5
Sinaunang Relihiyon ng mga Pilipino Mga Dapat Tandaan: Anito o espiritu – isang elemento sa kapaligiran na pinaniniwalaan ng mga sinaunang Pilipino. Mag-anito ritwal ng paghingi ng pahintulot sa mga espiritu na kadalasan ay isang pag-aalay. Kinapapalooban ito ng sayawan, pagpapatugtog ng mga batingaw, kantahan, at higit sa lahat, inuman ng alak.

Sinaunang Relihiyon Ng Mga Pilipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Sinaunang relihiyion ng mga Pilipino

Citation preview

Sinaunang Relihiyon ng mga Pilipino

Mga Dapat Tandaan:

Anito o espiritu isang elemento sa kapaligiran na pinaniniwalaan ng mga sinaunang Pilipino.

Mag-anito ritwal ng paghingi ng pahintulot sa mga espiritu na kadalasan ay isang pag-aalay. Kinapapalooban ito ng sayawan, pagpapatugtog ng mga batingaw, kantahan, at higit sa lahat, inuman ng alak.

Katalonan o Babaylan nagsisilbing tagapamagitan ng sa mga anito na karaniwan ay mga babae.

Isinasagawa ang mag-anito para sa may sakit, kapag may kasunduang pagpapa-kasal, pagsilang ng isang sanggol, at pagtanggap sa isang bayani o mandirigma na nagwagi sa labanan.

Sinaunang Pananampalataya (Bisaya)

Naniniwala ang mga Bisaya sa mga diwata o mga diyos at diyosa. Iba-iba ang pangalan ng mga Bisayang diwata ayon na rin sa kani-kanilang lugar.

Dalikmata diwatang maraming mata, hinihingan ng tulong kapag may sakit sa mata.

Makabosog nagtutulak sa isang tao upang maging matakaw

Magwayen naghahatid ng kaluluwa patungong impiyerno

Pandaki sumasagip sa mga kaluluwa para sa higit na mabuting kapalaran sa kabilang buhay.

Lalahon ang diwatang nakatira sa Bulkang Kanlaon na pinaniniwalaang nagbubuga ng apoy

Tao-tao o bata-bata imahen ng mga diwata

Sinaunang Pananampalataya (Tagalog)

Bathala pinaniniwalaan ng mga Tagalog na siyang tagapaglikha at makapangyarihan sa lahat. Tinatawag ding Molayri o Mayari.

Lakapati pinaghahandugan para sa patubig at magandang ani.

Lakanbakod para sa pagbabakod ng lupang sinasaka

Hayc diyosa ng dagat

Aman Ikabli patron ng mga mangangaso

Dian Masalanta patron ng mga mangingibig at panganganak

Mankukutod tagapangalaga ng mga palma ng buko