20
Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose P. Rizal (Ang matutunghayan ay isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na “La Indolencia de los Filipinos,” na nalathala sa La Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na ito’y isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad. Ang upasalang ito’y hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang sanaysay. Manapa’y inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga kababayan. At sa pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid. Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos ang isang tao, siya’y pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan. Sila’y malaya, ang bunga ng kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa kinabukasan, at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na katutubo ay kulang sa pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila sa paggawang sapilitan. Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit ang singaw ng panahon palibhasa’y hindi sila hirati sa gayong klima, kaya’t karampatan lamang na dulutan sila ng balanang makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwa’t ang wika nga ni Rizal, ang isang tao’y maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan. Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila sa Tsina at iba pang mga bansa, at hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng damit at iba pa. Kaya’t mapagkikilalang nang wala pa rito ang mga Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga pangangailangan nila’y hindi naman marami, ay hindi mga mapagpabayang gaya ngayon. Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapagkat ang mga Pilipino’y hindi makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paano’y ayaw pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang iba’y wala at kasama sa mga pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastila’y maraming digma at kaguluhan sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong malapit sa

Sanaysay

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Sanaysay sa Pilipino

Citation preview

Page 1: Sanaysay

Ang Katamaran ng mga Pilipinoni Dr. Jose P. Rizal

(Ang matutunghayan ay isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na “La Indolencia de los Filipinos,” na nalathala sa La Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na ito’y isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad. Ang upasalang ito’y hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang sanaysay. Manapa’y inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga kababayan. At sa pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid.

Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos ang isang tao, siya’y pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan. Sila’y malaya, ang bunga ng kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa kinabukasan, at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na katutubo ay kulang sa pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila sa paggawang sapilitan.

Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit ang singaw ng panahon palibhasa’y hindi sila hirati sa gayong klima, kaya’t karampatan lamang na dulutan sila ng balanang makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwa’t ang wika nga ni Rizal, ang isang tao’y maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan.

Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila sa Tsina at iba pang mga bansa, at hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng damit at iba pa. Kaya’t mapagkikilalang nang wala pa rito ang mga Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga pangangailangan nila’y hindi naman marami, ay hindi mga mapagpabayang gaya ngayon.

Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapagkat ang mga Pilipino’y hindi makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paano’y ayaw pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang iba’y wala at kasama sa mga pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastila’y maraming digma at kaguluhan sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na halos nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang buhat sa Sulu palibhasa’y walang sukat maipananggol sa sarili.

Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang ginagawa ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa ng mga barko, kaya’t maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga kahoy sa gubat upang magamit. Wala tuloy katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kaya’t naging mga mapagpabaya. Tungkol dito’y sinipi ni Rizal si Morga na nagsabi (sa kanyang Sucesos) na halos nakalimutan na ng mga katutubo ang pagsasaka,

Page 2: Sanaysay

pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa noong sila’y mga pagano pa hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos ng pagsakop. Iyan ang naging bunga ng tatlumpu’t dalawang taon ng sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino.

Ang pamahalaa’y walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan sa mga bansang malaya, gaya ng Siam, Cambodia, at Hapon, kaya’t humina ang pagluluwas ng mga produktong Pilipino at ang industriya ay hindi umunlad. Ang Pilipino’y hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid kung walang pahintulot ng pamahalaan.

Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap ng karampatang halaga sa kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga encomendero ang mga Pilipino, sila’y pinagagawa para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba nama’y pinipilit na sa kanila ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsa’y wala pang bayad o kaya’y dinadaya sa pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan.

Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyo’y sinasarili ng gobernador, at sa halip pukawin ang mga Pilipino sa kanilang pagpapabaya, ang iniisip lamang niya’y ang kanyang kapakanan kaya’t sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa pangangalakal.

Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan, mga “kakuwanan” ng pulitika, mga kinakailangang panunuyo at “pakikisama,” mga pagreregalo, at ang ganap na pagwawalang-bahala sa kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa paggawang kapaki-pakinabang.

Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas sa pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming utusan sa bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang magpatulo ng pawis, at ang pagkilos na animo’y kung sinong maginoo at panginoon na ipinaging palasak tuloy ng kasabihang “para kang Kastila,”- ang lahat ng iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng katamaran at pagtanggi o pagkatakot sa mabibigat na gawain.

At ang wika pa ng mga Pilipino noon: “Bakit gagawa pa? Ang sabi ng kura ay hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong mayaman.”

Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at ito’y isa pa ring nagpapalala ng katamaran.

Ang Pilipino’y hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang upang maging puhunan. Kung may salapi man ang isang Pilipinong magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at iba pang impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen, kandila, nobena, at iba pa.

Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka, kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran.

Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang siya pinag-ukulan ng pansin.

