8
SEKTOR NG PANANALAPI Thursday Group

Sektor ng pananalapi

Embed Size (px)

Citation preview

SEKTOR NG PANANALAPI

Thursday Group

BANGKO

DI BANGKO SALAPI

MAMAMAYANPAMAHALAAN

A. Patakarang Pananalapi

• Ito ay may kinalaman sa pamamahala o pagmamanipula ng suplay ng salapi sa ekonomiya upang patatagin ang halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa at siguruhin na magiging matatag ang buong ekonomiya.

• Patakaran sa pananalapi – ay maipapatupad sa sandaling magkaroon ng disekwilibriyo sa ekonomiya bunga ng kakulangan sa puhunan.

• Institusiyong pinansyal ang may malaking pananagutan sa pagpapatupad ng patakaran sa pananalapi sa pangunguna ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

B. Institusyon ng Pananalapi

• Ito ang pangunahing institusyon na inaasahan ng pamahalaan na mamamahala sa paglikha, pagsu-supply, pagsasalin-salin ng salapi sa ating ekonomiya.

• Bangko – ay isang uri ng institusyong pampananalapi na tumatanggap at lumilikom na labis na salapi na iniimpok ng tao at pamahalaan.

• Ito ang nagsisilbing tagapamagitan sa mga taong may labis na salapi at mga negosyanteng namumuhunan sa bansa.

Mga Uri ng Bangko

1. Bangko ng pagtitipid (Thrift Bank) – ito ay tinatawag din sa savings bank na humihikayat sa mga tao na magtipid at mag-impok ng ilang bahagi ng kanilang kita. – Savings and Loan Association – nagpapahiram ng salapi at

tumatanggap ng impok na pare ng mga kasapi nito – Private Development Bank – tumatanggap ng deposito ng mga

mamamayan na nagagamit sa pagpaphiram ng mga puhunan sa mga small ang medium scale industries.

– Savings and Mortage Bank – humihikayat din sa tao na mag-impok at tumanggap ng sanla ng publiko bilang prenda sa pangungutang ng puhunan.

2. Bangkong Komersyal (Commercial Bank) – Ito ang bangko na nikikipag-ugnay sa mga nag-iimpok at mga negosyante at kapitalista.

3. Bangkong Rural (Rural Bank) – mga bangko na ngalalayong tulungan ang mga magsasaka upang magkaroon ng puhunan.

4. Trust Companies – bangko na nangangalaga sa mga ari-arian at kayamanan ng mga tao na walang kakayahang pangalagaan ang kanilang ari-arian lalo na ng mga bata. Inaasikaso din ng bangkong ang mag pondo at ari-arian ng simbahan at mga charitable institutions.

5. Mga Espesyal na Bangko

– Land Bank of the Philippines – itaguyod ang pagpaptupad ng reporma sa lupa. May kinalaman ito sa pagsasaayos ng pondo ng pamahalaan ukol sa reporma sa lupa.

– Development Bank of the Philippines (DBP) – ito ang nagbibigay tulong pinansyal sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto na magpapaunlad ng pangunahing sektor ng ekonomya, ang agrikultura at industriya.

Mga Institusyong Di-Bangko

1. Pag-IBIG Fund – Pagtutulungan sa kinabukasan – Ikaw, Bangko at Gobyerno ay itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito na magkaroon ng sariling bahay.

2. Government Service Insurance System (GSIS) – Namamahala sa pagkakaloob ng tulong sa mga manggagawa ng pamahalaan.

3. Social Security System (SSS) – ang mga manggagawa sa pribadong sektor ay may SSS. Ito ang nagkakaloob ng seguro sa mga manggagawa sa mga pribadong industriya at kompanya.