4
Tomo 6 Blg. 4 Oktubre-Disyembre 2017 Patuloy ang pamamayagpag ng Gitnang Luzon bilang “Rice Granary of the Philippines” dahil sa inaning palay nito sa kabuuan ng 2017 na sasapat upang masupply-an hindi lamang ang rehiyon kundi maging ang Metro Manila. Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang ang produksyon ng Gitnang Luzon sa palay ay umabot ng 3,622,927 MT sa taong 2017. Itinuturing na magandang palatandaan din ang patuloy na paglawak ng lupang sakahan ng palay sa rehiyon na pumalo na sa 721, 031 ektarya. Sa kabuuan, umani ng 5.02 MT kada ektarya ng palay ang mga magsasaka ng Gitnang Luzon. Ito ay mas mataas ng 5.85 porsiyento kumpara ng nakaraang taon. Isa sa mga itinuturong dahilan ng patuloy na pag-unlad ng produksyon ng palay ay ang naging mabuting klima ng 2017 sa Gitnang Luzon maging ang pinalakas at pinagbuting irigasyon para sa mga magsasaka ng palay dito. Naitala rin na angkop at pinagandang barayti ng binhi ng palay ang itinanim ng mga magsasaka. Mas pinaigting din ang pagtaas ng ani ng palay sa Gitnang Luzon dahil sa pinalawig na mekanisasyon para sa paghahanda ng lupa, pagtatanim, pag-ani at mga pasilidad para sa pagpapatuyo at pag-iimpok ng palay. Binigyang diin ni Danilo Bolos, isang matagumpay na hybrid rice farmer ng Sta. Rosa, Nueva Ecija na umani ng mahigit na 300 MT palay kada ektarya nitong nakaraang tag-araw, ang napakalaking tulong ng transplanter na isa sa mga teknolohiyang gamit sa mekanisasyon sa pagsasaka. “Sa tulong na rin ng paggamit ng transplanter mula sa Department of Agriculture Regional Field Office 3 (DA- RFO 3) na kaloob sa aming kooperatiba at pagsasagawa rin ng dapog system, ang isang bag Mekanisasyon, pinapaunlad ang palayan sa Gitnang Luzon sundan sa pahina 4 Umani ang mga magsasaka ng Gitnang Luzon ng 5.02 MT kada ektarya ng palay sa taong 2017 na itinuturing na mas mataas ng 5.85 porsiyento kumpara sa ani noong 2016.

Tomo 6 Blg. 4 Oktubre-Disyembre 2017 Mekanisasyon ... · magandang epekto ng makinarya sa pagsasaka, marami na ring pribadong indibidwal o samahan ang bumili at nag-aalok ng serbisyong

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tomo 6 Blg. 4 Oktubre-Disyembre 2017 Mekanisasyon ... · magandang epekto ng makinarya sa pagsasaka, marami na ring pribadong indibidwal o samahan ang bumili at nag-aalok ng serbisyong

Tomo 6 Blg. 4 Oktubre-Disyembre 2017

Patuloy ang pamamayagpag ng Gitnang Luzon bilang “Rice Granary of the Philippines” dahil sa inaning palay nito sa kabuuan ng 2017 na sasapat upang masupply-an hindi lamang ang rehiyon kundi maging ang Metro Manila.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang ang produksyon ng Gitnang Luzon sa palay ay umabot ng 3,622,927 MT sa taong 2017. Itinuturing na magandang palatandaan din ang patuloy na paglawak ng lupang sakahan ng palay sa rehiyon na pumalo na sa 721, 031 ektarya. Sa kabuuan, umani ng 5.02 MT kada ektarya ng palay ang mga magsasaka ng Gitnang Luzon. Ito ay mas mataas ng 5.85 porsiyento kumpara ng nakaraang taon.

Isa sa mga itinuturong dahilan ng patuloy na pag-unlad ng produksyon ng palay ay ang naging mabuting klima ng 2017 sa Gitnang Luzon maging ang pinalakas at pinagbuting irigasyon para sa mga magsasaka ng palay dito. Naitala rin na

angkop at pinagandang barayti ng binhi ng palay ang itinanim ng mga magsasaka.

Mas pinaigting din ang pagtaas ng ani ng palay sa Gitnang Luzon dahil sa pinalawig na mekanisasyon para sa paghahanda ng lupa, pagtatanim, pag-ani at mga pasilidad para sa pagpapatuyo at pag-iimpok ng palay.

