Upload
zichara
View
464
Download
2
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Citation preview
Si Don Pedro at ang Puno ng Piedras
Nang sa haring mapakinggan ang hatol na kagamutan kapagdaka’y inutusan
ang anak niyang panganay.
Si Don Pedro’y tumalima sa utos ng haring ama,
iginayak kapagdaka kabayong sasakyan niya.
Yumao nang nasa hagapkabundukan ay matahakkahit siya mapahamak
makuha lamang ang lunas.
Mahigit na tatlong buwangbinagtas ang kaparanganhirap ay di ano lamang
sa haba na ng nalalakbay.
Isang landas ang nakitamataas na pasalunga
inakyat na buong siglakatawan man ay pata na.
Sa masamang kapalaranhindi sukat na inasahannang sumapit sa ibabawkabayo niya’y namatay.
Di ano ang gagawain pa’ywala nang masasakyan siya;
dala-dalaha’y kinuha’tsa bundok ay naglakad na.
Sa masamang kapalaranang prisipe’y nakatagal,narating ding mahinusay
ang Tabor na kabundukan.
May namasdang punungkahoy,mga sanga’y mayamungmong;
sa nagtubong naroroo’ybukod-tangi yaong dahon.
Magaganda’t kumikinangdiyamante ang kabagaypag hinahagkan ng araw
sa mata’y nakasisilaw.
Sa kanyang pagkabighanisa sarili ay niyaring
doon na muna lumaginang ang pagod ay mapawi.
Habang siya’y naglilibang biglang nasok sa isipangbaka yaon na ang bahay
ng Adarnang kanyang pakay.
Takipsilim nang sumapitsa itaas ay nagmasid
daming ibong lumiligpitkawan-kawa’t umaawit.
Bawat ibong dumaraa’ywalang hindi tinatanawnais niya’y mahulaan
ang sa kahoy ay may-bahay.
Ngunit laking pagtatakani Don Pedro napuna
ang kahoy na pagkagandasa mga ibo’y ulila
Walang isa mang dumapo
pagtapat ay lumalayomaano bang marahuyongsa sanga muna’y maglaro.
May maghagis man ng tinginsaglit lamang kung mag-aliw
sa lipad ay nagtutulinparang ayaw na mapansin
Latag na ang kadiliman
ang langit kung masaya manang lungkot sa kabundukankay Don Pedro’y pumapatay.
Ngunit kahit naong lungkotinaaliw rin ang loob
sa may puno ay nanubokbaka anya may matulog
Patuloy ang paglalayagng buwan sa alapaap,
sa dahon ng Piedras Platasay lalong nagpapakintab.
Sinisipat bawat sangakaunting galaw, tingala na’t
baka hindi napupuna’ynakadapo ang Adarna.
Datapwat wala, walang ibong
makita sa punungkahoykaluskos na umuugong
daho’t sanga’y umuugoy.
Pagkabigo’t pagtataka’ykapwa nagbibigay- dusa
hanggang pati ang pag-asasa sarili’y nawala na.
Natira sa pamamanglaw
at inip sa kalooban,yamang walang hinihintaymamahinga ang mainam.
Magparaan ng magdamagsa umaga na lumakad,pagod kasi, kaya agad
nagulaylay nang panatag
Tila naman isang tukso’tkasawian ni Don Pedro,
ang Adarnang may engkantodumating nang di naino.
Ibo’y marahang lumapagsa sanga ng Piedras Platas,
balahibo’y pinangulagnagbihis na nang magilas.
Sinimulan ang pagkanta
awit ay kaaya-aya;kabundukang tahimik na
ay natalik sa ligaya.
Liwanag sa punungkahoynag-aalimpuyong apoy,
mawisikang daho’t usbongnangagbiting mga parol.
At lalo pang tumatamis
ang sa adarnang pag- awit,bawat kanta’y isang bihis
ng balahibong marikit.
Pitong kanta ang ginawa’tpitong bihis na magara,
natapos na tuwang- tuwa’tang langit pa’y tiningala.
Ang lahat na’y di napansinng prinsipeng nagupiling;
sa pagtulog na mahimbing,patay wari ang kahambing.
Ugali nitong Adarnamatapos ang kanyang kanta,ang siya’y magbawas muna
bago matulog sa sanga.
Sa masamang kapalaransi Don Pedro’y napatakan,
biglang naging batong- buhaysa punong kinasandalan.
Wala na nga si Don Pedro’tsa Tabor ay naging bato;
at sa pagdating nito, ang Berbanya ay nagulo.
Pamantayan sa PagkantaPamantayan Puntos
Malinaw ang pagbigkas ng mga salita.
5
Napapalutang ang himig dahil sa paglalapat ng wastong tunog o musika.
5
Angkop, maayos, at malinaw ang paraan ng pagkakanta.
5
Pamantayan sa Pagmamarka5- Napakagaling4- Magaling3- Katamtaman2- Kailangan Pa ng Pagsasanay1- Sadyang di- magaling
Pamantayan sa MonologoPamantayan
Puntos Ang monologo ay naa- angkop sa paksang ibinibigay.
5
Ito ay nailahad nang malinaw ,masining,at nakakakuha sa atensiyon ng manonood.
5
Ito ay nagtataglay ng mga elemento ng isang mahusay na monologo.
5
Pamantayan sa Pagmamarka5- Napakagaling 4- Magaling3- Katamtaman2- Sadyang Di- magaling1- Kailangan Pa ng Pagsasanay