135
1 UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing Pang-unawa: Naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto at kahalagahan ng pagkilala sa sarili at sa mga bagay na susuri sa kaibahan sa iba sa pamamagitan ng sariling gusto at mga pangarap. Pangunahing Katanungan: Bakit kailangang makilala ang sarili? Aralin 1 – Ang Aking Sarili I. Mga Layunin 1. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang kaalaman at konsepto ukol sa sariling pagkakakilanlan at mga pangunahing katangian; 2. Nakapagbabahagi ng sariling pagkakakilanlan at natatanging mga katangian na kaiba sa lahat; at 3. Napahahalagahan ang magagandang katangian bilang elemento sa pakikipamuhay kasama ang iba at sa pag-unlad.

UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

  • Upload
    others

  • View
    26

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

1

UNANG MARKAHANAKO AY NATATANGI

Pangunahing Pang-unawa:

Naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto at kahalagahan ng pagkilala sa sarili at sa mga bagay na susuri sa kaibahan sa iba sa pamamagitan ng sariling gusto at mga pangarap.

Pangunahing Katanungan:

Bakit kailangang makilala ang sarili?

Aralin 1 – Ang Aking Sarili

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang kaalaman at konsepto ukol sa sariling pagkakakilanlan at mga pangunahing katangian;

2. Nakapagbabahagi ng sariling pagkakakilanlan at natatanging mga katangian na kaiba sa lahat; at

3. Napahahalagahan ang magagandang katangian bilang elemento sa pakikipamuhay kasama ang iba at sa pag-unlad.

Page 2: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

2

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang bawat tao ay may sari-sariling pagkakakilanlan at ito ang nagsisilbing mahalagang pagkakaiba sa iba. Ang ilan sa mga elementong ito ay ang pangalan, palayaw, edad, tirahan, at ang mga mahahalagang mga katangian na naghihiwalay sa isang tao kumpara sa iba. Mahalagang makilala ng mga tao ang kani-kanilang sarili dahil higit niyang maibabahagi ang maraming mga bagay sa iba gamit ang kaniyang sariling pagkakakilanlan at katangian.

B. Paksang Aralin

Ang Aking Sarili

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 2–12

Page 3: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

3

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa p. 2. Pagkatapos ay ipagawa ang pagtutumpak at pagbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

2. Talasalitaan

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 3–4. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang mahanap at mabilugan nila ang mga sagot.

b. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano sa mga salitang nabilugan ang kanilang kayang bigyang kahulugan. Ipakilala ang lahat ng mga salitang nabilugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga payak na pagpapakahulugan. Gumamit ng mga halimbawa o sitwasyon upang lalong maunawaan kung kinakailangan.

Page 4: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

4

3. Panlinang na Gawain

a. Ipakilala sa mga mag-aaral ang apat na pangunahing mga salita: pangalan, palayaw, edad, at tirahan. Ipabahagi sa lahat ng mga mag-aaral ang mga impormasyong nabanggit tungkol sa kanilang sarili sa harapan ng klase.

b. Pagkatapos ng pagbabahagi ng mga mag-aaral ay ibigay ang sariling pangalan, edad, tirahan, at palayaw.

c. Mula sa pagbabahaging ito ay tanungin ang mga mag-aaral kung bakit mahalaga ang mga elementong nabanggit.

4. Pangwakas na Gawain

Magsagawa ng isang laro. Bigyan ang mga mag-aaral ng isang friendship card. May nakasulat na iba’t ibang mahahalagang gawain ang kard na dapat mapunan ng mga mag-aaral. Ang unang sampung mag-aaral na makatatapos ng mga gawain sa friendship card ay mabibigyan ng gantimpala.

Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Patinig

Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig

Pangalan ng Guro

Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon

Tatlong Palayaw ng Kaklase

Palayaw ng Guro

Page 5: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

5

Pangalan at Palayaw ng Inyong Nanay at Tatay

Palayaw ng Inyong Pinakamatalik na Kaibigan

Lugar kung Saan Matatagpuan ang Paaralan

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa pinanggalingan ng kanilang pangalan. Isagawa ito sa pamamagitan ng estratehiyang “Think-Pair-Share.” Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kasaysayan ng kanilang pangalan sa kanilang katabi sa kaliwa at pakikinggan naman nila ang kuwento nito. Pagkatapos ng hudyat na magmumula sa kalembang ng handbell ay ibabahagi naman nila sa kanilang kamag-aral sa kanan ang kasaysayan ng pangalan ng kanilang katabi sa kaliwa. Pagkatapos ay tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang nakuhang mga impormasyon ukol sa kanilang mga kamag-aral.

2. Talasalitaan

a. Gumamit ng flashcards. Ilagay ang mga pangunahing pinagkuhanan ng ilang mga pangalan katulad ng sumusunod:i. Pangalan ng Santo o Santaii. Pangalan ng Sikat na Artistaiii. Pangalan ng Personalidad o

Bayani

Page 6: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

6

b. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbibigay ng halimbawa ng mga pangalan ng kanilang kakilala na may pangalan ayon sa ipinakita sa flashcards. Tanungin din ang mga mag-aaral kung bakit binibigyan ng mga ganoong pangalan ang mga tao. Hingin ang opinyon ng mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang iba’t ibang maaaring pinagmulan ng mga pangalan ng mga Pilipino. Ipaliwanag ang bawat isa at magbigay ng mga halimbawa. Tanungin din ang mga mag-aaral para sa mga karagdagang halimbawa.

b. Hingan ng opinyon ang mga mag-aaral kung bakit mahalaga na malaman at maunawaan nila ang sumusunod na sariling pagkakakilanlan:i. Edadii. Tirahaniii. Palayaw

4. Pangwakas na Gawain

a. Ipagawa sa mga mag-aaral ang estratehiyang “Exit Pass.” Bigyan ang mga mag-aaral ng isang kapat na piraso ng papel at dito ay ipalagay ang tatlong pangalan ng kamag-aral kasama ang palayaw, edad, at kanilang

Page 7: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

7

tirahan. Ipasagot din ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa p. 9.

b. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang naisulat sa kanilang papel at gayundin ang sagot sa “Tuklasin Mo.”

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

a. Bigyan ang mga mag-aaral ng isang papel na may larawan ng isang halaman katulad ng nasa ibaba. Ilalagay ng mga mag-aaral sa mga dahon ng halaman ang lahat ng magagandang katangian na mayroon sila. Gawing batayan ang halimbawa sa ibaba.

mabait

maka-Diyos malambing

matalinomatulungin

ANG MABUTING AKO

magalang

Page 8: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

8

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang ilagay ang kanilang mga sagot. Pagkatapos ay tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga sagot sa harap ng ibang mga kamag-aral.

2. Talasalitaan

a. Palagyan ng pangalan ng mga mag-aaral ang bawat halaman na kanilang sinulatan. Ipadikit sa pisara ang kanilang mga ginawa. Ipasagawa ang estratehiyang “Gallery Walk.” Papilahin ang mga mag-aaral at isa-isang patingnan ang isinulat ng kanilang mga kapwa mag-aaral. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng kaunting kaalaman tungkol sa mga katangiang taglay ng isa’t isa.

b. Mula sa isinagawang estratehiya ay iproseso ang ginawang gawain. Tumawag ng ilang mag-aaral at hayaan silang magbahagi ng kanilang mga nabasa at nakuha sa ginawang aktibidad. Banggitin ang magagandang katangian ng dalawa sa kanilang mga kamag-aral. Pabigyan ng kahulugan ang mga katangiang kanilang nabanggit.

Page 9: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

9

3. Panlinang na Gawain

a. Magsagawa ng larong charade. Hatiin ang klase sa limang pangkat. May tiglimang mga katangian na ipahuhula sa bawat pangkat at ang pangkat na makahuhula ng lahat sa pinakamaikling minuto ang siyang makakukuha ng gantimpala.

b. Pagkatapos ng laro ay ipaliwanag ang ilan sa mga mahahalagang mga katangiang nabanggit sa isinagawang gawain. Tanungin din ang mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mga katangiang likas at mabubuti.

4. Pangwakas na Gawain

a. Balikang muli ang mga halaman kung saan nakasulat ang mga katangian ng mga mag-aaral. Ibigay sa kanila ang sumusunod na prosesong tanong:i. Lahat ba ng katangian na mayroon

ang isang tao ay mabuti?ii. Kung mayroong mga katangian na

hindi masyadong maganda, bakit hindi ito ipinasulat sa halaman o sa listahan ng mga katangian?

iii. Bakit inilagay sa isang halaman ang mabubuting katangian? Bakit ito pinamagatang “Ang Mabuting Ako”?

Page 10: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

10

Kailangan maunawaan ng mga mag-aaral na hindi na dapat pang ipagpatuloy ang hindi magagandang mga kaugalian at sa halip ay dapat hayaang yumabong at umunlad pa ang mga magagandang kaugalian katulad ng isang halaman upang mamunga ito sa mga darating na panahon nang mas maraming mga biyaya na maaari pang makatulong sa iba.

5. Pagtataya

a. Ipakuha sa mga mag-aaral ang batayang aklat at ipasagot ang mga pagsasanay A–B ng “Pagtataya” sa pp. 10–11.

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay at pagkatapos ay sabay-sabay na isagawa ang pagwawasto.

c. Ilagay ang puntos na nakuha ng mga mag-aaral sa likurang bahagi ng kuwaderno. Siguraduhing may listahan ng mga gawain at karagdagang puntos na makukuha ng mga mag-aaral sa bawat pagsasanay.

Page 11: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

11

6. Takdang-aralin

a. Ibigay bilang takdang-aralin ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 12. Siguraduhing iproseso ang likhang ito ng mga mag-aaral sa susunod na talakayan.

b. Ipabasa sa mga mag-aaral ang susunod na aralin at paghandain sila para sa mga darating na pagsasanay ukol sa paksa.

Mga Sagot sa mga Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 2)

1. BABAE2. LALAKI3. MATA

Pagtataya

A. (p. 10)

1. tirahan 6. pangalan 2. pangalan 7. tirahan 3. pangalan 8. katangian 4. katangian 9. tirahan 5. katangian 10. pangalan

Page 12: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

12

Aralin 2 – Pangunahing Pangangailangan

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang kaalaman at konsepto ukol sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao;

2. Nakagagawa ng presentasyon ukol sa mga ginagawang paraan ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan; at

3. Napahahalagahan ang iba’t ibang mahahalagahang katangian na makatutulong upang matugunan ng isang tao ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang lahat ng tao ay may mga pangunahing pangangailangan na dapat mabigyang tugon upang maging maayos ang kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay at pakikipamuhay. Bilang isang bata ay natatamo ang mga pangangailangang ito sa pamamagitan ng ating mga magulang at pamilya na may pangunahing tungkulin na ipagkaloob ang mga ito.

Page 13: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

13

B. Paksang Aralin

Pangunahing Pangangailangan

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 13–29

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga isinagot sa “Gumawa Tayo!” sa p. 12 tungkol sa nakaraang aralin. Pagkatapos ay ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 13 at “Mag-isip Tayo!” sa p. 14. Ipasagawa ang pagtutumpak at pagbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

2. Talasalitaan

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 14–15. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan

Page 14: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

14

ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang mahanap at mabilugan nila ang mga sagot.

b. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano sa mga salitang nabilugan ang kanilang kayang bigyang kahulugan. Ipakilala ang lahat ng mga salitang nabilugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga payak na pagpapakahulugan. Gumamit ng mga halimbawa o sitwasyon upang lalong maunawaan kung kinakailangan.

3. Panlinang na Gawain

a. Bigyan ng bond paper ang mga mag-aaral. Bigyan sila ng ilang minuto upang gumuhit ng sa tingin nila ay kanilang mga pangunahing pangangailangan. Maaari nilang kulayan ang mga ito. Magpalagay rin ng sarili nilang pamagat sa kanilang mga iginuhit.

b. Tumawag ng ilang mag-aaral. Hayaan ang mga ito na magbahagi ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.

c. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga prosesong katanungan ukol sa kanilang mga iginuhit:i. Ano-ano ang inyong mga iginuhit?ii. Bakit itinuturing mo na

pangunahing pangangailangan ang mga ito?

