8
MAYO 2015 UNANG RELEASE Liham para kay ‘Nay Celia Seryengprotestalabansakawalanngtrabaho,laborexportpolicy,at K-12niAquino Suportahan ang mamamayan ng Venezuela laban sa panghihimasok ng imperyalismong US Pagtanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo, itinigil ng Korte Suprema Panibagong pagtaas sa singil ng kuryente ng Meralco kinundena DOJ Secretary De Lima itinatago ang papel ng US sa Mamasapano 3 5 6 7 7 8 Inilantad ng kaso ni Mary Jane Veloso, manggagawang Pilipina na pansamantalang nailigtas mula sa death row sa Indonesia, kung paano itinutulak ng rehimeng US- Aquino ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kapahamakan sa ibang bansa. Gaya ng kalakhan sa aabot na sa 15 milyong mga migranteng Pilipino sa buong mundo, si Mary Jane ay itinulak ng matinding kahirapan at kawalan ng disenteng trabaho dito sa ating bansa upang makipagsapalaran sa ibang bayan. Si Mary Jane, 30 taong gulang, ay anak ng magbubukid na minsang nagtrabaho bilang sakada sa Hacienda Luisita. Hindi siya nakapagtapos ng high school. Sa pagsisikap na buhayin ang kanyang dalawang anak, nauna na siyang naging OFW sa Saudi noong 2009, kung Panagutin si Aquino, pahamak sa mga OFW! saan tinangka siyang gahasain kaya’t napilitan siyang umuwi agad bago pa man matapos ang kanyang kontrata. Niloko siya ng illegal recruiter na si Maria Kristina Sergio noong 2010. Pinangakuan siya ng trabaho, ngunit lingid sa kanyang kaalaman, siya ay ginamit para magpuslit ng droga. Isinilid sa kanyang dalang bag ang droga para ipuslit papasok sa Indonesia kung saan siya nahuli noong Abril 2010. Tuloy ang laban para iligtas si Mary Jane Veloso at mga Pilipino na nasa panganib sa ibang bansa! Photo Credits: Philippine Collegian

Tinig May 2015 Unang Edisyon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Opisyal na pahayagan ng Anakbayan.

Citation preview

  • MAYO 2015UNANG RELEASE

    Liham para kay Nay Celia

    Serye ng protesta laban sa kawalan ng trabaho, labor export policy, at K-12 ni Aquino

    Suportahan ang mamamayan ng Venezuela laban sa panghihimasok ng imperyalismong US

    Pagtanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo, itinigil ng Korte Suprema

    Panibagong pagtaas sa singil ng kuryente ng Meralco kinundena

    DOJ Secretary De Lima itinatago ang papel ng US sa Mamasapano

    3

    5

    6

    7

    7

    8

    Inilantad ng kaso ni Mary Jane Veloso, manggagawang Pilipina na pansamantalang nailigtas mula sa death row sa Indonesia, kung paano itinutulak ng rehimeng US-Aquino ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kapahamakan sa ibang bansa.

    Gaya ng kalakhan sa aabot na sa 15 milyong mga migranteng Pilipino sa buong mundo, si Mary Jane ay itinulak ng matinding kahirapan at kawalan ng disenteng trabaho dito sa ating bansa upang makipagsapalaran sa ibang bayan.

    Si Mary Jane, 30 taong gulang, ay anak ng magbubukid na minsang nagtrabaho bilang sakada sa Hacienda Luisita. Hindi siya nakapagtapos ng high school. Sa pagsisikap na buhayin ang kanyang dalawang anak, nauna na siyang naging OFW sa Saudi noong 2009, kung

    Panagutin si Aquino, pahamak sa mga OFW!

    saan tinangka siyang gahasain kayat napilitan siyang umuwi agad bago pa man matapos ang kanyang kontrata.

    Niloko siya ng illegal recruiter na si Maria Kristina Sergio noong 2010. Pinangakuan siya ng trabaho, ngunit lingid sa kanyang kaalaman, siya ay ginamit para magpuslit ng droga. Isinilid sa kanyang dalang bag ang droga para ipuslit papasok sa Indonesia kung saan siya nahuli noong Abril 2010.

    Tuloy ang laban para iligtas si Mary Jane Veloso at mga Pilipino na nasa panganib sa ibang bansa!

