12
ANG BALITANG TOTOO MAYO 21-27, 2013 VOL 1 NO 9 PROTESTANG TAIWANESE vs PINAS, TULOY PA RIN - Basahin sa Pahina 3 TAPATAN May gusto ka bang baguhin sa iyong parokya? Ano ‘yun? - Pahina 8 Yaya noon, businesswoman na ngayon - Pahina 6 College girl, nakakuha ng STD - Pahina 7 www.tapatnews.com @tapatnews /tapatnews [email protected] - Pahina 10 Ano ba talaga ang “separation of Church and State”? 1,000 graduates, may scholarship bilang ‘future teachers’ - Pahina 3 ADVICE NI ATE AMI:

Tapat Vol 1 No 9

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Balitang Totoo

Citation preview

Page 1: Tapat Vol 1 No 9

ANG BALITANG TOTOO

MAYO 21-27, 2013 VOL 1 NO 9

PROTESTANG TAIWANESE vs PINAS,

TULOY PA RIN- Basahin sa Pahina 3

TAPATANMay gusto ka bang baguhin sa iyong

parokya? Ano ‘yun?- Pahina 8

Yaya noon, businesswoman

na ngayon- Pahina 6

College girl, nakakuha ng

STD- Pahina 7

www.tapatnews.com@tapatnews /tapatnews [email protected]

- Pahina 10

Ano ba talaga ang “separation of

Church and State”?

1,000 graduates, may scholarship

bilang ‘future teachers’

- Pahina 3ADVICE NI ATE AMI:

Page 2: Tapat Vol 1 No 9

2 MAYO 21-27, 2013balita

Ni CLARISSOL REONAL

National consecration gaganapin sa June 8MINARKAHAN na ng Catho-lic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Hunyo 8, 2013 bilang araw na naka-takdang gawin ang national consecration mg bansa sa Ma-linis na Puso ni Maria.

Sa ganap na ika-10 ng uma-ga, sabay-sabay na ihahabilin ng lahat ng kaparian at mga obispo ang bansa sa Malinis na Puso ni Maria sa lahat ng mga parokya, katedral, dambana at kapilya sa darating na Hunyo 8.

“Hinihikayat namin ang mga tao na magsagawa ng indibid-wal na kilos ng paghahandog sa Diyos araw-araw, isang maiksing panalangin”, ani CBCP Secretary General Msgr.

Joselito Asis.“Sana magsimula ang “con-

version” o pagbabago sa ating sarili, sunod naman sa buong bansa. Ito ay isa ring panawa-gan,” dagdag pa ni Msgr. Asis.

Layunin ng consecration na humingi ng biyaya ng pagbab-alik-loob ng mga tao sa Diyos, biyaya para sa integridad at ka-tarungan, at pangmatagalang kapayapaan sa mga komunidad at sa buong mundo.

Ang nasabing pagtatalaga ay bahagi ng Taon ng Panana-mpalataya, at parte ng siyam na taong nubena bilang pa-ghahanda sa 2021, ang ika-500 taong anibersaryo ng pananam-palatayang Kristyano sa bansa.

Bilang pagsuporta sa national consecration, may ilang grupong nagpapalaganap ng individual consecration tulad ng Confraternity of Mary Mediatrix of all Grace.

Buhay, nangunguna sa labanang party list

TAGLAY ang lamang ng mahigit ku-mulang 25,000 na boto, nangunguna ang Buhay Hayaan Yumabong party list, isang pro-life na organisasyon, sa labanan ng mga party list, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Pumapangalawa lamang ang A Teacher na may 1,033,873 boto, kump-ara sa Buhay na may naitalang 1,255, 734 na boto noong Miyerkules.

Nahigitan na nito ang kanilang pag-kapanalo noong 2007, kung saan nag-ing no. 1 party list din ito na may 1,169, 338 na boto.

Inaasahang matapos ngayong linggo ang bilangan ng boto para sa party list, na ayon sa Comelec, may 95 porsiyento na ng lahat ng certificates of canvass (COC) ang naibilang.

Pumapangatlo naman ang Bayan Muna na may 945,639 boto, sumunod naman ang 1-CARE, isang grupong nagtataguyod sa rural energy, na may 931,303 boto. Pang-lima naman ang Akbayan na may 820,351 votes.

Ang umani ng pinakamaraming boto noong halalan 2010, ang Ako Bicol, ay nasa ika-anim na posisyon, na may 761,115 boto, habang pang-pito ang

Abono na may 753,161.Sumusunod sa listahan ang mga

party list na nakalikom ng higit sa 2 porsiyento ng lahat ng boto o mahigit kumulang 200,000 votes.

8. OFW Family - 735,8549. Gabriela - 706,19410. Senior Citizens - 671,91611. COOP-NATCCO - 640,18012. AGAP - 588,09513. CIBAC - 578,32014. Magdalo - 561,61315. An Waray - 540,21016. Abamin - 465,19217. Act Teachers - 449,71018. Butil - 437,08419. ACT-CIS - 371,30920. Amin - 370,35121. LPGMA - 369,98922. Kalinga - 367,83923. TUCP - 365,29924. YACAP - 364,27825. AGRI - 363,204

Nangangailangan ng 2 porsiyento o 200,000 hanggang 206,000 boto ang isang party list upang makapanalo ng isang congressional seat.

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT [email protected]

Page 3: Tapat Vol 1 No 9

3MAYO 21-27, 2013 balita

Ni PAOLO DE GUZMAN

Protestang Taiwanese vs Pinas, tuloy pa rin

TALIWAS sa ipinahayag ka-hapon ng Palasyo na nagpapa-hayag ng pasasalamat sa ipi-nakitang pakikitungo ng mga lider ng bansang Taiwan hing-gil sa panawagan na huwag saktan ang mga Pinoy, patu-loy pa rin diumano ang mga panaka-nakang protesta laban sa Pilipinas sa nasabing bansa.

