3

Click here to load reader

Talumpati at Tula

Embed Size (px)

Citation preview

TALUMPATI..

EDUKASYONEdukasyon ay di mananakaw ninuman, kultura ang kinapapalooban ng mga paniniwalat kaugalian, palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng mga kabataan.

Mahal kong mga tagapakinig naririto na naman po tayo sa isang pagtitipon kung saan an gating pag- uusapan ang mga aspekto na makapagpapalakas sa mga kabataang tulad ko. Mga kabataang magiging susi upang umunlad ang ating Lupang Sinilangan. Mga kabataang makapagbibigay liwanag sa mga mamamayan mula sa madilim na nakaraan. Na magiging daan sa pagbabagong ating inaasam.

Hindi na lingid sa ating kaalaman na laganap na ang pag- unlad ng agham sa ating lipunan. Kaliwat kanan na ang mga makabagong bagay. Katulad ng cellphone at computer. Mga makabagong bagay na makagpapadali n gating pamumuhaylalung lalo na ng mga kabataan.Kahit saang dako ka man ngayon tumingin,marami ng mga internet caf ang nagkalat. Ibat ibang model na rin ng cellphone ang lumalabas. At hindi maikakaila na halos lahat tayong mga nag- aaral sa pribadong paaralan ay umaangkin ng mga bagay na ito. Ngunit, ito ba ay ginagamit natin sa tamang paraan?

Mga kaibigan, ang computer ay malaking tulong sa ating mga mag- aaral. Katulad sa mga pananaliksikhindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat para kumuha ng mga kakarampot na datos sa bawat aklat. Punta ka lang ng yahoo..encode mo lang ang topikong hinahanap momag-antay ka lang ng ilang segundo..binggo na .. makikita mo na ang hinahanap mo.

Nariyan din ang cellphone na makapagpapadali ng ugnayan natin. Magagamit sa mga panahon ng kagipitan. Hindi mo na kailangan pang mag- antay ng ilang buwan maipadala at tumanggap ng sulat. Sapagkat sa isang text lang, minuto lang aantayin mo..tanggap kaagad.Ngunit sadyang namamali ang ilang mga kabataan sa paggamit ng mga teknolohiyang makabago. Sa halip na sa pagpapaunlad ng karunungan ito gagamitin, ginagamit nila ito sa walang kuwentang bagay. Sa halip na magresearch para sa assignmentDOTA, counterstrike, YM at facebook ang inaatupag. Mayroon din diyan na pakikipagtextmate ang pinagkakaabalahan. Nagpupuyat tuwing gabi. Nanlalalim ang mga mata sa kinaumagahanang siste nakikipagtextmate sa kung kanino na lamang. Pagdating sa klase..bagsak si nene, inaantok, walang assignment. Pagkatapos magpapadala sa mga magagandang quotes, mag- a-eyeball, magkakarelasyon, mabubuntis, mawawala sa huwisyo ang kinabukasan, malulugmok sa putikan. Ito ang paraan ng paggamit ng mga kabataan sa mga makabagong teknolohiya.tsk tsk tskhindi bat edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman? Ito ang natatanging sandata na maipagsasanggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Kapag edukado ang isang tao nagagawa nitong maitama ang mga maling paniniwala na bunga ng kahunghangan. Naisasalba ang isang tao sa lupit ng kahirapan.Bumaling naman tayo sa ating banal na kultura. Ito ay ang kinapapalooban ng mga paniniwalat kaugalian. Ito ang makinang na kasaysayan ng ating mga ninuno. Alam ba ninyo na sa buong mundo, Pilipino ang tinitingala ng mga dayuhan pagdating sa kulturang kinamulatan? Kung kayat maraming mga dayuhang ang piniling mag- asawa ng isnag Pilipino nang dahil sa ating kultura. Sapagkat tayong mga Pilipino ay kilala bilang matulungin, mapagkumbaba, masunurin, at magalang na lipi. At ito dapat ang magiging katangian ng ating mga kabataan. Sa kadahilanang kung taglay ng mga kabataan ang mga ganitong uri ng mga katangian ay mapapadali ang ating pag- unlad. Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama. Makakamtan ang paggalang sa bawat kapwa.

Ang Kultura natin ay maipapakita rin sa mga palakasan. Dahil ito ang isang makinang na daan sa pakikipagkaibigan. Ditto nalilinang ang mga kakayahan na sangkatauhan. Nahahasa rin ditto ang tiyaga ng mga kabataan s apagkamit ng tagumpay. Kung ang bawat kabataan ay mapapabilang sa isang legal na palakasan, mapapalayo sila sa bisyo. Bagkus, mararagdagan pa ang mga kaalaman at kakayahan nito sa pagsunod sa agos ng buhay. Hindi lamang pisikal na kakayahan ang mahahasa kundi pati na rin ang emosyonal at intelektwal. Sa mga palakasan nagsisimula ang isang magandang pagsasamahan.

Kayat mahal kong mga tagapakiniglalung lalo na sa mga kabataang tulad ko, huwag nating antaying mawala ang lahat ng mga pagkakataon para sa ikauunlad natin. Sama sama nating yakapin at tanggapin ang mga aspektong makapagbibigay sa atin ng lakas na makakatulong sa ating ikauunlad. Nasa ating kamay ang pag-unlad na inaantay ating bayan. Sapagkat tayo ang tinaguriang pag- asa ng bayan.

Isang Dipang Langit

Ako'y ipiniit ng linsil na punohangad palibhasang diwa ko'y piitin,katawang marupok, aniya'y pagsuko,damdami'y supil na't mithiin ay supil.Ikinulong ako sa kutang malupit:bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;lubos na tiwalag sa buong daigdigat inaring kahit buhay man ay patay.Sa munting dungawan, tanging abot-malasay sandipang langit na puno ng luha,maramot na birang ng pusong may sugat,watawat ng aking pagkapariwara.Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,sa pintong may susi't walang makalapit;sigaw ng bilanggo sa katabing moog,anaki'y atungal ng hayop sa yungib.Ang maghapo'y tila isang tanikalana kala-kaladkad ng paang madugoang buong magdamag ay kulambong luksang kabaong waring lungga ng bilanggo.Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,kawil ng kadena ang kumakalanding;sa maputlang araw saglit ibibilad,sanlibong aninong iniluwa ng dilim.Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantangsa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,sa bitayang moog, may naghihingalo.At ito ang tanging daigdig ko ngayon -bilangguang mandi'y libingan ng buhay;sampu, dalawampu, at lahat ng taonng buong buhay ko'y dito mapipigtal.Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirapat batis pa rin itong aking puso:piita'y bahagi ng pakikilamas,mapiit ay tanda ng di pagsuko.Ang tao't Bathala ay di natutulogat di habang araw ang api ay api,tanang paniniil ay may pagtutuos,habang may Bastilya'y may bayang gaganti.At bukas, diyan din, aking matatanawsa sandipang langit na wala nang luha,sisikat ang gintong araw ng tagumpay...layang sasalubong ako sa paglaya!