Upload
others
View
5
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
University of the Philippines, Manila
College of Arts and Sciences
Department of Social Sciences
Si Diego Man Ay Api Rin
Pagtalakay sa Mga Sanhi ng Pang-aaping Dinaranas ng mga Lalaking
Biktima ng Abuso
Hinugot sa research report na pinamagatang
“Si Diego sa Mundo ng mga Gabriela:
Ang Lalaki, Peminismo at Gender-Based Violence Laws sa Pilipinas”
Ang Seminar Paper na ito ay ipinasa ni:
MICHELLE P. CRUZ
2011-33781
BA Political Science
Hunyo 10, 2015
Ipinasa kay:
PROF. FATIMA ALVAREZ–CASTILLO
Tagapayo
PS 198 (WEG1)
1 | C R U Z
Talaan ng Nilalaman
KABANATA 1
Panimula………………………………………………………….................................. 2
Mga Katanungan ng Pananaliksik……………………………………………………... 3
KABANATA 2
Balangkas ng Pag-analisa…............................................................................................ 4
KABANATA 3
Pamamaraan ng Pagsasaliksik……………………………….……..………………….. 7
Mga Pang-Etikang Pagsasaalang-alang sa Pananaliksik……………………………… 11
KABANATA 4
Mga Resulta at Diskusyon……………………………………….……….……………. 13
KABANATA 5
Konklusyon………………………………………...………………………………….. 18
Sanggunian…………………………………………………………………………………….. 19
Mga Kalakip…………………………………………………………………………………… 19
2 | C R U Z
Kabanata 1
PANIMULA
Pasa. Sugat. Mga mapupulang lantay ng mabibigat na kamay sa katawang pagal.
Isang larawan ng lalaking inabuso ng kanyang asawang babae ang tatambad sa iyong mga
mata. Ano ang iyong inisyal na reaksyon? Pagtataka? Masasabi mong hindi ito normal, lalo na sa
lipunang ito kung saan ang lalaki ang natural na malakas. Kakatwa? Paano nga naman
malalamangan ng babae ang lalaki, lalo na sa pagdating sa karahasan?
Taong 2014 nang pormal na tumindig ang men's rights group na Diego Silang movement
upang ipaglaban ang karapatan ng mga lalaking biktima ng abuso sa harap ng publiko, sa midya
at sa kani-kanilang mga pamilya.1 Ani nila, hindi sapat ang proteksyon na ibinibigay ng mga
kasalukuyang batas para sa mga katulad nilang lalaking biktima ng abuso kumpara sa mga babaeng
biktima. Bukod rito, binatikos rin ng grupo ang kawalan ng lugar para sa mga lalaking biktima ng
abuso sa R.A. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.
Ang isyu ng karahasan sa kababaihan sa Pilipinas ay maugong taong 1980’s pa lamang.2
Tugon nila? Mga batas na may mahihigpit na probisyon upang wakasan ito. Bagamat inabot ng
ilang dekada upang maisabatas, isa itong hudyat ng tagumpay ng kilusang peminismo laban sa
patriyarkal na kalakaran sa lipunang Pilipino.
Ngunit sa paglitaw ng mga lalaking biktima ng abuso, ano ang hinuhudyat nito hinggil sa
ugnayan ng mga kasarian ng Pilipinas?
Sa pagkakataong ito, nais lamang linawin ng mananaliksik na hindi nito balak suriin kung
tama ba ang posisyon ng grupo hinggil sa batas na itinatampok. Hindi rin nito balak himayin at
kwestyunin ang nilalaman ng R.A. 9262. Mas lalong hindi rin nito nais na gumawa ng dibisyon sa
mga kasarian, o maghain ng eksklusyon sa isang kasarian at paburan naman ang isa.
Buong-pag-unawa rin namang kinikilala ng mananaliksik ang pagkakaroon ng iba pang
mga kasarian sa kasalukuyang lipunan, ngunit lilimitahan lamang nito ang diskusyon sa pagitan
ng lalaki at babae.
1 Basahin ang storya rito: Takumi, R. Male domestic abuse victims unprotected by current laws – men's rights
group, 2014, nakuha mula sa: http://www.gmanetwork.com/news/story/388894/news/nation/male-domestic-abuse-
victims-unprotected-by-current-laws-men-s-rights-group 2 Bernabe, G., A Deeper Look at Violence Against Women (VAW): The Philippine Case, 2005, p. 1.
3 | C R U Z
Sa pangkalahatan, ang pangunahing layunin ng papel na ito ay talakayin kung ano ang mga
posibleng sanhi ng pang-aaping natatanggap ng mga lalaking biktima ng abuso sa ating lipunan.
MGA KATANUNGAN SA PANANALIKSIK
Mula sa naunang pag-aaral (research report), ang pangkalahatang tanong ay: Ano ang
katayuan ng Diego Silang Movement (DSM), isang men's rights group sa Pilipinas, sa mga
ipinatutupad na gender-based violence laws (partikular na ang RA 9262) sa Pilipinas na
maituturing na isang malaking hakbang para sa kilusang peminismo sa bansa?
Sa kabilang banda, nais naman pagtuunan ng pansin ng seminar paper na ito ang isang
partikular at interesanteng bahagi ng nasabing pag-aaral na pumapatungkol sa mga isinisiwalat ng
mga salaysay ng mga lalaking biktima ng abusing kabilang sa DSM. Dahil dito, ang
pangkalahatang tanong ay: Ano ang mga sanhi ng pang-aaping nararanasan ng mga lalaking
biktima ng abuso?
Ilang mga tiyak na tanong nito ay ang mga sumusunod:
A. Ano ang katangian ng mga ito?
B. Ano ang ugnayan ng mga sanhing ito?
C. Paano ito nakakaambag sa pang-aapi ng mga lalaking biktima ng abuso?
Upang masagutan ito, mahalagang balikan at suriin ang mga tugon sa mga katanungang bilang
2, 3, 4 mula sa naunang pag-aaral:
2. Ano ang mga paniniwala ng grupo kaugnay ng kasarian (babae at lalaki) sa
kasalukuyang lipunan?
a. Ano para sa mga kasapi ang papel ng babae at lalaki sa lipunan?
b. Paano nagkakaugnay ang mga kasariang nabanggit?
3. Ano ang mga paniniwala ng grupo kaugnay ng peminismong umiiral sa Pilipinas?
a. Ano ang kanilang depinisyon ng peminismo?
b. Paano nila inilalarawan ang peminismong umiiral sa bansa?
c. Saan sila nakatayo pagdating sa usaping peminismo sa bansa?
4. Ano ang kanilang pagkakaunawa at katayuan hinggil sa pananakit o violence at sa
tinatawag na gender-based violence?
4 | C R U Z
Kabanata 2
BALANGKAS NG PAG-ANALISA
Malaki ang kaugnayan ng pagtugon ng isang indibidwal o grupo sa mga batas na
tumatalakay at naglalayong baguhin ang ugnayan ng mga kasarian sa kung ano ang katayuan niya
sa lipunang kanyang ginagalawan. Mahalagang tuntunin kung saan nanggagaling ang kanilang
mga pananaw sa mga partikular na isyu bilang resulta ng kinagisnan nilang mga kaugalian. Ito ang
tinutukoy ng standpoint theory.3 Inilalahad ng nasabing teorya ang kahalagahan ng ugnayan ng
mga elementong bumubuo sa pagkatao ng isang indibidwal tulad ng uring sosyo-ekononomiko at
kasarian sa pag-impluwensya ng mga sirkumstansyang kanyang maaaring maranasan, lalo na ang
mga iba't-ibang posisyon sa lipunan at mga anyo ng karanasan na idinudulot ng mga ito.
Dagdag pa rito, ang partikular na "standpoint" kung saan naka-posisyon ang indibidwal
ang siyang magdidikta sa kung ano ang lawak ng kanyang kaalaman, ano ang nararamdaman niya
ukol rito, at kung paano niya mauunawaan ang mga pangyayari sa kanyang lipunan. Gayunpaman,
kailangan ring bigyang pagkilala hindi lamang isang "standpoint" ang pwedeng saklawin ng isang
indibidwal. Ang mga standpoints na ito ay maaaring magkrus at mag-"interact" sa isa't-isa. Ito ay
pinatunayan pa ni Craig Calhoun na nagsabing wala ni isang indibidwal ang nabibilang sa iisa
lamang na kategorya.4
Kaugnay ng unang teoryang nabanggit, mainam na matukoy sa puntong ito ang katangiang
taglay ng lipunang Pilipino, ang mas malawak na kontekstong ginagalawan ng isang indibidwal.
Ang lipunan natin ay pinapaikot ng hirerkiya ng mga kasarian, kung saan nasa taas ang lalaki, at
nasa baba ang babae. Ang "machismo" culture, isang termino na naglalarawan ng pagdomina ng
mga lalaki sa mga babae sa isang lipunan, ay isang paniniwalang dinala at pinalaganap ng mga
Kastila sa kanilang pagsakop sa Pilipinas ilang dantaon na rin ang nagdaan.5 Ang lipunang
napapaloob sa ganitong kultura ay nagdidikta sa mga kalalakihan ng mga pag-uugali at/o asal na
dapat nilang isabuhay upang maging at maramdaman nila na sila ay ganap na lalaki.6 Ang mga
lalaki, sa ganitong kultura, ay inaasahang maging malakas, inaasahang punan ang materyal na
pangangailangan ng pamilya, itaguyod ang mga nararapat na papel ng babae at lalaki. Dahil sa
huling nabanggit, naiuugnay ang pagkakaroon ng ganitong kultura sa hindi pantay na pagtingin sa
3 Collins, 1986; at Harding, 1991, binanggit ni Wood, J., Gendered Lives: Communication, Gender and Culture,
1999. 4 Calhoun, C. 1995, binanggit ni Wood, J. 5 Nadal, K., Filipino American Psychology: A Handbook of Theory, Research, and Clinical Practice, 2011. 6 Welsh, 2001, binanggit ni Cabrera, P., Intersecting Violences: A Review of Feminist Theories and Debates on
Violence against Women and Poverty in Latin America, 2010.