    Photo Credits: Philippine Collegian

  • 2 MAYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Ayon mismo sa DFA, umaabot na sa 92 Pilipino ang nasa death row sa ibat ibang bansa, habang nasa 3,800 ang nakakulong. Pito na ang nabitay sa ilalim ng rehimeng Aquino, pinakamarami sa ilalim ng isang rehimen. Ang huling nabitay, si Joven Esteva ay pinatay sa Saudi Arabia nito lamang March 9, 2015 nang mapatay nito ang amo dahil sa pagtatanggol sa sarili. Hindi ipinaalam ng DFA sa pamilya ni Esteva na siya ay bibitayin.

    Dapat ipagpatuloy ang paglaban para sagipin si Mary Jane Veloso at iba pang mga OFW sa death row. Dapat igiit na mabigyan sila ng sapat na serbisyo at tulong ligal, pinansyal at pulitikal ng gubyerno. Dapat pang palawakin ang hanay ng mamamayang nananawagan para tuluyan silang mapalaya at makauwi sa Pilipinas.

    Dapat patuloy na ipaglaban ang trabaho sa sariling bayan at labanan ang mga patakarang neoliberal at makadayuhan na higit pang nagtutulak sa mas maraming Pilipino na lumikas at mapahamak sa ibang bayan. Dapat ipaglaban ang ekonomiyang malaya mula sa kontrol ng dayuhan, magsusulong ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon na siyang magtitiyak na may sapat na trabaho at kasaganahan para sa mamamayan.

    Sa kabila ng paghingi ng tulong ng pamilya ni Mary Jane, pinabayaan ng gubyernong Aquino at Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaso. Hindi nagbigay ng abugado o kahit man lamang ng interpreter ang DFA sa kaso. Hindi rin nito inaksyunan ang mga panawagan na kasuhan agad ang illegal recruiter ni Mary Jane para makatulong sa kaso kahit matapos mahatulan na si Mary Jane ng kamatayan. Ang mga jailguard pa mismo ni Mary Jane ang nag-ambag-ambag para makabisita ang kanyang pamilya sa kanya, patunay na walang tulong-pinansyal na binigay ang DFA.

    Sa halip, sinabihan pa ng gubyerno ang pamilya ni Mary Jane na wala nang pag-asa at pinayuhan sila na inilihim ang kaso. Nang lumabas na ang balita ilang buwan na lamang bago ang planong pagbitay at nagboluntaryo ng tulong ang Migrante at National Union of Peoples Lawyers (NUPL), binarahan pa sila ng DFA. Ang mga dokumentong mahalaga para sa kaso ay wala umano sa DFA. Ang ibang hawak nila, ni hindi pa translated sa Bahasa. Sa mga huling sandali bago ang takdang bitay, pinigilan pa ng DFA ang kanyang abugado na makita si Mary Jane. Isinuko rin ng DFA ang laban at sa huling sandali sinabing dumaan sa tamang proseso at iginalang ang karapatan ni Mary Jane.

    Dahil sa panawagan ng mamamayang Pilipino, kasama ang suporta ng mamamayan ng Indonesia at ng buong daigdig, natulak ang pangulo ng Indonesia na si Joko Widodo na ipagpaliban sa huling minuto ang pagbitay kay Mary Jane. Sa pangambang higit na sumambulat ang malawak na pandaigdigang galit at protesta na lilikhain ng pagpatay sa isang sa totooy biktima ng human trafficking, kasabay ng pagbitay sa iba pang hinatulan na drug offenders, sinabi mismo ni Widodo na nakinig siya sa mga aktibista kayat sinagip si Mary Jane.

    Kahit na malinaw na huli na at pabalat-bunga lang ang ginawa, agad na inako ni Aquino at ng DFA ang tagumpay at kapal-mukhang pinuri ang kanilang mga sarili sa pansamantalang reprieve na nakuha ni Mary Jane. Para pagtakpan ang kanilang kriminal na pananagutan, nagpakawala ang rehimen ng mabalasik na kampanya ng paninira, panlalait at banta ng karahasan laban sa pamilya Veloso at mga tagasuporta nila.

    Subalit hindi mapagtatakpan ng gubyernong Aquino ang matinding krimen nito at pagpapahamak sa mga OFW.

