8
- Pahina 3 TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY SETYEMBRE 24-30, 2013 VOL 1 NO 17 Pinoy Knightline THE OFFICIAL PUBLICATION OF THE KNIGHTS OF COLUMBUS LUZON JURISDICTION B1 www.tapatnews.com @tapatnews /tapatnews [email protected] PNOY, SABIT SA P50M PABUYA Ibinunyag ni Sen. Jinggoy Estrada kung paano ginamit ng administrasyong Aquino ang pork barrel para i-im- peach si dating Chief Justice Renato Corona, pati ang pagpasa ng RH Bill at Sin Tax Bill. Patuloy ang mga protesta laban sa sistema ng pork barrel at iba pang discretionary funds ng administrasyong Aquino.

Tapat vol 1 no 17

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Tapat sa Balita, Tapat sa Buhay

Citation preview

Page 1: Tapat vol 1 no 17

- Pahina 3

TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY

SETYEMBRE 24-30, 2013 VOL 1 NO 17

Pinoy KnightlineTHE OFFICIAL PUBLICATION OF THE KNIGHTS OF COLUMBUS LUZON JURISDICTION

B1

www.tapatnews.com@tapatnews /tapatnews [email protected]

PNOY, SABIT SA P50M PABUYA

Ibinunyag ni Sen. Jinggoy Estrada kung paano ginamit ng administrasyong Aquino ang pork barrel para i-im-peach si dating Chief Justice Renato Corona, pati ang pagpasa ng RH Bill at Sin Tax Bill.

Patuloy ang mga protesta laban sa sistema ng pork barrel at iba pang discretionary funds ng administrasyong Aquino.

Page 2: Tapat vol 1 no 17

2 SETYEMBRE 24-30, 2013balitaWhat’s up in the Church?

Philippine Conference on New Evangelization16 – 18 October, University of Santo Tomas Manila, Philippines Registration fee is P1,000.00. For more information, contact (02) 564-3712 to 13; 564-9445; 564-4084; 564-4008 or email [email protected]

‘My vocation is love!’ Vocation Search [Series 4]6 October, 8.30 a.m. to 2.00 p.m., St. Teresa Hall, St. Jo-seph Building, Our Lady of Mt. Carmel Shrine parish, 5th St., corner Broadway Avenue, New Manila, Quezon City

‘Moment of Love’ P h o t o g r a p h y Workshopsponsored by CFC Singles for Christ

5 October, 8.00 a.m. to 5.00 p.m., Mary the Queen Parish (near Xavier School)

‘Run-Bike-LIVE for a Pro-Life Nation’sponsored byPro-Life Philippines Foundation / E-ventologist Co.

8 December, 5.00 to 9.00 a.m., Marikina Riverbanks

Walang mali sa sinabi ng Santo Papa - CBCP MANILA — MATAPOS ang kontrobersyal na pahayag ng Santo Papa na diumano’y pa-tungkol sa maling pokus ng maraming Katoliko sa mga isyu tulad ng aborsyon at kontrasepsyon, klinaro ng mga obispo ng Pilipinas na ipinaliwanag lamang ni Pope Francis ang halaga ng “char-ity” o pag-ibig sa kapwa, at wala itong binabago sa katu-ruan ng Simabahan tung-kol sa mga isyung pro-life.

“There is no contradiction. He is not opposing any doc-trine. He is only reminding us that perhaps what the world needs is our witnessing to charity,” ani Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng Catho-lic Bishops’ Conference of the Philippines tungkol sa pakiki-panayam kamakailan ng Santo Papa sa isang Heswitang pery-odiko na naka-base sa Italya.

Sa nasabing panayam, ipi-naliwanag ng Santo Papa na, ”Church’s pastoral ministry cannot be obsessed with the transmission of a disjoint-ed multitude of doctrines”.

Sa kabila ng kakaibang in-terpretasyon ng mga pahaya-gan at midyang pangmasa sa ibig sabihin ng mga pahayag ni Pope Francis, para kay Palma, ito ay nagpapatotoo lamang sa importansya ng dalawang aspeto ng pananampalatay-ang Katoliko, ang doktrina at ang malasakit sa kapwa.

“So I am very happy with

what he said and I do not see any opposition to the existing doctrines of the Church,” ayon kay Palma.

“We know that the teach-ings are one important aspect of the Church but witness-ing to love is also the chal-lenge that people want to see in us,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Arch-bishop Socrates Villegas of Lingayen-Dagupan, vice presi-dent ng CBCP, na sumang-ayon din sa pahayag ni Pal-ma, ang pangunahing hiling ng Santo Papa ay ang bawat tao ay magkaroon ng “per-sonal encounter with Christ”.

“Our behavior will fol-low from that friendship with Christ. Our value sys-tem and attitude will fol-low from knowing Christ,” paliwanag ni Villegas.

“He did not rebuff the strong

opposition to contraception, abortion, or homosexual mar-riage. He just set it on proper grounding,” dagdag pa nito.