5 | C R U Z
babae at lalaki sa lipunan at ang pagtanggap ng mga kaugaliang sexist o mapang-api sa isang
kasarian (lalo na sa mga kababaihan).7 Isa na rito ay ang karahasan sa kababaihan.8
Ang machismo culture na ito ay maiuugnay sa isa pang mas malawak na konseptong binuo
ni Connell -- ang gender hierarchy.9 Inilalatag nito ang herarkiya o sistemang laganap sa pagitan
ng lalaki at babae. Bahagi ang nabanggit ng mas malawak na konsepto ng "hegemonic masculinity"
o ang mga anyo ng mga kaugalian (hindi lamang mga "set of role expectations", o kaya naman ay
identitad) na nagpapahintulot sa patuloy na paghahari ng lalaki sa mga babae.
Ang tinutukoy niyang hegemonic masculinity ay para lang sa mga iilan o minoridad ng
mga kalalakihan, ngunit ito ay normative o nagiging pamantayan - ito ang naglalatag sa pundasyon
na sa lipunan, ang lalaki ay dapat ikarangal liban sa lahat. Ito rin ang nagdidikta na ang lalaki ang
sentro at lahat ng iba pang kasarian ay ipoposisyon sa mga gilid nito. Gaya ng orihinal na konsepto
ng hegemony, ito ay sentro, at ang kanyang layunin ay ipalaganap sa ligiran nito ang kanyang
kapangyarihan. Gayunpaman, ang konsepto ng hegemony na tinutukoy rito ay sa pamamagitan ng
ascendancy o kontrol ng mga kalalakihan sa mga kababaihan gamit ang kultura, mga institusyon,
at mga perswasyon, hindi lamang sa porma ng karahasan o violence (bagamat ang hegemony na
tinatalakay ay maaari ring gamitan ng pwersa). Ang mga ito ang nagpapatibay sa tinatawag na
"patriarchal gender order" o ang sistemang patriyarkal ng mga kasarian.
Gayunpaman, mahalaga ring matunton na hindi lamang nakapako sa iisang sentro – sa
hegemonic masculinity – ang ugnayan ng babae at lalaki, maski sa mismong mga hanay ng
kalalakihan. Ayon kay Connell, ang pamamaraan kung paano isinasabuhay at kinakatawan ng
isang lalaki ang iba’t-ibang kumpirigasyon ng masculinity ay nakadepende sa kanyang posisyon
sa panlipunang herarkiya ng kapangyarihan.10 Nasa tuktok ng herarkiyang ito ang mga lalaking
kabilang sa hegemonic masculinity. Mayroon ring mga nasa ligiran nito, na binubuo ng kalakhan
ng bilang ng mga kalalakihan. Maaari silang mabilang sa hanay ng mga nasa subordinated
masculinity,11 isang porma ng masculinity kung saan ang lalaki ay naaapi dahil sa mga
pamantayang itinatakda ng naunang klase ng masculinity. . Sa makatuwid, ang hindi pagtalima sa
mga pamantayang ito ay maaaring magdulot ng pang-aapi at mababang pagtingin sa mga
kalalakihang ito.
Sa kasalukuyang panahon, maaari pa ring makikita ang "macho" na pag-uugali ng mga
lalaki kahit na hindi ito nagdudulot ng pang-aapi sa mga babae. Sa ganitong paraan, maaaring
7 Nadal, 2011. 8 Tingnan ang reperensya 8. 9 Connell, R. 1987, binanggit ni Connell, R. & Messerschmidt, J., Hegemonic Masculinity: Rethinking the Concept,
2005. 10 Connell, 2005, binanggit ni Pascoe, C.J. Dude you’re a Fag: Masculinity and Sexuality in High School, With a
New Preface, University of the California Press, Ltd., 2011, p. 7. 11 Ibid.
6 | C R U Z
piliin ng lalaki na manatiling macho, malakas o mapagmalaki pagdating sa paghingi ng tulong o
saklolo.12
Sa kabilang banda, ang nasabing machismo culture ay maaaring magdulot ng mga
negatibong implikasyon. Ang pagsasabuhay ng mga katangian, kaugalian at papel upang maging
isang tunay na lalaki ay naging kritikal na sa buhay ng isang lalaking nabibilang sa isang kulturang
macho tulad ng sa atin. Ang lalaking ito ay makararanas ng pang-aapi sa ilalim ng konsepto ng
subordinated masculinity na nabanggit na sa naunang mga talata. Kung gayon man ang sitwasyon,
ang hindi pagsunod sa nasabing kultura ay maaaring magdulot ng "stigma" sa bahagi ng mga
kalalakihan. Sa kontekstong ito, ang stigma, na tumutukoy sa isang katangiang taglay ng isang
indibdwal na nagsasanhi ng malawakang "social disapproval" o hindi pagsang-ayon mula sa
lipunan,13 ay maaaring ituring bilang isang structural stigma. Isinasaad ng stigma na ito ang paggiit
ng mga ideolohiya at mga institusyon sa loob ng isang lipunan14 upang ipagpatuloy at palaganapin
ang mga hindi pagkakapantay-pantay, sanhi ng isang hegemony ng kapangyarihan sa iba't-ibang
dimensyon ng lipunan - sosyo-kultural, ekonomikal, at pulitikal.15
Mahalagang tanawin sa pamamagitan ng mga lenteng ito ang dahilan kung bakit napiling
tugunan ng mga kalalakihan, lalo ng mga miyembro ng Diego Silang movement, ang batas na RA
9262. Bagamat may mabuting pagnanais ang mga taong responsable sa pagsasabatas ng Anti-
VAWC Act, at ito ay maisakatuparan ang gender justice sa Pilipinas, hindi ito nakikita sa ganoong
paraan ng mga lalaki dahil sa kanilang mga sariling karanasan at posisyon sa lipunan. Maaaring
ang macho culture kung saan sila nakapaloob ang nagtutulak sa kanila upang batikusin ang
nasabing batas na may katangiang "gender-specific”.16 Buhat rito ay lumilitaw ang isang
manipestasyon ng structural stigma na nararanasan ng mga lalaking nakararanas rin ng pananakit
mula sa mga babaeng ka-relasyon. Sa puntong ito, makabuluhang suriin kung ano ang standpoint
ng isang lalaki sa anyo ng kultura ng lipunang kanyang ginagalawan (machismo culture) at sa
maaaring maging epekto nito sa kanya (structural stigma) upang maunawaan kung ano ng aba ang
tunay na sanhi ng nasabing pang-aapi sa lalaking biktima ng abuso.
12 Tingnan ang reperensya 7. 13 Bos, A.E.R., Pryor, J.B., Reeder, G.D. & Stutterheim, S.E., Stigma: Advances in theory and research. Basic and
Applied Social Psychology, 2013, p. 3. 14 Corrigan & Lam, 2007, binanggit ni Bos et. al. 15 Campbell & Deacon, 2006; Link & Phelan, 2001; Parker & Aggleton, 2003; Scambler & Paoli, 2008, lahat ay
binanggit ni Bos et al. 16 Guanzon, p. 4.
7 | C R U Z
Kabanata 3
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Disensyo ng Pananaliksik
Sa bahaging ito ay ilalantad ng mananaliksik ang mga datos na kinakailangan at mga
paraan ng pagkuha nito upang mailahad kung ano ang katayuan ng mga kasapi ng Diego Silang
movement sa mga gender-based violence laws, partikular na ang R.A. 9262. Upang
maisakatuparan ang layuning ito, gagamit ang mananaliksik ng kwaliteytib na pamamaraan ng
pananaliksik.
Napili ng mananaliksik na magsagawa ng case study. Ang case, bagamat nananatiling
isang paksa ng pagtatalo, ay maaaring isang bagay o proseso na maaaring maging teoretikal,
empirikal, o pareho.17 Ngunit ayon pa kay Johansson, ang case ay isang penomena na espisiko sa
isang panahon at lugar. Bagamat kadalasang tumutumbok lamang sa isang kaso ang isang case
study, kadalasan nitong isinaalang-alang ang konteksto kung saan ito nangyayari. Dahil dito, ang
case study ay itinuturing na "explicative"18 sapagkat nasasakop nito ang iba't-ibang mga variables
o kumpunente ng nasabing konteksto ng kaso. Ang mga case study ay maaaring piliin sa
pamamagitan ng purposeful o analytical selection ng case. Ito ay kung ang case ay "information-
rich, critical, revelatory, unique, or extreme."19
Ang paggamit ng case study sa pag-aaral na ito ay mahalaga upang tuntunin ang isang
unique na kaso ng pagkakaroon ng men's rights group sa Pilipinas, lalo na ang kanilang pagtugon
sa mga batas na tumatalakay sa gender-based violence. Higit pa rito, ang pagsasaalang-alang sa
konteksto, na siyang umaayon sa ating balangkas ng pag-analisa (ang standpoint theory) ay
mahalaga upang malaman ang mga pinagmumulan ng kanilang mga pananaw sa mga partikular
na isyu. Ito ay pinagtitibay pa ng paraan ng interpretative social science20 kung saan masusuri
kung ano ang personal na pag-unawa o pag-intindi ng mga miyembro ng Diego Silang movement
ayon sa kanilang mga karanasan at pagkilos nila, kung saan ang kontekstong kinapalolooban nila
ay kritikal. Ang pagbibigay nila ng kahulugan sa mga termino ng peminismo, pananakit/karahasan,
at ang kanilang pagtanaw sa RA 9262 ay nakasandig dito.