    Ang mga patakaran ni Aquino na nagbubunsod ng walang kasingsahol na kahirapan, kawalan ng lupa ng magsasaka at kawalang-trabaho sa bansa, kasabay ng patakaran ng labor export ay nagtutulak sa paparaming bilang ng Pilipino na makipagsapalaran sa ibang bansa. Umaabot na sa mahigit 6,092 Pilipino ang umaalis sa bansa araw-araw para maging OFW, tumaas mula sa 4,000 lamang noong 2010. Marami sa kanila ay bulnerable sa panganib ng human trafficking, krimen at ibat ibang uri ng pang-aabuso lalot salat ang serbisyo at proteksyon ng gubyerno.

    Habang ginagamit ni Aquino at patuloy na pinalalaki pa ang remittances ng OFWs -- na ngayoy umaabot na sa $26 bilyon -- para ipagmalaki ang pag-unlad ng ekonomiya, patuloy naman ang panghuhuthot at pagkakait ng tulong at pondo para sa mga tinaguriang bagong bayani.

    Pinapatawan ng gubyerno ng kung anu-anong mga bayarin ang mga OFW at sinisingil ng aabot sa mahigit P31,000 bawat isa o lagpas sa kabuuang P150 milyon araw-araw sa processing fees pa lamang. Tumaas ito sa ilalim ni Aquino mula sa nasa P18,000 lamang noong 2010.

    Samantala, ang pondo ng gubyerno na dapat sana ay laan para sa mga OFW ay kinaltas at kinurakot pa ni Aquino at ng kanyang mga opisyal. Noong 2010 pa lang, kinaltasan na ni Aquino ng higit P100 milyon ang pondo para sa tulong ligal para sa mga OFW. Ang pondo ng mga ahensya na para sa mga OFW ay kinaltasan ng mahigit P600 milyon mula 2011 hanggang 2014. Para sa 2015, ginawa ding conditional ang mahigit P100 milyon na legal assistance fund para mapakinabangan ng mga kurakot na opisyal ni Aquino, gaya ng sa Disbursement Acceleration Program (DAP). Samantala, milyun-milyong piso ang kinukuwestyon dahil hindi ginagasta para sa mga OFW, kung saan-saan napupunta at ginagawang savings. Ang pondo ng gubyerno para sa OFW ay katumbas lamang ng nasa P260 kada isang OFW sa isang taon.

  • 3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MAYO 2015

    Liham para kay Nay CeliaKamusta po? Sanay sa kabila po ng lahat, kayoy nasa mabuti pa ring kalagayan.

    Isa po ako sa libu-libong nakarinig ng inyong talumpati sa Mendiola noong Mayo Uno. Sa totoo, nagulat din po ako sa inyong mga pahayag. Kakaiba ang kalinawan ng pananalita at tapang na inyong ipinakita. Sabi ko nga, iyon ang tapang na makukuha lamang kung naranasan ang paglaban na buhay at kamatayan ang nakataya.

    Katabi ko noon ang iba pang mga kabataan at estudyante na pigil na pigil ang pag-iyak dulot ng pinaghalong pagkaantig, ahitasyon at paghanga. Alam namin na hindi madali ang magsalita laban sa may-kapangyarihan at sa bulok na sistema lalo na kung ikaw ay maliit at mahirap lamang. Marami-rami din po ang tulad ninyo na tinakasan na ng pag-asa, piniling manahimik at tinanggap na lamang ang mga pagsasamantala.

    Kapag ang maralita kasi ang bumangon, nagsalita at lumaban sa bulok na sistema, sinusubukan nilang kayoy insultuhin, maliitin, patahimikin at pasukuin. Tila sinasabi nilang nakatadhana na ang inyong pagkaapi at paghihirap kayat dapat magpasalamat na lamang sa anumang tulong na ipagkakaloob sa inyo ng sistema.

    Kayat matindi nga ang pang-iinsultot pananalita na tinanggap ninyo matapos ninyong ipahayag ang saloobin at matalas na kritisismo laban sa gobyernong Aquino. Gusto nilang magpasalamat na lamang kayo sa gobyernong nagtulak kay Mary Jane sa bingit ng kamatayan, di bale nang limang taon kayong pinabalik-balik, nilinlang, pinaasa at pinahirapan pagkat sa huli namay umaksyon din daw sila. Kalimutan na lamang ang limang taon ng pag-aalala, pagtangis at pagluha pagkat binigyan naman kayo ng pagkain, pamasahe, at pinatulog pa sa hotel sa mga inakalang huling sandali.

