20
Divino L. Gonzales Jr. Nico P. Trajano Kabanata II: Pagsusuri sa Literatura Lumalawak na Mapaminsalang pagmimina, At Lumalawak na Paglaban Kontra Dito By: Pher Pasion Habang patuloy na hinuhubaran at ginagahasa ng mga minahan ang ating kalikasan at bayan, higit na namumulat at umiigting ang laban ng mga mamamayan. Ito ang reyalidad na pinatunayan sa nakaraang ikatlong Mining Conference na dinaluhan ng mga 200 makakalikasan at makabayang mamamayan mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas at maging ng mga internasyunal na delegado sa Tagaytay City noong unang linggo ng Marso. Pinangunahan ng Center for Environmental Concerns- Philippines, Kalikasan Party-list, Defend Patrimony, Ecumenical Bishops Forum, Kalikasan People’s Network for Environment, Kalipunan ng Katutubong Mamamayan, Stewards of Creation, at Katribu Party-list ang nasabing kumperensiya. “Nakita natin na

rrl

Embed Size (px)

DESCRIPTION

tungkol sa jejemon

Citation preview

Page 1: rrl

Divino L. Gonzales Jr.

Nico P. Trajano

Kabanata II: Pagsusuri sa Literatura

Lumalawak na Mapaminsalang pagmimina,

At Lumalawak na Paglaban Kontra Dito

By: Pher Pasion

Habang patuloy na hinuhubaran at ginagahasa ng mga minahan ang ating kalikasan at bayan,

higit na namumulat at umiigting ang laban ng mga mamamayan.

Ito ang reyalidad na pinatunayan sa nakaraang ikatlong Mining Conference na dinaluhan ng mga

200 makakalikasan at makabayang mamamayan mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas at

maging ng mga internasyunal na delegado sa Tagaytay City noong unang linggo ng Marso.

Pinangunahan ng Center for Environmental Concerns-Philippines, Kalikasan Party-list, Defend

Patrimony, Ecumenical Bishops Forum, Kalikasan People’s Network for Environment,

Kalipunan ng Katutubong Mamamayan, Stewards of Creation, at Katribu Party-list ang nasabing

kumperensiya. “Nakita natin na kung paano kalbuhin ang ating mga kagubatan, pinatag ang ating

mga kabundukan, nilason ang katubigan, winasak ang mga sakahan at iniwan ang mga

komunidad. At lahat ay dahil sa ngalan ng pera,” sabi ni Bayan Rep. Teodoro Casino, sa kanyang

talumpati sa pagbubukas ng kumperensiya. “Sa puso po ng lahat ng ito ay ang sistema na

nagpapahalaga sa tubo kaysa tao, kalikasan at kinabukasan ng bayan. Isang sistema na

naglalayong kumamal ng mas malaking pera sa ano mang posibleng para sa pinakamura at

pinakamabilis na paraan. Isang sistema na naglalayong pigain ang kaliit-liitang mineral meron

Page 2: rrl

tayo para sa pandaigdigang merkado,” pagdidiin ni Casino. Inihapag ng iba’t ibang rehiyon ang

kinahaharap nilang mga problema sa mga minahan sa kani-kanilang lugar. Hindi lamang

kahirapan ang epekto ng presensiya ng pagmimina kundi direktang kamatayan sa kalikasan at

mga mamamayan. Sa datos mismo ng Department of Environment and Natural Resources,

tinatayang 530 kompanya ng minahan ang nakatakdang aprubahan at mag-operate sa bansa sa

pag-eenganyo at pahintulot ng administrasyong Aquino na nangangahulugang ibayong

dislokasyon, militarisasyon, pandarambong at pagkasira ng kalikasan. Sa Bikol, iniulat ng

Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagmimina at Kumbersyon Agraryo- Bikol (Umalpas Ka-

Bikol) ang lumalawak na sakop ng malalawakang komersiyal na pagmimina. Umabot sa 74.62%

ng kabuuang land area ng rehiyon ang pinapangambahang sakupin ng mga minahan. Sa isla ng

Rapu-Rapu sa Albay, halimbawa, nasa 93.6% ang sasaklawin ng mga minahan.

