13
suring Aklat Victor Ang Tundo man May Langit Din bela ni: Andres Cristobal Cru Ipinasa ni: Alma & Victor Ipinasa Kay: Danna Claire Javier IV-Science Class Mrs. S. Sabeniano c

suring aklat.pptx

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: suring aklat.pptx

suringAklatVictor

Ang Tundo man May Langit Din

(Nobela ni: Andres Cristobal Cruz)Ipinasa ni:

Alma & Victor

Ipinasa Kay:

Danna Claire JavierIV-Science Class

Mrs. S. Sabeniano

c

Page 2: suring aklat.pptx

Ang Tundo man May Langit DinI.

Pagk

ilala

sa M

ay

Akda

Andres

Cristobal

Cruz

Si

ay isang batikang manunulatna bihasa sa larangan ngliteratura at pagpipinta. Ipinanganak siya bago

dumating ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Maynila. Siya’y naninirahan sa Tundo ng mga panahong iyon kung kaya’t ang

kanyang mga karanasan dito ang kanyang naging inspirasyon sa pagbuo ng kanyang panganay na nobelang “Ang Tundo Man May

Langit Din”. Ibinuhos niya rito ang lahat ng kanyang saloobin patungkol sa kanyang kinalakihan bilang mabuti’t masamang lugar.

Sinalamin nito ang kanyang buhay na puno ng pagsubok, kabiguan at tagumpay, na may diwang ispiritwal, damdaming mapaghimagsik at ang pagkilos na makatao’t makabayan. Ninais niyang umunlad kaya’t

pinanindigan niya ang kanyang pangarap at buong pusong ipinagmamalaki sa lahat ang langit na kanyang natagpuan sa Tundo.

Sa katunayan, iminulat niya ang mata ng karamihan na ang mabahong esterong kanyang nakagisnan ang nagdulot sa kanya upang marating mahalimuyak na simoy na tagumpay. Mula sa

pagiging Assistant Director ng The National Library, Career Executive Service Officer Rank II at paglilingkod sa gobyerno ng dalawampung

taon ang nagbunsod sa kanya upang lalong patingkarin ang kabulukan ng kalakaran sa ating lipunan, maging ang dungis ng

pulitika. Bago pa man siya mamatay ay nanatili siyang Vice – Chairman ng Pambansang Komite sa Wika at Panitikan ng National

Commission for Cuture and the Arts at kolumnista ng isyu, kung saan siya’y nagpapatuloy sa panghihikayat sa mga kabataan na magdulot

ng isang magandang pagbabago para sa inang bayan at maging isang makabagong Ibarra ng kani-kanilang kapanahunan.

pa man sumapit ang 1930 at kabataan niya nang

Page 3: suring aklat.pptx

Ang Tundo man May Langit DinII.

Uri

ng P

aniti

kan

Ang nobelang ito’y nagtataglay ng isang damdaming mapaghimagsik kung saan nananaig ang pagmamahal sa bayan mula sa mga nagkalat na kasamaang hatid ng diskriminasyon mula sa mga mayayaman at mahihirap at marami pang iba. Ang bawat kabanata’y puno ng makaantig damdaming nanunuyo sa mga mambabasa na maramdaman ang himig ng kanyang pagsusumamo para aninagin ang isang magandang bukas na hindi malayo sa kanyang tingin sa Tundo na may langit din.

Ang Tundo man May Langit Din

III. L

ayun

in n

g M

ay

Akda

Ang kahalagahan ng nobela kung bakit ito naisulat ay mababakas sa kahalagahan ng pag-asa na dapat taglayin ng isang daigdig para sa magandang bukas. Ito’y naglalayon na manghikayat na magkaisa sa pagputol ng mga malalalim na ugat ng kapinsalaan ng lipunang Pilipino. Tinutuligsa rin nito ang mga Pilipinong nagmistulang estranghero sa kanilang sariling bayan at ang mga dungis ng politika. Lubusang ipinaintindi ng manunulat na walang maidudulot na maganda ang pagiging mapusok at nasa sa atin ang kaligtasan mula sa sariling pagsisikap na matutong humarap at huwag takbuhan ang malubhang karamdaman ng ating lipunan. Pinalutang dito ang pagbuo ng isang daigdig na nagtataglay ng katotohanan at katapatan na katulad ng Tundo ay umaasa’t nagsisikap. Sinikap ng may akda na hikayatin ang bawat isa na magpatuloy sa pangangarap at hindi hadlang ang kahirapan upang mapunan ang ating mga kakulangan at tumungo sa tuwid na landas ng kaunlaran, bagama’t ang pangangailangan ng ating bayan ay walang katapusan na kung tutuusin ay parang estero sa Tundo na malinis ngayon, bukas ay marumi. Itinanim din ng nobelang ito ang pagiging positibo sa pagsasabing ang Tundo man ay may langit din.