Page 15: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

15

iii. Ano ang maaaring mangyari sa isang batang katulad mo kung wala ka ng mga bagay na iyong mga iginuhit?

iv. Paano mo nakukuha ang mga pangunahing pangangailangan na iyong iginuhit?

v. Paano mo pinahahalagahan ang mga pangangailangan na iyan?

4. Pangwakas na Gawain

a. Ipakuha sa mga mag-aaral ang kanilang batayang aklat. Ipasagot sa kanila ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 16–17. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ito. Ipaproseso ang mga tumpak na kasagutan sa mga mag-aaral.

b. Siguraduhing nailatag sa unang araw ng pagtalakay ang mahalagang elemento tungkol sa mga pangunahing pangangailangan.

B. Ikalawang Araw (Pokus: Pagkain at Tubig)

1. Pagganyak

a. Ipagawa ang larong “Bugtungan.” Hatiin ang klase sa limang pangkat at ang bawat pangkat ay bigyan ng tig-isang whiteboard at whiteboard marker. Magbigay ng bugtong at pahulaan sa mga mag-aaral kung ano

Page 16: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

16

ang tinutukoy. Ang lahat ng kanilang mga sagot ay may kinalaman sa pagkain.

Maaaring gamitin ang sumusunod:

i. Kulay pula ang aking balat at madalas ako ay kinakagat

Madalas tao minsan ay baboy, kapag kinain ako lagi, sakit ay maitataboy.Sagot: mansanas

ii. Matigas man sa panlabas ngunit ako ay malambot din

Kulay dilaw ang kulay ko, minsan matamis, minsan maasim

Maaaring kainin, maaaring inumin

Mata kong marami, sa iyo ay nakatinginSagot: pinya

iii. Hindi kompleto ang agahan kung wala ako

Gayundin ang tanghalian at hapunan kapag ako ay hindi natamo

Butil na mapuputi na bubusog sa iyo

Kahit anong ipares ay siguradong saktoSagot: kanin o bigas

Page 17: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

17

b. Pagkatapos ng munting laro ay tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa iba pang halimbawa ng kanilang mga paboritong pagkain. Isagawa ang “Popcorn Discussion” kung saan lahat ng bata ay inaasahang sasagutin nang mabilis at sunud-sunod ang mga tanong.

2. Talasalitaan

a. Mula sa mga nabanggit ng mga mag-aaral na mga uri ng pagkain ay ipakilala ang klasipikasyon o pag-uuri ng mga pagkaing ito. Gamit ang flashcards ay ipakilala ang mga salitang: “Go foods,” “Grow foods,” at “Glow foods.”

b. Ibigay ang kahulugan ng bawat isa at pagkatapos ay idikit sa pisara ang tatlong flashcards. Mula sa pagkaunawa ng mga mag-aaral sa mga salita ay tumawag ng ilang mag-aaral upang sumulat sa pisara ng mga halimbawa ng mga pagkakauri na iyon ng pagkain.

3. Panlinang na Gawain

a. Magsagawa ng isang pangkatang gawain: Pagsasatao. Ang pangkat nila sa unang pagsasanay ang siya nilang magiging pangkat para sa gawaing ito. Ang bawat pangkat ay inaasahan

Page 18: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

18

na magpakita ng isang pagsasatao at pagsasadula na madalas nilang nakikita sa kanilang tahanan na ginagawa ng kanilang mga magulang. Kailangang maipakita sa pamamagitan ng dula ang nangyayari sa loob ng bahay ng mga mag-aaral mula sa paghahanda sa pagtamo ng pangunahing pangangailangan na pagkain at tubig. Bigyan ng ilang minuto ang bawat pangkat upang makapaghanda at pagkatapos ay paalalahanan na sa dalawang minuto lamang isasagawa ang bawat presentasyon.

b. Pagkatapos ng presentasyon ay tanungin ang mga mag-aaral ng mga prosesong tanong:i. Bakit itinuturing na pangunahing

pangangailangan ng isang tao ang pagkain at tubig?

ii. Ano para sa inyo ang pinakamahalagang pagkain na dapat kainin ng isang batang katulad ninyo?

iii. Ano ang maaaring mangyari kung hindi balanse ang pagkain na kinakain ng mga batang tulad ninyo sa araw araw?

iv. Ano-ano ang mga pagkain na hindi dapat kinakain ng mga tao?

v. Ano-ano ang mga pinaggagamitan ng mga tao sa tubig? Bakit ito mahalaga?

Page 19: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

19

4. Pangwakas na Gawain

Tanungin ang mga mag-aaral kung alin ang mas mahalaga: pagkain o tubig? Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga sagot. Iproseso ang tanong na ito at ipaliwanag na mahalaga ang tubig dahil malaking porsiyento nito ang nasa loob ng ating katawan ngunit mahalaga rin ang pagkain kaya dapat matugunan pareho ang dalawang pangunahing pangangailangan na ito.

C. Ikatlong Araw (Pokus: Tirahan, Damit, at Edukasyon)

1. Pagganyak

a. Bigyan ng oslo paper ang mga mag-aaral. Pagkatapos ay bigyan sila ng ilang minuto upang iguhit at kulayan ang kanilang ideyal na tirahan o pangarap na bahay.

b. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang ginawa sa klase.

2. Talasalitaan

a. Ipakita ang tatlong pangunahing salitang tatalakayin: tirahan, damit, at edukasyon. Hayaan ang mga mag-

Page 20: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

20

aaral na magbigay ng iba’t ibang halimbawa ng mga ito. Mula sa halimbawang ibibigay nila ay pabuoin sila ng kahulugan para sa isa sa tatlong pangunahing salitang tatalakayin.

b. Mula sa ibinigay na kahulugan ng mga mag-aaral ay magbigay ng iisang kahulugan tungkol sa mga salitang ito.

3. Panlinang na Gawain

a. Kumuha ng isa o dalawa sa mga larawang iginuhit ng mga mag-aaral. Tanungin sila tungkol sa sumusunod na prosesong tanong:i. Bakit mahalaga ang tirahan o

bahay sa mga tao?ii. Ano-ano ang mga pangunahing

dahilan kung bakit itinuturing na pangunahing pangangailangan ng tao ang isang bahay?

iii. Bakit nagkakaiba-iba ang bawat isa sa itsura ng bahay na kanilang iginuhit?

iv. Ano-ano naman ang naging pagkakatulad ng mga ito?

4. Pangwakas ng Gawain

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 26–27. Bigyan sila ng ilang minuto

Page 21: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

21

upang makapagsagot at pagkatapos ay sabay-sabay na iproseso ang mga tumpak na kasagutan.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay A–B ng “Pagtataya” sa pp. 28–29. Bigyan ng ilang panahon ang mga mag-aaral upang makapagsagot at kung may sapat na panahon pa ay iproseso ang mga tumpak na kasagutan.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 29.

Mga Sagot sa mga Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 13)

1. prutas 3. tubig2. damit 4. bahay/tirahan

Pagtataya (p. 13)

A. 1. e B. 1. karne ng manok 2. a 2. dyaket 3. d 3. gatas 4. c 4. uniporme 5. b 5. tinapay

Page 22: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

22

Aralin 3 – Ang Aking mga Paborito

I. Mga Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang paborito ng mga mag-aaral at naipaliliwanag ang nagiging batayan ng pagkagusto nila sa mga ito;

2. Nakagagawa ng scrapbook ang mga mag-aaral tungkol sa iba’t iba nilang mga gusto at paborito; at

3. Napahahalagahan ang pagkakaroon nang mabuti at makabuluhang batayan sa pagpili ng magiging mga paborito.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang bawat tao ay may sariling paborito batay sa sariling kagustuhan at pangangailangan. Bagama’t iba ito sa pananaw ng iba, nagbibigay pa rin ito ng kasiyahan sa kanila.

B. Paksang Aralin

Ang Aking mga Paborito

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 30–46

Page 23: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

23

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 30. Iproseso ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga ibinigay na sagot ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa pp. 31–32. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang konsepto ng “paborito” ayon sa binasa at ipasagot sa kanila ang wordhunt puzzle. Maaaring ipakilala ang kahulugan ng ilang mga binilugang mga salita.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 32–33. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

b. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mabigyang kahulugan nila ang salitang paborito. Tukuyin at ipaliwanag din ang ilang mga batayan sa pagpili ng kanilang mga paborito.

Page 24: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

24

4. Pangwakas na Gawain

Balikan ang ipinabasang akrostik ng salitang PABORITO sa p. 31. Paisipin ang mga mag-aaral ng mga paborito nila na bubuo sa mga titik ng salitang PABORITO.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Magpalaro sa mga mag-aaral ng “Four Pic One Word.” Magpakita ng ilang mga larawan na tumutukoy sa iba’t ibang mga bagay na maaaring talakayin. Maaaring gamitin ang sumusunod:i. larawan ng mansanas, pulang

paso, pulang damit, labi na kulay pula

Sagot: kulay pulaii. larawan ng spaghetti, hamburger,

French fries, at bubuyog Sagot: Jollibeeiii. larawan ng SM, Luneta, zoo,

museo Sagot: paboritong pasyalan

2. Talasalitaan

a. Magpakita ng flashcards na may mga nakasulat na salita sa mga mag-aaral. Tanungin sila tungkol sa kanilang

Page 25: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

25

kaalaman ukol sa mga salitang ito. Bigyan ng kahulugan pagkatapos upang maiproseso nang tama ang mga konsepto.

Ang sumusunod ang laman ng mga flashcards:i.. Pasyalanii. Tourist Spotsiii. Zooiv. Museov. Idolo

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang sumusunod. Ipakita ang isang organizer na nagbubuod ng mga tatalakayin. Ipapuno sa mga piling mag-aaral ang sumusunod.

Paboritong Pagkain

Paboritong Kulay

Paboritong Pasyalan

Paboritong Idolo

b. Siguraduhing matatalakay sa mga mag-aaral ang mahahalagang konsepto

Page 26: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

26

na nasa batayang aklat katulad ng mga pagkain na ipinakilala ng mga nanakop sa Pilipinas katulad ng mga Amerikano, gayundin ang kahulugan ng iba’t ibang mga kulay at ang mga kilalang pasyalan at idolo sa iba’t ibang larangan.

4. Pangwakas na Gawain

Balikan ang tungkol sa mga paboritong personalidad ng mga mag-aaral. Ipatukoy sa kanila ang kanilang mga naging batayan sa pagpili ng mga taong kanilang iniidolo o paborito. Isa-isahin ang kanilang mga sagot.

5. Takdang-aralin

Pagdalahin ang mga mag-aaral ng 1/8 illustration board, larawan ng kanilang mga paborito, pangkulay, at pandikit.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 41–42. Ibigay ang tumpak na sagot upang lalong maalala ng mga mag-aaral ang mga natutuhan sa nakaraang pagtalakay.

Page 27: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

27

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang konsepto ng collage. Ipaliwanag sa kanila ang mga panuto at mga bagay na dapat gawin sa paggawa ng nito. Ipaliwanag ang mga bagay na hindi naunawaan ng mga mag-aaral tungkol sa mga panuto.

3. Panlinang na Gawain

a. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang gawin ang kanilang collage. Ibilin ang paggawa ng sarili nilang titulo o pamagat para sa kanilang ginawa.

b. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang ginawang collage.

4. Pangwakas na Gawain

a. Isagawa ang estratehiyang “Dugtungan.” Dudugtungan ng mga mag-aaral ang sumusunod na mga pahayag:i. Paborito ko si dahil

.ii. Paborito ko ang tsokolate ngunit

.iii. Masarap mamasyal sa

dahil .

Page 28: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

28

5. Pagtataya

Ipasagot ang pagsasanay A–B sa “Pagtataya” sa pp. 43–45. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutin ang pagsasanay. Iproseso sa mga mag-aaral ang mga tumpak na sagot.

6. Takdang-aralin

Ipabasa sa mga mag-aaral ang susunod na paksa. Ipatala sa kanilang kuwaderno ang mahahalagang datos at konsepto upang magamit sa mga darating na pagsasanay.