Ang katamara’y pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng edukasyon. Ganito ang wika ni Rizal:

“Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na pamumuhay ng mga monghe, ang mga katutubo nama’y walang ginawa kundi iukol ang kanilang buhay sa

Page 3: Sanaysay

pagkakaloob ng kanilang salapi sa simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang kataka-takang bagay. Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala silang natutuhan kundi ang pagkilos na parang mga makina na hindi nalalaman ang buong kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling pagmumulat sa isip at kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambal-hambal na mga pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na pagtutunggali ng isip at ng tungkulin… ay humantong sa pananamlay ng kanyang mga pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang walang katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga pag-aalinlangan ay siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.”

Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siya’y nagkaroon ng mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa.

Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila ng damdamin bilang isang bansa palibhasa’y pinagkaitan sila ng karapatang makapagtatag ng mga samahan na magbibigay sa kanila ng pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin.

Palibhasa nga’y walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipino’y hindi nagkaroon ng pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas ng mga tao. Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at walang sukat makaganyak sa kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang sa kaunlaran at kasaganaan ng kanilang Bayan.

Ang sabi ni Rizal: “Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais.”

Page 4: Sanaysay

Tagalog na Sanaysay Tungkol sa Pagbabago

Pagbabago sa Iyong Buhay

ni: Bernadette Biko

Maraming dahilan ang makapagtutulak sa iyo sa isang konklusyon na, “kailangan kong baguhin ang

aking buhay”. Ang isa sa mga dahilan na magtutulak sa atin na magbago ay ang ating trabaho.

Kadalasan, nararamdaman natin na tayo ay nahihirapan sa ating mga gawain at trabaho.

Nararamdaman din natin na tayo ay nagtatrabaho ng sobra kaysa sa ating dapat na gawin. Isa ring

halimbawa ng maaaring maging dahilan na gusto nating mabago ang ating buhay ay dahil sa hindi

magandang relasyon. Maaaring sa simula, ang isang relasyon ay kaaya-aya, ngunit sa katagalan, ito

ay humahantong sa isang hindi magandang pangyayari. Kapag nangyari ito, maiisip natin na kailangan

na talaga ng pagbabago. Ang pangatlong maaaring maging dahilan ay ang damdamin sa iyong

kalooban na mayroon isang bagay na dapat baguhin sa iyong pag-uugali, o pagbabawas ng timbang o

isang pisikal na katangian. Sanaysay sa Filipino.

Ang lahat ng ito ay magagandang dahilan upang baguhin ang iyong sarili o ang iyong buhay. Ngunit,

may mga hadlang na maaaring makasalubong kung susubukan mong magbago. Ang pagbabago sa

iyong trabaho o paghahanp ng ibang mapagkakakitaan ay maaaring maging sanhi ng problema sa

pera at panggastos. Ang pagbabago sa isang relasyon ay maaaring magbunga ng sakit ng damdamin

sa iyong kapareha. At kung nagbabalak magbago sa sarili, may mga hadlang din na maaaring maging

dahilan upang hindi matuloy ang iyong mga balakin. Kailangan ang matinding determinasyon at

kagustuhan upang mapaglabanan ang mga hadlang na makakasalubong sa iyong pagbabago.

Kailangang pag-aralan ang pagiging matatag at matibay upang maipanalo ang mga plano. Sanaysay

sa Filipino.

Ang mga pagbabagong nais mong matamo ay maaaring maisakatuparan, kailangan lamang ang

positibong pananaw. Ang isang hakbang na maaaring gawin ay ang ilista ang mga pagbabagong gusto

mong makamit. Tingnan at basahin ang mga ito sa tuwina upang maitimo sa iyong isipan ang mga

pagbabagong ito. Ito ay magsisilbing paalala sa iyong sarili na ikaw ay determinadong magbago at

tumahak sa isang matuwid na daan. Isang magandang ideya rin naman na humingi ng tulong at

suporta sa iyong pamilya at mga kaibigan o sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan. Ang katotohanan

Page 5: Sanaysay

na may mga taong nasa iyong likod upang umalalay ay isang magandang inspirasyon upang

ipagpatuloy ang iyong mga plano. Maaari mo ring isulat sa isang papel ang iyong mga natapos na o

mga accomplishments para magsilbing inspirasyon na ipagpatuloy din naman ang iyong mga

nasimulan. Sanaysay sa Filipino.

