23
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera Cordillera Administrative Region Sentro ng rehiyon Baguio City Populasyon – Densidad 1,365,220 75 bawat km² Lawak 18,294 km² Dibisyon Lalawigan Lungsod Bayan Barangay Distritong pambatas 6 1 76 1176 7

Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

Rehiyong Pampangasiwaan ng CordilleraMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Rehiyong Pampangasiwaan ng CordilleraCordillera Administrative Region

Sentro ng rehiyon Baguio City

Populasyon

 – Densidad

1,365,22075 bawat km²

Lawak 18,294 km²

Dibisyon

 – Lalawigan

 – Lungsod

 – Bayan

 – Barangay

 – Distritong pambatas

617611767

Wika Ilokano, Kalinga, Kankanaey,Ifugao, Itneg, Isneg,Pangasinese, at iba pa

Page 2: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

Ang Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (opisyal: Cordillera Administrative Region, CAR) ay

isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang Luzon na binubuo ng

mga lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province. Inookupa ng rehiyong ito ang

mga lugar sa loob ng Bulubunduking Cordillera, na ang pinakamahabang bulubundukin sa bansa. Ang

rehiyong ito ay tirahan ng mga tribong tinatawag na Igorot.

Ito lamang ang rehiyon ng Pilipinas na hindi napapaligiran ng tubig.

[baguhin]Heograpiya

Mapang Politikal ng Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera

Pulitikal na dibisyon

Lalawigan/Lungsod KapitalPopulasyon

(2000)Area(km²)

Kapal ng pop.(per km²)

Abra Bangued 209,491 3,975.6 52.7

Apayao Kabugao 97,129 3,927.9 24.7

Page 3: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

Benguet La Trinidad 330,129 2,599.4 127.0

Ifugao Lagawe 161,623 2,517.8 64.2

Kalinga Tabuk 174,023 3,119.7 55.8

Mountain Province Bontoc 140,439 2,097.3 67.0

Lungsod ng Baguio

— 252,386 57.5 4,839.3

¹Ang Lungsod ng Baguio ay isang mataas na urbanisadong lungsod; ang estadistika nito ay hiniwalay sa Benguet.

Iba’t iba ang pala-palagay tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas. Ayon sa mga pala-aral tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas, noong unang panahon ang Pilipinas ay bahagi ng Asya. Walang dagat na namamagitan sa Asya at sa Pilipinas. Ngunit dahil sa pagguho ng lupa, lindol, pagputok ng bulkan at pagbaha ng yelo, ang bahagi ng lupang nag-uugnayy ng Pilipinas sa Asya at bumaha o gumuho at ngayon ang nakikita natin sa lugal niyan ay tubig.

May mga nagpapatotoo na ang Pilipinas ay bahagi nga ng Asya noong unang panahon sapagkat kamakailan lamang ay natuklasang mga bungo ng hayop sa bundok ng Cordillera. Ang mga hayop na tulad nito at doon lamang nakikita ngayon sa Asya at wala sa Pilipinas.

Alinsunod naman sa mga mananalaysay, ang Pilipinas daw noong unang panahon ay bahaging labi ng malaking lupalop na lumubog sa dagat ng India na kung tawagin ay Lemuria at ayon naman sa iba, ito raw marahil ay bahagi ng nawalang lupalop Pacifico na kung tawagin ay Hu.

Ayon naman sa ating matandang alamat, noong unang panahon ay walang lupa kundi langit at tubig. May isa raw uwak na walang madapuan. Naisipan ng uwak na papaglabanin ang langit at dagat. Nagkaroon nga ng labanan. Malalaking alon ang isinaboy ng dagat sa langit. Ang langit naman ay naghulog ng malalaking bato sa dagat. Sa mga batong ito nagmula ang lupa. Isa sa mga pulo ng lupang naturan ay ang Pilipinas.

Page 4: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

Ang isa pang kawiliwilihang alamat tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas ay ang tungkol kina Silalak at Sibabay. Nang lalangin daw ang mundo ng Punong Pinagmulan ang inunang lalangin ay dagat at langit. Sapagkat wala pang buhay noon sa daigdigm ang Punong Pinagmulan ay malulungkutin. Sa kanyang kalungkutan ay napaluha. Dalawang patak ng luha ang nalaglag sa papawirin at iyan ay naging ibon. Sapagkat walang pulong madapuan ang ibon, naibulong na Punong Pinagmulan ang, “Nais kong magkaroon ng lupa at kakahuyang dapat madapuan ng ibon.” Halos hindi pa nasasabi ito, nang di-kawasa, nagkalupa at dagat.