Binigyang diin ni Danilo Bolos, isang matagumpay na hybrid rice farmer ng Sta. Rosa, Nueva Ecija na umani

ng mahigit na 300 MT palay kada ektarya nitong nakaraang tag-araw, ang napakalaking tulong ng transplanter na isa sa mga teknolohiyang gamit sa mekanisasyon sa pagsasaka.

“Sa tulong na rin ng paggamit ng transplanter mula sa Department of Agriculture Regional Field Office 3 (DA-RFO 3) na kaloob sa aming kooperatiba at pagsasagawa rin ng dapog system, ang isang bag

Mekanisasyon, pinapaunlad ang palayan sa Gitnang Luzon

sundan sa pahina 4

Umani ang mga magsasaka ng Gitnang Luzon ng 5.02 MT kada ektarya ng palay sa taong 2017 na itinuturing na mas mataas ng 5.85 porsiyento kumpara sa ani noong 2016.

Page 2: Tomo 6 Blg. 4 Oktubre-Disyembre 2017 Mekanisasyon ... · magandang epekto ng makinarya sa pagsasaka, marami na ring pribadong indibidwal o samahan ang bumili at nag-aalok ng serbisyong

| Oktubre-Disyembre |2017|2

Ayon kay Maria Aurora Municipal Agriculturist Imelda T. Diaz, “Ang priority dito sa Maria Aurora ay rice production. Kasi sa buong Aurora, kami ang may pinakamaluwang na rice area. Continuous cropping din dito kasi ang tubig samin ay talagang whole year round, wala kaming distinct na panahon ng wet season at dry season. So far, dahil continuous cropping nga, mataas naman ang ani namin pagdating sa rice production.”

Bukod pa sa maluwang na palayan at maayos na suplay ng patubig, ang mga makinaryang gamit sa pagsasaka at mga magsasaka na nagbibigay serbisyo sa kapwa magsasaka ay ilan sa dahilan ng mataas na produksyon ng palay sa lugar.

Ang pagdating ng FSP sa Maria Aurora

Taong 2013 nang mabigyan ng pagkakataon ang Maria Aurora na makatanggap ng

NI CHRISTINE V. ANG

LATHALAIN

Sa probinsiya ng Aurora, ang Maria Aurora ang bayan na may pinakamalaking sinasakang lupain. Mula sa kabuuang 3,820 ektarya ng palayan, irrigated, rainfed at

kaagapay sa pagsasaka

Sa isang kooperatiba sa Barangay Dikildit, na ngayon ay tinatawag ng Dikildit Farmers Farm Service Provider mula pa noong 2014, ibinahagi at tumugma ang mga katangiang kinakailangan para sa mas epektibong FSP.

“Maganda kasi ang pamamalakad ng chair at active ang mga member nila pagdating sa mga activities ng samahan… Dahil dito kaya sila ang napili namin,” ani Diaz.

Ang Dikildit Farmers FSP

Ang Dikildit Farmers Farm Service Provider ay mula sa isang kooperatiba na binuo noong 2003. Layunin nito na mapaganda ang katayuan ng mga kapwa nila magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo sa bukid.

Kwento ng chair ng FSP na si Mateo A. Carreon, “Noong una nag-aalangan kami dahil maraming farm laborer na mawawalan ng trabaho. Pero noong nagtagal, maganda rin ang

iba’t-ibang makinaryang gamit sa pagsasaka ng palay. Alinsunod sa programa ng Department of Agriculture (DA), isang grupo ng mga magsasaka ang binuo bilang Farm Service Provider (FSP) upang magbigay serbisyo sa kapwa nito magsasaka.

Ang FSP ay grupo ng mga magsasaka o manggagawa sa bukid na may layuning magbigay ng serbisyong pansaka mula produksyon hanggang sa makatapos ani. Gamit ang mga makinarya at pagsasanay na ipinagkakaloob ng DA, mapapahusay ang sistema ng pagsasaka at kalidad ng serbisyo sa lugar.

“Noong sinabi ng DA na magbibigay sila ng (mga makinarya para bumuo ng) Farm Service Provider, tatlong samahan ang pinagpilian namin. At ang sabi ng aming vice mayor noon, pumili kami ng talagang maayos ang pamamalakad ng samahan at may nagkakasundong members at officers,” kwento ni Diaz.

Farm Service Provider at makinarya,

upland, mahigit sa kalahati ng nagtatrabahong populasyon ng bayan ay ito ang ikinabubuhay.

