1
DAGLING -DAGLI SIDELINE Ni: Gary D. Asuncion, TII Tunay ngang napakasarap maghanap- buhay, yong’ tipong binubuhay ng sarili mong mga paa ang mismong sarili mo. Nagsimula ito noong ako ay maulila sa mga magulang. Naranasan kong makituloy sa aking mga kamag- anak na talaga namang kailangan mong magpaalipin upang masuklian ang pagpapatuloy nila. Kaya’t sinabi ko sa aking sarili na kahit anong trabaho ay papasukin ko makaalis lamang sa pang-aalipin na naranasan. Kaya’t noong ako nasa wastong edad namasukan ako sa isang kantina bilang tagahugas ng pinggan. Masarap maghanap – buhay higit lalo sasarili mong pawis ngunit hindi sapat ang kinikita upang makasabay sa agos ng buhay. Sinikap kong maghanap ng sideline sa gabi sapagkat wala namang akong ginagawa at sayang ang oras. Sa ilang taon kong paghahanap-buhay sa naturang sideline, natutuwa naman ako sapagkat natutustusan ko ang pangangailangan ko gaya ng cellphone, bagong sapatos, mga magagarang damit-pamporma at iba pa. Doon sa panggabing sideline nakilala ko ang mga kaibigan na talaga namang nakapagdulot sa akin ng kakaibang saya higit lalo sa mga gabing ako ay nalulumbay. Si Rico ang siyang nagturo sa akin kung paano maging madiskarte sa naturang sideline, ang kumita ng mas malaki sa panggabing hanap-buhay. Ayos! Tama si Rico instant nga ang kita, mas marami akong pera. Mas marami na akong nabibiling bago at may tatak na damit at sapatos. Nabibili ko rin ang mga mamahaling cellphone. Higit ko pang pinaghusayan ang sideline na iyon. Isang gabi, kami ni Rico ay binigyan ng malaking pagkakataon sa naturang sideline. Malaki raw ang magiging komisyon namin kaya’t higit naming pinagbuti ang trabahong iyon. Tuwa at kaba ang aking nadama dahil tiyak malaking salapi na naman ang aking kikitain. Bigla na lamang nagkagulo sa aming pinag- sasidelinan. At ayun. Sa ngayon, muling nanumbalik sa akin ang kalungkutan, hindi ko na kasama si Rico kasi kapiling ko na ang hari ng Impyerno , nga pala si Taning ang bago kong tropa dito sa bago kong pinag- sasidelinan.

Sideline: Ang Hirap pala!

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Dagli

Citation preview

Page 1: Sideline: Ang Hirap pala!

DAGLING -DAGLISIDELINE

Ni: Gary D. Asuncion, TII

Tunay ngang napakasarap maghanap- buhay, yong’ tipong binubuhay ng sarili mong mga paa ang mismong sarili mo. Nagsimula ito noong ako ay maulila sa mga magulang. Naranasan kong makituloy sa aking mga kamag-anak na talaga namang kailangan mong magpaalipin upang masuklian ang pagpapatuloy nila. Kaya’t sinabi ko sa aking sarili na kahit anong trabaho ay papasukin ko makaalis lamang sa pang-aalipin na naranasan.

Kaya’t noong ako nasa wastong edad namasukan ako sa isang kantina bilang tagahugas ng pinggan. Masarap maghanap – buhay higit lalo sasarili mong pawis ngunit hindi sapat ang kinikita upang makasabay sa agos ng buhay. Sinikap kong maghanap ng sideline sa gabi sapagkat wala namang akong ginagawa at sayang ang oras.

Sa ilang taon kong paghahanap-buhay sa naturang sideline, natutuwa naman ako sapagkat natutustusan ko ang pangangailangan ko gaya ng cellphone, bagong sapatos, mga magagarang damit-pamporma at iba pa. Doon sa panggabing sideline nakilala ko ang mga kaibigan na talaga namang nakapagdulot sa akin ng kakaibang saya higit lalo sa mga gabing ako ay nalulumbay. Si Rico ang siyang nagturo sa akin kung paano maging madiskarte sa naturang sideline, ang kumita ng mas malaki sa panggabing hanap-buhay. Ayos! Tama si Rico instant nga ang kita, mas marami akong pera. Mas marami na akong nabibiling bago at may tatak na damit at sapatos. Nabibili ko rin ang mga mamahaling cellphone. Higit ko pang pinaghusayan ang sideline na iyon. Isang gabi, kami ni Rico ay binigyan ng malaking pagkakataon sa naturang sideline. Malaki raw ang magiging komisyon namin kaya’t higit naming pinagbuti ang trabahong iyon. Tuwa at kaba ang aking nadama dahil tiyak malaking salapi na naman ang aking kikitain. Bigla na lamang nagkagulo sa aming pinag- sasidelinan.

At ayun.

Sa ngayon, muling nanumbalik sa akin ang kalungkutan, hindi ko na kasama si Rico kasi kapiling ko na ang hari ng Impyerno , nga pala si Taning ang bago kong tropa dito sa bago kong pinag- sasidelinan.