Page 29: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

29

Aralin 4 – Ang Aking Kuwento

I. Mga Layunin

1. Natatalakay ang mahahalagang konsepto na may kaugnayan sa kuwento ng buhay ng isang tao;

2. Nakagagawa ng timeline upang makita at maunawaan ang mga pagbabagong naganap sa buhay ng isang tao; at

3. Napahahalagahan ang mga pagbabago na nagaganap sa isang tao sa paglipas ng mga taon.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang bawat tao ay may kuwento tungkol sa kaniyang pinagmulan at ng kaniyang buhay sa kabuuan. Ang ating paglaki ay naaapektuhan ng mga taong nakapaligid sa atin. Sila ang ating mga magulang, kaibigan, at iba pang mahal sa buhay.

B. Paksang Aralin

Ang Aking Kuwento

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 47–60

Page 30: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

30

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 47. Ibigay ang mga tumpak na sagot pagkatapos ng ilang minutong pagsasagot ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 49–50. Ipakilala ang ilan sa mga mahahalagang salitang natagpuan sa puzzle na maaaring matalakay sa aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Magbigay ng pokus sa aralin sa kahalagahan ng kaarawan na kung saan ay madalas nating naipagdiriwang.

b. Magpakita ng kalendaryo. Tumawag ng ilang mga mag-aaral at pabilugan ang buwan at araw ng kanilang kapanganakan. Tanungin ang mga ito kung paano nila madalas na ipagdiwang ang kanilang mga kaarawan.

Page 31: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

31

c. Magpakita ng isang graphic organizer. Dito ay nakatala ang ilan sa mahahalagang mga edad kung saan ay may pagdiriwang na nagaganap para sa isang tao. Ipaliwanag ang dahilan nito.

1

7

1821

40 Mahahalagang Taon/Edad

4. Pangwakas na Gawain

Pagkatapos talakayin ang tungkol sa kaarawan at edad ay tumawag ng ilang piling mag-aaral na magbabahagi ng kanilang karanasan tuwing mayroong selebrasyon ng kanilang kaarawan. Itanong at ipasalaysay kung ano ang madalas na ginagawa ng kanilang pamilya sa mga nabanggit na pagkakataon.

5. Takdang-aralin

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Mag-isip Tayo!” sa p. 48. Iproseso ito sa susunod na pagtalakay.

Page 32: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

32

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Balikan ang takdang-aralin na ipinagawa. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase ang ginawa nilang pagbabahagi sa kuwento ng kanilang buhay gamit ang ilang mahahalagang larawan.

2. Talasalitaan

a. Ipakilala sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga terminolohiya gamit ang flashcards o PowerPoint presentation. Ang mga ito ay ang sumusunod na salita:i. Magulangii. Kapatidiii. Tiyo o Tiyaiv. Pinsanv. Pamangkinvi. Lolo o Lola

b. Magbigay ng ilang halimbawa ng sitwasyon upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga konsepto.

Page 33: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

33

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa ikalawang araw ang kuwento ng pinagmulan ayon sa iba’t ibang mga tao na bahagi ng kanilang buhay. Tumawag ng ilang mag-aaral at tanungin kung sino-sino ang kasama nila sa kanilang bahay.

b. Talakayin ang papel na ginagampanan ng mga mahahalagang taong ito sa kanilang buhay.

c. Pagawain ang mga mag-aaral ng family tree kung saan ay isusulat ang mga mahahalagang miyembro ng kanilang pamilya.

d. Tumawag ng ilang piling mag-aaral upang ibahagi ang kanilang family tree.

4. Pangwakas na Gawain

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 50–52. Iproseso ang mga sagot na ibinigay ng ilang piling mag-aaral.

5. Takdang-aralin

Sa kanilang kuwaderno ay ipatukoy sa kanilang mga magulang ang mga mahahalagang nangyari sa kanilang buhay noong sila ay nasa mga sumusunod

Page 34: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

34

na edad: 1, 2, 3, 4, 5 at 6. Ipalista ang pinakamagandang pagbabagong naganap sa kanila sa pagtungtong nila sa edad na nabanggit.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa p. 56. Dito ay inaasahan ang mga mag-aaral na gumawa ng isang diary entry tungkol sa mga naikuwento ng kanilang magulang ukol sa kanilang pinagmulan. Itanong din kung ano para sa kanila ang pinakamahalagang pagbabagong naganap sa kanilang buhay.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang konsepto ng timeline. Pagawain nito ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbuo sa mga sumusunod na halimbawa ng graphic organizer sa ibaba. Gamitin ang ginawang takdang-aralin upang mailagay ang mga sagot sa timeline.

1 2 3 4 5

Page 35: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

35

3. Panlinang na Gawain

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang timeline. Bigyan ng ilang minuto upang maisakatuparan ang gawain at pagkatapos ay tumawag ng ilang mga mag-aaral upang maibahagi ang kanilang mga sagot.

b. Talakayin sa mga mag-aaral kung ano-ano ang mga kagamitang nagbago sa kanila sa paglipas ng panahon. Ipaisa-isa sa mga mag-aaral ang ilan sa mga bagay na kanilang ginagamit noon na hindi na nila ginagamit sa kasalukuyan.

4. Pangwakas na Gawain

a. Bigyan ng prosesong tanong ang mga mag-aaral. i. Bakit mahalagang malaman ng isang

tao ang kuwento ng kanilang buhay?ii. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng

tamang desisyon sa buhay?

5. Pagtataya

a. Ipasagot ang pagsasanay A–C ng “Pagtataya” sa pp. 57–59. Iproseso ito sa susunod na talakayan.

Page 36: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

36

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 47)

5 12 43 6

Pagtataya

B. (p. 58)

a. 1 2 3 4 b. 2

413

c. 4213

Page 37: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

37

Aralin 5 – Ang Aking Pangarap

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang konsepto ng pangarap at kung ano-ano ang maaaring matamo ng isang tao balang araw;

2. Nakagagawa ng isang panata upang matupad ang pangarap sa buhay; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagsisikap at pagtitiyaga kasama ang pagpapahalaga sa edukasyon upang matamo ang mas magandang buhay gamit ang pangarap.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang lahat ng tao ay may kani-kaniyang pangarap na nais matamo na nagsisilbing inspirasyon upang lalong magsikap, maging magaling, at masiguro ang mas magandang buhay sa hinaharap. Ang mga pangarap ay maaaring naiimpluwensiyahan ng ibang tao na ating nakakasama at nakakasalamuha tulad ng ating mga magulang at kapatid ngunit may mga pangarap na likas sa atin at magandang elemento ito upang mabago ang ating perspektibo at pananaw sa pang-araw-araw nating pamumuhay.

Page 38: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

38

B. Paksang Aralin

Ang Aking Pangarap

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 61–74

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 61. Ibigay sa mga mag-aaral ang mga tumpak na sagot. Iproseso rin ang ginawang takdang-aralin kamakailan.

2. Talasalitaan

Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutin ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 62–64. Pagkatapos nilang bilugan ang mga salita sa puzzle ay ipasagot sa kanila ang mga karagdagang katanungan sa ibaba. Mula sa mga natagpuang salita ay tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang ginagawa ng mga taong ito ayon sa kanilang sariling pang-unawa.

Page 39: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

39

3. Panlinang na Gawain

Bigyan ng bond paper ang bawat isang mag-aaral. Bigyan sila ng ilang minuto para gumuhit ng simbolismo na kakatawan sa kanilang pangarap sa buhay. Maaari nilang isa-isahin ang kanilang mga pangarap sa buhay. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga sagot.

4. Pangwakas na Gawain

a. Ipabasa sa mga mag-aaral ang bahaging “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 64–67. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ipabasa ang bahaging ito. Bigyan ng prosesong tanong ukol sa mga binasa. i. Ano ang pangarap ni Rheena?

Lawrence? Mitch? Red? Missy?ii. Bakit nila napili ang pangarap ma

iyon?

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magpakita ng video clip tungkol sa ilang personalidad na natamo ang kanilang pangarap katulad nina Noynoy Aquino na naging pangulo ng bansa, si Charice Pempengco at Sarah Geronimo na naging sikat na mang-aawit, at si Lisa Macuja na naging isang prima ballerina.

Page 40: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

40

2. Talasalitaan

a. Magsagawa ng larong “Picture Puzzle.” Magpakita ng mga larawan at ipahanda sa mga mag-aaral ang kanilang flashcards. Ibilin sa mga mag-aaral na ilalagay nila ang mga sagot dito. Ang mga ipakikitang larawan ay ang sumusunod:i. narsii. doktoriii. titseriv. arkitektov. abogado

b. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang pang-unawa sa mga salitang naipakilala ng mga larawan.

3. Panlinang na Gawain

Talakayin ang mga pangarap ng isang tao ayon sa propesyon. Magpakita ng mga larawan at habang lumalabas ito ay tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang ginagawa ng mga ito sa tungkulin at responsibilidad na nakaatang sa kanila. Tukuyin kung sino sa mga mag-aaral ang nagnanais ng ganoong mga propesyon balang araw.

Page 41: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

41

4. Pangwakas na Gawain

Iparinig sa mga mag-aaral ang kantang I Believe I Can Fly. Mula sa awiting ito ay tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mensahe ng awitin. Tumawag ng ilang mga mag-aaral na maaaring magbahagi ng kanilang mga sagot.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magpakita ng ilang larawang ipininta ng mga sikat na alagad ng sining katulad ng likha ni Juan Luna o kaya naman ay tula na “Sa Aking mga Kabata” ni Jose Rizal. Ipabasa sa mga mag-aaral ang tula at pagkatapos ay tanungin ang mga ito sa kanilang pang-unawa ukol sa nabasa.

2. Talasalitaan

a. Magpakita ng flashcards na mayroong sumusunod na mga salita:i. ballet dancerii. pintoriii. manunulat

b. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kaalaman nila sa mga nabanggit na salita.

Page 42: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

42

3. Panlinang na Gawain

Talakayin ang iba’t ibang mga pangarap ayon sa talento at kakayahan. Magpakita ng talahanayan at tumawag ng ilang mag-aaral upang punan ang talahanayan.

Mga Sikat na Mang-Aawit

Mga Taong Magaling Magsayaw

Magaling na Manunulat

Magaling sa Pagpipinta

4. Pangwakas na Gawain

Sa kanilang kuwaderno ay pasulatin ng isang panata ang mga mag-aaral. Ipatala ang kanilang mga pangako upang matamo ang kanilang mga pangarap. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga sagot.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay A–B ng “Paglalahat” sa pp. 73–74. Ibigay ang mga tumpak na sagot.

Page 43: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

43

6. Takdang-aralin

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 74. Ibahagi ang mga sagot sa susunod na pagtalakay.

2. Pasagutan ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 76–79.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 61)

a. LEA SALONGAb. MANNY PACQUIAOc. NOYNOY AQUINO

Paglalahat

A. (p. 73)

1. doktor 4. abogado2. guro 5. piloto3. arkitekto

Markahang Pagsasanay

Sagutan (p. 76)

1. d 4. c2. c 5. c3. c

Page 44: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

44

IKALAWANG MARKAHANANG AKING KUWENTO

Pangunahing Pang-unawa:

Naipamamalas ang pag-unawa sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao at ang pagpapahalagang kanyang dadalhin upang magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Pangunahing Katanungan:

Paano nakaaapekto ang kasaysayan ng pinagmulan ng isang pamilya sa buhay ng isang tao sa kasalukuyan?

Aralin 1 – Ang mga Miyembro ng Aking Pamilya

I. Layunin

1. Natutukoy ang iba’t ibang mga tao na bumubuo sa isang pamilya;

2. Nakapaglalahad sa pamamagitan ng simulasyon ng mahahalagang gampanin ng bawat miyembro ng pamilya; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng bawat kasapi tungo sa pagtamo ng maayos na pamilya.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang pamilya ay ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang yunit ng isang lipunan.

Page 45: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

45

Mahalaga ang pagganap sa papel ng bawat kasapi nito upang maging maayos at masaya ang pamilya.

B. Paksang Aralin

Ang Miyembro ng Aking Pamilya

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 81–97

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!!” at “Mag-isip Tayo!!” sa pp. 81–82. Gawin ang pagtutumpak at pagbabahagi ng mga tamang kasagutan.

