2
Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 02 Sangay ng Isabela Regional Science High School-Cagayan Valley Tumauini, Isabela MGA PLANONG GAWAIN SA SELEBRASYON NG BUWAN NG WIKA 2014 A. Rationale Hindi matatawaran ng alinman ang halaga ng isang wika. Sa pamamagitan kasi nito’y nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Tulad ng wikang Filipino, na siyang wika mo, wika ko, ang wika nating lahat! Ito ang wikang nagbubuklod sa bawat mamamayan ng Pilipinas. Anuman ang lahi at anuman ang pinagmulan, patuloy na nagkakaisa ang bawat Pilipino dahil sa ating wika - ang tatak ng ating lahi. Kaya marapat lamang nating ipagbunyi at itanghal ito. Ang kadakilaan ng wika’y naitatanghal sa pamamagitan ng Buwan ng Wika, isang selebrasyon alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997. Ang kautusan na siyang nagtakdang ipagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa mula ika-1 hanggang ika-30 ng Agosto kada taon. Bilang mga tagapagtaguyod sa wikang Filipino, ang Samahan ng Filipino ng Regional Science High School ay naghanda ng mga gawaing nagpapakita ng pagmamahal sa wika na nakabatay sa tema ng pagdiriwang ngayong taon, Wika ng Pagkakaisa. Ang pagdiriwang ay nahati sa mga gawaing pangklasrum at labas ng paaralan, isang programang pangkawanggawa. Ang pagtatampok sa mga gawaing nalinang ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay maisasagawa sa loob ng klasrum upang maiwasan ang abala sa klase ng iba pang mga asignatura. B. Mga Layunin

wikang filipno

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Rationale sa buwan ng wika

Citation preview

Republika ng PilipinasKagawaran ng EdukasyonRehiyon 02Sangay ng IsabelaRegional Science High School-Cagayan ValleyTumauini, Isabela

MGA PLANONG GAWAIN SA SELEBRASYON NG BUWAN NG WIKA 2014

A. Rationale

Hindi matatawaran ng alinman ang halaga ng isang wika. Sa pamamagitan kasi nitoy nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Tulad ng wikang Filipino, na siyang wika mo, wika ko, ang wika nating lahat! Ito ang wikang nagbubuklod sa bawat mamamayan ng Pilipinas. Anuman ang lahi at anuman ang pinagmulan, patuloy na nagkakaisa ang bawat Pilipino dahil sa ating wika - ang tatak ng ating lahi. Kaya marapat lamang nating ipagbunyi at itanghal ito. Ang kadakilaan ng wikay naitatanghal sa pamamagitan ng Buwan ng Wika, isang selebrasyon alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997. Ang kautusan na siyang nagtakdang ipagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa mula ika-1 hanggang ika-30 ng Agosto kada taon. Bilang mga tagapagtaguyod sa wikang Filipino, ang Samahan ng Filipino ng Regional Science High School ay naghanda ng mga gawaing nagpapakita ng pagmamahal sa wika na nakabatay sa tema ng pagdiriwang ngayong taon, Wika ng Pagkakaisa. Ang pagdiriwang ay nahati sa mga gawaing pangklasrum at labas ng paaralan, isang programang pangkawanggawa. Ang pagtatampok sa mga gawaing nalinang ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay maisasagawa sa loob ng klasrum upang maiwasan ang abala sa klase ng iba pang mga asignatura.

B. Mga Layunin

Layunin ng pagdiriwang na ito na makamit at maisakatuparan ang mga sumusunod:

1. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041,2. Mahikayat ang lahat na makiisa sa mga programang nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko,3. Maganyak ang mamamayang Filipino na pahalagahan ang wikang Filipino sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa,4. Itampok ang kahalagahan ng wika bilang mahalagang kasangkapan tungo sa pagkakaisa,5. Lalo pang mamulot ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng pagpapaunlad, pagpapalaganap, pagsasaliksik at pagpepreserba ng Wikang Pambansa.6. Ipamalas ang mga talino ng mga mag-aaral sa larangan ng sining at panitikan.

C. Mga GawainTingnan ang kasunod na pahina.