Ramdam ang pangamba ng mga Overseas Filipino Work-ers (OFWs) na naninirahan sa tinaguriang ‘Republic of Chi-na’ dahil sa mga nagpoprotes-ta na karamihan ay mga man-gingisda na nagpapahayag ng kanilang saloobin hinggil sa diumano’y pasasawalang-hal-aga sa buhay ng mga opisyal ng

Philippine Coast Guard (PCG).Matatandaang pinaputukan

ng mga opisyal ng PCG ang barkong naglululan sa mga mangingisdang Taiwanese nationals at naging dahilan ng pagkakapatay kay Hung Shih-cheng na may edad 65. Pinasinungalingan naman ng pamunuan ng naturang ahensya ang mga paratang at sinabing pinasok daw diuma-no ng mga naturang Taiwan-ese ang teritoryo ng Pilipinas.

Kamakailan ay pinabulaanan naman ni Taiwan Deputy Justice Minister Chen Ming-tang ang posisyon ng PCG at sinabing mali ang paratang ng ahensya, ito ay ayon na

rin sa ebidensya na kanilang nakalap mula sa voyage data recorder ng barkong pangisda.

Hanggang sa mga oras na ito patuloy pa rin ang mga panawagang hustisya at pa-nanagot ng may mga sala.

Matapos mapahintulutan patuloy namang nagiimbes-tiga ang National Bureau of Investigation sa Taiwan at mariing tinitingnan lahat ng posibleng anggulo upang matukoy ang totoong nangyari.

Sa ngayon may humigit ku-mulang 87,000 Pinoy domes-tic helpers na nagtatrabaho sa bansang Taiwan na nag-papasok sa bansa ng daang milyong dolyares kada taon.

1,000 graduates, may scholarship bilang

‘future teachers’

MAY 1,000 na pinakamahuhusay na estudyante na hihikayating sumama sa hanay ng mga guro sa pamamagitan ng scholarships.

Ang mga magtatapos mula sa high school na bahagi ng pinakamataas na 10 porsyento sa kanilang klase ay maaaring bigyan ng Department of Education ng scholarship para sa apat na taon na kursong BS Education sa mga piling paaralan sa buong bansa.

Matapos makapasa sa Licensure Examination for Teachers o LET, kinakailangang magturo sa pampublikong paaralan ng li-mang taon ang mga iskolar kapalit ng scholarship.

Ang mga iskolar ay maaaring mag-major sa Math, Science, English, elementarya, o Early Childhood Education at ki-nakailangang may average na B upang manatili sa programang tinatawag na 1000 Teachers Program (1000 TP).

Layunin ng programa na paunlarin ang imahe at kalidad ng propesyon ng pagtuturo sa bansa. (CR)

Upang maiangat ang kalidad ng edukasyon, hinihikayat ang pinakama-huhusay na estudyante na piliin ang propesyon ng pagtuturo.

Teen CreedDon’t let your parents down, they brought you up.

Be humble enough to obey, You may give orders someday. Choose companions with care,

You become what they are. Guard your thoughts, what you think, you are.

Choose only a date who would make a good mate. Be master of your habits, or they will master you.

Don’t be a show off when you drive. Drive with safety and arrive.

Don’t let the crowd pressure you, Stand for something or you’ll fall for anything.

- Human Life International

Page 4: Tapat Vol 1 No 9

4 MAYO 21-27, 2013editoryal

AREOPAGUS COMMUNICATIONS INC.Publisher

NIRvA DElACRUzEditor in Chief

DIANA UICHANCOManaging Editor

SKY ORTIGASCreative Director / Online Editor

YEN OCAMPOMarketing Director

Tapat is published every Tuesday by Areopagus Communications Inc.

You can reach us through the following:landline # (02) 788 07 04

Fax # 0871 314 1470Email: [email protected]: www.tapatnews.com

All rights reserved 2013

EditoryalDalawang patunay sa ‘Catholic vote’

May kasabihang ganito: “If you tell a lie big enough and keep repeat-ing it, people will eventually come to believe it” na nagsasaad na anu-mang matinding kasinungalingan na ulit-ulitin ay paniniwalaan ng mga tao pagtagal. Ito ay diumano sinabi ni Joseph Goebbels, isang pulitikong Aleman at ekspertong propagandista noong panahon ng Nazis, sa loob ng higit sampung taon simula noong 1933. Ayon sa kasaysayan, nakumbinsi ang milyun-milyong Aleman tungkol sa diumano’y kawalan ng dignidad ng mga Hudyo at sa pangangailangang puksain ang mga ito sa mundo. Unti-unting naniwala din ang mga Aleman na ang kanilang lahi ang tanging ma-husay, marangal at marunong sa lahat.

Alam na natin ang mga pangya-yaring naganap bilang resulta ng ganitong pag-iisip at ng pagpapani-wala sa propagandang ipinalaga-nap sa lipunan ng panahong yaon.

Sa kabutihang-palad, humubog ng mas malalim na pag-aanalisa at pagpapahalaga ang tao sa mga ideya itong mga nakaraang dekada – natutunan din ang galing sa pag-tatasa ng katotohanan at kamalian – kung kaya’t hindi na basta-basta naniniwala sa anumang nadidinig.

Subalit may mga panahong naniniwa-la agad ang mga tao, imbes na mangiba-baw ang wastong pagsusuri. Ngayon ay tila isa sa mga panahong iyon, na kung saan ang “nagbabagang balita” o kaya ang pinakamalalakas na boses sa lipu-nan ang siyang pinakamadaling tang-gapin at sang-ayunan na lamang. Kung minsan ay nakadaragdag ang matind-ing emosyon kung kaya’t nakalilimu-tang pag-aralan ang kabuuang isyu.

Nang matapos ang nakaraang halalan, sa mga unang araw ay naglabasan ang mga kuro-kuro hinggil sa diumanong kawalan ng “Catholic vote”. Matinding kabiguan ang naramdaman ng maram-ing aktibo sa social networking sites tulad ng Facebook at Twitter; puno rin ang media ng mga ulat at opinyong nagsasabi na gawa-gawa lamang ang tinatawag na “Catholic vote.” Ano ang basehan ng ganitong opinyon? Marahil ay ang malinaw na resultang hindi lahat ng 12 senador na iprinoklama ay kasapi sa “Team Buhay.” Marahil ay ang ‘di

pagwagi ng kani-kaniyang kandidato sa Senado o sa Kamara de Representante.

