Solusyon o Konsumisyon Part II

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/30/2019 Solusyon o Konsumisyon Part II

    1/6

    SOLUSYON O KONSUMISYON?KABANATA II

    Sa mahigit na apat na raan (400) na taon sa kasaysayan ng bayan ng Majayjay, ang Punongbayanng ating bayan na nakahawak ng pinakamalaking budget o pondo o pera ng ating bayan ay walang ibakung hindi si Ex-Mayor Victorino Tino Rodillas. Sa loob ng siyam (9) na taon na kanyang panunungkulanbilang Punongbayan magmula noong June 30, 2001 hanggang June 29, 2010, si Ex-Mayor Tino Rodillasay humawak ng budget o pondo o pera ng ating bayang na nagkakahalaga ng Dalawang DaanAnimnaput Limang Milyon Apat na Raan Tatlumput Dalawang Libong Isangdaan Walumput LimangPiso at 30/100 (P265,432,185.30). Ang pera ng ating bayan na hinawakan ni Ex Mayor Tino Rodillas ay

    nakasaad sa approved budget ng ating bayan magmula 2002 hanggang 2010 at ito ay ang sumusunod:

    Maliwanag na nakasaad sa itaas nito na ang budget o pera o pondo ng ating bayan na dumaan sapamamahala ni Ex-Mayor Tino Rodillas bilang Punongbayan ay nagkakahalaga ng P265,432,185.30.Ang paghawak po ni Ex-Mayor Tino Rodillas sa pondo ng ating bayan na P265, 432,185.30 ay hindi niyapwedeng itanggi dahil ito ay base mismo sa approved budget ng ating bayan magmula noong taong 2002hanggang 2010. Ang approved budget ng ating bayan na pirmado mismo ni Ex-Mayor Tino aymatatagpuan at maaring suriin ninyo sa facebook ng Gising Majayjay.

    Tandaan po natin, hindi po kasama sa halaga na P265,432,185.30 ang pondo o pera nanahawakan ni Ex-Mayor Tino na galing o mula sa pork barrel ng ating mga Senators at Kongresista atmaging ang pondo na galing sa ating Provincial Government. Kung idadagdag pa natin ang mganasabing pondo sa halaga na P265,432,185.30, lumalabas na mahigit na Tatlong Daang Milyon Piso(P300,000,000.00) ang nahawakan ni Ex-Mayor Tino na pondo ng bayan. Masarap po yata talaga nahumawak ng napakalaking pondo ng ating bayan kaya gusto na naman ni Ex-Mayor Tino na bumalik

  • 7/30/2019 Solusyon o Konsumisyon Part II

    2/6

    2

    bilang Punongbayan. Ito po rin yata ang dahilan kung bakit ang kanyang butihing maybahay ay gusto ringmaging Mayora noong nakaraang 2010 Election. Gusto po yata ni Ex-Mayor Tino Rodillas na magtayo ngpolitical dynasty sa ating bayan para masiguro na siya at kanyang pamilya lamang ang hahawak sanapakalaking pondo ng ating bayan.

    Matapos ang siyam (9) na taon sa puwesto ni Ex-Mayor Tino Rodillas at matapos niyangmakahawak ng budget o pera na P265,432,185.30, ano po ba ang nagawa ni Ex-Mayor Tino Rodillas saating bayan?

    Wala pong malinaw at magandang proyekto na paggawaing bayan na sa kaalaman ng mga taongbayan ay iniwan si Ex-Mayor Tino na magbibigay katuwiran sa paggastos ng halagang P265,432,185.30.Sa halip, si Ex-Mayor Tino ay nag-iwan ng utang na mahigit na P28,000,000.00 dahil sa tinatawag naTaytay Falls Scam. Ang iniwan po na utang na mahigit na P28,000,000.00 ni Ex-Mayor Tino aykasalukuyan ngayon na pinaghihirapan na bayaran ng ating bayan. Ayon sa budget ng ating bayan para

    sa taong 2013, ang bayan po natin ay naglaan ng halagang P1,800,000.00 para pambayad sa nasabinginiwang utang ni Ex-Mayor Tino na mahigit na P28,000,000.00. Taon-taon po ay kailangan maglaan angating bayan ng hindi bababa sa Isang Milyon Piso (P1,000,000.00) para pambayad sa nasabing utang namahigit na P28,000,000.00 na iniwan ni Ex-Mayor Tino hanggang sa ang nasabing utang ay mabayaranng ating bayan.

