18
Bulacan State University Lungsod ng Malolos, Bulacan Kolehiyo ng Edukasyon Masusing Banghay Aralin sa Filipino IV I. LAYUNIN 1. Naipapaliwanag ang bawat saknong ng tula. 2. Nakabibigkas ng tula nang maayos at may buhay. 3. Naipahahayag nang pasalaysay ang pansariling damdamin sa nilalaman ng tula. II. PAKSANG ARALIN Paksa: Pagtatapat(Tulang Tagalog ) ni Lope K. Santos Sanggunian: Mirasol, Maurita R., Ang Bagong Filipino sa Hayskul IV. Cubao, Quezon City; St. Bernadette Publishing House Corporation 2007, p. 15-16 Kagamitan: Biswal at iba pang kagamitang Pampagtuturo III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain a. Panalangin b. Pagbati c. Pagtatala ng liban d. Pagsisiyasat ng kapaligiran Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Tapos Na!!! Print(Lp)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tapos Na!!! Print(Lp)

Bulacan State UniversityLungsod ng Malolos, Bulacan

Kolehiyo ng Edukasyon

Masusing Banghay Aralin sa Filipino IV

I. LAYUNIN

1. Naipapaliwanag ang bawat saknong ng tula.2. Nakabibigkas ng tula nang maayos at may buhay.3. Naipahahayag nang pasalaysay ang pansariling damdamin sa nilalaman ng tula.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Pagtatapat(Tulang Tagalog ) ni Lope K. SantosSanggunian: Mirasol, Maurita R., Ang Bagong Filipino sa Hayskul IV. Cubao, Quezon City; St. Bernadette Publishing House Corporation 2007, p. 15-16Kagamitan: Biswal at iba pang kagamitang Pampagtuturo

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin b. Pagbati c. Pagtatala ng liband. Pagsisiyasat ng kapaligiran

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

B. Balik-aral

Kahapon ay tinalakay natin ang kwentong “AngAma” ni M.R. Avena. May katanungan pa ba kayo sa akda na ito? Mayroon bang hindi nauunawaan?

C. Pagganyak

Bago tayo magsimula sa ating talakayan ngayong araw, mayroon akong ididikit na mga larawan sa pisara.

(Magdidikit ang guro ng tatlong larawan sa pisara)

Ano ang nais ipahiwatig ng larawang nakikita niyo?

(Tatawagin ng guro ang mag-aaral na napili niyang sumagot sa kanyang tanong)

Jesusa? Maaari mo bang sabihin sa amin ang iyong hinuha sa mga larawang ito.

Wala na po! (Buong klase)

Ang napansin ko po sa larawang iyan ay meron pong isang lalaki na nagtatapat ng pag-ibig sakanyang minamahal.

Page 2: Tapos Na!!! Print(Lp)

Magaling Jesusa! Maraming salamat. Iba pang kasagutan? Sino pa ang may idaragdag sa sinabi ni Jesusa?

(Tatawagin ng guro ang mag-aaral na napili niyang sumagot sa kanyang tanong)

Ikaw Lorilai! Ano ang iyong masasabi sa mga larawang ito?

Mahusay at maraming salamat sa iyong kasagutan.

Mahusay at napansin niyo kaagad ang bagayNa nais kong bigyan ninyo ng atensyon, at ito ay ang pag-ibig ng lalaki sa kanyang minamahal.

Ngayon naman ay may isa pa akong larawang ipakikita sa inyo, pero bago tayo tuluyang mag-umpisa papaalala ko lang na walang magkakagulo. Walang sisigaw o titili, huwag kayong masyadong maingay.

Okey! Ngayon ay aking babaliktarin at pagdurugtungin ang tatlong larawan na nasa inyong harapan.

(Babaliktarin at pagdurugtungin ng guro ang tatlong larawan)

Matapos kong pagtabihin ang tatlong larawan, meron akong isang salita na nais marinig mula sa inyong hinuha sa kung ano ang nagyayari sa larawang ito.

Yes Aldrin?

Magaling Aldrin! Nakuha mo! At paano mo naman nasabi iyan? Maaari mo ba na ihayag sa amin.

Napansin ko po sa larawang inyong idinikit sa pisara ay ang pagtatapat ng lalaki nang kanyang nararamdaman sa babaeng kanyang sinisinta.

Opo Ma’am!(Buong klase)

Nakabuo po ng panibagong larawan na nagpapakita po ng PAGTATAPAT ng lalaki nang kanyang pag-ibig na nararamdaman.