Page 4: suring aklat.pptx

Ang Tundo man May Langit DinIV.

TEM

A O

PAKS

AAng nobelang ito ay lubhang

makahulugan para sa ating lipunang gianagalawan sa kasalukuyan. Ang lahat ng mga pangyayari na nagpapakita sa malubhang sakit ng lipunan ay sadyang napapanahon at makatotohanan. Sukdulan nitong ibinukas ang isipan ng mga mambabasa patungkol sa kabulukan ng sistema ng kalakalan, hindi lamang sa Tundo, sa buong Pilipinas. Higit na namukadkad ang pag-iibigan ng dalawang taong nagmula sa makaibang lipunan ngunit pinagtagpo sa iisang paniniwala na ang Tundo man ay may langit din.Ang Tundo man May Langit Din

V. M

ga Ta

uhan

/ Ka

rakt

er

Ang mga sumusunod na tauhan ang nagbigay kulay sa nobela. Sila ang mga pangunahing tauhan na nagsiwalat at tumuklas sa buhay-Tundo at ang iba’y mga di-pangunahing tauhan subalit mahalaga ang kanilang ginampanan upang mabuo ang mga mahahalagang aral na dapat matutunang kinapapalooban ng nobela.

• Victor del Mundo - Siya ay ang tinaguriang makabagong Ibarra na kailangan sa isang komunidad para sa pagbabago. Kahit na napakamasalimuot ng proseso ng kanyang edukasyon ay nanatili siyang may pagtitimpi, mayroong katatagan at higit sa

lahat may paninindigan na handing gawin ang lahat para sa kanyang sariling bayan. Bagama’t siya’y nagmula sa Tundo, isang lugar sa Maynila na kilala sa

kabagsikan nito, ay nais niyang ipakita sa lahat na ang Tundo man, may langit din.

Victor

Page 5: suring aklat.pptx

Ang Tundo man May Langit Din

Mayroon siyang matibay na determinasyon at matalino siyang maituturing dahil sa pagsasabuhay ng lahat ng kanyang natutunan sa unibersidad at higit na kahanga-hanga sa hindi pagsabay sa pagpapalaki ng lumalalim at lalong lumalakas na ugat ng kapinsalaan ng lipunang Pilipino. Kasalukuyan siyang nagtuturo upang itatak sa isipan ng mga kabataan na dapat ay magkaroon sila ng gawaing magbubuklod sa kanila. Isa siya sa mga nagbibigay pag-asa sa masa na lumaban para sa pagbabago at higit sa lahat ay nagsisikap at umaasa para sa magandang bukas kung saan kaugnay niya sa pangarap na ito ang kanyang asawa na si Alma.

V. M

ga Ta

uhan

/ Ka

rakt

er

• Alma Fuertes del Mundo- Siya ang itinuturing na natatagong hiyas ng kanyang maharlikang angkan ng mga Fuertes sa pagiging palaban at matapang na sumunod sa iniaatas ng kanyang sariling pananalig at damdamin. Siya’y kilala sa deskripsyon ng karamihan na maganda, mabait at mayaman at tulad ng kanyang kabiyak na si Victor, isa rin siyang maestra sa Torres High

School, isang pampublikong paaralan sa Tundo, na nagtitiwala na ang Tundo man ay may langit din. Siya’y maituturing na dakila sa pagrerebelde’t pagtatakwil sa marangyang buhay dahil ayaw niyang makasakit. Ayaw niyang magsamantala’t magmalabis. Ayaw niyang piringan ang mga mata ng mga mahihirap, busalan ang kanilang mga bibig ng salapi. Ayaw niyang alisan ang mga dukha ng kalayaan at hadlangan sila sa kanilang mga karapatan upang lumigaya at maging marangal. Sa kabila ng lahat ng ito, kaugnay niya ang Tundo, ang daigdig ng katotohanan. Siya ay tumuklas ng isang bago’t matapang na daigdig na pinaghaharian ng kapayapaan at may simpleng buhay kung saan si Victor, ang kanyang Tundo, ay magkaugnay na lumikha ng pangarap sa daigdig na may langit na biyaya ng pag-ibig.

