26
Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 1 THE END TIMES By: Conrad Jun Tolosa Panimula Mula nang sila ay dumating sa Caesarea, Philippi, sinimulang ibahagi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na kinakailangan Niyang magpunta sa Jerusalem, kung saan maraming paghihirap ang Kanyang tatamuhin mula sa kamay ng mga elders, chief priests at teachers of the law. Kailangan din na Siya ay mamatay at sa ikatlong araw ay bumangon mula sa mga patay (Matthew 16:21). Nang magtipon na sila sa Galilee, sinabi ni Jesus na ang Anak ng Diyos ay pagtataksilan. Siya ay papatayin at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay. Napuno ng kalungkutan ang Kanyang mga disciples (Matthew 17:23). Nang paakyat na sila sa Jerusalem, isinangtabi muna ni Jesus ang Kanyang mga disciples upang sabihin sa kanila na Siya ay ipagkakanulo sa kamay ng mga chief priests and the teachers of the law. Igagawad sa Kanya ang parusang kamatayan at ibibigay Siya sa mga Gentiles upang laitin, latiguhin at ipako sa krus. Sa ikatlong araw Siya ay muling mabubuhay (Matthew 20:19). Naramdaman Niya ang bagabag na bumalot sa puso ng Kanyang mga alagad. Nilapitan Niya ang mga ito upang pasiglahin. Ibinahagi Niya ang Kanyang balak na ipaghanda sila ng matutuluyan sa tahanan ng Kanyang Ama. Nangako Siya na muling babalik upang sunduin sila (John 14:1-3). Nangaral si Jesus sa buong Jerusalem hanggang sa Temple Courts. Isang araw nang paakyat sila sa Mount of Olives, pinapansin sa Kanya ng mga disciples ang mga gusali sa Templo na kanilang hinahangaan. Sa pagkakataong iyon, binitawan ni Jesus ang propesiya na sukdulang mawawasak ang mga gusaling iyon (Matthew 24:1-2). Nang sumapit na sila sa Mount of Olives, lumapit sina Peter, James, John at Andrew kay Jesus upang magtanong: “Kailan ito mangyayari, at ano ang signs nang iyong pagbabalik, at ng wakas na panahon?” (Matthew 24:3; Mark 13:3). Ito ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito ay tumutugma na sa mga signs na ibinahagi ni Cristo sa Kanyang mga disciples na maghuhudyat sa Kanyang pagbabalik. Ang mga signs na ito ay matatagpuan sa Matthew 24 at sa Book of Revelation. Ang dalawang bahaging ito ng Bibliya ang hihimay-himayin ng araling ito. Ang salitang eschatology ay galing sa Greek word na eschatos na ang ibig sabihin ay huli. Samakatuwid, ang pag-aaral ng eschatology ay pag-aaral ng mga huling kaganapan o mga huling pangyayari o mga huling bagay. Ang Christian Eschatology ay ang pag-aaral ng huling period of time immediately preceding the second coming of Christ. Para sa responsableng interpretation ng bahagi ng Scripture in focus, kinakailangan na iconsider ang view of history ng mga disciples at that time na nagtanong sila kay Cristo patungkol sa end of the age, at ano naman ang view of history ng Panginoong Jesus. Ang Book of Revelation ay puno ng imageries at symbols. Hindi pakay ng araling ito na bigyang kahulugan ang bawat image o symbol. Subalit, para sa karagdagang linaw ng pang-unawa patungkol sa End Times, ilang piling images and symbols ay bibigyang kahulugan. Part 1. Interpretation A. A View of History Isa sa pinakamabigat na obligasyon na binaba ng Diyos sa Hudyo ay matatagpuan sa Deuteronomy 6:6-9: Isapuso ninyo ang mga kautusan na binibigay Ko sa inyo ngayon. Bigyang diin ninyo ang mga ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito habang kayo ay nauupo sa inyong tahanan at

THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 1

THE END TIMES By: Conrad Jun Tolosa

Panimula

Mula nang sila ay dumating sa Caesarea, Philippi, sinimulang ibahagi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na kinakailangan Niyang magpunta sa Jerusalem, kung saan maraming paghihirap ang Kanyang tatamuhin mula sa kamay ng mga elders, chief priests at teachers of the law. Kailangan din na Siya ay mamatay at sa ikatlong araw ay bumangon mula sa mga patay (Matthew 16:21).

Nang magtipon na sila sa Galilee, sinabi ni Jesus na ang Anak ng Diyos ay pagtataksilan. Siya ay papatayin at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay. Napuno ng kalungkutan ang Kanyang mga disciples (Matthew 17:23).

Nang paakyat na sila sa Jerusalem, isinangtabi muna ni Jesus ang Kanyang mga disciples upang sabihin sa kanila na Siya ay ipagkakanulo sa kamay ng mga chief priests and the teachers of the law. Igagawad sa Kanya ang parusang kamatayan at ibibigay Siya sa mga Gentiles upang laitin, latiguhin at ipako sa krus. Sa ikatlong araw Siya ay muling mabubuhay (Matthew 20:19).

Naramdaman Niya ang bagabag na bumalot sa puso ng Kanyang mga alagad. Nilapitan Niya ang mga ito upang pasiglahin. Ibinahagi Niya ang Kanyang balak na ipaghanda sila ng matutuluyan sa tahanan ng Kanyang Ama. Nangako Siya na muling babalik upang sunduin sila (John 14:1-3).

Nangaral si Jesus sa buong Jerusalem hanggang sa Temple Courts.

Isang araw nang paakyat sila sa Mount of Olives, pinapansin sa Kanya ng mga disciples ang mga gusali sa Templo na kanilang hinahangaan. Sa pagkakataong iyon, binitawan ni Jesus ang propesiya na sukdulang mawawasak ang mga gusaling iyon (Matthew 24:1-2).

Nang sumapit na sila sa Mount of Olives, lumapit sina Peter, James, John at Andrew kay Jesus upang magtanong: “Kailan ito mangyayari, at ano ang signs nang iyong pagbabalik, at ng wakas na panahon?” (Matthew 24:3; Mark 13:3).

Ito ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito ay tumutugma na sa mga signs na ibinahagi ni Cristo sa Kanyang mga disciples na maghuhudyat sa Kanyang pagbabalik. Ang mga signs na ito ay matatagpuan sa Matthew 24 at sa Book of Revelation. Ang dalawang bahaging ito ng Bibliya ang hihimay-himayin ng araling ito.

Ang salitang eschatology ay galing sa Greek word na eschatos na ang ibig sabihin ay huli. Samakatuwid, ang pag-aaral ng eschatology ay pag-aaral ng mga huling kaganapan o mga huling pangyayari o mga huling bagay. Ang Christian Eschatology ay ang pag-aaral ng huling period of time immediately preceding the second coming of Christ.

Para sa responsableng interpretation ng bahagi ng Scripture in focus, kinakailangan na iconsider ang view of history ng mga disciples at that time na nagtanong sila kay Cristo patungkol sa end of the age, at ano naman ang view of history ng Panginoong Jesus.

Ang Book of Revelation ay puno ng imageries at symbols. Hindi pakay ng araling ito na bigyang kahulugan ang bawat image o symbol. Subalit, para sa karagdagang linaw ng pang-unawa patungkol sa End Times, ilang piling images and symbols ay bibigyang kahulugan.

Part 1. Interpretation

A. A View of History Isa sa pinakamabigat na obligasyon na binaba ng Diyos sa Hudyo ay matatagpuan sa Deuteronomy 6:6-9: Isapuso ninyo ang mga kautusan na binibigay Ko sa inyo ngayon. Bigyang diin ninyo ang mga ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito habang kayo ay nauupo sa inyong tahanan at

Page 2: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 2

kapag kayo ay naglalakad, kapag kayo ay nahihimlay at sa inyong paggising. Itali ninyo itong parang simbulo sa inyong mga kamay at noo.

Ang mga disipulo ni Cristo ay lumaki sa ganitong klaseng sambahayan. Ang kautusan na ibinaba ng Diyos sa Mt. Sinai ang humubog sa kanilang cultura. Ang mga aklat na sinulat ni Moses ang bumuo ng kanilang pananaw sa buhay at mundo.

Samakatuwid, lumaki ang mga disciples ni Cristo na may ganitong paniniwala: Ang Diyos ni Abraham, Isaac at Jacob ang maylikha ng sansinukob. Ang unang magulang ng sanlibutan ay nahulog sa kasalanan. Pinatay ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel. Dumami ang tao sa mundo at nauwi halos lahat sa pagbababad sa karumihan. Hiniwalay ng Diyos si Noah at ang kanyang pamilya upang makaligtas sa malaking baha. Muling dumami ang tao sa mundo. Nagtangkang gumawa ng toreng aabot sa kalangitan ang mga tao subalit sila ay nabigo. Ginulo ng Diyos ang wika ng mga tao at sila ay nagkahiwa-hiwalay. Sinabihan ng Diyos si Abraham na lisanin ang Ur sa Mesopotamia at pumunta sa Canaan. Nakipag-tipan ang Diyos kay Abraham na pararamihin Niya ang kanyang lahi at sila ang Kanyang

magiging bayan at Siya ang kanilang magiging Diyos. Patuloy na nagtiwala si Abraham sa Diyos sa bagong lupain habang siya ay nabubuhay. Isinilang ni Sarah si Isaac. Isinilang ni Rebekah si Jacob. Nagkaroon ng 12 anak si Jacob at siya ay tinawag ng Diyos na Israel. Nagkaroon ng taggutom sa Canaan at ang angkan ni Jacob ay napadpad sa Egypt. Naging masagana ang buhay ng mga Hebreo sa matagal na panahon. Dumating ang araw na ang bayan ng Diyos ay inalipin ng Egypt. Ginabayan ng Diyos ang buhay ni Moses sa paghahanda ng kanyang gawain bilang Deliverer. Hinayaan ng Pharoah na makabalik ang bayan ng Hebreo sa Pinangakong Lupa. Nagtagal ang mga Israelita sa ilang ng 40 years dahil sa kanilang pag-aalinlangan sa Diyos. Ginabayan ng Diyos si Joshua sa pag-occupy ng lupaing pinangako ng Diyos kay Abraham. Hinati ni Joshua ang sinakop na lupain sa 12 tribes of Israel. Ang bayan ng Israel ay pinamunuan ng mga hukom. Nainggit ang mga Israelita sa kanilang karatig-bayan na may sari-sariling Diyos. Sa kanilang kagustuhan nagsimulang mamuno sa mga Israelita ang mga hari. Nakipagtipan ang Diyos kay David na magmumula sa kanyang angkan ang uupo sa trono na

tatagal habang-buhay. Nahati sa Northen Kingdom (Israel) at Southern Kingdom (Judah) ang bayan ng Diyos. Nasakop ng Assyria ang Israel. Inexile ang maraming Israelita at ang natira sa kanilang lupain ay sinamahan ng ibang lahi. Nasakop ng Babylon ang Judah. Inexile ang mga mamamayan ng Judah sa Babylon. Pinalitan ng Persia ang Babylon bilang super-power ng mundo. Pinayagan ng hari si Zerubabel at Ezra na makabalik sa Canaan upang ma-rebuild ang temple. Pinayagan naman ng hari si Nehemiah na ma-rebuild ang wall around Jerusalem. Walang pinadalang propeta ang Diyos sa Israel at Judah sa loob ng 400 years. Sumulpot si John the Baptist mula sa ilang at nagsimulang mag-preach ng repentance. Nagising ang consciousness ng mga Hudyo patungkol sa pangakong Messiah.

Ang mind-set ng mga Hudyo ay nakapaloob sa dalawang pakikipagtipan ng Diyos, una kay Abraham na ang mga Hudyo ang hinirang na bayan ng Diyos at pangalawa kay David na mula sa kanyang angkan ay darating ang haring uupo sa kanyang trono at maghahari habang buhay. Aware si Cristo sa view of history at mind-set ng Kanyang mga disciples. It is with this insight nang sagutin Niya ang 3-fold question ng Kanyang mga alagad.

Page 3: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 3

B. Ang Tanong Ang temple ay ginawa ni King Solomon around 957 BC. Nasira ito noong panahon ng Babylonian captivity taong 586 BC. Authorized by Cyrus, king of Persia, ni-rebuild ito under the leadership of Zerubabel at Ezra around 538 BC. Natapos ang rebuilding ng temple ng panahon ni Darius, king of Persia taong 515 BC. Sa ilalim ng pananakop ng Rome ang templo ay ni-renovate at in-expand ni Herod the Great simula ng taong 20 BC. Inabot ng 46 years ang building project bago natapos (John 2:20).

Para sa mga Hudyo, ang templo ay ang tahanan ng Diyos kaya nagalit si Cristo nang makita Niya na ito ay naging commercial area na (John 2:16). Sa temple courts din ginaganap ang mga animal sacrifices at worship. Ang templo ang pinaka-centro ng religious life ng mga Hudyo. Ganito ito kahalaga sa buhay nila kaya naman nakurot ang interes ng mga disciples nang sabihin ni Cristo na ito ay mawawasak.

Sariwa pa sa isipan ng mga disciples ang pangakong binitiwan ni Cristo na Siya ay uuwi muna sa Kanyang Ama at muling babalik. Hindi maiiwasan ang magspeculate pagdating sa bagay na ito. Kaya upang maiwasan ang hulaan, minabuti na nilang magtanong.

Sa panahong iyon, naniniwala ang mga disciples na si Cristo ang Messiah, ang anak ni David na uupo sa trono at maghahari sa mundo. Ang hindi nila alam ay kung kailan magaganap ang pag-establish ng kaharian ng Diyos. Sa kanilang isipan, maaaring sa pagbabalik ng kanilang Panginoon ito mangyayari. Ito kaya ang kanilang usap-usapan bago sila naglakas loob na magtanong sa Lord?

Essentially, ito ang mga tanong: a) kailan mawawasak ang templo, b) ano ang mga signs ng pagbabalik ni Cristo, at c) ano ang mga signs ng end of the age.

C. Ang Sagot Ang 2-part answer ng Lord ay binubuo ng: a) The beginning and end signs of the Jewish age at ang pagwasak ng templo, b) ang end signs ng Church age at ng pagbabalik ni Cristo.

Ang sabi ng Lord sa Matthew 24:4-8 ay: “Mag-ingat kayo na huwag malinlang.” 1) Sapagakat marami ang darating sa ngalan Ko, at sasabihing sila ang Cristo, at marami ang

malilinlang. 2) Makakarinig kayo ng mga digmaan at mga rebolusyon, subalit huwag kayong mabahala.

Kailangang mangyari ang mga ito, 3) Maglalaban ang bansa laban sa bansa, at kaharian laban sa kaharian. 4) Magkakaroon ng lindol, taggutom at salot sa maraming lugar.

Lahat ng ito ay tulad sa simula ng hirap sa panganganak. At pagkatapos ang sabi Niya sa Matthew 24:9-14 ay: “At pagkatapos,

5) Kayo ay pahihirapan at papatayin, kapopootan kayo ng lahat ng bansa dahil sa Akin. 6) Sa panahong iyon marami ang tatalikod sa pananampalataya at makararanas ng pagtataksil

at pagkamuhi. 7) Maraming mga huwad na propeta ang magsusulputan at manlilinlang ng maraming tao. 8) Dahil sa pagdami ng kabuktutan, ang pagmamahal ng karamihan ay manlalamig, subalit ang

magiging matatag hanggang wakas ay maliligtas. 9) Ang gospel of the kingdom na ito ay ibubunyag sa buong mundo bilang patotoo sa lahat ng

bansa, and then the end will come.