2. Talasalitaan

a. Ipakilala sa mga mag-aaral ang mga salita na matatalakay sa buong aralin. Ipasagot ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 82–83. Bigyan ang mga mag-aaral ng ilang minuto upang mahanap at mabilugan ang mga salita.

Page 46: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

46

b. Iproseso ang mga nabilugang salita upang magkaroon ng simpleng pang-unawa ang mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng isang graphic organizer.

b. Hatiin sa limang pangkat ang klase. Itanong: “Saan ninyo maaaring ihalintulad ang bawat kasapi kung ang isang pamilya ay katulad ng isang puno?” Bawat pangkat ay magbibigay ng kani-kanilang interpretasyon na kanilang ibabahagi pagkatapos ng

Page 47: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

47

limang minutong paghahanda ng kanilang gawa.

4. Pangwakas na Gawain

Itanong sa mga mag-aaral: “Bukod sa isang matatag na puno, saan ninyo pa maaaring ihalintulad ang inyong sariling pamilya?”

Bigyan ng pagkakataon na makapag-isip ang mga mag-aaral ng kanilang sariling interpretasyon at pagkatapos ay tumawag ng isang miyembro sa bawat pangkat upang maibahagi ang kanilang mga sagot.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 84–85.

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang limang pangkat ay inaasahang sabay-sabay na magbabasa ng tig-dadalawang pangungusap mula sa laman ng diary. Ipasagawa ang dugtungang pagbabasa kung saan ay ibabahagi ng ilang piling mag-aaral ang kanilang sagot sa mga katanungan ng nasabing pagsasanay.

Page 48: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

48

2. Talasalitaan

a. Gamitin ang mga titik ng salitang TATAY/NANAY/ANAK. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral na bumuo ng akrostik at bigyan ng iba’t ibang katangian ang mga titik na nakatakda sa bawat hanay. i. 1–2 TATAYii. 3–4 NANAYiii. 5 ANAK

b. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

3. Panlinang na Gawain

a. Pagsagawain ng isang simulasyon o role playing ang bawat pangkat.i. 1–2 Gampanin ng isang Tatay sa

isang pamilyaii. 3–4 Gampanin ng isang Nanay sa

isang pamilyaiii. 5 Gampanin ng isang anak sa

isang pamilya

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ng diary entry ang mga mag-aaral. Gamiting pamagat ng paksa ang: “Mahal Ko Sila” at ipatala sa mga mag-aaral ang mga dahilan kung bakit mahal nila ang bawat kasapi ng kanilang pamilya.

Page 49: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

49

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 92–93. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

2. Talasalitaan

a. Bigyan ng maliit na papel ang mga mag-aaral. Pagawain sila ng shout out o hashtag.

Ang shout out o hashtag ay ginagamit upang magpahayag ng damdamin at saloobin. Ang paksa na gagamitin ay: “Bukod sa iyong pamilya, sino pa ang pinakahinahangaan mo?”

Halimbawa: #labskosilola

b. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

Page 50: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

50

3. Panlinang na Gawain

Magpakita ng isang blangkong concept map. Papunan sa mga mag-aaral ang mga katangian at gampanin ng sumusunod:

Lolo at

Lola

Tiyo at

Tiya

Pinsan

Pamangkin

4. Pangwakas na Gawain

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Paglalahat” sa p. 94.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay A–C ng “Pagtataya” sa pp. 95–96.

Page 51: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

51

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Gumawa Tayo!” sa p. 97. Iproseso ito sa unang araw ng susunod na pagkikita.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 81)

Nanay Tatay TiyoAte Kuya

Paglalahat (p. 94)

Nanay Ate/KuyaTatay Lola

Pagtataya (p. 95)

A. 1. J 4. J 2. J 5. L 3. L

B. 1. 4. P 2. P 5. 3.

Page 52: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

52

Aralin 2 – Ang Kuwento ng Aking Pamilya

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtuklas ng pinagmulan ng isang pamilya;

2. Nakabubuo ng skit na nagpapakita ng pinagmulan ng isang pamilya; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pinagmulan ng pamilya sa pagpapatatag at pagpapatibay nito.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang bawat pamilya ay may kani-kaniyang kuwento ng pinagmulan na lalong nagpatibay at nagpatatag sa mga nakalipas na panahon.

B. Paksang Aralin

Ang Kuwento ng Aking Pamilya

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 98–111

Page 53: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

53

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 98–99. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot sa klase.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 99–100. Dito ay makikilala nila ang mga salitang family tree, apelyido, birthplace, kaugalian, at tradisyon. Tanungin ang mga mag-aaral sa kanilang kaalaman ukol sa mga salitang nabanggit. Magbigay ng paliwanag.

3. Panlinang na Gawain

a. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang punan ang sumusunod:i. Apelyidoii. Lugar ng Kapanganakan ng Nanay

at Tatayiii. Kaugaliang Likas sa Pamilyaiv. Tradisyon

Page 54: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

54

b. Ipagawa ang estratehiyang “Think-Pair-Share.” Ipabahagi sa mga mag-aaral sa kanilang katuwang na kaklase ang kanilang mga sagot at tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang nakuhang kuwento.

4. Pangwakas na Gawain

Ipasagawa ang estratehiyang “Two-minute Essay.” Bigyan ng dalawang minuto ang mga mag-aaral upang sumulat ukol sa paksang: “Angat sa Iba ang Pamilya Ko”.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Sabay-sabay na ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwento ni Noynoy Aquino sa p. 101 at pasagutan ang mga kasunod na tanong sa p. 102. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbibigay ng sagot.

2. Talasalitaan

a. Magpakita ng ilang salita na nakasulat sa flashcards. Tanungin ang mga mag-aaral ukol sa mga salitang ito:i. Panganayii. Apelyidoiii. Politiko

Page 55: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

55

iv. Katayuan sa buhayv. Ampon

b. Iproseso ang mga salitang ito at ipaliwanag nang mabuti sa mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin ang iba’t ibang kuwento ng pinagmulan na makikita sa “Tandaan Mo” sa pp. 102–105. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at bawat isa ay magpakita ng isang skit na tumatalakay sa kuwento nina:i. Romeoii. Edwiniii. Danieliv. Luisa

4. Pangwakas na Gawain

Tawagin ang ilang mag-aaral at ipabahagi sa kanila ang sagot sa tanong na: “Ikaw, ano ang kuwento ng buhay mo?”

5. Takdang-aralin

Pasagutan ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 106–107.

Page 56: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

56

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga sagot sa takdang-aralin. Magpakita ng larawan ng sumusunod na okasyon upang lalong maalala at makita ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng ganoong okasyon sa kuwento ng kanilang buhay.

2. Talasalitaan

a. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng sumusunod na salita:i. Kasalii. Binyag iii. Kaarawan

3. Panlinang na Gawain

Ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwento ni Rence at Reen sa “Paglalahat” sa pp. 107–108. Tumawag ng isang bata sa unahan na mangunguna sa pagbabasa. Pagkatapos ay ipasagot sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan sa pp. 108–109. Isagawa ang pagtatama sa mga sagot ng mag-aaral.

Page 57: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

57

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ang mga mag-aaral ng isang liham para sa kanilang mga magulang. Ipalagay ang kanilang ipinagpapasalamat sa kani-kanilang mga magulang batay na rin sa kani-kanilang mga natutuhan na kuwento ng kanilang buhay.

5. Pagtataya

Pasagutan ang pagsasanay sa “Pagtataya” sa p. 110. Sabay-sabay na ipasagawa ang pagwawasto.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 111.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Natuklasan mo na ba? (pp. 101–102)

1. Benigno Simeon Aquino III2. Corazon at Benigno Aquino3. Tarlac4. pagpaslang sa ama5. 2

Page 58: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

58

Paglalahat (pp. 107–109)

1. c2. a3. b4. c5. c

Pagtataya (p. 110)

A. 3 B. 54 15 31 42 2

Page 59: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

59

Aralin 3 – Ang Alituntunin ng Pamilya

I. Layunin

1. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang iba’t ibang alituntunin ng pamilya at mga kasapi nito;

2. Nakagagawa ng sariling alituntunin na magsasaayos at lalong magpapatatag sa pamilya; at

3. Napahahalagahan ang pagsunod sa mga alituntuning itinakda.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang bawat pamilya ay may mga alituntunin na madalas ay likha ng mga magulang upang maging maayos ang pang-araw-araw na pamumuhay.

B. Paksang Aralin

Ang Alituntunin ng Pamilya

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 112–123

Page 60: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

60

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 112 at “Mag-isip Tayo!” sa p. 113. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga sagot.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 113–114. Ipasulat sa ilang piling mag-aaral ang mga salitang nakita nila sa puzzle at tanungin ang mga ito kung ano ang pagkaunawa nila sa salita.

3. Panlinang na Gawain

Magpanood ng isang video na akma sa paksa ukol sa alituntunin sa pamilya. Bigyan ng prosesong tanong ang mga mag-aaral at talakayin bakit mahalaga ang alituntunin gayundin ang aral ng kuwentong napanood.

Page 61: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

61

4. Pangwakas na Gawain

Itanong: “Ano ang pinakamahalagang alituntunin ng inyong pamilya?” Tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwento ng batang si Dexter sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 115–116. Pagkatapos ay ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong ukol sa kuwento. Tumawag ng ilang mag-aaral upang maibigay ang kanilang sagot.

2. Talasalitaan

a. Mula sa nabasang kuwento ay hingin ang paglalarawan ng mga mag-aaral sa mga sumusunod na salita:i. mabaitii. makulitiii. customer serviceiv. mall

b. Magbigay ng ilang halimbawa upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga salitang nakalista sa itaas.

Page 62: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

62

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin sa anim na pangkat ang klase. Magpagawa sa mga mag-aaral ng isang pagsasatao ukol sa sumusunod:i. Una at Ikalawang Pangkat –

Alituntunin para sa Magulang at Iba Pang Kasapi ng Pamilya

ii. Ikatlo at Ikaapat na Pangkat – Alituntunin para sa Maayos na Tahanan

iii. Ikalima at Ikaanim na Pangkat – Alituntunin para sa Kapwa

b. Pagkatapos ng pagtatanghal ay ipabuod sa mga mag-aaral ang mahahalagang alituntunin.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang presentasyong ginawa ng mga mag-aaral.

5. Takdang-aralin

Pasagutan ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 120–121.

Page 63: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

63

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Iproseso ang takdang-aralin na ipinagawa sa mga mag-aaral. Tumawag ng ilang mag-aaral at ipabahagi ang kanilang sagot ukol sa mga tradisyon at nakagawian ng kani-kanilang pamilya. Itala ang mahahalagang mababanggit ng mga mag-aaral at iproseso ang kanilang mga sagot.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang konsepto ng responsibilidad. Tanungin ang mga ito ng kanilang pang-unawa sa salita. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng salitang ito at kung paano makaaapekto sa isang tao ang hindi pagganap sa responsibilidad at alituntunin.

3. Panlinang na Gawain

Hatiin ang klase sa limang pangkat at bigyan ang mga mag-aaral ng isang cartolina at mga panulat. Pagawain ang mga mag-aaral ng sariling alituntunin kung paano lalong magiging maayos at matatag ang kanilang pamilya. Bigyan ng ilang minuto upang mapag-usapan ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot at gayundin

Page 64: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

64

ang pagtatalaga ng ilang mga mag-aaral upang iulat o ibahagi ang kanilang nabuong alituntunin sa harap ng kapwa mag-aaral.

4. Pangwakas na Gawain

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Paglalahat” sa p. 121. Iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral.

5. Pagtataya

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga mahahalagang tanong na nasa “Pagtataya” sa p. 122. i. Bakit kailangang sundin ang

mga alituntunin ng iyong mga magulang?

ii. Bakit kailangang sundin ang alituntunin ng ating kapwa?

b. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang sagot sa klase.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo!!” sa p. 123. Iproseso ang mga sagot sa bahaging ito sa susunod na talakayan.

