Upload
others
View
1
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
THE RAPTURE
FACEBOOK • YOUTUBE
S E S S I O N 1
E N D T I M E S S E M I N A R
B I S H O P R E Y D O M I N G O
Bishop Rey Domingo Ministries
bishopreydomingoministries.orgWEBSITE
Ang rapture ay aralin sa Biblia na nagtuturo na ang
lahat ng mananampalataya sa Panginoong Jesus sa
panahon ng Bagong Tipan na namatay na at
nabubuhay pa ay biglang aagawin upang salubungin
ang Panginoong Jesus sa alapaap. Ang rapture ang
tinawag na “the blessed hope” sa Tito 2:13. Basahin
natin ang talata:
Sisimulan natin ang serye ng mga aralin na may kinalaman sa mga magaganap
sa Huling Araw o End Times Studies sa pag-aaral tungkol sa RAPTURE.
A N O A N G
R A P T U R E
Na hintayin yaong mapalad na pag-asa at ang pagpapakita ngkaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo.
T I T O 2 : 1 3
1
2
Ang rapture ay ang una sa dalawang yugto o
phase ng ikalawang Pagparito ng Panginoong
Jesus (The Second Coming of Christ). Ito ay ang
pagparito ng Panginoong Jesus PARA sa mga
mananampalataya – Christ coming FOR His
saints. Ang ikalawang yugto ay ang pagparito
Niya KASAMA ang mga mananampalataya –
Christ coming WITH His saints. Ito ay ating pag-
aaralan sa ikalimang serye ng ating aralin
tungkol sa THE SECOND COMING.
S E C O N D C O M I N G
Christ coming FOR
His saints (rapture)
2 PHASES OF THE
Christ coming WITH
His saints
“At lumakad si Enoch na kasama ng Dios: at disiya nasumpungan, sapagka't kinuha ng Dios.”
Sa Matandang Tipan, si Enoch ang halimbawa ng rapture. Mababasa ito sa
Genesis 5:24.
G E N E S I S 5 : 2 4
Ang mga pangunahing mga talata ng Banal na Kasulatan na kababasahan ng
turo tungkol sa rapture ay ang sumusunod:
R A P T U R EE N D T I M E S S E M I N A R • S E S S I O N 1 • B I S H O P R E Y D O M I N G O
1
Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na mayisang sigaw, may tinig ng arkanghel at may pakakak ng Diyos at angnangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kungmagkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawingkasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoonsa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailanman.
Sa panahong iyon may dalawang lalakinggumagawa sa bukid, kukunin ang isa at iiwanang isa. May dalawang babaeng magkasamanggumigiling: kukunin ang isa at iiwan ang isa.
M A T E O2 4 : 4 0 - 4 1
1 T E S A L O N I C A 4 : 1 6 - 1 7
Isang hiwaga ang sinasabi ko sa inyo, hindi lahattayo’y mamamatay ngunit lahat tayo’y babaguhin,
sa isang sandali, sa isang kisapmata, kasabay nghuling pag-ihip ng trumpeta, sapagkat sa pagtunog
ng trumpeta ang mga patay ay muling bubuhayin atdi na muling mamatay, babaguhin tayong lahat.
1 C O R I N T O 1 5 : 5 1 - 5 2
Ang tatlong grupo ng mga talatang ating binasa sa tatlong aklat ng Bagong
Tipan ang pangunahing mga talata na nagtuturo ng aralin ng rapture. Gaya ng
nabasa natin, aagawin ng Panginoon ang mga mananampalataya sa panahon
ng Bagong Tipan, ang mga mananampalatayang namatay na, at ang
mananampalatayang nabubuhay pa noong mangyari ito.
Noong huling linggo bago ipako sa krus ang Panginoong Jesus ay sinabi ng
Panginoon sa pandinig ng mga alagad na isa sa kanila ay magkakanulo sa
Kaniya – si Judas. Noon ding oras na iyon ay sinabi naman ng Panginoong
Jesus kay Pedro na bago tumilaok ang manok ay tatlong ulit niyang ikakaila ang
Panginoon.