Matatandaang ang isyu ng birth control ay naging paksa ng mainit na talakay-an at debate, lalong lalo na ang naipasang Reproductive Health law na kasalukuy-ang naghihintay ng hul-ing hatol sa Korte Suprema.

Ayon kay Palma, magpapa-tuloy ang pangangampanya ng Simbahan laban sa RH law, dahil naniniwala itong hindi magbabago ang katu-ruan ng Simbahan tungkol sa aborsyon at kontrasepsyon.

“Pope Francis is tell-ing us to be compassion-ate but it doesn’t mean that the Church will change its teachings,” ani Palma. “Do not expect that to happen. (RL)

Ayon kay Lingayen - Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ang nais idiin ni Pope Francis sa kanyang panayam ay ang halaga ng isang “personal encounter with Christ” at wala itong nais baguhin sa katuruan ng Simbahan tungkol sa aborsyon o kontrasepsyon.

Publiko, hinihikayat na manalangin kay San Miguel Arkanghel

MANILA -- Dahil sa patuloy na kaguluhan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa karahasan at korupsyon, minabuti ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ibalik ang paghingi ng tulong kay San Miguel Arkanghel pagkatapos ng misa sa lahat ng mga simbahan sa bansa.

Sa isang liham na ipinadala sa mga arkdyosis at diyose-sis sa Pilipinas, hinikayat ng CBCP ang mga kaparian na dasalin pagkatapos ng bawat misa ang lumang panalangin kay San Miguel Arkanghel na isinulat ni Leo XIII noong 1896 sa gitna ng “many situ-

ations of trouble and con-flict” na dinaranas ng bansa.

Ayon kay Cebu Archbish-op Jose Palma, pangulo ng CBCP, ang nasabing dasal ay talagang “very timely” dahil sa mga nagdaang kal-amidad at dahil sa lumalalang katiwalian sa pamahalaan

“Through this prayer, we invoke St. Michael to defend us and our country against the wickedness and snares of the evil one,” ani Palma.

“Michael – which means, “Who is like God” – will win over all the evil attempts to disfigure the face of mankind because God Who is stronger

acts in him,” dagdag pa nito.Panalangin kay San Miguel

Arkanghel:“San Miguel Arkanghel, am-

punin mo kami sa labanan at maging bantay ka nawa namin sa kalupitan at sa mga silo ng demonyo. Sugpuin nawa siya ng Diyos, na ipinagmam-akaawa namin sa iyo, at ikaw, Prinsipe ng mga Hukbo sa Langit, sa kapangyarihan ng Diyos, ibulid mo sa kailaliman ng impiyerno, si Satanas at ang lahat ng malulupit na espiritu, na gumagala sa sanlibutan at nagpapahamak sa mga kalu-luwa.

Siya Nawa.” (Roy Lagarde)

Page 3: Tapat vol 1 no 17

3SETYEMBRE 24-30, 2013 balita

Ni PAULO DE GUZMAN

PNoy, sabit sa P50M pabuya

MATAPOS makasuhan ng plunder sa maanomalyang paggamit ng Priority Develop-ment Assistance Fund (PDAF) o kilala bilang pork barrel, bumwelta si Senador Jinggoy Estrada at isinabit ang ilang miyembro ng Senado maging ng Kamara na kaalyado ni pan-gulong Benigno Aquino III sa nasabing isyu ng pork barrel.

Isiniwalat ni Estrada sa kan-yang privilege speech kam-akailan ang diumano’y pabuya na P50 milyong dagdag pork barrel para sa papabor sa RH bill, Sin Tax bill at impeache-ment ni dating punong mahis-trado Renato Corona.

Ayon kay Estrada, idinaan ng Malacañang ang pagsuhol sa pamamagitan ng pagbigay ng Special Allotment Release Order (SARO) sa mga bumoto pabor sa mga naturang panu-kala.

Banat ni Estrada, “Ganoon din ang mainit na balita noong tinatalakay ng Kongreso ang kontrobersyal na Reproduc-tive Health bill. Again, I voted against this measure, kaya wala po akong SARO. Hindi na tuloy nakapagtataka nang kumalat ang balita na ang mga kongresista at mga senador ay inalok din ng PDAF para sigu-raduhin ang impeachment at conviction ng dating punong hukom ng Korte Suprema.”

Sa panimula ng kanyang talumpati binatikos ni Es-trada ang Senate Blue Rib-bon Committee na tila mga taga-oposisyon lamang ang idinadawit at pinapahiya sa madla. Dahilan diumano para ituring siya, kasama

nina Senador Juan Ponce En-rile at Senador Bong Revilla, na mga natatanging tiwali.

“Bastusan na ba ito? Alam ko na alam ng mga taong ito na sila ang tinutukoy ko. Ang tanging mensahe ko la-mang sa mga taong ito ay: ‘Sa bawat pagturo ninyo ng mapanghusga at mapangku-tang daliri o hintuturo niyo ay apat na daliri ang nakaturo pabalik sa inyo,” ani Estrada.