Page 6: suring aklat.pptx

Ang Tundo man May Langit DinV.

Mga

Tauh

an/

Kara

kter

• Flor- Siya ang dating katipan na Victor na nagwasak sa kanilang masasayang mga pangarap noong kanilang kabataan dahil sa hindi siya nagtiwala sa paniniwala ni Victor na “ang Tundo man, may langit din”. Siya’y puno ng pagsisisi sa ginawa niyang pag-iwan kay Victor dahil sa pagiging mapusok sa pagnanais ng magandang buhay. Siya’y tinawag ni Alma na isang Tundo na naghangad ng isang kinabukasang malayo sa barung-barong, sa estero, sa kalakaran ng buhay Tundo: kumain kung may kakanin, kung wala’y matulog at bahala na. Ang kanyang malagong buhok na may bangs at nakalugay hanggang balikat ay lalong nagpatingkad sa maganda niyang mukha, balingkinitang katawan at mahalimuyak na amoy na nagpaakit kay Tonyo Flores na naglayo sa kanya sa Tundo’t naglipat sa Ermita. Huli na nang malaman niyang siya’y kabit lamang nito at ang katotohana’y ang sanggol na isinilang niya mula kay Tonyo ang bunga ng kanyang kapusukan.

• Lukas del Mundo- Siya ay tinaguriang “Lukas Bakas” ng mga taga-Looban sa angking tapang at takaw-gulo nito. Siya ang nakatatandang kapatid ni Victor at palaging may pinaglalaban. Likas sa kanya ang pagiging ma-barkada ngunit may kalambutan din ang kanyang puso pagdating sa pamilya at kay Pasing na kanyang iniibig. Tapat na lingkod siya ng isang politiko’t sangkot sa dungis ng politika.• Mister Fuertes

- Siya’y kongkretong larawan na nagsilbing tagawasak sa marangyang mundo ni Alma na naging dahilan ng pagrerebelde nito. Pinagsamantalahan niya si Dolores na dati nilang labandera at ngayon ay naninilbihan kay Flor. Siya ang ama ni Alma, ang pinakahinangaan niyang anak dahil sa ugali nito, na naging tungkod ng lipunan at kanilang pagkakaroon ng ikasusunod sa kanilang mga karangyaan.

Page 7: suring aklat.pptx

Ang Tundo man May Langit DinV.

Mga

Tauh

an/ K

arak

ter

• Aling Sion- Siya ang ina ni Victor. Matanda na siya ngunit simula pa noong una’t hanggang ngayong namatay na ang kanyang asawa ay tapat pa rin siyang nagmamahal dito. Lubos niyang pinahahalagahan ang kanyang pamilya at para sa kanya’y napakalaking kasiyahan ang makita niyang makapagtapos ng pag-aaral si Victor at matulungan si Victor sa kanyang buhay may-asawa.

• Paeng Gasti- Siya ang isa sa mga pinakamatalik na tropa ni Lukas. Siya rin ay may malakas na kapit sa konsehal at matapang ngunit tiklop sa kanyang mataray na asawa. Isa siya sa mga may mabuting loob na mapagmalasakit kay Victor.

• Pilo- Siya ang pinaka-palabiro sa buong barakada nina Lukas. Matibay siya pagdating sa inuman at isa rin sa mga nagmamalasakit kay Victor.• Tatong Bamban

- Siya ang huli sa kanilang magbabarkada. Kasangkot din siya sa mga dungis ng politika. Kahit na sila’y maraming bisyo ay hindi sila nagsasawang tumulong kay Victor kung may pangangailangan ito. Silang apat nina Lukas, Paeng Gasti, Pilo at Tatong Bamban ay ang mga karakter na ang anyo’y likha ng lipunang ginagalawan nila sa Tundo.