Kapag nasimulan na ang iyong mga balakin, ihanda ang iyong sarili sa anumang mga hadlang na

maaaring mangyari. Ang mga hadlang na ito, maging tao, bagay man o pangyayari ay maaaring

maging dahilan ng iyong pagsuko at kalungkutan. Kailangan mong isipin lagi ang iyong kagustuhang

magbago. Gagawin mong magbago kahit na ano ang mangyari. Isang magandang hakbang ang

pananatili sa magandang pananaw sa buhay upang maisakatuparan ang iyong mga kagustuhan na

walang natatapakan na sino man.Isang Sanaysay sa Filipino Tungkol sa mga Nanay

ANAK KA NG INA MO…ni: J

Nanginginig na ang kaniyang mga pasmadong daliri. Tila giniginaw ang mga kamay. Mga kamay na umaakay sa iyo noong mga unang araw ng iyong pagtuntong sa eskwela. Mga kamay na pinagkukunan mo ng isang libo’t isang lakas upang mabuhay.

Nakakurba na ang kaniyang tindig. Tila kawayang nakayuko ang kanyang likod. Mga likod na natutuyuan ng pawis sa paglalabada upang may mailaman ka sa iyong kumakalam na sikmura.

Nakakunot na ang noo niya kapag tumitingin sa iyo. Parang laging may inaaninag ang mga mata. Mga matang laging nakatingin sa iyo habang ikaw ay natutulog sa banig. Mga matang nagmamasid at nagbabantay sa iyo mula pagsilang hanggang sa iyong paglaki.

Mahina na ang kaniyang pandinig. Parang baradong lababo ang kaniyang mga tainga. Mga taingang dumirinig sa iyong pagngawa kung inaagrabiyado ng iyong mga kalaro. Mga taingang handang makinig sa iyong mga daing dahil sa kabiguan.

Mabagal na ang kaniyang paghakbang. Sa wari’y binibilang ng mga binti at paa ang bawat minutong lumilipas. Mga binti at paang ginagamit niya upang masaklolohan ka sa mga panganib na sinusuong mo noong iyong kabataan. Mga binti at paang inaasahan niya upang makaraos kayo sa araw-araw.

Kulubot na ang kaniyang balat. Parang chicharong bulaklak sa platong losa ang kabuuan ng kanyang mukha. Mukha na pilit niyang pinakapal upang lumapit at umutang sa kaniyang mga kaibigan at kakilala sa panahong ang enrolment ay malapit na. Mukhang pinakakapal ng katwirang gagawin ang lahat para sa iyo.

Luyloy na ang kaniyang mga dibdib. Nilipasan na ng panahon ang kaniyang mga suso. Mga susong dati’y pinagkukunan mo ng matimyas na kalusugan. Mga susong nagbigay sa iyo ng lakas at tibay ng katawan sa pagsagupa sa mga karamdaman.

Binura na ng kulay puti ang mga itim sa kaniyang tuktok. Tila abo ang kulay ng kaniyang buhok. Mga buhok na malasutlang hinahawakan mo kapag ikaw ay kanyang pinatutulog. Mga buhok na sagisag ng mga taon at panahong ginugol niya sa pag-aaruga at pagkalinga sa iyo. Mga Sanaysay sa Filipino 2011.

Mahina na ang kanyang boses. Tila garalgal ng radyong walang signal ang kanyang tinig. Mga tinig na pinagbuhatan ng maraming magagandang aral ng buhay na ibig niyang maging gabay mo sa iyong pagkatao. Tinig na puno ng pangaral na magagamit mo sa iyong pagtahak sa sariling lakbayin sa daigdig.

Page 6: Sanaysay

Lupasay ang kanyang katawang mortal. Sa iyo napunta ang kanyang lakas. Sapagkat pinagpala ka niya. Nagtingala siya ngayon sa iyo…. patuloy kang inaaruga at matiyagang naghihitay…. Sapagkat siya sa kanyang pagiging ina…. ay marubdob na nagnanais na matapunan din ng kahit kaunting pagkalinga… Mahalin natin ang ating mga ina!

Isang example ng pananaliksik na sanaysay sa Filipino.

Mga Dahilan Kung Bakit Nalululong ang Tao sa Alakni: J

Ang alak o ang pag-inom nito nang labis ang isa sa mga itinuturing na pinakapalasak na uri ng addiction sa ating lipunan ngayon. Kasunod sa pagkakalulong ng maraming indibidwal sa mga ipinagbabawal na gamot, ang alak ang sumunod na dahilan kung bakit tila isang sakit na dumadapo sa mga matatanda, maging sa mga kabataan, ang malakas na pagkahaling dito. 

Ayon sa mga pag-aaral na ginawa ng mga doktor, ang alak, bagaman alam ng marami ang masasamang epekto, ay patuloy pa ring tinatangkilik ng mga Filipino sa kasalukuyan. Ito ay paulit-ulit na inaabuso at walang patumanggang ginagamit nang labis sa nararapat. Sa ganitong sitwasyon, maraming tao ang nahuhumaling dito, dahilan upang lalo pang dumami ang mga masasamang epekto naibubungang nito sa kalusugan, buhay at pagkatao ng isang nilalang.