Idiniin din ni Estrada sina Miriam Defensor Santiago, Alan Peter Cayetano, Francis Pangilinan at Manny Villar at sinabing ayon sa report ng Commission on Audit (COA), mayroong P1.2 bilyong halaga ng transaksyon ng mga Local Government Units (LGU) na hindi mula sa mga nabang-git na senador ang hindi su-munod sa Procurement Law.

Tanong ni Estrada, “Bakit hindi nababanggit ang mga ito? Dahil ba sila ay inyong kaalyado? Pero hindi ko na-man po sinasabi na sila ay nag-kasala. Ito po ay base sa COA report na mayroon daw pong irregularities ang kanilang pinaglaanan ng pondo.”

Idinawit din ni Estrada ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng Kamara na si Man-daluyong Rep. Neptali Gon-zales sa umano’y kwestyuna-bleng disbursement ng P28.7 milyong pork barrel sa kan-yang nasasakupan na ayon kay Estrada ay lumalabas na peke ang suppliers batay sa sa COA audit.

Dagdag pa ni Estrada, “Mer-on pa ngang nakita ang COA na P6 million worth of of trans-

actions sa Jollibee! Ano ito? Six million pesos worth ng chickenjoy, hamburger at jolly hotdog? Langhap na lang-hap ang sarap, hindi po ba?”

Samantala pinabulaanan naman ng palasyo ang mga paratang ni Estrada.

Ayon kay deputy presi-dential spokesperson Abigail Valte, “As far as the executive is concerned, we can categori-cally tell you that there was no P50 million that was given to the senators as a bribe, as a reward, or as an incentive for the conviction of the former Chief Justice.”

Sa kabila nito, pinatoto-hanan naman ni Senador Pan-filo Lacson ang pagtanggap ng ilang mambabatas na karagda-gang P50 milyong pondo.

Samantala, isang mapag-kakatiwalaang source ang nagsiwalat at nagpatotoo sa pagsuhol ng palasyo sa mga miyembro ng Kamara. Ayon sa source na dating kongresis-ta kaya hindi mabitawan ng pangulo ang pork barrel da-hil ito ang ginagamit upang mamaniobra ang Senado at Kamara.

Dagdag ng source, inakala nilang tungkol sa RH Bill ang pinatawag na caucus ni House Speaker Sonny Belmonte noong mapirmahan ng 188 na kongresista ang impeachment ni Corona. Dagdag ng ating source, idiniin daw mismo ang pananakot na, “Kung ‘di ninyo pipirmahan alam na ninyo ang mangyayari,”patungkol sa kapangyarihan ng palasyo na magbigay at mang-ipit ng PDAF ng mga mambabatas.

Social media manager ni Pope Francis darating

sa PHLNi ALEJANDRO MALAPO

MANILA — NAPAKAPALAD ng Pilipinas dahil sa darating na Nobyembre, darating sa bansa ang tagapamahala ng Twit-ter account ng Santo Papa, ang @Pontifex, upang magsalita sa mga kabataang Pilipino tungkol sa paanyayang dalhin ang mensahe ng Mabuting Balita sa online na mundo.

Ibibigay ni Msgr. Paul Tighe, sekretarya ng Pontifical Council for Social Communications, ang pangunahing men-sahe sa ikalawang Catholic Social Media Summit, na gagan-apin sa Colegio de San Juan de Letran, Intramuros, Manila, sa Nobyembre 23 - 24.

Sa isang panayam sa Business Week, sinabi ni Tighe na ang desisyon na magkaroon ng isang Twitter account ang Santo Papa ay paraan ng Vatikano upang hikayatin ang mga pi-nuno ng Simbahan, mga kaparian, pati na rin ang mga layko na maging aktibo sa mga social networks.

“A number of figures, from cardinals and bishops to indi-vidual believers, are quite present in Twitter. In a sense, the Pope’s presence is, ex post facto, an endorsement or encour-agement of them. We have a lot of people who are saying, ‘If the Pope is going in there, maybe it’s time for me,’” paliwanag ni Tighe bago ipinost ni dating Pope Benedict ang kanyang unang tweet.

Si Tighe din ang nasa likod ng pagkakaroon ng annual ple-nary assembly ang Pontifical Council for Social Communi-cations nitong Setyembre 19 - 21, kung saan sinabi ni Pope Francis na kailangang simulan ng Simbahan “with discern-ment, to use modern technologies and social networks in such a way as to reveal a presence that listens, converses and encourages.”

Patuloy ang rehistrasyong online para sa Catholic Social Media Summit. Ang bayarin sa pagpaparehistro ay P1,200 kada tao. Mag log-in lamang sa http://catholicsocialmedia-summit.com upang makapagparehistro.

Inorganisa ng grupong YouthPinoy, ang Catholic Social Media Summit ay may layuning itaguyod ang online evan-gelization sa pamamagitan ng paggamit ng internet at social media upang ipahayag ang Ebanghelyo. Binuo ang Youth-Pinoy ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ Media Office at ng Episcopal Commission on Youth.