Ayon sa alamat, isa raw araw, sa puno ng kawayan sa lupang naturan, dumapo ang ibon. Tinuktok ng ibon ang isang biyas na kawayan. Wari’y may mahiwagang tinig na narinig, “Lakasan mo ang pagtuktok.” Nang tuktukin ng buong lakas ang biyas ng kawayan, nabiyak ito at lumabas ang kauna-unahang lalaki. Siya ay si SIlalak. Isinunod ng ibon ang pagtuktok sa isa pang biyas ng kawayan. Nang mabiyak ang kawayan, lumabas naman ang kauna-unahang babae. Siya ay si SIbabay.

Ito ang alamat ng Pilipinas.

Aral: “Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.” – Genesis 1:1-2

MANKAYAN ISANG ETNOLINGGWISTIKONG PANANALIKSIK

I. TERITORYO

Introduksyon:

Kankanaey isa sa pinakamalaking pangkat etniko sa Lalawigang Bulubundukin ng Hilagang Luzon kabilang dito ang ilang bayan ng lalawigan ng Benguet. Ang munisipyo ng Kibungan, Bakun, Buguias at Mankayan. Ang etnolinggwistikong pananaliksik na ito ay nakasentro sa pangkat etniko ng Mankayan.

Lokasyon:

Ang Mankayan ay may 99 kilometrong daang layo sa hilaga ng Baguio. Nasa 16 52’ Hilagang latitude, at 120 97’ Silangang longhitude. Ang munisipyo ng Mankayan ay nasa hangganan ng munisipyo ng Tadian at Bauko Mt. Province sa Hilaga, Bakun sa Timog, Buguias sa Silangan at munisipyo ng Cervantes Iloco Sur sa Kanluran. Binubuo ito ng labindalawang barangay, Cabiten, Colalo, Bedbed sa Hilaga ng Poblacion,

Page 5: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

Paco sa Kanluran, Balili, Tabio at Bulalacao sa Timog, sa Silangan naman ang barangay ng Taneg, Guinaong, Suyoc at Sapid.

II. Wika

Ang datos na nakatala ay ang kabuuan ng mga dialektong sinasalita o ginagamit ng mga tao sa bawat barrio. Batay sa impormasyon ng pagsusuring isinagawa, Kankanaey ang wikang sinasalita ng karamihan kung saan ito ay 59.6 na bahagdan. Bukod sa Kankanaey ay may dialektong ginagamit ang mga tao tulad ng Ilocano, Tagalog at iba pa. Bukod kasi sa tribong Kankanaey ay may mga Tagalog, Ilocano, Bicolano, Pangasinan at iba pang taga-Cordillera ang nakatira sa Mankayan. Maraming taga-ibang lugar ang napadpad sa Mankayan dahil sa trabaho tulad ng pagmimina at negosyo lalo sa pagsasaka. Sa barrio ng Balili ito ay may malawak na bukirin, karamihan sa mga trabahador ay Ilocano, Tagalog at iba pa bukod sa mga taga-Balili. Iyong iba ay nagsipag-asawa na rin sa lugar kung saan sila may trabaho. Ito ang dahilan kung bakit may iba na ring dialekto ang lugar bukod pa sa Kankanaey.

Mga karaniwang ekspresyon:

1.ay piga ka

2.asina11. anggaypaytan

3.nemnem mo12.ultimo

4.agasem/gasem13.angsan

5.ayta et sa14.dalon

6.uway nasdi15.namasem

7.ay sha od

8.oho

9.ay ado na

10.ay etek

Salitang Panumbas sa bilang:

Page 6: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

1.esa- isa

2.duwa- dalawa

3.tolo- tatlo

4.upat- apat

5.lima- lima

6.enem- anim

7.pito- pito

8.wao- walo

9.siyam- siyam

10.sinpo- sampo

Mga Salitang Katulad ng Kahulugan sa Tagalog:

matatilapyalapis

dilamaletakutsara

kurtinaasopulis

radyomanokgoma

tasaoraslampin

sukakantasusi

soysingkamasasin

bisitatomboysapatos

gitara bakakape

asukalapoysibuyas

kapeinombawang

Page 7: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

kawayangitaraasawa

prutasbatomantika

sabonmartilyotuwalya

kusinautangkuwintas

papelanaksingsing

patataspayongbakla

Salitang magkaanyo at magkatulad sa tagalog

*sinpangabong * sinpangapo = buong pamilya

* kadangyan

* baknang = mayaman

* kodo

* nabiteg = mahirap

* moyong* bilagan

* kaiw = puno* sad-angan = sampayan

* sinpangili* eleng

* mangili = mamayan* eng = ilong

* pantew* mansaang

Page 8: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

* eneb = pinto* manbang-et = magsaing

* segpan

* sangaban = pintuan

kelayan

* ukisan = balatan

* angas

* pana-upa = mukha

* bilig

* daykong = minahan

* nabibigot

* nakikis-ing = payat

* galey

* uwes = kumot

* kaod

* giyok = tabo

* salolongan

Page 9: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

* num-a = bukid

III. KASAYSAYAN

Kankanaey, ang lenggwaheng “ Austronesian” ng Hilagang Luzon. Ang “Austronesia” ay ang pinaghalu-halong lenggwahe ng mga bansang pinaniniwalaang pinagmulan ng mga salita o wika dito sa Pilipinas. Ito ay ang bansang Indonesia, Malaysia, Melanesia, Micronesia, at Polynesia. Ito rin ay karaniwang tinatawag na Malayo-Polynesia. Iisa man ang pinaniniwalaang bakas o pinagmulan ng mga wika sa Pilipinas, ito pa rin ay nagkakaiba- iba dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng pangkat.

Ayon sa teorya nina Morris Halle at John Frampton tungkol sa pinagmulan ng lenggwaheng kankanaey bukod sa Malayo- Polynesia. Ito muna ay nagsimula sa ponema o tunog na naging pantig hanggang sa naging salita. Ito ay parehong nagsimula sa Fonologi at Morfologi o tunog na naging salita sa pinagsamang panlapi at salitang-ugat. Sa pagkakaroon ng salitang-ugat ay lumabas ang pag-uulit o ang mga salitang inuulit para maagkaroon ng ibang kahulugan mula sa salitang-ugat.Tulad ng mga halimbawa:

Salitang-ugat (root) Inuulit (reduplication) kahulugan (Gloss)

1.kapi kap-kap?imumunting butil ng kape

2.kabayo man=kab-kab?ayokunwaring nakasakay sa

kabayo

3.kantina man=kan-kantinanagbabantay ng tindahan

4.?aklat ?ak-?aklatpunit-punit na lumang damit

Bukod sa pag-uulit may mga pagbabago rin na ang inuulit ay ang salitang-ugat lamang kahit pa ito ay may panlapi at may dagdag (affix). Kung minsan naman may mga salitang ang unlapi at gitlapi ang inuulit at nilalagyan na lang ng (segment) sa gitna tulad halimbawa ng # 7 at 8, may mga letrang napapalitan at nawawala:

Salitang-ugat Inuulit (reduplication) kahulugan (Gloss) dagdag(affix)

Page 10: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

5.?owas man=?o:-?owas naghuhugas panlaping man

6.ta?oli man=tat-ta?oli nagbabalik panlaping man

7.?egas mag-mag?as nahuhulog panlaping ma

8.segepsem-semgep pumapasok panlaping em

Ang pag-uulit sa diyalektong kankanaey ay bahagi ng prosesong morphophonological.

IV.YAMANG SOCIO-CULTURAL:

Agrikultura

Dahil sa malawak na lupain ng Mankayan lalo na sa bahaging Timog karamihan sa nga tao ay kumikita sa pagsasaka at at pag-aalaga nga manok.pato,baboy at iba pang mga hayop.Ito ang ipinag mamalaking pangkabuhayan ng mga tao lalo na at malaki ang bahagi ng barangay Balili sa titulo ng probinsya bilang “Salad Bowl of the Philippines”.Bukod sa gulay ay nagtatanim din sila ng palay sa bahaging Hilaga.

Komersiyo

Ayon sa record o tala sa opisina ng Municipal Treasurer, pito (7) ang rehistrado at lisensyadong wholesalers at dalawang raan naman at dalawampo’t walo (228) naman ay mga retailers. Ang mga wholesalers at retailers ay sa buy-and sell na negosyo tulad ng sari-sari store, inuman, kainan, cafeteria, bakery, grocery, dry goods, glasswares at hardware.