Sa kabila ng buwis na naibibigay ng large-scale miners sa rehiyon, nananatiling isa ang rehiyon

ng Bikol sa pinakamahihirap na rehiyon sa bansa. Pinangangambahan din ang epekto ng

pagmimina dahil ang Bikol ay daanan ng mga bagyo na pumapasok sa bansa.

Ang Hilagang Luzon na binubuo ng rehiyon ng Ilocos, Cordillera at Cagayan Valley ay tila

pinagpiyestahan ng malalaking kompersiyal na kompanya ng mina. Ito ang iniulat ng Bantay

Amianan. Ang iba rito’y matagal na ang operasyon tulad ng Benguet Corporation na 109 taon na

(1903-2012), Lepanto Consolidated Mining Company, 76 na taon (1936-2012) at Philex Mining

Corporation, 57 na taon (1955-2012).

Naging tampok din ang coal at magnetite mining sa Cagayan, kung saan halos buong

dalampasigan ng rehiyo’y nakatakdang hakutin, at ang offshore mining ngchromite sa rehiyon ng

Ilocos at Cagayan.

Page 3: rrl

Tulad ng Rehiyon ng Bikol, ang mga rehiyon sa Hilagang Luzon ay kabilang sa mga

pinakamahihirap ng rehiyon sa Pilipinas.

Sa Timog Katagalugan, umabot sa 33,455.090 ektaryang lupain ang pinahihintulutang lunsaran

ng eksplorasyon ng walong kompanya ng pagmimina sa mga lalawigan ng Batangas, Rizal,

Marinduque at Palawan.

Nasa 58,571.612 ektarya ng lupain sa probinsiya ng Cavite, Batangas, Quezon, Marinduque,

Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan at Romblon ang nakaambang minahan ng 21

kompanya ng pagmimina na nagawaran naman ng Mineral Production Sharing Agreements.

Sa Visayas, naging tampok din ang papadaming mga komersiyal na pagmimina na nakatakdang

aprubahan. Sa Central Visayas, halimbawa, tinatayang mahigit isang milyong mamamayan na

nakaasa sa pangingisda ang maaapektuhan sa eksplorasyon ng langis at gas sa Tanon Straight sa

pagitan ng Negros at Cebu.

Naging tampok naman sa Negros ang magnetite mining at black sand mining na ikinababahala

ng mga mamamayan ang paglawak nito. Ayon sa Defend Patrimony-Negros, tulad ng mga

epekto ng malawakang pagmimina sa ibang rehiyon, tumitindi ang insidente ng dislokasyon ng

mga magsasaka, pangangamkam ng lupa, mababang kita, kagutuman, problema sa kalusugan,

malnutrisyon, at pagkakawatak ng mga komunidad.

Ayon naman sa Panalipdan Mindanao, mahigit sa kalahati ng tinatayang yamang mineral ng

Pilipinas ay matatagpuan doon na nagkakhalagang ($12.6-Bilyon). Nasa Mindanao ang

pinakamalaking reserba ng bansa sa copper (5 bilyong tonelada), ginto (3.4B

tonelada), aluminum (292 milyon tonelada) at iron(411M tonelada).

Page 4: rrl

Sa Davao Oriental, mayroong mahigit 100 aplikasyon para sa large-scale atsmall-scale mining.

Sa Zamboanga del Norte, ang kompanya ng mina na TVI ay nagluluwal ng 200 metrikong

tonelada na ore kada araw upang makakuha ng 2.5 gramo ng ginto kada tonelada.

Hindi rin naging ganoon kakinang ang kontribusyon ng pagmimina sa ekonomiya ng bansa sa

mga nakalipas na taon ayon sa mga datos.

“Kahit national government,hindi gaanong nakikinabang samining,” ayon kay Maita Gomez ng

Bantay Kita, isang pambansang network ng civil society organizations na nagtagtaguyod

ngtransparency sa extractive industries.