Ang tanong ay ito: Ano ang gospel of the kingdom?

Ang ibig sabihin ng salitang gospel ay mabuting balita. Ang pambungad na mensahe ni Cristo nang simulan Niya ang Kanyang earthly ministry ay, “Repent for the kingdom of God (or the kingdom of heaven) is at hand.” “Pagsisihan na ninyo ang inyong mga kasalanan sapagkat ang kaharian ng Diyos ay malapit na.” Para sa mga Hudyo nang panahong iyon, maliwanag ang tinutukoy ng Lord. Ito ang pagtatatag ng kaharian ng Diyos sapagkat ang anak ni David na binanggit sa Davidic covenant ay dumating na.

Page 4: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 4

Paulit-ulit sa Gospel of Luke ang sinabi ni Cristo na kailangan Niyang i-preach ang mabuting balita ng kaharian ng Diyos sapagkat ito ang dahilan nang Kanyang pagparito sa mundo. Pati ang Kanyang mga alagad ay inutusan Niyang maghatid ng mabuting balitang ito ng kaharian ng Diyos (Luke 8:1; 9:1; 10:9). Maging si John the Baptist ay ganito rin ang mensahe; “Repent, for the kingdom of heaven is near” (Matthew 3:2).

Sa Genesis 15:5-6, mababasa ang sinabi ng Diyos kay Abram: “Tumingin ka sa kalangitan at bilangin mo ang mga bituin – kung kaya mo. Ganoon din karami ang iyong magiging supling.” Nagtiwala si Abram sa Diyos at ang katumbas nito ay ang pagiging matuwid. Ang pinahihiwatig ng salita ng Diyos dito ay ang pagpapawalang-sala ni Abraham. Ang tinanggap niya ay kaligtasan nang siya ay nagtiwala sa sinabi ng Diyos.

Nang panahon ng mga apostol, hanggang ngayon, ang mensahe ng kaharian ng Diyos ay kasabay ng hamon na maniwala sa pangalan ng Panginoong Jesus (Acts 8:12). At habang lumalaon ang panahon, ang mensahe ng kaligtasan ay naka-akbay na sa pangalan ni Jesus, hindi bilang anak ni David na magtatag ng kaharian ng Diyos kundi bilang Anak ng Diyos. Ang sinasabi sa Romans 10:17 ay ito: Ang pananampalataya ay dumarating sa pakikinig ng mensahe, at ang mensahe ay nadirinig sa pamamagitan ng salita ni Cristo.

Samakatuwid, maaari na ang mensahe para sa ating panahon ngayon ay ito: “Pagsisihan na ninyo ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit na ang pagbabalik ni Cristo.”

Ang isa pang tanong ay ito: Ano ang ibig sabihin ng, this gospel of the kingdom will be preached in the whole world as a testimony to all nations, at ito ba ay natupad na?

Ang hyperbole ay isang uri ng figure of speech na ang ibig sabihin ay excessive exaggeration. Ito ay madalas ginagamit sa literature upang bigyang diin ang isang statement. Ang whole world sa pangungusap na ito ni Cristo ay hindi tumutukoy sa bawat bansa o nasyon sa buong mundo kundi marami sa mga bansa sa known world ng panahong iyon.

Ang Pentecost ay isang pilgrim festival ng mga Hudyo na ipinagdiriwang 50 days after Passover upang alalahanin ang pagbibigay ng batas ng Diyos sa Mt. Sinai. Nakatala ang unang outpouring ng Holy Spirit sa Acts 2:1-12: Nang dumating ang Pentecost, nasa isang lugar ang mga apostol. At bigla silang nakarinig ng parang maugong na hangin galing sa langit na nananatili sa buong bahay na kanilang tinitigilan. At nakita nila ang parang dila ng apoy na naghiwalay at nanatili sa kanila. Sila ay napuspos ng Holy Spirit at nagsimulang magsalita ng ibang wika ayon sa kalooban ng Espiritu.

Noon, maraming may-takot sa Diyos na mga Hudyo galing sa bawat nasyon sa ilalim ng langit. Nang marinig nila ang ugong nagsama-sama sila at nagtaka sapagkat naririnig nila ang bawat isa sa sarili nilang wika. Manghang-mangha, ang tanong nila sa isa’t isa ay, “Hindi ba taga-Galilea ang mga lalaking ito? Bakit sila ay naririnig ng bawat isa sa atin sa sarili nating wika?

Pathians, Medes and Elamites, residente ng Mesopotamia, Judea at Cappadocia, Pontus at Asia, Phrygia at Pamphylia, Egypt at mga lugar sa Libya, malapit sa Cyrene; mga bisita galing Roma; Cretans at Arab – naririnig natin silang nangangaral ng kaluwalhatian ng Diyos sa ating sariling wika!” Ang tanong nila sa isa’t isa ay, “Ano ang ibig sabihin nito.”

At ang sabi sa verse 41 ay tatlong libo ang nadagdag sa bilang nila (ng Church). Ito ay simula pa lamang ng paghihirang ng Banal na Espiritu among God-fearing Jews na maghahatid ng Gospel sa kani-kanilang native land.

Kaya ang sagot sa tanong ay, Oo, natupad na ang propesiya na ang gospel of the kingdom will be preached in the whole world.

Page 5: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 5

Nagpatuloy si Cristo. Ang tanong kung kailan mawawasak ang templo ay Kanyang sinagot, Matthew 24:15-21: Kapag nakita ninyo na napaliligiran ng mga hukbo ang Jerusalem, at kung makikita ninyong naka-tayo sa holy place ang ABOMINATION NG DESOLATION na binigkas ng Propetang Daniel, . . . . magkakaroon nang hindi na matutularang tribulation.

Sa 2 Thessalonians 2:3-4, ang sabi ni Paul sa mga nakarinig ng balitang nakabalik na si Cristo ay, “Huwag ninyong hayaan maloko kayo nang kung paano, sapagkat ang araw na iyon ay hindi darating hanggang hindi nangyayari ang rebellion at ang taong walang batas-batas ay lumantad na. Ipapakita niya at itataas ang kanyang sarili sa ibabaw ng lahat ng tinatawag na diyos o sinasamba, upang iluklok niya ang kanyang sarili sa templo ng Diyos, proclaiming himself na siya ang Diyos.

Nang taong AD 66, nag-revolt ang mga Hudyo against Rome. Matapos paligiran ng hukbong Romano ang Jerusalem, ang mga pangyayari sa sumunod na dalawang taon ay nagtapos sa pagkawasak ng siyudad, pati na ang templo. Ang rebelyong ito ang nagdala sa Jerusalem kay Titus na naging commander ng hukbong Romano. Nang panahong iyon nagsimula ang ideya ng pagsamba sa emperor ng Roma bilang diyos. Walang duda na sa nawasak na templo binunyag ni Titus na siya ay Diyos. Siya ay naging emperor ng taong AD 79. Hindi naglaon at naging batas sa buong Roman Empire ang pagsamba sa emperor ng Rome bilang diyos.

Kailan mawawasak ang temple? Taong AD 70 sa kamay ni Titus. At ito ang end of the Jewish age.

Nagpatuloy si Cristo sa pagsagot ng tanong ng mga disciples. Matthew 24:22-31: “Kung ang mga araw na iyon ay hindi pinaigsi, walang makaka-survive, subalit alang-alang sa mga hinirang, ang mga araw na iyon ay paiigsiin. Sa panahong iyon, kung mayroong magsasabing, “Nandito ang Cristo!” o “Nandoon siya,” huwag kayong maniniwala dahil:

1) Maraming huwad na Cristo at bulaang propeta ang susulpot at magpe-perform ng mga kababalaghan at milagro upang ma-deceive maski na ang elect - kung posible . . . . .

2) Pagkatapos na pagkatapos ng tribulation ng mga araw na iyon, 3) Ang araw ay magdidilim, ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag; at ang

mga bituin ay malalaglag mula sa kalangitan, at ang mga planeta ay mayayanig. 4) Sa sandaling iyon, ang sign ng Anak ng Tao ay lilitaw sa langit, at lahat ng bansa ay

magluluksa. Makikita nila ang Anak ng Tao na bumababa mula sa alapaap ng kalangitan puno ng kapangyarihan at kaluwalhatian. At tatawagin Niya ang mga anghel na bubuga ng malakas na tawag ng trumpeta, at titipunin nila ang mga hinirang mula sa lahat ng sulok ng daigdig. Ito ang mga signs ng pagbabalik ni Cristo at ng end of the Church Age.

D. Ang Rapture

Ang gagawing pag-gather ng mga anghel sa mga buhay na mananampalataya sa araw ng pagbabalik ni Cristo ay tinataguriang, Rapture. Ang ibig sabihin ng salitang ginamit dito ay pag-dagit o to snatch away.

Mayroong at least apat na bahagi ng Scripture ang tumutukoy sa event na ito:

1 Thessalonians 4:15-17. Ayon mismo sa salita ng Lord, tayong mga buhay pa na naiwan habang hindi pa bumabalik ang Lord, ay siguradong hindi mauuna sa mga natulog na. Ang Lord mismo ay bababa mula sa langit, kasabay ang malakas na utos, kasama ang boses ng archangel at ang tawag ng trumpeta ng Diyos, at ang mga patay kay Cristo ang mauunang umangat. Pagkatapos ay tayo namang buhay pa at naiwan ay dadagitin pataas upang makasama silang nasa alapaap na para katagpuin ang Lord sa himpapawid. Kaya nga, makakasama natin ang Lord magpakailan pa man.

Matthew 24:31. Makikita nila ang Anak ng Tao na bumababa mula sa alapaap ng kalangitan puno ng kapangyarihan at kaluwalhatian. At tatawagin Niya ang mga anghel na bubuga ng malakas na tawag ng tumpeta, at titipunin nila ang mga hinirang mula sa lahat ng sulok ng daigdig.

Page 6: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 6

1 Corinthians 15:51-53. Sasabihin ko sa inyo ang isang hiwaga: Lahat tayo ay hindi matutulog, subalit lahat tayo ay mababago – sa isang kisap mata, sa huling trumpeta. Sapagkat ang trumpeta ay tutunog; ang mga patay ay ibabangon na walang pagkabulok, at tayo ay babaguhin. Dahil ang nabubulok ay dapat damitan ng di-nabubulok at ang mortal ng di-namamatay.

1 John 3:2. Mga minamahal na kaibigan, ngayon tayo ay mga anak ng Diyos, at kung ano tayo magiging katulad ay hindi pa pinaaalam. Subalit alam natin na kapag dumating na Siya, tayo ay magiging katulad Niya, sapagkat makikita natin Siya sa Kanyang katunayan.

Ayon sa mga talatang ito, pagdating ni Cristo, 1) ang mga natutulog kay Cristo ay ibabangon at sa isang kisap-mata ang katawan nilang nabubulok ay ibabangon na hindi na nabubulok, 2) titipunin ng anghel sa sandaling iyon ang mga buhay na mananampalataya mula sa lahat ng sulok ng daigdig at sila ay dadagitin pataas upang makipagkita sa Panginoon sa alapaap at sila sa isang kisap-mata ay mababago mula sa pagiging mortal sa pagiging immortal. Kaya ang wangis nating mga anak ng Diyos ay magiging tulad na ng kay Cristo.

E. Ang Book of Revelation Ang aklat na ito ang pinakamahirap i-interpret sa lahat ng mga aklat sa Bibliya. Puno kasi ng imageries and symbols. Dahil sa apocalyptic nature ng aklat na ito kaya ito ina-associate sa End Times. Subalit hindi lahat ng bahagi ng Revelation ay may kinalalaman directly sa End Times, indirectly lamang. Sa araling ito, bibigyang diin ang mga bahagi na mayroong direct na kinalalaman sa End Times.

Sa kasalukuyan mayroong apat na klase ng pag-interpret ng Revelation:

Ang symbolic or idealist view ay nagsasaad na ang Revelation ay hindi predictive prophecy. Bagkos ito ay isang symbolic portrait ng cosmic conflict of spiritual principles. Kaya ang aklat na ito ay hinihiwalay sa kalawakan ng history at inilalagay sa kalawakan ng ideas.

Pinagkakaila ng preterist view (the Latin word praeter means past) ang prophetic aspect ng Revelation. Ang kaganapan ng mga pangyayaring taglay ng aklat ay limitado sa unang siglo AD lamang. Ang sabi nila, ito ay symbolic description lamang ng persecution na ginawa ng mga Romano sa iglesya, ng pagsamba sa Roman emperor, at ng paghuhusga ng Roma.

Ang historicist view naman ay nagsasabing ang Revelation ay para lamang allegorical panorama ng history ng Western church mula sa first century hanggang sa pagbabalik ni Cristo.

Tinatanggap naman ng futurist view ang influence ng friction between the Roman power at ng Christ- ian church noong first century sa mga tema ng Revelation. Subalit tinatanggap din ng pananaw na ito na maraming bahagi ng aklat ang may kinalalaman sa panahong immediately preceding the second coming of Christ at ang magaganap na Great Tribulation na sinasabing tatagal ng pitong taon.

E1. Ang Diyos (Chapters 1, 4 and 5) Ang Revelation ay hindi isang book of Theology (the study of the nature of God). Subalit mahalaga ang ating matututuhan tungkol sa Diyos sa aklat na ito.

Sa Chapter 1 pa lamang tinukoy na rito ang Trinity, ang Triune God na nag-utos kay John na isulat ang book of prophecy na ito para sa pitong churches sa Asia Minor. Ang ginawang pagpapakilala ng Diyos Ama ay ang who was and who is and who is to come. Siya ang eternal God. Ang Holy Spirit naman ay ang seven spirits (or the seven-fold spirit) at ang Panginoong Jesu-Cristo naman ay ang faithful witness, the firstborn from the dead, the ruler of the kings of the earth, the one who loves us and has freed us from our sins by His blood, and has made us to be a kingdom and priests to serve His God and Father.

Nagpakilala rin ang Diyos Ama as the Alpha and the Omega, the First and the Last, the Beginning and the End. Hinayag din dito si Cristo bilang pinaslang na Kordero ng Diyos na Siyang tumubos sa mga tao mula sa bawat tribo, wika, bansa at nasyon para sa Diyos. Ginawa Niya ang mga taong ito

Page 7: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 7

upang maging kaharian at sacerdote na maglilingkod sa Diyos at sila ay maghahari sa lupa. Sinabi rin sa aklat na ito na ang pamamaraan at paghuhukom ng Diyos ay makatarungan at totoo; na Siya ang Hari sa lahat ng panahon at Siya lamang ang banal; nasasa Kanya ang kaligtasan, kaluwalhatian, at kapangyarihan.

Ipinakilala rin si Cristo sa aklat na ito bilang King of kings and Lord of lords, the Root and Offspring of David, and the bright Morning Star.

Ang Chapters 4 at 5 ay naganap sa preternatural world. Si John ay in the spirit kaya nasaksihan niya ang mga kaganap sa daigdig na iyon. Inilalahad ng dalawang chapters na ito ang glory and majesty ng Diyos Ama, ng Diyos Banal na Espiritu at ng Diyos Anak. Ang lahat ng mga spirit beings sa kalangitan ay sumasamba sa ating Diyos at nagpro-proclaim na karapat-dapat na Siya ay purihin.