R A P T U R EE N D T I M E S S E M I N A R • S E S S I O N 1 • B I S H O P R E Y D O M I N G O
2
Huwag mabagabag ang inyong kalooban; sumampalatayakayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. Sa bahay ngaking Ama ay maraming silid; kung hindi ito totoo sasabihinko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayong inyong matitirhan? At kapag naipaghanda ko na kayo ng
matitirhan, ako’y babalik at isasama ko kayo upang kayo’ymakapiling ko kung saan ako naroroon.
Ang rapture ay magaganap na walang anumang babala o sign. Ang tangi
lamang masasabing babala ay ang malakas na sigaw, tinig ng arkanghel at
tunog ng trumpeta ng Diyos. Ito ay sabay-sabay na mangyayari sa loob ng
isang kisap-mata, at ang mga mananampalataya lamang ang makakarinig nito.
Kasabay ng mga ito ang gagawing pag-agaw ng Diyos. Ang pagkakasunod-
sunod ng pangyayari sa rapture ay ito:
Dahil sa mga sinabing ito ng Panginoon ay nagulumihanan ang mga alagad.
Noon sinabi ng Panginoon ang tungkol sa rapture upang maialis ang
pagkabalisa ng mga alagad. Ito ang Kaniyang sinabi:
J U A N 1 4 : 1 - 3
Bababa si Jesus mula sa langitAng Panginoong Jesus ay bababa mula sa langit gaya ng sinabi sa
1 Tesalonica 4:16.1
Mabubuhay muli ang mga patayAng mga mananampalatayang namatay sa panahon ng Bagong
Tipan – o ang panahon ng mga alagad hanggang sa panahong
kasalukuyan (New Testament saints) ay unang mabubuhay na mag-
uli at magkakaroon ng bagong katawan na wala nang kasiraan. Muli
nating basahin ang 1 Tesalonica 4:16.
2
Sa araw na iyon ay maririnig ang tinig ng arkanghel at ang tunog ng trumpetang Diyos at ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na sumisigaw at
ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna.
1 T E S A L O N I C A 4 : 1 6
R A P T U R EE N D T I M E S S E M I N A R • S E S S I O N 1 • B I S H O P R E Y D O M I N G O
3
Magkakaroon ng bagong katawan ang mga buhay Ang mga mananampalataya naman sa Panginoong Jesus na noon
ay buhay ay babaguhin at magkakaroon ng isang bagong katawan
na wala nang kasiraan.
3
Pagkatapos tayo namang mga buhay pa at natitira ay titipunin sa alapaap,kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid.
1 T E S A L O N I C A 4 : 1 7
Isang hiwaga ang sinasabi ko sa inyo, hindi lahat tayo'ymamamatay ngunit lahat tayo'y babaguhin.
1 C O R I N T O 1 5 : 5 1
Aagawin magkasama sa alapaap ang mga patay at buhayLahat ng mananampalatayang patay na binuhay at buhay na binago
ay aaagawing magkakasama sa alapaap ayon sa 1 Tesalonica 4:174
Sasalubungin ang Panginoon sa alapaapSama-samang sasalubungin ng lahat ng mananampalataya ang
Panginoong Jesus sa alapaap. Basahin natin muli ang sinasabi sa 1
Tesalonica 4:17:
5
Dadalhin sa tahanan sa piling ng AmaDadalhin ng Panginoon ang mga mananampalatayang inagaw
(raptured saints) sa tahanang Kaniyang tinitirahan sa piling ng Ama
ayon sa Juan 14:1-3.
6
Makakasama si Jesus magpakailanmanAng mga mananampalatayang inagaw (raptured) ay makakasama
ng Panginoong Jesus magpakailanman ayon sa Juan 14:1-3.7
R A P T U R EE N D T I M E S S E M I N A R • S E S S I O N 1 • B I S H O P R E Y D O M I N G O
4
G A A N O K A B I L I SA N G R A P T U R E ?
Ito ay mangyayari sa isang sandali o isang
kisapmata lamang ayon sa 1 Corinto 15:52.