Subalit dahil siguro sa kabi-guang naramdaman ng marami at dahil na rin sa paglaganap ng ganitong sentimyento sa mga us-ap-usapan at sa media, tila hindi nabig-yan-pansin ang ilang mahalagang bagay:

Una, hindi lumamang ang dami ng pro-RH na kandidatong nagwagi sa Senado.

Paano maituturing na “talo” ang mga nagtataguyod ng buhay saman-talang pantay ang dami ng pro-RH at anti-RH sa mga nahalal na senador? Sa kabila ng pagkampanya ng pan-gulo ng Pilipinas para sa kanyang mga kapartido, at sa kabila ng pagbuhos, malamang, ng limpak-limpak na pang-gastos upang masiguro na pumasok sa Magic 12 ang buong Team Pnoy, patas pa rin ang kabuuan ng labanan: 6-6.

Pangalawa, mismong si Archbishop Emeritus Oscar V. Cruz ay nagbahagi ng obserbasyon kung bakit ‘di maituturing na natabunan ang boses ng Katoliko:

“I think one indication that [the Cath-olic vote] worked somehow is that the Buhay party list is leading the count,” sabi ng obispo ayon sa isang pahayagan dalawang araw matapos ang eleksyon.

Sa kasalukuyan, ang Bu-hay party list ay nangunguna pa rin sa higit na 1,200,000 boto.

Sa madaling salita, tila nakaliligtaan ng mga nagpapahalaga sa tinatawag na Catholic vote na ang pananalig sa Pang-inoon ay nagbunga. Ang pagpupunya-gi, ang mga sakripisyo, at ang matibay na paniniwalang may Catholic vote – at ang pagbuo ng mga samahan hinggil dito sa loob ng napakaigsing panahon – limang buwan lamang – ay patunay na may pwersa ang mga botanteng Kato-likong Pilipino. At sa mga nagdadalam-hati pa rin dahil sa diumano’y “kawa-lan ng Catholic vote” -- marami pang kailangang gawin, at ang paningin ng lahat ay marapat na nakatutok sa 2016 at sa mga susunod pang halalan. Subalit sa kasalukuyan, hayaang ang patas na resulta sa Senado, at ang pa-giging numero uno ng isang party-list na nagtataguyod ng buhay, ang mag-ing katibayan at paalaala na may ‘di maipagkakailang pwersa ang Catholic vote sa bayang Pilipino. At ito ay na-katakda pang lalong magtipon ng lakas.

“Hayaang ang patas na resulta sa Senado, at ang pagiging numero uno ng isang party-list na

nagtataguyod ng buhay, ang maging katibayan at paalaala na may ‘di maipagkakailang pwersa ang

Catholic vote sa bayang Pilipino. “

Page 5: Tapat Vol 1 No 9

5MAYO 21-27, 2013 opinyonTHE JUMPING WALL

Rogie Ylagan

Pag-isipan ang pag-iisip

REPORTERAKERYen Ocampo

Ke Sierra-Sierra

THE DREAMERPaul Edward Sison

Bayang sumisinta kay Maria, June 8Isang napakahalagang

biyaya sa tao ang kakaya-han natin na mag-isip. Hindi humihinto ang at-ing utak sa pag-proseso ng iba’t ibang impor-masyon na ating nasasagap kada segundo. Bawat isa dito ay may epekto sa ating nagiging mga pananaw. Ito rin ang mga bagay na humuhubog ng ating mga desisyon sa buhay, mula sa simpleng pagpili ng kulay ng damit na isusuot ngayong araw hanggang sa kung anong kurso sa eskwela ang

kukunin.Walang pamantayan

kung ano ang tamang paraan ng pag-iisip. Sub-

alit may mga paraan para ating matiyak na nalulu-bos natin ang gamit nito para sa ating sariling kapakanan. Ang implu-wensya ay isang bagay na hindi mawawala da-hil imposibleng walang

makahahatak sa atin para mag-isip sa isang parti-kular na paraan. Ganoon din ang pagkiling sa ilang ideya dahil tayo ay natu-ral na naaapektuhan at nakabubuo ng sarili nat-ing paniniwala base sa at-ing mga nararanasan.

Pero hindi natin dapat hayaan na ang ating pag-iisip at pagdedesisyon sa

buhay ay makulong la-mang sa ideya na ating kinikilingan. Hindi ko si-nasabi na maging malam-bot tayo sa ating paninin-digan, subalit lagi nating isaisip na sa anumang banggaan ng mga panin-

iwala at ideya, bawat magandang dahilan na mayroon ang iyong panig ay meron din ang kabila. Dahil dito, higit na dapat nating subuking alamin kung bakit naninindigan ang kabilang panig sa ka-nilang paniniwala. Alin man dito ang maaaring mangyari sa iyo kapag ginawa mo ito. Maaar-ing maging mas matatag ang iyong paninindigan sa iyong paniniwala dahil sa iyong mga malalaman, o magbago ang iyong paninindigan dahil sa na-sumpungang mas mabuti at mas tama sa kabila. O ang huli ay mas lumawak pa ang iyong pananaw patungkol sa magkabi-lang panig at magamit mo ang lahat ng mabub-uting bagay na nagmula sa magkabila at makabuo ng mas mabuting mga de-sisyon at pananaw.

Kamakailan lamang ay nagpunta ako kasama ang ibang kaibigan sa siyudad ng Cabanatuan upang tunghayan ang isang ak-tibidad ng mga Squires, tawag sa mga kabataang miyembro ng Knights of Columbus.

Nagkaroon ang mga ka-bataan ng Summer Youth Camp (Summer Outdoor Adventure, Advancement & Reflection) na ginanap sa Camp Atate, Palayan City, Nueva Ecija noong Mayo 16 – 19.

