4
Mula sa pangkat ng mga pagdiriwang sa karangalan ng Mahal na Birhen ang mga pangunahing dasal ng Misa de Gallo. Taon Blg. Misa de Gallo — Puti Disyembre 17, 2020 S a aming bayan ng San Dionisio, may nakagawiang paraan ng pagpapakilala. Upang maging madali ang pagpapakilala lalo na sa matatanda, karugtong dapat ng iyong pangalan kung kaninong anak o apo ka: “Ako po si Andrew, anak ni Bart at Alice, apo ni Ka Imon at Ka Boning.” Minsan pa nga karugtong ang lugar o bansag: “Anak ni Juan-liit na taga-ibayo” o “Apo ni Ising-payat sa irasan.” Sa ganitong paraan, nabibigyan ng pagkakataong malaman ng iyong kausap ang pamilyang iyong kinabibilangan at mas napadadali ang pagkilala sa kaniyang kamag- anakan o kababayan. Sa ikalawang araw na ito ng Simbang Gabi o Misa de Gallo maririnig natin ang isang mahabang salaysay tungkol sa pamilya o ang-kang pinagmulan ng ating Panginoong Hesus: mula kay Abraham hanggang kay David, mula kay David hanggang sa pagpapatapon ( exile ) sa Babilonia, mula Babilonia hanggang sa pagbabalik, hang- gang sa pamilya ni Jose at Maria na mga magulang ni Hesus. Marahil tuwing maririnig natin ang mahabang salay-saying ito, hindi natin gaanong pinapansin ang mga pangalan. Mahaba kasi at hindi naman natin kilala ang lahat ng pangalang nabanggit maliban sa ilang kilalang personalidad. Ngunit gaya ng lahat ng pagtuklas sa pinagmulang angkan o pamilya, sa bawat family tree na nais kilatisin ang ugat, sanga at bunga, sa bawat henerasyong binabanggit, sa bawat pangalan mayroong kuwento, may pinagdaanan; bawat isa may aral, saysay at yamang taglay. Una, ipinakikilala si Hesus bilang Anak ni David at Anak ni Abraham. Sa madaling sabi, mula siya sa isang maka-Haring Lipi (David) at mula sa Liping Pinili (Abraham). Ito ang lahing kaniyang kinabibilangan, isang lahing maharlika at matuwid. Dito iniuugnay ng mga dalubhasa sa Salita ng Diyos ang layunin ng sumulat sa Ebanghelyo hinggil sa pagpapakilala kay Hesus bilang Mesiyas o Tagapagligtas ayon sa lahi ni David, at bilang katuparan ng pangako ng Diyos ayon sa lipi ni Abraham. Ikalawa, hindi perpekto ang isang family tree sa lahat ng pagkakataon. Ang pamilya man ni Hesus ay may makulay ding nakaraan. Minsan may mga lantang dahon o sanga na maysakit. Mababakas ito sa buhay ng ilang miyembro ng angkan. Gayunpaman, matatantong sa nag-iisang puno sumisibol ang bagong tangkay at nagkakaroon ng masigla at luntiang dahong tanda ng pag- asa. Ikatlo, nakatatawag-pan- sin ang limang pangalan ng babae sa kuwento ng pamilya. Sa sinaunang mundo na kalalakihan lamang ang madalas pangalanan, lumikha ng sariling pagkakakilanlan ang mga pangalan ng kababaihan sa angkan ni Hesus: Tamar, Rahab, Ruth at maybahay ni Urias, hanggang kay Maria. Bawat isa, may natatanging kuwento ng kata-pangan at katapatan. Sa huli, tiyak na kapupulutan ng aral ang pagtuklas sa pamilyang pinagmulan, isang paglingon sa pinanggalingan upang marating ang paro- roonan. Hindi ito nalalayo sa ating nakagawian. Ganito rin sa panahon ni Hesus: ang pagkilala sa iyong pinag- mulan, masalimuot man, pi- nagsisibulan din ng aral at panibagong pagkakakilanlan. Tanda ng pagsisimulang muli ang pagtanggap sa nakaraan upang hindi na maulit ang mga dating pagkakamali, at ang kahandaang magpatawad at magmahal sa pamilya at kapwa. Sa darating na Pasko ng Pagsilang ng Manunubos, inaanyayahan tayong tingnan kung saan tayo nagmula at kung saan tayo patungo; at dala ng pagkakatawang-tao ng bugtong na Anak ng Ama, tumimo nawa sa ating puso’t isip ang paanyayang kilanlin ang tunay nating sarili: “Anak ako ng Diyos, kawangis at katulad niya—nilikha upang magmahal, magpakabuti, at maglingkod. Amen.” —Buen Andrew DC. Cruz, SSP Anak ng DIYOS