    Bakit nga ba sila muhing-muhi sa inyo gayong ipinahayag nyo lang naman kung

    ano ang tingin ninyong tama at totoo? Dahil po ba hindi kayo pumayag na maging trophy ng gobyernong Aquino?

    Ang totoo, gusto nilang gamitin kayo at si Mary Jane para sabihing may natutulungan ang gobyerno at gumagana pa rin ang sistema. Nais nila na sa pamamagitan ninyo ay pagtakpan ang kriminal na kapabayaan sa milyon-milyong OFWs at sa mas marami pang Pilipinong walang trabaho at nakalubog sa kahirapan.

    Sabik na sabik pa naman sila na ipinta ang imahe ni Aquino bilang tagapagligtas ni Mary Jane. Kailangang-kailangan pa naman sana nila ito upang pagtakpan ang kanyang pananagutan sa madugong engkwentro sa Mamasapano, matinding katiwalian at korapsyon sa DAPork, at patung-patong na pahirap sa mamamayan.

    Pero binigo nyo sila Nay Celia. Binasag nyo ang buong kwento at plano kayat ipaparanas nila sa inyo ang bagsik at lupit ng estado. Biruin po ninyo, tiyak na nagbuhos sila ng limpak na salapi para imobilisa ang kanilang koneksyon sa midya, mga personalidad at online trolls

    para kabigin ang opinyong-publiko para sirain kayo at pahinain ang inyong loob.

    May ilan tayong kababayan na nahagip nila sa ganitong pakana at tumulong pang insultuhin kayo. Tila gusto nilang palabasin na ang tulad ninyong mahirap at kakaunti ang pinag-aralan ay walang karapatang magsalita, maghain ng hinaing, o lumaban sa gobyerno. Yung iba nagagalit dahil hindi po kayo umakto sang-ayon sa konserbatibo at liberal nilang panlasa.

    Kay bilis po nila kayong hinusgahan, ano? Parang alam na alam nila ang lahat pero ni sa hinagap ay di siguro nila maaarok ang pakiramdam ng mga tulad ninyo at napakarami pang maralitang Pilipino na araw-araw na pinagkakaitan, ninanakawan ng pag-asa, minamaliit, dinadahas at tinatanggalan ng karapatan.

    Yung iba sa kanila, kay tataas pa ng pinag-aralan pero bakit hindi nila maunawaan na di-makatarungan ang pagpapabaya sa inyo ng gobyerno? Matalino daw sila pero bakit hindi nila maintindihan nang sabihin ninyong bahagi si Pangulong Aquino sa paglikha at pagpapasahol ng problema

    Sumali ang pamilyang Veloso sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw Ng Paggawa noong Mayo Uno sa Mendiola. Photo Credits: Arkibong Bayan.

  • 4 MAYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANng kahirapan, kawalang trabaho at malawakang pag-eksport ng lakas paggawa ng ating mga kababayan? Tinawag pa nila kayong brainwashed pero sino ba ang nakapiring ang mata at nagbubulag-bulagan sa tunay na nangyayari sa ating lipunan?

    Tama kayo, Nay Celia, marami sa kanila ay hindi kayo kilala at hindi alam ang inyong pagdurusa. Sana po ay patawarin ninyo sila pagkat hindi nila alam ang kanilang sinasabi. Balang araw ay mauunawaan nila na makatarungan ang lumaban. At para sa mga tulad ninyong pinagkaitan, walang ibang pagpipilian kundi ang makibaka. Sanay sapat na upang paghugutan ninyo ng lakas na ang laban na ito ay hindi lamang para kay Mary Jane, o para sa inyong pamilya, ito ay para din sa kanila.

