailan
available si Mr. Ricky, pero dahil sa words of wisdom nyo na mag
tiyaga lang ako, eto at naka likha na ako ng libro kahit
papaano. HEHEHE…
Maraming salamat sa Mama at Papa ko na laging umuunawa sa
schedule ko kahit minsan para na daw akong nagcacamping dahil sa
laging gabundok ang gamet na dala ko kasama na ang camera with
matching tripod pa.
Kay Yohan at Xian, ang makukulet ko chikitings na laging
binubura ang files ko sa laptop ko makapag laro lang sila ng
feeding frenzy.
Sa autorun virus na kumaen ng system ko, salamat kasi dahil
kahit na corrupt ang ready to print files ko mas nag push pa ako
na gawen at tapusin ang libro ko. HEHEHE… may Smad Antivirus na
ako!
Kay Kuya Joshua, maraming salamat sa pag ayos ng pc ko!Nagawa ko
din ang libro ko!