Page 65: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

65

Mga Sagot sa Pagsasanay

Paglalahat (pp. 121–122)

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

Page 66: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

66

Aralin 4 – Mga Pinahahalagahan ng Bawat Pamilya

I. Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang mga pinahahalagahan ng bawat pamilyang Pilipino;

2. Nakabubuo ng isang panata tungkol sa mga kaugalian at paniniwala na napanatili sa paglipas ng panahon at sa pang-araw-araw na pamumuhay; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting asal at kaugalian na namana sa bawat pamilya.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang pamilyang Pilipino ay maraming pinahahalagahan. Lahat ng ito ay nakatutulong upang lalong mapagbuklod at maging masaya ang pamilya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay naisasagawa ang lahat ng ito, ngunit kung maisasakatuparan ay tiyak na mas magiging maunlad hindi lamang ang buong pamilya kundi maging ang buong bansa.

B. Paksang Aralin

Mga Pinahahalagahan ng Bawat Pamilya

Page 67: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

67

C. Sanggunian

Siglo 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 124–140

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 124.

b. Ibigay ang ilang prosesong mga tanong na makikita sa “Mag-isip Tayo!” sa p. 125:

i. Bukod sa mga nasa larawan sa nakaraang pahina, ano ang iyong pinahahalagahan na lagi mong ginagawa sa pang-araw-araw na pamumuhay?

ii. Bakit mahalaga sa isang pamilya na may mga mabubuting kaugaliang naisasabuhay?

iii. Bakit nagkakaiba-iba ang pinahahalagahan ng bawat pamilya?

c. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga sagot.

Page 68: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

68

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 125–126. Ipakilala sa mga mag-aaral ang mga nakasalungguhit na salita sa aklat katulad ng pagmamahalan, paggalang, pagtutulungan, pagsisikap, pagtitiyaga, pagkakabuklod, pagdarasal, pagmamalasakit, at kabutihang loob. Magbigay ng ilang halimbawang sitwasyon upang pahapyaw na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga konsepto.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita sa mga mag-aaral ng iba’t ibang mga larawan: Pamilya Cruz at Pamilya Santos. i. Pamilya Cruz

• Nagdarasalbagokumain• Magkakasamangkumakain• Nagsisimba ng sama-sama

tuwing Linggo• Nagdarasalbagomatulog

ii. Sa bawat larawan ay tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang masasabi nila sa pamilya Cruz at sa mga pinahahalagahan nito. Iproseso ang pagkakatulad ng kanilang pamilya sa pamilya sa batayang aklat.

Page 69: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

69

b. Pamilya Santos• Nagtutulungan sa mga

pangangailangang pinansiyal sa tahanan

• Naglulutongspaghetti at fried chicken tuwing may okasyon

• Iniimbitahan ang mga kaibigan atkaanak tuwing may okasyon

• Pagtira ng lolo at lola ni Diane sakanilang bahay

• Gumagamitng“po”at“opo”

c. Iproseso ang iba’t ibang mga pinahahalagahan ng bawat pamilya at mga tauhang nabanggit sa batayang aklat. Ipaliwanag nang maigi ang magiging sagot ng mga mag-aaral.

4. Pangwakas na Gawain

Ipapuno sa mga mag-aaral ang isang symbolic organizer. Ipatala sa bawat isang mag-aaral ang mga pinahahalagahan ng kanilang pamilya.

Pinahahalagahan ng Aking Pamilya

Page 70: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

70

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga naging sagot sa pangwakas na gawain sa nakaraang pagkikita. Ipabahagi sa mga mag-aaral ang iba’t ibang pinahahalagahan ng kani-kanilang pamilya.

2. Talasalitaan

Balikan ang mga ipinakilalang salita o konsepto sa unang araw ng talakayan. Talakayin nang mas malalim ngayon ang mga salitang pagmamahalan, paggalang, pagtutulungan, pagsisikap, responsibilidad, pagkakabuklod-buklod, pagdarasal, at pagtanaw ng utang na loob. Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng kanilang pagkaunawa sa mga salitang ito.

3. Panlinang na Gawain

a. Bigyan ng pangkatang gawain ang mga mag-aaral. Hatiin ang klase sa walong pangkat at ipatala sa mga mag-aaral sa whiteboard ang mga ginagawa ng kanilang pamilya upang maipakita

Page 71: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

71

ang sumusunod na pinahahalagahan ng bawat pamilya:i. Unang Pangkat – Pagmamahalanii. Ikalawang Pangkat – Paggalangiii. Ikatlong Pangkat – Pagtutulunganiv. Ikaapat na Pangkat – Pagsisikapv. Ikalimang Pangkat –

Responsibilidadvi. Ikaanim na Pangkat –

Pagkakabuklod-buklodvii. Ikapitong Pangkat – Pagdarasalviii. Ikawalong Pangkat – Pagtanaw

ng Utang na Loob

b. Bigyan ng ilang minutong paghahanda ang mga mag-aaral at pagkatapos ay isa-isang ipaulat at ipabahagi sa mga ito ang kanilang mga sagot. Iproseso ang mga kasagutan ng bawat pangkat.

4. Pangwakas na Gawain

Magpakita ng isang video na halaw sa isang awitin ni Fatima Soriano na may pinamagatang “Aking Alay.” Pagkatapos ay ibigay ang sumusunod na mga prosesong tanong sa mga mag-aaral:i. Ano ang nais iparating ng awiting ito

sa ating lahat?ii. Ano ang pinakamahalaga sa mga

konseptong natalakay?

Page 72: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

72

5. Takdang-aralin

Pagdalahin ang mga mag-aaral ng pangkulay, 1/8 illustration board, at permanent markers.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin” sa pp. 136–137. Iproseso ang mga tumpak na sagot.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang konsepto ng panata at ang kahulugan at kahalagahan nito. Magbigay ng halimbawa nito katulad ng “Panunumpa sa Watawat” na isinasagawa ng mga mag-aaral tuwing may flag ceremony.

3. Panlinang na Gawain

Ipalabas sa mga mag-aaral ang mga ipinadalang mga gamit: illustration board, permanent markers, at pangkulay. Dahil naunawaan na ng mga mag-aaral ang konsepto ng panata ay pagawain ang bawat isa sa kanila ng isang panata na kanilang susundin tungkol sa iba’t ibang mahalagang kaugaliang kanilang pahahalagahan

Page 73: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

73

at pananatilihin hanggang sa kanilang paglaki. Pagamitin sila ng permanent markers at mga pangkulay upang lalong maging maganda ang kanilang likha.

4. Pangwakas na Gawain

Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawang panata.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay A–B sa “Pagtataya” sa pp. 138–139. Iproseso ang mga tumpak na sagot.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 140. Iproseso ang gagawin nilang liham para sa kanilang ama at ina sa susunod na pagtalakay.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 124)

PAGMAMANO PAGDARASALPAGTULONG PAGGALANG

Page 74: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

74

Tuklasin Mo (pp. 136–137)

1. Pagtanaw ng Utang na Loob2. Pagdarasal3. Pagmamahalan4. Paggalang

Pagtataya (pp. 138–139)

A.

B. 1. Paggalang Sumasagot ng “po” at “opo” si Melissa kapag

kausap ang kanyang lolo at lola. 2. Responsibilidad

Tinutulungan ni Ana ang kanyang ate sa paglilinis ng kanilang kuwarto

3. Pagsisikap Nag-aaral nang maigi si Carmela upang

makakuha ng mataas na marka4. Pagmamahalan Binigyan ng tulong ni Lawrence si Rheena at

ang kanyang pamilya. Nagdiwang ng anibersaryo ang nanay at tatay

ni Lyn.

Page 75: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

75

Aralin 5 – Ang Pamilya Ko at ang Pamilya Mo

I. Layunin

1. Naipaliliwanag ang mga kaugalian ng bawat pamilya gayundin ang kanilang pakikipagkapwa-tao;

2. Nakaguguhit ng larawan na nagpapaalaala sa bawat mag-aaral ng kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagrespeto sa mga kaugalian ng ibang pamilya at ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa ibang tao.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang lahat ng pamilyang Pilipino ay inaasahang makikipamuhay sa iba. Mahalaga na may respeto, pagmamahalan, at pag-uunawaan hindi lamang sa mga miyembro ng pamilya sa loob ng tahanan kundi maging sa ibang tao sa pamayanan. Ang magandang pundasyon ng pamilya ang gagabay sa bawat miyembro upang maging maunawain, magalang, mapagmahal, at mapagmalasakit na tao.

Page 76: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

76

B. Paksang Aralin

Ang Pamilya Ko at ang Pamilya Mo

C. Sanggunian SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 141–152

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 141.

2. Talasalitaan

Gamit ang PowerPoint o flashcards, ipakilala sa mga mag-aaral ang sumusunod na salita: pagtulong, pagbabahagi, paggabay, pagmamalasakit, pakikipagkaibigan, at pakikipag-unawaan.

Magbigay ng ilang halimbawa ng mga

sitwasyon upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga konseptong ito.

Page 77: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

77

2. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng isang maikling video na may kinalaman sa naganap na pinakamalakas na bagyo na naitala sa kasaysayan—ang Yolanda—kung saan marami sa mga Pilipino sa Visayas ang labis na naapektuhan. Pagkatapos ay tanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano ang mga nagawang tulong na naipaabot sa mga nasalanta na napanood nila sa video.

b. Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo. Ipasulat sa kanila sa whiteboard ang kanilang mga gagawin kung sakaling maulit ang ganitong sitwasyon sa kanilang lugar o sa ating bansa. Itanong kung ano ang kanilang gagawin para sa kanilang pamilya at sa ibang tao.

3. Pangwakas na Gawain

Magsagawa ng isang laro: “Pagtapat-tapatin.” Gamit ang mga salita na may kahulugan na naipakilala sa talasalitaan ay itatapat ito ng mga mag-aaral sa tama nitong kahulugan.

Page 78: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

78

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 144–145. Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot at iproseso rin ang mga tumpak na kasagutan.

2. Talasalitaan

a. Magpakita ng ilang mga salita katulad ng sumusunod:i. Respetoii. Pagmamahaliii. Pagmamalasakit

b. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng ilang halimbawang sitwasyon kung paano nila ipinakikita ang mga ganitong gawain sa ibang tao.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng video kung saan isinasadula ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga tao sa kanilang pamilya at kapwa.

b. Pagkatapos ay talakayin sa mga mag-aaral ang mahahalagang impormasyon

Page 79: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

79

na kanilang nakita sa video at talakayin ang kahalagahan ng respeto, pagmamahal, at pagmamalasakit. Magbigay ng ilan pang halimbawa.

4. Pangwakas na Gawain

a. Papunan sa mga mag-aaral ang panimulang pangungusap na:i. Mahal ko ang aking magulang

dahil . . . ii. Ang respeto sa ibang tao ay

mahalaga upang . . .

b. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 148–49 ng batayang aklat. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutin ang pagsasanay. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga sagot.

Page 80: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

80

2. Talasalitaan

Talakayin sa mga mag-aaral ang kahulugan ng salitang pagmamalasakit. Magbigay ng ilang halimbawa ng sitwasyon kung saan naipakikita ito. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng iba pang halimbawa kung saan naipakikita ang pagmamalasakit.

3. Panlinang na Gawain

Atasan ang mga mag-aaral na gumuhit sa bond paper ng larawan na nagpapakita ng simbolo ng pakikipagkapwa-tao at pagmamalasakit. Maaaring kulayan ito ng mag-aaral. Bigyan sila ng ilang minuto at pagkatapos ay tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang ginawa.

4. Pangwakas na Gawain

Ipakita ang lahat ng ginawa ng mga mag-aaral.

5. Pagtataya Ipasagot ang pagsasanay A–B ng

“Pagtataya” sa pp. 150–152. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga naging sagot.

Page 81: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

81

6. Takdang-aralin

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo!”sa p. 152.

2. Pasagutan ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 154–158.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Tuklasin Mo (p. 148)

Pakikipag-ugnayan sa Pamilya

Pakikipag-ugnayan sa Ibang Tao

magagalang at mapagmahal ang mga bata

hindi nag-aaway ang magkakapitbahay

nagmamahalan ang magkakapatid lahat ay nagtutulungan

lahat ay nagtutulungannaglilinis ang lahat ng kanilang bakuran para maiwasan ang pagbahapagtulong sa kapitbahay sa oras ng kagipitan

Pagtataya

A. (p. 150)

1. PP 4. PK2. PP 5. PK3. PK

Page 82: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

82

Markahang Pagsasanay

Sagutan (pp. 154–155)

1. c2. b3. a4. c5. c6. b

Pag-isipan (pp. 155–156)

1. Cristina Melencio2. nasa Canada ang nanay ni Crsitina3. Lola Vicky, Lola Ines, at Tiya Macy4. Inaalagaan niya kapag walang pasok at namamasyal

sila sa parke.5. Magtulungan sa bahay at laging maging magalang.