Koleksyon ng Datos
17 Ragin & Becker, 1992: na binanggit ni Johansson, R. Case Study Methodology, 2003, p. 2. 18 Johansson, p. 5. 19 Stake 1995, Patton 1990: na binanggit ni Johansson, p. 8 20 Ulin, P., Qualitative Methods: A Field Guide for Applied Research in Sexual and Reproductive Health. Family
Health International: Northwestern University, 2002.
8 | C R U Z
Napili ng mananaliksik ang Diego Silang movement, isang men’s rights groups dito sa
Pilipinas, bilang case study nito. Bunga ito ng pangunguna ng nasabing grupo sa pagtindig para sa
karapatan ng mga kalalakihan, at sa katotohanang wala ni isa pang organisadong pangkat sa bansa
ang lumabas at tahasang nagpahayag sa publiko ng kanilang mga opinyon sa isyu ng karahasan,
sa kabila ng kawalan nila ng pormal na organisasyon bilang isang kilusan (na tatalakayin sa
susunod na bahagi ng kabanatang ito). Sa mga nasabing kadahilanan ay naging interesado ang
manunuri na pag-aralan ang posibleng penomeno ng karahasan sa kalalakihang hindi madalas
napag-uusapan, pati ang opinyon ng mga nasabing kasapi ng grupo sa isyu ng peminismo at ang
mga batas na nagsasabuhay nito.
Mga Kinakailangang Datos
Mula sa mga datos na nakalap mula sa naunang pag-aaral, mahalaga ang papel ng mga
sumusunod na sets upang sagutin ang mga katanungan sa pag-aaral na ito:
SET A - Sosyo-demograpikong propayl
SET C - Mga paniniwala tungkol sa kasarian. Layunin ng bahaging itong malaman kung ano
ang paniniwala ng mga miyembrong katugon hinggil sa mga papel na ginagampanan ng babae at
lalaki at ang ugnayan ng dalawa sa lipunan. Titingnan ito sa dalawang paraan: sa nakikita nilang
kasalukuyang papel at ugnayan, at sa nakikita nilang dapat maging papel at ugnayan.
SET D - Mga paniniwala kaugnay ng peminismo. Nais naman ng bahaging itong maliwanagan
ang mananaliksik tungkol sa paniniwala ng mga miyembrong katugon kaugnay ng peminismo sa
bansa. Ilan sa mga puntong gustong bigyang kasagutan ng bahaging ito ay kung ano ang kanilang
depinisyon ng peminismo, anong mga alam nila sa peminismo ang kanilang pinaniniwalaan o hindi
pinaniniwalaan, at higit sa lahat ay kung paano sila naapektuhan ng peminismo.
SET E- Mga paniniwala sa isyu ng gender-based violence. Sa bahaging ito ay ilalahad ang mga
tugon ng mga kasapi ng DSM tungkol sa usapin ng pananakit o violence sa pagitan ng dalawang
taong magkarelasyon (sa lagay na ito, ang babae at lalaki). Dahil sa naturang dalawang katangian
ng mga miyembro, isang set ang laan para sa mga lalaking biktima ng abuso, at isa naman ang laan
para sa mga nakapanakit ng kanilang mga partner (na makakategorya rin sa father's rights
advocates). Ang dalawang kategoryang nabanggit ay mas palalawigin pa sa susunod na kabanata.
Isiniwalat nito ang ilan sa mga isyu tungkol sa ginawang pagresponde sa mga nangyaring
pananakit at ano ang reaksyon ng mga taong malapit sa kanila, ano ang idinulot nito sa kanila, at
ano ang mga paniniwala tungkol sa ugat ng pananakit o violence sa pagitan ng mga magkarelasyon.
SET G – Background information sa Diego Silang Movement. Tutukuyin sa bahaging ito ang
mga simula, mga tala ng miyembro, at ilan pang mga mahahalagang background information sa
naturang grupo.
9 | C R U Z
SET H – Rekomendasyon, suhestyon hinggil sa laban ng Diego Silang movement. Ang
bahaging ito ang maglalahad ng mga opinyon sa legal na laban ng DSM. Susuriin nito kung ano
ang impact ng kanilang ipinaglalaban at ano ang mga posibleng outcomes o resulta ng pagbatikos
ng grupo sa RA 9262.
Pagmumulan ng Datos
Para sa sets C, D, at E, ang mga kasapi ng Diego Silang Movement ang pagkukunan ng
nasabing datos. Ang set G naman ay laan para sa co-founder, tagapagsalita at miyembro rin ng
DSM na si Rom Factolerin, isang manunulat, artist at filmmaker. Ang huling set naman ay para sa
family lawyer na may karanasan sa pag-hahandle ng kaso ng parehas kababaihan at kalalakihan,
lalo na ang naapektuhan ng RA 9262. Ang napili ng mananaliksik upang sagutan ito ay si Atty.
Sheila Bazar. Ang Set A naman ay pasasagutan sa lahat ng mga taong nabanggit.
Pamamaraan ng Pagkuha ng Datos
Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito, ang panayam ang pinakamabisang paraan
upang mangalap ng datos na kinakailangan sa pagsagot sa mga katanungan ng pananaliksik.
Dalawang uri ng pakikipagpanayam ang isasagawa sa pagkuha ng mga pangunahing datos: ang
in-depth interview at ang key-informant interview.
Ang in-depth interview ay naglalayon na unawain ang mga “lived experiences” ng isang
indibdwal.21 Sa ganitong paraan, ang mananaliksik ay interesado sa pagkuha ng sabjektib na pag-
unawa ng indibidwal na nahaharap sa isang partikular na sitwasyon o sirkumstansya. Higit pa rito,
ang pangunahing oryentasyon ng ganitong tipo ng pakikipagpanayam ay sa pagtalakay ng mga
isyu. Sa madaling salita, ang mananaliksik ay naglalayong makipagpanayam upang siyasatin ang
isang tiyak na paksa at kumuha ng tiyak na impormasyon sa nasabing paksa mula sa mga
kakapanayamin. Ang paraang ito ay gagamitin para sa mga kasapi ng Diego Silang movement.
Sa isang banda naman, ang key informant interview (KII) ay isang paraan ng
pakikipagpanayam sa mga taong may malaki at substansyal na kaalaman ukol sa isang partikular
na paksa.22 Dagdag pa rito, ilan sa mga layunin ng KII na angkop sa pag-aaral na ito ay ang
pangangailangan na maunawaan ang mga batayang motibasyon at mga pananaw ng isang target
na populasyon, at ang pangangailangan na maliwanagan sa mga parameters ng pag-aaral (o ang
pagsasagawa ng tinatawag na preliminary study). Ang mga layuning ito ay maisasabuhay sa
pakikipagpanayam sa isa sa mga founders ng Diego Silang movement na si Rom Factolerin. Sa
kabilang banda naman, isa ring layuning binanggit ay ang pagkuha ng rekomendasyon o suhestyon
21 Hesse-Biber & Leavy. The Practice of Qualitative Interviewing, Sage Publications, Inc., 2006, p. 11. 22 Kumar, K., Conducting Key Informant Interviews In Developing Countries, Agency for International
Development, 1989, p. 1.
10 | C R U Z
kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Sa linyang ito ay hiningi ng mananaliksik ang mga pananaw
ng isang family law lawyer na si Atty. Sheila Bazar.
Talahanayan 1: Paglalagom ng Isinagawang Koleksyon ng Pangunahing Datos
KINAKAILANGANG
DATOS
PAGMUMULAN NG DATOS PAMAMARAAN NG
PAGKUHA NG DATOS
1. SETS C, D, at E Mga kasapi ng Diego Silang movement
(DSM
Rom Factolerin, co-founder,
tagapagsalita at miyembro ng DSM
Ginamit na sampling: purposive sampling, na
naglao’y naging accidental sampling
In-depth interview
2. SET G Rom Factolerin, co-founder, tagapagsalita at
miyembro ng DSM
Key informant interview
3. SET H Atty. Sheila Bazar, family law lawyer Key Informant interview
Sa pagpili ng mga kakapanayamin para sa mga in-depth interview, ang inisyal na plano ay
gumamit ng purposive sampling, yaman lamang at nakapanayam na ng mananaliksik ang founder
nito na siya nitong magiging gatekeeper sa grupo.
Gayunpaman, napatunayan ng mananaliksik na walang pormal na organisasyon ang Diego
Silang Movement. Sa pakikipagpanayam sa nasabing founder, walang pormal na listahan ng mga
miyembro ang DSM. Ang tantyang higit limampung (50+) bilang ng mga miyembro ay halaw sa
halos 869 likes sa Facebook page ng DSM, na siya na ring mismong “meeting place” ng mga
miyembro nito. Ang nasabing bilang ay nakabatay sa kalat-kalat na pakikipagpanayam sa mga
miyembrong nagla-like at nagco-comment sa mga posts at nagpapadala ng mga personal messages
(PM) sa mga founders nito sa Facebook page ng DSM.
Dahil rito, isang hamon para sa mananaliksik ang paghahanap ng mga makakapanayam.
Sa kadahilanang walang pormal na na listahan ng mga kasapi ang mga founders nito, ang purposive
sampling na binalak ng mananaliksik sa simula ay naging accidental sampling. Bunga ito ng bilin
ng founder na magpadala na lamang ang mananaliksik ng isa-isang mensahe sa mga miyembrong
nakita nitong aktibong nagco-comment at nagla-like sa nasabing Facebook page, at tingnan kung
sino ang mga willing na tumugon.
Sa kurso ng paghikayat na makipagpanayam sa manaliliksik ang mga kasapi, sa kabuuan,
umabot sa apat (4) lamang ang willing o handang tumugon.
11 | C R U Z
Liban rito, walang may nais gawin ang panayam sa personal dahil sa iba’t-ibang
kadahilanang kanilang inilahad sa mananaliksik (may trabaho, nakatira sa malayong lugar, bantay
sa bahay, atbp). Dahil dito, lahat ng mga nakalap na impormasyon ay batay sa mga online chats o
pakikipag-usap sa pamamagitan ng internet.