Maraming dahilan kung bakit nahuhumaling ang isang tao sa alak o alcohol. Ang mga inuming nakalalasing ay palasak na naibebenta at legal na nabibili kahit na saan ka man magpunta. At dahil legal ito sa ating sosyedad, ito ay kadalasang nagiging sentro ng mga pagdiriwang o anumang pagpupulong, malaki man o maliit, sa ating bansa. Bata man o matanda, madalas itong ginagawang libangan at ginagamit upang mas maging masaya ang anumang pagtitipon. Isa rin sa dahilan ng pagkakalulong ng isang tao sa alcohol ay ang pagiging legal nito sa kanyang paligid. Malaya itong nakikita at nai-po-promote sa radio at telebisyon maging sa mga babasahin. Naipadadala nito ang mensaheng ayos lamang ang uminom nito at isinasaisantabi na ang mga masasamang elektong naidudulot nito sa isang tao. 

At dahil malayang maibebenta at mabibili kahit na saang lupalop ng mundo, Malaya rin itong mabibili ng mga kabataan lalo na sa kanilang estado ng pagiging kuryosidad. At mamamalayan na lamang, dahil sa patuloy na pag-inom at pag-abuso nito, isa nang ganap na addiction ang kanyang nakagawian. 

Ang pamilya ay isa ring dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema. Ang mga miyembro ng pamilya na halos ay walang pakialam sa kanilang mga kasama ay siyang nagbubunga ng pagkawalang bahala ng mga taong umaabuso nito. Maaaring maraming pampamilyang suliranin ang isang tao kung kaya naman ibinabaling na lamang niya ang kanyang atensyon sa pag-inom ng alak upang malimot ang kaniyang mga problema sa pamilya. 

Marapat lamang na bigyan ng pansin ang anumang problema tungkol sa alcohol. Ang mga maliliit na bagay na maaaring magdulot na mas malalaking problema sa hinaharap ay kailangan mabigyan kaagad ng sapat na solusyon upang hindi na lumawak. Kailangan ang isang malawak na pananaliksik tungkol sa bagay na ito. Makatutulong ang pagbabasa ng mga sanaysay tungkol sa mga kabataang nalululong sa alak (drinking problems of youth). Magiging mas madali ang pagsugpo sa maliliit na problema kaysa sa hayaan na lamang itong lumaki at lumalala.

Page 7: Sanaysay

Sanaysay Tungkol sa Edukasyon

Isang sanaysay sa Filipino

Ang Kahalagahan ng Edukasyon (Tagalog na Sanaysay)

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito. 

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

Page 8: Sanaysay

Isang tagalog na sanaysay na halimbawa ng pagbibigay ng payo o inspirasyon sa mambabasa.

Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)ni: J

Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction. Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain. 

Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa buhay. 

Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga’t naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-inom ng alcohol. 

Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban ang iyong kondisyon bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak. Ngunit kahit hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

Page 9: Sanaysay

Mga Sanaysay sa Filipino - Tungkol sa Kabataan

Kapag Lumaki Na (Sulating di Pormal)

Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman

natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam. Mga lamang-lupa daw

ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa

din naman iyon.

Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit mo. Kahit

kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang

pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi

na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwa mo at naisuka. Sayang ang

ipinambili ng gamot.

Ipapanood sa iyo sa TV ang mas lalong pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame Street na hindi

mga totoong tao ang gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet na parehong lalaki

(sino kaya ang bading?), halimaw na mahilig sa biscuit, bampirang hanggang 10 lang ang kayang

bilangin (minsan up to 12), ibon na kasing laki ng elephant at elepanteng balbon (saan ka nakakita ng

elepanteng pagkahahaba ng balahibo sa katawan?) at isang nilalang na mahilig mag-ipon ng basura at

nakatira sa basurahan. May tagalog version ito dito sa Pilipinas, ang Batibot. Ang problema, ang

pinakabida sa program na ito, isang tuso at isang tanga.

Ililipat naman sa ibang channel na ang tampok ay mga magkakaibigang superheroes. Marami sila sa

istorya at lahat ay may angking super powers. Ipinakikita lamang dito ang kanilang kahinaan, na hindi

pala kaya ng isang superhero lang ang problema ng mundo. Kailangan din ang tulong ng iba para

masagip ang daigdig. Kawawang Superman, walang sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa.

Tapos ka nang manood ng kasinungalingan este palabas pala sa TV. Gusto mong maglaro sa labas

kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sinabi ni Nanay. May bumbay na

nangunguha ng bata sa kalsada. Tarantadong bumbay ito. Akalain mong pati mga batang

nananahimik ay gustong kidnapin. Pero ang totoo niyan, hindi ka pwedeng lumabas dahil bagong

paligo ka. At magkakalkal ka na naman ng dumi sa kalye kapag nakipaglaro ka. Tinatamad na si

Mommy na maglinis sa iyo.

Ayaw mong matulog sa tanghali? Lagot ka, andiyan ang “lizard”. Pikit ka na, bababa na yung “lizard”.