To sum up, matututuhan natin sa Revelation na ang ating Diyos ay eternal. Siya ay espiritu. Siya ay nagkatawang tao upang tayo ay Kanyang mapalaya sa kasalanan. Siya ang naghahari sa buong kalangitan at mundo. Siya ay makatarungan. Siya ay katotohanan. Siya ay all-powerful, Sovereign Lord of the universe. At nasa Kanya ang luningning ng kaluwalhatian.

E2. Ang Seven Churches (Chapters 2 and 3) Ang pahayag ng Diyos sa pamamagitan ni John ay address sa pitong churches sa Asia Minor– Ephesus, Smyrna, Pergamum, Thyatira, Sardis, Philadelphia, at Laodicea. Taglay ng Chapters 2 at 3 ang mga commendations, criticisms, at encouragements ng Lord. Magagamit natin ang mga nilalaman dito sa ating panahon bilang sukatan para sa self-examination at reflection exercises ng ating mga local churches at individual believers, nang sa ganoon ay mapangalagaan natin ang ating spiritual life. Makapagsisilbing pampalakas ang mga encouragements na taglay ng liham na ito para sa mga dumaranas ng pagsubok, panlalamig o pagkatalo.

Kung nangyari sa mga iglesya noon, maaring mangyari ngayon. Ang ginawang commendation, criticism at encouragement ng Lord sa pitong iglesyang ito ay dapat magsilbing halimbawa sa atin upang pilitin nating matularan ang mga ginawa nilang mabuti at tama, at atin namang maiwasan ang mga masama at mali nagawa nila.

Ang lahat ng iglesya ng Panginoong Jesus ay dapat magsagawa ng annual assessment ng kanilang mga strengths, weaknesses, opportunities and threats. Mapagwawari natin sa liham na ito ang mga posibilidad na mayroon ang ating iglesya:

Mga kalakasan na dapat tularan: Ephesus: Mabubuting gawa, kasipagan at pagpupursigi. Pag-expose ng mga bulaang apostol; isama na natin ang mga bulaang propeta at mga kulang sa kaalaman ng salita ng Diyos na ayaw nang mag-aral subalit nagpipilit pa ring magpastor. Ang pagiging pursigido at matatag alang-alang sa pangalan ng Panginoon. Pagtanggi sa mga heretical practices. Smyrna: Ang pagiging matatag sa kabila ng pagpapakasakit, kahirapan at alipusta ng mga kaaway, at sa hinaharap na posibleng makulong, ma-persecute o mapatay. Pergamum: Ang pagiging tapat sa Lord sa kalagitnaan ng kasamaan at karimlan sa paligid. Thyatira: Mabubuting gawa, pag-ibig, pananalig, paglilingkod, pagsusumikap at paglago sa gawain. Sardis: Members na hindi nagpapamantsa sa kamunduhan. Philadelphia: Ang pagiging matatag sa pagtitiwala sa salita ng Diyos at pagdakila sa Kanyang pangalan sa kabila ng kahinaan.

Mga kahinaan na dapat bantayan, iwasan o itakwil: Ephesus: Ang slow but steady backsliding. Ito ang nagiging sanhi ng pagbabalik mundo at panlalamig ng pag-ibig kay Cristo. Pergamum: Sexual immorality at pagsunod sa mga heretical practices. Thyatira: Ang hindi pagsaway sa mga katuruan na nagtutulak patungo sa sexual immorality. Sardis: Ang pagpapanggap. Laodicea: Ang pagiging lukewarm at being self-deceived.

Page 8: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 8

Mga oportunidad o rewards kapag nagpapakumbaba sa harap ng Panginoon: Ephesus: Karapatang kumain sa puno ng buhay na nasa Paraiso (kasaganaan). Smyrna: Korona ng buhay at kasiguruhan ng pag-iwas sa ikalawang kamatayan (tagumpay). Pergamum: Ang makatikim ng hidden manna at makatanggap ng pangalang walang ibang nakakaalam (karangalan). Thyatira: Kapangyarihang mapailalim sa kanya ang mga nasyon, at tumanggap ng morning star (pamumuno). Sardis: Ang kasiguruhan sa pananatili ng pangalan sa aklat ng buhay at pagkilala sa kanya sa harapan ng Diyos at Kanyang mga anghel (seguridad at acceptance ng Diyos). Philadelphia: Ang pagiging haligi ng templo ng Diyos at paglayo sa pagsubok (accomplishments at katiwasayan). Laodicea: Ang karapatang umupo sa tabi ng trono ng Panginoon (divine recognition).

Mga threats na dapat bantayan: Ephesus: Magkaroon ng split sa church o tuluyang magkawatak-watak ito. Pergamum: Dumanas ng matinding rebuke mula sa isusugo ng Diyos. Thyatira: Matinding pasakit at pati na ang kamatayan ng mga anak. Sardis: Mawalan ng blessings.

Pansinin natin na walang kapintasang binanggit ang Diyos laban sa iglesya ng Smyrna o ng Philadelphia. Sa kabilang dako, wala naman commendation na tinanggap ang Laodicea. Ang ibig sabihin nito para sa atin ngayon ay maaari na ang iglesya-local ay maging tunay na kasiya-siya sa Diyos at walang kahinaan na dapat tutukan, at mayroon din namang iglesya-local na kaawa-awa dahil sarili lamang nila ang kaya nilang bigyang-pansin.

E3. The Heavens and the Earth (Chapter 12:7-9) Ang aklat ng Revelation ay hindi aklat ng Cosmology (the study of the origin, structure and composition of the universe) o ng Ontology (the doctrine of being). Subalit marami tayong matututuhan sa pag-aaral ng aklat na ito tungkol sa Cosmology at Ontology.

Ang sabi sa Genesis 1:1 ay ganito: In the beginning God created the heavens and the earth. Sa pag-aaral ng Bibliya, matututuhan natin na ang heavens na binanggit sa talatang ito ay may tatlong uri: 1) Ang eternal o supernatural heaven na walang simula at walang katapusan kung saan ang Diyos lamang ang may kalikasan, pang-unawa at kakayahang manahan dito, 2) ang preternatural world ay ang lugar kung saan namumuhay ang mga spirit beings na tinatawag na seraphim (Isaiah 6), cherubim (Ezekiel 10), and archangel (Jude, 1 Thessalonians) at angels; namumuhay sila in time and space, at 3) ang natural world na ating mundong ginagalawan; at tayo ay namumuhay in a universe of time, space and matter.

Ang tanong ay ito: Ano ang naunang nilalang? Ang preternatural world o ang natural world?

Sa Job 38:4-7, Ang tanong ng Diyos kay Job ay, “Nasaan ka noong nilatag Ko ang foundation ng mundo? Sabihin mo sa Akin kung naiintihdihan mo. Sino ang nagmarka ng mga sukat n’yan? Siguradong alam mo yan! Sino ang nag-stretch ng measuring line sa magkabilang dulo? Saan naka-set ang mga footings n’yan or who laid its cornerstone – while the morning stars sang together at ang mga anghel ay sumigaw sa tuwa?

Ang sagot ay naunang likhain ng Diyos ang preternatural world.

Hindi ako magtataka kung ang bagay na ito ay hindi pa napag-iisipan ng marami sa ating mga kababayan. Kaya nararapat lamang na ating ipaliwanag ang ilang mga katagang ginamit sa bahaging ito ng ating aralin: Ang ibig sabihin ng namumuhay in time and space ay ito: Sa parehong mundo (preternatural at natural) tumatakbo ang oras at limitado ang ating nasasakop na espasyo. Hindi tayo nakababalik in time (walang time travel) at hindi tayo puwedeng nandirito at nandoroon at the same time. Ang matter naman ay solid, liquid at gas na may physical properties. Ang mga anghel ay spirit beings na walang physical properties. Tayo lang na nasa natural world ang mayroon nito, kaya

Page 9: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 9

nakikita tayo ng mga spirit beings subalit hindi natin sila nakikita, naririnig, nahihipo, naaamoy, o nararamdaman kasi wala silang physical properties.

Ang tanong ngayon ay ito: Maaari ba na mag-occupy ang isang spirit being at isang physical being at the same time in the same space? Bago natin sagutin ang tanong na ito, isa munang kuwento.

Ang unang digmaan ng forces of good versus forces of evil ay naganap sa preternatural world; good angels versus fallen angels. Ito ang sabi sa Revelation 12:7-9:

At nagkaroon ng digmaan sa langit. Naglaban ang puwersa ni Michael at kanyang mga anghel laban sa dragon at kanyang mga kampon. Subalit kulang sila sa lakas kaya nawalan sila ng puwesto sa langit. Ang dragon ay tinapon pababa – yung sinaunang ahas na tinatawag na diablo, o Satanas, na nanliligaw sa buong mundo. Tinapon siya sa mundo kasama ang kanyang mga kampon.

Sa Luke 10:18, sinabi ni Cristo na nakita Niya ang parang kidlat na pagkahulog ni Satanas mula sa langit. Samakatuwid, si Satanas at ang mga fallen angels ay pinatalsik mula sa preternatural world at tinapon sa ating natural world. Ngunit dahil sila nga ay mga spirit beings hindi natin sila nakikita, unless, ipakita sila sa atin ng Panginoon, tulad sa isang pangyayari sa buhay ni Elisha at ng kanyang katulong (2 Kings 6:17).

Now, we know kung paano napunta sa mundo natin si Satanas at ang mga kampon niyang demonyo.

Sinasalaysay ng Bibliya ang maraming insidente na nagpapatunay na ang mga demonyo ay nakapananahan sa tao o sa hayop:

Pinasok at ginamit ni Satanas ang isang ahas nang tuksuhin niya si Eba at Adan (Gen. 3:1). Maraming demonyo ang lumabas sa maraming tao ng panahon ni Cristo sa lupa; mga

demonyong nakikilala Siya bilang Anak ng Diyos at ang Messiah (Luke: 4:41). Pito ang mga demonyong nanahan kay Maria Magdalena (Luke 8:2). Legion ang binigay na pangalan ng napakaraming demonyo na nanahan sa isang lalaki nang

sila ay palayasin Ni Cristo sa katawan ng lalaki. Nagmakaawa ang mga ito na huwag silang papuntahin sa abyss, bagkos ay sa mga baboy lamang na malapit sa kanilang kinaroroonan (Luke: 30-32).

Pinisanan ni Satanas si Judas upang pagtaksilan si Cristo (Luke 22:3).

Ang obvious answer sa tanong ay, “Oo. Puwede mag-occupy ang isang spirit being at physical being in the same space at the same time.” Subalit ang not so obvious ay maaari ba o makakaya ba ng mga demonyo na makapasok sa tao anytime, anywhere? O, kinakailangang buksan ng tao ang pinto ng kanyang buhay para sa kanila? At nabubuksan ba ang pintong ito kahit unconsciously? Ang paggamit ba ng agimat o talisman ay pagbubukas ng pinto ng buhay at pag-iimbita sa demonyo? Ang pagpunta ba sa manghuhula upang alamin ang kinabukasan ay ganoon din ang epekto? Ang paggamit ba ng mangkukulam upang manakit ng ibang tao ay ganoon din ang epekto? Ano sa iyong palagay?

E4. Spiritual Warfare (Related sa Chapter 12:7-9)

Sa isang dako, pinahihiwatig sa 2 Peter 2:4 na ang mga demonyo ay nakakulong: Hindi binale-wala ng Diyos ang kasalanan ng mga rebeldeng anghel, bagkos ay tinapon sila sa impiyerno, putting them in gloomy dungeons to be held for judgment. So, sila ay nasa kulungan. Sa kabilang dako, nakasulat ang maraming incidente sa Bibliya na nakakapanahan ang demonyo sa tao o sa hayop man.

Ibig sabihin ay may kalayaang pumaroon at pumarito si Satanas at pati na ang kanyang mga kampon na hindi nakakulong sa mga gloomy dungeons:

Nakasama si Satanas sa mga anghel nang isang araw ay humarap ang mga ito sa Panginoon Diyos. Nang tanungin si Satanas ng Diyos kung saan siya galing, Sa pagroronda sa mundo ang sagot niya (Job 1:6-7).

Tatlong beses tinukso ni Satanas si Jesus sa ilang (Matthew 4).

Page 10: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 10

Naigapos ni Satanas ang isang babae sa kapansanan sa loob ng 38 years (Luke 13:16).

Binabalaan ni Apostol Pedro ang mga Cristiano na laging mag-ingat sapagkat ang kanilang kalaban ay tulad ng mga umaatungal na leon na nag-aabang at nagmamasid kung sino ang kanilang kayang lapain (1 Peter 5:8).

Paalala naman ni Apostol Pablo na ang tunay na kalaban ng Cristiano ay hind tao kundi mga namumuno, mga awtoridad, mga kapangyarihan ng kadiliman sa mundong ito, at mga puwersang espirituwal ng karimlan sa mga himpapawid (Ephesians 6:12).

Samakatuwid, mayroong mga demonyong nakapiit sa impiyerno at marami rin ang nakakapag-operate around the world; busy sa kanilang pagkakalat ng lagim. Maliwanag na makapangyarihan si Satanas at ang kanyang mga alagad. Kaya nilang mag-possess ng tao at ng hayop. Kaya nilang igapos sa kapansanan ang tao. Hindi mahirap paniwalaan na may ilang katotohanan sa likuran ng mga kuwento tungkol sa mga vampires and werewolves, sa mga tikbalang at nuno sa punso, sa mga mangkukulam at iba pa. Ang drug o porno addiction ay kapansanan na ginagamit ng mga demonyo upang magdulot ng pasakit, hindi lamang sa mga addicts, kundi damay pati kanilang pamilya at ibang tao. Kinakailangang maging alerto ang Cristiano tungkol sa bagay na ito.

E5. Four Horsemen (Chapter 6:1-8) Taglay ng Chapter 5 ang eksena kung saan ay may isang nakaupo sa trono. May hawak siyang isang scroll selyado ng 7 Seals sa kanyang kanang kamay. Walang karapat-dapat sa buong kalangitan na magbukas ng mga seals maliban sa Leon ng tribo ng Judah at Ugat ni David na may anyong isang Korderong pinaslang.

Ang laman ng 1st to 4th Seal ay ang bantog na Four Horsemen of the Apocalypse na nagre-represent ng Conquest, War, Famine at Death na ang kasunod ay si Hades. Ang apat na calamidad na ito ay nagaganap mula pa ng simula. Lahat ng henerasyon ay nakakaranas o nakaka-witness ng iba’t ibang uri ng disaster. Kaya ang mga ito ay unang bahagi lamang ng mga senyales ng pagbabalik ni Cristo.

E6. Mga Kaluluwa sa Ilalim ng Altar (Chapter 6:9-11) Napakarami na ang mga pinaslang ng mga mananampalataya throughout history sa kadahilanang sila ay nagtiwala sa salita ng Diyos at naglingkod sa Kanya ng tapat. Sila ay dumanas ng injustice kaya ang pinakahihintay nila ay ang paghuhukom na gagawin ng Diyos. Ang mga kaluluwa ng mga pumanaw bago nagapi ni Cristo si Kamatayan ay nanatili sa Hades, sa lugar na tinawag na Abraham’s bosom (Luke 16:22). But Christ conquered Death kaya nang mag-resurrect at mag-ascend na ang Panginoon sa kataas-taasan, ang sabi ay He led captives in His train (Ephesians 4:8). Ibig sabihin, lahat ng Old Testament believers ay nasa waiting area sa Hades reserved para sa mga mananampalataya - na ang tawag ay Abraham’s bosom. Doon ay hinihintay nila ang pagsundo sa Kanila ng kanilang avenger.