Taong 2007, naitala ang pinakamataas na kontribusyon ng pagmimina sa bansa na aabot lamang

sa 1.4% ng Gross Domestic Product ng bansa, ayon mismo sa datos ng Mines and Geosciences

Bureau.

Maging sa usapin ng empleyo, hindi aabot sa 0.3% mula 2000 hanggang 2004  ang kontribusyon

nito sa empleyo, 0.4% mula 2005-2007 at 0.5% 2008 hanggang 2009. Kung sa isang dekada

nitong kontribusyon sa empleyo, tinatayang nasa 0.376% lamang ito sa average.

Base sa ipinresintang datos ni Gomez, ang mga small-scale at non-metallic mining ay mas

maigting ang empleyo dahil gumagamit ang mga ito ng mga makalumang pamamaraan ng

pagmimina, samantalang ang mga large-scale mining ay nangangailangan lamang ng mas

kaunting manggagawa sapagkat gumagamit ang mga ito ng malalaking makina at mas abanteng

teknolohiya.

Ayon pa kay Gomez, nakikinabang pa ang large scale miners sa mga kaluwagan tulad ng walang

buwis sa panahon ng eksplorasyon, limang-taong tax holiday (di-kailangang magbayad ng

buwis), walang buwis sa importasyon ng mga makinarya, kagamitan at materyales para sa

Page 5: rrl

kasangkapan upang kontrolin ang polusyon, bawas-buwis sa mga manggagawa, at iba pang

gastusin. Base sa isang pag-aaral, hindi na sana kailangang bigyan pa ang mga kompanya ng

mina ng mga insentibong ito, dagdag ni Gomez.

“Ang kasalukuyang mga polisiya ay anti-industriyalisasyon, sapagkat pinanatili ang bansa na

maging exporter ng hilaw na mga materyales at importer ng yaring mga produkto. Matutugunan

ng kasalukuyang direksiyon ang pangangailangan ng pandaigdigang merkado at hindi ng lokal

na pangangailangan para sa lokal na pag-unlad,” ayon kay Renato Reyes, pangkalahatang

kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan.

Sa ganitong balangkas, mula 1990 hanggang 2008, tinatayang may average na depisito ang

Pilipinas ng $1.24.B kada taon sa inilalabas na hilaw na materyales at ini-import na yaring

produkto, ayon kay Reyes.

Ang ganitong sistema ay para sa industriyalisasyon, habang itinataboy nito ang mga katutubo at

komunidad ng magsasaka at simusira sa hindi na maibabalik na kalikasan natin, dagdag ni

Reyes.

Inilahad naman ni Sonny Africa, research director ng Ibon Foundation, ang kasalukuyang global

na krisis na nagtutulak sa mga kapitalistang bansa na pumiga ng mga murang hilaw na

materyales mula sa mga bansa gaya ng Pilipinas.

“Nagkakaroon ng mahigpit na polisiya sa pagmimina ang ibang mga bansa upang tiyakin ang

pakinabang mula sa pagmimina ng lokal na industriya, samantalang ang Pilipinas ay higit pang

ibinubuyangyang ang bansa para sa dayuhang kompanya imbes na pakinabangan at magamit ang

mga mineral para sa pambansang industriyalisasyon,” paliwanag ni Africa.

Page 6: rrl

Habang nagiging maigting ang laban ng mga mamamayan sa walang habas ng pagmimina, siya

rin ang kaigtingan ng pagsupil ng estado sa mga ito.

“Nasa 11 na ang biktima ng pagpatay sa environmentalists at mga lider ng mga katutubo. Walo

sa mga napatay ay may kaugnayan sa laban sa mga minahan mula Nobyembre 2010 hanggang

Oktubre 2011. Kabilang sa mga kilalang naging biktima ay sina Dr. Gerry Ortega, Dr. Leonard

Co at Fr. Pops Tentorio,” ayon sa Kalikasan PNE.