    Sanay makaluwag sa inyong damdamin na marami sa aming mga kabataan ay nauunawaan kayo at patuloy na susuportat kikilos hanggang makamit ninyo ang hustisya. Panata namin na tuluy-tuloy na magmulat, mag-organisa, at magpakilos ng mga kabataang hahanay at magtatanggol sa mga inapi at pinagkaitan ng sistema, hindi doon sa mga nagsasamantala. Hangad namin ang panlipunang pagbabago kung saan wala nang mga tulad ni Mary Jane at wala na ring mga ina na tulad ninyo na daranas ng ganito.

    Tuloy lang tayo, Nay Celia. Siguradong maraming beses nila tayong iinsultuhin, mamaliitin at tatakutin upang sumuko nat itigil ang paghahangad ng pananagutan at katarungan. Pero magpapatuloy tayo, lalo lamang magpapakatibay at magpapalakas. Sa kamay ng napakaraming inaapi at pinagsasamantalahan nakasalalay ang paglikha ng mas magandang kinabukasan para sa lahat.

    PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida

    MGA KAWANIAndrea Pauline Lim, Richard James Mendoza, Jaems Relativo,

    Ina Nacario, Jaque Eroles, Vencer Crisostomo, Bethany Pascua,Karlo Mikhail Mongaya, Issa Baguisi, Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio

    PAGLALAPATEdward Pastor

    Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

    [email protected]

    facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph

    13-15 milyon ang Pilipinong OFWs sa buong mundo.

    6,092 umaalis sa bansa araw-araw para maging OFW, tumaas mula sa 4,000 lamang noong 2010.

    $26 bilyon remittance ng OFWs, itinuturing na tagasagip ng ekonomiya.

    P31,000 isa o P150 milyon kada araw koleksyon ng gubyerno sa processing ng OFWs, itinaas ni Aquino mula sa P18,000 lamang noong 2010.

    P260 budget ng gubyerno para sa isang OFW sa isang taon.

    SUMA TUTAL: Aquino at OFWs

    P600 milyon kinaltas ni Aquino sa budget ng mga ahensyang para sa OFW.

    P100 milyon kinaltas sa legal assistance fund noong 2010.

    92 bilang ng mga Pilipinong nasa death row, ayon sa DFA.

    3,800 bilang ng mga Pilipinong nakakulong sa ibayong dagat.

    7 bilang ng mga namatay sa death row sa ilalim ni Aquino, pinakamalaki sa kasaysayan sa ilalim ng isang pangulo.

    Photo C

    redits: Pinoy W

    eekly

  • 5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MAYO 2015

    Ayon naman kay LFS national spokesperson Charrise Baez, mas titindi ang pag-export ng murang paggawa sa ibang bansa sa lubusang implementasyon ng programang K-12 sa susunod na school year.

    Mapipilitang pasanin ng mga magulang at estudyante ang dagdag na gastos ng dagdag na taon ng pag-aaral habang sinasamantala ng mga dayuhang korporasyon ang murang paggawa ng bansa, ani Baez.

    Sa huli, iginiit ng Anakbayan na ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industryalisasyon ang tanging paraan upang mapaunlad ang bansa, maiangat ang mga Pilipino sa kahirapan, at mabigyan ng solusyon ang malawakang kawalan ng trabaho sa bayan.

    Serye ng protesta laban sa kawalan ng trabaho, labor export policy, at K-12 ni Aquino Inilunsad ang mga serye ng protesta laban sa K-12, labor export policy, at kawalan ng trabaho sa ilalim ng rehimeng Aquino nitong buwan ng Abril na nagrurok sa malaking martsa patungong Mendiola sa Mayo Uno.

    Pinangunahan ng Anakbayan at ibang mga grupo ng kabataan ang isang piket sa labas ng opisina ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Abril 17.

    Isang mock graduation naman ang isinagawa sa U-Belt sa Maynila noong Abril 21 kung saan nakatoga ang mga nagprotesta at bitbit ang mga diplomang may nakasulat na murang paggawa, ready for export, at walang trabaho.

    Nagprotesta rin sa harap ng opisina ng Department of Education (DepEd) sa Quezon City ang mga grupo ng kabataan sa pangunguna ng League of Filipino Students (LFS) noong Abril 23 upang ipanawagan ang pagbasura ng K-12.