Page 3: Tomo 6 Blg. 4 Oktubre-Disyembre 2017 Mekanisasyon ... · magandang epekto ng makinarya sa pagsasaka, marami na ring pribadong indibidwal o samahan ang bumili at nag-aalok ng serbisyong

Oktubre-Disyembre| 2017 | 3

naging impact (ng pagkakaroon ng mga makinaryang gamit sa pagsasaka) dahil ‘yung mga nadisplaced na farmers ay naging operator ng mga makinarya.”

Ayon kay Raymunda Tayaon, agricultural technician ng LGU Maria Aurora, kasama sa plano ng pagbuo ng FSP ang pagkuha sa mga “manual laborer” upang maging miyembro ng samahan. Sa gayon, makakatulong ang FSP sa ibang manggagawa sa bukid at makapagbibigay din ang samahan ng manwal na serbisyo.

At dahil na rin sa papa-unting bilang ng manggagawa sa bukid, giit ni Diaz, “Gustung-gusto nga nila na magkaroon na ng makinarya… kasi pagdating ng sakahan may magagamit na sila. At saka, nahihirapan na kasi ang mga magsasaka ngayon, kasi pagdating ng anihan halos wala ng makuhang manggagapas.”

Ang mga serbisyong hatid ng FSP

Kaya naman mula noong 2013, iba’t-ibang makinarya na ang natanggap at ginagamit pangserbisyo ng FSP. Ang ilan sa mga ito ay ang mini farm tractor, transplanter, reaper, thresher, combine harvester, flatbed dryer at portable rice mill.

Sa pagsiserbisyo ng FSP gamit ang tractor, PhP 2,500 ang singil upang maihanda ang lupang sasakahin. Kung ikukumpara sa paraan ng pag-aararo noon, mas kakaunti ang gastos dahil hindi na kakailanganin pa ng anim o higit pang manggagawa sa bukid.

“Noong wala pang tractor, talagang nahihirapan ang magsasaka namin... halimbawa ‘pag nagkasabay-sabay ng land preparation. Kaya noong dumating na ang mga makinarya rito, gumanda na ang daloy ng pagsasaka dahil napapabilis na ang paghahanda nila ng lupa. Actually dati dalawang beses lang kami nakakapagtanim, pero ngayon may nakakatatlo na sa isang taon dahil continuous din kasi ‘yung irrigation namin,” kwento ni Carreon.

Sa paggamit naman ng combine harvester, PhP 5,000 lamang ang kailangang bayaran ng miyembro at PhP 5,500 para sa mga hindi miyembro ng samahan.

“Sa combine harvester, minsanan nalang at mabilis! Dati magbabayad ka pa sa gapas at thresher, doble ang bayad. Nabubulukan din kami noon dahil sa mga delay, pero ngayon ‘yung isang ektarya inaabot lang ng ilang oras,” wika ng auditor na si Victor Dumanay.

Dahil sa magandang epekto ng mga makinaryang ginagamit pangserbisyo ng FSP, umabot na sa buong Central Aurora ang kanilang siniserbisyuhan. Sakop ng gitnang Aurora ang Baler, Dipaculao, San Luis at Maria Aurora.

“Dati farm tractor lang ang ginagamit ng FSP para makapagserbisyo tapos nadagdagan ng rice transplanter kaya nadagdagan ng kliyente. At saka nababalitaan na rin kasi sa ibang lugar na may serbisyong iniaalok ang FSP kaya ‘yung iba na gustong sumubok ay pumupunta sa FSP,” ani Tayaon.

Dagdag pa niya, “At saka ‘yung FSP lang kasi ang nangangahas na pumasok sa malalayong lugar kagaya ng Suguit. Itinatawid nila sa ilog ‘yung combine harvester at tractor para makapagserbisyo lang.”

Upang mapangalagaan ng samahan ang mga kliyente nito, may sistema silang sinusunod. Sa schedule ng pagsiserbisyo, “first come first serve” ngunit “case to case basis”ang alituntunin ng samahan. Kung maulan ang panahon at upland ang nauna sa schedule, uunahin na lamang nila ang kasunod na schedule na maaaring serbisyuhan (kahit pa maulan) para hindi lubos na maapektuhan ang buong schedule.