Habang ang mga bata ay nagka-camping, ako at ang aking mga kasama ay tumuloy sa isang karatig na hotel, ang Sierra Madre Suites.

Sa unang tingin, ang naturang hotel ay magan-da, tahimik, mapayapa at malawak dahil sa laki nitong tatlong ektarya. Meron itong swimming

pool at pinagdarausan minsan ng mga events tulad ng kasal, kalimitan ay para sa mga may kaya lamang sa lugar.

Ang Sierra Madre Suites ay hindi mag-papahuli sa mga nagla-lakihang hotel sa Maynila baka mas maganda at magarbo pa nga.

Pero katulad ng mga napapanood natin sa tel-eserye, kung anong gan-da ng kontrabida, ay ka-baligtaran ang pag-uugali nito.

Ang hotel na ito ay may itinatagong.,.. ano bang pwedeng tawag dun,,, konting pag-aagam-ag-am?...katanungan?

Dahil ngayon lamang ako nakakita ng ganoo-ng kagarang hotel na pagmamay-ari ng... lokal na gobyerno. Tama! Lo-cal government ang may ari ng hotel na iyon at

nakalulungkot isipin na wala itong income. Paano ko nasabing walang in-come? Eh walang cus-tomer.

Walang resto sa loob ng hotel pero may swim-ming pool, para talaga itong mansyon.

Naranasan rin namin ang hindi maayos na pasilidad. Sirang pin-tuan, walang basurahan, hindi maganda ang amoy, walang telebisyon at marami pang iba. Paano ito mina-market? O sady-ang ginawa lamang ito para bakasyunan? Nino?

Nagutom kami ng mga kasama ko at naghanap kami ng makakainan pero sa aming pagkagu-lat, wala ni isang desen-teng makakainan, ni fast food chain ay wala. Ang ginawa namin ay pu-munta kami sa tinatawag nilang pamilihan na hindi rin maayos.

N a k a p a g t a t a k a , paanong nagkaroon ng isang napakalaking ho-tel sa isang probinsya, pero walang maayos na pamilihan? Paano ang mga lokal na naninirahan

doon?At ito pa, dahil sa pag-

tataka, nagtanong-tanong kami. Magkakaroon raw diumano ng “dumpsite” doon na 40,000 ektarya ang lawak...

May mga malalalim na tanong nga ang mga resi-dente doon: 40,000 hec-tares dumpsite sa 40,000 population?

Tuloy, ang magarang hotel ay naging ‘haunted house’ sa aming paningin. Sa pagkakaalam ko, pag gagawa ng ‘income gen-erating project’ ang isang local government dapat lahat ng nasasakupan ay nakikinabang. Pero bakit tila may mali?

Sa Sierra Madre Suites, sino ang nakikinabang? Gaano rin katotoo na dapat ay lalagyan ito ng pamosong casino? Hindi lamang natuloy kasi may mga nagreklamo?

Ano kaya ang katoto-hanan sa likod nito? Ehe-mmm... katatapos lang po ng eleksyon... sana masolusyunan ang isyu na mayroon sa Ke Sierra-Sierra. ([email protected])

Andito kami ngayon ng misis ko sa Baguio para sa aming person-al retreat para mala-man namin through discernment kung ano ba ang gusto ng Diyos na gawin namin sa mga darating na araw.

Ang pakiramdam ko kasi, hindi ako dinala ng Diyos sa larangan ng media at public re-lations para sa pansa-riling interes. Nanini-wala ako na kaya ako tinulungan ng Diyos na makilala ang mga editors, reporters at kolumnista ay para gamitin ito balang araw para sa gawaing simba-han o gawaing Diyos.

At dumating nga ang panahon na tila pinaramdam na Niya sa akin kung ano ang aking assignment o

dapat gampanan para sa Kanya. Ito ay noong makilala ko sina Fr. Francis Lucas na presi-dente ng Catholic Me-dia Network; si Jeffrey Cal ng Maximedia na dating sikat na produc-tion outfit; si Ms. Allen na isang producer at event organizer; at si Bishop Guillermo Afa-ble ng Digos, Davao.

Ang meeting ay para sa National Consecra-tion ng Pilipinas sa Immaculate Heart of Mary na gaganapin sa June 8, 2013, Sabado,

sa ganap na alas diyes ng umaga. Sa araw na iyon ay iko-consecrate ng lahat ng obispo at mga kaparian ang ka-ni-kanilang diyosesis at parokya sa protek-syon ng Mahal na Ina.

Ito ay ginawa na noong 1984 ng ating mga obispo kasama si Pope John Paul II nung bumisita siya rito. Maraming naniniwala na ang pag anunsyo ni dating Presidente Ferdinand Marcos ng 1985 snap elections ay isang divine interven-tion na bunga nitong national consecration. Alam naman nating lahat ang mga sumu-nod na kaganapan sa EDSA noong 1986 kung saan naging presidente si Corazon Aquino.

Ang National Con-

secration ay isang sa-gradong kaganapan na ginagawa ng Simbahan sa oras ng peligro o panahon na mas kailan-gan nilang tumawag sa Diyos para sa tulong.

Sa panahon ngayon, ang National Consecra-tion na gaganapin sa June 8 ay isang pagha-handa sa darating na International Eucharis-tic Congress na gaga-napin sa Cebu sa 2016.

Suportahan po natin at paghandaan ang konsekrasy-on na ito sa June 8.

“Naniniwala ako na kaya ako tinulungan ng Diyos na makilala ang mga editors, reporters at kol-umnista ay para gamitin ito bal-ang araw para sa gawaing simba-

han o gawaing Diyos.”

“Hindi natin dapat hayaan na ang at-ing pag-iisip at pagdedesisyon sa bu-hay ay makulong lamang sa ideya na

ating kinikilingan.”

Page 6: Tapat Vol 1 No 9

6 MAYO 21-27, 2013tampokYaya noon, businesswoman na ngayon

Ni ROGIE YLAGAN Tiyaga, malasakit sa kapakanan ng iba, at pananalig sa Diyos ang naging gabay niya – at ang pagkakaroon ng pangarap na bumuti ang kabuhayan.