Sa ngayon, ang mga tweets ng Santo Papa ay sinasalin sa siyam na pangunahing wika, kasama ang Latin. Ang Ingles na Twitter account ng Papa ay may 3 milyong follower; ang Espanyol na account ay may 3.8 milyon; at ang Italyanong account ay may 1.1 milyon.

Page 4: Tapat vol 1 no 17

4 SETYEMBRE 24-30, 2013editoryal

AREOPAGUS MEDIA ENTERPRISEPublisher

NIRvA DElAcRUzEditor in chief

SKY ORTIGAScreative Director / Online Editor

YEN OcAMPOMarketing Director

Tapat is published every Tuesday by Areopagus Media Enterprise

You can reach us through the following:landline # (02) 788 07 04

Fax # 0871 314 1470Email: [email protected]: www.tapatnews.com

All rights reserved 2013

Editoryal

“Talaga bang kasama sa mandato ng mga mambabatas ang pumili ng mga proyektong nangangailangan ng pondo na

labas sa hurisdiksyon ng mga ahensiya ng gobyerno? “

Si Mark Solis at ang mga baboy sa KongresoHalos lamunin siya nang buhay.

Ito marahil ang pakiramdam ni Mark Solis sa mga online com-

ments at Facebook threads tungkol sa sumabog na balitang napanalunan nito ang top prize sa isang photog-raphy contest ng embahadang Chile gamit ang isang ninakaw na larawan.

Nadiskubreng hindi ito ang unang beses na ginamit ni Solis ang gawa ng iba upang manalo sa mga pho-tography contest -- at hindi lamang ito nakahihiya sa Brazil-based pho-tographer na ninakawan ni Solis ng photo at sa mga organizers ng nasa-bing contest, kundi nakababagabag sa buong bansa dahil ang kaso ni Solis ay isang sulyap sa malawakang pagka-sira ng moralidad sa lipunang Pilipino.

Tanging si Solis ba ang may sala? O ‘di kaya’y isa lamang siya sa ‘di ma-bilang na mga mamamayang sanay manlinlang ng kapwa, ngunit sa ka-sawiang palad ay nahuli? Sa kontek-sto ng isang bayang nagugulumihanan sa isyu ng isa ring kahila-hilakbot na panlilinlang ng publiko, ang pork bar-rel scam, ang tanong, kung si Solis ay isang sintoma, ano ang kagimbal-gimbal na sakit ng ating lipunan?

Ayon sa isang balitang lumabas sa

Philippine Daily Inquirer, karagdagang pork barrel funds na nagkakahalagang P1.107 bilyon ang ibinigay sa 20 senador na bumotong i-impeach si dating Chief Justice Renato Corona noong 2011.

Wala namang natanggap ang mga senator-judges na bumo-tong ipawalang-sala si Corona na sina Ferdinand “Bongbong” Mar-cos at Miriam Defensor-Santiago.

Lahat ito ay tumutugma sa pasabog na ibinunyag ni Sen. Jinggoy Estrada sa isang privilege speech kamakailan kung saan tinawag niyang “selective justice” ang pagtugis sa kanya at kina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Ramon Revilla Jr., habang tila nagbubulag-bulagan ang administrasyong Aquino sa “irregu-larities” ng paggamit ng pork barrel ng higitkumulang 371 na mambabatas.

Dinepensahan naman nito ni Budget Secretary Florencio Abad, na totoong binigyan ng karagdagang pork barrel ang mga senador, ngunit ito aniya, ay bahagi ng Disbursement Acceleration Program (DAP) at hindi uri ng pagsuhol.

Sabihin na nating, medyo may palu-sot pa ang administrasyong Aquino sa paratang na sinuhulan ang mga senador upang i-impeach si Corona, ang totoong nakalulula ay ang laki ng mga halagang nakalista sa tabi ng mga pangalan ng mga mambabatas:

Tumanggap ng P50 milyon bawat isa sina Antonio Trillanes, Manuel Vil-lar, Ramon Revilla, Loren Legarda, Lito Lapid, Jinggoy Estrada, Alan Cayetano, Edgardo Angara, Ralph Recto, Vicente Sotto III at Serge Osmeña. P30 milyon naman ang nakuha ni Francis Pangili-nan; P45.5 milyon kay Koko Pimentel; P44 milyon para kay Teofisto Guin-gona; P92 milyon para kay Enrile at P100 milyon para kay Franklin Drilon.

Sa laki ng halaga na pinag-uusapan, bakit kaya hindi sineseryoso ang ha-ka-hakang nagiging mekanismo ng sistematikong korupsyon ang Priority Development Assistance Fund (PDAF)? Talaga bang kasama sa mandato ng mga mambabatas ang pumili ng mga proyektong nangangailangan ng pondo

na labas sa hurisdiksyon ng mga ahen-siya ng gobyerno? Hindi ba’t para sa mga nakatalagang ahensiya ng go-byerno ay kulang pa nga ang pondo?