Bagamat ganito ang naging sitwasyon pagdating sa koleksyon ng datos, hindi ito
nakaapekto sa kredibilidad ng isinagawang pag-aaral. Ito ay dahil ang pangunahin namang interes
ng mananaliksik at ng pag-aaral na ito na usisain kung ano nga ba ang paniniwala ng mga kasapi
ng nasabing kilusan na tumindig at piniling humarap sa publiko at kung bakit ganito ang pagtanaw
nila pagdating sa usapin ng karahasan at batas.
Pag-aanalisa ng Datos
Sa pagtatapos ng pagkolekta ng mga datos, ang pagsusuri sa mga ito ay mahalaga upang
masagutan ang mga tanong sa pag-aaral na ito. Ang mga datos na nakalap mula sa mga in-depth
interviews ay isinaayos, at pagkatapos ay ipinroseso gamit ang individual coding upang
sistematikong masuri ang bawat isa. Para sa pagkukumpara ng mga ito, isinailalim naman ang mga
coded na impormasyon sa cross-case analysis kung saan matutukoy ang pagkakapare-pareho at
pagkakaiba ng pananaw ng mga kasapi ng DSM. Matapos nito, mahalagang ihambing rin ang mga
ito sa impormasyong makakalap sa coded na key informant interview mula sa founder ng DSM.
Mahalaga rin ang papel ng mga opinyon ng family lawyer na ating nakapanayam upang
malaman ang kanyang mga rekomendasyon at suhestyon sa labang inilunsad ng DSM, lalo na sa
legal na aspeto ng batas na tinutugunan nito. Dagdag pa rito, ang muling pagbalik-tanaw sa mga
literaturang narepaso ay may mahalagang papel sa proseso ng pagsusuring sa mga datos na ito.
Higit sa lahat, ang balangkas sa pag-aanalisa na ipinaliwanag na sa naunang kabanata ay
magsisilbing giya para sa interpretasyon ng mga datos na ito.
MGA PANG-ETIKANG PAGSASAALANG-ALANG SA PANANALIKSIK
Bagamat ang pangunahing isyung tinatalakay ng pag-aaral na ito ay ang katayuan ng isang
kilusang pangkalalakihan sa isang tiyak na batas, hindi maikakaila na ang batas na ito ay may
sensitibong kumpunente – ang isyu ng karahasan. Ang karahasan ay tunay na isang maselang
paksa. Ito ay isinaalang-alang ng mananaliksik sa proseso ng pagpili ng mga pamamaraan ng
pangangalap ng datos at sa pagpili ng mga katugon na makikilahok sa pag-aaral. Dahil dito, ang
pagsiguro ng kaligtasan ng mga taong nakapanayam ay kritikal. Ang anonymity patungkol sa
identidad ng mga kalahok at confidentiality ng mga impormasyon ay tiniyak ng mananaliksik sa
mga kalahok bago simulan ang pagkalap ng datos. Isa na rito ay ang pagbibigay ng opsyon na
gumamit ng codename bilang kapalit ng tunay na pangalan ng mga nakapanayam.
Bago isinagawa ang mga interbyu, nagkaroon na ng paunang panayam sa founder ng grupo
na si Rom Factolerin. Siya ang nagbigay-pahintulot sa akin na magpadala ng mga liham ng
paanyaya sa mga kasapi nito, at nagpahayag ng suporta (gamit ang account ng DSM) sa
12 | C R U Z
pamamagitan ng pag-comment sa aking pampublikong Facebook post na sumali ang mga
miyembro ng grupo sa aking pag-aaral.
Sa mga nahikayat na lumahok, ipinaliwanag ng maayos ng mananaliksik ang proseso ng
kanilang gagawing partisipasyon. Ito ay tumutukoy sa isang in-depth na panayam tungkol sa mga
mahahalagang paksa tungkol sa lalaki, peminismo, at mga gender-based violence laws sa Pilipinas.
Siniguro ng mananaliksik na ang pakikilahok ng mga kasapi sa pag-aaral ay dapat kusang-loob o
boluntaryo, at nasa sa kanila pa rin ang pagpapasya kung sila ay tutuloy o hindi. Ang mga panayam
na isinagawa ay tiniyak na mangyayari sa lugar at oras na pinaka-convenient para sa mga
kinapanayam. Ang mga datos ay kinopya mula sa online conversations, at ang pagtitiyak na
walang sinuman maliban sa mananaliksik ang maaring makibahagi, makinig o manood sa panayam
na ito sa bahaging ito ay mahalaga.
Ipinaliwanag rin ng mananaliksik ang mga benepisyo at panganib ng partisipasyon sa pag-
aaral na ito. Kanyang isinaad na bagamat walang direktang benepisyo ang pananaliksik para sa
mga kalahok, ang mga impormasyong nakalap ay maaaring makatulong upang mailantad ang
kanilang mga karanasan, paniniwala, hinaing at mga adbokasiya bilang men’s rights group rito sa
Pilipinas. Bunsod rito, ang mga datos ay maaaring makadagdag sa kasalukuyang gender
scholarship ng Pilipinas. Maaari ring maikonsidera ang mga makukuhang impormasyon mula sa
pag-aaral na ito sa mga legal na posibilidad para sa mga karapatan ng kalalakihan sa bansa.
Sa isang banda naman, isiniwalat din ng mananaliksik ang panganib na pwedeng maidulot
ng pakikilahok ng mga kasapi rito. Isa na rito ay ang paglalantad ng mga kumpidensyal na
impormasyon at ang pagiging maselan ng isyu. May mga pagkakataong hindi maging kumportable
ang mga kinapanayam sa pagsagot ng mga tanong, at ito ay nirerespeto ng mananaliksik.
Higit sa lahat, mahalaga rin ang pagtiyak na sa pagtatapos ng pag-aaral na ito, ang lahat ng
resulta at analisis ng nasabing pananaliksik ay magiging bukas sa mga kalahok bilang pasasalamat
sa inilaan nilang lakas, panahon, at kaalaman upang makumpleto ang pag-aaral na ito.
Ang lahat ng mga nabanggit ay pinagtibay sa pamamagitan ng pagpirma ng mga kalahok sa
online Informed Consent Form23, na personal na ipinadala ng mananaliksik sa kanila matapos
ang kanilang pagpapahayag ng interes na makilahok sa pananaliksik na ito.
23 Ito ay matatagpuan sa link na ito: https://docs.google.com/forms/d/1l3oVSKD83nbXfd3284bSA7nd2wO3m2-
zZqA-QCctJH4/viewform
13 | C R U Z
Kabanata 4
MGA RESULTA AT DISKUSYON
Ang R.A. 9262, o ang tinatawag rin na Anti-Violence Against Women and Children Act
of 2004, ay ipinasa at ipinapatupad sa pag-asang mabago ang patriyarkal na sistema at ang hindi
mabilang na manipestasyon nito. Isa na rito ay ang malawakang karahasan at ang sinasabing ugat
nito na hindi pantay na ugnayan ng dalawang kasarian. Sa pag-usbong ng peminismo, nagbago
ang dinamiko ng babae at lalaki sa maraming aspeto sa buhay. Isang pagpapatunay nito ay ang
pagsasabatas ng panukalang nabanggit na nagbibigay hindi lamang ng proteksyon kundi pati na
rin kapangyarihan sa mga kababaihan at kabataan na biktima ng abuso.
Gamit ang balangkas ng pag-analisa na tinalakay ng mananaliksik sa naunang mga
kabanata, tutuntunin natin ang isyu ng biktimisasyon na nararanasan ng lalaki. Ano nga ba ang
posibleng mga ugat nito? Alin ba ang tunay na nambiktima sa kanya: peminismo o patriyarkal na
sistema?
Maaaring isa dito, maaaring wala sa nabanggit.
Kung uunawain ang sitwasyon ng mga nakapanayam sa lente ng standpoint theory, kung
saan tinutuklas ang pinanggagalingan ng mga pananaw ng isang indibidwal sa mga partikular na
isyu bilang resulta ng kinagisnan nilang mga kaugalian, marapat na suriin ang iba’t-ibang
pagsasasaalang-alang tulad ng sosyo-ekonomikong lagay sa lipunan ng isang indibidwal. Bago ito
maisagawa, kinakailangan munang kilalanin ang mga nakapanayam ng mananaliksik:
Si Ly24, 33 taong gulang at nakapagtapos ng Masters in Basic Education, ay kasalukuyang
nagtatrabaho bilang planning officer ng Planning and Research section, DepEd sangay ng Tagum,
Davao del Norte. Si Jordan25 naman, 30 taong gulang at nakapagtapos ng kursong BS in Marine
Engineering, ay nagtatrabaho sa isang pribadong opisina. Si Nubbin26, 43 taong gulang at
nakapagtapos ng kursong BA Behavioral Sciences, ay nagtatrabaho sa isang institusyon sa
gobyerno bilang isang casino dealer. Nagtatrabaho bilang isang freelancer, si Rom, ay 47 taong
gulang at nakapagtapos ng kursong BS Architecture. Si Rom ay siya ring tagapagsalita at isa sa
mga tagapagtatag ng kilusan.
Mula sa mga tala ng mananaliksik, makikita na ang mga miyembrong nakapanayam ng
mananaliksik ay mga lalaking Pilipinong miyembro na may edad 30-47 taong gulang, may
substansyal na edukasyon (lahat ay nakapagtapos ng kolehiyo, at may isa pang nakapag-Masters),
at lahat sa kasalukuyan ay may hanapbuhay.