Sa pamilihang bayan naman ay may dalawang seksiyon.Una ay sa Market-slaughterhouse na pinamimilihan ng karne, isda at mga gulay. Ang pangalawang seksiyon ay sa drygoods tulad ng damit, mga kagamitan at iba pa tulad ng negosyong barbershop, kumpunihan ng mga gamit, botika, kainan o turo-turo, dental clinic at iba pa. Bukod sa gusali ng pamilihang bayan na ipanatayo mismo sa Poblacion. May iba pang market stalls para sa mga nagtitinda ng bigas at kapehan. Ang mga stalls na ito ay nirerentahan sa Municipal Government. Miyerkules at Linggo ang opisyal na araw ng pamamalengke

Mina / Pagmimina

Mankayan ang “Copper Town ng Pilipinas”Mga 25 bahagdan ang nakatira sa bahaging Lepanto Mine, ang tanging minahang gumagana sa Mankayan. Bukod sa mga mamayang kankanaey ng Mankayan, may mga Ilocano, Tagalog, Bicolano,Pangasinense at iba pang taga-Cordillera na nakatira sa lugar dahil sa trabahong ito. Maliban sa minahang kompanya ng Mankayan ay mayroon ding pribadong minahan na pinagkakakitaan ng mga tao tulad sa Barangay ng Suyoc.

Page 11: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

*Mga Pamahiin

- Bawal ang magwalis sa gabi lalo na kung itatapon sa labas ng bahay ang dumi sapagkat winawalis mo na rin daw ang suwerte.

- Anu mang bagay ang hiniram ng tao sa kapwa niya tao na yumao na ay kailangang isauli niya ito bago ang libing dahil kung hindi ay buong buhay niya’y hindi siya patatahimikin.

- Kapag nag- ulam ng karne ng aso o baka ang isang taong nagtatrabaho sa minahan, hindi siya dapat magtrabaho kinaumagahan sa minahan sapagkat malakas ang paniniwala ng mga tao na may masamang mangyayari sa kanya. Maari lamang siyang magtrabaho pagkatapos ng tatlong araw.

- Ang isang tao ay hindi dapat makikikain sa pagkain ng buntis dahil daw papayat ito.(Mrs.Jane Paydo-an)

- Kapag may isinasagawang seremonya tulad ng pagkakatay at “ated” ay iwasang makabasag ng anumang bagay dahil babala ito ng kamalasan.(Lolo Bat-oy Munoz)

*Pista

Sa pagdiriwang ng pista, ang mga tao ay nagtutulungan para sa tagumpay ng kanilang mga aktibidades. Ito ay maaring sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon o pangkatang paggawa sa mga gawain.Ang kauna-unahang taon ng pagdaos nila ng pista ay noong unang buwan ng Pebrero, 1956.Ngunit ngayon ay pinalitan ang petsa ng pagdiriwang at naging sa tuwing ika-19 ng Marso taon-taon para kilalanin ang Patron Saint ng bayan at ang bagong simbahang itinayo,ang Saint Joseph.

Sa paghahanda para sa pagdiriwang ng pista, ang mga tao ay abala lalung-lalo na ang mga negosyante. Abala sila sa paghahanda at pag-aayos ng kanilang mga “stalls” o pwesto nila para sa kanilang mga paninda sa araw ng pista.Ang mga opisyales naman ang siyang naghahanda ng iba’t-ibang gawain tulad

Page 12: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

ng mga patimpalak,mga programa,sayaw,palaro, parada,pasugalan,patimpalak para sa “ Town Queen”,mga gawain sa simbahan at iba pa.Lahat ay masaya sa pagdaraos ng pista at karamihan ay maraming handa sa kanilang bahay para sa kanilang mga bisita..( Mankayan A1-NCIP)

V.INSTITUSYONG PANLIPUNAN

*Panliligaw at pag-aasawa

Noon, mga magulang ang namimili ng magiging asawa ng kanilang anak at may mga magulang na gumagawa ng kasunduan habang bata pa ang kanilang mga anak .Ito ay tinatawag na “ kaising”, pinagkakasundo ang mga bata na pag-asawahin kapag sila ay nasa tamang edad na. Ang iba naman ay nagsasagawa ng tradisyong “tomok” na kung saaan ang mga matatanda ang gumagawa ng desisyon. Kapag may napupusuan ang isang binata ay nagpapasama siya sa mga matatanda upang makipag-usap sa dalaga. Ang pamamaraang ito ay hindi makatarungan sa panig ng mga kababaihan, dahil sa ayaw at sa gusto nila ay mapapangasawa nila ang binatang nagkakagusto sa kanila.

