18
SPEECH-ACT THEORY ISANG PAG-UULAT Asst. Prof. ROBERT DL. AMPIL, Ph.D.

report sa diskurso.ppt

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: report sa diskurso.ppt

SPEECH-ACT THEORY

ISANG PAG-UULAT

Asst. Prof. ROBERT DL. AMPIL, Ph.D.

Page 2: report sa diskurso.ppt

Introduksyon

Bakit nga ba tayo nakikipag-usap sa ibang tao?

Page 3: report sa diskurso.ppt

Speech-act theory Ang kadalasang isinasagot sa tanong na ito ay upang

makipagtalastasan, makipagpalitan, magbigay at makakuha ng impormasyon.

Samakatwid ang primaryang tungkulin ng wika ay maglarawan.halimbawa:

“How many eggs this morning?” “six.”

suriin mabuti ang mga sumusunod pang usapan. “Come to breakfast.” “How do you like them done?” “sunny side up.” “The yolks are too hard.” “You’re always complaining!Cook them yourself.” “Aw! Mum!”

Page 4: report sa diskurso.ppt

Speech-act theory

Alam nating lahat na ang pahayag na “you’re always complaining! ay hindi isang simpleng deskripsyon ng isang nakagawiang pagkilos.

Dito pumapasok ang social psychology at linguistic analysis.

Ang huling anim na pahayag ay gampanin ng tiyak na aktong sosyal: pag-anyaya,pagtatanong, pagsagot, pagrereklamo, pagpapahayag ng galit, at paghingi ng paumanhin.

Ang mga pahayag na ganito ay tinatawag na “performative” ni Austin (1964), at ang kilos na isinasagawa ay tinatawag na “speech-act”.

Page 5: report sa diskurso.ppt

Speech-act theory

Ayon kay Austin, efektibo lamang ang pahayag kung sinabi o binigkas ito ng tamang tao sa tamang pagkakataon, at nauunawaan ng ibang tao kasali sa pag-uusap.

Dagdag pa niya, ang intensyon at kalagayan ng pag-iisip (state of mind) ng ispiker ay sekondaryo lamang ng gawain.

Page 6: report sa diskurso.ppt

Speech-act theory Nagsimula ang speech-act sa pag-aaral ni John Austin, na

pinalawak at isinama sa linguistic theory ni John Searle. Samantala, ang pag-aaral naman ni Searle ay tumutugon sa

mahahalagang katanungang may kaugnayan sa imbentaryo at klasipikasyon ng akto (acts) na alam ng tao at ang pamamaraan na ang isang pahayag ay maaaring iugnay sa higit pang akto.

Ayon sa kanya, upang maunawaan ang wika kailangang maunawaan muna ang intensyon ng ispiker.

Dahil ang wika ay isang intensyunal na behebyor, kailangang ituring itong isang anyo ng pagkilos o akto.

Ang akto ay ginawa ng ispiker na nagpahayag ng salita, hindi ang salita. (words do not “mean”, people “mean”).

Kung wala ang intensyon ng ispiker, imposibleng maunawaan ang mga salita bilang speech-act.

Page 7: report sa diskurso.ppt

Speech-act theory

Sa impluwensya ng ordinaryong pilosopiyang pangwika (ordinary language philosophy), partikular ng Wittgentein’s theory of meaning as use, dinibelop ni J.L Austin (1962) at ang huli, Searle (1969) ang isang sistematikong tala ng mga gawain o akto ng tao kapag nagsasalita.

Sa lektyur ni Austin “How to do things with words” ay sinabi niyang hindi ang mga indibidwal na salita o pangungusap ang beysik na elemento ng komunikasyong pantao kundi ang partikular na speech-act na ginawa sa pagpapahayag ng salita at pangungusap.

Page 8: report sa diskurso.ppt

Speech-act theory

May apat na uri ang Speech-act.Sa elementarya ay itinuro na ang uri ng pangungusap na naglalarawan sa perspektibo ng speech-act. Halimbawa:pagsasalaysay, pagtatanong, pakikiusap at pag-uutos.

Binigyang-diin ni Searle na ang mga ito ay maaaring gumanap na speech-act.

Upang maunawaan ang kahulugan, kailangang matukoy muna ang intensyon ng ispiker.halimbawa: Maaari mong sabihing “I wonder what time is it.”

Page 9: report sa diskurso.ppt

Speech-act theory Pagsusuri: Kapag narinig ito ng isang kaibigan maaari niyang isipin na

nagtataka(wondering) ka lamang – isang pagpapahayag. Kapag lumapit ka naman sa isang taong hindi mo kilala at sinabi ang

pahayag na ito, iisipin niyang nagtatanong ka.Ang salita ay napalitan ng kahulugang “What time is it?”Sa kabilang banda, ang taong ito ay mag-iisip naman na tila nakikiusap kang sabihin niya kung anong oras na, at muling napalitan ang kahulugan, “would you please tell me what time it is?”

Ang pahayag na “Do you have time?” ay karaniwang sinasagot ng oras hindi ng “mayroon” o “wala”.

Ibig sabihin, nauunawaan natin na ito ay isang pakiusap na maibigay ang oras, hindi isang tanong kung alam natin kung anong oras na.