    Tayo ay nananawagan kay Ex-Mayor Tino na ipaliwanag sa taong bayan kung saan niya dinala opaano niya ginastos ang pondo ng ating bayan na nagkakahalaga ng P265,432,185.30 at paano nangyarina matapos ka na humawak ng pondo na P265,432,185.30 ay nag-iwan ka pa ng utang na mahigit naP28,000,000.00. Kung ang isang namumuno sa bayan ay malinaw na walang kakayahan para hawakanat pangalagaan ang pondo ng bayan, atin pong pakaisipin na mabuti kung tama bang iluklok o ibalik siyasa kapangyarihan?

    Ang isang namumuno sa bayan na walang kakayahan upang hawakan at pangasiwaan ng tamaang pondo ng bayan ay hindi dapat pagkatiwalaan na humawak sa kaban ng ating bayan dahil siya aymagbibigay lamang ng dusa at sakit hindi lamang sa bayan kung hindi higit sa lahat ay sa inyong sarilingkapakanan. Ang pagpapahalaga sa pagiging kaibigan o kamag-anakan o kumpare o kumare ni Ex-MayorTino ay isang napakagandang katangian ng isang tao, subalit kailangan rin nating pahalagahan angkapakanan ng ating bayan at nakararaming mamayan at higit sa lahat ang ating sariling kapakanan na

    tunay na magdudusa kung ilalagay o ibabalik natin sa kapangyarihan ang isang tao na maliwanag nawalang kakayahan para humawak at mangasiwa ng tama sa kaban ng ating bayan. Hindi magkakaroonng tunay na pag-unlad sa ating bayan kung hindi natin bibigyan ng mas malaking pagpapahalaga angkapakanan ng ating bayan at mas nakakaraming mamamayan.

    Base po sa approved budget ng ating bayan magmula 2002 to 2010, ipapakita po natin ngayonkung paano ginamit ni Ex-Mayor Tino ang napakalaking budget o pondo ng ating bayan naP265,432,185.30 sa mga walang katuturang paggastos o proyekto na walang malinaw nakapakinabangan na makukuha ang ating bayan.

    Katulad na ng nasabi natin sa unang kabanata ng Solusyon o Konsumisyon, ang balitangkaraniwang ginawa ng mga namamahala sa ating bayan upang mapagsamantalahan daw ang pera sakaban ng ating bayan ay sa pamamagitan ng tinatawag na budget realignment o paglilipat-lipat sapaggamit ng pondo ng ating bayan at sa pamamagitan pa rin sa paggawa ng tinatawag na supplemetalbudget at sa pag-iwas ng paggamit sa sistema sa paggawa ng budget na tinatawag na line budgeting.

  • 7/30/2019 Solusyon o Konsumisyon Part II

    3/6

    3

    Noong panahon ni Ex-Mayor Tino at magpahanggang ngayon, ayon sa isang pag-aaral angginagawa ng mga namamahala sa kaban ng ating bayan na pamamaraan sa paggastos ng pera ng atingbayan ay ang tinatawag na lump sum budgeting at ang dahilan po dito ay para madali daw namagpalipat-lipat ang paggamit sa pondo ng ating bayan at ng dahil po rin dito ay nawawala angkinakailangang kontrol sa paggamit sa pondo ng ating bayan.

    Kung walang kontrol sa paggamit sa pondo ng ating bayan, madali pong mapagsasamantalahanang kaban ng ating bayan. Ang pinakamagandang kontrol o proteksiyon sa paggamit ng pondo ng atingbayan ay ipagbawal ang budget realignment o paglilipat-lipat ng pondo o pagagawa ng supplementalbudget at dapat mahigpit na sundin ang tinatawag na line budgeting.