Ang mga belivers na ito ang mga naging biktima ng four horsemen kaya Hades ang kinabaksakan nila. Si Hades ay ang kasunod nila Conquest, War, Famine at Death.

Dahil restless ang mga kaluluwa na nakapaloob sa 5th Seal, hindi sila maaaring mga New Testament believers na namatay after resurrection at ascension ni Cristo sapagkat sila ay binabanggit na tulog (1 Thessalonians 4; 1 Corinthians 11, 15). Sa kasalukuyan, ang lahat-lahat ng mga believers na pumanaw na - - sila na away from the body ay at home with the Lord (2 Corinthians 5:8).

Ang relevance ng bahaging ito ng Revelation ay para sa ikatatatag ng mga believers na kung dumating man ang four horsemen nang sabay-sabay at madalas, tulad ng mangyayari bago dumating ang Panginoon, wala silang dapat ipangamba sapagkat wala ng kapangyarihan ang kamatayan at ang Hades sa kanilang kaluluwa.

E7. Wrath of the Lamb at Day of the Lord (Chapter 6:12-17) Inilahad ng 6th Seal ang isang matinding lindol. Umitim ang araw, nagkulay dugo ang buwan, ang mga bituin sa kalangitan ay nagbagsakan sa mundo. Ang himpapawid ay parang nilikom na banig, at ang lahat ng bundok at isla ay nawala sa kanilang kinalulugaran.

Page 11: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 11

Ang end-time sign na binigay ng Panginoon just before His second coming ay: Ang araw ay magdidilim, ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag; ang mga bituin ay malalaglag mula sa kalangitan, at ang mga planeta ay mayayanig (Matthew 24:29).

Paulit-ulit na binabanggit ng Bibliya ang katagang day of the Lord na naglalahad ng pagbuhos ng galit ng Diyos sa mundo.

Sinasabi sa Isaiah 13:9-11 na ang day of the Lord ay mabagsik at may matinding galit upang gawing tuyot ang lupa at durugin ang mga makasalanan doon. Ang mga bituin sa langit ay hindi na magbibigay ng kanilang kinang, ang araw ay magdidilim at ang buwan ay hindi na magbibigay ng liwanag. Parurusahan ng Diyos ang mundo sa kanyang kabuktutan at ang mga masasamang-loob sa kanilang kasalanan. Hihintuin ng Diyos ang pagkamatayog ng mga palalo at ibaba ang kayabangan ng mga pusakal. Ang mga tao ay magiging kaunti. Yayanigin ng Diyos ang kalangitan at ang lupa ay manginginig dahil sa Kanyang nagbabagang galit.

Ang ginamit na mga pangungusap sa ibang bahagi ng Old Testament ay a time of doom for the nations; destruction from the Almighty; a day of darkness, pitch-dark, without a ray of brightness (Ezekiel 30:3; Joel 1:15; Amos 5:20).

Sinabi naman sa Zephaniah 1:18 na kahit pilak o maski ginto ay hindi makapagliligtas sa mga makasalanan sa araw ng Lord’s wrath. Sa pamamagitan ng apoy ng kanyang panibugho, ang buong mundo ay matutupok; magiging bigla ang katapusan ng buhay sa mundo.

At ang sinasabi naman sa 2 Peter 3:10 ay ang day of the Lord ay darating na parang magnanakaw. Ang kalangitan ay mawawala kasama ang malakas na ungol; at ang mga elemento ay lalamunin ng apoy, ang lupa at ang lahat na taglay nito ay matutupok.

Ang lahat ng tao, maging mga hari ng mundo, mga principe, mga heneral, mga mayayaman, mga makapangyarihan, mga alipin o malaya man, ay magtatago sa mga kuweba at sa ilalim ng mga batuhan sa bundok. Silang lahat ay maghahangad ng kamatayan dahil sa sukdulang takot sa araw ng galit ng Diyos.

Ito ang sagot ng Diyos sa mga kaluluwa sa ilalim ng altar na nagpapanaghoy kung kailan ba huhusgahan ng Diyos ang mga tao sa mundo at i-avenge ang pagkabuhos ng kanilang dugo (Revelation 6:10).

Hindi nalilimutan ng Diyos ang Kanyang pangako. “Huwag kayong maghiganti, mag-iwan kayo ng lugar para sa galit ng Diyos, sapagkat ito ay nakasulat, It is mine to avenge; Ako ang maniningil’ ang sabi ng Diyos (Deuteronomy 32:35; Romans 12:19).

E8. 144,000 Jews (Chapter 7) Sinasabi sa Acts 2 na napakaraming mga Hudyo ang nasa Jerusalem ng araw ng Pentecost. Sila ay nagmula sa bawat nasyon sa ilalim ng langit; mga Pathians, Meded and Elamites, residente ng Mesopotamia, Judea at Cappadocia, Pontus at Asia, Phrygia at Pamphylia, Egypt at mga lugar sa Libya, malapit sa Cyrene; mga bisita galing Roma; Cretans at Arab.

Matapos mag-mensahe ni Peter nakatala sa Acts 2:41 at 4:4 na libo-libo ang nadagdag sa Iglesya. Matapos ni Paul ang kanyang missionary journeys, ni-report niya kay James at mga elders na libo ang mga Hudyo na naniwala sa kanilang mensahe (Acts 21:19). Libo rin ang mga Hintil na na-convert nang panahong iyon.

Sinasabi ni Paul sa Romans 1:16 na hindi niya kinahihiya ang gospel dahil ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa ikaliligtas ng lahat na maniniwala; una sa mga Hudyo, at pagkatapos ay sa mga Hintil. Libo-libong mga Hudyo ang naunang makapasok sa kaharian ni Cristo. Sila ang itinalaga ng Diyos na mauna sa pamamagitan ng paghihirang ng 144,000 mula sa 12 tribes ng Israel. Selyado sila ng Diyos.

Page 12: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 12

Ang 144,000 na ito ang nagdala ng gospel una sa kapwa nila Hudyo at pagkatapos ay sa mga Hintil.

Mapapansin natin na hindi kasama ang tribo ni Dan at ni Ephraim. Maaaring ang dahilan nito ay ang kanilang pagkasangkot sa idolatry sa mahabang panahon. O, baka naman na ang tribo ni Joseph ay tribo ni Ephraim.

Matapos malagyan ng seal ang 144,000, nakita ni John ang dagsang nilalang mula sa bawat nasyon, tribo, bayan at wika, nakatayo sa harap ng trono at ng Kordero. Nakasuot sila ng puting bata at may hawak na palaspas. Sila ang mga galing sa great tribulation; nilabhan nila ang kanilang mga bata at pinaputi sa pamamagitan ng dugo ng Kordero. Ibinunyag nila na ang kaligtasan ay pag-aari ng Diyos at ng Kordero. Ang mga di-mabilang na nakaputing bata ay yung mga dumaan sa matinding pagsubok bago nawasak nang husto ang Jerusalem ng hukbo ni Titus noong AD 70. Ang sabi sa Matthew 24:21 patungkol sa event na ito ay, Magkakaroon ng tribulasyon na hindi pa napapantayan mula noong simula pa lamang ng mundo hanggang ngayon at hindi na mapapantayan magpakailan man.

Ang di-mabilang na mananampalataya sa eksenang ito ay ang bunga ng evangelistic ministry ng selyadong 144,000 na galing sa 12 tribes ng Israel, simula noong unang Pentecost matapos mag-ascend ang Lord sa langit, hanggang sa wakas ng Jewish age nang wasakin ang templo sa Jerusalem noong AD 70.

E9. Seven Trumpets (Chapters 8 to 11) Sa gitna o mata ng isang malakas na bagyo ay kakaibang katahimikan; para itong mas tahimik pa kaysa katahimikan sa madaling araw habang ang lahat ng may hininga ay tulog pa. Ganito ang nangyari sa loob ng kalahating oras nang buksan ang 7th seal. Ito ay naglalarawan ng kapahingahan na kailangan ng bawat tao, lalo na ng mga sundalo at manggagawa matapos ang isang panahon ng pakikibaka at pagpapagal, at bago sumabak na naman sa hinaharap na panahon.

Ang kasunod ng mata ng bagyo ay ang mas malakas pang hagupit ng hangin at buhos ng ulan. Matindi ang dala-dala ng pitong trumpeta:

1st trumpet – buo-buong yelo at apoy na may halong dugo ang hinagis sa mundo; nasunog ang 1/3 ng mundo at 1/3 ng mga puno at lahat ng damo.

2nd trumpet – isang parang bundok na nagliliyab ang hinagis sa dagat; naging dugo ang 1/3 ng dagat; namatay ang 1/3 ng mga sea cratures; at lumubog ang 1/3 ng mga barko.

3rd trumpet – bumagsak mula sa langit ang isang malaking bituin na nasusunog na parang sulo. Binagsakan nito ang 1/3 ng mga ilog at mga bukal at maraming namatay dahil naging maasim ang tubig. Ang tawag sa bituing ito ay Wormwood.

4th trumpet – hinampas ang 1/3 ng araw, 1/3 ng buwan, at 1/3 ng mga bituin, kaya 1/3 sa mga ito ang hindi magbibigay ng liwanag. Isang agila ang nag-pronounce ng tatlong paghihirap.

5th trumpet – isang bituin (anghel) na bumagsak sa lupa ang binigyan ng susi sa trangka ng abyss. Nang buksan niya ang abyss, lumabas dito ay usok - mula sa tila malaking sigaan - na nagpadilim sa araw at sa himpapawid. Mula sa usok, dumagsa ang mga locusts sa lupa. Sila ay binigyan ng kapangyarihang tulad ng sa scorpion. Sinabihan sila na huwag saktan ang damo sa lupa, mga halaman at puno kundi ang mga tao lamang na walang selya ng Diyos sa kanilang noo. Hindi binigyan ang mga locusts ng kapangyarihang pumatay kundi ang magpahirap sa mga tao hanggang mas gustuhin pa nila ang mamatay, subalit hindi sila mamamatay. Ang pangalan ng hari ng mga locusts na ito ay si Abaddon (sa Hebrew) o Apollyon (sa Greek). Ito ang unang paghihirap na binanggit ng agila.

6th trumpet – isang hiyaw ang narinig mula sa gintong altar sa harapan ng Diyos. Pinawalan ang tinalagang apat na anghel na nakabihag sa ilog Euphrates na papatay ng 1/3 ng sanlibutan. Ang bilang ng kanilang mga nangangabayong sundalo ay two hundred million. Ang gagamitin nilang pagpatay ay salot mula sa apoy, usok at sulphur na magmumula sa kanilang bunganga. Ang mga hindi mamamatay sa panahong iyon ay hindi pa rin magsisisi sa kanilang kasalanang pagsamba sa mga demonyo at mga idols na gawa sa ginto, pilak, bronze, bato o kahoy, na hindi naman nakakakita, nakakarinig o nakalalakad. At hindi rin sila nagsisisi sa kanilang pagiging mamamatay-tao, mangkukulam, hayok sa laman at magnanakaw.

Page 13: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 13

Interlude: Bago bumuga ang ika-pitong trumpeta, mayroon munang dalawang testigo na nagdulot ng pasakit sa mga taga-mundo sa loob ng tatlo’t kalahating taon ang lumabas sa eksena. Sinasabi rito na sila ay ang dalawang olive trees at dalawang lampstands. Obvious na figurative ang pagtanggap dito at pag-interpret nito. Maaari na ang dalawang olive trees ay ang tribo ni Judah at Benjamin na bumuo ng Southern Kingdom at ang dalawang lampstands ay ang iglesya sa Smyrna at Philadelphia. Ang common denominator dito ay katapatan sa Diyos. Pinahihiwatig sa mga iglesya-local at sa individual Christian sa kasalukuyang panahon na ang mga nananatiling tapat sa Panginoon ay Kanyang ginagamit sa pagpapatotoo ng Kanyang kapangyarihan. At, ang mga mananampalatayang ito ay handang humarap sa kaaway na galing sa impiyerno at handang makipaglaban hanggang kamatayan. Maaaring ang mga testigong ito ay mga evangelists o evangelistic organizations na mag-aani ng maraming kaluluwa sa mga huling araw bago mag-tribulation na isasagawa ng 666 beast. Dito nagtapos ang ikalawang paghihirap na binanggit ng agila.

7th trumpet – Narinig ang malakas na sigaw mula sa langit: Ang kaharian ng mundo ay napailalim na sa kaharian ng ating Panginoon at ng Kanyang Cristo, at Siya ay maghahari magpakailan pa man. At bumukas ang templo ng Diyos sa langit at nasa loob noon ang ark of His covenant. Kumidlat, kumulog at sinundan ng lindol at matinding bagyo ng yelo. Ang ibig sabihin ba dito ay nakapaloob ang pangyayaring ito sa 1,000 year reign of Christ?

E10. Ang Nagdadalang-tao at ang Red Dragon (Chapter 12) Ang tao ay madali makalimot; Christian man o hindi. Walang nakakakilala sa tao ng sapat maliban sa Diyos na lumikha at naghubog sa kanya. Kaya naman ang Bibliya ay punong-puno ng paalala na ang Diyos ay ang makapangyarihan sa lahat, makatarungan, mapagmahal at mapagpatawad. Napakahalaga sa panahon ng End Times na maisapuso ng mga believers ang katotohanang ito sapagkat ang mga araw na iyon ay puno ng kasamaan at kahirapan.

Ang eksena sa chapter na ito ay magdadala sa believer pabalik sa Genesis 3:14-15 - - sa parusa na iginawad ng Diyos sa diablo. Dahil sa kanyang ginawang pagtukso at pagpapabagsak sa tao sa kasalanan, siya ay sinumpa ng Diyos - maging ang kanyang mga bunga at mga bunga ng babaeng nagkasala. Ang kanilang mga bunga ay walang tigil na mag-aaway hanggang sa mahampas niya ang supling ng babae sa sakong at ang kanya namang supling ay mahampas sa ulo.

Ang babae sa chapter na ito ay kumakatawan sa ina ng bayan ng Diyos – ang bayan ng Israel - at ang dragon ay si Satanas (12:9; 20:1). Pipilitin ni Satanas na hindi maisilang ang lalaking hahampas sa kanyang ulo na magpapawalang bisa sa kanyang kapangyarihan. Sa simula’t simula pa lamang, tinangka nang hadlangan ni Satanas ang pagsilang ng pinangakong anak ng babae na babasag ng kanyang ulo. Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring naglalahad ng mga ginawang pagtatangkang ito ng diablo:

Sa Genesis 4, matutunghayan natin na sa pamamagitan ni Cain, pinaslang ng diablo si Abel upang hadlangan ang lahi na siyang magbubunga ng pangakong Mesias. Subalit, isinilang naman si Seth na pumalit kay Abel.

Sa Genesis 6 mapag-aalaman natin na tinangkang ma-corrupt ng diablo ang lahi ni Seth sa pamamagitan ng intermarriage ng dalawang lahi (Cain at Seth). Ang resulta ay naging laganap ang matinding karimlan sa buong mundo. Subalit iningatan ng Diyos si Noah upang maligtas, kabilang ang kanyang tatlong anak at kanilang asawa, sa ginawa Niyang paggunaw ng buong mundo.