24 Hindi tunay na pangalan. 25 Hindi tunay na pangalan. 26 Totoong pangalan, na may pahintulot mula sa nakapanayam.
14 | C R U Z
Isa lamang sa kanila ang hindi pa kasal (Ly), habang ang iba ay puro may-asawa na. Sa
isang banda, si Nubbin ay nagkaroon ng dalawang asawa, sa kadahilanang siya ay nagpakasal
diumano sa kanyang pangalawang asawa habang nasa proseso pa rin ng annulment ang kanyang
unang kasal. Maliban kay Rom na mayroong karelasyon sa kasalukuyan ngunit hiwalay sa dating
asawa 12 taon na ang nakakaraan, lahat ng nakapanayam ay napatunayang hiwalay na sa asawa (si
Jordan – apat na taon; si Nubbin -- tatlong taon mula sa pangalawang asawa) o karelasyon (Ly).
Pagdating sa pangangalaga ng mga anak, sinabi nina Rom at Jordan na nasa kanilang
pangangalaga ang kanilang mga anak, at ang mga dating asawa ay hindi na kasama sa kanilang
tahanan. Baliktad naman ang kaso ni Nubbin – wala sa kanyang pangangalaga ang mga anak mula
sa kanyang una at pangalawang asawa.
Hinggil sa batas na RA 9262, dalawa lamang ang pormal nang nakasuhan ng nasabing
batas – si Rom, taong 2003, at si Nubbin, taong 2012. Umamin si Rom na siya ay biktima ng abuso
ng kanyang asawang babae, samantalang si Nubbin naman ay umamin bilang maysala.
Mula sa mga tugon ng mga nakapanayam, ano ang mga mahahalagang punto na dapat
nating tanawin?
Una. Laganap pa rin sa mga kalalakihan ang pagtalima sa machismo culture.
Makikita natin ito sa pagtanaw pa lang nila ng papel at ugnayan ng mga kasarian sa lipunan.
Nananatili pa ring ideyal na papel ng lalaki ay ang tradisyunal na papel nito na “provider” o
tagapagbigay ng pangangailangan ng pamilya. Ito ay isang katangiang idinidikta ng hegemonic
masculinity, sa porma ng kulturang “machismo” na tinalakay sa Kabanata 2. Isang halimbawa nito
ay ang pananaw ni Nubbin, kaugnay ng kanyang pagtingin sa papel ng dalawang kasarian sa
lipunan:
“…ang lalake, nung primitive times, he hunts for food, for the family, [di ba]? [G]anun din ngayon,
he works hard so he can feed his family… nature or evolution designed his body with more muscle
tissues [di ba]?... for the female, she stays at home, take care of the family, makes sure children get
the proper nutrition, so they’d grow up with good bodies, and that the genetic continuation would
be guaranteed.. evolution gave them more fatty tissues para sa health ng baby nila.. so millions of
years of evolution dictated, that women are not designed to do critical tasks, or decision making..
you see their brain chemistry is most often disturbed monthly.. before, during and after
pregnancy…” 27
Ito ay sinasang-ayunan din ni Jordan, bagamat ito ay masasabing kundisyunal. Inamin
niyang nais niyang bumalik na lang sa tradisyunal na tungkulin ang bawat kasarian dahil kung may
pantay na karapatan na ang bawat isa (halimbawa, sa paghahanapbuhay), nakalalamang ang babae
27 Nubbin, p. 30.
15 | C R U Z
at ang lalaki ay nagiging tampulan ng tukso at tawanan sa pamilya't mga kaibigan (o ang tinatawag
niyang "labasan").28
Ito ay nagbuhat mula sa karanasan ni Jordan sa kanyang asawang babae. Noong una raw,
si Jordan lamang ang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya, ngunit nagpumilit ang asawa niya,
na isang nars, upang maghanapbuhay rin. Gayunpaman, nagkaroon ng pagtatalo pagdating sa pera
ang dalawa dahil kumikita na raw ng mas malaki ang misis niya, hanggang sa umabot sa puntong
nagkaroon na ng berbal na pang-aabuso sa pagitan ng dalawa at sa huli ay iniwanan siyang biglaan
ng asawang babae, habang ang dalawa nilang mga anak ay naiwan rin kay Jordan.29
Pinatutunayan ng mga salaysay ni Rom ang naunang punto. Ani niya:
“…alam naman natin na ang ekonomiya natin sa Pilipinas, talagang sagad-sagad. Talagang
mahirap na mahirap tayo. So repleksyon yan sa bawat bahay, sa pamilyang middle-class, na ang
tatay, siya ang breadwinner…pero ang nanay breadwinner rin naman paminsan-minsan…
madalas sa ngayon pala. Pero ang sitwasyon ng tatay, dahil mahirap ang ekonomiya ng Pilipinas,
dumudoble o triple kayod ito. Ang laging perception sa tatay, "Mag-provide ka, mag-provide ka,
mag-provide ka." Na hindi nila nakikita, sa puntong ganun, ah, natutunaw na yung kaluluwa niya
dahil puro na lang trabaho, puro na lang trabaho… para makapag-provide, para makapag-
provide. Yung, hindi natin nakikita na sa puntong ito naaabuso ng husto yung kanyang sitwasyon
bilang tatay.”30
Mula sa kanilang mga salaysay, makikita natin na isa ring kontribusyon ang salik pang-
ekonomiko upang maigiit sa mga kalalakihan ang pang-aaping idinikta ng kulturang machismo, at
gawin silang alipin sa nakagawiang sistema.
Kaugnay nito, parehas na binigyan ni Rom31 at ni Ly32 ng atribusyon ang papel ng kultura
sa paghulma diumano ng mga ekspektasyong ito sa mga kasarian. Ani nga ni Rom, mahirap na
raw alisin ang mga tradisyunal na papel na nakaatang sa babae at lalaki. Binanggit niya na sa
kulturang kinapalolooban natin, ang bawat kasarian ay may kaabikat na ekspektasyon, at ang mga
ito ay iginigiit at patuloy pa ring naipalalaganap.
Ito ang naghahatid sa atin sa ating ikalawang punto. Mayroon pa ring subordinasyon sa
hanay ng mga kalalakihan sa harap ng tagumpay ng peminismo. Bagamat may ilan sa kanila,
tulad nina Rom at nina Ly, na tumatanggap sa panawagan ng peminismo na dapat parehas at pantay
na papel na ang parehas babae at lalaki sa lipunan, naroon pa rin ang kanilang pagkilala sa
malaking ekspektasyon, lalo na sa panig ng mga lalaki, bilang “provider” sa kani-kanilang mga
28 Jordan, p. 19. 29 Jordan, p. 18. 30 Rom, p. 4. 31 Ibid. 32 Ly, p. 52.
16 | C R U Z
pamilya gaya ng naunang puntong tinalakay. Isang porma ng kontradiksyon ang nararanasan ng
mga kalalakihang ito sa pagitan ng pagtalima sa kulturang machismo at sa aksyong inaasahan ng
kilusang peminismo.
Malinaw na makikita rito ang isang manipestasyon ng pang-aaping nararanasan ng isang
lalaki, bunga ng subordinated masculinity, kung saan ang mga pamantayang itinakda ng kulturang
machismo dito sa Pilipinas, kung hindi matalima, ay nagiging sanhi ng pang-aapi sa bahagi ng
lalaki.
Kaugnay nito, ang hindi makaganap sa mga papel at tungkuling kadalasang iniaatang sa
mga kalalakihan sa ating lipunan ay nagiging dahilan upang sila ay maapi at maging bulnerable sa
abuso. Isang manipestasyon nito ay ang pagsasaad ni Jordan sa kanyang salaysay na ng naging
sanhi ng abuso mula sa asawa ay dahil sa suliranin sa pang-ekonomikong lagay sa pagitan nila ng
asawa, at sa mga salaysay ni Rom ukol sa kasalukuyang papel at ugnayan ng mga kasarian sa
lipunan.
Ikatlo at ikahuling punto, ang kulturang machismo ang nagpapatibay ng stigma na
nararanasan ng lalaki sa usapin ng karahasan.
Isang mahalagang katangian ng kulturang machismo ay ang pagkakaroon ng mas malaking
kapangyarihan ng lalaki kaysa sa babae, na minsan nga ay naipapamalas sa pamamagitan ng
paggamit ng pwersa o karahasan sa babae. Dahil dito, mayroon na ring pagtanggap na ang babae
ay mas bulnerable sa karahasan kaysa ang lalaki. Ang dalawang paniniwalang ito ang nananaig
lalo na pagdating sa usapin ng karahasan, lalo na nga at pinatutunayan ng mga istatistiko.
Kung palalalimin ang pagsusuri sa mga tugon ng mga nakapanayam, ang nabanggit na
pahayag ay napagtibay nang ganap sa kaisipan ng mga tao at naisalin na sa kaugalian nang
maraming henerasyon, anupaman ang kasariang taglay. Anumang porma ng paglihis sa sitwasyong
ito ay maituturing na kataka-taka, at madalas nga ay kakatwa.
Pinatototohanan ito ng mga pahayag ni Rom kaugnay ng kanyang karanasan sa paglalantad
bilang lalaking biktima ng abuso. Inilahad niya ang minsan niyang pagpasya na ilahad ang kanyang
istorya bilang pagtugon sa anyaya ng isang panggabing palabas sa telebisyon (Kapuso mo, Jessica
Soho) na siya ay itampok. Sa buong pag-aakalang ito ay makatutulong sa kanyang sitwasyon,
nabansagan pa siyang "Andres de Saya" o under ng kanyang misis, at nagiging tampulan ng
tawanan imbis na handugan ng simpatya. Ayon sa kanya, ang nangyari ay tunay na nakakagalit.