• Dolores- Siya ang isa sa mga tinawag ni Alma na Tundo. Siya ang pinagsamantalahan ng ama ni Alma. Isa siya sa mga sawimpalad na pinagkaitan ng karapatan at binusalan ng salapi ang bibig upang huwag mag-eskandalo sa kasamaan ni Mister Fuertes. Siya’y dating labandera ng mga Fuertes at ngayon ay kasambahay ni Flor.

Page 8: suring aklat.pptx

Ang Tundo man May Langit Din• Tonyo Flores

- Siya’y mayaman at mapalad sapagkat pinagkalooban ng dalawang asawang mapag-unawa. Sila’y nagmamahalan ni Flor ngunit nagpaubaya si Flor dahil ang tunay niyang asawa ang may karapatan sa kanya. Siya’y responsable at mapagmahal ngunit maituturing na makasalanan.

 • Anton Flores

- Siya ang anak ni Flor at ni Tonyo Flores. Siya rin ang bunga ng kapusukan ni Flor at simbolo ng bulag na paghihimagsik ni Flor sa buhay-Tundo, bulag dahil sa halip na harapin ay tinalikuran niya’t nilisan.

 • Misis Fuertes

- Siya ang ina ni Alma na mahilig maglagay ng maraming palamuti sa kanyang ulo. Ninais niya katulad niya’y lumaki rin ang kanyang mga anak na tanyag at sunud- sunuran sa luho ng lipunan.

V. M

ga Ta

uhan

/ Kar

akte

r

• Minnie Fuertes - Siya ang pinsan ni Alma na nakahuli kay Victor at Flor noong sila’y muling magtagpo na nakapagpaselos kay Alma noong sila’y mga estudyante pa lamang sa kolehiyo. Siya rin ay mayamang pinagkakatiwalaan ni Alma at tulad ng nakagawian sa kanilang angkan ay mahilig din siya sa mga gimik.

 • Nick Fuertes

- Siya ang kapatid ni Minnie at matalik na kaibigan ni Monching.

 • Monching

- Siya ay nagmula rin sa mayamang angkan at may gusto kay Alma ngunit hindi siya pinapansin nito. Ayaw niya sa mga taga-Tundo dahil para sa kanya’y imoral ang mga ito.

Page 9: suring aklat.pptx

Ang Tundo man May Langit DinV.

Mga

Tauh

an/

Kara

kter

• Pocholo Fuertes- Siya ang nakakatandang lalaking kapatid ni Alma. Siya’y laki sa luho at kabaliktaran ni Alma. Katulad ng mga naunang nabanggit sa angkan ng mga Fuertes, isa siya sa mga mayayamang naglalagay ng makapal na pader sa pagitan nila at ng mga mahihirap. Wala silang inintindi kung hindi ang sariling kaligayahan kaya’t sila ang mga karakter na ang anyo’y likha ng mataasna antas ng lipunang kanilang ginagalawan.

• Paking- Siya ang konsehal na sinusoportahan nina Lukas, Paeng Gasti, Pilo at Tatong Bamban. Isa siya sa mga mabagsik na pinuno ng lipunan na gagawin ang lahat upang maging makapangyarihan katulad ng kanyang katunggali sa politika na si G. Reyes. Wala siyang ipinagkaiba sa mga Pilipinong naging kaaway ng kanilang sariling bayan. Katulad ng katunggali niyang politiko’y, sila ay dungis ng politika.

• Misis Chabeng Flores- Siya’y larawan ng isang tunay na mabait at mapag-

unawang asawa. Siya ang tunay na asawa ni Tonyo at maluwag din niyang tinanggap ang kabit ng kanyang asawa na si Flor ng dahil sa pag-ibig.

• Propesor Butiki- Siya ang propesor sa kasaysayan nila Alma at Victor noong sila’y nag-aaral pa sa Pamantasang Bayan na sakim sa salapi at walang kakuntentuhan sa buhay. Ipinakita niya ang kahinaan ng isang guro.

Victor-Alma

Page 10: suring aklat.pptx

Ang Tundo man May Langit DinV.