Dalawang bagay ang kadala-sang instrumento sa tagum-pay na nakakamit ng isang tao sa buhay. Edukasyon at

pangarap. Mawala man ang isa dito ay marami ring nagkakaroon ng maayos na kinabukasan. Subalit ang pagkaka-roon ng dalawang ito ng magkasama ay higit na nagpapataas ng tsansa na maabot ang tagumpay na inaasam.

Ito ang nangyari sa noo’y 17 taong gulang na dalaga mula sa Visayas na nakipagsapalarang lumuwas sa Maynila para hanapin ang kinabuka-sang pinapangarap para sa kanyang pamilya. Salat sa kaginhawaan at ul-timo elektrisidad ay wala ang kanilang tahanan. Ikaapat sa anim na magkaka-patid sa kanilang pamilya si Trish Matalubos, ngayon ay 28 taong gulang. Dahil na rin sa kahirapan sa buhay, ang tatlong nakatatandang kapatid ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral. At isa rito ay ang kanyang ate na namamasu-kang kasambahay sa isang pamilya sa Marikina na siyang tumulong na makapagtapos siya ng high school.

Taong 2003 nang lisanin ni Trish ang Antique patungong Maynila upang ip-agpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo sa

tulong ng kanyang tiyahin. Nagsimula na siyang mag-ayos ng requirements para sana sa kolehiyo nang nakatang-gap siya ng tawag mula sa kapatid sa Marikina. Inalok siya ng oportu-nidad na magtra-baho bilang tagapag-alaga ng sanggol. Dahil na rin sa pangan-gailangang ku-mita ay tinang-gap niya ito.

Sa kabila ng pagtrabaho ay ‘di niya tinalikuran ang pangarap na makapagta-pos – desisyong sinuportahan na-man ng kanyang mga naging amo. Nag-enroll siya sa isang malapit na eskwelahan na may programa para sa mga working student nA kursong Hotel and Restau-rant Management (HRM). Sa umaga ay nag-aalaga siya ng bata at sa gabi

naman ay pumapasok sa paaralan.Makalipas ang isang taon, napan-

sin na may kakaiba sa k i n i k i l o s ang batang k a n y a n g alaga. Na-diagnose na may kaso ng autism ang anak ng kan-yang amo. Ang gani-tong uri ng ko n d i s yo n ay nangan-g a i l a n g a n ng dagdag na kaala-man mula sa n a n g a n -galaga kung kaya bu-

kod sa pag-aaral, ikinuha din siya ng kanyang amo ng training para mag-karoon ng sapat na kaalaman dito.

Hindi naging madali ang karanasang ito para kay Trish subalit dahil na rin sa

kanyang malasakit sa bata at sa train-ing na natanggap ay nagawa niya nang maayos ang pag-aalaga. Hindi ito nag-ing hadlang sa kanyang pag-aaral at natapos niya ang kurso sa loob ng dala-wang taon. Matapos ang apat na taon na pag-aalaga ay sinimulan na niyang hanapin ang oportunidad sa corporate world na sinuportahan ng kanyang amo.

Naging maayos ang kanyang karana-san bilang office admin sa isang kump-anyang kanyang pinasukan, subalit isang taon pa lamang siyang naroon at tinawagan siya muli ng kanyang amo. Hiniling nitong bumalik siya pansa-mantala dahil nagkaroon ng regression ang kanyang batang alaga. Hindi siya nagdalawang isip sa pagtanggap ng alok dahil may malaking pitak na rin sa kanyang puso ang dati niyang alaga. Umabot ng dalawang taon ang kan-yang pag-aaruga hanggang sa naging maayos muli ang kalagayan ng bata.

Muling naghanap si Trish ng trabaho at nakapasok sa accounting depart-ment ng isang kumpanya ng mga mo-torcycle parts. Habang nagtatrabaho dito ay napasok din siya sa isang multi-level marketing MLM) business at dito

Anong itsura mo bago ka mag-birth day?Birth day ha – yung araw na mismong isinilang ka at first time kang nakita ng nanay mo, hindi birthday na tumatanda ka ng isang taon tapos kakantahan ka pa ng “happy birthday” song. Alam mo ba ang anyo mo noong mga buwan na dinadala ka ng iyong ina sa sinapupunan? Narito ang ilang mga litrato. Atsaka alam mo ‘yung madalas sabihin ng mga tao na “Wow! Magiging nanay/tatay ka na!” kapag nalamang buntis si mi-sis? Ang saya nga noon pero kung tutuusin, nanay at tatay na ‘yung mag-asawa kahit hindi pa pinapanganak si baby. Alam mo kung bakit? Kasi inaaruga na nila, lalo na ni nanay, ang sanggol na lumalaki sa sinapupunan – kaya nga maingat si nanay sa kinakain niya, sa hindi niya pagpapagod sa sarili, at sa regular na check-up sa health center o ospital.

Kailan nagsisimula ang heartbeat ni baby? Anong buwan nabubuo ang mga braso’t binti niya? Sinisinok ba siya? Rinig na rinig ba niya ang tugtog galing sa radyo? Narito ang mga sagot!

Una, nagsisimulang tumibok ang puso ni baby 18 araw matapos ang “conception” o ang pagsanib ng semilya ng la-laki at ng ovum ng babae. Matapos ang tatlo pang araw, ang puso ay nagpapadaloy na ng dugo sa isang closed circulatory system. Mga iba pang “milestones” sa buhay ni baby bago siya ipanganak:

4 linggo after conception: Mga mata, tainga at respiratory system ay nabubuo

7 linggo:Napag-obserbahan nang sinisipsip ng sanggol ang kanyang hinla-laki sa ganitong edad. Dito rin ay mayroon nang sariling blood type si baby.

9-12 linggo:Halos kumpleto na ang pagkabuo ng puso, at ang pagtibok nito ay malakas na kaya’t maaaring marinig sa pamamagitan ng Doppler machine (ginagamit ang in-strumentong ito ng ibang OB-Gyne).