Tingnan na lamang natin ang kala-gayan ng Department of Education na buong-giliw na ipinahayag nitong Mayo na makakamit na ng nasabing kagawaran ang “zero backlog” para sa klasrum, mga libro at mga guro.

Nakalimutang ibunyag ng DepEd na nananatili itong naka-depende sa 35,449 na volunteer kindergarten teachers,

4,828 mobile teachers at coordina-tors, at 49,530 na mga gurong pinapas-uwelduhan ng lokal na pamahalaan.

Katawa-tawa na ang kinikita ng isang volunteer na guro ay P3,000 kada buwan -- ni hindi nga yata makakakain nang maayos ang isang tao tatlong beses sa isang araw sa ganitong sahod. Abonado pa sa pagsakay sa dyip pa-puntang eskwelahan. Ang libo-libo-ng guro na katulad nila ay wala ring katiyakan ang mga trabaho at walang benepisyo. Paano kaya kung ang pon-dong 1 bilyong mahigit na ibinigay sa mga senador ay itinuon sa mga guro?

Kung babalik tayo sa eskandalo ni Solis, ang lilitaw ay ang pagkabulag

- Pahina 6

Page 5: Tapat vol 1 no 17

5SETYEMBRE 24-30, 2013 opinyonTHE DREAMER

Paul Edward SisonMag-ingat at baka kayo

makuryente

TABI POMelo Acuña

LIVE FREESamantha Manuel

In the Midst of Conflict and Crisis: What is God Telling Us?

Nagpipiyesta ang mga media organi-z a t i o n

na lantarang anti-Catholic kada may pa-hayag si Pope Francis.

Kanya-kanya sila sa pag-ang-gulo ng balita na pabor sa kanilang motibo.

Lalo na dito sa pinaka-huling pananaw daw ng Santo Papa tungkol sa aborsyon at homoseksu-alidad. Nakikita ng media ang gusto nilang makita. At sinusulat nila ito na sadyang may kulay para mas maraming malinlang

at maligaw.Pansinin ninyo, ‘di lang

mga international news organizations ang nag-misinterpret – pati mga local media nakisawsaw.

Nagulantang tuloy sila nang malathala naman ang pag excommuni-cate ng Papa sa Australi-yanong pari na pabor sa gay marriage. Tila bang nagbubunyi sila na sa

wakas ay naging liberal na ang Roma dahil kay Pope Francis, ngunit bigla silang nalito nang pinarusahan ang isang pari sa isang isyu na may kaugnayan sa homosek-sualidad.

Ito ay patunay lamang o indikasyon na mali ang pag-aakala nila sa tunay

na mensahe ng Santo Papa.

Kaya tayong mga biny-agang Katoliko, huwag po tayo basta basta manini-wala sa mga makulay na binabalita tungkol sa ating pananampalataya. Alamin muna natin ang pinanggalingan, at saka natin basahin o panuorin

nang maigi ang kabuuan ng sinabi ng ating mahal na Pope Francis.

Tunay na marami tayong matututunan sa ating bagong Pastol pero mas mabuti na mag-ingat tayo na hindi tayo maisa-han ng mga may masa-mang balak.

Himayin ninyo nang maigi ang mga lu-malabas na balita at pagnilayan ninyo. Magdasal at humin-gi ng gabay ng Banal na Espiritu para sa discernment.

Ang hanapin ninyo ay ang isang men-saheng hindi nagbabago. Ang katotohanan ay hindi pabago-bago. Ka-hit paano mo pa balikta-rin ‘yan … pareho pa rin. Consistent.

Kung ‘di nagtutugma ang mga pahayag, pa-

In light of the recent happenings all over the world - conflicts

in Syria and in Zam-boanga, Philippines, at-tacks in Nairobi, Kenya and in Pakistan – we are once again witness-ing senseless violence and the sacrifice of many innocent lives.

As a mom, my heart goes out most especial-ly to the young ones who lost a parent, vic-tims whose lives were cut short, and families tragically left behind. I may not know exactly what the bereaved fam-ilies are going through right now, but I believe, nothing can quite com-pare to the emotional pain of losing a loved one.

People come into our lives as blessings. It is difficult to imagine be-ing in this world with-out them, especially people we love the most.

When circumstances such as these arise, I am reminded to value life and relationships even more:

Never miss an op-portunity to let the people we love know how precious they are to us.

Time spent with fam-ily and friends should be time well-spent. Let us enrich our lives by loving the people clos-est to our hearts and make sure they experi-ence it more and more each day.

Invest in relation-ships -- even with people we’ve just met or have known for a while.

A simple act of kind-ness is sometimes all it takes to make a dif-ference. Thanking the guard who opened the door -- even if he is just doing his job. A word of encouragement to a colleague at work -- we never know, but it just might be what someone needs at that particular moment.

Share the good news of God to as many people as we can.

