4
Ang ebolusyon ng tao ang proseso ng ebolusyon na tumungo sa paglitaw ng mga modernong tao. Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa huling pinakakaraniwang ninuno ng lahat ng buhay ngunit ang paksa ng ebolusyong pang-tao ay karaniwang sumasakop lamang sa kasaysayang pang-ebolusyon ng mga primado sa partikular na ang henus na Homo at sa paglitaw ng homo sapiens bilang natatanging species ng mga hominid (dakilang bakulaw). Ang pag-aaral nito ay kinabibilangan ng maraming mga disiplinang pang-agham kabilang ang pisik na antropolohiya, primatolohiya, arkeolohiya, embryolohiya at henetika. Ang lahat ng mga kasalukuyang nabubuhay na tao ay nagmula sa Silangang Aprika kung saan ang modernong tao ay nagebolb. Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng isang bilang ng mga pagbabagong morpolohikal, pang pag-unlad, pisiolohikal at pang-pag-aasal na nangyari mula sa paghahati pagitan ng huling karaniwang ninuno ng mga tao at chimpanzee. Ang pinakamahalagang mga pagbabagong ito sa tao ang bipedalismo, lumaking sukat ng utak, humabang ontoheniya, lumii na dimorpismong seksuwal.Noong mga ! milyong taong nakakalipas, ang impraorden na Simii"ormes ay nagsanga tungo sa mga pangkat na #latyrrhini (mga $agong %aigdig na unggoy) at &atarrhini (mga hominoid at mga 'umang %aigdig na unggoy). *+ Ang mga hominoid (bakulaw) ay humiwalay mula sa mga 'umang %aigdig na unggoy sa pagitan ng * milyon at . milyong taong nakakalipas. Ang Hylobatidae (mga gibbon) ay humiwalay mula sa Hominidae (mga dakilang bakulaw) noong mga /*! milyong taong nakakalipas. Ang #onginae (mga orangutan) ay humiwalay mula sa Hominidae noong mga */ milyong taong nakakalipas. Ang mga ninuno ng mga orangutan o mga malapit na nauugnay rito ay maaaring kinakatawan ng mga "ossil gaya ng Si0apithecus at 1amapithecus na natuklasan sa mga burol Siwalik ng #akistan. Ang mga gorilya ay humiwalay sa linya na tumutungo sa #an (chimpanzee bonobo) at tao noong mga ! milyong taong nakakalipasAng species na malapit sa huling karaniwang ninuno ng mga gorilya, mga chimpanzee, mga bonobo at mga tao ay maaaring kinakatawan ng mga "ossil na Nakalipithecus na natagpuan sa 2enya at 3uranopithecus na natagpuan sa 4resya. Ang linyang #an(chimpanzee at bonobo) ay humiwalay sa linya na tumutungo sa tao noong mga 5 hanggang 6 milyong taong nakakalipas. #agkatapos nito, ang chimpanzee at bonobo ay naghiwalay noong kaunti sa milyong taong nakakalipas.Ang pinakamaagang hominin na bipedal ang Sahelanthropus o 3rrorin na posibleng ang pinagsasaluhang ninuno ng parehong tao at chimpanzee. Ang Ardipithecus ang kalaunang unang buong bipedal na hominin na posibleng nagebolb tungo sa henus na Australopithecus 7+ Ang australopithecus ay nag-ebolb naman tungo sa henus na Homo. Ang pinakamaagang kasapi ng Homo ang homo habilis na nagebolb noong mga *. milyong taong nakakalipas. Ang homo hablis ang unang species na gumamit ng mga kasangkapang bato. Sa sumunod na mga milyong taon, ang proseso ng ensepalisasyon ay nagsimula sa paglitaw ng Homo erectus. Ang homo erectus a

Sinaunang Tao

Embed Size (px)