Sa Genesis 11, sinikap ng diablo sa pamamagitan ni Nimrod na huwag kumalat sa buong mundo ang mga tao. Mahirap mamuhay ng separated lives ang sino man kung ang buong populasyon ay nakatira sa isang siyudad lamang. Ito ay salungat sa kalooban ng Diyos. Subalit dahil sa intervention na ginawa ng makapangyarihang Diyos, nabigo muli si Satanas.

Nang sumapit ang matinding taggutom, iniligtas ng Diyos ang kanyang bayan sa pamamagitan ni Joseph na naging kanang kamay ng pinaka-makapangyarihang hari sa mundo, ang paraon ng Egypt.

Inalipin ng diablo ang bayan ng Diyos makalipas ang mahabang panahon sa pamamagitan ng haring pumalit sa paraong humanga kay Joseph. Sila ay tinangkang hadlangan na makarating sa lupang ipinangako ng Diyos sa kanilang mga ninunong Abraham, Isaac at Jacob. Subalit sa

Page 14: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 14

pamamagitan ni Moses at Joshua, natupad ang resettlement ng mga Judio sa Promised Land. Mula sa pagkatatag ng bayan ng Diyos – ang God’s chosen people - paulit-ulit ang tema ng

kasaysayan ng mga taong ito: a) sila ay tatanggap ng pagpapala mula sa Diyos, b) dahil sa kasaganaan, sila ay makalilimot sa Diyos, c) daranas sila ng disiplina ng Diyos sa pamamagitan ng paglusob ng kanilang mga kaaway na naninirahan sa kanilang karatig-pook, d) sila ay tatawag at hihingi ng tawad sa Diyos, e) diringgin sila ng Diyos at sila ay Kanyang ililigtas mula sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway, f) sila ay muling makararanas ng pagpapala ng Diyos.

Nagpatuloy ang ganitong karanasan sa panahon ng mga Judges, ng mga Hari, nang mahati sa dalawa ang bayan ng Diyos, Northern Kingdom (Israel) at Southern Kingdom (Judah), hanggang sa magapi ng Assyria ang Israel at ng Babylon ang Judah.

Sa panahon ng Exile, mapag-aalaman natin na sa likuran ng mga bansa ng mundo ay ang kapangyarihan ng diablo at ng kanyang mga demonyo. Hindi tayo dapat magtaka sapagkat ang diablo nga ang diyos ng mundong ito ayon sa Panginoong Jesus. Tandaan natin na napailalim niya ang tao na pinagkalooban ng Diyos ng karapatang mamahala sa mundo.

Sa aklat ng Esther, mapag-aalaman natin ang pagtatangkang ginawa ng diablo na lipulin ang mga Judio sa pamamagitan ng masamang plano ni Haman. Ito ay nabigo dahil sa katapatan at katapangan ni Esther.

Si Herod the Great ang tinataguriang hari ng mga Judio ng panahong isilang si Jesus. Nabalitaan niya na may mga Magi mula sa silangan na naghahanap sa bagong silang na Hari. Dahil dito siya ay lubhang nabagabag. Nang mapag-alaman ni Herod na sa Bethlehem isinilang ang Cristo at ang mga Magi na inaasahan niyang magsasabi sa kanya kung nasaan ang sanggol ay umuwi na sa kanilang bansa, ipinag-utos niya sa kanyang mga kawal na patayin ang lahat ng mga batang lalaki, dalawang taong gulang pababa, na nakatira sa Bethlehem at karatig pook. Subalit naitakas ni Jose ang Cristong sanggol bago dumating ang mga kawal ni Herod. Malinaw na ito ay pakana ni Satanas.

Ang Cristo ay lumaking isang Nazareno at sa takdang panahon, Siya ay nagsimulang mangaral tungkol sa kaharian ng Diyos. Nang nag-fasting si Jesus for 40 days sa ilang, tatlong beses tinangka ni Satanas na mapagkasala si Jesus, subalit siya ay hindi nagtagumpay.

Sinasabi sa Luke 22:3-6 na pumasok si Satanas kay Judas Iscariote upang siya ay magtungo sa punong saserdote at mga opisyal ng templo para pagplanuhan nila ang pagtataksil na isasagawa laban kay Jesus.

Nang si Cristo at ang 12 Niyang disipulo ay nagdaraos ng tinatagurian ngayong huling hapunan, pumasok muli si Satanas kay Judas upang kanyang isagawa ang plinanong pagtataksil sa Panginoon (John 13:27).

Dahil sa kataksilang ito ni Judas, si Jesus ay naaresto, pinahirapan, isinakdal, nilait, ipinako sa krus at namatay doon sa Kalbaryo. Ang pagkamatay na ito ni Cristo ay inakalang tagumpay ng diablo. Subalit siya ay nagkamali.

Sinabi ni Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Corinto na si Cristo ay namatay dahil sa kasalanan ng tao at ang kamandag ng kasalanan ay kamatayan. Subalit sinabi din sa Hebrews na si Jesus ay naging tao upang sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan ay durugin Niya ang kapangyarihan ng kamatayan. Binasag ni Cristo ang ulo ng serpent na may hawak ng kapangyarihan ng kamatayan na walang iba kundi ang red dragon.

Hindi napigilan ng kamatayan ang pagkabuhay muli ni Lazarus nang tawagin siya ni Jesus mula sa mga patay. Hindi rin niya napigilan ang pagkabuhay muli ni Cristo. At hindi niya mapipigilan ang resurrection ng mga believers pagdating ng takdang oras.

E11. Ang Dragon, Sea Beast, Earth Beast/False Prophet (Chapter 13) Ang dragon ay si Satanas. Siya ang diablo at ang sinaunang serpent (12:9; 20:2). Siya ay tinapon sa lupa kasama ng kanyang mga kampon. Galing sa kanya ang taglay na kapangyarihan ng sea beast at ng earth beast.

Ang sea beast ay mayroong pitong ulo, sampung sungay at sampung corona. Sinasabi sa 17:9 na ang pitong ulo ay pitong bundok; sila rin ay pitong hari – lima ay bumagsak na, isa ang naghahari at ang isa ay parating pa. Ang beast na ito kung magsalita ay malaswa at mayabang; walang respeto sa

Page 15: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 15

pangalan ng Diyos at sa mga taga-langit. Maghahari siya sa loob ng tatlo’t kalahating taon kung kailan siya ay makikipagdigma sa mga believers. Siya ay sasambahin ng mga non-believers.

Ang earth beast ay may dalawang sungay na parang sa tupa subalit kung magsalita siya ay parang dragon. Siya ay false Christ. Siya ang mag-uutos sa buong mundo na sumamba sa sea beast, na maghahari sa loob ng tatlo’t kalahating taon. Maraming kababalaghan ang makakaya niyang gawin pati na ang pagtawag ng apoy mula sa langit. Kaya naman hahanga ang madla sa kanya. Pagagawain niya ang mga taga-mundo ng isang estatuwa ng sea beast, na masusugatan ng grabe subalit mabubuhay. Magagawa pa niyang bigyan ang estatuwa ng hininga at pagsalitain ito, at magpapatay ng mga ayaw sumamba sa estatuwa. Puwersado ang lahat ng tao na magpatatak ng marka sa kanang kamay o sa noo. Walang makakapag-buy-or-sell kung walang marka ng pangalan ng beast o ng numero ng kanyang pangalan. Ang numerong ito ay 666.

Ang false prophet na ito ay isang demonyo o isang demon-possessed na tao na makagagawa ng kababalaghan na kagamit-gamit sa panlilinlang para sa mga tumanggap ng marka ng beast at sumasamba sa kanyang estatuwa. Siya ang magtitipon ng mga hari ng mundo tungo sa Armageddon.

E12. Ang Tagumpay ng Holiness of God (Chapters 14 and 15) Gaya nang nasabi na, ang 144,000 Jews na minarkahan sa chapter 7 ay ang mga Hudyo mula ng first outpouring ng Holy Spirit noong Pentecost matapos umakyat sa langit ang Panginoong Jesus pabalik sa Kanyang Ama hanggang sa mabuo ang kanilang bilang. Sila ang nagdala ng Gospel of the Risen Christ sa kani-kanilang bansa and beyond. Ang calling sa 144,000 na ito ay special kaya binanggit sila sa aklat na ito. Ang matututuhan natin dito ay mayroong nakalaang special grace ang Lord para sa mga may special calling tulad nila. They kept themselves pure. No lie was found in their mouths. They were blameless. Sila ay ihinandog sa Diyos bilang offering. Mabigat ang mga pangungusap na ito. Ito ay maluwalhating tagumpay ng biyaya ng Diyos kaya nararapat ang special mention.

Ang new song na binanggit dito na ang 144,000 lamang ang makakaalam ay hawig sa sinabi ng Diyos sa church sa Pergamum para doon sa mga magwawagi laban sa kanilang kahinaan, na sila ay tatanggap ng pangalang walang ibang nakakaalam. Ito ay personal blessing from the Lord which is truly special.

Ang Babylon ay simbulo ng rebellion laban sa Diyos. Walang kapangyarihan na hihigit pa sa kapangyarihan ng Diyos. Si Satanas ay ang master deceiver sapagkat napaniwala niya kahit ang kanyang sarili na kaya niyang pantayan ang Diyos.

Ang galit ng Diyos ay expression ng Kanyang kabanalan. Hindi mauunawaan ng sino man ang kabanalan ng Diyos kung walang demonstration ang Kanyang galit laban sa kasalanan – ang pagsuway sa Kanya, ang pagtalikod sa Kanya, ang pagrerebelde sa Kanya. Ito ay kabaliktaran ng demonstrasyon ng Kanyang pag-ibig sa mga hinirang; makasalanan pa sila nang mamatay si Cristo para sa kanila.

Isang encouragement para sa mga nagmamahal sa Diyos na mainip sa pagbabalik ni Cristo sapagkat sa takdang araw na iyon mararanasan ang walang kapantay na kaligayahan - ang mapaligiran ng kabanalan ng Diyos.

E13. Ang Seven Bowls of God’s Wrath (Chapter 16) Ang nilalaman ng chapter na ito ay seven bowls ng galit ng Diyos. Isa lamang ang klase ng response ang gagawin ng mga sumasamba sa kani-kanilang personal na diyos kapag sila ay kino-confront ng banal na salita ng Diyos - ito ay ang magalit.

Narinig ni John mula sa templo ang malakas na utos sa pitong anghel na may hawak ng seven bowls of God’s wrath. Ang laman ng mga sisidlang ito ay:

1st angel – binuhos ang bowl sa lupa, pangit at masasakit na pigsa ang umusbong sa katawan ng mga taong may marka ng beast at sumamba sa kanyang estatuwa.

2nd angel – binuhos ang bowl sa dagat, at naging dugo ang dagat at namatay ang lahat ng may buhay dito.

Page 16: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 16

3rd angel – binuhos ang bowl sa mga ilog at bukal at naging dugo ang inumin ng tao.

4th angel – binuhos ang bowl sa araw at ito ay binigyan ng kapangyarihang pasuin ng apoy ang mga tao; namaltos ang kanilang balat subalit sa halip na magsisi sa kasalanan, sinumpa nila ang pangalan ng Diyos at tinanggihan nilang Siya ay bigyang luwalhati.

5th angel – binuhos ang bowl sa trono ng beast at ang kanyang kaharian ay nilubog sa kadiliman; dahil sa matinding sakit nginatngat nila ang kanilang mga dila subalit sa halip na magsisi sa kanilang mga kasalanan sinumpa nila ang pangalan ng Diyos.

6th angel – binuhos ang bowl sa Ilog Euphrates at ito ay natuyo; lumabas sa bunganga ng dragon, ng beast at ng false prophet ang tatlong evil at demonic spirits na mukhang palaka; dinala nila ang mga hari mula silangan at mga hari mula sa buong mundo tungo sa Armageddon para makipagdigmaan laban sa Panginoong Diyos.

7th angel – binuhos ang bowl sa hangin at mula sa templo ay narinig ang isang malakas na boses na nagsabing, Tapos na! Kumidlat, kumulog at sinundan ng isang walang kaparis na matinding lindol; nayanig ang buong mundo; sinumpa ng mga tao ang Diyos dahil sa kalamidad na kanilang dinanas.

Ang pinakamahirap gawin ng tao ay ang magpakumbaba sa harap ng Diyos. Ang mga bahay panambahan ay puno ng mga tao na hindi nababagabag ng kanilang mga kasalanan. Ang mga taong hindi sumasamba sa tunay na Diyos ay sasamba sa diyos na bunga ng kanilang sariling haka-haka, kaya naman ang resulta ay iba’t ibang uri ng diyos na mayroong iba’t ibang uri ng katangian. Ang hindi maaabot ng kanilang imahinasyon sa paghubog ng kanilang personal na diyos ay ang katarungan at kabanalan ng tunay na Diyos. At dahil dito, hindi nila matatanggap na may matinding galit ang Diyos laban sa kasalanan. Ang pagbuhos ng seven bowls of God’s wrath na ito ay ang day of the Lord, sapagkat at the end of the day, tapos na ang kuwento ng mundo. Pagkatapos ng araw na ito ang pagbaba ng Lord, with the Church, sa renewed earth (Matthew 19:28).

E14. Mystery Babylon the Great (Chapters 17 at 18)

Ang great prostitute na tinatalakay dito, definitely, ay hindi tao sapagkat siya ay nakaupo sa iba’t ibang klase ng napakaraming mga tao mula sa maraming bansa at wika na nalasing sa alak ng kanyang pangangalunya. Marami ring mga hari ang sa kanya’y nakiapid.

Kung hindi tao o hindi hayop ang prostitute na ito, siya kaya ay isang political party o isang socio-economic system marahil? Subalit kung ito ay totoo, paano siya makakapangalunya? Hindi maaaring magsiping ang isang maka-Marcos at isang maka-Aquino sa isang ticket. Hindi rin maaaring magyakap ang capitalismo at communismo. Subalit kung ang prostitute na ito ay isang relihiyon, nangyayari talaga na mapaghalo ang katotohanan at kasinungalingan sa isang religious system; maaaring bihisan ng damit Cristiano ang isang paganong culto at walang makapapansin sapagkat walang interesadong mag-aral ng nilalaman ng relihiyon. Sapat na ang makasunod sa ritual at mga dasal na taglay nito. Kung ang relihiyong ito ay may international membership at bulag ang mga nangunguna sa mga bulag na tagasunod, sooner or later, mahuhulog silang lahat sa bangin; sila na nagmumula sa iba’t ibang uri ng lahi at bansa, mga hari man o mga pulubi, maalam man o mangmang.

Pini-picture dito ang isang prostitute na sobra-sobra na ang kayamanan - - dressed in purple and scarlet, kumikinang na ginto, mamahaling hiyas, at perlas. May tangan siyang gintong copa na puno ng mga malalaswang salita at karumihan ng kanyang pangangalunya.

Ang beast dito ay binanggit na sa chapter 13. Siya ay may pitong ulo, sampung sungay at sampung corona. Ang beast ay larawan ng kapangyarihan at kabagsikan. Ang pitong ulo sa iisang katawan ay larawan ng pagpapatuloy ng ganitong uri ng pananakop sa mga mamamayan ng mundo mula noong unang panahon pa. Ang nagpapalit lamang ay ang nakaupo sa trono, ang ulo. Ang sungay ay simbulo ng kapangyarihang pumatay. Ang hari ay walang pinananagutan kaya walang pakundangan kung mag-utos na patayin ang lahat ng kanyang kaaway. Ang corona ay simbulo ng awtoridad na nagmumula sa mas kinikilalang kapangyarihan. Nang panahon ng Holy Roman Empire, ang Pope ang

Page 17: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 17

nagpuputong ng corona sa Hari.