If God is alive in our hearts, people can see and experience it. People tend to lose hope, cour-age, meaning in their lives if God is not part of it.

Live life to the fullest.Make each moment

count. Never waste a day in our life feeling down and hopeless but always look forward to God’s plans and what life has to offer.

In times of trials and conflict, God’s desire to be part of more lives becomes more evident. Let’s make Him known to this world. Bring Him to more people in order for others to get to know him in a deeper, more personal way.

For those who are suf-fering and mourning, it may be tempting to ask, “Where is God in all of this?”

I believe we need to realize, bad things hap-pen when we take God out of our lives; we wal-low in our sinfulness, our denial, our pride. We tend to push God away because we feel that the world doesn’t need Him.

Himayin ninyo nang maigi ang mga lumalabas na balita at pagnilayan ninyo. Magdasal at humingi ng gabay ng Banal

na Espiritu para sa discernment.

Nangangamba ako

Sa nakalipas na il-ang araw ay laman ng mga pahayagan,

radyo’t telebisyon ang mga balita tungkol kay Janet Lim - Napoles, sa kanyang aboga-da, mga mamba-batas na may koneksyon uma-no sa kanya at sunod-sunod na pag-usbong ng whistleblowers na maiha-hambing sa langgam na nabulabog sa kanilang tahanan.

Isa pa ring malagim na balitang laman ng me-dia ay ang nagaganap sa Zamboanga City na iki-nasawi na ng higit sa 100 katao, pagkakasugat ng mga mamamayan, mga kawal at pulis at maging

mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF). Nabalita ang halos walang humpay na sunog na nagaganap sa limang barangay ng

maganda at matulaing lungsod.

Hindi gasinong na-pansin ng madla ang bagyong humagupit sa hilagang Luzon na may dalang higit sa 200 kilo-metro bawat oras ang pagbugso ng hangin na tumama sa Batanes at iba pang bahagi ng bansa.

Sinabi na ni Pangu-

long Aquino na magla-laan siya ng P 3.9 bilyon upang ibangon ang nap-insalang lungsod. May inilaan upang may kain-in ang mga internally displaced persons, may salapi para sa pagkakak-itaan ng mga nasalanta, pagpapagawa ng mga gusaling napinsala at panustos sa mga batang nag-aaral sa elementa-rya at high school.

Bagama’t mayroong

maibabalik na mga gusa-li, walang anumang hal-aga ang sasapat upang maibalik ang mga buhay na nawala dahilan sa walang pakundangang labanan sa pagitan ng mga tauhan ni Nur Mis-uari at ng mga kawal ng pamahalaan.

Mayroon daw isang Xavier Daniels na nagpa-

kilalang taga-United Na-tions na umikot sa Sulu at nangungumbinse sa mga kabataang lumahok sa “martsa” sa Zamboanga. Itinanggi ng United Na-tions na tauhan nila si G. Daniels. May balita ring narinig sa isang malay-ang talakayan sa Uniber-sidad ng Pilipinas na sa pag-iikot ni G. Daniels sa Sulu ay may mga kasama itong kawal na Ameri-kano. Sino si G. Daniels?

Bakit hindi siya pinaghahanap ng mga alagad ng batas? Sino ang amo ni G. Daniels?

H a n g g a n g ngayo’y hindi

ko maunawaan kung bakit hindi napuna ng mga kaibigang kawal na Amerikano ang mobi-lisasyon ng MNLF kaya’t naging matagumpay ang kanilang pagpasok sa lungsod ng Zamboanga.

Sa pinsala, lagim at tra-hedyang tinamo ng mga

- Pahina 6

Mayroon daw isang Xavier Daniels na nagpakila-lang taga-United Nations na umikot sa Sulu at

nangungumbinse sa mga kabataang lumahok sa “martsa” sa Zamboanga.

- Pahina 6

- Pahina 6

Page 6: Tapat vol 1 no 17

6 SETYEMBRE 24-30, 2013

It’s good to know that...A study done in Utah, U.S. showed, people with higher

“religious commitment” had higher self-esteem, emotional maturity and non-depression.

In the midst.... mula sa pahina 5

Apart from God, it is difficult to see goodness in this world. But no matter how much we push God away, He will always be there to comfort us, to give

us hope, to uplift us and to bear our pains. All we need is to ask and to seek Him in the midst of tragedies happening around us.

God will and can bring light goodness and blessings out of any tragic moment.

nanaw, o kilos, tiyak ‘yan, mali ang pagkakaintindi sa tunay na halaga at punto ng mensahe.“Be not afraid,” ang sabi ng dating Santo Papa Juan Pablo II. Huwag po kayong mababahala

dahil hindi po pababayaan ng Diyos na magtagumpay ang mga nagkakalat ng mga kamalian tungkol sa ating pagiging Katoliko.

Kailangan lamang po na manatili tayong dilat, alerto, at mapanuri.