Gayundin, sa bawat rehiyon naitala ang pagdeploy ng militar sa mga lugar ng minahan upang

mas higit na protektahan ang interes ng malalaking kompanya ng mina sa lugar na ito liban pa

sa private armies.

Naitala naman sa Northern Mindanao Region ang pinakamaraming bilang ng mga pinaslang na

lider-Lumad. Lima ang pinaslang ng pinaghihinalaang mga grupong paramilitar mula 2010, ayon

sa Panalipdan Mindanao. Labing-isa na ang naitalang napatay na Lumad sa ilalim ng

administrasyong Aquino.

Ayon sa Umalpaska-Bikol, nasa mga minahan ang presensiya ng Investment Defense Force

(IDF) na dagdag-seguridad para sa mga korporasyon ng pagmimina na binuo noong panahon pa

ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo. Nariyan din anila ang Mineral Development Council na

nabuo ng Committee on Mining Security na ang gawain ay suriin ang pangkalahatang seguridad

sa pagmimina at paganahin ang IDF.

Maliban pa sa pagpatay, nagaganap rin ang dislokasyon sa mga mamamayan dahil sa pagmimina

at militarisasyon. Ganito ang nagaganap sa rehiyon ng Caraga sa Mindanao. Katutubong mga

Manobo ng Andap ang sapiliting napapalikas dahil sa mga operasyong militar ng Armed Forces

of the Philippines sa kanilang mga komunidad.

Page 7: rrl

Sa mismong kumperensiya sa Tagaytay City, naranasan ng mga organisador at kalahok ang

paniniktik ng mga elemento ng militar: Dalawang lalaki na kumukuha ng bidyo ang naaktuhan sa

mismong programa. Nagpakilala na mula sila sa kapitolyo, pero nakita na laman ng kamera ang

iba’t ibang kuha ng mga paniniktik sa rehiyon sa progresibong mga organisasyon.

Bayang palaban para sa bayan at kalikasan

Macky Macaspac

Sa kabila ng nakamamatay na mga polisiya sa malawakang pagmimina at pandarahas ng estado,

higit na umigting ang laban ng mga mamamayan na mabilis kumalat sa buong kapuluan.

“Ang mga pagsisikap natin at ng iba’t ibang grupong anti-mining ay naririnig na sa buong bayan

at nagtutulak para sa iba pang tao na manindigan at lumaban din. Ang paglawak at pagme-

mainstream ng atinganti-mining campaign ay sinasalamin ng No to Mining in Palawan

Movement sa pangunguna ni Gina Lopez, na nakakalap na ng mahigit limang milyong pirma.

Malaking bagay din ang naisagawang mga island-wide na anti-mining conferences sa Mindanao,

Visayas at Luzon. Dapat salubungin at payabungin pa ang mga inisyatibang ito,” ani Casino.

Dagdag pa ni Casino, inaprubahan ng House Committee on Natural Resources ang dalawang

House Resolution na nananawagan ng moratoryo sa malawakang pagmimina at pagkansela ng

mga mining permit sa buong lalawigan ng Negros Occidental at Capiz. Batay ito sa mga lokal na

ordinansa ng mga Sangguniang Panlalawigan sa Negros Occidental at Capiz para sa pagtigil

ng large-scale mining sa kanilang lugar. Ang moratoryo sa Negros Occidental ay 25 taon

samantalang sa Capiz naman ay 50 taon. Ito ang unang beses na sumuporta ang komite sa

ganitong klaseng lokal na ordinansa. Sina Casino at Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang mga

awtor ng nasabing resolusyon.

Page 8: rrl

“Nitong linggo, ang Davao City Council naman ang nagpasa ng resolusyon para

ideklarang mining-free zone ang buong lungsod. Nauna na rito angenvironmental code ng South

Cotabato na nagbabawal sa open pit mining na siyang pumipigil sa pagmimina ng SMI sa

Tampakan. Ang pamahalaan ng Zamboanga del Norte ay nagpahayag na rin ng pagtutol sa open

pit mining na mukhang susundan ng mga provincial board ng Zamboanga Sibugay,” dagdag ni

Casino.