Kaya, kasama sa paglaki ng bata na kahit ang pinakamaliit na problemang kasing liit ng butiki ay hindi

kayang masolusyunan dahil “lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard”.

Page 10: Sanaysay

Sa hapunan, hindi pwedeng hindi mo uubusin ang pagkain. Mabubulag ka. Kahit magkandasuka ka sa

pagsubo, ubusin mo. Hindi dahil sayang ang inihanda sa mesa. Kung hindi bahala ka, mabubulag ka.

Isasama pa ba natin dito ang mga kasinungalingan tungkol kay Santa Claus, ang tatlong hari, ang mga

pamahiin ni Lolo at Lola, ang pagiging “disente” (daw) ni Rizal, nakakabungang-araw ang pagkain ng

sobra ng mangga at ang tungkol sa mga alamat ng pinya at Olongapo? Huwag na. Ayoko nang

dagdagan ang mga kasinungalingan dito.

Lumalaki ang bata sa kasinungalingan. At sa kaniyang pagtanda, pag-aasawa at pagkakaroon ng

sariling mga anak, uulitin niyang muli ang istoryang ito ng mga kasinungalingan. Mga Sanaysay sa

Filipino 2011.

Page 11: Sanaysay

Halimbawa ng Sanaysay

Global Warming sa Pilipinas – (Sulating Pormal)

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere. 

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels. 

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. 2011 Sanaysay sa Filipino.

Page 12: Sanaysay

Istorya ng Pinto ni: J

Nagdaan ang Araw ng mga Puso. Kumita ng malaki ang mga tindahan ng bulaklak, tindahan ng kapote at tindahan ng balot sa kanto. Malaki rin halos ang kinita ng mga sinehan, restawran at mga motel maging ang mga pabrika ng tsokolate at stationary. Ang ligayang dulot ng Valentine’s Day ay binalot sa mga regalong pinagsumikapang ipunin upang mabigyan ng kahit kaunting saya ang pagbibigyan. Hindi mahalaga ang regalo. Mas mahalaga ang pag-aalala ng nagbigay sa binigyan. At ang kilig na naramdaman sa piling ng iyong pinakamamahal ay nakamit sa pamamagitan ng PDA at PMS o kahit sa simpleng HHWW ng magsing-irog. Ang mahalaga’y tumitibok ang puso ng bawat isa. And love is in the air. 

Kagaya ng mga nagdaang umaga, nagising ako kasabay ng tilaok ng mga manok sa kapitbahay. Sinalubong ako ng lamig na dulot ng hanging amihan paglabas ko ng bahay. Madilim-dilim pa at siguro ay ako pa lamang ang gising sa hanay ng mga bahay sa lugar na ito.

“Wala pa kaming isang taon na nakalipat dito sa lugar na ito. Iba ito sa lugar na kung saan ko hinasa ang aking tari at kalyo. Sa lugar na kinamulatan ko, hindi natutulog ang oras. Laging maingay. Laging magulo. Libangan ng tao ang makipag-away sa kapitbahay.

Ngunit sa kabila ng maingay at makulit na kapaligiran nito, natutunan kong mahalin ang lugar na iyon kasama ng pagyakap ko sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Naroon nga ang ingay at gulo ngunit naroon din ang saya’t ligaya na dulot ng pagsasamahan. Laging masigla ang buhay. Gigising kang masaya at matutulog na may ngiti sa mga labi habang sinasanay ang sarili sa pagtanggap sa mga aberya.

Narito kami ngayon. Lugar na kahit sa panaginip ay hindi naglaro kahit sandali. Tangay sa paligid ang katahimikan at sa umaga’y gigising kang kapiling ang halumigmig ng simoy ng hangin. Okay na rin kahit paano. Dito ko naranasan ang katahimikan na hindi naitaguyod ng ingay ng Maynila. Narito ako ngayon sa isang lugar na payapang namumuhay ang mga tao. Wala sa pusod ng laging nagmamadaling lungsod.

Sa kalaunan ay hinahalagahan ko na rin ang lugar na ito. Marapat lamang marahil. Hindi dahil sa wala akong pagpipilian kundi dahil siguro karapat-dapat lamang siyang mahalin. Matamis mamuhay sa isang lugar na ang musika sa katanghalian ay huni ng mga ibon sa kalapit na punongkahoy. Masarap sa pakiramdam na ang kaniig mo sa gabi ay ang ilaw ng mga alitaptap at liwanag ng buwan sa kabukiran. Ang anag-ag ng kumukititap na mga bituin sa langit ay parang bonus na lamang sa buong magdamag.