13-15 linggo:Ang utak ay buong-buo na, at ang panlasa ng sanggol ay gumagana na rin!

20 linggo (5 buwan),at marahil mula pa noong 16 linggo, naririnig at na-kikilala na ng sanggol ang boses ng kanyang ina. Nakaririnig na rin siya ng ingay galing sa labas, tulad ng musika.

6 buwan:Ang oil at sweat glands ay gumagana na, at nabubuo na rin ang footprints at fingerprints ng sanggol.10 weeks

Trish Matalubos

Page 7: Tapat Vol 1 No 9

7MAYO 21-27, 2013 tampok

College girl, nakakuha ng STD

Ate Ami

Tatapatin kita…

Dear Ate Ami,Nalilito po ako at sobrang nalulungkot dahil sa nalaman ko kamakailan ang tungkol sa pinsan ko. Tawagin nalang natin siyang Marilou. Lumuwas po ako ng Maynila para asikasuhin ang enrollment ko (4th year high school) at para na rin dalawin ang mga kaibigan kong ‘di ko nakita buong bakasyon. Binisita ko rin si Marilou na isa sa mga pinsan kong ka-edad ko. Matanda lang siya sa akin ng isangtaon. Ganito po ‘yung nangyari: Pagka galing sa doktor nalaman po na meron siyang STD. Hindi ko nga po alam na may nobyo siya. Pero ang nangyari pala ay iba-iba ang naging partner niya at nakakuha siya ng sakit doon. ‘Di ko po alam kung bakit niya nagawa ‘yon, mahal naman po siya ng tito at tita ko pati ng kapatid niya. At pagdating naman sa gastusin, mukhang sapat naman po ang kinikita ng tito at tita ko dahil nagpapadala sila ng pera sa aming mag-anak paminsan-minsan bilang tulong.

Bakit ho nagkaganoon si Marilou? At may magagawa ba ako para makatulong? Pa-rang ‘di ko alam ang sasabihin ko sa kanya, pero gusto kong tulungan naman siya ka-hit papano lalo na’t nalaman na ni tito at tita ang sakit niya kaya parang ‘di normal sa bahay nila ngayon. Hihintayin ko po ang payo niyo. More power to you! - Claire

Dear Claire,

Grabe ka naman magtanong—Diyos lang makakasagot niyan, kung bakit nag kaganon ‘yang pinsan mo. Pero pipilitin nating unawain ang kalagayan niya. Una, nalaman mong may STD siya. Nakuha niya dahil sa high school, iba-iba boyfriend niya. Sa panahon ngayon, hindi nabihira ang ganyang mga pangyayari. Hindi ibig sabihin eh kinukunsinti natin iyon. ‘Yun lang, huwag ka nang ma-shock, lalo na’t mukhang hindi naman kayo masyadong in-touch ni Marilou.

Pagkaminsan, kahit na mahal ng mga magulang, kapatid at buong pamilya ang isang tao/babae, nagagawa pa rin niyang “gumawa ng ganon”. Pinapakita lamang niyon na hindi sapat na mahal siya para maging tapat siya at manatili sa tuwid na landas. Maraming tukso ngay-on sa panahong ito, at lalo’t higit, naglipana ang kasinungalingan, mga maling paniniwala at pagpapahalaga na nakararahuyo sa kabataan, maraming mga impluwensiyang malakas ang kapit sa murang isipan.

Kaya’t nadadaig ng mga impluwensiyang ito ang pagmamahal ng magulang. Dumarami ang mga kabataang nagiging “matapang” sa pagkakamali dahil sa sulsol ng barkada, dahil sa nakikita sa iba, lalo na sa telebisyon, pelikula, sa internet, atbp.

Noongaraw, wala halos nakikitang “bastos” na babasahin ang mga kabataan; ngayon, ka-hit limang-taong gulang na kindergartener na marunong mag-computer ay maaari nang makapanood ng porno sa internet. At dahil “babad” ang mga kabataan sa mga ehemplong ipinakikita ng mga celebrities—mga artista, pulitiko, socialites na okey lang mag-live-in, mag hiwalay, magtaksil sa asawa, mabuntis nang dalaga pa, at kung ano-ano pang dati naman ay wala o “bawal” sa kultura natin—kapag hindi naalalayan ang kabataan, tuluyan na si-lang naniniwala na ito ang acceptable lifestyle o behavior. Lalo pa kung hindi pala-simba o walang kinikilalang authority ang mga kabataang iyon.

Paano ka makakatulong? In the first place, ang dapat unang nababahala dito ay ang kan-yang mga magulang at pamilya. Pumapangalawa ka na lang bilang pinsan at kaibigan ni Marilou. Magmasid ka muna—baka naman hindi gusto o kailangan ni Marilou ang tulong-mo, baka masabi pang nakikialam ka.

Ang pinakamabisa mong tulong na maibibigay ay: ang magpakatatag ka sa sarili mong tamang paniniwala at pamumuhay at ipanalangin mo na makaraos sila nan gmaluwalhati sa problemang ito. Alalahanin mo na may pakay ang Panginoon sa pagkakaloob sa atin ng ating katawan at kasarian. Kung maipapadama mo ito nang hindi ka nagmamataas o nag-sesermon kay Marilou, malaking tulong na iyon sa kanya, bagama’t “hindi halata” na tulong iyon. Talos ng Espiritu Santo ang na sa puso nating lahat.

ni Ate AmiYaya noon, businesswoman na ngayonTiyaga, malasakit sa kapakanan ng iba, at pananalig sa Diyos ang naging gabay niya – at ang pagkakaroon ng

pangarap na bumuti ang kabuhayan.

Anong itsura mo bago ka mag-birth day?

niya nakilala ang dalawang bagong kaibigan na siya ring nag-ing mga business partners niya kinalaunan.