"Yung sa attempt nila na para isiwalat o i-expose, lalong… lalong nakakadagdag sila ng…
injury."33
33 Rom, p. 11.
17 | C R U Z
Ang mga pangungutya diumanong tulad nito ang isa sa mga dahilan kung bakit hirap pa
rin siyang manghikayat ng mga miyembro na magsalaysay ng kanilang mga karanasan kaugnay
ng karahasan na gawa ng kanilang mga babaeng partner.34 Ito rin ang pinaniniwaalan niya na
dahilan kung bakit takot ang mga lalaki na dumulog sa mga otoridad gaya ng mga kapulisan.35
Mula sa subordinated masculinity na ito, isang klase ng “stigma” mula sa lipunang kanyang
ginagalawan ang lumilitaw na kaakibat ng debiyasyon ng lalaki sa pagganap ng kanyang papel sa
kulturang machismo, na siyang nananaig na hegemonya sa lipunang Pilipino. Napagtatawanan ang
mga biktimang tulad niya at madalas daw ay hindi sila binibigyan ng seryosong atensyon.
Ipinagpapalagay daw ng marami na ang mga karanasan nila ay bihirang mangyari dahil natural na
mas malakas lalaki kaysa sa babae. Gayunpaman, iginiit ni Rom na iba ang kaso nila, at ito ang
kaibuturan ng ipinaglalaban. Ani niya:
“Kaya panawagan namin sa mga lalaki, maging sensitive din. Hindi yung dahil macho
ka, hindi mo na napapansin yun. Kakayanin mo na dahil matigas ka. Dahil lalaki ka, hindi
ka dapat umiiyak. Hindi ka dapat umaangal, dapat kinakaya mo lahat. Siguro, nagkataon
lang na vocal yung mga babae, kaya naunang makakalap ng mga data tungkol dun sa mga
pananakit sa babae.”36
Liban sa mga naunang binanggit ni Rom, isang posibleng pagpapatotoo ng stigma sa mga
lalaking biktima ng abuso ay ang reaksyon mula sa mga linya ng mga kababaihan na nasa unahan
ng labanang peminismo. Sa magkakaiba mang okasyon, parehas nilang binatikos ang hiling ng
kilusan na maisama sa nasabing batas sa pangunahing kadahilanan na sinadya ang pagpasa ng
batas na ito para sa kapakanan ng mga kababaihan. Gayunpaman, hindi naman daw nila minamaliit
ang mga kaso ng pang-aabuso sa lalaki. Ang kaso lamang, nananaig pa rin ang kanilang posisyon
lalo na sa usapin ng karahasan sa pagitan ng dalawang kasarian.
Ayon sa mambabatas na si Sen. Pia Cayetano, halaw mula sa kanyang tugon sa inilulunsad
na kilusan ng DSM, mas bulnerable pa rin diumano ang mga babae kaysa sa mga lalaki.37
Tugon naman ng tagapagtanggol na si Atty. Sheila Bazar, mahirap diumanong ilarawan sa
diwa ang pang-aabuso ng babae sa lalaki dahil natural na mas malakas ang lalaki, kahit sa
biyolohikal na aspeto na lamang ng usapan.38 Ani niya, “Wala naman tayong pinag-aawayan dito!
… Kasi for sure there are men who are abused by women. Although I can't imagine how.”39
34 Rom, p. 14. 35 Rom, p. 10. 36 Rom, p. 14. 37 “No Need for Law Protecting Male Victims of Abuse – Sen. Pia Cayetano,” 2014, Retrieved from
http://www.gmanetwork.com/news/story/391834/news/nation/no-need-for-law-protecting-male-domestic-abuse-
victims-pia-cayetano 38 Bazar, p. 6 39 Bazar, p. 62.
18 | C R U Z
Patunay raw nito ay ang karanasan niya sa kanyang partner na hinahayaan lamang si Atty. Bazar
na saktan ito dahil alam naman daw nila na mas malakas ang lalaki kaysa sa kanya.40
Nilantad niya rin ang patungkol sa pagtingin niya sa ugnayan ng mga kasarian sa usapin
ng karahasan. “Lalaki ka, eh. Kasi physically ah, physically… (tawa) eh di labanan mo. Wag mo
labanan, eh di umalis ka. Layuan mo. Bakit ka naman nagpapa-abuso? Kasi, you have superior
physical strength. Babae? Di mo kayang takasan?”
Halaw naman sa panayam kay Rom, binanggit niya na nakipag-usap na ang DSM sa mga
women’s group tulad ng Gabriela upang pagdiskusyunan ang kanilang binabalak kaugnay ng R.A.
9262. Gayunpaman, ang sinabi lamang ng tagapagtanggol ng Gabriela (na hindi niya
pinangalanan) ay, “Kung may batas kaming para sa babae, gumawa rin kayo ng sa inyo.”41
Kaugnay ng payo ng tagapagtanggol ng Gabriela, minungkahi ni Atty. Sheila Bazar na
gumawa na lamang ng sariling batas ang Diego Silang Movement para sa mga kalalakihan, at
huwag nang pakialaman ang R.A. 9262.42
Kung uunawaing mabuti, makikitang sa usapin ng karahasan sa mga kalalakihan, tila ilag
o hindi pa kumportable ang mga kababaihang may peministang oryentasyon upang tugunan o kahit
pag-usapan man ang suliraning ito. Liban pa rito, napagtitibay ng mga nabanggit na salaysay na
maging sa linya ng kababaihan, hindi pa rin natitinag ang pagtanaw sa dalawang nananaig na
paniniwala sa usapin ng karahasan sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan, na isang malaking
bahagi ng pang-aaping nararanasan ng mga lalaking biktima ng abuso.
Kabanata 5
KONKLUSYON
Sa pag-aaral na ito, napatunayan natin kung ano ang mga sanhi ng biktimisasyon ng
lalaking biktima ng abuso at ano ang ugnayan ng mga ito upang mapagpatuloy ang nabanggit na
pang-aapi. Mula sa konteksto ng kulturang machismo sa lipunang Pilipino, ang mga nasa taas ang
nagtatakda ng mga pamantayan at paniniwala na dapat ay talimahin hindi lamang ng lalaki kundi
ng parehas na kasarian. Sa kasalukuyan, matatanaw natin na laganap pa rin ang pagtalima ng mga
kalalakihan sa kulturang machismo, dahil sa posibleng subordinasyon na kanilang mararanasan.
Gaya ng nabanggit sa diskusyon, ang pinaniniwalaan nating itim-at-puti na sistemang ito
sa kasalukuyan ay, sa katotohan, isang spektrum ng mga kulay na kumakatawan sa iba’t-ibang
antas ng kapangyarihan at pang-aapi. Hindi lahat ng mga lalaki ay naghaharing-uri sa lipunang ito.
40 Bazar, p. 63. 41 Rom, p. 3. 42 Bazar, p. 61.
19 | C R U Z
Hindi lahat ng lalaki ay kabilang sa hegemonya. "Patriarchy is not a world of man. It is a world
of strong man."43 Ang mga kalalakihang nasa ligiran ay naaapi dulot ng iba’t-ibang salik, at ito ay
kadalasang may ekonomikong katangian. Bunga nito, ang kanilang mababang estado sa mga salik
na ito kumpara sa kapwa lalaki ay nagiging isang posibleng daan upang abuso ay pumailanlang sa
panig naman ng babae.
Bukod rito, napatunayan din na nakararanas ang lalaki ng isang matinding kontradiksyon
kaugnay ng pagtalima sa kulturang machismo at sa panawagan ng peminismo. Isa na rito ay ang
pagkumpurmi sa “provider” na papel na nakaugalian na sa pamilyang Pilipino, laban sa lumalakas
na daluyong ng peminismo na ang tradisyunal na papel na ito ay mawaksan.
Ang usapin naman ng pagmamaliit at pagkutya sa mga karanasan ng mga lalaking biktima
ng abuso isang porma ng struktural na stigma, na kung uugatin ay bunga ng mga paniniwala na (1)
mas malaki ang kapangyarihan ng lalaki kaysa sa babae (isang posibleng manipestasyon nito ay
karahasan sa kababaihan); at (2) malawakang pagtanggap na ang babae ay mas bulnerable sa
karahasan kaysa sa lalaki. Gayunpaman, masusuri natin na hindi sa lahat ng oras ay ganito ang
reyalidad na ating nakikita, gaya nga ng mga salaysay ng mga lalaking naging biktima ng abuso
ng kanilang mga partner na babae.
Sa palagay ng mananaliksik, ang stigma na ito ay isang anyo ng pagsunod na rin natin sa
patriyarkal na lipunang ating ginagalawan. Maski ang mga nasa hanay ng mga kababaihan na
minsan ay nais mag-alis ng opresyon sa lipunan ay maaaring nakababahagi rin sa pagpapatuloy at
pagpapatibay ng sistemang ito. Ito ay makikita sa tila pag-iwas nila na pagdiskusyunan ang
suliranin ng karahasan kung ang pag-uusapan ay sa panig ng mga kalalakihan.
Sa huli’t-huli, ang mga debyasyong ito ay isang buhay na hudyat na ang kalakaran sa
lipunan at sa pagitan ng mga kasarian ay gumagalaw, nagbabago, at hindi tulog. Ang karanasan
ng mga kalalakihang biktima ng abuso gaya ng inilahad sa pag-aaral na ito ay mahalagang suriin
bilang isang matingkad na debyasyon tulad nito.
SANGGUNIAN
Bernabe, G., A Deeper Look at Violence Against Women (VAW): The Philippine Case, 2005.
Bos, A.E.R., Pryor, J.B., Reeder, G.D. & Stutterheim, S.E., Stigma: Advances in theory and research.
Basic and Applied Social Psychology, 2013.
Cabrera, P., Intersecting Violences: A Review of Feminist Theories and Debates on Violence against
Women and Poverty in Latin America, Central America Women's Network (CAWN), 2010.
43 Isang paboritong siping inilahad sa akin nang kamag-aral na si G. Gerani Malijan, 2015.
20 | C R U Z
Connell, R. & Messerschmidt, J., Hegemonic Masculinity: Rethinking the Concept, Gender Society, Sage
Publications, 2005.
Guazon, R., The Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, 2009.
Hesse-Biber & Leavy, The Practice of Qualitative Interviewing, Sage Publications, Inc., 2006.
Johansson, R., Case Study Methodology, 2003.
