2
John Anthony B. Teodosio LIPAS “Kulubot na ang mukha niyo, Inay! Nandidiri siya sa tuwing kasiping kayo.” – Hilda Koronel Pang this giril is on fire kung siya’y kumilos. May pinagmanahan ang anak kong tisay, Siyempre, sa akin na sabay sa agos. Kagaya ng dati, di mura si Inday. Kaya kahit sino’y tumulo ang laway sa hubog at aliw na ibinibigay. Pero ‘yung sa aki’y walang humahalay. Parang math sentence lang ang pagrampa namin: Cola shaped na tisay is greater than nanay? Matumal ang benta’t ayaw ba sa akin? Ka-level ko naman si Ms. Angel Locsin. Kaluluwa ko nga’y ayaw namang kunin. “ ‘Nay, ang aura ninyo’y di na takaw-tingin. Wala na ho kayo sa aming panahon. Sa mura mong mukha’y mayro’n bang aangkin? Hindi na marikit na katulad noon. Sa papag ng libog ay walang kasalo. Ako ang papalit sa trono mo ngayon.” Sabi ng anak kong lumaki ang ulo. MAY TALINGHAGA SA LABANAN NG KAPE AT PANTALAN Ang tipo ng taong panis kung tumikas, Nagliyab sa puso ang kanilang angas. Doon sa arena’y nagpakitang gilas, Doon ibinuhos ang kanilang angas. Mga batang piyer, ay tila minalas ng tropa ng kapeng matapang...may angas. At naghambalusan silang walang habas. Nagpapataasan ng kanilang angas.

Tony

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tony

John Anthony B. Teodosio

LIPAS

“Kulubot na ang mukha niyo, Inay! Nandidiri siya sa tuwing kasiping kayo.” – Hilda Koronel

Pang this giril is on fire kung siya’y kumilos.May pinagmanahan ang anak kong tisay,Siyempre, sa akin na sabay sa agos.

Kagaya ng dati, di mura si Inday.Kaya kahit sino’y tumulo ang lawaysa hubog at aliw na ibinibigay.

Pero ‘yung sa aki’y walang humahalay.Parang math sentence lang ang pagrampa namin:Cola shaped na tisay is greater than nanay?

Matumal ang benta’t ayaw ba sa akin?Ka-level ko naman si Ms. Angel Locsin.Kaluluwa ko nga’y ayaw namang kunin.

“ ‘Nay, ang aura ninyo’y di na takaw-tingin.Wala na ho kayo sa aming panahon.Sa mura mong mukha’y mayro’n bang aangkin?

Hindi na marikit na katulad noon.Sa papag ng libog ay walang kasalo.Ako ang papalit sa trono mo ngayon.”

Sabi ng anak kong lumaki ang ulo.

MAY TALINGHAGA SA LABANAN NG KAPE AT PANTALAN

Ang tipo ng taong panis kung tumikas,Nagliyab sa puso ang kanilang angas.

Doon sa arena’y nagpakitang gilas,Doon ibinuhos ang kanilang angas.

Mga batang piyer, ay tila minalasng tropa ng kapeng matapang...may angas.

At naghambalusan silang walang habas.Nagpapataasan ng kanilang angas.

Bigwas, tulak, sipa’t tadyak ang dinanas.Doon naglabasan ang kanilang angas.

Ang pising umikli ay hahaba bukas.Ngunit balita na ang kanilang angas.

Ang tipo ng tao, imahe’y napilas,Wala sa panahon ang kanilang angas.