Dapat magmahalan at magkasama bilang pamilya.6. magtiyahin

Page 83: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

83

IKATLONG MARKAHANANG AKING PAARALAN

Pagsasabuhay ng Mithiin:

Nauunawaan ang papel na ginagampanan ng paaralan sa paghubog sa talino, kakayahan, at wastong kaugalian ng isang tao upang maihanda siya sa isang mas magandang kinabukasan.

Pangunahing Katanungan:

Bakit kailangang mag-aral ang isang tao?

Aralin 1 – Ang Aking Paaralan

I. Layunin

1. Naiisa-isa at nailalarawan ang iba’t ibang mga lugar sa paaralan;

2. Nakabubuo ng isang mapa na nagpapakita ng iba’t ibang mahahalagang lugar sa isang paaralan; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng bawat lugar sa paaralan upang matamo ang mas maayos na pagkatuto.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang paaralan ay isang lugar kung saan natututo ang mga mag-aaral. Ang mga bahagi

Page 84: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

84

nito ang nagbibigay daan upang malinang ang kanilang kakayahan, natututong makipagkaibigan, at maging responsable sa kanilang mga gawain.

B. Paksang Aralin

Ang Aking Paaralan

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 160–171

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 160.

2. Talasalitaan

Ipahanap ang ilang mahahalagang salita na nakasalungguhit sa pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa p. 161 at pasagutan ang mga kasunod na katanungan sa p. 162. Iproseso ang mga salitang ito upang maunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto sa likod ng mga salitang ito. Tanungin din ang mga mag-aaral kung

Page 85: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

85

mayroon silang ideya ukol sa mga nabanggit na salita.

3. Panlinang na Gawain

Magpakita ng isang malaking larawan ng paaralan at idikit ito sa whiteboard o pisara. Bigyan ang mga mag-aaral ng maliliit na papel na may double-sided tape sa likod. Atasan ang mga mag-aaral na isulat sa mga papel kung ano ang kanilang paboritong lugar sa paaralan. Ipadikit sa pisara ang kanilang mga sagot. Iproseso ang kanilang mga sagot sa pamamagitan ng pagtawag ng ilang mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga paliwanag sa kanilang ginawang pagpili.

4. Pangwakas na Gawain

Bigyan ng mahalagang tanong ang mga mag-aaral: “Bakit ba kayo nasa paaralan?” Iproseso ang magandang sagot ng ilang mag-aaral.

5. Takdang-aralin

Ipabasa sa mga mag-aaral ang tungkol sa iba’t ibang mga lugar sa paaralan sa “Tandaan Mo” na nasa pp. 164–167.

Page 86: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

86

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” na nasa pp. 162–163. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang magsagot at ibigay ang tumpak na sagot.

2. Talasalitaan

a. Ipakitang muli sa mga mag-aaral ang mga salitang naipakilala noong nakaraang pagkikita. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahulugan ng sumusunod:i. Silid-aralanii. Silid-aklataniii. Tanghalaniv. Kantinav. Palaruanvi. Klinikavii. Palikuran

3. Panlinang na Gawain

Hatiin ang klase sa pitong pangkat. Hayaang ipakita ng mga mag-aaral ang kadalasang ginagawa sa sumusunod na lugar sa paaralan: silid-aralan, silid-aklatan, tanghalan, kantina, palaruan,

Page 87: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

87

klinika, at palikuran. Bigyan ng ilang minutong paghahanda at pagkatapos ay ipasagawa ang paglalarawan.

4. Pangwakas na Gawain

a. Magbigay ng isang pagsasanay. Magpakita sa mga mag-aaral ng ilang pangungusap at ipalagay sa kanilang kuwaderno ang kanilang mga sagot.i. Dito kumakain at nakikisalamuha

ang mga mag-aaral Sagot: Kantinaii. Dito maaaring magamot ang mga

mag-aaral kung masama ang kanilang pakiramdam

Sagot: Klinikaiii. Dito nag-aayos ng ating sarili Sagot: Palikuraniv. Dito nagaganap ang talakayan ng

guro at mga mag-aaral Sagot: Silid-aralan

5. Takdang-aralin

Pagdalahin ang mga mag-aaral ng mga larawan ng iba’t ibang mga lugar sa paaralan, mga pangkulay, at pandikit.

Page 88: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

88

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa p. 168. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral upang matukoy ang mga hinihingi ng pagsasanay at ibigay ang mga tumpak na sagot.

2. Talasalitaan

a. Ipasagawa ang larong “Dugtungan.” Simulan ang bawat pangungusap at ipatuloy ito sa mga mag-aaral. Gamitin ang sumusunod:i. Ang paaralan ay . . . ii. Masayang pumasok dahil . . . iii. Naiiba ang aking paaralan dahil . . . iv. Ang paborito kong lugar sa

paaralan ay . . .

3. Panlinang na Gawain

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ng blangkong mapa ng paaralan ang mga mag-aaral. Hayaan ang mga ito na mailatag sa inihandang mapa ang mga larawan ng iba’t ibang lugar sa paaralan. Bigyan sila ng ilang minuto at pagkatapos ay ipakita ito sa buong klase.

Page 89: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

89

4. Pangwakas na Gawain

Bigyan ng marka ang ginawang mapa ng mga mag-aaral.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay A–C sa “Pagtataya” sa pp. 169–170.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 171.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 160)

1. PISARA2. BANDILA3. SILID-ARALAN

Pagtataya

C. (p. 170)

1. 6. 2. 7. P3. P 8. P4. P 9. 5. P 10. P

Page 90: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

90

Aralin 2 – Ang Kuwento ng Aking Paaralan

I. Layunin

1. Nababatid at naipaliliwanag ang kuwento ng sariling paaralang pinapasukan;

2. Nakagagawa ng presentasyon na nagpapakita ng malasakit sa paaralan gamit ang school hymn; at

3. Napahahalagahan ang mga bagay na nais ipaunawa ng sariling paaralan sa bawat isa nitong mag-aaral.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang paaralan ay isang lugar na binubuo ng mga estruktura, pasilidad, at mga tauhan na gumaganap ng papel upang masiguro ang kaunlaran nito. Natatamo ng mga mag-aaral ang kalidad ng edukasyon dahil sa pagtutulong-tulong ng mga kawani ng paaralan. Ang isang paaralang matatag, pampribado man o pampubliko, ay may iisang hangarin. Patuloy itong gagawa ng paraan upang lalong tumatag at magtagal.

Page 91: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

91

B. Nilalaman

Ang Kuwento ng Aking Paaralan

C. Sanggunian

Siglo 1 (Batayang Aklat sa Agham Panlipunan), pp. 172–184

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 172 at “Mag-isip Tayo!!” sa p. 173. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot sa mga tanong sa nabanggit na pagsasanay.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salitang vision-mission. Ipaliwanag ang kahulugan nito at talakayin sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang nauunawaan sa nakatalang vision-mission ng kanilang paaralan.

Page 92: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

92

3. Panlinang na Gawain

Ipakita ang vision-mission ng paaralan. Ipabasa ito sa mga mag-aaral. Pagkatapos ng pagbabasa ay tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang mga naunawaan sa nakatalang vision-mission ng kanilang paaralan. Gabayan ang mga mag-aaral dahil maaaring malalim ang nasabing vision-mission.

4. Pangwakas na Gawain

Ipagawa ang pagguhit ng simbolo. Ipalabas sa mga mag-aaral ang kanilang mga pangkulay at lapis. Mula sa vision-mission ng paaralan ay pagawain ang mga mag-aaral ng isang simbolismo na maglalarawan sa kanilang paaralan. Ipaguhit ito at pakulayan. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga sagot.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 175–176. Ipaproseso ang mga kasagutan sa mga katanungan.

Page 93: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

93

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 173–174. Talakayin kung ano ang pagkakakilala ng mga mag-aaral sa mga tauhang nabanggit sa kanilang paaralan.

3. Panlinang na Gawain

Pangkatin sa lima ang mga mag-aaral. Papunan sa bawat pangkat ang isang graphic organizer. Papunan sa mga mag-aaral ang sumusunod:

Pangalan ng Paaralan

Bilang ng Estudyante sa Bawat Klasrum

Sino-sino ang bumubuo sa inyong paralan?

Page 94: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

94

4. Pangwakas na Gawain

Itanong sa mga mag-aaral: “Sa mga tauhan sa isang paaralan, sino sa inyong palagay ang pinakamahalaga?” Siguraduhin na mauunawaan ng mga mag-aaral na lahat ng tauhan sa paaralan ay may mahalagang papel na ginagampanan at nakatutulong sa lahat anuman ang kanilang responsibilidad.

5. Takdang-aralin

Paghandain ang mga mag-aaral ng isang presentasyon gamit ang school hymn ukol sa ginagampanan ng mga tauhan sa paaralan sa araw-araw para masiguro ang kanilang magandang kinabukasan.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipakita sa mga mag-aaral ang liriko ng school hymn kaalinsabay ng pagpaparinig sa mga ito ng awit. Ipasagot pagkatapos sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa p. 181.

2. Talasalitaan

Talakayin sa mga mag-aaral ang kahulugan ng school hymn gayundin ang kahalagahan nito.

Page 95: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

95

3. Panlinang na Gawain

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pabuuin ang mga mag-aaral ng isang interpretasyon ng kanilang school hymn. Ipaalala na dapat makita sa kanilang presentasyon ang malasakit sa kanilang paaralan. Bigyan ng ilang minutong paghahanda at pagkatapos ay ipakita sa klase ang presentasyon ng lahat.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso sa mga mag-aaral ang ginawa nilang presentasyon at bigyan sila ng marka para sa pagbibigay ng feedback.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay A–B sa “Pagtataya” sa pp. 182–183.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 184.

Page 96: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

96

Mga Sagot sa Pagsasanay

Natuklasan mo na ba? (p. 175)

1. St. Mary’s College2. 19163. katekismo lamang ang itinuturo rito pero hindi

nagtagal ay nagturo rin ito ng ibang asignatura para sa estudyante sa elementarya

(p. 176)

1. upang tumanggap ng estudyante sa hayskul2. namamahala sa lahat at sumisiguro na maayos ang

paaralan3. upang lalong maging mahusay4. Ang mga sagot ay maaaring magkakaiba.

Pagtataya

A. (p. 182)

Page 97: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

97

Aralin 3 – Mga Gawain at Tungkulin Ko sa Paaralan

I. Layunin

1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang mga gawain at tungkulin ng isang mag-aaral sa isang paaralan;

2. Nakabubuo ng tuntunin na susundin ng klase sa loob ng kanilang klasrum; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang mga mag-aaral ay inaasahan na gagampanan ang mga gawain at tungkulin sa loob ng paaralan. Para matamo ang pagkatuto sa pagbasa, pagsulat, at pagbilang ay mahalaga na gawin ang mga pagsasanay. Mahalaga rin na gampanan ng mga mag-aaral ang mga tungkulin upang matutuhan ang pagiging masipag at responsable.

B. Paksang Aralin

Mga Gawain at Tungkulin Ko sa Paaralan

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 185–196

Page 98: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

98

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 185. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 186–187. Ipasagot din ang mga katanungan sa p. 187 at iproseso ang mga kasagutan ukol dito.

3. Panlinang na Gawain

a. Pagawain ng diary entry ang mga mag-aaral. Magpakita ng guidelines sa pagsulat ng entry sa kanilang diary. Ipatala sa kanila kung ano-ano ang kanilang ginagawa kapag sila ay nasa paaralan sa sumusunod na mga oras:i. 7:00 ii. 8:00 iii. 9:00 iv. 10:00 v. 11:00 vi. 12:00

Page 99: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

99

b. Ipaalala sa mga mag-aaral na gumawa ng mas makulay at magandang diary entry. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga sagot.