    Sa pangunguna naman ng Kilusang Mayo Uno, nagmartsa ang mahigit 15,000 manggagawa kasama ang ibat ibang sektor mula sa Liwasang Bonifacio patungong Mendiola ang ibat ibang sektor noong Mayo Uno para ipanawagan ang pagbitiw ni Aquino sa pwesto. Bitbit nila ang mga panawagan para sa pagpapatupad ng P16,000 national minimum wage at pagbasura ng mga kontra-mamamayang patakaran ng gobyerno gaya ng kontraktwalisasyon, labor export policy at programang K-12.

    Ayon sa Anakbayan, aabot ng 4.3 milyong Pilipino ang walang trabaho at 6.9 milyon naman ang may trabaho ngunit hindi sapat ang sahod (underemployed) noong taong 2014 ayon sa datos mismo ng gobyerno. Sa kabila ito ng pagmamayabang ng rehimeng Aquino tungkol sa pag-unlad diumano ng ekonomya.

    Dagdag pa, napipilitan ang maraming kabataan na maghanap ng magandang oportunidad sa ibayong dagat bilang mga manggagawang kontraktwal dahil sa kawalan ng trabaho sa Pilipinas.

    Pagkaraan ng paghihirap at pagpupunyagi upang makatapos sa kolehiyo ay madadagdag lamang sa mahigit 11.2 milyong walang trabahong Pilipino ang karamihan ng mga bagong nagsipagtapos, ani Anakbayan national chairperson Vencer Crisostomo.

    Ayon sa Anakbayan, sa ilalim ng labor export policy ng rehimeng Aquino, ibinubugaw at inilagay nito sa panganib ang ating mga kababayan sa ibang bansa katulad sa nangyari kay Flor Contemplacion at Mary Jane Veloso.

    Photo C

    redits: Kathy Yam

    zon

  • 6 MAYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Mariing kinukundena ng Anakbayan ang pagdeklara ng imperyalistang Estados Unidos sa Venezuela at sa mamamayan nito bilang national security threat at sa pagpataw ng mga sanction laban sa pitong senior na opisyal ng nasabing bansa. Nitong nakaraang Marso, naglabas rin ang administrasyong Obama ng Executive Order na nagdeklara ng isang national emergency laban sa Venezuela. Ang mga aksyong ito ng Estados Unidos ay isang malinaw na panghihimasok sa Venezuela at malubhang paglabag sa pambansang soberanya nito. Ito ay bahagi ng imperyalistang taktika laban sa mga bansang pinanghahawakan ang linyang anti-imperyalista.

    Anti-imperyalistang gobyerno ng Venezuela

    Labinlimang taon na ang nakaraan simula nang pamunuan ni Pangulong Hugo Chavez ang mga makabuluhang pagbabago sa Venezuela. Isa na rito ang pagsasabansa ng industriya ng langis upang magamit ang kita mula rito para sa benepisyo ng mamamayan. Ginamit ang kita nito sa mga programa ng gobyerno para sa serbisyong panlipunan tulad ng pagkain, pabahay, serbisyong pangkalusugan, at edukasyon.

    Nanguna rin ang Venezuela sa pagtayo ng mga anti-imperyalistang pulitikal at pang-ekonomiyang na mga alyansa katulad nga Bolivarian Alliance for the Peoples of Our America (ALBA), Community of Latin America and Caribbean States (CELAC), at Union of South American Nations (UNASR). Tinutuloy ng gobyerno ni Nicolas Maduro ang mga pagbabago at anti-imperyalistang tindig ni Chavez hanggang sa kasalukuyan.

    Destabilisasyon sa instigasyon ng US

    Dahil sa makamamamayang pamamalakad ni Chavez sa Venezuela, umani ito ng batikos mula sa mga naghaharing-uri sa instigasyon na rin ng Estados Unidos. Humantong ang paggamit ng Estados Unidos ng mga kontra-Chavez na grupo sa isang kudeta noong 2002 laban kay Chavez. Tumagal lang ng 2 araw ang kudeta at mabilis na naibalik ng mga tapat na opisyal ng armadong pwersa si Chavez sa poder. Nailuklok sa pwesto si Chavez sa sunud-sunod na demokratikong halalan hanggang sa kaniyang pagkamatay noong 2013. Pumalit ang gobyerno ni Maduro ngunit sinalubong din ito ng panibagong serye ng destabilisasyon sa pangunguna ng Estados Unidos.