K A I L A N M A G A G A N A P A N G R A P T U R E ?
Kung ang sagot na ating hinihintay ay petsa o date, ang Biblia ay walang
ipinapaalam na petsa ng rapture. Maaaring ito ay mangyari ngayon, mamaya,
bukas, sa isang buwan, sa isang taon, etc. Walang nakakaalam ng petsa nito
liban sa Diyos.
Ngunit kung ang sagot na hinihintay ay ang puwesto ng rapture sa
pagkasunod-sunod na pangyayari sa pagtatapos ng daigdig, ang mga palaaral
ng Biblia ay nahahati sa tatlong magkakaibang posisyon. Ito ay ang mga
sumusunod:
PRE-TRIBULATION Ito ay ang paniniwala na ang rapture aymauunang mangyari bago magsimula ang
sinasabi ng Panginoong Jesus na Matinding
Kapighatian o THE GREAT TRIBULATION (na
bukod nating pag-aaralan).
MID-TRIBULATION Ito ay ang paniniwala na ang rapture aymagaganap sa kalagitnaan ng 7 taon ng
Matinding Kapighatian.
POST-TRIBULATION Ito naman ay ang paniniwala na ang rapture aymagaganap pagkatapos ng 7 taon ng Matinding
Kapighatian.
Ang lahat ng naniniwala sa alinman sa tatlong posisyon na ito ay kumikilala ng
katotohanang ang rapture ay tiyak na mangyayari.
Ang kasalukuyang nagaganap sa daigdig ay nagbibigay sa atin ng paalaala sa
nalalapit na unang yugto ng ikalawang pagparito ng Panginoon.
R A P T U R EE N D T I M E S S E M I N A R • S E S S I O N 1 • B I S H O P R E Y D O M I N G O
5
Sa Pilipinas at sa mga bansang mahirap ay nagdaranas na ang mga
mamamayan ng gutom dahil dito. Sa balitang pandaigdig ay sinasabi ang
panganib sa pagsisimula ng malawaking digmaan sa pagitan ng America at ng
bansang China. Ang Israel at ang Iran ay nagpapatuloy sa gantihan sa
pagpapaputok ng mga missiles. Madalas ang paglindol sa iba’t ibang bansa ng
daigdig, at kamakailan ay lumindol muli sa Pilipinas.
Ang mga digmaan, ang mga lindol, ang pagkakagutom ay ilan sa mga
palatandaan ng nalalapit na pagparito ng Panginoon. Sinasabi sa Biblia:
Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin angmga kaharian, magkakaron ng taggutom at lilindolsa maraming lugar. Ang lahat ng mga ito’y pasimulapa sa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isangbabaing manganganak.
M A T E O2 4 : 4 - 5
Kung ang mga ito ay palatandaan ng pagtatapos ng daigdig, at ang petsa nito
ay makikita sa paghahalintulad nito sa paghihirap ng isang manganganak na
babae (labor pains), at sapagkat ang labor pains ng maraming babaeng
nanganak ay tumatagal lamang ng oras o kaya ay isang maghapon – kung
gayon ang end of the world ay lubhang malapit na.
MAKAKASAMA KA BA SA
Kung ang iyong sagot ay hindi, ngunit nais mong mapasama, ito ang dapat
mong gawin: magpasiya ka na tanggapin ang Panginoong Jesus na Panginoon
at Tagapagligtas ng iyong buhay.
Paano mo magagawa ito? Una, mayroon kang dapat malaman tungkol sa iyong
sarili at mayroon ka ring dapat malaman tungkol sa Diyos.
At sapagkat ang rapture ang unang magaganap sa sunod-sunod na pangyayari,
ang tanong:
R A P T U R EE N D T I M E S S E M I N A R • S E S S I O N 1 • B I S H O P R E Y D O M I N G O
6
RAPTURE?
Ang dapat malaman tungkol sa iyong SARILI
Ikaw ay makasalanan
Ang lahat ng tao ay makasalanan, ikaw at ako ay kabilang doon. Ang lahat ng
kasalanan ng bawat tao ay nakarecord sa Diyos.
Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walangsinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
R O M A3 : 2 3
Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan, kayo at anginyong Diyos at ang ang iyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli
ng kaniyang mukha sa inyo upang siya’y huwag makinig.
I S A I A S 5 9 : 2
Sinabi ng Biblia na ang taong makasalanan ay nahiwalay sa Diyos at kung
dadalangin ang taong makasalanan sa Diyos – ang Diyos ay hindi makikinig.
Bukod pa rito, sinasabi rin sa Biblia na ang taong makasalanan ay kaaway ng
Diyos.
Nahiwalay ka sa Diyos
Dahil sa iyong kasalanan ay nahiwalay ka sa Diyos. Basahin natin ang sinasabi sa
Biblia:
Sapagkat ang kaisipan ng laman ay pakikipagalitlaban sa Diyos; sapagkat hindi napapasaklaw sakautusan ng Diyos ni hindi nga maaari.
R O M A8 : 7
Ang talatang ito ay nagsasabi na ang taong makasalanan ay nakikipagalit sa
Diyos at ang patotoo ng kaniyang pakikipagalit sa Diyos ay ang hindi niya
pagpapasakop o pagsunod sa kautusan ng Diyos.
R A P T U R EE N D T I M E S S E M I N A R • S E S S I O N 1 • B I S H O P R E Y D O M I N G O
7
Kung ang tao ay mamatay sa kaniyang katawang pisikal, hindi pa niya
nababayaran ang kaniyang kasalanan. Ang pambayad niya kasi sa kaniyang
kasalanan ay ang walang hanggang pagdurusa sa lawang nagniningas na apoy
at asupre, na ang tawag ay ikalawang kamatayan.
Subalit para naman sa mga duwag, mga taksil, mga gumagawa ng mgakasuklam-suklam na bagay, mga mamamatay tao, mga nakikiapid,
mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyos-diyosan at sa lahat ngmga sinungaling – ang magiging bahagi nila’y sa lawa ng nagliliyab na
apoy at asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.
Ang tao ay makasalanan, at babayaran ng tao ang kanyang kasalanan. Ang
pambayad ng tao sa kaniyang kasalanan ay ang kamatayan. Ang kamatayang
ito ay sinasabi sa Pahayag 21:8.
Babayaran mo ang iyong kasalanan
Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan…R O M A 6 : 2 3
P A H A Y A G 2 1 : 8
Ating ulitin ang mga dapat na malaman tungkol sa iyong sarili. Ang bawat isang
tao ay makasalanan. Dahil sa kaniyang kasalanan, siya ay nahiwalay sa Diyos.
Sapagkat hiwalay siya sa Diyos, kung siya’y dadalangin ay hindi siya pakikinggan
ng Diyos at naging kaaway siya ng Diyos.
Iyan ang dapat malaman ng taong makasalanan tungkol sa kaniyang sarili.
At sapagkat ang Diyos ay Diyos ng katarungan, pagbabayaran ng taong
makasalanan ang kaniyang kasalanan. Ito ay sa pamamagitan ng ikalawang
kamatayan - ang walang hanggang pagdurusa sa dagat ng nagniningas na
apoy at asupre.
R A P T U R EE N D T I M E S S E M I N A R • S E S S I O N 1 • B I S H O P R E Y D O M I N G O
8
Ang dapat malaman tungkol sa DIYOS
Ikaw ay mahal ng Diyos
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sasangkatauhan kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang anak upang ang sinumang sumampalataya sakaniya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ngbuhay na walang hanggan.
J U A N 3 : 1 6
Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gayang inaakala ng ilan, sa halip nagbibigay siya ng pagkakataon salahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak.
I S A I A S 5 9 : 2
Sinabi ng dalawang talatang ito na ang lahat ng tao ay mahal ng Diyos. Hindi
nais ng Diyos na mayroong tao na mapahamak sa dagat na nagniningas na
apoy at asupre. Sinabi rin na para hindi mapahamak ang tao ay ibinigay niya
ang kaisa-isa Niyang Anak.
