14
PAMAGAT ANG KAULAYAW NG AGILA MAY-AKDA LILIA QUINDOZA-SANTIAGO NAGLATHATA U.P Institute of Creative Writing, University of the Philippine Press TAONG NALATHALA 2002 II. KASAYSAYANG PANGKALIGIRAN Ang nobela ay ginanap sa Palawan, ditto matatagpuan ang mga Philippine Eagle. At ang mga rainforest kung saan sila matatagpuan, ang samahan na kinabibilangan ni Maya ay totoo, subalit ang mga tauhan sa nobelang ito ay kathang isip lamang. Maaaring sila ay totoo ayon sa ating mga obserbasyon at karanasan. Magbibigay ang nobelang ito ng aral at walang katapusang impormasyong tungkol sa kahalagahan ng ating

Tagalog Book Kaulayaw Ng Agila

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tagalog Book Kaulayaw Ng Agila

PAMAGAT

ANG KAULAYAW NG AGILA

MAY-AKDA

LILIA QUINDOZA-SANTIAGO

NAGLATHATA

U.P Institute of Creative Writing, University of the Philippine Press

TAONG NALATHALA

2002

II. KASAYSAYANG PANGKALIGIRAN

Ang nobela ay ginanap sa Palawan, ditto matatagpuan ang mga Philippine Eagle.

At ang mga rainforest kung saan sila matatagpuan, ang samahan na kinabibilangan ni

Maya ay totoo, subalit ang mga tauhan sa nobelang ito ay kathang isip lamang. Maaaring

sila ay totoo ayon sa ating mga obserbasyon at karanasan.

Magbibigay ang nobelang ito ng aral at walang katapusang impormasyong

tungkol sa kahalagahan ng ating kalikasan at sa mga bumubuo nito. Ang

pakikipagsapalaran ni Maya ang siyang magiging daan ng mga mambabasang katulad ko

sa makabagong pananaw sa buhay.

Page 2: Tagalog Book Kaulayaw Ng Agila

III. BUOD

Nagumpisa ang kuwentong ito sa trabaho ng pangunahing tauhan na si Maya. Si

Maya ay isang maka-kalikasan. Nauugnay ang trabaho niya sa kanyang hilig. Kaya ng

sinabihan siya na isa siya sa napili upang pumunta ng Palawan at hanapin ang Agila na

nais padamihin ay hindi siya nagdalawang isip na sumama. Nagpaalam siya sa kanyang

ina, na ang tawag niya ay Mamang upang sumama sa grupo. Sa umpisa ay ayaw siyang

payagan ng kanyang mamang na sumama sapagkat dadalawa nalang sila sa bahay at tiyak

na malulungkot ang kanyang mamang kung siya ay aalis pa.

Samantala sa Palawan naman ay may isang lalaki na itinuring nang katutubo sa

Santa Magdalena. Siya ang tinatawag na taga-pag-alaga ng mga hayop sa banding iyon

ng Santa Magdalena. Nagpakita na rito ang agila na ang pagkakalam ng mga katutubo ay

mahiwaga at mapalad si Muanmar o Amar na pinagpakitaan ng agila. Sa Maynila naman

ay nagkita ang matagal ng mag-kaibigan na si Mando at Maya. Inalok ni MAndo si

Maya na kunin ang apartment na malapit ditto sa building na tinitirhan niya.

Nagkagustuhan ang dalawa at bago pa man tumulak si Maya papuntang Palawan ay may

namagitan sa kanila ni Mando.

Si MAndo naman ay isang Inhinyero. Mayroon siyang sekretarya na madalas

niyang kasama. Si Tess, mayroon na itong tatlong anak at asawa kung kaya hindi sa

hinagilap ni Mando na magkakagusto ito sa kanya. Hanggang sa tulungan niya si Tess sa

problema nito sa asawa. Sinabi kasi ni Fred, asawa ni Tess, na siya ay bakla.

Pagkarating ni Maya sa Palawan, nakilala niya si Muanmar, kasama ang dalawa

niyang kasamahan na sina Mel at Ran ay nilibot nila ang kagubatan upang hanapin ang

agila. Hindi naman sila nagbigo at nahuli ni Muanmar ang agila. Habang hinahanap nila

Page 3: Tagalog Book Kaulayaw Ng Agila

ang agila nagging mag-kaibigan sina Maya at Muanmar. Nasabi ni Muanmar ang

problema niya kay Maya at tinulungan siya upang mahanap ang asawa niyang nawawala.

Ang asawa ni Muanmar ay si Sharaya buntis ito ng umalis at hindi si Muanmar ang tatay

ng bata kundi ang ama ni Muanmar.

Pagpunta nila ng Cotabato ay mayroong namamagitang away sa lahi ni Sharaya at

Muanmar. Hindi nagpakita si Muanmar sa kanyang pamilya, bagkus ay nakibalita

lamang. Pagkabalik nila sa Palawan ay nagpaalam na si Maya pauwing Maynila dahil

nakatanggap ito ng telegramang nagkasakit ang kanyang ina. Pagkarating niya ng

Maynila ay sinundo siya ni MAndo. Hindi niya ipinaalam ditto agad na buntis siya. Sa

Mamang muna niya ito nasabi.

Dumaan pa ang maraming pagsubok sa pagsasama nina Mando at Maya. Si Tess,

si Muanmar, subalit para itong bulang nawala, dahil na rin sa pagmamahal nila sa isat-isa.