Kumar, K., Conducting Key Informant Interviews In Developing Countries, Agency for International
Development, 1989.
Nadal, K., Filipino American Psychology: A Handbook of Theory, Research, and Clinical Practice,
AuthorHouse, 2011.
Oxfam (n.d.). Gender Justice: Why Gender Equality Matters. Retrieved from:
http://oxfam.ca/sites/default/files/imce/gender-justice-why-equality-matters.pdf
Seguino, S., Toward Gender Justice: Confronting Stratification and Unequal Power, 2013.
Ulin, P. R., Qualitative Methods: A Field Guide for Applied Research in Sexual and Reproductive Health.
Family Health International: Northwestern University, 2002.
Vijal, N., Gender Justice and Reconciliation, Friedrich-Ebert-Stiftung, 2007.
Wood, J., Gendered Lives: Communication, Gender and Culture, 3rd ed., Wadsworth Publishing
Company, 1999.
MGA KALAKIP
A. In-depth Interview Informed Consent Form44 Ang Consent Form na ito ay para sa mga lalaking Pilipino na miyembro ng Diego Silang movement,
isang men's rights group sa Pilipinas, bago lumahok sa isang pananaliksik na pinamagatang: "Si Diego sa
mundo ng mga Gabriela: Ang Lalaki, Peminismo at Pagkwestyon sa Gender-Based Violence Laws ng
Pilipinas."
Ngalan ng Mananaliksik: Ms. Michelle P. Cruz
Ngalan ng Institusyong Kinabibilangan: Department of Social Sciences, College of Arts and Sciences,
University of the Philippines Manila
UNANG BAHAGI: INFORMATION SHEET
Ako po si Michelle Cruz na nasa ika-apat na taon na sa kursong BA Political Science sa Unibersidad ng
Pilipinas - Maynila. Upang makumpleto ang aking tisis, ako po ay magsasagawa ng pag-aaral tungkol sa
relasyon ng lalaki, peminismo, at ng umiiiral na gender-based violence laws sa ating bansa. Dahil po rito,
44 Matatagpuan sa link na ito: https://docs.google.com/forms/d/1l3oVSKD83nbXfd3284bSA7nd2wO3m2-zZqA-
QCctJH4/viewform
21 | C R U Z
ninanais kong pag-aralan ang Diego Silang movement bilang highlight (case study) ng aking
pananaliksik.
Dahil rito, bibigyan ko po kayo ng impormasyon bilang introduksyon sa inyong pakikibahagi sa pag-aaral
na ito. Hindi kailangang agaran ang pagpapasya kung kayo po ay tutuloy na makilahok sa pag-aaral na ito
o hindi.
Ang consent form na ito ay maaaring maglaman ng mga salitang hindi ninyo lubos na maintindihan.
Kung mayroon kayong mga katanungan o alalahanin sa pagsasaliksik na ito ay huwag mahiyang
ipagbigay-alam sa akin.
Salamat po sa inyong kooperasyon!
PARTISIPASYON
Ang pag-aaral na ito ay hihingin ang iyong partisipasyon sa isang pakikipagpanayam na aabot ng
humigit-kumulang isang oras.
PAGPILI NG KALAHOK
Kayo ay inaanyayahang makibahagi sa pagsasaliksik na ito sapagkat naniniwala akong bilang isang
miyembro ng Diego Silang movement, mailalatag ninyo sa akin ng buong linaw ang inyong mga
karanasan, paniniwala at mga gustong ipaglaban, na nakalinya sa nasabing organisasyon.
BOLUNTARYONG PAKIKILAHOK
Ang inyong pakikilahok sa pagsasaliksik na ito ay kusang-loob o boluntaryo. Nasa sa inyo pa rin ang
pagpapasya kung kayo ay tutuloy o hindi. Kung hindi man, maagap na ipagbigay-alam ito sa akin.
Nakasisiguro ang mananaliksik na ang hindi ninyo pagtuloy ay walang anumang magiging epekto sa
inyong trabaho at/o sa iba pang aspeto ng inyong buhay. Maaari ninyo ring mapagpasyahang hindi na
lumahok dahil nagbago kayo ng isip kahit na pumayag na kayong makilahok sa aking pag-aaral noong
una.
PROSESO
Kung kayo po ay tutuloy, kayo po ay aking kakapanayamin tungkol sa mga mahahalagang paksa tungkol
sa lalaki, peminismo, at mga gender-based violence laws sa Pilipinas.
Ang panayam na ito ay mangyayari sa lugar at oras na pinaka-convenient para sa inyo. Walang sinuman
maliban sa akin ang maaring makibahagi, makinig o manood sa panayam na ito. Ang buong diskusyon ay
irerekord gamit ang sound rekorder ng aking cellphone, o kokopyahin mula sa ating conversation online,
at sinisiguro ko na walang sinuman ang makikilala sa personal na ngalan.
MGA PANGANIB
Ang mananaliksik ay magtatanong sa inyo tungkol sa ilang mga personal at kumpidensyal na paksa, at
baka hindi kayo maging kumportable sa pagsagot ng mga ito. Maaari po kayong humindi sa pagsagot o sa
pagpapatuloy ng interview anumang oras o dahil sa anumang rason kung inyong gugustuhin.
MGA BENEPISYO
Ang pag-aaral na ito ay walang direktang benepisyo para sa inyo. Gayunpaman, ang iyong pakikilahok ay
maaaring makatulong upang mailantad ang inyong mga karanasan, paniniwala, hinaing at mga
adbokasiya bilang men’s rights group rito sa Pilipinas. Dahil rito, ang mga impormasyon ay maaaring
makadagdag sa kasalukuyang gender scholarship ng Pilipinas. Maaari ring maikonsidera ang mga
makukuhang impormasyon mula sa pag-aaral na ito sa legal na aspeto para sa mga kalalakihan.
22 | C R U Z
KUMPIDENSYALIDAD
Ang impormasyong makakalap ay ituturing na confidential, at walang sinuman ang magkakaroon ng
access sa mga ito maliban sa akin. Sinisiguro ito sa pamamagitan ng mga password-protected files na
tanging ang ako lamang ang makakaalam.
Pagdating sa personal identity, ang inyong pagkakakilanlan ay hindi ililimbag ng mananaliksik nang
walang pahintulot mula sa inyo. kung napagpasyahan ninyong manatiling anonymous ay bibigyan kayo
ng mananaliksik ng code name sa pagsusulat ng mga impormasyong nakalap mula sa inyo.
PAMAMAHAGI NG MGA RESULTA
Sa pagtatapos po ng pag-aaral na ito, ang lahat ng resulta ng nasabing pananaliksik ay magiging bukas sa
inyo bilang pasasalamat.
KARAPATAN NA TUMANGGI O UMURONG
Hindi po ninyo kailangan makilahok sa pananaliksik na ito kung ito ay labag sa loob ninyo. Maaari
kayong huminto sa pakikilahok anumang oras na inyong gustuhin.
Sa kabilang banda, bibigyan ko kayo ng pagkakataon sa dulo ng talakayan na i-review ang mga nabanggit
ninyo sa talakayan, at maaari ninyong ipabago o ipatanggal ang ilang bahagi ng mga ito, kung hindi kayo
sumasang-ayon sa aking mga isinulat o kung sa tingin ninyo ay hindi ko kayo lubos na naintindihan.
-------------------
Kung kayo po ay may karagdagang katanungan o nais klaruhin, maaari nyo pong itext ang mananaliksik
sa numerong 09051774735, o mag-email sa [email protected].
IKALAWANG BAHAGI: KATIBAYAN NG PAGBIBIGAY PAHINTULOT
Pahayag ng Kalahok
o Aking nabasa ang mga impormasyon patungkol sa magiging online survey-
talatanungan at ang mga ito ay malinaw sa akin. Ako ay sumasang-ayon na boluntaryong
lumahok sa nasabing pananaliksik at sagutin ang mga katanungan sa online survey-
talatanungan na ito sa abot ng aking kaalaman.
Buong Pangalan ng Kalahok
Petsa
B. In-depth Interview Guide
PAGPAPAKILALA:
Pangalan, ilang taon, ano ang trabaho sa ngayon, ano ang ang antas ng pinag-aralan.
KAALAMAN SA GRUPO:
Paano ninyo nalaman ang Diego Silang movement?
Paano kayo sumali sa grupong ito? Gaano na kayo katagal miyembro nito?
Active po ba kayo o inactive na sa grupo?
Sa pagkakaalam ninyo, ano ang mga ipinaglalaban ng grupong ito?
23 | C R U Z
Follow up po, sumasang-ayon po ba kayo sa lahat ng mga ito?
Mga karagdagang impormasyon
Sa tingin ninyo po, ano ang ugnayan ng diego Silang sa ibang mga gender groups tulad ng
GABRIELA?
SA KASARIAN:
Ano po sa tingin ninyo yung role o papel ninyo bilang lalaki sa lipunan? Eh ang babae?
Ano naman po sa tingin ninyo na relasyon ng babae at ng lalaki dito sa Pilipinas?
Bilang miyembro ng Diego Silang movement, ano po sa tingin ninyo ang dapat na ugnayan
ng babae at lalaki sa kasalukuyang lipunan?
SA PEMINISMO:
Narinig nyo naman na po yung term na "peminismo" ano. Ano po sa palagay nyo yung ibig
sabihin nun
May mga alam po ba kayo sa peminismo na naniniwala kayo/o ayaw nyo o di nyo
pinaniniwalaan?
Bilang lalaki, paano nakaapekto ang peminismo sa'yo sa lipunang ginagalawan mo?
Sumasang-ayon ka ba na ang lipunan ay patriyarkal o pinaghaharian ng mga lalaki? Bakit o
bakit hindi?