Dati tayo’y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggapna tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ngpagkamatay ng Kaniyang anak…
R O M A5 : 1 0
R A P T U R EE N D T I M E S S E M I N A R • S E S S I O N 1 • B I S H O P R E Y D O M I N G O
Si Jesus ang nagbayad ng iyong kasalanan
Ngunit pinatunayan ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin.
R O M A 5 : 8
9
Ang kamatayan din ng Panginoong Jesus ang dahilan upang alisin ang awayan
sa pagitan ng tao at ng Diyos, at magsimula ang pagiging magkaibigan ng tao
at ng Diyos. Sa pamamagitan ng kamatayan ng Panginoong Jesus sa krus,
naglaan ang Diyos para sa atin ng pambayad sa ating kasalanan at paraan para
makipagsundo sa Diyos.
Ang hinihingi sa iyo ng Diyos ay ang sumampalataya sa Panginoong Jesus. Ang
pananampalataya sa Panginoong Jesus ay naisasagawa sa pamamagitan ng
tatlong magkakaugnay na pagpapasya.
Ang pagkamatay ng Panginong Jesus ay upang magkaroon ng pambayad sa
ating kasalanan. Siya lamang ang kaisa-isang tao sa daigdig na walang
kasalanan, kaya’t noong siya ay mamatay sa krus ng Kalbaryo, ang kaniyang
kamatayan ang naging pambayad sa kasalanan ng lahat ng tao sa daigdig.
Ano naman ang hinihingi sa iyo ng Diyos upang mapakinabangan mo ang mga
ginawa niya para sa iyo? Basahin muli natin ang Juan 3:16.
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sasangkatauhan kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isanganak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindimapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
R A P T U R EE N D T I M E S S E M I N A R • S E S S I O N 1 • B I S H O P R E Y D O M I N G O
J U A N 3 : 1 6
Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarintayo ng Diyos sa mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan.
1 J U A N 1 : 9
Una, kailangang magpasya na ihingi ng tawad ang mga kasalanan sa
Panginoong Jesus. Gaya ng sinabi sa 1 Juan 1:9:
10
Basahin naman natin ngayon ang Isaias 55:7:
R A P T U R EE N D T I M E S S E M I N A R • S E S S I O N 1 • B I S H O P R E Y D O M I N G O
Lisanin ng masama ang kanyang lakad at nang liko ang kanyangmga pag-iisip at manunumbalik siya sa Panginoon at kaaawaan niyasiya at sa aming Diyos sapagkat siya’y mapagpatawad ng sagana.
I S A I A S 5 5 : 7
Sa dalawang talata na ating katatapos basahin na magtuturo tungkol sa
pananampalataya sa Panginoong Jesus ay tatlong kilos ang hinihingi sa atin ng
Diyos. Ito ay makikita sa tatlong pandiwa na nasa dalawang talata - ipahayag,
lisanin at manumbalik.
IPAHAYAG ang ating kasalanan sa Panginoong Jesus
LISANIN o iwanan na ang mga kasalanan
MANUMBALIK sa Diyos upang Siya na ang sundin
Kapag pinagpasyahan mo na gawin ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging
qualified na makasama sa rapture. Isang simpleng panalangin lamang ang
kailangang gawin.
Panginoong Jesus, inaaamin ko po na ako ay
makasalanan. Nagpapasalamat po ako sapagkat
Kayo ay namatay sa krus upang maging
pambayad sa aking kasalanan. Ipinapahayag ko po
ang aking pagtanggap sa Inyo bilang Panginoon at
Tagapagligtas ng aking buhay. Ipinapahayag ko po
ang paghingi ng tawad sa aking mga kasalanan. At
pinapahayag ko din na ang mga kasalanan ay akin
nang tatalikuran at iiwanan, at magsisimula po
akong sumunod sa Inyong tuntunin, patakaran at
mga utos. Ito po ang aking dalangin sa Pangalan
ng Panginoong Jesus, amen.
YOUTUBE
WEBSITE
WATCH HERE(WITH Q&A)
1 1NEXT SESSION: THE JUDGMENT SEAT OF CHRIST