Para naman sa pagbabasura ng Mining Act of 1995, kinuha na ng House Committee on Natural

Resources ang pinagkaisang borador ng iba’t ibangalternative mining bills, na sa malaking

bahagi’y halaw sa People’s Mining Act ng Bayan Muna, sabi pa ni Casino.

Pati ang Korte Suprema ay pumasok na sa eksena sa pamamagitan ng Writ of Kalikasan, ani

Casino at hinikayat na pag-aralan ito para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.

People’s Mining Bill ang batas na naglalayong ibasura ang mapaminsalang naging epekto ng

pagsasabatas ng Mining Act of 1995 na nagtatadhanang pawang mga minahan lamang ang

nakikinabang at nagbibigay ng kaluwagan sa mga kompanya kapalit ang pagkasira ng kalikasan

at kamatayan sa mamamayan.

Binigyan-diin naman ni Kabataan Rep. Raymond Palatino na hindi ang People’s Mining Bill ang

tanging lulutas sa problema sa pagmimina. Nanatiling esensiyal ang aktibo at organisadong laban

ng mga mamamayan kontra sa mga mapaminsalang pagmimina sa bansa.

Ayon kay Africa, malaki ang bentahe ng paglaban sa Pilipinas sapagkat narito ang iba’t ibang

porma mula sa legal, extra-legal at maging armadong paglaban sa mga malalaki at

mapaminsalang mga minahan.

Page 9: rrl

Oktubre 2011 nang atakihin ng tinatayang 200 miyembro ng New People’s Army ang isang

malaking operasyon ng minahan sa Surigao Del Norte. Sinunog ng mga ito ang mga malalaking

sasakyan at kagamitan sa pagmimina.

Ayon sa National Democratic Front of the Philippines, ang naging aksiyong ng NPA sa malalaki

at mapangwasak na mga minahang ito ay base sa polisiya ng Communist Party of the

Philippines, NPA at NDF na itigil ang mga malalaking operasyon ng minahan na sumisira sa

kabuhayan ng mga mamamayan, kalikasan at aspirasyon para sa pambansang industriyalisasyon,

at paglabag sa karapatan ng mga katutubo at buong sambayanang Pilipino.

Lumalawak nga ang mga banta ng mapanirang pagmimina sa bansa. Pero lumalawak din ang

paglaban ng mga mamamayan.

Karahasan at Kamatayan ang Dala ng Pagmimina

Ni atm.admin - Posted on November 10th, 2011

Nitong nakaraang Oktubre ay dapat selebrasyon ng buwan ng katutubo subalit sunod

sunod na pang-aatake at pang-gigipit sa mga katutubong komunidad ang nangyari na

nagmistulang naging buwan ng pagtatangis ito para sa mga katutubo. Oktubre 3 ay sinalakay ng

mga rebelde ng New Peoples Army ang 3 minahan na nasa loob ng mga katutubong lupain ng

mga Manobo sa Claver, Surigao del Norte. Bilang tugon dito ay daliang nagpanukala ang

military kay Pangulong Aquino na hayaan ang mga kumpanya ng mga minero na magbuo at

magpondo ng kanilang sariling mga armadong milita o Special CAFGU Armed Auxiliary

(SCAA), ito naman ay daliang pinayagan ng Pangulo noong Oktubre 12 nang hindi kumonsulta

Page 10: rrl

man lang sa mga katutubo na kung kaninong teritoryo pwersahan at mapanlinlang na ipinapasok

ang pagmimina at kung saan siguradong maghahasik ng lagim ang mga militiang ito. Oktubre 14

ay pinatay sa pamamaril ang anti-mining na broadcaster na si Datu Roy Bagtikan Gallego sa

Lianga, Surigao del Sur. Oktubre 17 ay binaril at pinatay naman sa labas ng simbahan sa Arakan

Valley, North Cotabato si Padre Fausto Tentorio, isang Italyanong pari na tatlong dekada nang

nanilbihan para sa interes ng mga katutubo sa Hilaga at Timog Cotabato lalo na laban sa

pagmimina. Mabilis na lumala ang kalagayan pagkatapos ng mga pagpaslang na ito.