Kasi po ma’am makikita naman po natin na hawak nung lalaki yung kamay nang babae at halata naman po na nagtatapat siya. At syempre ma’am bilang lalaki nararamdaman ko tunay at wagas ang pagmamahal niya sa babae at syempre ma’am yung kanyang pagtatapat.

Page 3: Tapos Na!!! Print(Lp)

Magaling! Salamat sa iyong mahusay na pagpapaliwanag Aldrin.

Okey klas, ang larawang ito na inyong nakikita ay may kinalaman sa paksang ating ating tatalakayin sa araw na ito.

(Tatanggalin na nang guro ang larawang nabuo at ito’y itatabi)

D. Pagpapayaman ng Talasalitaan

Ngunit bago tayo tuluyang tumungo sa ating paksa ay atin munang linangin ang mga salita na maaring makasagabal sa inyong pag-unawa.

(Ididikit ng guro nag biswal)

Mula sa inyong harapan, bigyang kahulugan ang mga salitang nasa loob ng puso, nakikita ninyo na may dalawang hanay ,ang Hanay A at ang Hanay B. Sa Hanay A matatagpuan ang mga salitang may malalalim na kahulugan. Ngayon, ang gagawin niyo lamang ay kukuhanin ang mga salitang nakatusok sa bilog ang mga salitang katumbas ng mga malalalim na salitang nasa Hanay A. Kailangan lamang na pagtapat-tapatin ang mga salitang ito at pagkatapos gamitin ang mga ito sa makabuluhang pangungusap.

HANAY A HANAY B

1.balintataw 2.bungang-tulo 3.alindog 4. kamanyang 5.panibugho 6.balisa 7.lumbay 8.altar

HANAY B

a. dambana b. lungkot c. bagabag d. selos e. insenso f. kagandahan g. panaginip h. pupilo o maitim na parte sa mata i. sagabal

Page 4: Tapos Na!!! Print(Lp)

Maliwanag ba?

(Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na pupunta sa harapan para sagutan ang Talasalitaan)

Okey klas, Maraming salamat sa lahat ng sumagot.

Ngayon naman ay dadako na tayo sa ating talakayan.

E. Pagtalakay sa PaksaOkey klas,tutungo na tayo sa paksang ating tatalakayin. Ang paksang ating tatalakayin ngayon ay tungkol sa isang tulang tagalog na may pinamagatang “Pagtatapat”.

Ngayon klas binasa niyo ba ito?

Mahusay! Ngayon ay tingnan nga natin kung talagang binasa ninyo ang tula. Tatanungin ko kayo ng mga bagay tungkol sa tulang Pagtatapat.(Magdidikit ang guro ng biswal)

Sige kung nagbasa talaga kayo,sino ang orihinal na makata ng tulang ito?

Yes, Christina?

Magaling! Salamat tina!(Magdidikit ang guro ng biswal)

Anong teorya naman ang pumapaloob dito?

Sally?

Mahusay Sally! Maaari mo bang ibigay ang pagpapakahulugan ng teoryang ito?

Mahusay! Tama si Sally!(Magdidikit ang uro ng biswal)

Ang makalumang tula ay nalalangkapan ng Sentimentalismo, ideyalismo at hayagang moralismo.

Ano naman ang salitang ginagamit dito?

Yes, Grace?

Magaling Grace! Ang salitang ginamit dito ay mabulaklak at mayaman sa makulay na imahinasyon.

Opo Ma’am! (Buong klase)

(Pupunta sa harapan ang mga mag-aaral na matatawag ng guro at pagtatapat-tapatin nila ang mga salita)

Opo! (buong klase)

Ang Pagtatapat po ay isinulat ni Lope K. Santos.

Teoryang Romantisismo po.

Ang makalumang tula ay nalalangkapan ng Sentimentalismo, ideyalismo at hayagang moralismo.

Ang salitang ginamit ay mabulaklak at mayaman sa makulay na imahinasyon.

Page 5: Tapos Na!!! Print(Lp)

Ano naman ang namamayani dito?

Yes,Karen?

Magaling Karen! May iba pa ba kayong pananaw?

Yes, Rogine?

Maaling! Namamayani rito ang emosyon at likas na kalayaan. Higit na pinahahalagahan dito ang damdamin kaysa ideyang siyentipiko. Sapagkat ito’y nakabatay sa teoryang romantesismo, na may sentimentalismo, ideyalismo at hayagang moralismo na ginagamitan ng mabubulaklak at mayaman sa makulay na imahinasyon.

May katanungan pa ba?

