18
1. Sa Aking Mga Kabata Kapagka ang baya'y sadyang umiibig Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian, At ang isang tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda, Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin Sa Ingles, Kastila at salitang anghel, Sapagka't ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin. Ang salita nati'y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa

Rizal

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga tula ni Rizal.

Citation preview

Page 1: Rizal

1. Sa Aking Mga Kabata

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian, At ang isang tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda, Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin Sa Ingles, Kastila at salitang anghel, Sapagka't ang Poong maalam tuminginAng siyang naggawad, nagbigay sa atin.

 Ang salita nati'y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Page 2: Rizal

Mga Katanungan:

1. Ano ang namamayaning diwa sa tulang ito ? Basahin ang mga taludtod na kinapapalooban ng nasabing diwa.

2. Ipaliwanag ang kaugnayan ng wikang sarili (katutubo) sa diwang makabayan.

3. Anu-ano ang kahalagahan ng wika sa tao?4. Bakit nagiging kahatulan ang wika sa mga tao?

Basahin ang Art. XIV, Sek. 6,7 ng 1987 Konstitusyon. Paano natin mapapalago ang wikang pambansa?

5. Sang-ayon ka ba sa pagtanggap ng mga salitang banyaga at gamitin silang Filipino na rin? Ipaliwanag!

Page 3: Rizal

2. Matalik na Pagtutulungan ng Relihiyon at Edukasyon

(Alienza Intima Entre la Religion y la Buena Educación)

Katulad ng dapong sanay na umakyatnang paliku-liko sa punomg mataas,

yamang sila kapwa’y magandang pamalasniyong kabukiran at lupaing patag

saka lumalaking laging magkayakap;kung ang puno’y nama’y kulangin ng habag,

at ang dapong iyo’y mawalan ng liyag,ay makikita ng daho’y nalalagas;

ang Edukasyon ma’y katulong na tapatniyong Relihiyong kanyang kaakibat:

nang dahil sa kanya, Edukasyo’y bansagat ay! niyong taong magtakwil na bulagsa “relihiyong” banal na may aral-pantas

sa linis ng daloy, lumalayo’t sukat.

Saka kung ang puno ng ubas na mahal,ay nagpapatuloy sa paglaking tunay,

gayundin ang kumpol ng bungang pang-alayna lubhang matamis na matuturingan,at sampu ng tinik niyang matuturan

ginagawaran din ang pagkaing bagay:gayon din ang agos na lubhang malinaw,na may makalangit na handog sa buhay

Page 4: Rizal

niyong Edukasyong ganap at matibay,na akay ng kanyang maningning na ilaw;

nang dahil sa kanya’y mabango ang singaw,at ang mga bunga’y masarap sa namnam.Kung walang “relihiyon”, edukasyong iya’y

Parang isang bangkang hangin ang kalaban,Na walang pang-ugit na sa digma’y taglaySa gayong kaugong na simbuyo’t tampalNg galit na hanging boreas ang ngalangSiyang bumabakang buong kabangisan

Hanggang mailubog ng kapalaluanSa pusod ng galit ng sangkaragatan.

Kung hamog ng langit ang sa kapataga’yNagbibigay-buhay,

Tagsibol na dahil sa kanya’y mainam,Ang mga bulaklak ay naglilitawan,

At pinaririlag ang gilid ng daan;Iyang edukasyon ay gayon din naman,

Na pinalulusog sa mabuting aralNg isang “Relihiyon” na sumusubaybay,Na ang tinutungo’y madlang kabutihan

Sa kanyang paglakad na lubhang marangal;At dahil sa buti’y bulaklak ang bigay

Na may halimuyak ng bango saan man.

Mga Katanungan:

Page 5: Rizal

1. Anong mga paghahambing ang ginamit ni Rizal para maipakita ang pagtutulungan ng relihiyon at edukasyon?

2. Sumasang-ayon ka ba sa prinsipyong inilahad ng bayani sa kaugnayan ng relihiyon at edukasyon?

3. Ang prinsipyo bang ito ni Rizal ay makikita sa kalakaran ng lipunan sa kasalukuyan (edukasyon, simbahan, pulitika, atbp.)?

Page 6: Rizal

3. SA KABATAANG PILIPINO

(A La Juventud Filipina)(“Lumusog ka, Mahinhing Bulaklak”)

(MGJHGJGItaas ang iyong noong aliwalas

ngayon, Kabataan ng aking pangarap!ang aking talino na tanging liwanagay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhanmagiting na diwang puno sa isipan

mga puso nami'y sa iyo'y naghihintayat dalhin mo roon sa kaitaasan.

Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliwna mga silahis ng agham at siningmga Kabataan, hayo na't lagutin

ang gapos ng iyong diwa at damdamin.

Masdan ang putong na lubhang makinangsa gitna ng dilim ay matitigan

maalam na kamay, may dakilang alaysa nagdurusa mong bayang minamahal.