Taon Blg. Misa de Gallo — Puti Disyembre 17, 2020 Anak ng DIYOS · 2020. 12. 13. · ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Taon Blg. Misa de Gallo — Puti Disyembre 17, 2020 Anak ng DIYOS · 2020. 12. 13. · ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at

Mula sa pangkat ng mga pagdiriwang sa karangalan ng Mahal na Birhen ang mga pangunahing dasal ng Misa de Gallo.

Taon Blg. Misa de Gallo — Puti Disyembre 17, 2020

Sa aming bayan ng San Dionisio, may nakagawiang paraan ng

pagpapakilala. Upang maging madali ang pagpapakilala lalo na sa matatanda, karugtong dapat ng iyong pangalan kung kaninong anak o apo ka: “Ako po si Andrew, anak ni Bart at Alice, apo ni Ka Imon at Ka Boning.” Minsan pa nga karugtong ang lugar o bansag: “Anak ni Juan-liit na taga-ibayo” o “Apo ni Ising-payat sa irasan.” Sa ganitong paraan, nabibigyan ng pagkakataong malaman ng iyong kausap ang pamilyang iyong kinabibilangan at mas napadadali ang pagkilala sa kaniyang kamag-anakan o kababayan.

Sa ikalawang araw na ito ng Simbang Gabi o Misa de Gallo maririnig natin ang isang mahabang salaysay tungkol sa pamilya o ang-kang pinagmulan ng ating Panginoong Hesus: mula kay Abraham hanggang kay David, mula kay David hanggang sa pagpapatapon (exile) sa Babilonia, mula Babilonia hanggang sa pagbabalik, hang-gang sa pamilya ni Jose at Maria na mga magulang ni Hesus.

Marahil tuwing maririnig natin ang mahabang salay-saying ito, hindi natin gaanong pinapansin ang mga pangalan. Mahaba kasi at hindi naman natin kilala ang lahat ng pangalang nabanggit maliban sa ilang kilalang personalidad. Ngunit gaya ng lahat ng pagtuklas sa pinagmulang angkan o pamilya, sa bawat family tree na nais kilatisin ang ugat, sanga at bunga, sa bawat henerasyong binabanggit, sa bawat pangalan mayroong kuwento, may pinagdaanan; bawat isa may aral, saysay at yamang taglay.

Una, ipinakikilala si Hesus bilang Anak ni David at Anak ni Abraham. Sa madaling sabi,

mula siya sa isang maka-Haring Lipi (David) at mula sa Liping Pinili (Abraham). Ito ang lahing kaniyang kinabibilangan, isang lahing maharlika at matuwid. Dito iniuugnay ng mga dalubhasa sa Salita ng Diyos ang layunin ng sumulat sa Ebanghelyo hinggil sa pagpapakilala kay Hesus bilang Mesiyas o Tagapagligtas ayon sa lahi ni David, at bilang katuparan ng pangako ng Diyos ayon sa lipi ni Abraham.

Ikalawa, hindi perpekto ang isang family tree sa lahat ng pagkakataon. Ang pamilya man ni Hesus ay may makulay ding nakaraan. Minsan may mga lantang dahon o sanga na maysakit. Mababakas ito sa buhay ng ilang miyembro ng angkan. Gayunpaman,

matatantong sa nag-iisang puno sumisibol ang bagong tangkay at nagkakaroon ng masigla at luntiang dahong tanda ng pag-asa.

Ikatlo, nakatatawag-pan-s in ang l imang pangalan ng babae sa kuwento ng pamilya. Sa sinaunang mundo na kalalakihan lamang ang madalas pangalanan, lumikha ng sariling pagkakakilanlan ang mga pangalan ng kababaihan sa angkan ni Hesus: Tamar, Rahab, Ruth at maybahay ni Urias, hanggang kay Maria. Bawat isa, may natatanging kuwento ng kata-pangan at katapatan.