Okey, mhusay klas. Mukang nagbasa nga kayo. Ngayon, para mas lalo pang maunawaan ang tulang Pagtatapat at upang malaman ninyo rin kung anong kaisipan ang nais iparating ng tula,atin itong muling basahin.(Magdidikit ang guro ng biswal)

Paghahanayin ko kayo sa lima. Ang unang hanay ay siyang unang magbabasa. Salitang bigkas ito ng mga hanay. Okey? Babasahin muna ng unang hanay ang unang saknong at susundan naman ito ng pagbasa sa ikalawang hanay ng ikalawang saknong hanggang sa matapos ito sa ikalimang hanay. Naunawaan niyo ba?

Lhat ay babasa, Okey? Sasabay kayo sa hanay na kinabibilangan ninyo.

1..2..3.. Basa!

Mahusay! Ang gagaling ninyong bumigkas ng tula!

Ngayon naman, matapos ninyong basahin ang tulang Pagtatapat, ano ang inyong naramdaman?

Yes, Aldrin?

Bakit ka naman masaya at humanga?

Ayan, tama aldrin. Maraming salamat sa iyong kasagutan.

Ang namamayani rito ay emosyon atlikas na kalayaan.

Higit na pinahahalagahan dito ang damdamin kaysa ideyang siyentipiko.

Wala na po! (Buong Klase)

Opo! (Buong klase)

(Babasahin ng mga estudyante ang tula)

Masaya at humanga po.

Kasi po Ma’am sinasabi po sa tula na kahit ano pa mang pagsubok ang dumating sa dalawang nag-iibigan mananatili padin po sila sa isa’t-isa.

Page 6: Tapos Na!!! Print(Lp)

Kayo? Ano naman ang inyong nararamdaman? Maaari niyo ba itong ibahagi sa klase?

Huwag kayong mahiyang sumagot.

Yes, Lorilai?

Maraming Salamat?

Sino naman sa inyo ang maaaring makapagpaliwanag ng ibig ipahiwatig sa unang saknong ng tula? Sino ang gustong sumubok?

Yes, Melody?

Mahusay Melody!Oo tama, sinasabi lang dito ang mga kahilingan ng lalaki sa kanyang iniibig na sana’y siya lang ang laman ng puso’t isip ng babaeng nasa tula na ating tinatalakay.

May iba pa ba kayong pananaw sa unang saknong ng tula?

Magaling! Lubos niyo ngang nauunawaan ang unang saknong. Dumako naman tayo sa ikalawang saknong ng tula.

Sino naman ang makapagbibigay ng kanyang hinuha sa ikalawang saknong?

Yes Rosemarie?

Mahusay Rosemarie!

Sinsabi lang na nais magpaka alipin ng lalaki sa babaeng kanyang minamahal.

Okey, sino naman ang makapagbiigay ng kanyang hinuha sa ikatlong saknong?

Yes,Grace?

Mahusay Grace! Salamat.

Mayroon pa bang ibang kasagutan?

Okey, kung wala na. Dumako na tayo sa ikaapat na saknong.

(Sasagot ang natawag na mag-aaral)

Sinasabi po dito ang hiling ng lalaki sa kanyang iniibig na sana’y lagi siyang iniisip ng babae kahit hanggang sa panaginip nito at nais din po sana nito na lagi siya ang tinitibok ng puso nito.

(Sasagot ang natawag na mag-aaral)

Ang pagkakaintindi ko po sa ikalawang saknong ay ang paghingi ng lalaki sa kamay ng babae na ang ibig sabihin ay pakasalan ang babaeng kanyang iniibig. At kahit anuman ang iutos ng babae ay nais ng lalaki na siya lamang ang makakasunod nito. Nais din pong magpaalipin ng lalaki sa babaeng kanyang iniibig.

Sinusuyo po dito ng lalaki ang babae na kahit ano pong mangyari ay hindi po iiwan ng lalaki ang babae.

Page 7: Tapos Na!!! Print(Lp)

Yes,Reymark?

Magaling Reymark!

Alam naman natin sa isang relasyon na hindi mawawala o maiiwasan ang mga bagay o problema apat lang na pagpakatatag at harapin ninyong dalawa ang mga problemang darating dahil diyan makikita kung gaano niyo kamahal ang isa’t isa.

May nais pa ba kayong idagdag?

Okey, at para naman sa huling saknong, sino ang makapagpapaliwanag?

Yes, Roel?

Mahusay Roel. Salamat.Sinasabi lamang dito kahit ano ang mangyari sa kanila ay kailangan na walang iwanan.

F. Paglalahat

Sa kabuuan, sino sa inyo ang maaaring makapagbuod ng ating tinalakay sa araw na ito?