    Ang halimbawa po ng lump sum budgeting ay makikita natin sa approved budget ng ating bayanmula 2002 to 2010. Magmula 2002 to 2010, si Ex-Mayor Tino po ay naglagay ng budget para sa MunicipalDevelopment Fund, Calamity Fund at Grants at Donations. Katulad ng nakasaad sa itaas nito, ang

    nakalaang budget mula sa 2002 to 2010 para sa Municipal Development Fund, Calamity Fund at Grantsat Donations ay ang sumusunod:

    Maliwanag po sa approved budget ng ating bayan magmula 2002 to 2010, na ang kabuuangbudget para sa loob ng siyam na taon para sa Municipal Development Fund ay Apatnaput Pitong MilyonApat na raan Animnaput anim na Libo Tatlong daan Pitomput Tatlo Piso (P47,466,373.00), ang kabuuangbudget naman para sa Calamity Fund ay Pitong Milyon Pitong raan Apatnaput Siyam na Libo ApatnaraanLabingdalawang Piso (P7,749,412.00), at ang kabuuang budget naman para sa Grants at Donations ayAnim na Milyon Apatnaraan Walumput Walong Libo Dalawang Daang Piso (P6,488,200.00). Kaya angkabuuang budget para sa loob ng 9 na taon para sa Municipality Development Fund, Calamity Fund atGrants at Donations ay Animnaput Isang Milyon Animnaraan Animnaput Tatlong Libo Siyamnaraan

    Walumput-limang Piso (P61,663,985.00).

    Ano na ang nangyari sa halaga na P61,663,985.00 na inilaan ni Ex-Mayor Tino para sa MunicipalDevelopment Fund, Calamity Fund at Grants at Donations?

    WALA PONG NANGYARI AT ITO AY NAPUNTA LAMANG SA MGA WALANG KAPARARAKAN OKATUTURANG PROYEKTO O PAGGASTOS. Ang halaga na P47,466,373.00 ay hindi nagamit para saMunicipal Development o Local Projects dahil wala namang proyekto o pagawaing bayan na makakabutisa ating bayan ang maaring maipakita si Ex-Mayor Tino na pinagkagastusan ng halaga naP47,466,373.00. Kaya Ex-Mayor Tino ang taong bayan po ay nananawagan sa inyo, ipaliwanag po ninyokung saan ninyo ginastos o dinala ang napakalaking halaga nakalaan para sa Municipal DevelopmentFund na P47,466,373.00?

    Ganoon na po din ang Calamity Fund na may kabuuan na P7,749,412.00, pakipaliwanag po Ex-Mayor Tino kung saan po ninyo dinala ang Calamity Fund na P7,749,412.00?

  • 7/30/2019 Solusyon o Konsumisyon Part II

    4/6

    4

    Ang mga taong bayan po ay walang natatandaan na calamity o kalamidad o malakingkapahamakan o sakuna na dumating sa ating bayan magmula 2002 to 2010 na maaring pinagkagastusanninyo ng halaga na P7,749,412.00.

    Ganoon na rin ang Grant at Donations na may kabuuang halaga na P6,488,200.00, puwede po baEx-Mayor Tino pakilabas ninyo ang listahan ng mga tao na nakatanggap ng Grant at Donation sanasabing halaga na P6,488,200.00.

    Ang kabuuang halaga na P61,663,985.00 para sa Municipal Development Fund, Calamity Fund atGrants at Donations ay napakalaking halaga Ex-Mayor Tino at kaya po ang ating mga mamamayan ayhumihingi ng paliwanag kung saan ninyo dinala ang halaga na P61,663,985.00. Ang mga taong bayan poay humihingi ng listahan ng pinagkagastusan ninyo ng halagang P61,663,985.00.

    Ang Municipal Development Fund ay pondo na dapat gamitin para sa mga paggawaing bayan

    tulad sa pagpapaganda at pagpapabuti ng sistema ng tubig na ating inumin (potable water). Kaya po yungMunicipal Development Fund na P47,466,373.00 ay dapat ginamit ni Ex-Mayor Tino sa pagpapaganda opagpapabuti ng sistema ng tubig na ating inumin. Kung ginamit lamang ni Ex-Mayor Tino ang halaga naP47,466,373.00 para pagandahin at pagbutihin ang sistema ng tubig na ating inumin (potable water) sanapo tayo ay wala ngayong malaking problema sa inuming tubig, sana po ang isang dayuhan ay hindi nanakarating sa ating bayan upang pagsamantalahan ang ating yamang tubig, at sana po tayo ay walangkinakaharap ang ating mga kababayan na mataas na singil sa bayad ng tubig.