    Mahaba ang kasaysayan ng panghihimasok ng US sa mga bansang anti-imperyalista. Isang pamamaran nito ay ang pagbibigay ng pondo sa mga lokal na reaksyunaryo upang lumikha ng mga kaguluhan, tulad ng nangyayari ngayon sa Venezuela. Sa desperasyon ng administrasyong Obama na makontrol ang industriya ng langis at mga pampublikong empresa ng Venezuela, malisyosong idineklara ng US ang bansa bilang isang banta nang sa gayon ay mabibigyang katwiran ang agresyon laban sa Venezuela.

    Suporta sa mamamayan ng Venezuela

    Ipinapahayag ng Anakbayan ang buong suporta nito sa mamamayan ng Venezuela at sa kanilang makabayan at anti-imperyalistang gobyerno sa pamumuno ni Maduro. Nananawagan

    ang Anakbayan sa mga kapwa kabataang Venezuelan na patuloy na magmulat, mag-organisa, at magpakilos sa kanilang hanay at mahigpit na ikawing ang kilusang kabataan sa ibat ibang sektor at uri upang ipagtanggol ang kanilang karapatan sa pagpapasya-sa-sarili at soberanya laban sa anumang tangka ng imperyalistang Estados Unidos na tapakan ito.

    Nananawagan din ang Anakbayan sa lahat ng kabataang Pilipino na patuloy na suportahan ang pakikibaka ng mga mamamayan ng Venezuela laban sa imperyalistang panghihimasok. Dapat tayong humalaw ng aral at inspirasyon sa kanilang militante at magiting na pakikibaka laban sa kahit anong maka-imperyalistang panghihimasok at agresyon. Gamitin natin itong inspirasyon sa ating pagusulong ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino laban sa imperyalismong US at lokal na reaksyonaryo at sa pagsusulong ng lipunang tunay na malaya at demokratiko.

    Suportahan ang mamamayan ng Venezuela laban sa panghihimasok

    ng imperyalismong US

    Caracas, Venezuela: Pagkilos ng libu-libong mamamayan ng Venezuela laban sa panghihimasok ng imperyalismong US. Photo Credits: Venezuelaanalysis.com

  • 7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MAYO 2015

    Layunin nilay lumikha ng kabataan na walang pagmamahal sa sariling bayan, maging sunud-sunuran na madaling siilin. Ito ang mga katangian na kailangan ng mga dambuhalang korporasyon, ani LFS national spokesperson Charisse Baez.

    Ayon kay Baez, isang malaking tagumpay ang TRO sa CMO 20 ngunit patuloy pa rin ang laban upang ipagtanggol ang wikang Filipino laban sa mga atake ng K-12 at para isulong ang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon.

    Panibagong pagtaas sa singil ng kuryente ng Meralco kinundenaKinundena ng Anakbayan ang pinakahuling pagtaas sa singil ng Meralco sa kuryente na P0.27 kada kilowatt hour para sa buwan ng Abril. Ayon sa grupo, isa na naman itong pasanin ng mamamayang Pilipino, lalo na ng mga manggagawa at maralitang pamilya.

    Hindi ito simpleng pagtaas ng presyo. Ito ay lantarang pagnanakaw! Habang nagdurusa ang ordinaryong Pilipino sa mababang sahod, tumataas na presyo ng bilihin, MRT-LRT fare hike, at nakaambang tuition increases, kumakamal ng malaking kita ang Meralco, ani ng Anakbayan national chairperson na si Vencer Crisostomo.Kinundena ng Anakbayan ang rehimeng

    Aquino sa pakikipagsabwatan nito sa mga power companies sa pamamagitan ng pagtanggi nitong pigilan ang power rate hikes.

    Dagdag pa ni Crisostomo, dapat panagutin ang rehimeng Aquino sa mga kontra-mamamayang polisiya nito lalo na ang pagtaguyod nito sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na nagtutulak sa deregulasyon at pribitisasyon ng industrya ng elektrisidad sa bansa.

    Hindi kusang gagalaw si Aquino para kontrolin ang presyo ng kuryete dahil kakuntsaba siya ng malalaking negosyo na kumukontrol sa power industry. Dapat mag-organisa ang

    mamamayang Pilipino ng mas malaking protesta upang maitulak ang gobyerno na ibasura ang EPIRA at para kontrolin ang industriya ng kuryente, ani Crisostomo.