Sa Lianga noong Oktubre 29 ay 150 na pamilyang Manobo ang nagsilikas dahil sa pagpasok ng

military sa kanilang lugar na tinatarget para sa pagmimina. Sa Arakan naman, tatlong araw lang

pagkatapos ng pagpaslang kay Fr. Tentorio ay pinatay ng military ang magsasakang si Ramon

Batoy na nagbunsod ng paglikas ng 136 na pamilya sa takot ng patuloy na pang-aatake ng mga

militar. Dahil sa matinding reaksyon sa pagpaslang kay Fr. Tentorio ay ninais pabulaanan ng

Chamber of Mines of the Philippines ang pag-iisip na ng marami lalo na ng mga imbestigador ng

kaso na kunektado sa kanyang pagpatay ang kanyang adbokasiya laban sa pagmimina dahil sa

wala naman daw mining operations sa Arakan at dapat na matuto daw sa kaso ni Dr. jerry Ortega

na hindi daw dapat nagpapahayag ng ganoong mga pagtingin hanggat hindi natatapos ang

imbestigasyon. Kung walang pagmimina ngayon sa Arakan ay dahil na din ito sa pakikibaka ng

mga katutubo at mga settler doon laban sa mining. Kung babasahin ang pahayag ng Chamber of

Mines ay aakalaiin na hindi tinatarget ng mga mining companies ang copper, ginto at iba pang

minerals sa lugar. Ayon sa Mines and Geosciences Bureau ng Soccsksargen Region (MGB-

Soccsksargen) isa ang Macroasia Mining Corp. na nagnais pumasok para magmina sa Arakan

ngunit ang application nito ay ni-reject ng MGB. Ito ang Macroasia Mining Corp. mismo na

Page 11: rrl

nagpupumilit magmina ngayon sa Brooke’s Point, Palawan kasama ng Ipilan Nickel Corporation

(INC), at Lebach Mining Corporation (LMC)

Target ngayon ng pagmimina ang kamatayan ng kagubatan, watershed areas, katubigan at

biodiversity ng Brooke’s Point, hindi maglalaon magiging target na din ang mga katutubo at

residenteng patuloy na magdedepensa ng lupa at likas yaman ng Palawan.

Kung babasahin ang pahayag ng Chamber of Mines kung saan binanggit ang ating anti mining

martyr na si Dr. Gerry Ortega na pinatay nitong Enero sa Puerto Princesa ay pinapalabas na

bawat pagpaslang sa mga taong lumaban sa pagmimina ay hindi dapat ikonekta sa mining

companies dahil wala namang ebidensiya para isipin ito.

Gusto palabasin ng Chamber of Mines na ang patuloy na humahabang listahan ng mga pinatay

na mga anti mining advocates ay walang kinalaman sa mining, malaking panloloko ito.

Noog 2007, si Deodate Pame ay binaril at pinatay sa San, Miguel Surigao del Sur, katulad ni

Datu Gallego ay kilala ang kanyang pagtutol sa pagmimina sa probinsiya kasama ng mga lider

katutubo doon. Katulad naman ni Fr. Tentorio ay kilalang kalaban ng Tampakan Copper Gold

Project ng Switzerland based na mining company na Xstrata si Eliezer “Boy” Billianes na binaril

sa palengke sa North Cotabato noong 2009. Sina Ricardo Ganad at si Samson Rivera na

parehong lumaban sa balak na Mindoro Nickel Project ng Norwegian company na Intex

Resources ay pinatay sa magkahiwalay na pagkakataon sa Mindoro Oriental noong unang bahagi

ng 2010.