Hindi pa rin mapilit ni Mando na magpakasal sila ni Maya dahil alam niyang hindi

naniniwala sa kasal si Maya. Hanggang sa namatay ang ama ni Maya bago pa man

mahatulan ang pakikipaghiwalay ng mamang niya sa papang niya. Ito ay inakusahang

nang-rape at habang iniimbestigahan ay inatake at namatay.

Ibinurol ang papang niya sa kanila at ditto niya nalaman ang buong pagkatao ng

kanyang papang. Mula sa mga kamag-anak at pati narin sa mga magulang nito.

Nalulungkot man ay pinatawad ni Maya ang kanyang ama at hinarap ang bukas sa kabila

ng kanyang mga natuklasan. Nanganak si Maya at bumalik sila ng anak niyang babae na

pinangalanan niyang Amihan sa Palawan upang duon saksihan ang unang paglakad ng

anak kapiling ang mga katutubo. Naiwan si MAndo, at laking gulat ni Maya ng

Page 4: Tagalog Book Kaulayaw Ng Agila

magsimula at seremonyas ng dumating si MAndo, duon sila ikinasal at pati ang unang

paghakbang ng kanilang anak ay kanilang nasaksihan.

PANGUNAHING TAUHAN

Maya del Mundo – isang environmentalist

Rimando Lara Zaldivar – o Mando

Muanmar – ang lalaking nagging guide nina Maya sa Palawan isang Muslim

Sharaya – nagging asawa ni Muanmar na tinakawan siya

Mamang –mabait at maunawain at maalalahaning ina ni aya

Ran - kasamahan ni Maya sa trabaho maging sa palawan

Mel – kasamahan ni Maya sa trabaho maging sa palawan

Inang Isa – Lola ni Mando

Lola Sofia – lola ni Maya

Papang Rafael del Mundo – ama ni Maya na may pamilyang iba

Tess – sekretarya ni Mando na may asawang bakla

Fred – asawa ng sekretarya ni Mando na si Tess

Malibay – Kaibigan ni Mando na isang mang-aawit

Khalida – anak ni Sharaya sa ama ni Muanmar

Amihan – anak nina Mando at Maya

Page 5: Tagalog Book Kaulayaw Ng Agila

TAGPUAN

Maynila

Palawan

Page 6: Tagalog Book Kaulayaw Ng Agila

TUNGGALIAN

TAO LABAN SA SISTEMA

Pinili ko ang tunggalian ito sapagkat nakita ko ang sistema ng tao ditto sa nobela

o kahit sa totoong buhay ay ibaba. Maaaring may pagkakatulad ang mga tao sa kanilang

mga desisyong ginagawa, ngunit hindi si Maya. Ayaw niyang iwanan ang kanyang

kinatandaan ang maging bahagi ng kalikasan, ipinagpatuloy niya ito maging ang pag-ibig

niya kay Mando ay muntik na niyang pigilan dahil sa kanyang mga kaalamang mali at sa

mga karanasan niya sa buhay.

Page 7: Tagalog Book Kaulayaw Ng Agila

SUKDULAN

Ang sukdulan ng nobela at nagpapakita ang paglutas sa problema ni Maya.

Natapos ang kanyang problema sa pagkakaroon ng ama ng kanyang anak ng kakaibang

katangian. Siya at pasensyoso. Inuunawa niya ang mga nais gawin ni Maya at kahit na

ang pagbalik nito sa Palawan at buhatin yung agilang kanilang nahuli.

Page 8: Tagalog Book Kaulayaw Ng Agila

WAKAS

Summation. Ibig sabihin ay naresolba ang problem mula umpisa hanggang wakes

ng nobela. Ito ay nalutas ni Maya at Mando. Si Maya sa paghahanap niya sa sarili at sa

pagmamahal niya sa kalikasan, banding huli’y nagkaroon siya ng premyo sa kanyang

gawaing ganun.

Samantalang si MAndo naman ay nagging alerto na sa nangyayari sa kanyang

paligid lalo na kay Maya at sa anak nilang si Amihan. Sa wakas ay nagging mag-asawa

rin sila ni Maya at parehas nilang naresolba ang problema.

Page 9: Tagalog Book Kaulayaw Ng Agila

REAKSYON

Nakakagulat ang mga tauhan sa nobelang ito. Ganun pa man marami akong

natutunan rito lalo na ang mga malalalim na salitang binitawan nina Mando at Maya.

Ipinakikita rito ang ibat-ibang ugali at uri ng tao na maaari nating makasalamuha sa araw-

araw.

Ang nobela ang nagmulat sa akin sa napakaraming bagay na hindi ko napupuna sa

aking paligid. Ito ay sadyang mapupulutan ng aral. At makakapagbukas ng ating

pagiging mapagobserba. Ang kuwentong ito bagaman may pag-kaluma ay bago na ang

mga kaugalian ng bawat tauhan.

Page 10: Tagalog Book Kaulayaw Ng Agila

MUNGKAHI

Minumungkahi ko ang mga sumusunod upang basahin ang nobelang ito:

Mga magulang

Upang magkaroon sila ng kaisipan kung paano nila ipapaliwanag ang mga

ganitong bagay sa kanilang mga anak. Upang mamulat sila mga kailangan ng kanilang

mga anak.

Mga estudyante ng high school

Upang mas maaga silang mamulat na ibat-ibang klase an gugali ng tao at ang

bihay pag-ibig ay hindi isang laro lamang, at upang makapulot sila ng magagandang asa

sa nobelang ito.

Mga estudyante ng kolehiyo

Upang mamulat ang mga mata nila na hindi ganoon kadali ang magkaroon ng

responsibilidad sa napakabatang edad. At upang makapulot sila ng magagandang asa sa

nobelang ito.