4. Pangwakas na Gawain

Atasan ang mga mag-aaral na gumawa ng “pinaka–” na listahan. Pagawain sila ng “Top 5” na mga ginagawa nila sa paaralan. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 188–189. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang bahaging ito pagkatapos ay iproseso ang mga tumpak na sagot.

2. Talasalitaan Ipakilala sa mga mag-aaral ang

pagkakaiba ng tungkulin sa gawain. Magbigay ng halimbawa upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin.

Page 100: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

100

3. Panlinang na Gawain

Magpakita ng larawan at hayaan ang mga mag-aaral na isalarawan at ipaliwanag ang mga larawang ipakikita: i. flagceremonyii. batang nag-aaraliii. bata sa kantina

4. Pangwakas na Gawain

Itanong sa mga mag-aaral: “Bukod sa mga larawan, ano-ano pa ang mga tungkulin ng isang batang katulad niyo sa paaralan? Iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa p. 193. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang salitang alituntunin. Magbigay ng ilang halimbawa upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang konseptong ito.

Page 101: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

101

3. Panlinang na Gawain

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang bawat pangkat ng mga alituntunin sa klasrum na naaangkop upang lalong maging maayos ang kanilang silid-aralan. Bigyan ng ilang minutong paghahanda at pagkatapos ay ipamahagi ito sa klase.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang mga ginawa ng mga mag-aaral at bigyan ng marka ang mga ito.

5. Pagtataya

Ipasagot ang pagsasanay A–B ng “Pagtataya” sa pp. 194–195.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 196.

Page 102: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

102

Mga Sagot sa Pagsasanay

Pagtataya (pp. 194–195)

A. 1. G2. T3. G4. T5. G6. G7. T8. T9. G10. T

B. 1. J2. L 3. L4. J5. J

Page 103: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

103

Aralin 5 – Kahalagahan ng Pag-Aaral

I. Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang mga dahilan kung bakit nag-aaral ang isang tao;

2. Nakabubuo ng isang talata na naglalaman ng nais matamo ng mga mag-aaral lima o 10 taon mula ngayon; at

3. Nauunawaan ng mga mag-aaral kung bakit kailangang mag-aral ang isang tao.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang pag-aaral ay isang karapatan at pagkakataon na ating natatamo sa tulong ng ating mga magulang. Nalilinang ang ating pag-iisip at natututo tayong bumasa, sumulat, at bumilang na gagamitin natin sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Ang edukasyon din ang nagsisilbing susi sa mas magandang kinabukasan.

B. Paksa

Kahalagahan ng Pag-aaral

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 211–223

Page 104: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

104

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 211 at “Mag-isip Tayo!” sa p. 212. Iproseso ang mga tumpak na sagot at tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga sagot.

2. Talasalitaan

Ipasagawa ang larong “Text Twist” gamit ang salitang pag-aaral. Pabuuin ng iba pang salita ang mga mag-aaral mula sa mga titik na ito. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral at tumawag ng ilan upang magbahagi ng kanilang sagot.

3. Panlinang na Gawain

Ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwento ng batang si Emil na may pamagat na “Sana Ako Ikaw.” Pagkatapos basahin ang kuwento ay iproseso ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katanungan na nasa p. 214.

Page 105: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

105

4. Pangwakas na Gawain

a. Tanungin ng isang prosesong tanong ang mga mag-aaral: “Kung ikaw si Emil, ano-ano ang iyong gagawin?”

b. Bigyan ng pagpapaliwanag at pagpapalalim ang maibibibigay na sagot ng mga mag-aaral.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na?” sa p. 215. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga sagot.

2. Talasalitaan

Ipakita sa mga mag-aaral ang mensahe na ang “Edukasyon ang pinakamahalagang kayamanan ng isang tao.” Itanong kung ano ang ibig sabihin nito sa kanila. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga sagot.

3. Panlinang na Aralin

Talakayin sa mga mag-aaral ang iba’t ibang kahalagahan ng pag-aaral na nakatala sa aklat. Tanungin din ang mga

Page 106: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

106

mag-aaral ng iba pang kahalagahan bukod sa mga nakasulat.

4. Pangwakas na Gawain

Isagawa ang “Think-Pair-Share.” Ibabahagi ng mga mag-aaral sa kanilang katuwang o katabi ang kanilang saloobin tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral. Bigyan sila ng ilang minuto upang makapag-usap. Tumawag ng ilang magkakapares upang maibahagi nila ang kanilang mga sagot.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magbalik-aral ukol sa nakaraang tinalakay. Gumamit ng fishbowl kung saan nakasulat ang lahat ng pangalan ng mga mag-aaral. Kapag nabingwit o nabunot ng guro ang pangalan ng mag-aaral ay sasagutin nito ang tanong na: “Bakit mahalaga sa isang tao ang mag-aral?”

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang kahulugan ng talata at pangungusap. Paghahanda ito para sa gagawing talakayan.

Page 107: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

107

3. Panlinang na Gawain

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 218–219. Basahin ang buong tula upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral. Bigyan sila ng ilang minuto upang masagutan ang pagsasanay.

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ng talata ang mga mag-aaral. Bubuuin nila ang talata sa pamamagitan ng mga panimulang pangungusap na ito:

a. Unang Pangungusap: Limang taon mula ngayon, ako ay . . .

b. Ikalawang Pangungusap: Sampung Taon ang lumipas, ako ay . . .

c. Ikatlong Pangungusap: Labinlimang taon mula ngayon, ako ay isa ng . . .

5. Pagtataya

Pasagutan ang pagsasanay A–B sa “Pagtataya” sa pp. 220–222.

6. Takdang-aralin

a. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 223.

Page 108: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

108

b. Pasagutan ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 225–228.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Pagtataya (pp. 220–222)

A. 1. b 3. b 2. a 4. b

B. 1. b 4. e 2. a 5. c 3. d

Markahang Pagsasanay

Sagutan (pp. 225–226)

1. b 4. b2. d 5. d3. c 6. b

Pag-isipan (pp. 226–227)

1. Joshua2. ikapito ng umaga3. gumalang sa ibang tao lalo na sa mga nakatatada at

maging tahimik lalo na kung nasa silid-aralan, 4. Hindi ka lamang matututong bumasa, sumulat, at

bumilang dahil nahahasa rin ang mga kakayahan.

Page 109: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

109

IKAAPAT NA MARKAHANAKO AT ANG AKING KAPALIGIRAN

Pagsasabuhay ng Mithiin:

Naipamamalas ang pag-unawa sa mga konsepto ng distansiya sa paglalarawan ng sariling kapaligirang ginagalawan tulad ng tahanan at paaralan, gayundin ang pangangalaga sa mga ito.

Kakailanganing Katanungan:

Bakit mahalaga ang kapaligiran at paano natin ito mapangangalagaan?

Aralin 1 – Ako at ang Aking Tahanan

I. Layunin

1. Nailalarawan ang iba’t ibang mga bahagi ng tahanan;

2. Nakagagawa ng isang scrapbook ukol sa kahalagahan ng bawat bahagi ng tahanan sa isang pamilya; at

3. Napahahalagahan ang pagiging maayos at komportable ng bawat tahanan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang bahay ay may iba’t ibang bahagi. Ang mga bahaging ito ay nakapagbibigay sa

Page 110: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

110

atin ng maginhawang pamumuhay sa araw-araw nating pamamalagi rito. Nailalarawan natin ang kinalalagyan ng kagamitan sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang katawagang panlokasyon.

B. Paksa

Ako at ang Aking Tahanan

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 230–243

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa pp. 230–231 at “Mag-isip Tayo!” sa p. 231. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 232–233. Iproseso ang mga salitang nakasalungguhit.

Page 111: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

111

3. Panlinang na Gawain

Ipakilala sa mga mag-aaral ang ilan sa mga direksiyong ginagamit sa paglalarawan ng kinalalagyan ng isang bagay o lugar. Talakayin ito. Gawing batayan ang konsepto ng “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 233–238. Magbigay rin ng ilang larawan at tukuyin ang direksiyon sa pamamagitan ng paglalarawan.

4. Pangwakas na Gawain

Magsagawa ng maikling pagsusulit. Mula sa mga larawan ay magtanong. Ang halimbawa ng mga tanong ay:i. Ano ang nasa pagitan ng refrigerator

at upuan? Sagot: bentiladorii. Ano ang nasa itaas ng kalan? Sagot: kabinetiii. Anong gamit ang nasa dulong kanan

ng larawan? Sagot: TV

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magpakita muli sa mga mag-aaral ng isa pang larawan ng tahanan. Magbalik-aral sa konsepto ng direksiyon gamit ang larawan.

Page 112: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

112

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang kaibahan ng tahanan sa bahay. Ipaunawa nang maigi sa mga mag-aaral ang konseptong ito lalo sa pagbabago sa pamilyang Pilipino sa kasalukuyan.

3. Panlinang na Gawain

Gamit ang presentasyon ay magpakita ng larawan ng iba’t ibang bahagi ng tahanan. Magpakita rin ng bahagi ng katawan ng tao at iugnay ito sa bawat bahagi ng tahanan. Ipalarawan ito sa mga mag-aaral at talakayin ang mga konsepto upang higit nilang maunawaan.

4. Pangwakas na Gawain

Tanungin ang mga mag-aaral: “Alin sa mga bahagi ng tahanan ang pinakapaborito niyo?” Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kanilang mga sagot.

5. Takdang-aralin

Magdala ng folder, bond paper, at colored papers, pandikit, gunting, at mga larawan mula sa iba’t ibang bahagi ng tahanan.

Page 113: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

113

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magpakita ng flashcards at tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang madalas na ginagawa sa sumusunod na bahagi ng tahanan:i. Kuwartoii. Salaiii. Kusinaiv. Hardinv. Banyo

2. Talasalitaan

Ipahanda sa mga mag-aaral ang mga kakailanganin sa paggawa ng scrapbook. Ipaliwanag ang mga panuto upang magawa nila nang mas maayos at mas maganda ang kanilang scrapbook.

3. Panlinang na Gawain

Pagawain ng scrapbook ang mga mag-aaral. Ipadikit ang mga larawan na kanilang dinala sa folder at lagyan nila ang bawat isa ng paglalarawan o titulo ang bawat larawan.

Page 114: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

114

4. Pangwakas na Gawain

Papiliin ng ilang magagandang scrapbook ang mga mag-aaral at ibahagi ito sa klase.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay A–C sa “Pagtataya” sa pp. 240–242.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 243.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (pp. 230–231)

Page 115: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

115

Natuklasan mo na ba? (pp. 233–235)

1. kusina – tabi ng kanilang sala2. plorera – ibabaw ng mga lamesa3. kuwarto – pagitan ng mga kuwarto ng kanyang

ate at kuya4. hardin – kaliwang bahagi ng kanilang bahay

Pagtataya

A. (p. 240) B. (p. 241)

Page 116: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

116

Aralin 2 – Ang Lokasyon ng Bahay at ng Paaralan

I. Layunin

1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang konseptong may kaugnayan sa direksiyon;

2. Nakabubuo ng mapa mula sa sariling bahay patungo sa paaralan; at

3. Napahahalagahan ang kaalaman sa direksiyon at mapa sa pang-araw-araw na pamumuhay.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Sa kabuuan, umiikot ang talakayan sa kahalagahan ng pangunahing direksiyon: hilaga, timog, kanluran, at silangan. Mas madali itong maaalala sa mga katawagang: itaas para sa hilaga, ibaba para sa timog, kaliwa para sa kanluran, at kanan para sa silangan.

B. Paksa

Ang Lokasyon ng Bahay at ng Paaralan

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 244–253

Page 117: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

117

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 244 at “Mag-isip Tayo!” sa p. 245.

2. Talasalitaan

a. Ipabasa sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 245–246 at iproseso ang maliit na kuwento. Ipakilala ang mga konsepto tulad ng sumusunod:i. direksiyonii. mapaiii. hilagaiv. kanluranv. timogvi. silangan

3. Panlinang na Gawain

Magsagawa ng isang laro. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay dapat mayroong whiteboard at whiteboard marker. Maghanda ng iba’t ibang tanong na may kinalaman sa direksiyon. Hango ang mga tanong

Page 118: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

118

sa mga larawang ipakikita. Isusulat ng bawat pangkat ang kanilang mga sagot sa kanilang whiteboard at magkakaroon ng puntos ang makakukuha ng tamang sagot.