‘Di nagtagal ay nag-resign siya sa motor parts company at sinimulan nilang magkakaibigan ang Trishmark Company na may opisina sa Taguig, gamit ang kanilang mga naipong puhunan (sila ay nagsu-supply ng mga produktong pang-fire safety and protection). Nagpatuloy pa rin silang konektado sa kanilang MLM business. At dito na nagsimulang lumago ang kanyang kabuhayan.

Nagpundar si Trish ng mga gamit at napakabitan ng kury-ente ang kanilang tahanan sa Antique. Bumili rin ang dalaga ng ilang pandagdag kabuhayan sa pamilya tulad ng mga baka at kambing, at natubos pa ang lupang naisanla noon ng kan-yang lolo. Nang minsang nagkaroon ng malubang sakit ang kanyang tatay, naipagamot niya ito at ayon sa kanya ay na-katulong rin ang food supplement na produkto ng kanilang MLM business sa paggaling ng kanyang ama.

Napagtapos rin niya ang kapatid niyang sumunod sa kanya, habang ang bunso ay papatapos na sa kanyang vocational course na kinukuha.

Dahil sa mga nangyari ay mas higit pang tumatag ang pa-nanampalataya ni Trish sa Diyos. Hindi raw niya kailanman inisip na ang kanilang kalagayan noon sa buhay ay magiging hadlang sa pag-abot ng pangarap. Ginamit niya itong inspi-rasyon para magsikap pang lalo sa buhay. Kasabay ng panal-angin at pagsisikap ay ang pagbigay-prayoridad sa kalagayan ng kanyang pamilya bago ang sarili. Dahil dito ay patuloy ang pagdating ng biyaya sa kanyang buhay na bukas-puso naman niyang ibinabahagi sa kanyang mga kaibigan at pamilya.

7 buwan:Siya ay malimit na “nag-e-exercise” sa pamamagi-tan ng pag-unat at pagsipa. Ito ay bahagi ng pag-ensayo para sa kanyang pagsilang.

8 buwan:Dito kumakapal ang balat niya, at siya’y umiinom ng isang galon ng amniotic fluid (pumapaloob siya sa amniotic sac bilang proteksyon, at ito ay puno ng fluid) bawat araw. Madalas siyang sinukin.

24 weeks

Sa kanyang pang-9 na buwan, ang sanggol ay bumibigat ng kala-hating pound kada linggo. Sa pagkapan-ganak nito, puputulin ang ugat ng pusod at ang sanggol ay hih-inga – hangin na ang papasok sa kanyang baga sa unang pag-kakataon.

Page 8: Tapat Vol 1 No 9

8 MAYO 21-27, 2013balita

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT [email protected]

www.tapatnews.com

@tapatnews tapatnews

[email protected]

FOLLOW US... FOLLOW US... FOLLOW US

TAPATAN Question!Simbahan, sandigan ng marami. Linggo-linggo, hindi mawawala sa atin ang magsimba, kasama ang pamilya, mga mahal sa buhay. Baka nga tayo ay mga tinaguriang “taong simbahan” na inaraw-araw ang pagpunta sa parokya – dahil sa mga meeting sa Mother Butler o kaya naman dahil sa pag praktis sa choir. Kung ano’t ano pa man, ang Tapatan Question na ‘to tiyak ay para sa iyo:

May gusto ka bang baguhin sa iyong parokya? Ano ‘yun?

“There are three thing that I want to change: mga manang na wala nang ginawa kundi magtsismisan at magsiraan at kung minsan pati ang pari sinisiraan... at ung mga mata-tandang masyadong pinakikialaman ang lahat ng bagay kahit hindi na dapat sila nakikialam. sa aking konteksto, I want to change yung mga nasa youth council ng parokya kasi marami sa kanila ang nagpapasaway na kahit ilang beses pang pagsabihan at bigyan ng formation walang nagbabago.” – Mark Vertido ng Laoag, Ilocos Norte

“‘Yung pari, palitan ‘di maganda mag homily.” – Louie Espino ng San Pedro, Laguna

“Gusto ko sanang magkaroon ng higit na maraming opor-tunidad sa katesismo. Palagay ko kasi, kaya maraming tumatalikod sa pananampalataya ay dahil hindi nila ito naiintindihan.” – Mark Roblas ng Caloocan City

“Meron. ‘Yung ugali ng bawat isa. Alam naman nating lahat na iba-iba ang ugali ng bawat isa. Pero may ugali ang mga taga simbahan na mayabang. Ginagamit ang mga posisyon meron sila, pa-star, may mga gusto lang mag serve para sumikat pero ‘di naman talaga sila willing to serve God.” – Camille Samson ng Tondo, Manila

“Sa mga nagsisimba pong mga tao tuwing Linggo, kasi nagsisimba naman sila ok lang ‘yun pero ‘yung attire nila when going to the church, naka-shorts,spaghetti [strap], sana naka-pants at polo shirts, ‘yung hindi nakikita ‘yung katawan bale.” – Aldous Beltran ng Los Baños, Laguna

Mga kandidato, deklarahin mga gastos sa eleksyon – BIR

Ni RICA CANON

Hindi natatapos sa eleksyon ang responsabilidad ng mga kandidato – nahalal man o hindi.

PINAALALAHANAN ng Bu-reau of Internal Revenue (BIR) ang mga kandidato sa kakata-pos na halalan na magdeklara ng mga donasyon at gastos sa kanilang pangangampanya.

Binigyan ng hanggang Hu-nyo 13 ang mga kandidato upang isumite ang listahan ng kanilang mga nagastos at donasyong natanggap, mali-

ban sa isinumite nilang report sa Commission on Elections (Comelec).

May karampatang paru-sang 10 taong pagkakakulong at higit-kumulang P10,000 na multa para sa mga kumandi-dato na hindi tama ang pagd-edeklara ng mga ito.

Ang pagtatangkang umiwas sa buwis ay may kaparusahan

na multang P30,000 hanggang P100,000 at pagkabilanggo mula 2 hanggang 4 taon.

Samantalang ang kaka-harapin ng mga kandidatong lumabag sa pagdedeklara ng kanilang mga donasyon at nagastos sa halalan ay mapa-parusahan ng multang hindi bababa sa P10,000 at pagkabi-langgo ng hanggang 10 taon.