“Ang ginagawa ng operator kung maulan, ipapakita sa may-ari ng lupa ‘yung magiging gawa ng makinarya… kahit isang pasada lang para makita nila ‘yung gawa at para hindi sila magalit kung bakit hindi namin sila masiserbisyuhan sa schedule nila,” paliwanag ni Carreon.

sundan sa pahina 4

...“Noong dumating na ang mga makinarya rito, gumanda na ang daloy ng pagsasaka dahil napapabilis na ang paghahanda nila ng lupa. Actually dati dalawang beses lang kami nakakapagtanim,

pero ngayon may nakakatatlo na sa isang taon.”

Page 4: Tomo 6 Blg. 4 Oktubre-Disyembre 2017 Mekanisasyon ... · magandang epekto ng makinarya sa pagsasaka, marami na ring pribadong indibidwal o samahan ang bumili at nag-aalok ng serbisyong

4 | Oktubre-Disyembre |2017|

Mekanisasyon, pinapaunlad... mula sa pahina 1

Bezt Gee S. Magararu Christine V. Ang, Nicole P. Burgos (Kontribyutor)Christine V. AngJessica Marie B. Laturnas, Danilo T. EstevesDir. Raul R. Paz, Dr. Rodolfo P. Estigoy, Engr. Don David T. Julian

Director IV, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech), CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija Tel. Nos.: (044) 456-0282, 456-0213; 456-0282e-mail: [email protected], [email protected]

Patnugot Manunulat

Lay-out at disenyo Retrato

Tagapayo

Para sa karagdagang impormasyon,

makipag-ugnayan sa:

Farm Service Provider at makinarya...mula sa pahina 3

Bagamat maganda ang pamamahala sa FSP, may pangamba na baka humina ang kita nila dulot ng dumaraming service provider sa lugar. Dahil sa magandang epekto ng makinarya sa pagsasaka, marami na ring pribadong indibidwal o samahan ang bumili at nag-aalok ng serbisyong pansaka.

Kaya, ang tugon ng Dikildit Farmers Farm Service Provider, “Ang sinasabi ko sa operator, pagbutihan niyo ang serbisyo para kayo at kayo pa rin ang kukunin na magserbisyo sa bukid ng magsasaka. Quality talaga dapat ang prayoridad,” wika ni Carreon.

Sa ngayon, pinaplano ng samahan na magrequest pa ng makinarya tulad ng floating tiller at mag-ipon para makabili ng karagdagang lote na pagpapatayuan ng kanilang opisina at shed ng iba pang makinarya.

ng hybrid rice ay sumasapat na sa isang ektaryang bukirin, hindi na kailangan pa ng dalawa hanggang tatlong bag ng inbred rice (kada ektarya) tulad ng dati. Malaking katipiran para sa aming mga magsasaka ng palay,” ani Bolos.

“Mayroon ding natanggap ang aming kooperatiba na mga makinarya mula sa DA-RFO 3. Ito ay dalawang transplanter, dalawang rice reaper, dalawang four-wheel tractor, isang hand-tractor, drum seeder at shallow tube well na pinakikinabangan

talaga ng mga magsasaka namin,” dagdag pa ni Bolos.

Ang DA RFO 3 Rice Program ay naglaan ng Php 3,328, 195 para sa operasyon ng mga makina. Nakapamahagi na rin ng 1,882 machinery unit para sa mga magsasaka ng palay sa Gitnang Luzon. Ang mga makinaryang ito ay tinanggap ng mahigit na 900 grupo o kooperatiba.

Ang mataas na ani ng Gitnang Luzon ay ikinatuwa rin ng pamunuan ng DA-RFO 3 sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director Roy M. Abaya.

Patuloy ang pag-abot ng Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon sa mga pangangailangan ng magsasaka ng palay, mula sa mga binhi, pataba, irigasyon maging mga makinang pansaka. Patuloy din ang pagsisikap ng kagawaran sa pagpapalawig at pagpapabatid ng teknolohiya sa agrikultura, tulong pinansyal at pagmemerkado ng mga produkto ng mga magsasaka. Ang mga ito ay upang matamasa ang kalidad at sapat na pagkain para sa hapagkainan ng bawat Filipino, hindi lamang sa ikatlong rehiyon kundi sa buong Pilipinas. Nicole P. Burgos, DA-RFO3

Ang paggamit ng mini farm tractor sa paghahanda ng lupang tatamnan ng palay ay isa sa mga serbisyong inaalok ng Dikildit Farmers Farm Service Provider sa halagang PhP 2,500 kada ektarya.