DESCRIPTION

HEKASI

Citation preview

Ang ebolusyon ng tao ang proseso ng ebolusyon na tumungo sa paglitaw ng mga modernong tao. Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa huling pinakakaraniwang ninuno ng lahat ng buhay ngunit ang paksa ng ebolusyong pang-tao ay karaniwang sumasakop lamang sa kasaysayang pang-ebolusyon ng mga primado sa partikular na ang henus na Homo at sa paglitaw ng homo sapiens bilang natatanging species ng mga hominid (dakilang bakulaw). Ang pag-aaral nito ay kinabibilangan ng maraming mga disiplinang pang-agham kabilang ang pisikal na antropolohiya, primatolohiya, arkeolohiya, embryolohiya at henetika. Ang lahat ng mga kasalukuyang nabubuhay na tao ay nagmula sa Silangang Aprika kung saan ang modernong tao ay nagebolb. Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng isang bilang ng mga pagbabagong morpolohikal, pang pag-unlad, pisiolohikal at pang-pag-aasal na nangyari mula sa paghahati sa pagitan ng huling karaniwang ninuno ng mga tao at chimpanzee. Ang pinakamahalagang mga pagbabagong ito sa tao ang bipedalismo, lumaking sukat ng utak, humabang ontoheniya, lumiit na dimorpismong seksuwal.Noong mga 40 milyong taong nakakalipas, ang impraorden na Simiiformes ay nagsanga tungo sa mga pangkat na Platyrrhini (mga Bagong Daigdig na unggoy) at Catarrhini (mga hominoid at mga Lumang Daigdig na unggoy).[12] Ang mga hominoid (bakulaw) ay humiwalay mula sa mga Lumang Daigdig na unggoy sa pagitan ng 29 milyon at 34.5 milyong taong nakakalipas. Ang Hylobatidae (mga gibbon) ay humiwalay mula sa Hominidae (mga dakilang bakulaw) noong mga 1520 milyong taong nakakalipas. Ang Ponginae (mga orangutan) ay humiwalay mula sa Hominidae noong mga 1215 milyong taong nakakalipas. Ang mga ninuno ng mga orangutan o mga malapit na nauugnay rito ay maaaring kinakatawan ng mga fossil gaya ng Sivapithecus at Ramapithecus na natuklasan sa mga burol na Siwalik ng Pakistan. Ang mga gorilya ay humiwalay sa linya na tumutungo sa Pan (chimpanzee at bonobo) at tao noong mga 10 milyong taong nakakalipasAng species na malapit sa huling karaniwang ninuno ng mga gorilya, mga chimpanzee, mga bonobo at mga tao ay maaaring kinakatawan ng mga fossil na Nakalipithecus na natagpuan sa Kenya at Ouranopithecus na natagpuan sa Gresya. Ang linyang Pan(chimpanzee at bonobo) ay humiwalay sa linya na tumutungo sa tao noong mga 6 hanggang 7 milyong taong nakakalipas. Pagkatapos nito, ang chimpanzee at bonobo ay naghiwalay noong kaunti sa 1 milyong taong nakakalipas.Ang pinakamaagang hominin na bipedal ang Sahelanthropus o Orrorin na posibleng ang pinagsasaluhang ninuno ng parehong tao at chimpanzee. Ang Ardipithecus ang kalaunang unang buong bipedal na hominin na posibleng nagebolb tungo sa henus na Australopithecus[18] Ang australopithecus ay nag-ebolb naman tungo sa henus na Homo. Ang pinakamaagang kasapi ng Homo ang homo habilis na nagebolb noong mga 2.3 milyong taong nakakalipas. Ang homo hablis ang unang species na gumamit ng mga kasangkapang bato. Sa sumunod na mga milyong taon, ang proseso ng ensepalisasyon ay nagsimula sa paglitaw ng Homo erectus. Ang homo erectus at homo ergaster ang unang mga hominina na lumisan sa Aprika. Ang mga ito ay kumalat sa Aprika, Asya at Europa sa pagitan ng 1.3 hanggang 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang mga ito ang pinaniniwalaang ang mga species na unang gumamit ng apoy at mga komplikadong kasangkapan. Ayon sa Recent African Ancestry theory, ang mga modernong tao ay nagebolb sa Aprika noong mga 200,000 taong nakakaraan mula sa Homo heidelbergensis na nag-ebolb naman mula sa Homo ergaster. Ang mga homo sapiens ay lumisan sa kontinenteng Aprika noong 50,000 hanggang 100,000 taong nakakalipas.

May tatlong paliwanag tungkol sa pinagmulan ng tao. Ang una diyan ay ang mga paliwanag mula sa mga mitolohiya. Ayon sa mitolohiya na pinaniniwalaan ng mga Filipino, nailuwal sa mundo ang mga tao sa pamamagitan ng isang kawayan. Ayon sa kwento, may isang ibon na lumilipad sa kalangitan ang dumapo sa isang malaking kawayan at tinuka-tuka ito hanggang sa mahati sa dalawa. Lumabas sa kawayan ang dalawang tao at tinawag silang si "Malakas" at si "Maganda". Sila daw ang pinagmulan ng mga tao sa daigdig.

SINA ADAN AT EBAIsa sa mga nagkatha at tagapagtaguyod ng Teoryang ito ng ebolusyon ng tao ay si Chalrs Darwin.

CHARLES DARWINAyon sa kanyang paliwanag, lahat daw ng specie sa daigdig ay nagmula sa iisang ancestor at na dumami ito at naging ibat-ibang specie at na ang taning "matibay at malakas" ay siyang nag evolve sa pamamagitan ng tinatawag na "natural selection". Hindi lahat ay tumanggap sa kanyang pananaw, subalit naging batayan ito ng mga siyentipikong pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng tao.

MGA SIYENTIPIKO AT ARKEOLOGONG TUKLAS NA MAKAPAGBIBIGAY PALIWANAG TUNGKOL SA PINAGMULAN NG TAO.Batay sa maka-siyentipikong pag-aaral ng pinagmulan ng mga tao, ang mga tao daw ay nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes. Ito ang tinatawag nilang mga specie ng "AUSTROLAPETHICUS" at ang pinakahuli ay ang specie ng mga "HOMO". Tinatayang nabuhay mahigit 2.5 milyong taon na ang nakalilipas.*HOMO --- Nangangahulugang TAO, sila ang pinakahuling lumitaw na specie ng tao at pinaniniwalaang siyang ating pinagmulan. May tatlong tanyag na HOMO na natagpuan ng mga Antropologo. Ito ang mga sumusunod na Homo specie na natuklasan ng mga antropologo sa ibat-ibang panig ng Daigdig, una ang mga HOMO HABILIS, ikalawa ang mga HOMO ERECTUS, at ang ikatlo ay ang mga HOMO SAPIENS. HOMO HABILIS --- Nangangahulugang taong marunong gumawa ng gamit o kagamitan.("HANDY MAN")

HOMO ERECTUS --- Nangangahulugang "upright man" o taong tuwid kung tumayo. Natatangi sa ibang genus ng mga HOMO sapagkat siya ay tuwid kung tumayo kumpara sa ibang HOMO na medyo kuba pa ang pangangatawan.May kakayahan na din siyang gumawa ng mga kagamitan(tools)at nabuhay mahigit 1.9 milyong taon na ang nakakaraan.

HOMO SAPIENS --- Nangangahulugang "modernong tao". Ang genus ng mga HOMO na nabubuhay hanggang ngayon. Tayo ang tinutukoy dito, lahat ng tao na nabubuhay ngayon ay sinasabing dito nagmula.