Page 9: Tapat Vol 1 No 9
Page 10: Tapat Vol 1 No 9

10 MAYO 21-27, 2013balita

Mag subscribe na sa Tapat! KATESISMO, MISMO!

Paano ba nakikibahagi ang mga magulang sa gawain pagpapabanal ni

Kristo?Narininig na natin na hindi matatawaran ang halaga at impluwensya ng mga magulang sa kanilang mga

anak. Dala-dala ng mga nanay at tatay ang isang napakaimportanteng gawain ni Hesus sa pamilya.

Paano nga ba ginagawa ng mga magulang ito? May dalawang paraan:

1.) Sa pamamagitan ng Kristiyanong buhay mag-asawa 2.) Sa pagtiyak na makatatanggap ng isang edu-kasyong Kristiyano ang kanilang mga anak

Unapologetically Catholic

What really is “separation of Church and State”?By EDGARDO C. DE VERA

Whenever the Church opposes gov-ernment policies or initiatives to le-galize anti-Gospel laws, politicians, editorials, and opinion-makers are quick to denounce “Church interfer-ence in State affairs” – nakikialam na naman and Simbahan is the common complaint. The Church is criticized in media as meddlesome, medieval, and out-of-touch with the times. Some critics assume a moral stance by quot-ing Scripture, “Render to Caesar what is Caesar’s and to God what is God’s.”

Teaching the Church Scripture has got to be the height of conceit. Are politicians and media Bible experts now? If a Bible is taken out of context it is pretext, this takes the cake: high-lighting Caesar’s rights and totally ignoring God’s! Vox populi, vox Dei others sat. Wrong! God’s world is not a democracy, but a theocracy where His word is law. His voice should be the people’s voice. The State needs His guiding voice to enact laws that make for true democracy. Temporal matters are not absolute State domain.

The Church as custodian of Truth

and entrusted with a prophetic mis-sion has every right “to pass moral judgements even in matters related to politics, whenever the fundamen-tal rights of man or salvation of souls requires it (Gaudium et Spes).” Bish-ops must boldly speak out at risk of ridicule, persecution, or physical harm. Silence mean an abandon-ment of divine mandate. Admit-tedly, a few undiscerning clergy are dupes of secular affairs. There are those too preoccupied with politics like Fr. Cardenal of Nicaragua, the Sandinista bureaucrat chastised by then Pope John Paul II at the airport tarmac, and our own revolutionary priests never in the confessionals but always at rallies; readily game for interviews and media limelight.

Church and State have clashed time and again over misunderstandings. Guilt may be found on both sides es-pecially where politics – Satan’s play-ground – is involved; but the State is often at fault in meddling from lack of appreciation of the Church’s role. The first meddler was Constantine.

After legalizing Christianity and sponsoring the Council of Nicaea, he tried to influence its outcome. All succeeding emperors meddled.

The Church suffered repeated en-croachment by powers-that-be, no-tably from the Middle Ages onwards by ruling families of Europe. Nobil-ity secured ecclesiastical office for relatives, allies, and rascal cronies through foul schemes as bishops, even Popes, allowing disreputable lackeys to occupy positions in the hierarchy causing corruption and scandals. The Church struggled to maintain sovereignty. Clergy railing against injustice were persecuted: exiled, imprisoned, tortured or even executed for indiscretion of “med-dling”.

Pope Boniface VIII promulgated the Papal Bull Unam Sanctam in 1302 that dealt on unity of Church and temporal powers. He carefully distinguished their respective roles and stressed the essential superiority of the spiritual. Eventually, benign rulers recognized the Church’s spir-

itual role and undertook her protection as a fundamental duty, giving rise to the principle of separation of powers: a proposition that guarantees State pro-tection of the Church from any inter-ference. Meddling and persecution ex-ist today in totalitarian states; likewise in democracies where lawmakers and media infringe on moral matters.

To whom does a citizen owe primary allegiance?

King Henry VIII had his good friend the Exchequer of England, Thomas More beheaded for opposing his di-vorce, break with Rome, confiscating Church property, and subjecting the clergy of England to the crown. Said More at his execution, “I am the king’s loyal servant, but God’s first.”

Edgardo C. de Vera is a graduate of De La Salle College (University). He is a founding director of Defensores Fid-ei Foundation, a Kerygma columnist (Catholic Soul), a contributing writer to Docete, an environmental manage-ment consultant, and a member of the Formation Ministry of Parish of St. James the Great.

Page 11: Tapat Vol 1 No 9

11MAYO 21-27, 2013

Upcoming Activities

San Lorenzo Ruiz Parish, Manila Choir auditions [every Sunday, 3pm]Contact person: Maki Coro - 0917 894 2885 Inah Mira - 0935 128 2412

St. Michael Retreat House, Antipolo S.A.F.E (Subtle Attacks Against the Family Explained) Seminar [every 3rd weekends, Saturday 8 a.m. to Sunday 5 p.m.]Contact numbers: (02) 696-1729 or 696-0382 or 0917-896-7202

Sto. Niño de Tondo parish, Manila Parish Youth Ministry Sportsfest [Manila Cathedral School, 25 May, Saturday, 7am onwards]

Mary the Queen Parish, San Juan City Registration ongoing for candidates for Holy Communion and Confirmation [parish office, 9 a.m. to 5 p.m.]Contact number: (02) 722-9711

St. Benedict Parish, Don Antonio Heights, Quezon City Healing mass [every Fridays, 6 p.m.]Contact number: (02) 9326521

San Lorenzo Ruiz Parish, Tandang Sora Avenue, Quezon City Flores de Mayo culminating procession [26 May, Sunday, 7 p.m.]

*

*

*

*

*

*

“Marriage is an act of will that signifies and involves a mutual gift, which unites

the spouses and binds them to their eventual souls, with whom they make up a sole

family - a domestic church.”- Pope John Paul II

On Marriage

Page 12: Tapat Vol 1 No 9