SA DOMESTIC VIOLENCE:
- PARA SA MGA LALAKING NAGING BIKTIMA NG ABUSO
Punta naman po tayo sa usapin ng violence o pananakit. Pwede ninyo po bang ikwento, kahit
bahagya lang, ang naging karanasan ninyo pagdating sa usapin ng pananakit (violence)?
Ano ang ginawa mo ng mga oras na nakakaranas ka ng pananakit sa babaeng partner mo?
Ipinaalam nyo po ba sa ibang tao ang pananakit na naranasan ninyo nung mga oras na iyon?
Kung oo, ano ang reaksyon nila sa nangyari sa inyo?
Sa tingin ninyo, bakit nagkakaroon ng mga pananakit sa loob ng tahanan?
Naniniwala po ba kayo na ang usapin ng pananakit o violence ay usapin rin ng kung babae o
lalaki ang gumawa?
Sumasang-ayon po ba kayo sa argumento na ang pananakit sa tahanan ay dahil mas
makapangyarihan ang lalaki sa babae?
Ano po ang pakiramdam ninyo tuwing kayo ay nagpapahayag ng inyong mga adbokasiya,
lalo na sa presensya ng ibang mga gender groups? Hindi po ba kayo nakararamdam ng takot
o kaya ay hiya?
- PARA SA MGA LALAKING KINASUHAN NG NASABING BATAS BILANG MGA
MAYSALA
Punta naman po tayo sa usapin ng violence o pananakit. Pwede ninyo po bang ikwento, kahit
bahagya lang, ang naging karanasan ninyo pagdating sa usapin ng pananakit (violence)?
Ano po ang ginawa nyo nung mga oras na kinasuhan kayo ng partner nyo?
Ipinaalam nyo po ba sa ibang tao na iniwan na lang kayo bigla ng partner nyo ng walang
pasabi, lalo na't kasama ung mga anak nyo?
Kung oo, ano ang reaksyon nila sa nangyari sa inyo?
Sa tingin ninyo, bakit nagkakaroon ng mga pananakit sa loob ng tahanan? Mapababae man or
mapalalaki?
Naniniwala po ba kayo na ang usapin ng pananakit o violence ay usapin rin ng kung babae o
lalaki ang gumawa?
24 | C R U Z
Sumasang-ayon po ba kayo sa argumento na ang pananakit sa tahanan ay dahil mas
makapangyarihan ang lalaki sa babae?
Ano po ang pakiramdam ninyo tuwing kayo ay nagpapahayag ng inyong mga adbokasiya,
lalo na sa presensya ng ibang mga gender groups? Hindi po ba kayo nakararamdam ng takot
o kaya ay hiya?
SA R.A. 9262:
Personally po, kailan nyo po nalaman ung RA 9262? Even before joining DSM po ba?
Alin pong mga probisyon sa RA 9262 ang inyong sinasang-ayunan? Tinututulan? Nais
baguhin?
Ano po ang naging epekto sa inyo nang maipatupad sa inyo ang RA 9262? Aside sa mga
nabanggit nyo po kanina…
Kamakailan ay naglunsad ang grupo ninyo ng panawagan na ang mga male victims of
domestic abuse ay walang sapat na proteksyon sa mata ng batas, at hindi ito saklaw ng RA
9262. Sa panawagang nabanggit, ibig nyo po bang sabihin ay gusto ninyong mapasailalim sa
batas na ito ang mga kalalakihang biktima? Bakit / bakit hindi?
Nagkaroon po ng reaksyon dito si Senator Pia Cayetano. Ano po ang masasabi ninyo rito?
Sa tingin ninyo po, ang RA 9262 po ba ay labag sa ating constitution? Bakit/bakit hindi?
Bilang miyembro ng inyong grupo, may mga batas pa po ba kayo na gustong pag-aralan?
Kung mabibigyan ng pagkakataon, mayroon ba kayong mga konkretong plano sa pagpapasa
ng batas na nakatumbok para sa pagpapa-igting ng karapatan ng mga kalalakihan?
May mga gusto po ba kayong banggitin na hindi ko naitanong sa ating interbyu?
Maraming salamat po!
C. Key Informant Interview (KII) guide: Rom Factolerin
Para kay Rom Factolerin, miyembro at tagapagsalita ng Diego Silang movement
Una: Pagpapakilala, ng interbyuwer at ng interbyuwi
Kailangan: Pangalan, posisyon sa grupo, at iba pang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa
sarili.
History and development of the group:
Ilarawan ang Diego Silang Movement. In a nutshell, ano ang samahang ito?
Saan at kailan ito nagsimula?
Sino ang nag-organisa /mga lider? Sinu-sino ang mga miyembro/tagasuporta? Ano ang
inisyal at kasalukuyang bilang ng mga miyembro/tagasuporta?
Mayroon bang proseso ng pagsali? Kung oo, ano ang prosesong ito? Puros lalaki ba o
pwedeng sumali ang babae? Ano ang mga katangian nila?
Alin sa dalawa: kinikilala ng gobyerno at rehistrado sa SEC (Securities and Exchange
Commission) o impormal na organisasyon?
Ano ang mga batayang prinsipyo na pinanghahawakan ng grupo? [Vision-Mission?]
Ano ang mga pangunahing adbokasiya nailunsad na ng inyong organisasyon?
Other follow-up qsns:
Mga karagdagang impormasyon
Ano ang ugnayan ninyo ng mga ibang gender groups tulad ng GABRIELA?
Ano po ang pakiramdam ninyo tuwing kayo ay nagpapahayag ng inyong mga adbokasiya,
lalo na sa presensya ng ibang mga gender groups? Hindi po ba kayo nakararamdam ng
takot o kaya ay hiya?
25 | C R U Z
Sa GENDER:
Ano ang babae at ano ang lalaki?
Paano mo mailalarawan ang relasyon ng babae at lalaki sa kasalukuyang lipunan?
Ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa?
Para sa Diego Silang movement, ano ang dapat na ugnayan ng babae at lalaki sa
kasalukuyang lipunan? Papel?
SA PEMINISMO:
Ano ang depinisyon mo ng peminismo?
Paano mo mailalarawan ang kasalukuyang mukha ng peminismo sa makabagong panahon?
Paano nakaapekto ang peminismo sa'yo bilang lalaki sa kasalukuyang lipunan?
Sumasang-ayon ka ba sa nosyon na ang lipunan ay patriyarkal? Bakit o bakit hindi?
Ano ang mga prinsipyong nabibilang sa peminismo na iyong pinaniniwalaan/tinututulan?
SA DOMESTIC VIOLENCE:
Ano ang iyong kaalaman tungkol sa isyu ng domestic violence? Sa gender-based violence?
Ano ang masasabi mo sa mga terminong ito: woman-victim and male-perpetrator?
Sumasang-ayon ka ba sa argumento ng feminist theory na ang karahasan sa tahanan ay nag-
uugat sa hindi pantay na power relations sa pagitan ng babae at lalaki? Na ang lalaki ay mas
makapangyarihan sa babae?
Kung hindi, saan ito nagmumula?
Saan nakatayo ang Diego Silang Movement pagdating sa usapin ng domestic violence,
partikular na ang gender-based violence?
SA R.A. 9262:
Ano ang general na pagtingin ng inyong grupo sa RA 9262?
Magbigay ng mga kaso na naencounter na ng inyong mga miyembro/tagasuporta upang
mailarawan ito.
Kamakailan ay naglunsad kayo ng panawagan na ang mga male victims of domestic abuse
ay walang sapat na proteksyon sa mata ng batas, at hindi ito saklaw ng RA 9262. Sa
panawagang nabanggit, ibig nyo po bang sabihin ay gusto ninyong mapasailalim sa batas
na ito ang mga kalalakihang biktima? Bakit / bakit hindi?
Alin pong mga probisyon sa RA 9262 ang inyong sinasang-ayunan? Tinututulan? Nais
baguhin?
[Banggitin ang Jesus Garcia case]. Tingin ninyo po ba ay unconstitutional ang batas na ito?
Bakit/bakit hindi?
Ano pa pong mga batas ang pinag-aaralan ng inyong grupo?
Mayroon ba kayong mga konkretong plano sa pagpapasa ng batas na nakatumbok para sa
pagpapa-igting ng karapatan ng mga kalalakihan?
May mga gusto po ba kayong banggitin na hindi ko naitanong sa ating interbyu?
Maraming salamat po!
D. Key Informant Interview (KII) guide: Atty. Sheila Bazar
Para kay Atty. Sheila Bazar, family law lawyer
Una: Pagpapakilala, ng interbyuwer at ng interbyuwi
Kailangan: Pangalan, posisyon sa grupo, at iba pang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa sarili.
26 | C R U Z
1. RA 9262 or the Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2009 directly states that it
intends to protect women and children only, hence the non-inclusion of men. What is the rationale
behind this?
2. As a lawyer, have you encountered cases whereby the RA 9262 was attacked (aside from the
Rosalie Garcia case), specifically by men? If so, what are their reasons for attacking it?
3. The Diego Silang movement, a men's rights group, recently calls for amendments of what they call
the "controversial" RA 9262. The group primarily seeks provisions for male victims of abuse and
fathers affected by the law. How familiar are you with this group?
4. What do you think compelled this group to stand up for their "rights"?
I would like to ask for your comments regarding the following issues and notions:
A. On male victims of abuse
Domestic violence is not an issue of gender, it is an issue of humanity and equal
protection for all.
Under this law, the presence of male victims of abuse are being clearly dismissed.
Women's desk in local police stations, and none for men. Where do male victims of abuse
seek for legitimate help?
On the absence of available data on violence against men in comparison to copious
amount of available statistical data on violence against women and children. What can
you say about the possible phenomenon of male underreporting?
B. On fathers (respondents/offenders)
What can the government do if respondents are falsely accused?
How effective are the rehabilitative counseling programs for offenders provided by this
law?
5. Last question, do you think legal possibilities of making certain provisions or laws geared towards
male victims of abuse are positive in the future?
Do you have any questions that I might have missed?
Thank you very much!