Sa panahon ngayon, bihira na ang nagsasagawa sa tradisyong ito. Ang mga lalaki ay binibigyan na ng karapatan na pumili ng babaing gusto at mahal nila. Kung maayos na ang lahat, nagpapakasal sila sa simbahan o dili kaya ay sa tradisyon ng pagpapakasal na tinatawag na “kaon”. Ang “kaon” ay ang pagpapakasal ng dalawa sa kabila ng mga kakulangan ng mga papeles, mga matatandang pinuno ang kakasal sa kanila.

Ang pag-aasawa at dibursiyo ay hindi isinasagawa sa lugar na ito. Kung ang mag-asawa ay may balak na maghiwalay ay ipinapaalam nila ito sa mga opisyal at mga nakakatanda sa Barangay. Gumagawa sila ng kasulatan at kasunduan ukol sa paghihiwalay ng mag-asawa. Karamihan sa paghihiwalay ng mag-asawa ay ang hindi pagkakaroon ng anak, kahirapan, hindi pagkakaunawaan, pambubugbog at pakikiapid. Ang mga nagkahiwalay ng magasawa ay pwede lang magpakasal sa iba pagkatapos ng pitong taon.

Paniniwala

1. Ang patay ng mga mayayamang angkan ay inilalagay sa “sangadil”. Sinasamahan ito ng mga nakikiramay na nagtitipon-tipon, at umaawit sa pamamagitan ng kwento. Ang ibang grupo naman ay sinasagot ang kwento at bugtong ng iba, ito ay ginagawa nila hanggang sa sumapit ang libing. Sa paghahanda sa patay o bangkay para sa libing, kailangang maingat ang lahat hanggang matagumpay itong isagawa o kung hindi ay masamang babala kung may pangyayaring hindi maganda sa pagsasagawa ng seremonya hanggang sa matapos. Ang mga lalaking nagdadalamhati ay hindi magpapagupit ng

Page 13: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

buhok, at hindi mag-aahit ng balbas sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Sa ngayon, bihira na ang mga kasong ganito, pero sa malayo at liblib na lugar ay ginagawa pa rin ang paniniwalang ito.

2. Canao

Isang seremonya o ritwal, pagdiriwang at pista. Karaniwang ginagawa ay nagkakatay ng hayop tulad ng baboy at iniaalay kay “KABUNYAN” at sa iba pang pinapaniwalaang ispirito, mga diyos, ispirito ng mga namatay na ninuno at mga ispirito ng kalikasan para payapain ang mga ito. Ang pagdiriwang ay dapat ay naaayon din sa layunin.

Ayon sa mga pag-aaral lahat ng dasal ng canao “Ated” ay nauukol sa ispirito na pinapaniwalaang dahilan ng mga suliranin at sakit o karamdaman. Ang “Ated” na ito ay para payapain ang ispirito at humiling ng pamamatnubay. Gayundin ang “Ated” ay tinatapos sa paghiling ng basbas at biyaya ni “KABUNYAN”.

3.Pasang / Tanong

Tulad din ng canao, isa itong ritwal kung saan nagkakatay sila ng manok at saka iniaalay kay “KABUNYAN” o sa mga ispirito. Layunin nito ay para magamot ang pagiging antukin ng isang tao, pigilin ang bayolenteng gawain, pagkawala sa sarili, kawalan ng pasensiya at iba pa. Naniniwala kasi sila na mga ispirito ang may kagagawan nito. At kailangan nilang mag-alay ng hayop at magdasal “Ated” para payapain ang mga ito at humingi ng tulong.