    Kaya mga kababayan, kung mayroon po tayong dapat na unang sisihin sa ating kinakaharap namalaking problema sa tubig at mataas na singil sa tubig, ito po ay walang iba kung hindi si Ex-Mayor TinoRodillas dahil sa napakalaking pondo na P47,466,373.00 para sa Municipal Development Fund ay hindiniya napaganda at napagbuti ang sistema ng ating inuming tubig. Sa halip na gamitin ang MunicipalDevelopment Fund na P47,466,373.00 sa pagpapaganda at pagpapabuti ng sistema ng ating tubig nainumin, ang nasabing halaga ay sinasabi sa mga balita na nalustay daw sa mga walang kapararakangproyekto o pagkakagastuhan at siya nag-iwan pa ng napakalaking utang na P28,000,000.00. Hindi po baang ganitong gawain ay nagdala ng malaking konsumisyon sa ating bayan?

    Kung mabalik sa kapangyarihan si Ex-Mayor Tino, malamang ay gagawin niyang paghawak sapondo ng ating bayan ay katulad po rin ng dating gawi ng paghawak ng pondo ng bayan na kanyang

    ginawa dahil sa kasalukuyang pangangampanya niya ay wala tayong naririnig sa kanya na anumangpagbabago na gagawin niya sa paghawak ng pondo ng ating bayan. Hindi po makakaahon sa paghihirapang ating bayan hanggang ang mga namumuno sa ating bayan ay hindi binabago ang bulok na sistemasa paghawak ng pondo ng ating bayan.

    Ang bayan at mga mamamayan po ay humihingi ng isang paliwanag mula kay Ex-Mayor Tino atmaging kina Mayor Filo Guera at Vice-Mayor Ana Rosas at G. Ben Cobrado kung bakit hinayaan nila angisang bulok na sistema sa paghawak ng pera ng ating bayan. Sana po ay mabigyan nila tayo ng isangpaliwanag kung bakit sa laki ng pera o pondo ng kaban ng ating bayan na dumaan sa kanilangpangangasiwa ay hindi nila napaganda at napagbuti ang sistema ng ating inuming tubig na hindi na natinkailangan pang mangutang o kumuha ng isang pribadong kontraktor.

    Na ating nasabi na noon na ang aprroved budget ng ating bayan noong 2012 ay P47,322,645.00at dito ay may nakalaang pondo para pambayad sa kuryente na P1,000,000.00, subalit nabalita noongnakaraang taon na kaya nawalan ng ilaw sa ating Munisipyo ay dahil naputulan ng kuryente dahil hindi

  • 7/30/2019 Solusyon o Konsumisyon Part II

    5/6

    5

    daw nakakabayad sa MERALCO. Bakit, saan napunta ang nakalaang budget o pondo na P1,000,000.00na pambayad sa kuryente?

    Si Vice Myor Ana Rosas at G. Ben Cobrado ay hindi puwedeng maghugas ng kamay sa bulok nasistema ng paghawak sa pondo ng ating bayan. Bilang Vice Mayor, si Vice Mayor Ana Rosas angnamumuno sa ating Sangguniaang Bayan na siyang nag-aaproba o nagpapasa ng budget ng ating bayan,dapat ay hindi niya pinayagan ang tinatawag na budget realignment o supplemental budget na siyangsinasabing karaniwang ginagawa na pamamaraan upang mapagsamantalahan ang kaban ng bayan.

    Samantalang si G. Ben Cobrado po naman ang Municipal Budget Officer (MBO) ng ating bayanmagmula noong 1992 hanggang 2012. Bilang MBO, si G. Ben Cobrado po ang naghahanda ng budget ngating bayan, at kung kinakailangan, sinasabi po na siya ang naghahanda ng tinatawag na budgetrealignment o paglilipat ng pondo at siya rin po ang naghahanda ng tinatawag na supplemental budget.

    Kaya si Ex-Mayor Tino Rodillas, Mayor Filo Guera, Vice Mayor Ana Rosas at G. Ben Cobrado ayang tinatawag sa balita na 4 IN 1 dahil iisa ang sistema ng paghawak sa pondo ng ating bayan nakanilang nalalaman at ginagawa, at kaya sinasabi po ng mga tao sa ating bayan ay malamang namagpatuloy ang bulok na sistema ng paghawak sa pondo ng ating bayan kung maluluklok sakapangyarihan ang sinuman sa 4 IN 1.