Okay na rin ang buhay. Malayo na sa mga bisyong sumira nang unti-unti sa buhay na maraming pangarap. Malayo sa daigdig na kahalubilo ang libo-libong tukso sa pagkatao. Okay na rin kahit paano. Masasanay din ako…Nasasanay na rin ako…”

Naisipan ko nang pumasok ng bahay. Hindi ko kaya ang lamig ng hangin. Tumatayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Pinihit ko ang seradura ng pinto ngunit sa laki ng aking pagkamangha ay hindi siya sumang-ayon. Naka-lock sa loob! Siguro, nang lumabas ako kanina, nakapindot sa loob ng hatakin ko pasara. Laking katangahan!

Kumatok ako at pinagbuksan ng pupungas-pungas kong ina….

Page 13: Sanaysay

Halimbawa ng Pormal na Sanaysay

Tamang Pangangalaga ng Kabayo

ni: Bernadette Biko

Ang sanaysay na ito ay magbabahagi sa inyo ng ilan sa mahahalagang impormasyon tungkol sa

tamang pangangalaga ng kabayo. Mahalagang malaman ang mga panuntunan sa pangangalaga ng

kabayo upang hindi magkaroon ng problema sa kasalukuyan at hinaharap. Makakaiwas rin ang kabayo

sa anumang panganib na maaaring magdulot sa kanya ng kapahamakan. Basahing mabuti ang

sanaysay na ito upang makapulot ng kaunting kaalaman sa tamang pangangalaga ng kabayo o

(proper horse care).

Mahalaga na mabigyan ang iyong alagang kabayo ng sapat na tubig lalo na sa panahon ng tag-init

upang maiwasan ang dehydration. Ang dehydration ay makakasama sa kalusugan ng iyong kabayo

kaya’t nararapat lamang na isaalang-alang ito upang maiwasan ang mga problema. Maaari siyang

ilagay sa isang lugar kung saan makakakuha siya ng tubig sa lahat ng oras. Isang magandang ideya

rin na paliguan siya ng regular upang makasiguro na hindi siya tatamaan ng heat stroke, Maraming

kabayo ang namamatay sa ganitong panahon dahil sa ganitong kalagayan. Laging tandaan,

mapanganib ang heat stroke.

Ilagay sa tamang lalagyan ang tubig na ipaiinom sa iyong alagang hayop. Kinakailangan na naaabot

ng kanyang bibig ang anumang lalim ng timbang pinaglagyan ng tubig. Kailangan din na malinis ang

tubig at walang anumang bagay na kasama nito. Sanaysay sa Filipino.

Gumamit ng mataas na kalidad ng joint supplements. Gusto mong siguraduhin na nabibigyan mo ng

mataas na kalidad ng joint supplements at mga bitamina ang iyong kabayo. Ang kanilang mga

activities ay maaaring nakakapinsala na sa mga bahagi ng kanilang katawan lalo na sa kanilang mga

kasu-kasuan. Ito ay maaaring magdulot ng joint injuries. Kailangan na pangalagaan natin at maiwasan

ang mga pilay sa kanilang mga joints. Ugaliing kumunsuta sa isang beterinaryo upang masiguro ang

kalusugan ng mga kabayo.

Ang mga doctor ng hayop ay maari ring hingan ng payo tungkol sa pag-iwas na bumigat ang timbang

ng iyong alagang kabayo. Kapag bumigat ang timbang nila, maaari silang mahirapan sa kanilang araw-

araw na activities. Bunga nito, ang kanilang mga joints ay maaaring mapinsala bunga ng kanilang

mabigat na timbang .

Ang pagmamay-ari ng isang kabayo ay isang malaking responsibilidad. Tulad ng pagmamay-ari ng

anumang mga alagang hayop, dapat mong ilagay ang iyong sarili sa isang mahusay na desisyon at

pag-isipang mabuti bago ka magpasyang bumili ng isang kabayo. Dahil ang karamihan sa mga tao ay

may kagustuhang magkaroon ng kabayo bilang alaga, dapat mong unang isaalang-alang ang

paghahanap ng isang angkop na kabayo na nababagay sa iyong lugar. Gayundin, isaalang-alang din

ang iyong nais at pangangailangan. Kung ikaw o ang iyong lugar ay limitado, huwag mo nang

pangarapin pa ang ganitong uri ng alaga.

Page 14: Sanaysay

Isang Sanaysay sa Filipino (Tips to Quit Drinking)

Kailangan ang Medikal na Tulongni: J

Ang sinumang tao na naniniwala na sila ay mayroong talamak na pagkahumaling sa alak ay pinapayuhang huwag munang madaliin ang paghinto hanggang hindi pa kumukunsulta sa isang mangagagamot. Maaaring makahinto ang isang tao sa kanyang sariling paraan, lalo na ang mga kabataan na hindi pa masyadong naaapektuhan ngunit ang iba naman ay kailangan munang magpasuri sa espesyalista upang matugunan ang mga katanungan ukol sa kanilang binabalak na paghinto.