Mga

Tauh

an/

Kara

kter

• Agila- Siya ay isang kilalang tao na kasapi sa kapisanang Rizal at naging kinatawan ng Pilipinas sa ilang kumperensyang pandaigdig noong bago magdigmaan. Siya ay isang mayaman, mapagsamantala at mayabang na estranghero sa kasalukuyan. Siya ang kakuntsaba ni Propesor Butiki sa pagtitinda

• Mendoza- Ang dating kamag-aral ni Alma at Victor noong sila’y nasa kolehiyo na gumagaya sa kilos ni Propesor Butiki dahil sa nakakabagot at marahan nitong pagsasalita. Ipinakita niya ang kahinaan ng isang estudyante.

pagtitinda ng mga maninipis at mahal na libro na ang impormasyong laman nito ay kulang sa dapat malaman ng isang estudyante. Isa siyang mahusay na negosyante ngunit masamang historian o tagasulat ng kasaysayang bayan.

Ang Tundo man May Langit Din

VI. T

AGPU

AN/ P

ANAH

ON

Naganap ang ilang pangyayari sa nobela sa loob ng Unibersidad / Pamantasang Bayan at gusali ng mga Education Student habang nag-aaral pa sa kolehiyo sina Alma at Victor at sa Torres High School noong ang mag-asawang Mister at Misis del Mundo ay nagtatrabaho bilang mga guro na unang hukbang sa pagtupad ng mga pangarap tungo sa magandang bukas. Samantalang umikot ang nobela sa Tundo na siyang naging daigidig ng katapatan, katotohanan at mundong patuloy na umaasa at nagsisikap sa kabila ng lahat ng naglipanang kasamaan dito. Marahil ito’y naganap ilang taon na ang nakakalipas ngunit ang ilan sa mga kabulukang nailantad sa nobelang ito’y bahagya pa ring nangyayari sa kasalukuyan. aaaaaaaaaaaaaa

Page 11: suring aklat.pptx

Ang Tundo man May Langit Din

Ang Tundo man May Langit Din

VI. T

AGPU

AN/ P

ANAH

ON Ang Tundo na minsang naging pugad ng kasamaan pero makasaysayang maituturing ang siyang naging sanhi ng kalagayan ng isang indibidwal ng kanyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan. Sa kabuuan, ang Tundo’y binuo bilang isang bagong daigdig na puno ng magagandang pangarap na matapang na isasakatuparan sa pangunguna ng mga makabagong Ibarra kaya’t hindi kataka-takang ang lugar na ito’y may langit din.

VII.

Istilo

ng

Pagk

akas

ulat

Isang perpektong marka ang maaaring ibigay ng mambabasa mula sa magandang kayarian ng nobela. Sukdulang nabuksan nito ang isipan ng mga mambabasa dahil sa maayos na pagkakahatid ng mga mensahe nito. Higit na nagpatingkad sa nobela ang kaangkupan ng mga salita bagama’t maraming malalalim na salita’t may mga mangilan-ngilang salitang balbal ay madali mo itong maiintindihan kung ika’y mabuting mambabasa sa pagdudugtong ng mga pangyayari dahil sa magandang daloy ng istorya mula umpisa hanggang wakas.

Ang Tundo man May Langit Din

VIII.

Men

sahe

o a

ral Madaling napalutang ng may akda ang

mensahe o aral ng nobela dahil sa kaisahan ng pagkakapit ng mga pangyayari mula sa simula hanggang wakas. Malinaw sa aking isipan na itinutuwid ng nobelang ito ang maling kaisipang pumapasok sa ating isipan kapag naririnig sa salitang Tundo. Binigyang pansin ng nobela ang halaga ng panindigan at moralidad ng isang tao na aaaaaaaaaaaaaaaaa