    Maliwanag na nakasaad sa Section 287 ng Local Government Code na dapat 20% ng InternalRevenue Allocation (IRA) ng ating bayan ay mapunta sa Local Development Projects, pero sa loob ngpanunungkulan ni Ex-Mayor Tino ay wala po tayong makikita na maganda at makatuturan na LocalDevelopment Projects na ginawa o pinagkagastusan ng ating IRA. Ang Local Development Projects aymga pagawaing bayan tulad ng pagpapaganda at pagpapabuti sa sistema ng ating inuming tubig. Ang20% po ng pondo na nahawakan ni Ex-Mayor Tino na P265,432,185.30 ay may katumbas na halaga naP53,086,437.06. Kung ang halaga po lamang na P53,086,473.06 o maski ang kalahati na lamang nito ayginamit ni Ex-Mayor Tino para sa pagpapaganda at pagpapabuti ng sistema ng ating inuming tubig,sigurado po tayo na hindi natin kailangang kumuha ng pribadong kontraktor o mangutang para tayo aymagkaroon ng isang magandang sistema ng inuming tubig dito sa ating bayan.

    Ang SUSI sa pag-unlad ng ating bayan ay kailangan ang mga namumuno sa ating bayan aygumawa ng isang MALINIS, MATAPAT AT TAMANG PAGGAMIT SA PONDO O PERA NG ATING

    BAYAN. Sa pamamagitan ng malinis, matapat at tamang paggamit sa pondo o pera ng ating bayan, angating bayan ay magkakaroon ng sapat na pondo para sa paggawaing bayan tulad ng pagpapaganda atpagpapabuti ng ating sistema sa inuming tubig, magkaroon din ng pondo ang ating bayan para sakabuhayan o hanapbuhay (livelihood) ng ating mga kababayan, at magkakaroon din tayo ng sapat napondo para sa libreng edukasyon o pag-aaral ng ating mga kabataan para sila ay makapag-aral sakolehiyo na siyang susi para sa kanilang magandang kinabukasan.

    Sa mga kasalukuyang kandidato sa ating bayan sa darating na May Election, sa ating nalalamanay iisa lang po ang grupo na masugid at patuloy na nagsusulong sa adhikain na ang ating bayan aymagkaroon ng isang malinis, matapat at tamang paggamit sa pondo o pera ng ating bayan at ito ay angESMAQUEL-RONABIO (ER) TEAM. Kung papalarin ang ESMAQUEL-RONABIO TEAM na manalo sadarating na halalan, sisiguraduhin po nila na ang 20% ng IRA ng ating bayan ay mapunta at magamitpara sa Local Development Projects ayon na rin sa nakasaad sa Section 287 ng Local Government Code.Kung ang 20% ng IRA ng ating bayan ay malalagay at magagamit para sa Local Development Projects,tayo po ay nakakasigurado na mapapaganda at mapapabuti natin ang sistema ng inumin ng ating patubig

  • 7/30/2019 Solusyon o Konsumisyon Part II

    6/6

    6

    na hindi natin kailangang mangutang o kumuha ng isang pribadong kontraktor at ng dahil dito aymasisigurado po natin na hindi tataas ang singil sa bayad sa tubig.

    Ang solusyon po sa problema natin na inuming tubig ay hindi ang pagkuha ng isang pribadongkontraktor na magpapataas sa singil sa bayad sa tubig. ANG TAMA PO NA SOLUSYON AY GAMITINNATIN ANG NAPAKALAKING PERA O PONDO NG ATING BAYAN PARA SA PAGPAPAGANDA ATPAGPAPABUTI SA SISTEMA NG ATING INUMING TUBIG AT ITO AY MAGAGAWA PO LAMANGNATIN SA PAMAMAGITAN NG ISANG MALINIS, MATAPAT AT TAMANG PAGGAMIT SA PONDO OPERA NG ATING BAYAN.

    Kaya para sa pag-unlad ng ating bayan tayo po ay bumoto ng STRAIGHT:

    ESMAQUEL-RONABIO (ER) TEAM

    2 ALLAN Z. ESMAQUEL MAYOR4 TORIO Z. RONABIO- VICE-MAYOR12 AKONG DE VERA KONSEHAL14 LEO ESQUILLO KONSEHAL21 MARIO NOMBRADO KONSEHAL24 FERDINAND DING ROS - KONSEHAL26 NARCISO CISO RUBIALES KONSEHAL32 JOYCE VILLARANTE KONSEHAL5. DR. JHOUL VITASA-BARBA (Guest) KONSEHAL

    HUWAG IPAGPALIT ANG KINABUKASAN MO SA SANDALING BIYAYA NA

    MATATANGGAP MO!!!

    Paid for by Gising Majayjay