Ang mga kasong ito ay puros asasinasyon - planado at maingat ang pagkakagawa na hindi talaga

mag-iiwan ng ebidensyang tuturo sa mga pumatay at mga nag-utos nito. Pero kaninong interes

ba pumapabor ang walang humpay na taunang pagpaslang sa mga kasamahan natin na lumaban

para protektahan ang mga komunidad at kalikasan sa buong bansa sa panghihimasok at

Page 12: rrl

panghahabas ng pagmimina? Para kanino pumapabor ang pang-aatake at karahasan ng mga

military, CAFGU, SCAA at mga armadong security ng mga minahan laban sa mga komunidad,

grupo at indibidwal na tumututol sa pagmimina?

Pero hindi lahat ng pagpatay ng anti mining adovocates ay hindi kilala ang salarin. Si Armin

Marin na Councilor ng Sibuyan ay tahasang pinaslang ng Chief Security ng Sibuyan Nickel

Properties Development Corporation (SNPDC) noong 2007 sa labas ng gate ng minahan sa isang

kilos protesta laban dito. Si Rudy Segovia na kasali sa isang road blockade laban sa operasyon

ng TVI Resources Development (TVIRD) sa Canatuan, Zamboanga del Norte ay binaril at

pinatay ng security guard ng kompanya. Sa parehong kaso na ito ay ginusto namang palabasin ng

mga minero na kasalanan nila Armin at Rudy kung bakit sila napatay ng kanilang mga tauhan.

Ang mahabang karanasan sa Pilipinas ng tila malayang pamamaslang ng mga military,

paramilitary, security ng mga korporasyon, at mga guns for hire ay nag-iwan ng mahabang talaan

ng mga pinatay na lider komunidad, aktibista at mamamahayag -- kailangan nating kilanlanin na

ito ay matagal na ring nagagamit laban sa hanay ng mga tumututol sa kagustuhan ng mga

korporasyon, negosyante at pulitikong nagtutulak ng pagmimina sa ating bayan.

Gusto nilang tapatan ng pera ang pagkasira at kamatayang dulot ng pagmimina. Pero

kasinungalingan ang sinasabi ng Chamber of Mines na halaga ng kikitain natin sa yamang

minerales ng ating bansa, excise tax lamang na obligasyon naman talaga ng kahit siinong

negosyante sa Pilipinas ang kailangan bayaran ng mining companies sa ating pamahalaan at wala

na tayong parte sa makukuha nilang ginto, pilak, tanso at iba pang minerales mula ating lupain.

Kanila na yon para pagkakakitaan mula sa pagbenta sa ibang bansa na patuloy namang umuunlad

sa paggamit sa ating yamang mineral.

Page 13: rrl

At kahit na magkatotoo pa man na limpak limpak na salapi ang bubuhos sa mga komunidad dahil

sa pagmimina ay hindi kayang matumbasan ng kahit ilang toneladang ginto ang kinitil na buhay

ng kahit sino man na lumaban para sa kapakanan ng komunidad at kalikasan.

Ang Nobyembre ay buwan ng pag-gunita. Sa Huwebes, ika-10 ng Nobiyembre, sama sama

nating gunitain sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas ang kadakilaan ng mga minartir na tumutol sa

pagmimina. Sa araw na ito, muli nating pagtibayin ang ating pakikibaka mula sa pag-gunita ng

kanilang buhay at pagsasakripisyo.

Bigyang katarungan ang ating mga martir, Panagutin ang mga dapat managot sa kanilang

kamatayan! Igiit ang tunay at mapayapang kaunlaran, Singilin ang pagpaubaya ng pamahalaan sa

interes ng mga korporasyon at pagbababaya sa kapakanan ng mga komunidad at taumbayan!

Ibasura ang RA 7942: Mining Act of 1995 at Ipasa ang bagong Batas para sa Pamamahala ng

Yamang Mineral ng Pilipinas Patuloy na manindigan laban sa pangangamkam, paninira at

kamatayang dulot ng pagmimina!