Kung naghihintay ka sa pagpapalit ng kulay ng stop light sa isang tabi ng kalsada at sinabi ng isang pulis ang katulad na pahayag” I wonder what time it is,” ano ang interpretasyon ninyo dito?

Page 10: report sa diskurso.ppt

Speech-act theory

Naniniwala si Searle na ang mga aktong ito ay ang mga beysik na elemento ng kahulugan sa komunikasyon.

Hindi niya binigyang-diin ang mga simbolo o senyales o salita o parirala, kundi ang yunit ng wika na pinagsama upang bumuo ng speech-act.

Ang speech-act ay maaaring isang salita gaya ng “ano?”, parirala, “gaano kahaba?” o isang pangungusap.

Page 11: report sa diskurso.ppt

Klasipikasyon ng Speech-act

Page 12: report sa diskurso.ppt

Halimbawa: Mahilig si Juana sa matamis.

Kahulugan:

a. nagbibigay ng impormasyon – hilig sa matamis

b. nagpapaliwanag – kaya mataba

c. nagmumungkahi – kung bibigyan ng regalo, huwag maalat o maasim

d. nagbibigay-dahilan – kaya bungi

e. sumasalungat – hindi mahilig sa maasim o maalat

Speech-act theory

Page 13: report sa diskurso.ppt

1.Utterance Acts – artikulasyon ng linggwistikong elemento sa isang partikular na kaayusang gramatikal – gaya ng pag-vocalize ng mga mang-aawit ng “mi, mi, mi, mi.” Hindi intensyon ng mang-aawit na magbitaw ng anumang pahayag; nag-eensayo lamang sila o di kaya’y tinitiyak kung nasa kundisyon ang kanilang mga instrumento gaya ng sa orkestra.

Speech-act theory

Page 14: report sa diskurso.ppt

2.Propositional acts- pormulasyon ng nilalaman ng pahayag sa pamamagitan ng reference (hb.tumutukoy sa isang bagay sa isang ekstralinggwistik na daigdig) at ang predikasyon (atribusyon ng isang partikular na mga katangian), hb. Ang kabuteng ito (reference) ay nakakalason (predikasyon).

Speech-act theory

Page 15: report sa diskurso.ppt

3. Illocutionary act – indikasyon ng kung paano ang proposisyon ay kaugnay ng salita at ang komunikatibong tungkulin ng speech-act, halimbawa, isang pagtitiyak o pagbibigay ng babala. Sa ilang pagkakataon, ang tungkuling illocutionary ay eksplisit na ipinahahayag ng isang performatibong pandiwa sa unang panauhan isahan at pangkasalukuyan (I here by warn, maintain, promise…). Sa ilang karaniwang pagkakataon ang intonasyon, aksent, mood, pang-abay, pang-angkop ay maituturing na pananda ng illocutionary.

Speech-act theory

Page 16: report sa diskurso.ppt

4. Perlocutionary acts – ginagawa nang may kabatiran sa kung ano ang maaaring maging epekto ng akto sa mga nakikinig. Samakatuwid, ginagamit ng ispiker ang akto upang maglabas ng ilang behebyural na pagtugon mula sa nakikinig. Halimbawa, kung nasa bahay ka ng iyong kaibigan at sinabi mo ang pahayag na “Im hungry”, gumagamit ka ng perlocutionary act upang humingi ng pagkain. Kasama sa paggamit ng perlocutionary act ang illocutionary act (nauunawaan ng iyong kaibigan ang mga salita ay intensyunal na ipinahayag at nakatuon sa kanya), propositional act (ang koneksyon sa pagitan mo at ang nararamdamang gutom), at utterance act (anumang isinaayos na salita upang gumanap ng perlocutionary act, sa kasong ito, “I’m hungry”.

Speech-act theory

Page 17: report sa diskurso.ppt

Mula sa apat na uri ng spech-act ay inilahad ni Searle ang listahan ng tungkuling pangwika:

1. Commissives – mga pahayag na naglalahad ng pangako na tutuparin ng tagapagsalita sa hinaharap (hal. Panata, pangako, sumpaan, pag-aalay, atbp).

2. Expressives – mga pahayag na naglalahad ng personal na damdamin ng tagapagsalita tungkol sa isang bagay (hal. Pasasalamat, pakikiramay, pagbati, paninisi, paghingi ng paumanhin, atbp.)

Speech-act theory

Page 18: report sa diskurso.ppt

3. Declarations- mga pahayag na naghuhudyat ng panibagong kalagayan, pagkatapos maisagawa ang paglalahad (hal. Pagbibitiw sa trabaho, pagbibigay-sentensya sa nasasakdal, pagbibinyag sa sanggol, atbp.)

4. Directives – mga pahayag na naglalahad ng mensahe kung may nais ipagawa o ayaw ipagawa ang tagapagsalita sa kanyang tagapakinig.

5. Representatives – pagpapatibay ng tagapagsalita sa katotohanang taglay ng proposisyong inihayag (hal. Pag-uulat, paglalahad ng reklamo, pag-aangkin ng isang bagay, atbp.)

Speech-act theory