    Kinundena rin ng Anakbayan ang pahayag ng Meralco na ang maintenance shutdown sa Malampaya gas field ang dahilan sa pagtaas ng singil ng kuryente.

    Isa itong walang basehang palusot upang makapagkamal ng super-tubo sa mga konsumidor dahil mas mura naman ng 50 porsyento ang fuel energy sa pandaigdigang pamilihan nitong nakaraang mga buwan, ani Crisostomo.

    Pagtanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo, itinigil ng Korte SupremaUmani ng tagumpay ang kampanya laban sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum No. 20 series of 2013 (CMO 20) nang ipatigil ng Korte Suprema ang implementasyon nito.

    Noong Abril 22, naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema bilang tugon sa petisyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika), isang grupo ng mga guro, mag-aaral, at manunulat, para ibasura ang CMO No. 20.

    Ang CMO 20 ay naglalayong ipatanggal ang wikang Filipino sa kolehiyo. Ito ay bahagi ng implementasyon ng programang K-12 kung saan aalisin na ang Filipino at Panitikan bilang mga saligang asignatura sa kolehiyo.

    Tinuligsa ng Tanggol Wika ang CMO 20 sa paglabag nito sa mga probisyon ng Konstitusyon at ang mga kaugnay na batas katulad ng RA 7356 hinggil sa pagtaguyod ng makabayang kultura at edukasyon.

    Ayon din sa grupo, malalagay sa panganib ang trabaho ng mahigit 78,000 guro sa bansa bunsod ng pagtatanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo.

    Tugon ng rehimeng Aquino ang pagtatanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo sa dikta ng mga imperyalistang bansa na hubugin ang sistema ng edukasyon upang makasagot sa kanilang pangangailangan para sa murang lakas-paggawa, ayon sa League of Filipino Students (LFS).

    www.anakbayan.orgbisitahin ang

    Photo Credits: Pinoy Weekly

  • 8 MAYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Ang tanging rason na makapangahas si De Lima na sabihin ito ay dahil matagal na niyang alam ang testimonya at hangad na lamang na iliko ang usapan patungo sa pagpangatwiran sa interbensyong militar ng US sa bansa, ani Crisostomo.

    Ayon sa Anakbayan, malinaw na isinakripisyo lamang ang buhay ng mga Pilipino sa Mamasapano para sa isang operasyong Amerikano.

    Panawagan ng Anakbayan na muling buksan ang mga imbestigasyon at tutukan ang papel ng US sa insidente. Iginiit ng grupo na dapat pagtuunan ng pansin ang papel ni Philip Goldberg at John Negroponte ng CIA, ang pagpopondo ng US, at ang pagpapahintulot ni Aquino sa US sa operasyon.

    DOJ Secretary De Lima, itinatago ang papel ng US sa MamasapanoTumulong si Department of Justice (DOJ) Secretary Leila De Lima sa cover-up sa papel ng Estados Unidos sa madugong labanan sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

    Ito ang paratang ng Anakbayan laban sa opisyal matapos lumabas ang 225 pahinang ulat ng DOJ kung saan ibinunyag ng prinsipal na testigo na 2 sundalong Amerikano ang namatay sa sagupaan sa Mamasapano.

    Tinuligsa ni Anakbayan national chairperson Vencer Crisostomo ang antala sa paglabas ng ulat na ito at ang hindi paglabas ng nasabing testimonya sa mga imbestigasyon sa Kongreso at Senado.

    Imposibleng hindi alam ni De Lima ang testimonya nang mas maaga. Malinaw na bahagi ito ng cover-up sa pamamagitan ng katahimikan nito tungkol sa testimonya, ani Crisostomo.

    Dagdag pa ni Crisostomo: di na sorpresa na ang mga argumento ni De Lima sa imbestigasyon sa Kongreso ay kusang nagpawalang-sala sa direktang partisipasyon ng mga Kano sa combat operations dito sa bansa.

    Sa kabila ng pagiging labag nito sa Konstitusyon, humirit si De Lima na hindi isyu ang partisipasyon ng US sa actual combat operations bastat ang gobyerno ng Pilipinas ang may kontrol ng operasyon.