*Mga katawagang Pang-angkan

Tatay Tita

-ama - anti

-papaNinang

-daddy- ninang

NanayNinong

- ina- ninong

- mamaPamangkin

Lolo at Lola- kaanakan

-apong- panganaken

- apoAnak sa binyag

Page 14: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

Kuya- inanak

- manongIN- LAWS

Ate Bayaw

- manang - bayaw

Nakababatang kapatid Hipag

- ading - ipag

- yugtan Balae

Bunso - abalayan

- kimmotManugang

- inaudi - inapo

TitoParent-in law

- pangamaen - katugangan

- angkel

*Pamanang Pampanitikan

1.Para sa bahay, meron silang tinatawag na boton, seg-ak, dasadas at segep. Ang “boton” ay ginagawa para malaman kung nababagay at ligtas ang bahay na ipapatayo, ang manok ay kinakatay pagkatapos isagawa ng buton. Kung malapit ng matapos ang ipinapatayong bahay para matanggal o mawala ang epekto ng mga kagamitang ginamit, para maging matibay ang bahay sa anumang kapahamakan o anumang sakuna , isusunod agad ang “seg-ak” isa na namang manok ang kakatayin. Pagkatapos ng “seg-ak” sa pareho ring pamamaraan ay isasagawa naman ang “dasadas” ngunit ang pagkatay sa manok ay gagawin mismo sa loob ng bahay. Pinakahuling isasagawa ang “segep” ito ang pagbasbas sa bahay “house blessing”.

2.Para naman sa pagdiriwang ng kasal, isasagawa ang “ka-on” tradisyong namana pa sa mga ninuno na hanggang ngayon ay isinasagawa ng karamihan lalo na sa mga mag-aasawa na kulang sa pera.

3.Sa pagpapasalamat, isinasagawa naman ang “sangbo”. Isa itong ritwal na ibig sabihin ay tinatanggap ang anumang magandang kapalaran, mabuting kalagayan, tagumpay ng pinagkakaperahan o anumang negosyo at iba pa. Ang apdo at atay ng kinatay na hayop ay masinsinang inoobserbahan.

Page 15: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

Mga bugtong

- bosaang kod demang man-nges ay mangan (lagari)

- Pising ed kamaligan adi kasabaligan (mata)

- Bontibontibon (sabon)

- Kinabiti, kinahon (posporo)

Alamat ng Ginto

May isang lugar na ayon sa mga matatanda ay prutas lamang ang kanilang ikinabubuhay.Kaya, isang hapon ay hiniling nila sa Panginoon na gawing ginto ang bunga ng isang puno sa kanilang prutas ng isang ginto sa kadahilanang kulang na kulang o hindi sapat ang kanilang pagtatanim sa kanilang kabuhayan.Agad namang sumang-ayon ang Panginoon ngunit hiniling niya rin sa mga tao na kung ito’y kanyang gagawin ay huwag nila itong abusuhin, putulin o ubusin lahat para may matira sa mga sumusunod. Dagdag pa Niya sa hiling na maglagay ang mga tao ng isang biga-o ng bigas sa kanilang tahanan at pagkatapos ay aabangan ang pagtilaok ng tandang sa umaga na iyon ang siyang signal na ang isang biga-o ng bigas ay naging ginto at ito’y agad namang sinunod ng mga tao. Naghanda ang isang tao ng bigas sa kanyang tahanan sapagkat iisa lamang ang hiling ng Panginoon na ipaghanda.

Halos lahat ng mga tao ay atat na atat sa magiging kalalabasan kaya ang ilan ay hindi natulog.Kinaumagahan ay nagulat ang lahat sa nakita, isang matayog at sanga-sangang puno ng prutas,na halos lahat ng bunga ay kumikinang na ginto.Tulad ng sinabi ng Panginoon sa mga tao,ito’y sinunod at maayos ang pagkuha sa nga bunga nito.Ngunit,nang matagal-tagal , maraming yumaman sa gintong prutas, nagkagulo ang isipan ng mga tao sa pagkakaroon ng maraming pera,nagbago ang kanilang pananaw,pinag-aagawan ang bungang ginto at pinagpuputol ang puno.Dahil dito ay nagalit ang Panginoon at sinabi sa mga tao ang ganito,magmula ngayon ,ang magiging kapalit ng inyong kalapastangan ay kailangang maranasan ninyong maghirap at magpawis bago kayo makatagpo ng ginto.Kung sa dati ay madalas ang pagkuha ninyo ng ginto,ngayon ay ibabaon ko sa lupa.” Dahil sa kagagawan ng mga tao ay iyon ang naging dahilan at nagpasimula sa pagmimina.