Page 7: Rizal

Ikaw na may bagwis ng pakpak na naiskagyat na lumipad sa tuktok ng langit

paghanapin mo ang malambing na tinigdoon sa Olimpo'y pawang nagsisikap.

Ikaw na ang himig ay lalong mairogTulad ni Pilomela na sa luha'y gamotat mabisang lunas sa dusa't himutokng puso at diwang sakbibi ng lungkot

Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihanmatigas na bato'y mabibigyang-buhay

mapagbabago mo alaalang taglaysa iyo'y nagiging walang kamatayan.

Ikaw, na may diwang inibig ni Apelessa wika inamo ni Pebong kay rikitsa isang kaputol na lonang maliit

ginuhit ang ganda at kulay ng langit.

Humayo ka ngayon, papagningasin moang alab ng iyong isip at talino

maganda mong ngala'y ikalat sa mundoat ipagsigawan ang dangal ng tao.

Araw na dakila ng ligaya't galakmagsaya ka ngayon, mutyang Pilipinaspurihin ang bayang sa iyo'y lumingapat siyang nag-akay sa mabuting palad.

Mga Gabay na Tanong:1. Ang tulang ito ay isang panawagan sa mga kabataan. Sa

pagsisimula pa lamang, ano yaong hinihingi ng makata na gawin ng kabataan? Ano ang tanging “liwanag” na yaon?

Page 8: Rizal

2. Ihanay at saka ipaliwanag ang iba’t ibang hakbang na itinagubilin ng may-akda sa kabataan para ito maging pag-asa ng bayan.

3. Sa kabataan ay may tiyak na pinatungkulan ng kanyang panawagan si Rizal. Sinu-sino ang mga ‘yon? Bakit kaya sila ang tiniyak sa dinami-dami ng kabataan?

4. Paghambingin ang mga kabataan noon sa panahon ni Rizal sa mga kabataan ngayon.

4. Dalit Sa Paggawa

(Himno Al Trabajo)

KORO Maging sa digmaan,O kapayapaan,Ang lahat-lahat naAy ukol sa bayan.Kaming Pilipino'yLaging magbabantay,Dahilan sa kanyaKami'y mabubuhay,Dahilan sa kanyaKami'y mamamatay.

MGA LALAKI:

Langit sa Silangan ay namumula na,Tayo na sa bukid, halina't magsaka!Yayaman ang bayan, tahana't pamilya'ySa paggawa lamang ninitang ginhawa.Lupa'y matigas ma't

Page 9: Rizal

Mainit ang araw,Madali ang lahat kung dahil sa bayan.Dahil sa asawa't mga bunsong mahal.

MGA MAYBAHAY:

Buong tapang kayong kumilos, gumawa,Tahana'y maayos huwag mabahala;Asawang matapat ang nag-aalaga,Sa isip ng anak ay ipinupunlaAng binhi ng dunong, ang magandang nasa'tPag-ibig sa ating tinubuang lupa.Pagdating ng gabi't mamahinga tayo,Sumubaybay nawa ang magandang palad,Sakaling samain at masawi kayo,Kami ang gagawa, kaming inyong kabiyak.

MGA BATANG BABAE:

Mabuhay! Mabuhay Paggawa'y purihin!Purihin ang lakas at yaman ng bayan;Itaas ang noo't siya'y salubungin,Paggawa ang inyong lakas, dugo, buhay.Kung mayrong binata na magpapahayagNa siya'y ninibig sa isang dalaga,Mapatutunayan kung siya'y matapatPagka't sa paggawa mapagkikilala!Lalaking masipag ang maaari langBumuhay sa kanyang sariling pamilya.

MGA BATANG LALAKI:

Turuan mo kami; halika, Paggawa,Hindi kami takot sa tulo ng pawis,Ibig naming kami'y maging lalong handa

Page 10: Rizal

Sa tawag ng aming bayang iniibig,Upanding matupad ang lahat mong nasa.At nawa'y mawika ng aming magulang,"Nakita na ninyo? Sila'y dangal namin!"Sa mga yumao'y higit sa kamanyangAng galak na dulot ng batang butihin.

Sadyang sinulat ni Rizal noong 1888 sa Madrid bago siya tumulak patungong Hongkong bilang tugon sa isang kahilingan buhat sa Lipa, Batangas upang ipagdiwang ang pagkakataas ng nasabing pook sa katayuang “villa”.

Mga Tanong:

1. Ipaliwanag kung bakit ang buong tula ay isang pahayag ng pagkaPilipino.2. Linawin ang tungkulin ng lalaki at ng maybahay gaya ng pagkasaad sa tula.3. Ano ang halaga ng tula bilang sukatan ng pag-ibig?4. Alinsunod kay Rizal, ano ang isang “batang butihin”? Ilarawan!1. Gamitin ang akda ni Amado V. Hernandez tungkol sa

paggawa.2. Tunghayan din ang 1987 Saligang Batas ng Pilipinas sa papel

ng paggawa sa ekonomiya at pag-unlad ng lipunan.