4. Pangwakas na Gawain

Tanungin ang mga mag-aaral ukol sa direksiyon. Magbigay ng ilang mga bagay sa paaralan at gamit ang direksiyon ay ipalarawan sa mga mag-aaral kung nasaan ang mga ito gamit ang konsepto ng direksiyon.

Halimbawa:flagpoleSagot:nasaharapngPrincipal’sofficeang

flagpole

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa p. 247. Iproseso ang mga tumpak na kasagutan.

2. Talasalitaan

Balikan ang mga konsepto ukol sa direksiyon na tinalakay.

Page 119: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

119

3. Panlinang na Gawain

Talakayin ang isang paglalarawan ng mapa na kung saan ipinakikita ang paaralan at ang iba pang mga institusyon at lugar na nasa paligid nito. Gamitin ang konsepto ng direksiyon upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mapa.

4. Pangwakas na Gawain

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” na sa pp. 249–251.

5. Takdang-aralin

Magpadala sa mga mag-aaral ng mga larawan ng iba’t ibang mga gusali o estruktura na matatagpuan bago makarating sa paaralan. Pagdalahin din sila ng 1/8 illustration board, pandikit, gunting, at iba pang art materials. Maghanda sa paggawa ng mapa. Tulungan ang mga mag-aaral sa bahaging ito.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Balikan ang natutuhan ng mga mag-aaral ukol sa mga gusali na maaaring

Page 120: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

120

makita sa pagbagtas ng daan patungo sa paaralan.

2. Talasalitaan

Talakaying muli sa mga mag-aaral ang kahulugan at kahalagahan ng mapa.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipahanda ang gamit ng mga mag-aaral sa paggawa ng mapa.

b. Gabayan ang bawat pangkat sa paghawak ng mga gamit sa paglikha ng mapa ng paaralan.

4. Pangwakas na Gawain

Tingnan ang mga ginawang mapa ng mga mag-aaral. Pagkatapos ay bigyan ng marka ang kanilang mga gawa.

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Pagtataya” sa p. 252.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 253.

Page 121: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

121

Mga Sagot sa Pagsasanay

Natuklasan mo na ba? (p. 247)

1. Palaruan2. Silid-aklatan3. Kantina4. Tanghalan

Tuklasin Mo (pp. 250–251)

1. Bahay ni Rheena2. Bahay ni Kobe3. Bahay ni Mandy4. Bahay ni Missy5. Kanang bahagi ng bahay ni Benjie6. Silangan ng Bahay ni Mandy o Hilaga ng Bahay ni

Kobe7. isang kanto lamang ang layo o isang “block” ang layo8. Kanluran ng Bahay ni Mandy o Hilaga ng Bahay ni

Missy9. Hilagang Kanluran10. Wala

Pagtataya (p. 252)

1. a. gitna – swingb. hilaga – seesawc. kanluran – slided. silangan – monkey bare. timog–fishpond

Page 122: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

122

2. a. Kanluran ng seesaw o Hilaga ng slideb. Silangan ng seesaw o Hilaga ng monkey barsc. SilanganngfishpondoTimogngmonkeybarsd. KanluranngfishpondoTimogngslide

Page 123: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

123

Aralin 3 – Mga Mahahalagang Lugar Sa Pamayanan at Transportasyon

I. Layunin

1. Naiisa-isa at natatalakay ang iba’t ibang mga lugar sa pamayanan at mga transportasyon na nagagamit upang marating ang mga lugar na ito;

2. Nakabubuo ng isang kuwento ukol sa isang paglalakbay ng isang mag-aaral gamit ang konsepto ng transportasyon; at

3. Napahahalagahan ang pagiging maingat at laging handa upang maiwasan ang mga aksidente.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Maraming iba’t ibang estruktura ang kailangan ng mga tao sa pang-araw-araw na pamumuhay katulad ng paaralan upang matuto, pamilihan upang makabili ng pagkain, simbahan upang manalangin, ospital upang makapagpagamot, at iba pa. Makatutulong din ang iba’t ibang uri ng transportasyon katulad ng bus, dyip, kotse, at iba pa upang mapadali ang pagtungo natin sa iba’t ibang estruktura at lugar.

Page 124: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

124

B. Paksa

Mga Mahahalagang Lugar sa Pamayanan at Transportasyon

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Aralin Panlipunan), pp. 254–269

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 254 at “Mag-isip Tayo!” sa p. 255. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga sagot.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang wordhunt puzzle sa “Alam mo ba?” sa pp. 255–256. Bigyan sila ng ilang minuto upang magsagot at pagkatapos ay ipasagot ang mga sumunod na katanungan. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang sagot.

Page 125: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

125

3. Panlinang na Gawain

Magpakita ng larawan kung saan naroroon ang iba’t ibang estruktura na nakapalibot sa isang bahay. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano ang kanilang mga nakikita sa larawan. Isa-isang ipaliwanag ang gampanin ng mga estrukturang ito.

4. Pangwakas na Gawain

Tanungin ang mga mag-aaral kung ano pang mga estruktura ang nakikita nila sa paligid na hindi nakatala sa batayang aklat. Talakayin din ang ginagampanan ng mga estrukturang ito.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 257–259. Iproseso ang mga tumpak na sagot pagkatapos ipabasa ang kuwento sa mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Ipakita sa mga mag-aaral ang salitang transportasyon. Tanungin ang mga mag-

Page 126: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

126

aaral kung ano ang kanilang nalalaman ukol sa salitang nasa pisara. Iproseso ang ilang magagandang sagot ng mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng larawan tungkol sa iba’t ibang transportasyon sa ating bansa. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng mga paglalarawan ukol sa mga ito. Lagyan ng klasipikasyon ang mga larawan:i. Panlupaii. Pantubigiii. Panghimpapawid

4. Pangwakas na Gawain

a. Magsagawa ng maikling pagsasanay. Tukuyin nila kung panlupa, pantubig, o panghimpapawid ba ang mga ipakikitang larawan. Ipalagay sa mga mag-aaral ang sagot sa kanilang kuwaderno:i. pedicabii. helicopteriii. eroplanoiv. barkov. busvi. trenvii. kotse

Page 127: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

127

viii. bangkaix. traysikelx. dyip

5. Takdang-aralin

Magpadala sa mga mag-aaral ng yellow pad paper na gagamitin para sa pagsasanay.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 265–266. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang sagutan ito at iproseso ang mga tumpak na kasagutan.

2. Talasalitaan

Balikan ang kahulugan ng estruktura at transportasyon upang masigurong nauunawaan ng mga mag-aaral ang salitang ito.

3. Panlinang na Gawain

Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral na alalahanin ang ilan sa mahahalagang paglalakbay at pamamasyal

Page 128: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

128

na kanilang nagawa. Ipakuwento ito sa pamamagitan ng pagsulat ng detalye maging ang lugar na kanilang pinuntahan at uri ng transportasyong kanilang ginamit. Ipasulat ito sa yellow pad paper at ipabahagi sa ilang mag-aaral ang kanilang kuwento.

4. Pangwakas na Gawain

Magkuwento rin ng ginawang paglalakbay. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa mga estrukturang nabanggit at mga uri ng transportasyon na kanilang ginamit.

5. Pagtataya

Ipasagot ang pagsasanay A–B sa “Pagtataya” sa pp. 267–268.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 269.

Page 129: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

129

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 254)

1. Traysikel2. Bus3. Dyip4. Kotse5. Eroplano6. Bisikleta

Pagtataya

A. (p. 267)

Page 130: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

130

Aralin 4 – Ako at ang Aking Kapaligiran

I. Layunin

1. Natatalakay ang papel na ginagampanan ng bawat isa sa ating kapaligiran;

2. Nakaguguhit ng poster na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran; at

3. Nauunawaan na ang kapaligiran ay isang yaman na dapat ingatan at alagaan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang ating kapaligiran ay yamang likas na ibinigay sa atin ng Diyos. Ginawa ito upang mapakinabangan ng mga tao ngunit bahagi rin ang tao sa paglinang at pangangalaga nito. Mahalaga ang pagmamalasakit sa kalikasan upang hindi ito masira, maubos, at matagal pang makatulong sa lahat ng mamamayan.

B. Paksa

Ako at Aking Kapaligiran

C. Sanggunian

SIGLO 1 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 270–282

Page 131: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

131

III. Mga Gawain

I. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” sa p. 270. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

2. Talasalitaan

a. Ipabuo sa mga mag-aaral ang sumusunod upang makakuha ng ideya sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang saloobin ukol sa paksa.i. Ang kalikasan ay kayamanan

dahil ___________________.

3. Panlinang na Gawain

a. Magparinig sa mga mag-aaral ng isang awit ukol sa kalikasan. Maaaring ito ay “Paraiso” o “Anak ng Pasig” ng Smokey Mountain. Ipakita rin sa mga mag-aaral ang liriko ng awit upang masundan nila ito o kaya naman ay ipakita ang buong video nito na may liriko.

Page 132: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

132

b. Pagkatapos ay hingin ang saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang narinig.

c. Bigyan ng prosesong tanong ang mga mag-aaral: “Bakit nasira ang ating kapaligiran o kalikasan?”

d. Iproseso ang mga kasagutan ng mga mag-aaral.

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ng isang pangako ang bawat mag-aaral. Ipalagay ito sa kanilang kuwaderno o kaya naman ay sa isang pirasong papel na ididikit sa freedom wall sa loob ng silid.

II. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 272–273. Iproseso ang mga tumpak na sagot.

2. Talasalitaan

Ipasagot ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 271–272.

Page 133: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

133

3. Panlinang na Gawain

Talakayin sa mga mag-aaral ang iba’t ibang mga paraan kung paano maaaring makatulong ang isang batang tulad nila sa kanilang kapaligiran. Magpanood ng video ukol dito bago ang talakayan. Talakayin ang kanilang magagawa sa tahanan at sa pamayanan upang manatiling malinis at maayos ang paligid.

4. Pangwakas na Gawain

Tanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano ang mga nakasanayan sa kanilang sariling bahay at pamayanan tungkol sa paglilinis ng kapaligiran. Ipakuwento ito sa mga kapwa nila mag-aaral.

5. Takdang-aralin

Magdala ng oslo paper, pangkulay, at lapis. Maghanda sa paggawa ng isang poster ukol sa pangangalaga sa kalikasan.

III. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 278–279. Ipabasa ang tula at ipaproseso ang mga tumpak na sagot sa pagsasanay.

Page 134: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

134

2. Talasalitaan

Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang sagot sa tanong bilang 3 ng “Tuklasin Mo.” Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng sagot.

3. Panlinang na Gawain

Magpakita sa mga mag-aaral ng ilang halimbawa ng poster na may kinalaman sa pag-aalaga sa kalikasan. Gamit ang oslo paper, lapis, at pangkulay ay pagawain rin sila ng isang poster na nagpapakita ng kanilang pagmamalasakit sa kapaligiran.

4. Pangwakas na Gawain

Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang poster sa klase.

5. Pagtataya

a. Ipasagot ang pagsasanay A–B ng “Pagtataya” sa pp. 280–281 at ang “Gumawa Tayo” sa p. 282.

b. Pasagutan ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 284–287.

Page 135: UNANG MARKAHAN AKO AY NATATANGI Pangunahing ......sa Patinig Tatlong Pangalan na Nagsisimula sa Katinig Pangalan ng Guro Tatlong Kaklase na ang Edad ay Anim na Taon Tatlong Palayaw

135

Sagot sa mga Pagsasanay

Pagtataya

A. (p. 280)

1. P 6. 2. P 7. P3. 8. P4. P 9. 5. P 10. P

Markahang Pagsasanay

Sagutan (p. 284)

1. c2. a3. b4. c5. d

Pag-isipan (pp. 285–286)

1. Maggie2. subdibisyon sa Quezon City3. sikat na pamilihan4. swimming pool5. Naibibigay ng kanyang nanay ang lahat ng kanyang

pangangailangan at gusto.