Sa huli, tiyak na kapupulutan ng aral ang pagtuklas sa pamilyang pinagmulan, isang paglingon sa pinanggalingan upang marating ang paro-roonan. Hindi ito nalalayo sa ating nakagawian. Ganito rin sa panahon ni Hesus: ang pagkilala sa iyong pinag-mulan, masalimuot man, pi-nagsisibulan din ng aral at panibagong pagkakakilanlan. Tanda ng pagsisimulang muli ang pagtanggap sa nakaraan upang hindi na maulit ang mga dating pagkakamali, at ang kahandaang magpatawad at magmahal sa pamilya at kapwa.

Sa darating na Pasko ng Pagsilang ng Manunubos, inaanyayahan tayong tingnan kung saan tayo nagmula at kung saan tayo patungo; at dala ng pagkakatawang-tao ng bugtong na Anak ng Ama, tumimo nawa sa ating puso’t isip ang paanyayang kilanlin ang tunay nating sarili: “Anak ako ng Diyos, kawangis at katulad niya—nilikha upang magmahal, magpakabuti, at maglingkod. Amen.”

—Buen Andrew DC. Cruz, SSP

Anak ngDIYOS

Page 2: Taon Blg. Misa de Gallo — Puti Disyembre 17, 2020 Anak ng DIYOS · 2020. 12. 13. · ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at

Antipona sa Pagpasok[Sedulius](Basahin kung walang pambungad na awit)

Maligayang bati sa ’yo, dakilang Ina ni Kristo sapagkat isinilang mo ang Diyos na naging tao, Hari ng langit at mundo.

Pagbati(Gawin dito ang tanda ng krus)

P - Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.B - At sumaiyo rin.

Paunang Salita(Maaaring basahin ito o isang katulad na pahayag)

P - I t ina tampok sa a t ing Ebanghelyo ngayon ang talaan ng mga ninuno ni Hesus. Ilan sa kanila ay mga kilalang karakter na may mahalagang papel sa kasaysayan ng ating kaligtasan. Subalit marami rin sa mga ito ang makasalanan.

Inilalarawan ng talaang ito ang pagpasok ni Hesus sa kasaysayan ng tao. Siya ang rurok ng kasaysayan ng Israel—ang Mesiyas nilang hinihintay. Kay Hesus naging ganap ang kahulugan ng kasaysayang ito.

Pagsisisi

P - Mga kapatid, tinipon tayo bilang kaanib ng Diyos kaya dumulog tayo sa maawaing Panginoong nagpapatawad na lubos. (Tumahimik)

P - Sinugong Tagapagpagaling sa mga nagsisisi, Panginoon, kaawaan mo kami.B - Panginoon, kaawaan mo kami.P - Dumating na Tagapag-anyayang mga makasalana’y magsisi, Kristo, kaawaan mo kami.B - Kristo, kaawaan mo kami.P - Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama para ipamagitan kami, Panginoon, kaawaan mo kami.B - Panginoon, kaawaan mo kami.

P - Kaawaan tayo ng maka-pang yarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnu bayan tayo sa buhay na walang hanggan.B - Amen.

Gloria

Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin, dahil sa dakila mong ang-king kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Pangi noong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Pambungad na Panalangin

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming makapang-

yarihan, ipagkaloob mong kami’y magkamit kailanman ng kalusugan at kagalingan sa aming katawan at kalooban. Pakundangan sa pagdalangin ng laging Birheng si Santa Mariang mahal kami nawa’y mahango sa hapis sa kasalukuyan at makinabang sa kaluwalhatiang walang katapusan sa pama-magitan ni Hesukristo kasama ng Espiri tu Santo magpa-sawalang hanggan.B - Amen.

Unang Pagbasa [Gn 49:2, 8-10] (Umupo)

Sa kabila ng mga pagkukulang at kahinaan ni Juda at ng kaniyang lipi, itinuloy pa rin ng Diyos ang kaniyang balak. Kay Juda magmumula ang angkan ni David, at sa lipi ni David magmumula ang Mesiyas.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

NOONG mga araw na iyon, tinawag ni Jacob ang mga

anak niya at kanyang sinabi: “Kayo mga anak, magsilapit sa akin, akong inyong ama ay sumandaling dinggin. Ikaw, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng Ina mong mahal, hawak mo sa leeg ang iyong kaaway, lahat mong kapatid sa iyo’y gagalang. Mabangis na leon ang iyong larawan, muling nagkukubli matapos pumatay; ang tulad ni Juda’y leong nahihimlay, walang mangangahas lumapit sinuman. Hawak niya’y setrong tuon sa paanan, sagisag ng lakas at kapangyarihan; ito’y tataglayin hanggang sa dumatal ang tunay na Haring dito’y magtatangan.”