Sa historical perspective ni John, ang limang hari na bumagsak na ay mga hari ng Egpyt (world power noong panahon ni Joseph hanggang kay Moses), Assyria (ang conqueror ng Israel), Babylon (ang conqueror ng Judah), Media-Persia (ang conqueror ng Babylon) at Greece (ang conqueror ng Persia). Ang kasalukuyang world power sa panahon ni John ay ang Roman emperor. Ang lahat ng mga haring ito ay mga idolaters; mga sumamba sa iba’t ibang uri ng demonic gods. Idinagdag pa ng mga Romano ang emperor worship. Ang pagsamba sa hindi tunay na diyos ay laganap sa buong mundo na pinamunuan ng mga bumagsak na mga haring ito. Ang haring parating pa lamang ay kung sino ang matitirang matibay na hari na nakatayo pagdating ni Cristo.

Ang pang-walong hari na binanggit dito na nagmula sa pito ay ang tinatawag na the power behind the throne. Kinakailangan na maunawaan kung sino ang tunay na may kapangyarihan sa larangan ng politica upang maunawaan ang nilalaman ng aklat na ito. May tatlong bahagi ng Holy Scripture ang dapat balikan.

Ang Isaiah 14:12-15 ay addressed sa hari ng Babylon subalit litaw na ang tinutukoy dito ay si Satanas: “Nakamamangha ang pagkahulog mo mula sa langit, O bituin ng umaga, anak ng bukang liwayway! Ipinukol ka sa lupa. Pinahina mo ang mga bansa! Sinabi mo ang nasasa puso mo, Aakyat ako sa langit; itataas ko ang aking trono sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos, at ako ay uupo sa bundok ng pagtitipon sa kasukasuan ng Hilaga. Aangat ako sa ibabaw ng kaulapan; gagawin ko ang aking sarili na tulad ng Kataas-taasan. Bagamat ibabagsak ka sa Sheol, sa kailaliman ng hukay.”

Ang Ezekiel 28:12-15 ay addressed naman sa hari ng Tyre subalit si Satanas din ang tinutukoy: “Nasa iyo ang marka ng perfection, puno ng karunungan at perpekto sa kagandahan. Nasa Eden ka, sa hardin ng Diyos; nababalutan ka ng mamahaling hiyas: ruby, topaz, brilyante, beryl, onyx at jasper, lapis pazuli, turquoise, at emerald; at ang ginto, ang ingat-kamay ng paglapat sa kalalagyan, ay nasasa-iyo. Nang araw ng iyong pagkalalang, nakahanda na sila. Ikaw ang itinalagang cherub na nananaklob at Ako ang naglagay sa iyo doon. Nasa banal na bundok ka ng Diyos; lumakad ka sa kalagitnaan ng mga batong umaapoy. Wala kang bahid sa iyong pagdadala ng sarili mula nang ikaw ay nilalang hanggang nakitaan ka ng kalikuan.”

Ang Daniel 10:12-13 ay salaysay ng karanasan ng isang anghel na papuntang lupa na may dala-dalang sagot sa dalangin ni Daniel. Ito ang kanyang sinabi sa propeta: “Mula nang unang araw ng iyong pagtatalaga ng iyong puso sa pang-unawa, at ng iyong pagpapakumbaba sa harapan ng Diyos, dininig na ang iyong mga salita; at ako ay naparito dahil sa mga sinabi mo. Subalit hinarang ako ng prinsipe ng kaharian ng Persia sa loob ng 21 days; At ayon, si Michael na isa sa mga pangunahing prinsipe ay dumating sa aking saklolo sapagkat ako ay naiwan na nag-iisa sa presensiya ng mga hari ng Persia.”

Mauunawaan natin sa mga passages na ito ang katotohanan na sa likuran, sa tabi o sa loob man, ng mga nakaluklok sa puwesto ng kapangyarihan dito sa lupa ay mga puwersa ng kadiliman na siyang nagsusulong ng patutunguhan ng mundo; na may realidad na ating hindi nakikita subalit nagaganap sa ating paligid at malaki ang impluwensya sa ating buhay. Pinakikita rin sa mga passages na ito na si Satanas ay very active sa pagpapatakbo ng mundo na kanyang pinamamahalaan. Kaya pala ang turo sa atin ni Apostol Pablo patungkol sa ating pakikibakang espirituwal ay hindi buto’t balat ang ating katunggali kundi mga pamunuan, lakas, prinsipalidad, awtoridad, puwersa ng kadiliman at kabuktutan. Sinasabi dito na ang kaharian ni Satanas, ang kaharian ng kadiliman, ay binubuo ng iba’t ibang uri at lebel ng kapangyarihan.

Hindi dapat manlugmok ang Cristiano sapagkat sa kabila ng mga nakakabagabag na mga pangyayaring nagaganap subalit hindi nasasaksihan ay ang kasiguruhan ng pagbagsak ng kaharian ng karimlan. Babagsak at babagsak ang prostitute ng Babylon. Ang kailangan lamang gawin ng Cristiano, habang hindi pa sumasapit ang pagbagsak na ito, ay ang mamuhay nang hiwalay sa takbo ng buhay ng mga taga-mundo. Sa hiwalay na pamumuhay lamang makaiiwas ang mananampalataya na madamay sa salot ng karumal-dumal nilang gawain.

Page 18: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 18

Ang mamuhay nang hiwalay ay madaling sabihin ngunit mahirap gawin sapagkat hindi basta-basta natatalikuran ang gantimpalang pinagkakaloob ng mundo: kayamanan, kasikatan, kapangyarihan, kabusugan, kasiyahan.

Nilalawaran sa mga chapters na ito na ang pagbagsak nitong Babylon the Great ay parang baso na nahulog sa sementong sahig; hindi lamang nabasag kundi nadurog dahil sa taas, lalim, lawak at dami ng kanyang kasalanan at ito ay mangyayari sa isang kisap-mata.

E15. The Marriage Supper of the Lamb (Chapter 19:1-10)

Matthew 26:26-30 records the last supper: Habang sila ay kumakain, kumuha si Jesus ng tinapay, binasbasan Niya ito at hinati, at inabot sa mga disipulo, at nagsabing, Pumiraso kayo; ito ay Aking katawan. Pagkatapos ay kumuha Siya ng copa, at nagpasalamat, inabot Niya ito sa kanila, at nagsabing, Uminom kayo, lahat kayo, ito ay Aking dugo ng bagong tipan, na ibubuhos para sa marami para sa kapatawaran ng kasalanan. At sinasabi Ko sa inyo, hindi Ako iinom nitong katas ng ubas mula ngayon hanggang doon kung saan tayo muling iinom sa kaharian ng Aking Ama. Matapos na sila ay umawit ng isang himno, pumunta sila sa Mount of Olives.

Hallelujah! Kaligtasan at kaluwalhatian at kapangyarihan ay sa ating Diyos lamang, sapagkat totoo at makatarungan ang Kanyang mga hatol. Ito ang hiyaw sa kalangitan nang ang prostitute na nag-corrupt sa mundo ay napagbayad na ng kanyang pagkakautang sa pagdanak ng dugo ng mga lingkod ng Diyos.

At isa pang Hallelujah ang umugong sa kalangitan, Ang ating Panginoong Diyos na makapangyarihang ang naghahari, magdiwang tayo at magalak at bigyan natin Siya ng luwalhati! Ang kasal ng Kordero ay ngayon na, at hinanda na ng Kanyang kabiyak ang sarili. Maganda at malinis na kasuotan ang ibinigay sa kanya.

Dito sa handaan ng kasalang ito muling iinom si Jesus ng katas ng ubas kasama ang Kanyang mga alagad.

E16. The Battle of Armageddon (Chapter 19:11-24) Sa chapter 16, binuhos ng anghel ang ika-anim na bowl sa Ilog Euphraes at ito ay natuyo; lumabas sa bunganga ng dragon, ng beast at ng false prophet ang tatlong evil at demonic spirits na mukhang palaka; dinala nila ang mga hari mula silangan at mga hari mula sa buong mundo tungo sa Armageddon upang makipagdigmaan laban sa Panginoong Diyos. Ang false prophet na binanggit dito ay isang demonyo na makagagawa ng kababalaghan na kagamit-gamit sa panlilinlang para sa mga tumanggap ng marka ng beast at sumamba sa kanyang estatuwa.

At nakita ni John ang bukas na pinto sa langit at naroroon ang isang puting kabayo na ang kabalyero ay tinatawag na Faithful and True, Matapat at Totoo, nakasuot Siya ng bata na nababad sa dugo; ang Kanyang pangalan ay Salita ng Diyos at may putong ang Kanyang ulo ng maraming corona. Sa Kanyang bata at hita ay mayroong nakasulat: King of kings and Lord of lords. Ang hukbo ng langit ay kasunod Niya nakasakay sa mga puting kabayo at nakasuot ng fine linen, puti at malinis.

At nakita ni John ang beast at ang mga hari ng mundo kasama ang kanilang hindi mabilang na mga mandirigma. Hindi nagtagal ang digmaan. Na-capture ang beast at ang false prophet at sila ay tinapon sa lake of fire. At nakitil ang buhay ng lahat ng mga mandirigma ng kadiliman at karimlan.

E17. One Thousand Years (Chapter 20: 1-3, 7-10) Dalawang bagay ang tinutukoy ng 1,000 years na binanggit sa chapter na ito: ang 1,000 year reign of Christ at ang one thousand years na pagkakulong kay Satanas sa abyss o bottomless pit. Kung literal man o figurative ang manner of interpretation sa isang libong taon na ito, ang pagkakasundo rito ay isang mahabang panahon ang nilalaman nito. Ang 1,000 years ay isang millennium. May tatlong grupo ng interpreters ang nagpapaliwanag kung paano related ang isang libong taong paghahari ni Cristo sa Kanyang pagbabalik: 1) ang pre-millennialist ay naniniwala na

Page 19: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 19

babalik si Cristo bago ganapin ang literal na isang libong taon Niyang paghahari, 2) ang post-millennialist ay naniniwala na ang pagbabalik ni Cristo ay magaganap pagkatapos ng isang libong taon Niyang paghahari, at 3) ang amillennialist ay naniniwala na ang isang libong taon ay hindi dapat i-interpret literally kundi figuratively; ito ay nagpapahiwatig ng isang mahabang panahon.

Ang second coming ni Cristo ay may kasamang tribulation (Matthew 24:29; Rev. 7:14). Pitong taon bago mag 2nd coming, may dalawang testigo ng Diyos ang lilitaw sa eksena (Rev. 11:3). Tatlo’t kalahating taon sila magwi-witness. Pagkatapos ng 3½ years, maghahari ang beast sa susunod na 3½ years kung kailan siya ay makikipagdigma sa mga believers. Ito ang tribulation. Pagkatapos ng seven years na ito magaganap ang Rapture, ang pagdagit sa mga believers mula sa lupa tungo sa kalangitan para sa pagsalubong kay Cristo sa sandali ng Kanyang pagbabalik.

Ang order of end time events para sa pre-millenialist ay may dalawang sanga: a) para sa pre-tribulation-pre-millennialist ang order ng events ay ganito: Rapture – Seven years of tribulation - 2nd Coming - 1,000 year reign of Christ – Release and defeat of Satan - Judgment – Final state, at b) ganito naman ang para sa mid-tribulation–pre-millenialist: 3½ years of tribulation – Rapture - 3½ years of tribulation - 2nd Coming - 1,000 year reign of Christ – Release and defeat of Satan - Judgment – Final state.

Para naman sa post-millennialist ang order of events ay ganito: 1,000 year reign of Christ - Release and defeat of Satan - Rapture - 2nd Coming - Judgment – Final state. Ito naman ang para sa amillenialist: Figurative 1,000 year reign of Christ – Release and defeat of Satan - Rapture – 2nd Coming – Judgment – Final state.

Para sa amillenialist, nakapaloob ang 1,000 year reign of Christ sa 1st and 2nd coming ng Panginoon. Sa panahong ito igagapos si Satanas sa abyss hanggang sa pawalan ulit siya pansumandali (Matthew 12:29; Rev. 20:1-7). Hindi naman ang ibig sabihin ng reign of Christ on earth ay hindi na makagagalaw si Satanas at wala nang makikitang kasalanan sa mundo; ang paghahari ni Cristo during this 1,000 years ay paghahari sa puso ng mga mananampalataya. Sa panahong ito, Christ has total control pero pababayaan Niya na makapag-operate pa ang mga puwersa ng kadiliman dito sa lupa habang hindi pa completo ang Kanyang programa para sa mundo. Hindi magiging immune ang mga believers sa epekto ng kasalanan at gawain ng karimlan. Madadamay ang mga believers sa patuloy na paglaganap ng gawain ng mga puwersa ng kadiliman, subalit taglay nila ang pangako ng Diyos na hindi Niya sila pababayaan. Pawawalan si Satanas sa kanyang pagkakulong sa abyss upang matipon niya ang mga puwersa ng kademonyohan at ng mundo para sa pakikidigma laban kay Cristo sa oras ng Kanyang pagbabalik sa lupa.

Kung ang 1,000 year reign of Christ ay figurative, ang pagkagapos ni Satanas sa abyss ay figurative rin. Hindi naman mahalaga ang eksaktong bilang ng araw na bumubuo sa 1,000 years. Sapat nang maunawaan na ito ay napakahabang panahon. Kaya nga, ang interpretation ng aklat na ito ay napakahirap. Dahil sa dami na ng iba’t ibang pagpapaliwanag ng Revelation, ano ba naman kung madagdagan pa ng isa.

For this author, ang order of last days event leading to the second coming ni Cristo ay ganito: a) 3 ½ years mag-aani ng napakaraming kaluluwa ang two witnesses (apat na evangelists or evangelistic organizations, dalawang Jewish at dalawang Gentile), b) papatayin sila ng pinawalang beast mula sa abyss, si Satanas, c) magkakalat ng paghihirap ang 666 beast sa loob ng 3 ½ years na magwawakas sa Battle of Armageddon, d) rapture, e) ang 24-hour na Day of the Lord, e) ang pagbaba ni Cristo mula sa alapaap kasama ang mga saints; ito ang second coming, f) judgments, and g) eternal life on new earth and new heaven.

E18. First Resurrection (Chapter 20: 4-6)

Matapos ang 3 ½ years na patotoo ng two witnesses na binanggit sa chapter 11, aatakihin sila at papatayin ng beast na pinawalan mula sa abyss. Ang kanilang mga bangkay ay pababayaang nakabulagta sa kalye nang tatlo’t kalahating araw. Hindi sila ipalilibing ng mga kung sino-sinong tao na nagdiriwang ng kanilang kamatayan; sapagkat malaking pasakit ang tinamo ng tao mula sa mga

Page 20: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 20

kamay ng dalawang testigo ng Diyos (11:7-12).

Pagkaraan ng tatlo’t kalahating araw, pinasukan ang dalawang patay na testigo ng hininga ng Diyos. Nanginig sa takot ang mga nakakita sa kanilang pagtindig at pag-akyat sa langit dala ng alapaap matapos ang isang sigaw mula sa langit, Umakyat kayo rito.

Pagkatapos ay nakita ni John ang mga kaluluwa ng mga napugutan ng ulo dahil sa kanilang patotoo kay Jesus at dahil sa salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa beast o sa estatuwa nito at hindi rin sila nagpatatak ng marka sa kanilang noo o kamay.