Ang paghinto sa pag-inom ng alcohol sa pamamagitan ng pagsasailalim sa medical na gamutan ay makatutulong sa isang tao upang hindi makaranas ng labis na hirap at mapigilan ang anumang panganib na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan. Gayundin naman na maipananalo nila ang laban sa unang antas ng kanilang pagtigil at magiging madali sa kanila ang mga hakbang sa mga susunod na bahagi. 

Ang paghinto sa pag-inom ng alak, lalo na sa ating mga Filipino, ay nangangailangan ng maayos na disiplina at malakas na pagnanais na maisakatuparan ang mga binabalak. Ito ay nangangailangan din ng sapat na kaalaman tungkol sa kanilang mga dahilan kung bakit sila nalulong sa alak. Ito ay makatutulong upang ganap na maunawaan ang mga bagay na kaakibat ng kanilang problema. Ito rin ang magiging daan upang malaman kung paano sila madaling makakaiwas sa pagkakaroon ng kagustuhang uminom na muli. Sa ganitong pagkakataon, ang pagsailalim sa medical na gamutan ay hindi nangangahulugang may isang magical na gamot na makapagpapaalis nang mabilis at epektibo sa mga problema. Kailangan pa ring isaalang-alang nating mga Filipino ang iba pang bagay upang lubusang gumaling sa sakit at makaalis sa alcohol addiction. Ngunit ang gamutan ay isang mahalagang paraan na magiging sandata upang makatakas sa negatibong kondisyon.

Kung ang isang tao na may pisikal na pagkagumon sa alak at sinusubukan niyang ihinto ang pag-inom na walang medical na tulong, ang withdrawal symptoms ay makapagdudulot sa katawan ng isang estado upang mahirapan ito. Ito ay maaaring maging dahilan ng paglikas ng mga mahahalagang energy at pagkawala ng memorya o kahit kamatayan sapagkat naging resulta sa utak na nawalan ng mahahalagang bitamina. Gayundin naman na mas mapanganib na lubos na mababawasan ng lakas ang katawan kapag hindi nabigyan ng medikal na tulong ang isang taong hihinto na sa pag-inom ng alak.

Maaari namang sumailalim sa gamutan kahit na nasa bahay lamang. Ang mga tao na nangangailangan ng medical na gamutan ay nararapat lamang na kumunsulta muna sa doktor upang hindi maging mapanganib ang paghinto sa pag-inom ng alak. Pagkatapos nito, maaari nang i-monitor ang gamutan sa loob ng bahay upang makasama ng pamilya at masuportahan ang isang tao na may problema.

Ang Kahalagahan ng Recycling

ni: Bernadette Biko

Page 15: Sanaysay

Ang ating mundo ay nangangailangan ng balance upang mapanatili nito ang kaayusan ngecosystem.

Ang ecosystem na ito ang nagdidikta sa kaayusan o “pagiging balance” ng ating kapaligiran at

nagiging dahilan ng balanseng pamumuhay ng lahat ng nilalang na nakatira dito sa ating planeta.

Hindi lamang ang mga tao ang kasama sa usaping ito. Mahalaga ring malaman na ang mga hayop at

halaman na kasama nating namumuhay dito ay nangangailangan din ng mabuting pamumuhay. Kung

hindi mapananatili ang balanseng sistema nito, maaaring magdulot ito ng mga problema hindi lamang

sa ating panahon kundi pati na rin sa mga panahong darating. Ayaw nating lahat na mangyari ito at

magdusa ang lahat . Gusto nating magkaroon ng magandang sistema ang ating mundo upang tayong

lahat na nabubuhay dito ay magkaroon ng maligaya at malinis na pamumuhay. Sanaysay sa Filipino.

Sa mga basurang itinatapon ng walang control sa araw-araw, dahan-dahan nating sinisira ang ating

kapaligiran lalo na ang mundong ating ginagalawan. Ngunit may panahon pa para magbago ang ating

nakasanayan. Maaari pa nating gawan ng solusyon ang lumalalang problema sa basura lalo na sa

ating lugar na kinabibilangan. Sa mga products na ating binibili sa araw-araw, maaari nating simulan

ang recycle upan g mapababa ang basura na likha ng mga ito. Ang mga produktong gawa sa papel

halimbawa ay maaari pang irecycle upang mabawasan kahit kaunti ang basurang maaari nitong

malikha sa ating mundo. Kung hindi tayo kikilos sa ngayon, baka mahuli ang lahat. Ngayon na ang

panahon upang maisaayos ang problem natin sa basura at maging maayos ang ating pamumuhay pati

na rin ang pamumuhay ng mga darating na henerasyon.