Magnilay:

1. Pamilyang Pilipino noon vs Pamilyang Pilipino ngayon!2. Manggagawang Pilipino noon vs Manggagawang Pilipino

ngayon!

Page 11: Rizal

5. HULING PAALAM

(Mi Ultimo Adios)

Paalam, bayan kong minamahallupa mong sagana sa sikat ng araw;Edeng paraiso ang dito'y pumanaw

at Perlas ng dagat sa may Silanganan.

Buong kasiyahang inihahain kokahiman aba na ang buhay kong ito.

maging dakila ma'y alay rin sa iyokung ito'y dahil sa kaligayahan mo.

Ang nakikilabang dumog sa digmaaninihahandog din ang kanilang buhay.kahit kahirapa'y hindi gunamgunamsa kasawian man o pagtatagumpay.

Maging bibitaya't, mabangis na sakito pakikilabang suong ay panganib

titiising lahat kung siyang naisng tahana't bayang aking iniibig.

Page 12: Rizal

Mamamatay akong sa aking pangmalassilahis ng langit ay nanganganinag

ang pisngi ng araw ay muling sisikatsa kabila nitong malamlam na ulap.

Kahit aking buhay, aking hinahangadna aking ihandog kapag kailangan

sa ikaririlag ng yong pagsilangdugo ko'y ibubo't kulay ay kuminang

Mulang magkaisip at lumaking sukatpinangarap ko sa bait ay maganap;

ikaw'y mamasdan kong marikit na hiyasna nakaliligid sa silangang dagat.

Sa bukas ng mukha'y, noo'y magniningningsa mata'y wala nang luhang mapapait

wala ka ng poot, wala ng ligaligwalang kadungua't munti mang hilahil.

Sa aba kong buhay, may banal na naiskagalinga'y kamtan nang ito'y masulit

ng aking kaluluwang handa nang umalisligaya'y angkin mo, pagkarikit-rikit.

Nang ako'y maaba't, ikaw'y napataas,ang ako'y mamatay nang ikaw'y mabigyan

ng isang buhay na lipos ng kariktansa ilalim ng langit ikaw ay mahimlay.

Kung sa ibang araw, mayroon kang mapansinsa gitna ng mga damong masisinsinnipot na bulaklak sa ibabaw ng libing

ito'y halikan mo't, itaos sa akin.

Page 13: Rizal

Sa bango ng iyong pagsuyong kay tamispagsintang sa dibdib may tanging angkin

hayaang noo ko'y tumanggap ng initpagka't natabunan ng lupang malamig.

Hayaang ang buwan sa aki'y magmasidkalat na liwanag, malamlam pa mandin;

Hayaang liwayway ihatid sa akinang banaag niyang dagling nagmamaliw.

Hayaang gumibik ang simoy ng hanginhayaan sa himig masayang awitin

ng ibong darapo sa kurus ng libingang payapang buhay ay langit ng aliw.

Hayaang ang araw na lubhang maningasgawing parang ulap sa patak ng ulanmaging panganorin sa langit umakyat

ang mga daing ko'y kasama't kalangkap.

Hayaang ang aking madaling pagpanawiluha ng mga labis na nagmahal

kapag may nag-usal sa akin ng dasalako'y iyo sanang idalangin naman.

Ipagdasal mo rin mga kapuspalad,mga nangamatay pati naghihirap

mga dusa't sakit ina'y tumatanggapng tigib ng lungkot at luhang masaklap.

Ipagdasal mo rin mga naulilaat nangapipiit sakbibi ng diwa;

ipagdasal mo rin tubusing talagaang pagka-aliping laging binabata.

Page 14: Rizal

Kapag madilim na sa abang libinganat nilalambungan ang gabing mapanglaw

walang nakatanod kundi pulos patayhuwag gambalain, ang katahimikan.

Magbigay-pitagan sa hiwagang lihimat mauulinig wari'y mga tinig

ng isang salteryo, ito'y ako na rininaawitan ka ng aking pag-ibig.

Kung nalimutan na yaring aking libingkrus man at bato'y wala na rin mandin

bayaang sa bukid lupa'y bungkalinat ito'y isabong sa himpapawirin.

Limutin man ako'y di na kailanganaking lilibuting iyong kalawakan

at dadalhin ako sa 'yong kaparanganmagiging taginting yaring alingawngaw.

Ang samyo, tinig at himig na masayakulay at liwanag may lugod sa mata

paulit-ulitin sa tuwi-tuwinaang aking taimtim na nasa't pag-asa.

Mga Tanong:

1. Kung totoong sa mga huling sandali ng buhay ng isang tao ay inihahayag niya ang kanyang lalong matatapat na damdamin at kaisipan, uriin ang damdamin at kaisipang namayani kay Rizal nang kanyang mga huling araw. Ibatay sa tula ang sagot.

Page 15: Rizal

2. Sinu-sino ang kanyang tuwirang kinausap sa tula? Ipaliwanag ang kahalagahan sa bayani ng bawat isang pinagpaalaman niya.

3. Ano ang iniiwang damdamin sa inyo ng tula? Bakit?