Nabuhay sila at naghari kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon. Ito ang unang resurrection. Ang ibang namatay na kay Cristo ay hindi magre-resurrect hanggang hindi pa tapos ang isang libong taon.

Napag-alaman natin na ilang sandali bago maganap ang 2nd coming, mauunang bumangon ang mga natutulog kay Cristo at agad susunod ang pag-rapture ng mga nabubuhay pang mga believers sa oras na iyon (Matthew 24:31; 1 Corinthians 15:51-53; 1 Thessalonians 4:15-17). Bukod dito, wala nang iba pang bahagi ng Bibliya ang may reference tungkol sa resurrection. Samakatuwid, ang second resurrection ay magaganap sa pagbabalik na ni Cristo.

Ang tanong ay ito: Sino ang mga kasama sa unang resurrection?

Ang dalawang testigo na tinampok sa pag-itan ng 6th at 7th trumpet ay simbulo ng dalawang uri ng believers: ang mga Jewish believers at ang mga Gentile believers. Sa kanilang panahon, maraming mga tao ang naniwala sa kanilang patotoo; marami ang pumasok sa kaharian ng Diyos. Ang lahat ng mga ito ay pinatay ng beast ayon sa chapter 11, verse 7. Pagkaraan ng tatlo’t kalahating araw, sila ay binuhay ng Diyos at pinaakyat sa langit. Sila ang unang resurrection.

E19. Judgments (Chapter 20:11-15) At nakita ni John ang isang magarang puting trono at ang nakaupo doon. Humarap sa Kanya ang lahat ng mga patay. Dalawang libro ang binuksan – ang libro ng mga gawa at ang libro ng buhay. Ang bawat isa sa mga patay ay haharap sa nakaupo sa trono at ang lahat ay huhusgahan ayon sa nakalathala sa libro ng mga gawa. Ang lahat ay huhusgahan ayon sa kanilang ginawa habang sila ay nabubuhay pa. Ang hindi nakalista sa libro ng buhay ay itinapon sa lake of fire kasama si Kamatayan at si Hades.

Itong great white throne judgment ay para sa mga hindi nagtiwala sa salita ng Diyos nang sila ay nabubuhay pa; ang mga non-believers. Mayroon pang isang uri ng paghusgaha. Ito naman ay ang para sa mga believers.

Sinasabi sa 2 Corinthians 5:10 na lahat ay haharap sa judgment seat of Christ upang ang bawat isa ay makatanggap ng katumbas ayon sa ginawa niya nang siya ay nabubuhay pa, mabuti man o masama. Ang tinutukoy dito ay ang mga mananampalataya; mga believers. Sila ay huhusgahan, hindi upang alamin kung sa langit o sa lake of fire ba ang punta nila, kundi ano ang gantimpala na nababagay sa kanila.

Para naman sa mga manggagawa ng Panginoon na involved sa pagpapalago ng katawan ni Cristo o pagsusulong ng Kanyang kaharian, mayroong babala si Apostol Pablo na naka-record sa 1 Corinthians 3:10-15 na may iisa lamang na pundasyon ang gawain ng Cristiano at iyon ay walang iba kundi ang Panginoong Jesu Cristo. Kaya mag-ingat ang mga magtatayo sa itaas ng pundasyon na ito, kung ginto man, o pilak, mamahaling bato, kahoy, dayami o damo, lahat ay dadaan sa apoy upang mailadlad kung anong klaseng trabaho ba ang isinagawa. Kung ang gawain ay hindi nasunog, ito ay tatanggap ng gantimpala. Subalit kung ito ay masusunog, ito ay kawalaan. Ligtas pa rin ang manggagawa subalit para siyang dumaan sa apoy.

Tinuturo sa dalawang eksena ng judgment na ito na sa kabilang buhay ay may katumbas ang ating gawain dito sa mundo, para sa believers at non-believers.

Page 21: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 21

E20. New Heaven and New Earth (Chapter 21:1-8) Bago na ang kalangitan, bago na ang lupa. Yung dati, wala na. Wala na ring dagat sa bagong lupa. Ibig ba sabihin nito ay natuyo na ang mga oceans and seas. O, naging tabang na ang alat? Ibig ba sabihin ay hindi na kailangan ang asin? Kung ito ang kahulugan ng wala ng dagat, ay parang very trivial. Parang walang significance. Kaya, tulad ng karamihang bagay na taglay ng aklat na ito, kailangan, taken figuratively. Ang beast ay galing sa dagat, lahat ng buhay sa dagat ay namatay nang ibuhos ang ikalawang bowl sa dagat, at ang dagat ang nagluwa ng mga bangkay ng mga di-mananampalataya (13:1; 16:3; 20:13). Ang dagat ay naging simbulo ng pinanggagalingan ng kamatayan. Kaya, sa bagong lupa ay wala ng dagat, walang ng panggagalingan ang kamatayan.

At nakita ni John ang Banal na Siyudad, ang bagong Jerusalem na pababa mula langit na parang isang bride na ang suot ay napakagandang gown.

At narinig ni John ang malakas na boses na nagsabing, Ngayon, nananahan na ang Diyos kasama ang mga tao at mamumuhay Siya na kasama nila. Sila ang magiging bayan ng Diyos at Siya mismo ang makakasama nila at magiging kanilang Diyos.

Noong panahon ng lumang tipan, sinasabi na nananahan ang Diyos sa holy of holies sa tabernaculo at pagkatapos ay sa templo. Sa bagong tipan, ang Diyos ay nanahan sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Jesus, ang Immanuel. Ang arrangement na iyon ay temporary lamang. Dito sa bagong langit ang permanenteng kaayusan ng pagsasama ng Diyos at ng Kanyang hinirang na bayan kung saan wala ng luha, wala ng kamatayan o pagluluksa, o iyakan o sakit, tapos na ang lumang kaayusan. Wala nang mauuhaw dahil sa presensiya ng tubig ng buhay. Ang lahat ay binabago na at ang mga anak ng Diyos ang magmamana ng lahat ng ito.

Malaking tulong sa mga believers ang pagbulay-bulayan ang pagiging Alpha at Omega at ang pagiging Simula at Katapusan ng Diyos. Ang katangiang ito ng Diyos ang magdudulot ng tunay na kapayapaan sa puso ng mga believers sapagkat mawawari nila na walang mangyayari sa labas ng Kanyang kalooban. Ang katotohanang ito ang kapahingahan ng bawat mananampalataya.

Inulit sa chapter na ito ang lake of fire, ang pangalawang kamatayan kung saan tinapon ang mga duwag, walang pananampalataya, mga mamamatay-tao, mga hayok sa laman, mga mangkukulam at nagtatawas, mga sumasamba sa hindi tunay na Diyos at mga sinungaling. Kapag may bagay na inulit ang Bibliya, binibigyang diin nito ang kahalagahan ng bagay na iyon. Isa lamang ang kauuwian ng kasalanan - ang kamatayan sa apoy ng impiyerno.

E21. New Jerusalem City (Chapter 21:9-27) Dito sa mundo, sa kasalukuyan, ay mayroong tinatawag na Sin City, ang Las Vegas, kung saan nagpupuntahan ang lahat ng mga kababanggit pa lamang na makasalanan. Ito ang kabaliktaran ng New Jerusalem, ang kabiyak ng Kordero ng Diyos,

Ang Bagong Jerusalem ay puno ng kaluwalhatian ng Diyos; makinang tulad ng brillante at crystal. Mayroon itong mataas na wall na may 12 gates, tatlo sa silangan, tatlo sa hilaga, tatlo sa timog, at tatlo sa kanluran. May 12 anghel ang nasa mga gates kung saan nakasulat ang pangalan ng 12 tribes ng Israel (see Ezekiel 48:30-35). Mayroon ding 12 pundasyon ang wall ng siyudad at nakasulat doon ang pangalan ng 12 apostol ng Kordero.

Ang siyudad ay parang cube - - 2,200 kilometers ang haba, ang lapad at ang taas. Ang kapal ng wall ay 65 meters. Ang wall is made of jasper at ang siyudad ay purong ginto, pure as glass, gaya ng mga kalye. Ang 1st foundation ay made of jasper din, ang 2nd ay sapphire, 3rd ay chalcedony, 4th ay emerald, 5th ay sardonyx, 6th ay carnelian, 7th ay chrysolite, 8th ay beryl, 9th ay topaz, 10th ay chrysoprase, 11th ay jacinth at ang 12th ay amethyst. Ang bawat gate ay gawa sa isang perlas.

Wala ng templo sa New Jerusalem sapagkat ang Panginoong Diyos at ang Kordero ang templo.

Wala na ring araw at buwan, ang luwalhati ng Diyos ang nagbibigay liwanag sa siyudad.

Page 22: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 22

Ang kaluwalhatian at karangalan ng mga nasyon at mga hari sa lupa ay dadalhin sa siyudad. Walang makapapasok dito na may maruming puso, bagkos ay yaon lamang mga nakatala sa book of life ang makapapasok sa New Jerusalem.

Ang tanong ay ito: Sino ang mga nasyon at mga hari sa lupa na binanggit dito?

May dalawang na-envision na heavenly scenes si John na nakasulat sa chapter 5 at chapter 7 - - ang pagbibigay puri sa Kordero ng hindi mabilang mula sa lahat ng nasyon, tribo, bayan at wika. Ang awit nila ay: Ang kaligtasan ay sa ating Diyos na nakaupo sa trono at sa Kordero. Ginawa Mo kaming mga hari at saserdote ng Diyos; at kami ay maghahari sa lupa.

Ang mga nakatala sa aklat ng buhay; ang mga nagtiwala sa salita ng Diyos habang sila ay nabubuhay - sila ang mga nasyon at hari sa bagong langit at bagong lupa.

E22. Sa Loob ng New Jerusalem (Chapter 22:1-5) At nakita ni John ang ilog ng tubig ng buhay, malinaw na parang crystal, umaagos mula sa trono ng Diyos at ng Kordero pababa sa gitna ng magarang lansangan ng siyudad. Sa magkabilang tabi ng ilog ay puno ng buhay na namumunga ng 12 uri ng prutas kada buwan. Ang dahon ng puno ng buhay ay para sa pagpapagaling ng mga nasyon. Wala ng magsusumpaan.

Kung mayroong mga nasyon sa bagong lupa, mayroong sibilisasyon. Ibig sabihin ay mayroong political, social at economic systems in place or to be set in place pa rin. May halaga pa rin ang relasyon ng mga mamamayan sa awtoridad, ang relasyon ng tao sa kapwa, at ang pangangasiwa ng mga pinamana ng Diyos sa bawat isa. Hindi ba ito ang kalooban ng Diyos sa simula pa lamang, na magtatag ang tao sa lupa ng isang sibilisasyon na magbibigay puri sa Diyos?

Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay nasa siyudad pati na ang Kanyang mga tagapaglingkod. Makikita nila ang Kanyang mukha at ang Kanyang tatak na nasa kanilang noo. Wala ng gabi kahit wala ng araw o ilaw sapagkat ang liwanag ay manggagaling na sa Diyos. At sila ay maghahari magpakailan pa man.

Ang ikatlong bahagi ng original mandate ng Diyos sa tao ay ang pamahalaan ang mga ibon, mga isda at lahat ng hayop sa mundo. Ito ay bahagi ng pagtatatag ng isang sibilisasyon na magbibigay puri sa Diyos at ito ay tutuparin sa bagong lupa.

E23. Pagpapala at Babala Sa pag-aaral ng Bibliya, lalong-lalo na rito sa aklat ng Revelation, huwag nating kalimutan ang paalala ni Apostol Pedro sa kanyang ikalawang liham na sa Diyos ang isang araw ay isang libong taon at ang isang libong taon ay parang isang araw. Hindi dapat itong unawain na mabagal ang Diyos kundi hindi Niya kalooban na mayroong mapahamak at ang lahat ay magsisi ng kanilang kasalanan (2 Peter 3:8-9).

Nangako si Jesus sa Kanyang mga alagad na Siya ay babalik upang salubungin sila nang sa ganoon, kung nasaan Siya, nandoon din sila (John 14:3).

Sinasabi sa chapter na ito na ang mga propesiya sa aklat na ito ay kailangan nang maganap, at nalalapit na ang pagbabalik ni Cristo. At dahil dito, kailangan na ang pagsisi ng kasalanan, pagpapatuloy ng paggawa ng tama at pagpapakabanal. Sa Kanyang pagbabalik dala Niya ang mga gantimpala na Kanyang ipamimigay ayon sa kung ano ang nagawa. Tatanggap ang bawat isa ng kanyang just reward.

Ang panawagang ito ay para sa kasalukuyan. Tatamuhin ng mga magsisisi ang pagpapala ng kapatawaran ng kasalanan, ang karapatang makabahagi sa puno ng buhay at makapasok sa Bagong Jerusalem. Ang mananatali sa paggawa ng kung ano-anong kasalanan ayon sa kanilang kagustuhan ay hanggang labas lamang ang mararating.

Ang babala na taglay ng chapter na ito ay sapat na upang ang mga nagtatangkang mag-interpret ng ano mang bahagi ng aklat na ito ay mag-ingat. Kinakailangan na ang kanilang interpretation ay

Page 23: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 23

maunawaan ng magbabasa na ito ay interpretation lamang. Nagkakaroon ng maraming paghahati sa iglesya ng Panginoon dahil sa kapabayaan sa pag-interpret ng ano mang bahagi ng Bibliya. At marami rin ang naliligaw ng landas dahil sa kanilang interpretation.

Ang closing ng liham na ito sa pitong iglesya noong panahon ni John ay ang malapit na pagdating ng Panginoon Jesus at ang expression ng pagkasabik sa Kanyang pagbabalik.

Mahalaga sa buhay ng mananampalataya na mapaalalahanan na si Cristo ay ang Alpha at Omega, ang Simula at ang Katapusan, ang Una at ang Huli; na si Cristo ay tapat at ang Kanyang salita ay katotohanan; na Siya ang pangakong manggagaling sa lahi ni David at uupo sa trono na walang katapusan. Saan mang bahagi ng kasaysayan ng tao nabubuhay ang mananampalataya, nakasisiguro siya na nandoroon si Cristo na naghahari sa sansinukob. Kay Cristo, ang mananampalataya ay ligtas sa anumang kapahamakan at may kakayahang abutin ang lahat ng uri ng pagpapala para sa kanyang kasalukuyan at hinaharap.

Part 2: Practical Application

Ang orthodoxy na walang katumbas na orthopraxy ay head knowledge. Ito ay walang kapangyarihang magbago sa buhay ng tao. Ang tanong ng mahalagang aklat ni Francis Schaeffer matapos ang mahabang panahon ng kanyang pag-aaral at pagtuturo ay, How Should We Then Live? Ito ang tanong sa bawat mag-aaral ng Bibliya matapos niyang maipasa ang isang kurso. Ang tanong na ito ang nagdidiin sa pangangailangan na hindi humihinto ang manggagawa ng Panginoong Jesus sa doctrina. Ito ang dahilan sa practical application part ng pag-aaral ng End Times.