Ano ang nais iparating sa atin ng tulang Pagtatapat?

Yes, Bernie?

Magandang paglalagom! Salamat Bernie!

Sino pa ang makapagdaragdag sa sinabi ni Bernie?

Ang pagkakaintindi ko po dito ay kahit ano pong problema ang dumating sa kanila ay wala po sanang susuko sa isa’t isa, kahit po minsan ay may sagabal ay dapat huwag po itong maging dahilan ng pagkasira ng kanilang relasyon.

Wala na po.(Buong klase)

Dito po binabalikan o inaalala ang mga kanilang pangako sa isa’t isa na kahit po maghirap sila ay walang bibitiw o mang-iiwan sa isa’t isa. At hinihiling din po na sanay mawala na po ang mga gumagambala sa kanilang pag-iibigan.

Sa kabuuan po, atin pong tinalakay ang isang tulang tagalog na pinamagatang Pagtatapat na isinulat ni Lope K. Santos.Isa po itong Teoryang Romantisismo na gumagamit ng salitang mabulaklak at mayaman sa makulay na imahinasyon.Ang tula pong ito ay nagpapakita ng pagtatapat ng isang lalaki sa isang babae. Gagawin ang lahat makamit lang ang Oo ng babae at hindi iiwan ang babae kahit na ano pang mangyayari o anumang problema ang dumating sa kanilang relasyon. At sinasabi din po sa tula na kahit anong mangyari hini sila mag-iiwanan.

Page 8: Tapos Na!!! Print(Lp)

Yes, Reymark?

Mahusay! Salamat Reymark!

Okey klas,tama ang sinabi ni Reymark. Kailangan maging matapang upang ang lahat ng mga problemang darating sa isang relasyon ay kanilang malagpasan at kailangan din maging matatag sa paglutas ng ma ito.

Mahusay!

G. Paglalapat

Ngayon, kung kayo ang nasa sitwasyon ng tulang ating tinalakay, ano ang iyong gagawin o paano mo sasabihin sa iyong iniibig na mahal mo siya?

Yes, Aldrin?

Mahusay Aldrin! Handa ka din bang mabigo?

Tama!Dapat handa tayo kung anuman ang magiging resulta ng pagtatapat ng isang tao.

Ikaw, Rogelio? Naranasan muh na din bang magtapat sa iyong napupusuan?

Mahusay! Ipagpatuloy mo yan Rogelio.

Ayan! Tingin ko naman ay naintindihan ninyong lubos ang ating tinalakay sa araw na ito. Kung may hindi naintindindihan magtanong lamang kayo sa akin at handa akong sagutin ito.

Okey! Kung malinaw na sa inyo ang ating paksang tinalakay ay maghanda na kayo para sa isang pagsusulit.

Ma’am idaragdag ko lang po na kung talagang mahal ng isang tao ang babae o lalaki, kailangan po maging matapang sila na harapin ang mga problemang darating sa kanila.

Opo Ma’am. (Buong klase)

Kung ako man po ang nasa sitwasyon gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya upang hindi po magsawa at hindi po mawala ang nararamdaman sa akin ng aking minamahal.Syempre po bago po muna iyon una po kakaibiganin ko po muna siya tapos kapag malapit na ang lob namin sa isa’t isa doon ko po ipapahayag ang aking kinikimkim na pag-ibig sa kanya.

Ma’am para sa akin po parte na po iyan ng buhay ng lalaki tulad ko na nabigo din sa aming iniirog ngunit hindi naman po dahilan iyon upang hindi ko ipadama o ipakita sa kanya ang aking damdamin.

Ma’am opo. Sa una po nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya pero inisip ko nlang po na wala naman masama kung sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko lalo na po kung kaibigan ko siya. Handa naman po akong tanggapin kung ano man ang isasagot niya sa akin.

Wala na po. (Buong klase)

Page 9: Tapos Na!!! Print(Lp)
Page 10: Tapos Na!!! Print(Lp)
Page 11: Tapos Na!!! Print(Lp)
Page 12: Tapos Na!!! Print(Lp)
Page 13: Tapos Na!!! Print(Lp)
Page 14: Tapos Na!!! Print(Lp)

IV. PAGTATAYA

Sumulat ng isang pagpapaliwanag tungkol sa pahayag na “ Pag-ibig ang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa Mundo”.

V. TAKDANG-ARALIN

Saliksikin, basahin at siyasatin ang “Ang Luha ng Buwaya” ni Amado V. Hernandez.

Inihanda nina:

Cabildo, Sheila S. Mensorado, Jolyen T.

BSEd 2-I