Mag-ingat.... mula sa pahina 5

taga-Zamboanga at mga kawal ng pamahalaan, ng mga mamamayan, mga kababaihan at mga kabataan, wala kayang direktor na biglang sisigaw ng “Cut! Pack-up boys!” Nangangamba ako kung walang sinumang pipigil sa kaguluhan. Hindi po ba kayo nangangamba?

Nangangamba ako.... mula sa pahina 5

TAPATAN Question!Nagulantang ang mundo ng social media nang maiulat na isang University of the Philippines graduate student ay nanalo sa isang photography contest gamit ang isang photo na hindi naman kanya. Hindi ito unang pagkakataong nagawa ni Mark Solis na magnakaw ng mga litratong kuha ng iba, at hindi rin bago sa kanya na manalo at makilala dahil sa mga nasabing nakaw na larawan. Nagtanong kami sa mga netizens:

Ano ang maaaring gawin ng mga paaralan/mga magulang/lipunan

upang hindi dumami ang mga tulad ni Mark Solis?

“The way I see it, Mark said in his interview, that he did it because he needed money for his studies and so forth. This is a question of prioritizing our values system. Teachers and parents must learn to appreciate the talents of the children, young as they are. Let them understand how valuable it is to make use of the gifts original, unique and essen-tial; that it is wrong to covet thy neighbor’s goods; that what is in us will hold true for us and if we try to steal the gifts of others that will pull out a fraction of our goodness.” ~ Frence Boiser, admin officer, Tagaytay

“Don’t be a [bad] example. Kung nakikita ng bata na walang kurakot, hindi niya gagawin ‘yun.”~ Jathniel Canar, supply chain officer, Sta. Cruz, Manila

“For the parents and school to prevent more Mark Solises, teach the right values siyempre. Some-times, we put too much value on education and success to the point that forgot the “true values” we should have. For the parents and the society, stop putting too much pressure on your children -- that they should be like this and like that, to earn more etc, because family and friends usually have big influence to a person.” ~ Jaqueline Li, dentist, Quezon City

“I think it has to do with values that parents instill in their kids, the character that is developed by parents and teachers. Like, I would never think of doing that just to rise above my peers or col-leagues or to gain fame or notoriety for that mat-ter.” ~ Roy Verdolaga, administrative assistant, Cubao, Quezon City

“The way to success is strewn with temptations to cheat, to cut corners and to want to get there in the fastest way without regard of the consequences if found out..Kasi sooner or later, he will get found out.”~ Dolores Ella, guro, Antipolo City

Ano ang halaga ng Banal na Misa... mula sa pahina 7

ng Komunyon sa mga ito maliban lamang sa humiwalay na Simbahang Griyego at Eastern Orthodox.Pinag-isa ni Kristo ang liturhiyang pagtanggap ng mga Hudyo, ang madugong sakrip-

isyo at ang Banal na Hapunan sa Kalbaryo. Mula sa pinagdausan sa Huling Hapunan hang-gang sa mga pagbabago sa pagdaloy ng panahon, ang pagsasalo-salo na ngayon ay nasa mga Misa ay siya pa rin gaya noong una at kahalintulad ng nasa lahat ng altar sa buong mundo. Patuloy ang pagsunod ng sa utos ni Kristo, “Gawin ninyo ito sa pag-aalala sa Akin.”

Walang pari ang maaaring magbago ng paraan ng Misa: Ang Misteryo ng Eukaristiya ay napakalaki at napakahalaga upang pagbigyan ang sino man na siyang aangkin nito, upang ang kanyang kabanalan at pangkalahatan pamamaraan ay mabago.—Ecclesia de Eucharistia

IDOLONG Tapat!Mahigit 10 taon nang security guard si Rocky D. Cabajes. Para sa kanya, ang pagig-ing Tapat sa tungkulin ay kailangan upang tumagal sa isang trabaho. Dahil dito, naga-gampanan ni Ginoong Cabajes ang respon-sibilidad niya kanyang pamilya. Aktibo rin siyang lumalahok sa kanyang komunidad at nag-boboluntaryo sa mga ‘charitable activ-ites’ ng kanyang kasalukuyang kumpanya. (YO/TapatNews)

nating mga Pinoy sa harap-harapang paglapastangan sa ating pagkilala sa integridad. Kung tutuu-sin, walang isang pangalan ngayon sa Kongreso ang walang bahid pagdating sa isyu ng pork bar-rel, ngunit bakit napakabilis nating kondenahin ang kamalian ni Solis, ngunit napakahirap kilala-nin na malamang sa malamang, hindi lang si Estrada, Enrile at Revilla ang mga baboy sa Senado?

Si Mark Solis.... mula sa pahina 4

Page 7: Tapat vol 1 no 17

7SETYEMBRE 24-30, 2013 Katoliko

KATESISMO, MISMO!