— Ang Salita ng Diyos.B - Salamat sa Diyos.

Salmong Tugunan (Slm 71)

T - Mabubuhay s’yang marangal at sasagana kailanman.

1. Turuan mo yaong haring humatol ng katuwiran:/ sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya’y bahaginan;/ upang siya’y maging tapat mamahala sa ’yong bayan,/ at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay. (T)

2. Ang lupain nawa niya’y umunlad at managana;/ maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa./ Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap/ at ang mga táong wala’y pag-ukulan ng paglingap. (T)

3. Yaong buhay na mat’wid sa kanyang kapanahunan,/ madama ng bansa niya at umunlad habang buhay. / Yaong kanyang kaharian ay palawak nang palawak,/ mula sa ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat. (T)

PASIMULA

PAgpapahayag ng salita ng diyos

Page 3: Taon Blg. Misa de Gallo — Puti Disyembre 17, 2020 Anak ng DIYOS · 2020. 12. 13. · ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at

4. Nawa yaong kanyang ngalan ay h’wag nang malimutan,/ manatiling laging bantog na katulad nitong araw;/ nawa siya ay purihin ng lahat ng mga bansa,/ at sa Diyos, silang lahat dumalanging:/ “Harinawa pagpalain kaming lahat, tulad niyang pinagpala.” (T)

Aleluya (Tumayo)

B - Aleluya! Aleluya! Karunu-ngan ng Maykapal, tana’y ’yong pangasiwaan, halina’t kami’y turuan. Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita (Mt 1:1-17)

P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San MateoB - Papuri sa iyo, Panginoon.

ITO ang lahi ni Hesukristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.

Si Abraham ang ama ni Isaac; si Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram. Si Aram ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama naman ni Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang ama ni Jesse na ama ni Haring David.

Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias. Si Solomon naman ang ama ni Roboam. Si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asa. Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya namang ama ni Ozias. Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz ang ama ni Ezequias. Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni Amos na ama naman ni Josias. Si Josias ang ama ni Jeconias at ang kanyang mga kapatid. Panahon noon ng pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.

Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Joconias si Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim, at si Eliaquim ang

ama ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong si Aquim ang ama ni Eliud. Si Eliud ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni Matan na ama ni Jacob. At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo.

Samakatwid, labing-apat ang salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat mula kay David hanggang sa pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia, at labing-apat din mula sa pagkakatapon sa Babilonia hanggang kay Kristo.

— Ang Mabuting Balita ng Panginoon.B - Pinupuri ka namin, Pangi-noong Hesukristo.

Homiliya (Umupo)

Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tumayo)

B - Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.Sumasampalataya ako kay Hesu-kristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat, nagkata-wang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nanga-bubuhay at nangamatay na tao.Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Panalangin ng Bayan

P - Dumulog tayo sa Ama na siyang gumawa ng yugto sa ating kasaysayan upang matupad ang nais niyang tayo’y lingapin at iligtas:

T - Ama namin, lingapin mo kami.

L - Magtulungan nawa ang mga pinuno ng ating Simbahan tungo sa pagbabago at pagsasabuhay ng mga pangako ng kaharian ng Diyos. Manalangin tayo: (T)

L - Matuto nawa táyong makita ang kabutihan ng bawat isa sa pamamagitan ng pag-iwas sa paninirang-puri at pagtalikod sa mga kasalanan. Manalangin tayo: (T)

L - Makasumpong nawa ng pag-asa sa pag-ibig at awa ng Diyos ang mga táong nalulungkot o may matinding pinagdaraanan. Manalangin tayo: (T)L - M a g k a m i t n awa n g kagal ingan at maayos na kalusugan ang mga kapatid nating maysakit. Manalangin tayo: (T)

L - Tanggapin nawa ng Diyos sa kanyang kaharian ang mga kapatid nating yumao na upang t makasumpong sila ng kapahingahan magpakailanman. Manalangin tayo: (T)

L - Sa i l ang sanda l i ng ka t ah im ikan , a t i ng i pa -nalangin ang iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati na rin ang ating pansariling kahilingan (Tumahimik). Manalangin tayo: (T)

P - Ama, lingapin mo ang bayang nagsusumamo sa iyo. Tulungan mo kaming masundan ang iyong kalooban upang sa pamamagitan ng aming pagtalima, tuluyan naming makamit ang kaloob mong kaligtasan. Hinihiling namin ito sa pama magitan ni Hesukristong aming Panginoon.B - Amen.

