Script Sa Programa Ng Socsci

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Para sa mga emcee sa programa ng mga SocSci Major noong Nobyembre

Citation preview

Magandang umaga sa ating lahat.Narito tayo ngayon upang ipagdiwang ang ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ng Utak ng Katipunan na walang iba kundi si Gat Andres Bonifacio. Alam po naming Disyembre na po ngayon at huli na kung tutuusin ang pagdiriwang na ito subalit may kasabihan po tayo, na huli man daw at magaling, ipagdiriwang pa rin araw ng kapanganakan ni Andres Bonifaciong Magiting.Sa pagsisimula ng ating programa, inaanyayahan namin ang lahat na tumayo para sa isang panalangin na pangungunahan ni Bb. Regine Molina. At manatiling nakatayo para sa Pambansang Awit na pangungunahan naman ni G. Jabar Casisiempre. Para sa pambungad na pananalita, ihahandog sa atin ni Ruby Ann Gali ang bisyon, misyon, layunin ng unibersidad at Kolehiyo ng Edukasyon.Alam naming nais ninyong makasaksi ng isang pampasiglang bilang. Hindi na po namin patatagalin narito po ang mga mag-aaral ng ikatlong taon para kayo ay handugan ng _______________. Bigyan po natin sila ng masigabong palakpakan.Pauna pa lamang po ito sa aming inihanda para sa programang ito. Mas makikilala pa po ninyo si Andres Bonifacio sa mga sumusunod na bahagi pa ng ating programa.Ngayon naman ay ating pakinggan ang mensahe ng puno ng BSE na si Dr. Antonio V. Calicdan, na susundan ni Dr. Adelina D. Ancheta, dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon.Marami pong salamat sa inyo pong mensahe. Tunay na magsisilbi po itong inspirasyon. (MAGBANGGIT PA NG TUNGKOL SA MENSAHE)Tayo naman po ay aaliwin ng mga nagmemedyor sa Araling Panlipunan sa ikalawang taon para sa kanilang pampasiglang bilang. Palakpakan po natin sila.Itutuloy po natin ang programa pagkatapos po ng ilang minutong break para mapakinggan ang mga lektyur.____________________PAGKATAPOS NG BREAK_______________________Handa na po ba tayong makilala ang Utak ng Katipunan? Ito po ang tamang pagkakataon para sa atin upang iwaglit ang dati nating nalalaman sa kanya at muli nating buksan ang ating isip sa kung ano pa ang mga dapat nating malaman patungkol sa kanya. Dahil naniniwala ako/kami na kung anoman angnaituro sa atin noong tayo ay nasa elementarya at sekundarya ay paimbabaw lamang. Kaya hindi na po naming patatagalin pa, heto na po si G. Albert Caoile sa kanyang lektyur na pinamagatang UNDRESS BOIFACIO_____________MAGBIGAY NG OPINYON SA GINAWANG LEKTYUR____________