Page 12: suring aklat.pptx

Ang Tundo man May Langit DinVI

II. M

ensa

he o

ara

lnararapat lamang magtaglay ng matibay na determinasyon. Ipinakita lamang na ang Tundo’y naging kasangkapan lamang ng mga malalalim na ugat ng kapinsalaan ng lipunang Pilipino ngunit tulad ng karamiha’y, ito’y umaasa at nagsisikap rin. Ang mga malubhang sakit ng lipunanan ay maaari pang lunasan dahil hindi pa huli ang lahat, hangga’t may pag-asa mayroong pagbabagong magaganap. Tayo mismong mga Pilipino ang nagpaiyak sa ating Inang bayan kaya tayo rin ang nararapat na magpatahan dito. Ang tanging kailangan lamang ay tiyaga, paninindigan at pananampalataya dahil tayo mismo ang may kakayahan upang iahon ang mga sarili sa kahirapan at kasamaan. Ang kahirapan ay hindi hadlang sa masayang pamumuhay at sa pag-ibig na dumadating sa tamang panahon. Ang lahat ng ito’y direktang hinatid nina Alma’t Victor at ipinakita rin nilang kailangang magsimula na ang bawat isa na lumikha ng pangarap , hindi man sa Tundo, ng nagkakaisa’t magkaugnay sa isang bago’t matapang na daigdig na tayo ang lilikha. Isang daigdig na may sariling langit na biyaya ng pag-ibig tulad ng Tundo na may langit din.Ang Tundo man May Langit Din

Si Victor del Mundo na laking-Tundo ay lumaking mayroong malalim na pagmamahal sa bayan. Sa simula pa lamang ay naniniwala na siyang ang Tundo man ay may langit din sa kabila ng kaliwa’t kanang kaguluhan at kawalan ng kalinisan lalo na sa mga estero rito. Siya’y isang edukado’t kasalukuyang nagtuturo sa Torres High School, isang pampublikong paaralan sa Tundo, kung saan kasama niyang nagtuturo ng kasaysayan si Alma, asawa niya, na nagrebelde sa marangyang buhay dahil ayaw niyang maging isa sa mga mapagmalabis na mayayamang yumuyurak sa karapatan at buong pagkatao ng mga mahihirap.

Page 13: suring aklat.pptx

Ang Tundo man May Langit DinBago pa man siya maging ganap na propesor at magkaroon ng maybahay ay marami siyang hinarap na suliranin tulad ng samu’t saring kaguluhan sa Looban 6A sa Tundo, dungis ng politika, pagiging takaw-gulo ng kanyang panganay na kapatid na si Lukas at ng mga tropa nito, ang panghuhusga ng mga taong nasa paligid niya ngunit ginabayan naman siyang mabuti ng kanyang mga magulang, ang pagiging mapusok ni Flor na tinalikuran ang kalakalang Tundo, ang kahirapan, ang pagdanas ng diskriminasyon sa pagitan ng mayaman at mahirap, politika ng tao at kung anu-ano pang malalalim na ugat ng kapinsalaan sa lipunang Pilipino. Habang siya ay nag-aaral sa Pamantasang Bayan, nagsikap siya upang makapagtapos tulad ng bilin ng kanyang ama na ang kaligtasan ay nasa sa bawat isa na magmumula sa sariling pagsisikap na matutong humarap sa kahit anong pagsubok. Buhat nito ay naging matatag si Victor sa lahat ng malubhang sakit ng lipunan na nabanggit

at natutunan niyang tawanan ang sariling pagkakamali at ang mga kahinaan ng iba. Ang lahat ng pagsisikap na ito ay para iwaksi sa isipan ng karamihan ang masamang impresyon sa Tundo at sila na mga taga- Tundo ay nangangarap din at naghahangad ng isang magandang bukas. Umaasa siya na kahit sa Tundo ay maaari pang makita ang kahit kaunting liwanag na magbibigay daan sa pagbabago.

Umikot ang istorya sa Tundo na nagsilbing daigdig ng katotohanan at ang siyudad na umaasa’t nagsisikap. Sa kabila ng lahat ng ito, si Alma Fuertes del Mundo, isang hiyas na nagmula sa kanyang tinalikurang mayamang angkan, ay kaugnay ng Tundo. Ang Tundo ay si Dolores na pinagsamantalahan ng kanyang ama. Ang Tundo ay isang Flor, dating katipan ni Victor na hindi nagtiwala sa paniniwala nitong ang Tundo man may langit din, na naghanap ng isang kinabukasang malayo sa paghihirap, sa barung-barong, sa estero at sa kalakalan ng buhay Tundo. At nasa Tundo ang langit sa kanyang daigdig , ang Tundo ni Alma ay si Victor.

Sa pagtatapos, nagsama ng payak si Alma at Victor. Sila’y nagsimulang lumikha ng pangarap sa Tundo ng nagkakaisa’t magkaugnay sa isang bago’t matapang na daigdig. Isang daigdig na may sariling langit na biyaya ng pag-ibig.

~Wakas.