Paghahain ng Alay (Tumayo)

P - Manalangin kayo...B - Tanggapin nawa ng Pangi-noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapaki nabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay

Pagdiriwangng huling hapunan

Page 4: Taon Blg. Misa de Gallo — Puti Disyembre 17, 2020 Anak ng DIYOS · 2020. 12. 13. · ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at

Pagbati ng Kapayapaan

Paanyaya sa Pakikinabang(Lumuhod)

P - Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.B - Panginoon, hindi ako ka-rapat-dapat na magpatulóy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Antipona sa Komunyon (Lc 11:27)

Mapalad ang Birheng Maria, pinili ng Diyos Ama upang il’wal ang sugo n’ya, Anak na kaisa-isa at Manunubos ang sala.

Panalangin Pagkapakinabang(Tumayo)

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming mapagmahal,

s a p a g s a s a l o n a m i n s a banal na pakikinabang ang iyong kagandahang-loob ay aming hinihiling upang ang pagpaparangal namin sa Mahal na Birhen at pagtulad namin sa kanya ay magpagindapat na aming paglingkuran ang pagganap sa kaloob mong kaligtasan sa pama magitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasa wa lang hanggan.B - Amen.

P - Sumainyo ang Panginoon.

P - Ama naming Lumikha, ang iyong nagkatawang-taong Anak ay tumulong nawa sa aming ginagawa upang siya na iniluwal ni Maria nang di bumawas kundi lalo pang nagpaganap sa pagkabirhen, ay magpagindapat na kalugdan mo ang aming paghahain sa ikapagpapatawad ang mga kasalanan sapagkat siya ang Panginoong kasama mo at ng Espiritu Santo magpasa-walang hanggan.B - Amen.

Prepasyo (Adbiyento II)

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.P - Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.B - Itinaas na namin sa Panginoon.P - Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.B - Marapat na siya ay pasala matan.P - Ama naming makapangyari-han, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pama ma gitan ni Hesukristo na aming Pangi noon.

Ang pagsusugo mo sa kanya ay ipinahayag ng lahat ng mga propeta. Ang pagsilang niya’y pinanabikan ng Mahal na Birheng kanyang Inang tunay sa kapangyarihan ng Espiritung Banal. Ang pagdating niya’y inilahad ni San Juan Bautista sa kanyang pagbibinyag. Nga-yong pinaghahandaan namin ang maligayang araw ng kan-yang pagsilang, kami’y nana-nabik at nananalanging lubos na makaharap sa kanyang kadakilaan.

Kaya kaisa ng mga anghel na nag sisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kada ki laan.B - Santo, Santo, Santo... (Lumuhod)

Pagbubunyi (Tumayo)

B - Si Kristo’y namatay! Si Kristo’y nabuhay! Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ama Namin

B - Ama namin...P - Hinihiling naming...B - Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu -rihan magpakailanman! Amen.

B - At sumaiyo rin.

Pagbabasbas

P - Magsiyuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos. (Tumahimik)

Ang makapangyarihang Diyos Ama ng Bugtong na Anak na naparito na noon at hinihintay nating bumalik ngayon ay siya nawang magpabanal sa inyo pakundangan sa liwanag ng kanyang pagdating at siya rin nawang pumuspos sa inyo sa pagpapala ngayon at magpasawalang hanggan.B - Amen.P - Patatagin nawa niya kayo sa pananampalataya, paligayahin sa pag-asa at pakilusin sa pag-ibig na puspos ng sigla ngayon at magpasawalang hanggan.B - Amen.P - Kayong nagagalak sa pagdating ng nagkatawang-taong Manunubos ay puspusin nawa niya ng gantimpalang buhay na di matatapos kapag siya’y dumating nang may kadakilaang lubos magpasawalang hanggan.B - Amen.P - Pagpalain kayo ng makapang-yarihang Diyos, Ama at Anak (†) at Espiritu Santo.B - Amen.

Pangwakas

P - Humayo kayong taglay ang pag-ibig ni Kristo.B - Salamat sa Diyos.

Pagtatapos

Pakikinabang