Unapologetically catholic

by EDGARDO DE VERA

Bakit tinatawag na pagpapaalala sa sakripisyo ni Kristo ang Banal na

Eukaristiya?Ang Eukaristiya ay isang pagpapaalala sa sakripisyo ni Kristo dahil muli nitong iginagawad sa kasaluku-yan ang pagalay sa sakramento ng katangi-tanging sakripisyo ni Hesus sa krus. Sa Kanyang pagalay ng sarili na walang katulad, muling dumadaloy ang presensya ng Panginoong Hesukristo tuwing gina-ganap ang Misa, at sa liturhiya ng Banal na Simba-han na siyang katawan.

Ano ang halaga ng Banal na Misa?Ang mga Hudyong Kristiyano ang unang mga

miyembro ng Sinaunang Simbahan. Pagkata-pos ng Pentekost, sila ay nagpatuloy sa pag-

sama sa paggunita ng Sabbath o “araw ng pamama-hinga” sa mga sinagoga. Doon sila ay nakikinig sa dalawang basahin mula sa Lumang Tipan, kumakan-ta ng mga salmo mula sa Mga Awit, at nakikinig sa homiliya ng Rabbi. Sinusundan nila ito ng pagtitipon sa isang bahay upang pagsaluhan ang hapunan na tinatawag na agape (Mga Gawa 2:46), kung saan ang Apostoles o tinalagang obispo ay nagpoproklama ng Ebanghelyo at nangunguna sa pagsasalo-salo at paghahati ng tinapay mula sa mga banal na alay at walang lebadurang tinapay at alak.

Nang pinagbawa-lan na ang mga Kris-tiyanong pumasok sa mga sinagoga dahil sa kanilang panini-wala kay Kristo, ipi-nagpatuloy nila ang selebrasyon ng mga Hudyo tuwing Sab-bath. Sa paglipas ng panahon, ang pagpa-paalala ay tinawag na eukaristiya, limbag mula sa salitang Griyego na eucharistein, o gawa ng pasasala-mat at kinilalang isang dasal kay Kristo na siyang Ama ng Huling Hapunan. Ang agape na tinawag na komunyon ay maikling pinagpaliban nang da-hil sa mga naganap na pang-aabuso at kawalan ng respeto sa tinaguriang katawan ni Kristo (1 Korin-to 11:23-33). Dito nagmula ang pag-aayuno bago ang komunyon bilang paghahanda sa Eukaristiya.

Sa taong 150 A.D., nabuo ang dalawang sangay ng pagsamba, ang Misang Catechumens o Liturhiya ng mga Salita at Misa ng mga Mananampalataya o

Liturhiya ng Eukaristiya. Binubuo ito ng Tanang Simbahan, mga dasal, pananamit ng pari, at par-aan ng misa na sinunod mula sa mga pagsamba ng mga Hudyo sa templo kasama na ang mga kasu-latan. Ang mga alay ay iba-iba noong sinaunang panahon: palay, manok, prutas, at iba pang mga bagay bago pa nagsimulang tumanggap ng salapi.

Ang Linggo ay itinalaga sa liturhiya upang gunit-ain ang Muling Pagkabuhay. Salitang Latin ang nag-ing pangunahing lengwahe para sa pangkalahatan na sa mga nagdaang panahon ay siyang pumalit sa sali-tang Griyego sa Romanong ritwal at ipinagpatuloy ng ilang daang taon hanggang sa pagdating ng Ikala-wang Konseho ng Vaticano kung saan ipinalaganap

ang mga pagbabago na nagpahintulot sa paggamit ng mga lokal na salita para sa Banal na Misa.

Ang kulay ng pananamit ng ka-parian ay nagpa-pakilala sa pana-hon ng Liturhiya: byoleta o kulay lila

para sa Adbiyento at Mahal na Araw; pula para sa Huwebes Santo at Biyernes Santo; puti o ginto sa Pasko, Pasko ng Pagkabuhay at iba pang Solemniya; berde para sa Ordinaryong Araw; asul, ginto o puti sa pag-alala kay Maria at pula para sa mga martir.

Ang gawa ni Kristo na pagtanggap, pagbasbas, pa-ghati, pabibigay at pagpaparami ng tinapay na Kan-yang inulit noong Huling Hapunan at para sa dalawang disipulo sa Emmaus ay sentro ng walang kundisyong pagsamba sa lahat ng pitong Romanong ritwal: Alex-andrian, Antiochene, Armenian, Byzantine, Chaldean – na kinabibilangan naman ng 22 Silanganang Sim-

bahan sa ilalim ng Roma, Maronite, Coptic, Syriac at iba pa. Ang mysterium fidei o misteryo ng paniniwala ay hindi nagbabago kahit pa may maliit na pagkakai-ba sa mga kultura. Ang Katoliko ay maaring tumanggap

St. Leonard of Port Maurice

From the Saints...

“Leave sadness to those in the world. We who work for

God should be lighthearted.”

Ang Misteryo ng Eukaristiya ay napakalaki at napakahalaga upang

pagbigyan ang sino man na si-yang aangkin nito, upang ang kan-yang kabanalan at pangkalahatan

pamamaraan ay mabago.

- Pahina 6

Page 8: Tapat vol 1 no 17