Kasalukuyang Impormasyon

Ang isyu sa lugar na ito ay ang kasalukuyang rehabilitasyon ng Abatan- Mankayan- Cervantes Road na nagkakahalaga ng 6, 700,000,00 milyong piso.

Ito ay nasa kamay ng isang Intsik na kontraktor.

IV- MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON

Kasuotan:

Page 16: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

Tapis - isinusuot ng mga kababaihan

Wanes - bahag

Bedbed - isinusuot ng mga lalaki sa kanilang ulo

Saping - pantalon / sapin

Bakget -isinusuot ng mga kababaihan sa kanilang baywang

Pagkain:

1. Inapoy- - sinaing

2. Dinengdeng - ulam

3. Togi - kamote

4. Gamey - gabi

5. Patupat - suman

6. Digway - prutas

7. Kahoy - kamoteng- kahoy

8. Saba - saging

9. Apan - mushroom

10. boko - pinatuyong kamote

11. pinallak -mashed potato

Inumin / kape:

- Lambanog

- Tapey

- Gipas ( tsaang- gubat ) - barako / native coffee

Page 17: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

*MAHAHALAGANG KAGAMITAN:

Bukod sa sakahan,mga hayop at iba pa, ang etnikong ito ay may iba pang mahahalagang kagamitan tulad ng mga sumusunod:

1. Gosi- tapayan para sa “tapey”,ito ay may iba’t- ibang klase at presyo.

2.Calamba- tabayan din para sa tubig

3.Apong-ey- ginagamit ng mga babae sa kanilang ulo,binubuo ito ng mga butil (beads), ang pisi ng gulugod ng ahas ay tinatawag na doli at ang kuwintas na gawa naman sa mga kabibi ay tinatawag na bokas.

4.Oway- kuwentas na gawa sa mga mamahaling bati, ang kulay lila dito ay tinatawag na kindasan.

5.Singsing- gintong hikaw na kasin kulay ng 25 centavo coin.

6.Pinagpagan- mamahaling kamot na gawa sa matitinay at mamahaling tela, ginagamit nila ito tuwing may selebrasyon tulatd ng Canao o kaya’y pagdiriwang na ginagamitan o tinutugtugan ng gangsa.Ang kumot na ito ay para sa katutubong sayaw na tinatawag na “ Tayaw o Tadek”.

Ang mga ito ay binibigay sa kanilang mga anak bilang pamana at hindi ibinibinta.

*MGA KAGAMITAN AT KASANGKAPAN:

2.Kupit o oppigan- pinaglalagyan ng kanin

3.sangi o pasiking- backpack

4.takba- bukas na bag

5.gimata- dalawang basket na pinadugtong sa magkabilang dulo gamit ang kawayan.

6.lagba- basket na pinaglalagyan ng kamote.

7.liga-o- ginagamit sa pagtatahip.

Page 18: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

8.atubeng- maliit na basket na itinatali sa baywang,pinaglalagyan ng mga kagamitan na ginagamit sa pag-aani tulad ng “lakem”.

9.akgi- basket na mas maliit sa liga-o,ginaganit sa paghuli ng mga maliliit na isda,alimango at iba pa.

10.aklo- sandok na gawa sa kahoy

11.silap- mangkok nag gawa sa niyog.

12.tawing- tabo na gawa sa niyog na ang pinaghahawakan ay gawa sa kahoy.

13.wasay- palakol

14.sagad- suyod

15.balita- bareta

16.kumpay- karit

17.gaman o banig- itak

18.alado- arado

19.apag- maliit na mangkok na ginagamit sa “tapey”

20.geyag- bilog na platong gawa sa kawayan.

21.sudan – tapayang gawa sa kahoy na pinaglalagyan ng kanin ng baboy

Mga Batayan sa Pananaliksik

www.ncca.gov.ph

www.ncip.gov.ph

Mankayan A1 (NCIP)

Mankayan Municipal Profile 2001

Brief History of Mankayan… Ambrosio M. Guanso

Office of the Municipal Engineer, Mankayan, Benguet

Kankanaey C1 (NCIP)

Page 19: Rehiyong Pampangasiwaan Ng Cordillera

Halle, Morris. 2005. Reduplication, ms. MIT

Frampton, John. To appear. Distributed Reduplication. Campbridge, Mass;MIT Press

Allen , Janet L.www.com

Interview:

Mr. Bat-oy Munoz

Mrs. Jane Paydoan

Lola Casina Baniaga