1. Ang Book of Revelation ay kagamit-gamit sa biblical defense of the doctrine of the Trinity. Sa chapter 1, verse 4 ang greeting para sa seven churches ay galing sa: 1. He who is, and who was, and who is to come, 2. the seven spirits, and 3. Jesus Christ. Sa verse 8 ang sabi ng nagsasalita ay, “I am the Alpha and the Omega, who is, and who was, and who is to come, the Almighty. At pagkatapos ay mayroon ding nagsalita sa verses 17 and 18 na nagpakilala na, “I am the First and the Last. I am the Living One; I was dead, and behold I am alive for ever and ever! And I hold the keys of death and Hades.” Seven is the number used in the Bible to signify perfection or completion. Ang seven spirits may also be translated na seven-fold spirit which either way clearly refers to the Holy Spirit. Ang phrase na Alpha and Omega or First and Last ay ginagamit din interchangeably to refer to both Father and Son.

Sa chapter 4 John saw someone na nakaupo sa trono kung saan nagmula ang seven spirits na may kasamang kidlat at kulog. At mayroon ding apat na angelic creatures na malapit sa trono na walang tigil sa pagbigkas ng: Banal, banal, banal ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan, who was, and is, and who is to come. Karapat-dapat Ka, aming Diyos na tumanggap ng kaluwalhatian, karangalan at kapangyarihan, sapagkat Ikaw ang maylikha ng lahat ng bagay, niloob Mo at ang lahat ay nalikha. Again, mawawari dito ang Trinidad.

Sa chapters 5, 7, 11, 15, 19 at 21 ay mababasa natin na ang ginawang pagsamba ng mga angelic beings at mga kaluluwa ay para sa Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Banal na Espiritu. Na ang Diyos lamang ang karapat-dapat sambahin at tumanggap ng pagsamba ay ang Banal na Trinidad. At ito ay maliwanag na binibigyang diin dito sa aklat ng Revelation.

2. Ang closing remark na common sa pitong churches sa chapters 2 and 3 ay: He who has an ear, let him hear what the Spirit says to the churches. Ito ay hindi lamang sa kanila noon kundi pati para sa atin ngayon. Ang mensahe ng Banal na Espiritu sa lahat ng churches everywhere for all times ay magsikap magdevelop ng ear for the word of God nang sa ganoon ay mapagwari natin kung ang ating naririnig o nababasa ay katotohanan sapagkat laging nagkalat ang mga bulaang propeta at huwad na guro at marami silang tinuturo na labag sa salita at kalooban ng Diyos. At marami silang nalilinlang. After all, tayong mga mananampalataya ay mga tupa ni Cristo kaya kilala natin ang Kanyang tinig. Subalit dapat nating pakatandaan na ang pagdevelop ng ear for the word of God ay sa pamamagitan lamang ng pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya. Sa mga local-churches sa kasalukuyan ay napakarami nang walang pagnanasa na lumago sa kaalaman ng salita ng Diyos. Totoo, marami ang nakikinig,

Page 24: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 24

ngunit kaunti lang ang tunay na nakauunawa ng kanilang napapakinggan sapagkat kulang sila sa pagbubulay-bulay at paghihimay ng kanilang naririnig. Kaya ang resulta ay pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga.

3. Hindi maiiwasan na every now and then, mapag-uusapan ang End Times dahil sa mga nararanasang calamidad sa iba’t ibang lugar sa mundo, at mahilig naman talaga na magtakutan ang mga Pilipino.

Sa ating panahon, may tatlong grupo na mga nasyon ang nakaporma na magkakampi kapag pumutok ang WWIII. Una, ang tinatawag na Free World sa pangunguna ng America. Ikalawa, ang alliance ng Communist Russia at Communist China (at by default, North Korea). At, ang ikatlo ay ang Arab League.

Ang mga Arabo ay kulang sa nuclear arms - mapuwera na lamang kung ang Iran ay makapag-mass-produce ng nuclear warheads o makuha ng Jihad ang nuclear arsenal ng EU - kaya sa simula pa lamang sila ay kakampi na sa communist bloc na walang sinasambang diyos kundi ang Salapi. Dahil sa ang maraming believers ay nakatira sa Free World, at sila ang binanggit na giyegiyerahin at pupuksain ng beast (Revelation 13:7), hindi sila magtatagumpay sa labanang ito. Ang matitirang matibay na haharap sa hukbo ni Cristo sa Armageddon, bago mag-Rapture, ay ang Joint Communist Islamic Army na mayroong 200 million soldiers (Revelation 9:16). Ngunit kung pumutok ang WWIII subalit hindi pa nakatakda ang pagbabalik ni Cristo, hindi matatalo ang America and the rest of the Free World dahil sa pangangailangan pa rin ng asin sa lupa at ilaw sa mundo na ang mga Cristiano lamang ang makakapagbigay.

Kaya, ang practical application ng pag-aaral na ito, dahil sa ang prospect ng WWIII ay very real na, ay tanungin ang bawat isa, How should we then live? Dapat mauwi ang kuwentuhan sa pag-encourage sa isa’t isa na mamuhay na may expectation na malapit nang dumating ang Panginoon, at dapat na tayo ay maging abala sa pakikibalikat sa pagpapatupad ng Great Commission.

4. Kung sakali na pumutok ang WWIII, ano ang magiging condition sa Planet Earth pagkatapos na pasabugin ang maraming nuclear warheads ng America, Russia, China, North Korea, Pakistan, India, at iba pa? Survivable pa kaya ang atmosphere sa mundo? Kung hindi na livable ang Earth dahil sa radiation fallout, ang WWIII ba ang pinakahudyat ng pagbabalik ni Cristo?

Samakatuwid, kung ang WWIII ang simula na magwawakas sa Armageddon, tatlo at kalahating taon muna dadaan sa economic, political at social hardships ang mga believers dahil sa pag-uusig na gagawin ng sea beast sa mga taong walang tatak na 666.

Ang tanong ay ito: Maaari bang tatakan ng 666 ang isang believer in Christ kahit selyado siya ng Holy Spirit? Kung sakaling hindi pa born again ang isang elect-in-Christ nang panahong iyon, matatatakan ba siya kung gugustuhin niya o siya ay mapipilitan? O, ang Holy Spirit na rin ang magliligtas sa mga elect patungkol sa bagay na ito sa panahong ito na tatagal ng 3 ½ years?

Kailangan ba na mag-impok ang mga believers ng pagkain na tatagal ng 3 ½ years. Dapat ba na may assault rifle ang bawat ama ng tahanan upang maipagtanggol niya ang kanyang pamilya kung saka-sakali? O, kailangan na mag bond-together ang mga Christians para ma-defend nila ang kanilang community? Ang mga ito ay practical questions. Dapat bang pag-usapan ito nang seryoso?

Ang dapat matutuhan ng mananampalataya kung sakali man na siya ay dumaan sa tribulation, at maaaring isa o lahat tayo ngayon, lalong-lalo na nga during end times, ay ang kasiguruhan ng kanyang kaligtasan dahil sa pagkabuhos ng dugo ni Cristo at ang pag-iingat ng Diyos ay sumasakanya sa buong panahon ng tribulation.

5. Binabalaan ni Apostol Pedro ang mga Cristiano na laging mag-ingat sapagkat ang kanilang kalaban ay tulad ng mga umaatungal na leon na nag-aabang at nagmamasid kung sino ang kanilang kayang lapain (1 Peter 5:8). Paalala naman ni Apostol Pablo na ang tunay na kalaban ng mga Cristiano ay hind tao kundi mga namumuno, mga awtoridad, mga kapangyarihan ng kadiliman sa mundong ito, at

Page 25: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 25

mga puwersang espirituwal ng karimlan sa mga himpapawid (Ephesians 6:12).

Sa lahat ng aspeto ng buhay, mayroon ng sistemang nadesenyo at naikasa si Satanas at ang kailangan lamang niyang gawin ay susian at i-adjust paminsan-minsan upang ang mga ito ay magpatuloy sa pag-ikot at pagtakbo. Ang bakbakang espirituwal ay nagaganap sa bukirin ng pilosopiya, economiya, teknolohiya, mass media, cinema, sports, maging sa fashion man. Nauunawaan ito ni Apostol Pablo kaya ang mungkahi niya para sa mga nagmamahal kay Cristo ay itigil na ang pakikiayon sa mga tabas at agos ng mundo bagkos ay magbago sa pamamagitan ng malinaw na pag-iisip. Ang destinasyon ng biyahe ng mga puwersa ng kadiliman na sinusunod ng mundo ay Armageddon (upang harapin ang puwersa ni Cristo) at ang lakbaying ito ay puno ng musica at entertainment nang sa ganoon hindi na makuhang mag-isip ng mga pasahero.

Ang practical na tanong ay ito: Dapat ba na eksaminin ng Cristiano kung ilang oras siya nakaupo sa harap ng TV, nanonood ng Sports o Entertainment? Dapat ba na i-check ng believer kung ilang oras ang ini-spend niya sa social media, compara sa ilang oras siyang nag-aaral ng salita ng Diyos?

6. The church age is the 1,000 year reign ni Christ, from His resurrection to the Rapture of the church immediately prior to His 2nd coming. Matapos ang 3½ years na patotoo ng two witnesses na binanggit sa chapter 11, aatakihin sila at papatayin ng beast na pinawalan mula sa abyss. Ang kanilang mga bangkay ay pababayaang nakabulagta sa kalye nang 3½ days. Hindi sila ipalilibing ng mga kung sino-sinong tao na nagdiriwang ng kanilang kamatayan; sapagkat malaking pasakit ang tinamo ng tao mula sa mga kamay ng dalawang testigo ng Diyos (11:7-12). Ang beast ay maghahari ng 3½ years (13:5) pagkatapos ng 3½ years na patotoo ng dalawang testigo.

Samakatuwid, kung sakali na marami ang nakararanas ng second birth, both Jews and Gentiles sa buong mundo taon-taon for 3½ years, kasabay ang paghihirap ng marami dahil sa kaganapang ito, malamang na ang WWIII ay nasa pinto na. At, malapit na ang 2nd coming ng Lord.

At such time, ang tanong pa rin para sa mga Cristiano ay, How should we then live? 7. Paano tayo dapat mamuhay sa kasalukuyan? Kung ang WWIII is just years away, meaning malapit na ang 2nd coming, ano dapat ang pinagkakaabalahan natin? Ang sagot ay simple lamang - - gawin natin ang kalooban ng Diyos para sa ating buhay; malapit man o malayo pa ang end of the age.

Pinagdiinan ni Albert M. Wolters that there is a will of God for my life, that it can be known, and that I must seek it and act on it (Creation Regained 1985 p30). Ang kalooban ng Diyos para sa buhay ng bawat isa sa atin ay ating responsibilidad na malaman upang ating maisagawa at maisapamuhay. Kung ating pag-iisipan nang husto ang diing ito ni Wolters, sasang-ayon tayo na hanggang hindi natin nadidiskubre ang kalooban ng Diyos para sa ating buhay, hindi pa tayo tunay na nabubuhay. Totoo, humihinga tayo subalit walang tunay na kabuluhan ang ginagawa nating pagkilos sa araw-araw. Gaano man tayo yumaman, gaano man kalaki ang ating mansion, gaano man karami at kagara ang ating mga kotse, walang saysay ang lahat ng ito kapag nailagay na ang ating bangkay sa hukay.

Ito ang pakinabang na makakamtan sa araling ito: 1. Pagsisihan ang iyong mga kasalanan sapagkat malapit nang bumalik si Cristo, 2. Alamin mo ang plano ng Diyos para sa iyong buhay, isagawa at isapamuhay ito.

8. The Coming Age. Ang bahagi ng End Times sa Matthew 24 ay natapos sa Rapture. Ang time line ng Coming Age ay nagsisimula sa Judgment Day. Ito ay pagkatapos na ng Rapture at ng Day of the Lord.

1. May dalawang uri ng judgment: ang Judgment Seat of Christ, kung saan tatanggap ng just reward ang mga believers in Christ ayon sa kanilang ginawa habang sila ay nasa lupa pa, at ang Great White Throne Judgment, kung saan igagawad ang parusa (ang second death) sa mga hindi sumampalataya kay Cristo habang siya ay buhay pa. Ang second death ay ang pagtapon sa lake of fire.

Page 26: THE END TIMES - lakbaybible.files.wordpress.com fileIto ang dahilan kung bakit napakapopular ng pag-aaral ng End Times; ang pag-aaral ng mga signs of the times at kung ang mga ito

Philippine Biblical Worldview Institute, Inc 26

2. New heaven and new earth. Ang unang langit at unang lupa ay lumipas na at bago na ang langit at lupa. At bumaba ang bagong Jerusalem mula sa langit.

3. Life on New Earth. Sa Revelation chapters 5 at 7 ay nakita ni John ang vision ng multitudes mula sa bawat nasyon, tribo, bayan at wika na sumasampalataya sa Diyos at sa Kanyang Kordero. Sila ay ang mga mababang loob na binanggit sa Matthew 5:5 na magmamana ng lupa. Sila ay ginawang mga hari at saserdote sa kaharian ng Diyos. Sila ang magsasakatuparan ng original mandate ng Diyos na binanggit sa Genesis 1:28, Maging mabunga kayo at punuin ninyo ang lupa, lupigin ninyo ang lupa at pamahalaan ninyo ang mga isda, ibon at lahat ng hayop sa balat ng lupa. Ang gawaing ito ay nahinto dahil sa pagkahulog ng tao sa kasalanan.

4. Paano makagagawa ng isang sibilisasyon sa bagong lupa na magbibigay puri sa Diyos? Ang mga inhabitants sa bagong lupa ay mayroon ding social, political at economic life. Mayroon silang fellowship with one another. Sila ay mag-e-exercise ng authority kaya mayroon silang mga responsibilidad na gagampanan. Bubungkalin nila at kanilang pagyayamanin ang buong lupain sa mundo. Ang gantimpala nilang natanggap ay gagamitin nila sa pagpapatupad ng mandato ng Diyos. Ang gantimpala na tatanggapin ng mga believers ay nakabase sa ginawa nilang mabubuting gawa na naaayon sa plano ng Diyos para sa kani-kanilang buhay at ang pagsasagawa ng mga ito na may pananampalataya.

5. Paano tayo ngayon mamumuhay? Ang created order ay naging world order dahil napabagsak ni Satanas sina Eba’t Adan. Subalit ire-restore ni Cristo ang created order sa Kanyang pagbabalik. Kaya habang nasa mundo ang mga believers hindi sila tagamundo kaya hindi sila dapat sumunod sa ikot at takbo nito. Bagkos, dapat nilang palitan ang kanilang pag-iisip upang mapatunayan nila ang mabuti at katanggap-tanggap na kalooban ng Diyos. Habang nasa mundo, hindi dapat makiisa ang believer sa non-believer. Dapat mamuhay sila ng separated-but-not-isolated. Sila ay sinugo ni Cristo sa mundo upang mag-preach ng gospel, gumawa ng mga disipulo ni Cristo, maging mga ambassador ni Cristo, asin ng lupa at ilaw ng mundo, kahit ang mundo ay magulo at madilim dahil sa digmaan, lindol, bagyo, mga gawa ng demonyo tulad ng terorismo.

6. Kailan magaganap ang Rapture? Mayroong dalawang world events ang dapat bantayan na maghuhudyat na malapit na ang Rapture: a) may dalawang Jewish evangelists at dalawang Gentile evangelists o organisasyon ang lilitaw sa world scene at mag-aakay sa marami papasok sa kaharian ni Cristo, at b) ang build-up ng army at navy ng mga bansa sa paghahanda sa WWIII.

-end-

© Conrad Jun Tolosa 2016

All rights reserved. No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any

means except for brief quotations for the purpose of review or comments, without the prior permission of the publisher,

Philippine Biblical Worldview Institute.