Ang process ng recycling ay paraan upang mabawasan kung hindi man matanggal ang problema natin

sa waste disposal . Maraming paraan upang magawa natin ito at ang pinakasimpleng paraan ay

magsimula na ngayon. Maaaring kaunti lamang sa atin ang nakaaalam ang mga paraan na aking

binabanggit, kaya nga ako nagdesisyon na gumawa ng ganitong sulatin upang maibahagi ang aking

mga natutunan sa paaralan na aking pinapasukan. Maging halimbawa sana ito upang ma-encourage

ang bawat tao na gawin din ang aking nasimulan.

Ang mga tao ay gusto na maging maayos ang kanyang kapaligiran at gagawin ang lahat upang

maging maganda ang lugar at community na kanyang kinabibilangan. Ngunit, marami ring tao ang

hindi nakaaalam kung paano at kung ano ang maaari nilang maibahagi upang maging maayos ang

kapaligiran. Hindi nila alam kung paano at saan magsisimula upang maging bahagi ng mga katagang

“reuse, reduce and recycle”. Isang hakbang na maaaring gawin ng isang tao ay ang pagbisita sa isang

recycling center na malapit sa kanyang lugar. Maaari silang magpadala ng mga lalagyan ng

mga basura na maaari pang mai-recycle upang mabawasan ang basura sa mga landfills. Ang mga

lalagyang ito na tinatawag ding recycle bins ay maaaring pagtapunan at paglagyan ng mga papel,

basyo ng bote at mga plastics upang mairecycle na muli. Kung araw-araw natin itong gagawin,

ihihiwalay ang mga basurang maaari pang pakinabangan, mababawasan ang problema sa basura at

magiging maayos ang sistema ng ating kapaligiran.

Mabuti ang Pagre-recycle

Page 16: Sanaysay

ni: Bernadette Biko

Ang basurang itatapon mo ay maaaring maging kayamanan at pakinabangan ng iba. Maraming tao

ang nagsasayang ng pagkain - bumibili o kumukuha nang hindi naman kayang ubusin. Ang iba naman

ay nagsasayang ng mga damit at laging bumibili ng bago kahit hindi naman masyadong kailangan. 

Samantalang maraming tao sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagugutom at walang damit sa

katawan, maraming tao rin ang iresponsableng nagtatapon at nagsasayang na sana’y magiging sapat

na para sa kanilang kapwa tao. Para sa akin, ang pagsasayang ay isang malaking kasalanan. Hindi ito

makatarungan at isa lamang baluktot na pag-uugali. Hindi ito ang kailangan ng ating mundo upang

maging maayos ang lahat. Sanaysay sa Filipino.

Ang pagbibigay sa iba ay hindi lamang katungkulan ng mga mayayaman. Ang mga ordinaryong

mamamayan na katulad natin ay may ganito ring responsibilidad sa kanyang kapwa tao. Ang tanong:

Paano natin maisasakatuparan ang ganitong pagtulong kasabay ng ating hangarin ng pagre-recycle?

Ako’y magbabahagi ng mga tips kung paano natin magagawang tumulong kahit na maliit na bagay sa

ating kapwa tao.

Una, kung magbibigay ng mga damit, maging ito man ay bago o luma, siguraduhing ang mga ito ay

malinis at nasa magandang kalagayan. Alalahanin na ang mga bibigyan ay tao rin na may dignidad

kaya kailangang bigyan ng respeto at pagmamalasakit. Kailangang maipadama natin na tayo ay

tumutulong sa kanila ng taos sa puso. Huwag nating ipadama na sila’y tumatanggap lamang ng limos

galling sa atin. Sanaysay sa Filipino.

Pangalawa, pumili ng karapat-dapat na tutulungan. Maraming institusyon sa ating bansa ang

nangangasiwa sa mga ganitong kawanggawa at maraming ahensiya ng pamahalaan ang

nangangalaga sa mga taong kapus-palad. Laging isaisip na ang pagbibigay ng mga lumang damit na

hindi mo na gagagamitin ay isang uri rin ng paraan na mai-recycle ang mga materials na ganito. Hindi

na ito magiging dagdag pa sa mga basurang kailangang itapon at magagamit ng iba upang maging

kapaki-pakinabang na bagay. Nakatulong ka na sa kalikasan, nakatulong ka pa sa mga mahihirap na

kababayan.

Pangatlo, ibalot ng maayos ang mga ido-donate at gawing presentable ang mga ito kapag dadalhin na

sa taong pagbibigyan. Sabihin na ang mga damit na ito ay bigay lamang upang mapakinabangan nila.

Laging isaisip na ang mga gamit na iyo sanang itatapon at itinuturing na basura ay laging maaaring i-

recycle upang mapakinabangan ng ibang tao. Maiiwasan natin na dumami ang mga basura sa ating

kapaligiran kung lagi nating isasaisip ang reuse, reduce at recycle na panuntunan sa buhay.

Page 17: Sanaysay

Sanaysay Tungkol sa Wika

Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.

Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.

Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika.

Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intension, ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.

Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon.